Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Upcoming SlideShare
Walang sugat
Next
Download to read offline and view in fullscreen.

137

Share

Download to read offline

Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes

Download to read offline

Buod ng mga eksena sa sarsuwelang 'Walang Sugat' ni Severino Reyes.

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Walang Sugat (summary) ni Severino Reyes

  1. 1. Walang Sugat Dulang akda ni Severino Reyes
  2. 2. Ibinatay sa Pahanon ng Rebolusyon ng 1896, ang dulang Walang Sugat ay unang naipalabas sa ‘Teatro Libertad’ noong 1902. Tungkol ito sa kawalan ng hustisyang tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang mga temang gamit nito ay pagmamahalan sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay, at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya. Isinulat ito ni Severino Reyes upang ipakita sa lahat ang kanyang pahayag laban sa imperyalismo. Ang orihinal na musikang kasama nito ay nagmula kay Fulgencio Tolentino.
  3. 3. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene I) Dumating si Tenyong sa bahay ng kasintahan niyang si Julia. Inabutan niyang nagbuburda si Julia ng isang panyo. Ayaw ni Julia ipakita kay Tenyong ang kanyang gawa. Nakita ni Tenyong na ang panyo ay may mga letra ng kanyang pangalan (Antonio Narcisso Flores) ngunit sabi ni Julia ay para raw ito sa Prayle (Among Na Frayle). Nagalit tuloy si Tenyong at gustong sunigin ang panyo. Sinabi ni Julia na para nga kay Tenyong ang panyo at sila’y nagsumpaan na ikakasal sa altar. Biglang dumating si Lucas/Lukas, isang alalay ni Tenyong, na nagsabing inaresto ang ama ni Tenyong at ilan pang kalalakihan ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde.
  4. 4. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene II) Ang mga pamilya at kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng pagkain sa kulungan. Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang frayle si Kapitan Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na mayroon ng namatay at nag aagaw- buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong.
  5. 5. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene III ) Sinabi ng punong-frayle na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kanyang asawa. Sinabi rin niyang pupunta siya sa Maynila upang sabihin sa Gobernador-Heneral na pakawalan na ang iba pang mga inaresto. Ngunit iba ang plano sabihin ng prayle pagdating duon. Ipapapatay niya ang mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan Inggo ang kanyang pamilya at mga kaibigan bago siya mamatay. Pagkamatay nito, sinumpa ni Tenyong na maghiganti!
  6. 6. Buod ng Unang Eksena (ACT I – Scene IV) Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit anong-pilit ni Julia na tigilan ito. Sa huli, pumayag si Julia at ibinigay kay Tenyong ang kanyang medalyon/agimat. Nagsumpaan muli sila na mamahalin ang isa’t-isa habang-buhay.
  7. 7. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene I ) Sinabi ng ina ni Julia na ikakasal ito kay Miguel, isang mayamang illustrado. Inayawan ito ni Julia. Hindi alam ng kanyang ina na hinihintay niya ang pagbabalik ni Tenyong. Sa kabilang banda, nagsimulang magkarelasyon ang mga alalay nina Julia at Tenyong na sina Monica at Lucas/Lukas.
  8. 8. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene II/III ) Sumunod na linggo, dumating sina Miguel, ang kanyang ama, at isang pari sa bahay nina Julia upang ayusin ang pag-iisang-dibdib nina Miguel at Julia. Kabado si Miguel at hindi masabi ng tama ang kanyang panliligaw kay Julia. Naiba ang usapin ng kasalan nang naging pagrereklamo ito ng pari sa lumalaking problema tungkol sa mga Pilipinong hindi na nagsisimba.
  9. 9. Buod ng Ikalawang Eksena (ACT II – Scene III ) Sa kuta ng mga katipunero, biglang dumating si Lucas/Lukas na may bitbit na sulat para kay Tenyong na galing kay Julia. Nalaman ni Tenyong na namatay na ang kanyang ina at ikakasal na si Julia kay Miguel. Balisa at malungkot sa nabasa, humingi siya ng tulong sa kaniyang heneral. Umatake ang mga Kastila at nagsimula ang labanan.
  10. 10. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III - Scene I) Bumalik si Lukas kay Julia na walang nakuhang sagot mula kay Tenyong. Bumisita muli si Miguel kay Julia at nagsabing magiging engrande ang kanilang kasalan. Nagkunwari si Julia na masakit ang ulo upang iwasan si Miguel.
  11. 11. Buod ng Ikatlong Eksena (ACT III – Scene II / III) Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay itong nakaratay sa karte. Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang huling hiling ni Tenyong. Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat! Walang sugat!”.
  • carmelaarobillo1

    Jul. 10, 2021
  • PrincessCristi

    Mar. 25, 2021
  • KizzyBaruis

    Feb. 23, 2021
  • CjGalang

    Feb. 23, 2021
  • FranzSalveePrudente

    Feb. 20, 2021
  • LouisaJugal

    Feb. 12, 2021
  • NicoSebastian2

    Jan. 18, 2021
  • RomelRemollino1

    Dec. 25, 2020
  • MaricelLumenoque

    Dec. 2, 2020
  • RuscielEvangelista

    Oct. 19, 2020
  • VpaOC

    Oct. 7, 2020
  • MarygenLargoza

    Jun. 14, 2020
  • MarizDe2

    Apr. 23, 2020
  • hay16lia

    Mar. 4, 2020
  • EdnaHaduca

    Mar. 3, 2020
  • MarycrisInfiesto

    Mar. 3, 2020
  • AltheaVillanueva

    Feb. 10, 2020
  • SheehanVillamor

    Feb. 7, 2020
  • FlashBeam

    Jan. 31, 2020
  • MattForcadilla

    Dec. 2, 2019

Buod ng mga eksena sa sarsuwelang 'Walang Sugat' ni Severino Reyes.

Views

Total views

396,988

On Slideshare

0

From embeds

0

Number of embeds

245

Actions

Downloads

2,248

Shares

0

Comments

0

Likes

137

×