4. KABIHASNANG SUMER
Ang Mesopotamia
ang kinilala bilangcradle
of civilization dahil dito
umusbong ang unang
sibilisadong lipunan ng
tao.
Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang
Silangan na tinawagna
Fertile Crescent kung saan
matatagpuan ang kambal-
ilog na Tigris at Euprates.
8. Sistemang Panlipunan
Sa usaping pamumuhay
may espesyalisasyon ang mga
Sumerian na nagbigay-daan
sa pag-usbong ng uring
panlipunan. Mataas ang tingin
sa mga pinunong hari,
kasunod nito ang mga
mangangalakal, artisano, at
mga scribe, at sa huli ay mga
magsasaka at alipin.
9. Mga Ambag ngSumerian
Isa sa mga ambag ng mga
Sumerian ay ang sistema ng pagsulat
na tinawag ba cuneiform kung saan
naitala ng mga scribe sa mga clay
tablet ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap.
10. Iba pangkontibusyon
• Epic of Gilgamesh
• Araro at mga kariton
na may gulong
• Palayok
• Perang pilak
• Lunar calendar
• Decimal system
12. KABIHASNANG INDUS
Sa Timog Asya makikita ang
lambak-ilog ng Indus at Ganges.
Dito umusbong ang kabihasnang
Indus.
13. May dalawang importanteng lungsod
ang umusbong dito, ang Harappa at
Mohenjo-Daro. Planado at organisado ang
mga lungsod na ito na ipinakita sa mga
lansangang nakadisensyo sa kuwadrado
(grid-patterned) at pare-pareho ang sukat
ng bloke ng kabahayan.
Sistemang Pampulitikaat
Pang-ekonomiya
15. Pinalagay na ang mga Dravidian ang
bumuo ng kabihasnangIndus.
Pinamunuan ang kabihasnang ito ng
mga haring pari.
Pagsasaka ang ikinabuhay ng mga
tao dito.
Natuto rin silang makipag-
kalakalan sa mga karatig lungsod.
Sistemang Pampulitikaat
Pang-ekonomiya
17. Mga Ambag
Ang mga Dravidian
ay gumamit ng mga
pictogram bilang sistema
ng pagsulat, ngunit
hanggang ngayon aywala
paring nakakaalam kung
ano ang kahulugan ng
mga ito. PICTOGRAM
18. KABIHASNANG INDUS
Naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus . May paliwanag ang
iskolar dito. Ayon sa kanilang teorya :
1. Kalamidad
2. Pananakop
Ngunit walalang matibay
na ebidensyang naipakita sa
mga paliwanag na ito.
20. KABIHASNANG SHANG
Ito ang kabihasnang
nagsimula sa lambak ng
Huang Ho sa China na
tinawag ding Yellow River
dahil pagkatapos ng pagbaha
ang tubig nito ay nag-iiwan
ng loess o dilaw na lupa na
nagsisilbing pataba sa
lupaing agrikultural na
malapit dito.
21. Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
May mga pamayanan ng umusbong
dito bago ang Shang. Ito ang kalinangan
ng Yanshao (3000 BCE – 1500 BCE) at
Lungshan (2500 BCE -
2000 BCE). Pagtatanim ang pangunahing
gawain sa panahong ito.
22. Ang Lungshan ay naging transisyon
tungo sa Kabihasnang Shang. May
hinalang may naunang dinastiya na
natatag dito, ang Xia subalit wala itong
matibay na basehan ebidensyang
arkeolohikal.
Sistemang Pampulitika at
Pang-ekonomiya
25. Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa
kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng
maraming pangkat ng tao
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang
bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga
ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
26. 2. Ito ang pinakamahalagang lungsod
sa Kabihasnang Indus.
A.Tigris at Euphrates
B.Ur at Uruk
C.Huang Ho at Yang tze
D.Mohenjo-Daro at Harrapa
27. 3. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng
Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D.Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal
system
28. 4. Ano ang tawag sa templong dambana na
itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila
bilang dambana ng kanilang diyos o
diyosa?
A.Great Wall of China
B.Taj Mahal
C.Ziggurat
D.Hanging Garden
29. 5. Ito ang sistema ng pagsulat na
ginagamit ng kabihasnang
Shang.
A.cuneiform
B.pictograph
C.calligraphy
D.oracle bones
30. Takdang Aralin:
1. Magsaliksik at lumikom ng mga datos
mula sa aklat o internet tungkol sa
kaisipang Asyano sa pagbuo ng Imperyo.
2. Paano nabuo ang imperyo batay sa mga
pananaw, tradisyon at paniniwala na
nagsilbing haligi ng kanilang pag unlad?
Ipaliwanag.