Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Used in Grade 8 AP class
I DO NOT OWN THE INFO IN THIS PRESENTATION
Some font styles may not be recognized

  • Login to see the comments

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

  1. 1. MODYUL 6 MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA SIMULAN ANG PAGLALAKBAY! Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  2. 2. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Ako ang Daigdig, ang planeta kung saan ka nakatira. Alam mo bang umusbong sa Asya ang tatlo sa mga sinaunang kabihasnan ng daigdig? Tara at pag-aralan natin ang kabihasnang Sumer, Indus ,at Shang! Bago ang lahat, sagutin mo muna ang aking
  3. 3. Paano nakakaimpluwensiya ang mga sinaunang kabihasnang Sumer, Indus at Shang sa pamumuhay ng mga SIMULAN Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  4. 4. ASYA ILOG KABIHASNAN Tukuyin ang inilalarawang salita at isulat ang sagot sa loob ng habilog. Hulaan mo sila! Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Balangkas Kontinente; pinakamalaki; Asyano ang nakatira Anyong tubig; tubig-tabang; palabas ng dagat Mahusay; mataas na antas; pamumuhay’ pamayanan SUMER INDUS SHANG
  5. 5. MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA Kabihasnang Shang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan BALANGKAS NG MODYUL 6 Objectives ASYA Kabihasnang Sumerian Kabihasnang Indus
  6. 6. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan OBJECTIVES Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunod na kakayahan: • Natatalakay ang kalagayang heograpikal ng Mesopotamia, India at China. •Nasusuri ang epekto ng heograpiya sa paghubog ng kasaysayan at pamumuhay ng mga sinaunang Asyano.
  7. 7. Araling Panlipunan 9 Unang Markahan •Nailalarawan ang pamumuhay sa ilalim ng mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. •Natataya ang impluwensiya ng pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya. •Naipapahayag ang paghanga sa pagkakaroon ng mahusay na kabihasnan ng mga Asyano. Balangkas 8 Ikalawang Markahan OBJECTIVES
  8. 8. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KABIHASNANG SUMERIAN •Umunlad ang kauna-unahang kabihasnan sa daigdig sa lungsod ng Sumer. Matatagpuan ito sa Mesopotamia.
  9. 9. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL •Sa malaking bahagi ng kasalukuyang Iraq matatagpuan ang Mesopotamia. Kabilang ito sa tinatawag ng Fertile Crescent, isang sinaunang rehiyon ng Asya na may matabang lupain at lumalandasmula Persian Gulf hanggang Mediterranean Sea.
  10. 10. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL • Sa pook na ito dumadaloy ang kambal na ilog ng Tigris at Euphrates. Hinango ang pangalang “Mesopotamia” sa dalawang salitang Greek na mesos at potamos na nangangahulugang pagitan at ilog, kung kaya’t ang Mesopotamia ay tinaguriang “Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog.”
  11. 11. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL • Napaliligiran ang Fertile Crescent at Mesopotamia ng mgas likas na hangganan. Nasa hilagang-kanluran nito ang Taurus Mountains samantala nasa hilagang-silangan ang Zagros Mountains. Nasa timog na bahagi naman ang Syrian Desert at Arabian Desert.
  12. 12. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL •Ang Persian Gulf at Mediterranean Sea ang magkabilang dako ng Fertile Crescent at Mesopotamia.
  13. 13. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL •Naging mabuti ang dulot ng mga ilog Tigris-at Euprhates kung kaya’t naging kaiga-igaya ang rehiyon upang panirahan ng mga sinaunang tao at makapagtatag ng mga pamayanan sa Mesopotamia.
  14. 14. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  15. 15. KAPAKINABANGAN NG ILOG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Pinagkukunang ito ng isda at iba pang yamang tubig. Nagpataba sa mga sakahan bunga ng pag-apaw ng tubig.
  16. 16. KAPAKINABANGAN NG ILOG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Pinagmulan ng inuming tubig para sa mga naninirahan at kanilang alagang hayop. Nagpabilis sa transportasyon at komunikayon, at maging sa daloy ng kalakalan sa rehiyon.
