5. • Dami ng produkto at serbisyong nais
bilhin sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon.
• Nagsisimula sa mga hilig, kagustuhan
at pangangailangnan na dapat
matugunan.
• May isang produkto o paglilingkod
kapag makapagbibigay ito ng kasiyahan
o makatutugon sa isang
pangangailangan.
6.
7. - Isang talaan na nagpapakita ng bilang
ng isang bagay o produkto sa
itinalagang presyo.
15. Variable Epekto
Sariling presyo
•Pagtaas ( )
•Pagbaba ( )
Kita
•Pagtaas ( )
•Pagbaba ( )
Panlasa
•Kapag nasa uso
•Nawala sa uso
Klima
•Tag –init
•Taglamig
Presyo ng kaugnay na produkto
•Pagtaas ng presyo ng baboy
•Pagbaba ng presyo ng baboy
Pagbabago sa rami ng demand
•Pagbaba pag – akyat ng kurba
•Pagtaas pagbaba ng kurba
Pagbabago sa rami ng demand
•Karagdagang dami ng demand
•Paglipat ng kurba ng demand tungong kanan
•Pagbawas ng rami ng demand
•Paglipat ng kurba ng demand tungong kaliwa
•Pagtaas ng produktong nasa uso
•Pagbaba ng demand
•Pagtaas ng demand ng palamig, abaniko, soft drink at
sorbetes , air conditioner.
•Pagbaba ng demand para sa kasuotang pangginaw
•Pagbaba ng demand para sa air conditioner.
•Pagtaas ng demand ng manok, karneng baka at isda.
•Pagtaas ng demand ng baboy.
32. Ito ay nagpapakita na hindi
nagbago ang dami ng Q sa
pagbabago ng presyo.
A) GANAP NA DI – ELASTIK NA
DEMAND
Presyo, P
D
P3
P2
P1
Dami, Q
Q
Ito ay nagpapakita na hindi
nagbago ang presyong P sa
alternatibong dami ng
demand.
B) GANAP NA ELASTIK NA DEMAND
Presyo, P
P D
O Dami, Q
Q1 Q2 Q3
33. Maaari ring maunawaan ang konsepto ng elastisidad
sa pamamagitan ng sumusunod na mga pamantayan
% sa pagbabago ng dami ng demand
∑ = ------------------------------
% sa pagbabago ng presyo
%∆Q
∑ D = -----
%∆P
Q2 – Q1
Q
∑ = --------
P2 – P1
P
34. Paraan ng pagbasa ng equation at ang
ipinahihiwatig nito.
Delta Q; ito ang ginagamit na simbolo ng pagbabago sa dami.
Upang makita ang pagbabago sa rami ng demand ang dating
dami. Q1 ay ibinabawas sa bagong dami Q2
Antas ng pagbabago sa rami. Upang makita ang antas n
pagbabago sa rami ng demand, ang bagong dami ng demand Q2
ay iniaawas ang dating dami ng demand Q1 at hahatiin ng
pinagsamang Q2 at Q1 na nahati naman sa dalawa.
Delta P. nagpapahiwatig ng pagbabago sa presyo at makukuha sa
pamamagitan ng pag-aawas ng dating presyo P1 mula sa bagong
prsyo P2.
Antas ng pagbabago ng presyo ay makukuha sa pamamagitan ng
pag-awas ng dating presyo P1 mula sa bagong presyo P2 at
hahatiin ng pinagsamang presyo pagkatapos na hatiin sa dalawa.
35. Sa pangmatematikong
pagtutuos, mababatid kung
elastik, di-elastik o unitary ang
demand sa pamamagitan ng
koepisyente nito. Bilang
gabay, kung higit sa 1 ang
koepisyente ng demand, ito ay
elastik; kung mababa sa 1, di-
elastik; at kung pantay sa
1, unitary.
36. Halimbawa, ipagpalagay na may isang
kalakal na nagkakahalaga ng P10 at may
demand dito na 200 yunit. Nang
tumaas ang presyo nito sa P14, bumaba
ang demand sa 80 yunit. Alamin ang
elastisidad ng demand para sa nasabing
produkto.
37. Kilalanin ang mga variable: Q1 = 200 yunit
P1 = P 10.00
Q2 = 80 yunit
P2 = P14.00
Q2 – Q1
Q1 + Q2
2
∑ D = --------
P2 – P1
P1 + P2
2
80 – 200
200 + 80
2
∑ D = --------
14 – 10
10 + 14
2
- 120
280
2
∑ D = --------
4
24
2
- 120
140
∑ D = --------
4
12
- 86
∑ D = --------
.333
∑ D = - 3
38.
