2. Ang Kabihasnang Romano ay
isa sa dinadakila ng sandaigdigan
na naghatid ng maraming
impluwensya lalo na sa larangan
ng kultura na hanggang ngayon ay
pinahahalagahan pa ng
kasalukuyang henerasyon.
Lipunan at Kulturang Romano
3. Tinawag na kulturang Greco-
Roman ang pinagsanib na kulturang
Griyego at Romano. Hinangaan ng mga
Romano ang pagbubuhos ng
kasalukuyan at katwiran ng mga
Griyego sa anumang larangan.
Idinagdag nila ang kanilang kasanayan
sa organisasyon, pagtatayo ng gusali, at
karunungan sa paggawa ng batas at
pamamahala.
Lipunan at Kulturang Romano
4. Sa panahon ni Augustus
namayani ang panitikang Greco-
Roman. Sa utos niya, gumawa si Virgil,
isang makata, ng tulang epiko, ang
Aenid, na pumupuri sa kakayahan ng
Roma sa pamamahala. Naging isa itong
obra maestra na nagsasalaysay tungkol
kay Aeneas at ang kanyang salinlahi na
pinaniniwalaang pinagmulan ng Roma.
Panitikan
6. Si Horace ay isa ring mahusay na
makata na tumuligsa sa kasakiman ng
mayayamang Romano na naging sanhi
ng kaguluhan sa mga estado.
Samantala, si Ovid naman ang
naglahad ng pamumuhay ng mga taong
nabibilang sa mataas na antas ng
lipunan. Karaniwang tema ng kanyang
likha ay may kinalaman sa kayamanan,
romansa, moda, at iba pang karangyaan.
Panitikan
8. Yari sa bronse at mahahalagang bato
ang mga alahas at pampalamuting bagay sa
Roma. Ipinakikita ng mga Romanong iskultor
ang kakaibang katangian ng tao. Maging ang
kulubot at kulot ay hindi nakalampas sa mata
ng iskultor. Ang wall painting ay isa ring
hinahangaang sining sa Roma. Sa
magagarang tahanan, karaniwang makikita
ang makukulay na sining sa mga dingding
nito tulad ng pinta ng karagatan o iba’t ibang
tagpo sa mga alamat.
Sining at Arkitektura
9. Ang mga arkitektong Romano ay
mahuhusay ring inhinyero. Sila ang
nagdisenyo ng mga amphitheater, public
bath, at templo na may kahanga-hangang
column, arch, at dome. Magaling din sila sa
pagpapatayo ng mga daan, tulay, at aqueduct
(lagusan ng tubig na dumadaloy papunta sa
malalyong lugar).
Sining at Arkitektura
10. Si Ptolemy at Galen ang dalawa sa mga
siyentipikong itinatanggi nang panahong
Greco-Roman. Sila ay nabuhay noong
ikalawang siglo A.D si Ptomely.isang
Mathematician,heograpo,at astronomo na
naghahanapbuhay sa Alexandria,Ehipto
noong 150 A.D ang may akda ng 13-tomong
Almagest (isang salitang griyego na
nangangahulugang the
greatest-“pinakadakila”)na isang buod ng
sinaunang kaalaman tungkol sa astronomiya
at heograpiya.
Agham
11. Si Galen ay isang Griyego. Ang
kanyang mga teorya ukol sa medisina ay
namayani sa Roma. Hiniwa niya ang katawan
ng hayop upang pag-aralan ang sistema ng
pangangatawan nito. Gayong may mga mali
sa mga teorya ni Galen, naging batayan ito ng
pag-aaral ukol sa medisina ng mga
Kanluranin.
Agham
13. Marahil, ang sistema ng pagbabatas at
karunungan ang pinakadakilang ambag ng
Roma sa sibilisasyong kanluran. Ang
kasalukuyang batas sa Italya, Espanya,
Pransya, at Latin Amerika ay batay sa batas
ng Roma. Naniniwala ang mga Romano na
ang batas ay dapat nakabatay sa katwiran at
karunungan at may layong ipagtanggol ang
karapatan at pag-aari ng mga mamamayan.
Batas
14. Isa sa tanyag na pahayag ni Cicero ay
ganito: “Tayo ay alipin ng batas upang maging
malaya tayo.” (We are the servants of the law
in order that we may be free.)
Batas
16. Isa sa mga tanyag na libangan ng mga
Romano ang Chariot race. Gayundin, ang
paglalaban ng mga gladiator. Ang mga
naglalaban dito ay mga alipin o kriminal at
ang armas nila ay espada o sibat. Kung
walang mamatay, maaaring hilingin ng
manonood ang kanilang kamatayan o
kalayaan para sa mananalo. Mayroon ding
labanan ng mga hayop tulad ng tigre.
Ipinatayo ang colosseum na maaaring
maglaman ng 50,000 manonood para sa
ganitong paligsahan.
Libangan
17. Ang mga sinaunang Romano ay
naniniwala sa maraming diyos. Sa bawat
tahanan ay may rebulto ni Vesta, ang diyosa
ng dapugan (hearth). Bukod dito, si Jupiter
ay kilala ring diyos ng langit; si Mars, diyos ng
digmaan; si Diana, diyosa ng buwan, at
marami pang iba.
Nang lumaon, nanghinawa ang mga
Romano sa maraming diyos. Marami ang
naniniwala sa bagong relihiyosong pinuno.
Hindi nagtagal, lumaganap ang
Kristiyanismo.
Relihiyon