2. Mula sa May-Akda: VIRGILIO S. ALMARIO
1. Inihanda bilang panimulang patnubay para sa
mga bagong tagasalin;
a. Dalawang wika ang gagamitin sa pagsasalin
b. Mga paraan ng pagharap ng suliranin at paglutas sa
karaniwang mga suliranin ng paglilipat ng kaisipan,
kaalaman at lara-sa-salita mula sa orihinal tungo sa
pagsasaling wika
2. Layunin na ipakilala sa mga baguhang tagasalin o
nais maging tagsalin ang pundametal na gawain
at kaakibat na tungkulin ng pagsasalin.
3. Ang Pilipinas
• Isang akipelago
• May mahigit 130 na katutubong wika
• Pambansang wika ay Filipino
• Para sa pagpapayaman ng Wikang Pambansa,
kailangang isalin ang mga katutubong wika
saWikang Pambansa
• Itinadhana din sa batas ang pangalagaan ang mga
katutubong wika kaya nararapat na isalin ito
4. ANG WIKA NG PAGSASALIN
• Ang pagsasalin ay iniaayon sa mga salita
kapag ito’y mauunawaan, at ginagawang
malaya naman kapag iyon ay may kalabuan
datapua’t hindi lumalayo kailanman sa
kahulugan.
– PACIANO MERCADO RIZAL (1886)
5. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Tulad ng gawaing pampanitikan, wika ang pangunahing
kasangkapan sa pagsasalin.
• Sa isang pagtanaw, mas mahirap pa ito kaysa gawaing
pampanitikan, dahil dalawang wika ang dapat
pagpakadalubhasaan ng tagasalin sa ordinaryong
sitwasyon.
•Kailangang dalubhasa siya sa Simulaang Lengguwahe
(SL) o ang wika ng isinasaling akda, at ng Tunguhang
Lengguwahe (TL) o ang wikang pinagsasalinan ng akda.
6. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Wika nga ni John Dryden para sa sinumang nais magsalin
ng tula, kailangang “bukod sa isang henyo sa naturang
sining ay (kailangang) dalubhasa kapuwa sa wika ng
kaniyang awtor at sa kaniyang sarili. Hindi rin
kailangang nauunawaan lámang natin ang wika ng
makata kundi maging ang kaniyang natatanging takbo
ng isip at paraan ng pagpapahayag, na mga katangiang
ikinabubukod at sa ganoong paraan ay ikinaiiba niya sa
lahat ng ibang manunulat.
7. ANG WIKA NG PAGSASALIN
• …Kapag isinaalang-alang natin ito, kailangang isaloob
natin na ibagay ang ating henyo sa kaniya, na idulot
ang takbo ng kaniyang isip alinsunod sa kaniyang takbo
ng isip, at kung ipahihintulot ng ating dila, o kung hindi
man, bahagyang ibahin ngunit hindi ang kasuotan, at lalo
nang hindi iibahin o sisirain ang sustansiya.”
8. ANG WIKA NG PAGSASALIN
• Bílang alagad ng Wikang Pambansa ay malimit kong
makaengkuwentro ang isang pangunahing problema sa
pagsasalin tulad ng:
1. “Ano ba ang journalism sa Filipino?
2. “Wasto bang itawag ang ‘punong-guro’ sa prinsipal?
3. “Bakit walang katumbas sa Filipino ang jus sanguinis?
4. “Kelan po ba mainam gamítin ang ‘metamorposis’ at kelan ang
‘banyuhay’?”
9. ANG WIKA NG PAGSASALIN
• Kung tutuusin, pinatutunayan ng mga binanggit kong
engkuwentro ang katotohanan ng sinabi ni Roman Jakobson na
hinaharap natin araw-araw sa iba’t ibang okasyon ang
pagsasalin.
• Ngunit nais ko ring ituon ang ating pansin sa matanda’t
pangunahing problema ng tagasalin— ang paghahanap ng wasto
at angkop na pantumbas sa isinasaling salita.
10. ANG WIKA NG PAGSASALIN
• Sa kabilâng bandá, malimit naman nating marinig na
“imposibleng maging siyento porsiyentong matapat” dahil sa
simpleng pangyayari na walang dalawang wika sa mundo na
magkatulad. Pero bakit idinidiin noon pang panahon ni John
Dryden ang pagiging matapat ng salin sa orihinal? Kung
babalikan ang kasaysayan, may dalawang ugat na Kanluranin
ang mahigpit na panghihingi ng katapatan sa pagsasalin.
11. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Una, ang “lunggating Dryden” na nakasalig sa
paniwalang may superyor at may imperyor na wika,
alinsunod sa antas ng sibilisasyon at kapangyarihang
pampolitika ng lipunan.
•Ikalawa, ang iniatas na paghihigpit sa interpretasyon ng
“teksto ng pananampalataya.” Ang Bibliya ay “Salita ng
Diyos,” sagrado, at kayâ kailangang napakaingat ang
pagsasalin upang hindi mámalî ng interpretasyon.
12. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Subalit balikan muna natin si John Dryden. Sa totoo lang,
hindi makatarungan ang pagpapangalan ko sa kaniya ng
“lunggating Dryden.” Sa kaniyang introduksiyon sa salin
niya kay Ovid noong 1680 ay mapapansin ang kaniyang
di-karaniwang kaalaman hinggil sa pagsasalin at sa mga
kahingian ng naturang sining. Inuri niya ang paraan ng
pagsasalin sa tatlo.
13. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Una, ang “metaprase,” o ang wika nga niya’y literal na
paglilipat sa isang awtor nang salitasa-salita at linya-sa-
linya túngo sa ibang wika.
•Ikalawa, ang “paraprase” o pagsasalin sa kahulugan ng
sinabi ng awtor ngunit sa paraang nababago at
nadadagdagan ang kaniyang wika.
•Ikatlo, ang “imitasyon” o ganap na kalayaang lumihis sa
salita at kahulugan ng awtor kayâ nagdudulot lámang ng
pangkalahatang pahiwatig mula sa orihinal.
14. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•Imposibleng ipahiwatig ang una, ang metaprase, dahil
may higpit ang gámit ng Latin na mahirap ipahayag sa
“mga makabagong dila.
•Ikalawa, maluwag ang paraprase
•Ikatlo, peke naman ang tingin sa imitasyon.
15. ANG WIKA NG PAGSASALIN
•At sa kabilâ ng sinasabi niyang mga limitasyon ng
makabagong wikang gaya ng Ingles upang maitapat sa
kapangyarihan ng antigong Griego at Latin, malakas pa
rin ang hangarin niyang maisa-Ingles ang kagandahan ng
akda sa Griego o Latin. Sa sariling salita, lunggati niyang
“pagsalitain si Vergil sa Ingles na tulad ng pagsasalita
niya kung ipinanganak siya sa England at sa ating
panahon.”