39. May kaukulang pagtugon o reaksyon ang pagbabago ng
presyo sa pagbabago ng dami ng suplay. Tulad ng
demand, may ganitong pantayan ang antas ng
pagtugon.
QS = dami ng suplay
P = presyo
%∆S
∑ S = -----
%∆P
QS2 – QS1
QS1 + QS2
2
∑ D = --------
P2 – P1
P1 + P2
2
Kung saan:
∑ S = Koepisyente ng elastisidad
40. Nangangahulugan ang suplay na elastik na higit
na mataas ang bahagdan ang pagbabago sa
rami ng suplay kaysa bahagdan ng pagbabago
sa presyo. Samakatwid, mataas kaysa 1 ang
koepisyente ng elastisidad ng suplay sa
presyo. Nagpapahiwatig ng talagang kaugnay
ang suplay sa pagbabago ng presyo. Sa
kabilang dako, kapag mababa sa 1 ang
koepisyente, nangangahulugan na higit na
mababa ang bahagdan ng pagbabago sa rami
ng suplay kaysa bahagdan ng pagbabago sa
presyo. Hindi sensitibo sa pagbabago ng
presyo ang mga negosyante sa ganitong
pagkakataon. Kapag pantay naman sa 1 ang
koepisyente, unitary ang suplay ng produkto.
41. KATAWAGAN PAGLALARAWAN SUKAT NG ELASTISIDAD SA
BILANG O NUMERO
1. Ganap na di - elastik 1. Walang pagbabago ang dami ng
demand/suplay habang
nagbabago ang presyo
1. Sero
2. Di – elastik 2. Higit na maliit ang antas ng
pagbabago sa dami ng
demand/suplay kaysa sa
pagbabago sa presyo
2. Higit na mataas sa sero,
subalit higit na mababa sa isa.
3. Unitary 3. Katumbas sa antas ng
pagbabago sa presyo ang dami ng
demand/suplay
3. Isa
4. Elastik 4. Ang dami ng demand/suplay ay
nagbabago nagng higit sa antas
ng pagbabago sa presyo
4. Higit na mataas sa isa, subalit
hindi bababa sa infinity
5. Ganap na Elastik 5. Handang bumili ang mga
mamimili sa isang takdang presyo
ng isang uri ng paninda. Subalit
kapag nagkaroon ng kahit
kaunting pagtaas sa presyo, hindi
na nila ito bibilhin. Handang
bumili sa isang takdang presyo
ang mga prodyuser, subalit
kapag nagkaroon ng kaunting
pagbaba ng presyo, hindi na sila
magbibili ng kanilang produkto.
5. Infinity
42. Tulad ng demand, mayroon ding hindi pangkaraniwang kaso ng elastisidad ng suplay:
A) GANAP NA ELASTIK NA
KURBA NG SUPLAY
Presyo, P
P S
Dami, Q
O
Q1 Q2 Q3
A) GANAP NA DI - ELASTIK NA KURBA
NG SUPLAY
Presyo, P
S
P3
P2
P1
O Dami Q
Q
May pagbabago sa dami ng suplay, Q1 hanggang Q3, ngunit hindi ito
nakapagpabago sa presyo (P)
Hindi nakapagpabago sa dami ng suplay (Q) ang pagbabago sa presyo (P1
hanggang P3)
43.
44. Bahagi ng pamilihan ng buhay pang-ekonomiko
ng tao. Sa pamilihan nakukuha ng tao ang
kanyang kailangang produkto at serbisyo.
Kung wala sa pamilihan ang kanyang
kailangan, hindi ito matutugunan. Sa
pamilihan itinatatakda kung anong produkto at
serbisyo ang gagawin at kung gaano ito
karami.
Binubuo ang pamilihan ng mga namimili at
nagtitinda ng mga produkto, kalakal at
serbisyo. Sumasakop ang mekanismo ng
pamilihan sa transaksyon sa pagitan ng
nagtitinda at namimili na humantong sa
bentahan. Pinagtitibay ng transaksyon ang
pagpapalitan ng pagmamay-ari sa kalakal o
serbisyo mula sa tindera papuntang mamimili
sa isang pinagkasunduang presyo.
45. May pamilihan ang bawat produktoo serbisyo tulad
sapatos, tela, bigas at iba pa. Bunga ito ng
espesyalisasyon na tumutukoy sa pagbabaha-bahagi
ng paggawa alinsunod sa kakayahan at kasanayan ng
manggagawa at sa distribusyon ng mga pinagkukunang-
yaman. Magkaunay ngunit magkaiba ang konsepto ng
pamilihan at palengke. Tumutukoy ang palengke sa
pisikal na pook kung saan nagtatagpo ang mga mamimili
at nagbibili tulad ng palengke ng Divisoria at iba pa.