  17. 17. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL • Sa kabila ng kabutihang dulot ng mga ilog sa mga nanirahan sa Mesopotamia, hindi makakailang naging suliranin din ang pag-apaw ng kambal na ilog. Nagdulot ito ng malawakang pagbaha na ikinasira ng mga pananim at maging ng mga tirahan, at pagkasawi ng mga taga- Mesopotamia.
  18. 18. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL •Dahil dito, natutuhan nilang gumawa ng Sistema ng patubig sa mga panahon ng tagtuyot at protektahan ang mga pananim mula matitinding pagbaha.
  19. 19. KALAGAYANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Bukod sa mainam na lupHanEgOpaGnsRakAahPanIKaAt L yamang tubig na handog ng Tigris at Euphrates, may kabutihang dulot din ang pagkakaroon ng Mesopotamia ng mga likas na hanggann. Ang mga kabundukan sa hilaga, dagat sa silangan at kanluran, at disyerto sa timog ang nagsilbing hadlang laban sa mga dayuhang nais sumakop sa Mesopotamia.
  20. 20. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Ang pagdating at paninirahan ng mga sinaunang tao sa timog na bahagi ng Fertile Crescent ang simula ng kasaysayan ng Mesopotamia. Sa pagitan ng 3500 B.C.E. at 3000 B.C.E., umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod ang mga ito. Tinawag ang rehiyong ito bilang Sumer at ang mga nanirahan dito bilang Sumerian.
  21. 21. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Binuo ang Sumer ng mga lungsod-estadong nagsasarili at may malayang paraan ng pamamahala. Pinahalagahan ng mga Sumerian sa bawat lungsod-estado ang kanilang kalayaan at handing makipaglaban kung ang kalayaang ito ay nasa panganib. Ilan sa mga tanyag na lungsod-estado ng Sumer ang Kish, Ur, Larak, Nippur, at Lagash.
  22. 22. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Sa kabila ng kani-kaniyang pamamahala, nagkaisa naming ang mga Sumerian sa iba’t ibang lungsod-estado pagdating sa paraan ng pamumuhay. Ilang patunay nito ang sama-sama nilang pagkontrol sa mga pagbaha dulot ng pag-apaw ng tubig sa kambal na ilog, iisang pagsamba sa kanilang mga diyos, at aktibong paglahok sa kalakalan sa pagitan ng mga lungsod-estado.
  23. 23. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Ang pagkakaimbento ng Sistema ng pagsulat ang isa sa pinakamahalagang salik sa tagumpay ng mga Sumerian bilang mga unang tagapagtaguyod ng kabihasnan. Tinatawag na cuneiform ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian.
  24. 24. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN •Ayon sa ilang historyador, naimbento ang cuneiform nang magsimulang magtala ang mga Sumerian ng mga labis na produkto mula sa pagsasaka.
  25. 25. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN •Gumamit sila ng pinatulis na tangkay ng damo sa pagsusulat ng mga simbolo sa basang clay tablet. Naging permanenteng tala ang nasabing clay tablet matapos matuyo.
  26. 26. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Ang pinakamatandang clay tablet na natuklasan sa Sumer ay ipinapalagay na ginawa noong 3500 B.C.E. Naglalaman ito ng mga simbolo ng mga bagay na kanilang nakikita Paglaon, umunlad ang mga simbolong ito hanggang sa maging tiyak ito para sa pagsulat.
  27. 27. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN •Hindi lahat ng Sumerian ay may kakayahang magsulat ng cuneiform dahil lubhang masalimuot ang pag-aaral nito. Tinawag na scribe ang dalubhasa sa pagsulat ng cuneiform.
  28. 28. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA PANAHONG SUMERIAN • Mataas ang antas ng pamumuhay ng mga Sumerian. Ipinapalagay ng mga historyador na unang gumamit ng gulong ang mga Sumerian. Ito ay ginamit sa pagdala ng mga kalakal sa iba pang pook. Ang potter’s wheel ang nagpadali sa paggawa ng mga banga. Gumamit din ang mga Sumerian ng araro sa pagsasaka, at naglagay ng mga arko sa kanilang mga estruktura.
