Layunin ng Praymer hinggil sa Pambansang industriyalisasyon na ipaliwanag ang pambansang industriyalisasyon, mga kongkretong batayan sa pagtataguyod nito at ang papel ng mamamayan sa pagsusulong at pagkakamit nito.
Presentation version: https://goo.gl/2Cbt0a
2. 2
1. Ano ang Pambansang Industriyalisasyon?
Ang Pambansang Industriyalisasyon (National Industrialization o NI) ay
proseso ng pagtatatag at pagpapaunlad ng iba’t ibang antas at uri ng
mga industriya na siyang magpapasigla ng ekonomiya at tutustos sa
mga pangekonomiyang pangangailangan ng isang bansa, tungo sa
transpormasyon ng ekonomiya nito mula sa pagiging agraryan
patungong industriyal.
Kalakhan sa mga mauunlad na bansa ay dumaan sa industriyalisasy-
on. Kinatangian ito ng reporma sa lupa at pagmemekanisa ng
produksyong agrikultural, pagtatatag ng malalaking pabrika at empresa
sa iba’t ibang antas at sektor, at pagbuhos ng rekurso sa pananaliksik
at pagpapaunlad ng teknolohiya at kagamitang ginagamit sa produksy-
on.
Ngunit kaiba sa industriyalisasyong naganap sa mga bansang ito, ang
NI ay hindi lang simpleng pagtatatag at pagpapaunlad ng mga industri-
ya. Para sa mga atrasadong bansa gaya natin, ang pambansang ka-
tangian nito ay nangangahulugan ng pagbuwag sa kasalukuyang ko-
lonyal na sistema ng pamumuhunan, produksyon at kalakalan.
Kailangang baguhin ang sistemang pang-ekonomiya na pangunahing
nakabatay sa pagluluwas ng hilaw na sangkap na likha ng agrikultura
at pagmimina, pag-angkat ng mga yaring produkto at kapital, at muling
pagluluwas ng mga angkat na produktong muling inasembol o muling
inimpake.
Kapalit ng sistemang ito ay
itatatag ang sistema sa
ekonomiyang naka-asa sa
sarili. Wala sa layunin ni-
tong paunlarin ang
produksyon para sa pag-
likha ng labis na produkto
at tubo. Lahat ng ito ay
Pagawaan ng sasakyan sa Germany. Larawan mula
sa Wikipedia.com.
3. 3
2. Bakit mahalagang paunlarin ang mga indus-
triya para sa maunlad na ekonomiya?
Napakahalaga ng papel ng industriya sa pambansang pagpapaunlad.
Dito nagmumula ang mga kasangkapan at makinarya na ginagamit sa
produksyon. Kapag napaunlad kapwa ang kagamitan sa produksyon
maging ang proseso ng paglikha ng mga ito ay napapataas ang
produktibidad ng mga sakahan at pagawaan. Ito ay susi sa
paghuhubog ng isang moderno at dibersipikado na ekonomiya.
Sa industriya rin nagmumula ang mga kagamitang kinakailangan ng
mamamayan – kabilang dito ang public utilities gaya ng kuryente at
tubig, obras publikos para sa
transportasyon at
komunikasyon, at mga
kagamitan para sa araw-araw
na konsumo gaya ng damit,
gamit sa bahay, at iba pa. Ang
pera na umiikot mula sa
pagbenta at pagbili ng mga
produkto ng industriya ang siya
ring bumubuhay sa ekonomiya .
Ang pagtatayo din ng mga industriya sa Pilipinas ang magbibigay ng
batayang pangangailangan at sapat na trabaho para sa mga
mamamayan. Milyun-milyon ang maaaring magkaroon ng disenteng
trabaho sa mga empresa sa manupaktura. Bilang nakakawing ang
para matiyak na natutugunan ang lahat ng pangangailangan ng mama-
mayan.
Nangangahulugan naman ang industriyalisasyon ng kumprehensibong
pagtatatag at pagpapaunlad ng lahat ng antas ng industriya: ang heavy
industries o mabigat na industriya na salik para sa paglikha ng mga
makina at sangkap para sa produksyon; ang medium o intermediate
industries o intermedyong industriya na naglilikha ng mga spare parts
para sa produksyon; at ang light industries o magaan na industriya na
lumilikha ng mga produktong pangkonsumo para sa buong bayan.