Sa loob ng palengke nagaganap ang pagtitinda at
pagbibili ng kalakal. Sa gayon, ibat-ibang pamilihan
ang makikita sa loob ng palengke sa ibat-ibang
panahon.
Maaring lokal, panrelihiyon, pambansa o pandaigdig ang
lawak ng pamilihan.
46.
47. Bakit mataas ang presyo ng isang produkto kung
minsan at may panahon namang mababa ang presyo
nito?
Naiimpluwensyahan ng presyo ang dami ng demand at
suplay at naapektuhan din ang presyo ng suplay at
demand.
Gayunpaman, hindi malimit magbago ang presyo ng lahat
ng produkto. May mga produktong nananatiling
matatag ang presyo. Epekto rin ang ganitong
sitwasyon ng interaksyon ng pwersa ng suplay at
demand.
48. Kapag pinagsama ang kurba ng suplay at
demand, lumilitaw ang konsepto ng ekilibriyo. Ito ang
kalagayan ng pamilihan na makatugma ang pwersa ng
demand at ng suplay. Sa gayon, wala ng tawarang
magaganap at walang mamimili o negosyanteng mabibigong
bumili o magbibili sa umiiral na presyo.
Iba-iba ang dami ng pangangailangan ng mga mamimili at
ang dami ng suplay na handang ipagbili ng mga prodyuser
sa ibang presyo. Kapag mababa ang presyo ng
produkto, tataas ang demand para rito. Taliwas ang
mangyayari kapag mataas ang presyo ng produkto.
Nababawasan ang demand at dumarami ang inaasahang
ang mangyayari sa rami ng suplay. Kapag mataas ang
presyo ng produkto (at walang pagbabago sa ibang
bagay), inaasahang tataas ang dami ng suplay na handang
ipagbili ng prodyuser.
49. Presyo bawat kilo
(P)
Dami ng Demand
(libong kilo bawat buwan)
Dami ng Suplay
(libong kilo bawat buwan)
1 5 5 20
14 7 15
1 3 10 10
12 12 5
11 15 1
51. Maaaring magbago ang ekilibriyong
presyo sa pamilihan batay sa
pagbabago ng demand o suplay. Kung
ang suplay ang magbabago bagaman
walang pagbabago sa demand, ano
kaya ang magiging pagbabago sa
ekilibriyong presyo at sa rami ng
produkto?
52. DALA NG PAGBABAGO SA SUPLAY
Presyo
15
5
5
10
1510 20
P2
P1
Q1
D
S2
S1
E2
E1
Q2 DAMI (Q)
53. DALA NG PAGBABAGO NG DEMAND
Presyo
15
10
5
5 10 15 20
DAMI (Q)
P1
P2
E1
E2
S
D2
D1
55. • Kung maraming produsyer ang isang produkto,
magpapaligsahan ang mga ito upang makaakit ng mga mamimili
nang sa gayon, maging mabili ang kanilang produkto
• Maaaring sa kalidad ng produkto, estilo, materyal na ginamit,
garantiyang ibinibigay at mga karagdagang paglilingkod tulad
ng libreng paghahatid, pagkakabit, pagkukumpuni at iba pa.
• Maaari ring sa presyo ang kompetisyon. Kung alin ang mas
mababang presyo, iyon ang tatangkilikin ng mga mamimili.
• Kung malaya ang kompetisyon, walang produsyer na
makapagpatataas nang labis sa kanyang presyo sapagkat
madaling makakalipat sa iba ang mga mamimili.Sa
pamamagitan nito nakikinabang ang mga mamimili dahil
nagkakaroon sila ng pagkakataong makapamili ng produkto sa
kalidad at presyong ibig nila.
56. • Kung malaya ang kompetisyon, walang prodyuser na
makapagpapataas nang labis sa kanyang presyo
sapagkat madaling makalilipat sa iba ang mga
mamimili.
• Sa panig naman ng produsyer, isang paraan ang
pag-iral ng malayang kompetisyon kung paano
makapapanatili sa pangangalakal ang mahusay na
produsyer o ang sistema ng produksyon ay higit na
mabisa kaysa iba. Madaling mawala sa kompetisyon
ang hindi mahusay na produsyer. Kaya sa
kompetisyon, ang mga produsyer na mabisa ang
sistema ng produksyon ang kadalasang natitira sa
lamang sa pamilihan.