  29. 29. DAGDAG-KAALAMAN Araling Panlipunan 9 Unang Markahan Nagmula ang saltang “cuneiform” sa mga salitang Latin na cuneus at forma na nangangahulugang “hugis-sinsel.” Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  30. 30. Malaki ang bahaging ginampanan ng mga scribe sa Sumer sapagkat sila ang tagapag-ingat ng mga tala patungkol sa mga batas ng lungsod-estado, sa kalakalan, at maging sa panitikan ng mga Sumerian. DAGDAG-KAALAMAN Araling Araling Panlipunan Panlipunan 8 Ikalawang 9 Unang Markahan Markahan
  31. 31. Wala silang pagkakaisang politikal kung kaya’t nagtayo sila ng nagtataasang pader palibot sa lungsod. Nagsilbi itong proteksiyon laban sa mga kaaway at mga nagnais na sakupin ang lungsod. BUHAY SUMERIAN Araling Panlipunan 9 Unang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Markahan
  32. 32. Sumamba sila sa maraming diyos at diyosa. Bawat lungsod-estado ay may natatanging diyos na pinagalayan ng mga handog at sakripisyo. Dalawa rito sina Ishtar na diyosa ng pag-ibig at digmaan, at Enki na diyos ng tubig. BUHAY SUMERIAN Araling Panlipunan 9 Unang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Markahan
  33. 33. Karaniwang yari sa luwad ang mga bahay sa Sumer. Isang palapag lamang ang taas ng mga bahay bagama’t ang mga maykaya ay nakapagpagawa ng dalawang palapag na tirahan. BUHAY SUMERIAN Araling Panlipunan 9 Unang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Markahan
  34. 34. Isang mahalagang gusali sa Sumer ang pook-sambahan ng mga Sumerian, ang ziggurat na nangangahulugang “bundok ng diyos.” Hugis piramide ito at may mga baiting na lumiliit habang papataas. Dito makikita ang bantayog ng kanilang diyos gayundin ang silid para sa kanilang pari. BUHAY SUMERIAN Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  35. 35. Nagpatayo sila ng mga dike at kanal bilang bahagi ng Sistema ng patubig para sa kanilang sakahan at upang maibsan ang epekto ng pag-apaw BUHAY SUMERIAN Araling Panlipunan 9 Unang Markahan ng kambal na ilog. Balangkas
  36. 36. Araling Panlipunan 8 Ikalawang KABIHASNANG INDUS Markahan • Maliban sa Kanlurang Asya, maging sentro din ang Timog Asya ng isa sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro na matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan.
  37. 37. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA •Matatagpuan ang India sa malaking bahagi ng Timog Asya. Ang rehiyogn ito ay tinatawag na “subcontinent of Asia.” Kahugis ng Indian subcontinent ang nakabaligtad na tatsulok, at mas Malaki kaysa kanlurang Europe.
  38. 38. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA •Sentro ng kabihasnan sa rehiyon ang matabng lupain sa lambak ng Indus River. Lumalandas ang maturing ilog sa kabundukan ng Himalayas at dumadaloy sa China, India, at Pakistan.
  39. 39. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG • Ang mayamang deposito ng banlik at tubig mulaINDIA sa Indus River ang nagpataba sa paligid ng lambak Indus. Dahil dito, naganyak ang mga sinaunang tao na manirahan at magtatag ng mga pamayanan sa nasabing pook. Sa katunayan, pinatothanan ng mga arkeologo na may mga nanirahan sa rehiyon sa mga taong 7000 B.C.E.
  40. 40. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG • Inihihiwalay ng mga nakapaligid na anyong lupa atINDIA anyong tubig ang Timog Asya sa iba pang rehiyon ng Asya. Matatagpuan ang nagtataasang Himalayas sa hilaga ng rehiyon.Dito matatagpuan ang Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa daigdig. Ang mga nagtatayugang kabundukang ito ang nagsisiilbing hangganan ng Timog Asya sa China at iba pang pook sa Hilagang Asya at Silangang Asya.
  41. 41. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA • Ang Hindu Kush sa kanluran kung saan may likas na lagusan na tinatawag na Khyber Pass ang nagsilbing daanan ng mga dayuhang nais magtungo sa rehiyon. Nasa silangan ng Indus Valley ang Thar Desert (o Great Indian Desert) samantalang ang Indian Ocean ang hangganan ng Timog Asya sa timog.
  42. 42. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA • Malaki ang epekto ng heograpikal na kinaroroonan ng Timog Asya sa mga sinaunang taong naninirahan dito. Ilan sa mga hamong kinakaharap ng mga katutubo ang pag-apaw ng tubig sa Indus River at matinding tagtuyot o tag-ulan na dala ng hanging monsoon.