4. 4
3. Kaya ba nating mag-industriyalisa? Anu-ano
ang mga rekursong mayroon tayo na mag-
agamit sa industriya?
Kayang-kaya ng Pilipinas na magindusriyalisa. Mayroon tayong
malawak at mayamang natural resource base:
a) Malawak ang kalupaan sa Pilipinas na likas na mataba at pabor
na pabor sa agrikultura. Nandiyan din ang regular na tag-ulan at mga
ilog at bukal na madaling pagkukunan ng irigasyon para sa mga
pananim. Kasalukuyang nasa mahigit 12.4 milyong ektarya (katumbas
ng 41.7% ng kabuuang kalupaan) ang tinatamnan ng iba’t ibang
produktong halaman sa bansa. Nangunguna dito ang palay na
sinundan ng niyog, mais, saging, tubo, cassava, mangga, rubber, atbp.
b) Napakasagana ng ating aquatic (marine/inland) resources. Dahil
sa pulo-pulong katangian ng ating bansa ay napakarami at
napakalawak ng erya na mapagkukunan ng iba’t ibang yamang tubig.
Mayroon tayong mahigit 200 milyong ektarya ng karagatan, 421 na ilog,
at mahigit 69 na lawa. Sa dami ng nakukuhang isda sa Pilipinas ay
kinilala ito noong 2011 bilang ika-5 na prodyuser ng isda sa buong
mundo. Ang mga bodies of water ng ating bansa ay hindi lamang
mapagkukunan ng mga isda at iba pang produkto kundi may potensyal
industriyalisasyon sa pag-unlad ng agrikultura, lilikha din ito ng
kondisyon na magpapataas sa kakayahang bumili ng mga
magsasaka—ang mayorya ng ating populasyon.
Kasabay ng pagtatatag ng mga industriya sa bansa ay yayabong din
ang ating agham at teknolohiya. Ang pag-unlad ng kaalaman at
teknolohiyang mayroon tayo ay magpapabilis pang lalo sa pag-unlad
ng produksyon. Tatapusin nito ang pag-asa ng ating bansa sa
dayuhang teknolohiya at sa halip ay itataguyod ang lokal na pag-
akumula ng kaalaman at teknolohiya.
Makakatulong din ang NI para lumikha ng soberanong ekonomiya.
Dahil ang lokal na manupaktura na ang tutugon sa pangangailangan
ng lokal na konsyumer, hindi na aasa ang bansa sa mga likhang
produktong imported. Tatapusin nito ang dominasyon ng malalaking
5. 5
ding gamitin para sa patubig sa agrikultura’t industriya, transportasyon,
at enerhiya.
c) Likas na mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang mineral. Ito’y
dahil nagmula ang kalupaan ng bansa sa mga maiinit na bato mula sa
kailim-laliman ng lupa na iniluwal ng mga sinaunang bulkan na pumutok
sa ilailm ng dagat. Sa katunayan, kinikilala tayong ika-5 bansa sa
buong mundo sa dami ng yamang mineral. Tinatayang aabot sa 58.1
bilyong metric tons ang kabuuang reserbang mineral ng bansa.
Binubuo ito ng 13 metallic at 29 non-metallic minerals. Ika-3 tayo sa
pagprodyus ng ginto, ika-4 sa copper, ika-5 sa nickel, at ika-6 sa
chromite sa buong mundo.
d) Marami tayong mapagkukunan ng enerhiya. Maraming pwedeng
mapagkunan ng enerhiya sa Pilipinas. Bukod sa mga power plant na
karaniwang gumagamit ng panggatong na uling o langis para
makapagprodyus ng kuryente, nariyan rin ang planta gaya ng
Malampaya na gumagamit ng natural gas. Mayaman ang Pilipinas sa
natural gas, na isang klase ng panggatong na matatagpuan sa ilalim ng
dagat o ng lupa. Tinatayang aabot sa 39.5 trillion cubic feet ang
reserbang natural gas taglay ng Pilipinas.
Pwede ring kunan ng enerhiya ang mainit na tubig na kumukulo sa
Ilan sa mga yaman ng Pilipinas na maaaring magamit sa industriyalisasyon.