57. • Limitado ang kompetisyon at kung mayroon
man, iyon ay sa kalidad ng produkto, mga
karagdagang serbisyo at iba pa. kadalasan,
walang kompetisyon sa presyo sapagkat
nagkakaroon ng “kasunduan” ang mga
produsyer na magtatakda lamang sila ng
iisang presyo.
58. Ano kaya ang mangyayari kung magbaba ng presyo
ang isa sa mga oligapolista upang makaakit ng
maraming mamimili?
• Magbababa na rin ng kanilang presyo ang
ibang produsyer hanggang sa bumagsak ang
presyo at lumiit ang tubo.
• May maliit ding posibilidad ang labis na
pagpapataas ng presyo sapagkat kung hindi
naman magtataas ng presyo ang ibang
produsyer, mawawalan sila ng mamimili.
59. • Kapag may monopolyo o iisang tagapagsuplay lamang
sa pamilihan, higit na malaki ang pagkakataon ng
monopolista na makontrol ang presyo o ang dami ng
produktong kanyang ipagbibili.upang magiging
kapakipakinabang sa monopolista, kadalasang
kinokontrol nito ang dami ng produktong sinusuplay
niya sa pamilihan.
• Hindi malimit makapagtubo nang labis-labis ang
monopolista.pupunahin ito ng mga mamimili at
mapipilitan ang pamahalaan na makialam sa
pamamagitan ng pagpapairal ng mga regulasyon sa
operasyon ng monopolyo.
60. Ganap
na kompetisyon
Monopolyo Oligopolyo
Katangian Malayang kalakalan
sa pamilihan
Maraming mamimili
at nagbibili
Malayang paggalaw
ng mga sangkap ng
produksyon
Ganap na kaunlaran
Walang kompetisyon
Nag-iisa ang nagbibili ng
produkto
Walang kaunting produkto
Kakayahang humadlang ng
kakompetensya
Negatibong epekto sa mahusay
na paggamit ng sangkap ng
produksyon
Pumapasok ang
pamahalaan sa pagkontrol ng
masamang epekto ng
Malayang
pagkilos
Sabwatan
Hindi
nagtutunggaling
reaksyon
Kompetisyon sa
presyo
61. Epekto sa
demand at
suplay
Sensitibo ang mga
mamimili at nagbibili sa
uri at kalidad ng mga
paninda
Maraming pagsusuri ng
mga negosyante sa gastos
ng mga sangkap ng
produksyon
Dahil sa rami ng mga
kauring
produktong,malawak ang
pagpipilian ng mga
mamimili
Higit na malakas at
malawak na
kapangyarihan sa
pamilihan
Malakas ang kontrol ng
monopolista sa demand
ng produkto
Limitadioang
tunggalian ng pwersa
ng demand at suplay
at pangangailangan
Resulta sa
presyo
Walang kapangyarihan ang
isang mamimili o isang
negosyante sa pagtatakda
ng presyo
Isinasagawa ng
mekanismo ng presyo ang
pagtatakda ng presyo.
Naitatakda ng
monoplistang kompanya
ang presyo at dami ng
ipagbibili sa pamimili
Maaaring magpataas ng
presyo ng produkto ang
pagbabawas ng
produksyon
Nagagawang kontrolin
ang presyo.
Maaaring mababa ang
presyo kapag may
malayang pagkilos ang
mga kapwa negosyante;
o kapag may sabwatan,
kadalasang mataas ang
presyo
62. • Isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga
bahay-kalakal na itakda ang presyo o ang dami
ng produksyon.
• Ipinagbabawal ng batas ang pormal na kartel,
bagaman mahirap tuntunin kung nagkakaroon ng
lihim na kasunduan ang ilang bahay-kalakal sa
isang industriya.maaari ring magkaroon ng di-
pormal na kasunduan na batay sa
pakiramdamdaman.
• Ang pinakamalaking panganib na maaaring
harapin ng kartel ay kung magkaroon ng
pansariling interes na mandaya ang mga kasapi,
isang gawain na tinatawag na chiseling.
63. • Hindi lubhang maganda ang kasaysayan ng
kartel. Marami ang panandalian lamang dahil
sa nagaganap na chiseling. Kung
nagtatagumpay ang kartel dahil ito sa
partisipasyon ng pamahalaan. Kung kasangkot
ang pamahalaan, mahirap mangyari ang
chiseling dahil napaparusahan ang gumagawa.
• Kung ang kartel ay magtatagumpay bilang
isang monopolyo at kumita ng higit na mataas
na tubo, nagsisilbi itong hadlang upang hindi
makapasok ang iabang industriya.