  43. 43. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG INDIA • Ang mga nakapaligid na kabundukan ay nagbigay-proteksiyon laban sa mga dayuhang mananakop. Nakatulong naman sa mahusay napakikipagkalakalan ng mga sinaunang Asyano ang paglalayag sa Indus River at Indian Ocean.
  44. 44. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG INDUS •Karaniwang nakabatay ang salaysay ng kabihasnang Indus sa mga artifact at labi noto. Ito ay dahil hindi pa nauunawaan ng mga historyador ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa India.
  45. 45. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG INDUS •Walang malinaw na batayan kung paano umusbong ang kabihasnan sa India. Ipinapalagay ng mga eksperto na naglayag mula Africa ang mga nandayuhang tao sa India. Ang iba ay maaaring dumaan sa Khyber Pass.
  46. 46. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG INDUS •Bagama’t hindi naitala ang simula ng kasaysayan ng kabihasnang Indus, natitiyak ng mga arkeologo na may mga pamayanang umunlas sa lambak Indus.
  47. 47. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG INDUS • Ang mga natuklasang mahigit sa 100 pamayanan sa naturang lambak ang Karaniwang nakabatay ang salaysay ng kabihasnang Indus sa mga artifact at labi nito. Ito ay dahil hindi pa nauunawaan ng mga historyador ang Sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao sa India.
  48. 48. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG INDUS •Nagpapatunay na may mahusay na pamumuhay ang mga sinaunang tao sa Timog Asya.
  49. 49. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA • Dalawa sa pinkatanyaKgABnaIHAluSnNgsAodNGs aINDUS kabihasnang Indus ang Harappa at Mohenjo-Daro. Matatagpuan ang Harappa sa hilagang-bahagi ng Indus River, samantalang nasa timog ng ilog ang Mohenjo-Daro. Magkalayo ang dalawang lungsod na ito ng halos 640 kilometro. Sa kabila nito, pinag-isa ng Indus River ang mga katutubo ng Harappa at Mohenjo-Daro. Gumamit sila ng mga Bangka upang makipag-ugnayan sa isa’t isa.
  50. 50. Ipinapalagay ng mga historyador na naging maunlad ang Harappa mula dakong 2500 B.C.E. hanggang 1600 B.C.E. Tinatayang may 30,000 ang populasyon sa bawat lungsod. Bunsod nito, nangailangan ang dalawang lungsod ng maayos at kongkretong pangangasiwa upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kani-kanilang lugar. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  51. 51. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan Isa sa natatanging katangian ng kabihasnang Harappan ang pagiging planado ng mga lungsod nito.
  52. 52. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan Yari sa luwad ang mga tirahan sa mga lungsod. Ilan sa mga ito ay may dalawang palapag. Karamihan ay may sariling palikuran at liguan.
  53. 53. Nakapuwesto ang mga gusali at tirahan sa Harappa at Mohenjo-Daro sa sistemang grid o pahilerang pahalang at pababa. Tuwid ang mga kalsada na lumalandas mula hilaga patungong timog, at silangan patungong kanluran. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  54. 54. Napaligiran ng matataas na pader ang bawat lungsod. Sa ginta nito ay isang gusali kung saan matatagpuan ang malaking paliguan na ipinapalagay na ginamit sa kanilang mga panrelihiyong ritwal. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  55. 55. Kinakitaan din ng maayos na sistemang padaluyan ng maraming tubig at kanal. Lumandas ang tubig mula sa luwad na tubo ng mga palikuran at liguan patungo sa mga kanal na nasa ilalim ng mga kalsada. Ang sinaunang kabihasnang Indus din ang may pinakamaayos na sistemang daungan. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  56. 56. Nahati ang lungsod sa iba’t ibang distrito. May mga particular na pook para sa pakikipagkalakalan at imbakan ng pagkain. Pangunahing ikinabuhay ng mga tao sa kabihasnang Indus ang pagtatanim ng palay at gulay. Natutuhan nila ang sistema ng patubig upang madiliganang kanilang mga sakahan kahit sa panahon ng tagtuyot. Marami rin ang mga taga-Indus ang nag-alaga ng hayop tulad ng tupa, baka at kambing. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  57. 57. Mahusay rin sa pakikipagkalakalan ang mg sinaunang tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. May mga natuklasaang artefact na Indus stone seal na ipinapalagay na ginamot ng mga mangangalakal upang matukoy ang kanilang mga produkto. Patunay ito sila hindi lamang sa mga karatig-pook, kung hindi sa malalayong pamayanan tulad ng Mesopotamia at Egypt. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  58. 58. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan Kinakitaan din ng iba pang kabuhayan ang mga taga- Harappa at Mohenjo-Daro tulad ng paghahabi ng tela at paggawa ng palayok at kasangkapang metal.