6. 6
ilalim ng lupa na malapit sa mga bulkan. Ang ganitong geothermal
energy ay may napakalaking potensyal sa Pilipinas. Sa katunayan,
pumapangalawa lang tayo sa US bilang pinakamalaking prodyuser ng
geothermal energy sa mundo. Tinatayang aabot sa 2,600 MW ang
maaaring malikhang enerhiya mula sa geothermal resources natin.
Ang mahigit 400 na ilog na matatagpuan sa bansa ay may malaki ring
potensyal na pagkunan ng hydrothermal energy. Ayon sa pag-aaral ng
National Renewable Energy Laboratory (NREL) sa US, halos lahat ng
probinsya sa bansa ay pwedeng pagkunan ng enerhiya mula sa micro
hydro (hanggang 100 kW). Tinatayang aabot sa 13,097MW ang
potensyal na energy na pwedeng i-generate mula sa iba’t ibang
hydropower plants sa buong bansa.
Pwede ring gamitin ang init ng araw para magprodyus ng enerhiya
gamit ang solar energy. Tinatayang nasa 128 hanggang 203 watts/sqm
ang pwedeng makuhang enerhiya mula sa araw saanmang lugar sa
Pilipinas.
Paborable ding pagtayuan ng mga wind farm ang ating mga
kabundukan at mga baybaying laging binabayo ng malalakas na hangin
para mapagkunan ng enerhiya. Ayon sa NREL, may 10,000 sq km
tayong kalupaaan na may malaking potensyal para sa wind farming.
Tinatayang aabot sa 70,000 MW ang potensyal na maaaring ma-
generate nito na enerhiya.
Isa pang pwedeng gamiting panggatong sa mga power plant ang
biomass gaya ng sugarcane bagasse, coconut residues, at rice hull.
Tinatayang umabot ng 323.1 milyong barrels of oil equivalent ang
potensyal na suplay ng biomass sa bansa noong 2012.
e) Malaki ang potensyal ng ating human resources
Milyun-milyon ang ating pwersa sa produksyon. Sa tantsa ng
gobyerno noong Hulyo 2014, aabot sa mahigit 26 milyon ang skilled
workers na may trabaho sa Pilipinas. Halos 2 milyon dito ay mga
propesyunal. Wala pa rito ang mga pwersa sa produksyon na hindi
makakuha o hindi makapagtrabaho.
Kinikilala ang Pilipinas na isa sa mga pinakamalaking source ng skilled
labor sa buong mundo. World-class pa nga kung babansagan ang ating
7. 7
Sa matagal na panahon, hinubog ang ating ekonomiya ng malalaking
bansa, partikular ng Estados Unidos, upang maging supplier ng hilaw
na materyales at lakas-paggawa sa kanilang sariling bayan sa
balangkas ng isang dambuhalang assembly line o global value chain.
Umaasa din tayo sa mga yaring podukto galing sa labas ng bansa
upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipinong
consumer.
Nagawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga polisiya at mga
kasunduang nakakiling sa kanilang pakinabang sa balangaks na rin ng
neo-liberal na globalisasyon. Halimbawa sa mga kasunduang ito ay ang
mga kasunduan sa ilalim ng World Trade Organization (WTO) , Asia-
4. Ano ang sumasagka sa pagtataguyod ng NI
sa Pilipinas?
Deindustriyalisasyon. Grap mula sa 2013 Birdtalk, publikasyon ng Ibon Foundation.
*Ang datos para sa 2013 ay para lamang sa unang tatlong kuwarto ng taon.
mga manggagawang nangingibang-bayan. Noong 2013 nasa halos 2.3
milyong Pilipino ang nagtatrabaho bilang overseas Filipino worker o
OFW. Halos 7 sa 10 OFW na nasa abroad ay skilled o semi-skilled
worker.
8. 8
5. Paano isasagawa ang NI sa Pilipinas?
a) Pagpapaunlad ng agrikultura
Ang pagtatayo ng pambansang industriya ay mahigpit na naka-
kawing at naka-integra sa pagpapaunlad ng agrikultura na
pagkukunan nito ng suplay ng hilaw na materyales para sa
manupaktura. Kung gayon, masasabing ito ang base ng
industrialisasyon.
Upang magawa ito,
kailangan ang (1) tunay na
reporma sa lupa upang
mawala ang kontrol ng iilan
sa lupa (at kaakibat nitong
pagsasamantala sa mga
magsasaka) at (2)
modernisasyon at
mekanisasyon ng
Pacific Economic Cooperation (APEC) at Association of Southeast
Asian Nations , at mga bilateral agreements katulad sa Japan.