64. Mga interbesyon sa presyo
Buwis
• Bahagi ng gastos sa paggawa ng produkto ang
buwis na ipinapataw sa mga salik ng
produksyon.kung halimbawang inaangkat ang
kagamitang panangkap sa paggawa ng
produkto,ipinagbabayad ito ng buwis na
ipinapataw, higit na tumaas ang presyo ng
produkto. Ang mamimili ang nagiging hindi
twirang nagbabayad ng buwis sa pagbili niya ng
produkto.
65. Papel ng Pamahalaan sa Pagtatakda
ng Presyo
• Malaki ang papel na ginagampanan ng
pamahalaan sa pagtatakda ng presyo. Ang
pamahalaan ang pumipigil sa mga negosyante
na uamabuso sa pagtatakada ng presyo ng
kanilang produkto. Ito rin ang nagtatakda ng
mga presyo ng kalakal, lalung-lalo na ang mga
produktong tumutugon sa pangunahing
pangangailangan.
66. Anti-Profiteering Law
• Sa batas na ito, pinahihintulutan ang
pamahalaan na magtakda ng maximum price sa
mga produktong tumutugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng
pagkain.
Price stabilization policy
• Ito ang direktang pagbibili ng produkto mula
sa mga produsyer nito, tulad ng ginagawa ng
national food administration sa mga palay ng
magsasaka; at pagtatakda ng presyo sa mga
bilihin.
67. Guaranteed Price to Farmers
Sa sistemang ito, malimit na bumibili ng palay
sa mga magsasaka ang pamahalaan sa
itinakdang halaga. Tinatawag itong farm
support price. Hindi nangangahulugang na
kailangang bilhin ng pamahalaan ang lahat ng
inaning palay ng mga magsasaka,umaabot
lamang ng mula sampung bahagdan hanggang 15
bahagdan.
68. • Ipinatutupad ito sa panahon ng emergency kung saan
may malaking kakulangan at kakapusan ang
pamahalaan, gumagawa ng paraan upang makontrol ang
pagtaas ng presyo,lalung-lalo na ng mga produktong
tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
Kadalasang ipinapatupad ang price ceiling, ang sistema
kung saan itinatakda ng pamahalaan ang maaaring
maging pinakamataas na presyo ng isang
produkto(maximum price).
69. 1. Kakapusan ng suplay
Ito ang pagkakataon na iniiwan ng mga
mangangalakal ang kanilang negosyo dahil sa takot
na malugi sa negosyong kanilang pinasukan. Ang iba
naman,itinatago ang kanilang produkto upang sa
gayon, tataas ang presyo nito dahil sa kakapusan aat
saka nila ilalabas ang kanilang produkto. Sa ganitong
paraan, higit na malaki ang kanilang tubo. Ito naman
ang tinatawag na hoarding. Nangyayari pa rin ito
kahit na may karampatang parusa ang sinumang
negosyanteng nagtatago ng produkto sapgkat may
mga opisyal ng pamahalaan na nababayaran.
70. 2. Unreasonable Precautionary Demand
Bumibili ang mga tao ng higit sa kanilang
pangangailangan dahil sa takot na maubusan o
maabutan ng pagtaas ng presyo ng produkto.
Tinatawag itong panic buying. Higit na
naaapektuhan nito ang mahihirap na maaari lamang
bumili nang ayon sa kanilang pangangailangan.
Dahil dito, nawawalan ng saysay sa mga
ordinaryong mamamayan ang price control na
ipinatupad para sa kapakanan ng mahihirap upang
makabili ng produkto sa murang halaga.
71. • Bukod sa pagkontrol sa presyo, maaari ring
magpairal ang pamahalaan ng pagrarasyon ng
produkto upang magkaroon ng pantay na
distribusyon ng limitadong produkto.
Maaaring magpamigay ng kupon na
magsisilbing batayan ng distribusyon upang
maiwasan ang kompetisyon sa pagbili ng
limitadong dami ng produkto, maaaring
magkaroon ng labis na pagpapataas ng
presyo ng mga mapagsamantalang
prodyuser.
72. • Bagaman may pagkontrol sa presyo kung may
kakulangan sa suplay, may mga mapagsamantalang
tindera na palihim na nagbibili ng produkto sa higit
na mataas ang presyo kaysa itinakda ng
pamahalaan. Ito ang tinatawag na black market.
Dahil sa limitado ang dami ng suplay, napipilitan
ang ibang mamimili na magbayad ng higit na mataas
na presyo upang magkaroon lamang ng kailangang
produkto. Sa pag-iral ng black market, lalong
tumaas ang presyo ng produkto.