4. Pagdidilig ng halaman
■ Diligin araw-araw
■ Diligin sa hapon o sa
umagang-umaga
■Ingatan ang pagdidilig
upang hindi mapinsala ang
halamang didiligan.
5. ■ Iwasang malunod ang halaman, lalo
na yaong mga bagong lipat na punla.
■ Iwasan ang malakas na pagbuhos ng
tubig.
■ Kung ang gamit mo ay rigadera
kailangan iyong maliliit lamang ang
butas.
■ Upang manatiling mamasa-masa ang
lupa, diligin din ang lupang
nakapaligid sa mga tanim.
6. Kahalagahan ng
pagbubungkal ng lupa
■ Madaling darami ang mga ugat ng
tanim
■ Madaling mararating ng tubig ang
mga ugat. Higit na malusog ang
halaman kapag maraming ugat
■ Maluwag na makakapasok ang
hangin sa halaman
7. Dapat isaalang-alang sa
pagbubungkal ng lupa
■ Bungkalin ang lupa kung ito ay
mamasa-masa. Ito ay ginagawa
kung hapon o kaya sa umaga.
Gawing katamtaman ang
pagbubungkal. Dapat bungkalin
nang mababaw lamang ang mga
halamang gulay.
8. Kailan dapat maglagay ng
abono
■ Ang pataba ay maaaring ilagay bago
magtanim, habang nagtatanim, o
pagkatapos magtanim. Ngunit ang
pinakamagandang panahon ng
paglalagay ng pataba ay habang maliit
pa ang tanim bago ito mamunga. Sa
panahong ito, kailangan ng tanim ang
sustansiya mula sa lupa.