Sa ganitong kalagayan, nawalan ng pagkakataon na sumigla ang mga
lokal na industriya sa bansa. Sa kabaligtaran, nagbunsod pa nga ito ng
pagka-agnas ng mga industriya, na tinatawag na de-industriyalisasyon.
Ang bahagi ng manupaktura at konstruksyon sa gross domestic product
(GDP) ay dumausdos mula noong 1960s – ang manupaktura mula
25.4% ng GDP tungong 22.6% at ang konstruksyon mula sa mataas na
7.1% tungong 5.5%.
Ang ganitong karakter ng ekonomiya ang pumipigil sa Pambansang
Industriyalisasyon, na pinapalala pa ng kawalan ng interes at
paninindigan ng mga nakaraang administrasyon upang isulong ang NI.
Sa halip, ang naging tuon ng mga patakarang pang-ekonomiya ng mga
nagdaang administrasyon ay ang mang-akit ng dayuhang
pamumuhunan. Pinatunayan ng ilang dekada ng pagsalig natin sa
dayuhang pamumuhunan na hindi ito ang sagot upang mag-
industriyalisa ang Pilipinas.
Mahigpit na kaugnay ng industriyalisasyon
ang panawagan ng mga magssaka para sa
lupa. Larawan mula sa KMP.
9. 9
6. Paano mapapaunlad ang agham at teknolo-
hiya sa ilalim ng NI?
Nananatiling bansot at atrasado ang kalagayan ng agham at
teknolohiya sa Pilipinas. Isang sanhi nito ay ang kawalan ng batayang
mga industriya na sana’y mangangailangan ng bagong kaalaman at
kagamitan para sa pagpapahusay ng produksyon.
Ang kakaunting teknolohiya na mayroon sa bansa ay
nakokonsentra pa sa iilan. Ang mayorya ng
teknolohiya na gamit sa mga empresa sa
bansa ngayon ay likha at pagmamay-ari ng
dayuhan. Napakaliit ng teknolohiyang
nalilikha ng mga Pilipino kumpara sa mga
dayuhan.
Upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad
ng agham at teknolohiya sa industriya—at
kaakibat na pagpapasikad ng bagong teknolohiya sa
pag-unlad ng produksyon—kailangang siguruhing ipauuna ang
prayoridad sa pag-aakumula ng lokal na teknolohiya at kaalaman.
Dapat ibasura o baguhin ang mga patakaran at polisiyang
agrikultura upang mapalaki at mapasigla ang produksyon ng pagkain
at hilaw na materyales.
b) Pagtatayo ng mabibigat na industriya
Pangunahing salik ng industriyalisasyon ay ang pagtatayo ng
mabibigat na industriya o mga industriyang lumilikha ng capital
goods o mga kagamitan at makinarya na mataas ang kapitalisasyon
at ginagamit para sa paglikha ng iba pang produkto at serbisyo.
Kabilang dito ang industriya ng bakal, kemikal, langis, electronics, at
precision instruments.
c) Pagpapatibay at pagre-reorient sa mga magagaan na industriya
Mula sa kasalukuyang import-dependent at for-export na
oryentasyon ng magagaan na industriya, babaguhin ito at huhubugin
para magsilbi pangunahin sa lokal na pangangailangan gamit ang
sarili nating hilaw na materyales mula sa ating agrikultura.
10. 10
Ang pangunahing layunin ng NI ay ang pagtugon sa batayang pan-
gangailangan ng mamamayan—seguridad sa trabaho, sapat na sa-
hod, at maunlad na lokal na ekonomiyang nakasasapat sa sarili.
Kung gayon, dapat palaging mamamayani ang kapakanan ng sam-
bayanan :
Kailangan ang maayos at masusing pag-aaral, pagpaplano at
pagpapatakbo ng ekonomiya. Ito ay dapat nakabatay sa pan-
gangailangan ng mamamayn at hindi sa paghahabol ng sobra-
sobrang tubo ng malalaking kapitalista.
Kailangan ang masiglang paglahok ng mamamayan sa NI—
mula sa pagpaplano hanggang sa aktuwal na pagpapatakbo ng
mga empresa.
Dapat siguruhin ang matalino at likas-kayang paggamit ng mga
rekursong pangkalikasan. Iiwasan ang lahat ng mapandambong
na gawi sa industriya.
Dapat respetuhin ang karapatan ng mamamayan para sa ligtas
at mapayapang pamumuhay. Kabilang dito ang karapatan ng
pambansang minorya na magpasya sa sarili, ang karapatan ng
mga manggagawang mag-unyon at lumahok sa pangkalaha-
tang pagpaplano ng ekonomiya.
Kailangang paunlarin at payabungin ang ekonomiyang rural.
Kaugnay ng tunay na reporma sa lupa, ang NI ay mangan-
7. Ano pa ang mga mahahalagang punto
na dapat isaalang-alang sa NI?
nagpapahintulot ng konsentrasyon ng teknolohiya sa mga dayuhang
impresa.
Susi dito ang matibay na suporta ng gobyerno—mula sa pagpondo sa
edukasyong pang-agham, sa pananaliksik, hanggang sa pag-aalaga
sa kapakanan ng mga siyentista at inhinyero. Para tugunan ang
pangangailangan ng industriya para sa abanteng teknolohiya,
maaaring umasa sa simula sa ibang bayan na mayroong
teknolohiya—sa layuning matutunan ito ng mga lokal na eksperto sa
pamamagitan ng technology transfer.
11. 11
8. Ano ang dapat natin gawin para maisulong
ang NI?
Pinatunayan ng kasaysayan na ang tunay at makabuluhang pagbabago
ay hindi nakakamit nang madalian. Bagkus, ang landas nito ay ma-
salimuot at matarik. Nasa ating mga kamay ang pagsulong ng
pagbabago—ng Pambansang Industriyalisasyon.
Ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na buhaying muli ang
industriya ng bakal ay isang magandang simula. Malawak ang su-
portang nakamit ng pa-
hayag na ito ni Duterte.
Ngunit di lingid sa pub-
liko na ang mga ar-
kitekto sa ekonomiyang
nakapaligid kay Duterte
ay kiling sa pagpapatu-
loy ng kasalukuyang
bangkaroteng sistemang
pang-ekonomiya.
Kailangang
pagbantayan at tutulan
ito ng mamamyan upang lubusang maisulong ang NI.
Kaugnay ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GPH,
kung saan ang NI ang isang mayoryang laman ng agenda para sa re-
pormang sosyo-ekonomiko, kailangan ang maigting na pakikilahok ng
mamamayan para iparinig ang ating mga panawagaan sa parehong
panig. Kailangan din ang mainit na suporta para sa pagpapatuloy ng
usapang ito dahil ang mamamayan ang may pinakamalaking taya sa
pambansang industriyalisasyon.
gahulugan ng pag-desentralisa ng kaunlaran mula sa sentrong
urban patungong kanayunan.
Kaugnay ng pagtatayo ng nakaasa-sa-sariling ekonomiya,
kailangang siguruhin ang pantay na relasyon sa anumang pa-
pasuking kasunduang pang-kalakalan sa sinumang bansa.
Iiwasan ang pag-asa sa iilan lamang na bansa upang
siguruhing walang dayuhang entidad ang naka-domina sa
ekonomiya.
12. 12
Agham - Advocates of Science and Technology for the People
2F Elden Tejada Bldg., #2 KH St., Brgy West Kamias, Quezon City
(02) 998 4226 | agham.national@gmail.com
FB:@agham.org | Twitter: @AghamNasyunal
Hinggil sa pabalat
Ang larawan sa harap na pabalat ay kuha sa
isang mural na ginamit sa martsa ng mama-
mayan noong unang State of the Nation Ad-
dress (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte
noong Hulyo 2016. Isinasalarawan nito ang
aspirasyon ng mamamayan para sama-
samang isulong ang Pambansang Industri-
yalisasyon—na babasag sa tanikala ng ka-
hirapan—sa pamamagitan ng paggamit ng
lokal na kaalaman at teknolohiya, mga
rekurso at lakas paggawa para sa pam-
bansang pag-unlad.
Ang mural ay likha ng mga artista mula sa
Panday Sining, KARATULA, Sining
Kadamay, at UgatLahi. Bahagi ito ng Murals
for Change. Ang larawan ay kuha ni Mon
Ramirez.