  59. 59. Sa wika, maraming clay tablet na may Harappan pictogram o larawang simblo ang natuklasan ng mga arkeologo sa iba’t ibang bahagi ng mga lungsod sa Indus. Sa kasalukuyan, hindi pa naisasasalin sa makabagong wika ang mga sulat at pictogram ng mga taga-Indus kung kaya’t kakaunti pa rin ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Harappa at Mohenjo-Daro. BUHAY INDUSAraling Panlipunan 9 Unang Markahan
  60. 60. Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Balangkas PAGHINA NG KABIHASNANG INDUS • Isa sa taglay na hiwaga ng kabihasaang Indus ang misteryong pagawawakas ng Harappa at Mohenjo-Daro. Ayon sa mga arkeologo, humina at tuluyang bumagsak ang kabihasnang Indus sa pagitan ng 1600 B.C.E. at 1500 B.C.E. Ipinapalagay na ilan sa mga sanhi nito ay pagbabago ng klima, matinding pagbaha sa mga lungsod, malakas na lindol, at paglihis ng agos ng Indus River. Ang pagdating ng mga dayunhang tinawag na Aryan sa Indai ang sinasabing tuluyang nagpabagsak sa kabihasnang Indus.
  61. 61. Araling Panlipunan 8 Ikalawang KABIHASNANG TSINO Markahan • Katulad ng India, nanirahan din sa China ang mga sinaunang tao sa loob ng ilang libong taon. Patunay rito ang pagkakatuklas ng mga arkeologo ng mga ebidensiyang may sistema ng pagsasaka ang mga Tsino may 8000 taon na ang nakararaan. Sa pagpasok ng dakong 2000 B.C.E., umunlas ang mga pamayanang Tsino sa tabi ng Huang Ho River.
  62. 62. KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG CHINA Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan •Matatagpuan ang China sa Silangang Asya. Kung lupain ang pag-uusapan, ito ang pinakamalaking bansa sa Asya. May kabuuang sukat ito na higit sa 9,300,000 kilometro kuwadrado o halos 32 ulit ng laki ng Pilipinas.
  63. 63. KALAGAYANG HEOGRAPIKAL NG CHINA Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Inihihiwalay ng mga likas na balakid ang Chian sa iba pang ppok sa Asya. Nasa hilaga nito ang Gobi Desert; sa timog-kanluran, ang Himalayas; sa silangan, ang mga anyong tubi tulad ng Yellow Sea at East China Sea; sa timog-silangan, ang South China Sea; at sa kanlurang bahagi naman, ang Tibetan Plateau at Taklamakan Desert.
  64. 64. ANG MGA ILOG NG HUANG HO AT YANGTZE Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Katulad sa Mesopotamia at India, karaniwang nanirahan ang mga sinaunang tao sa China sa mga lambak-ilog. Ito ay dahil na rin sa mga kabutihang dulot ng ilog para sa pamumuhay ng mga tao tulad ng mapagkukunan ng tubig na maiinom, patubig sa mga sakahan, at mabilis na transportasyon. Dalawa sa pinakamahalang ilog sa China ang Yangtze (Chang Jiang) at Huang Ho (Yellow River).
  65. 65. ANG MGA ILOG NG HUANG HO AT YANGTZE Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Ang Yangtze ang pinakamahabang ilog sa Asya at pangatlo sa buong daigdig kasunod ng Nile at Amazon River. Dumadaloy ang tubig ng Yangtze mula sa mataas na lupain sa timog China palabras ng East China Sea. Isa ito sa pangunahing rutang pangkalakalan ng mga sinaunang Tsino.
  66. 66. ANG MGA ILOG NG HUANG HO AT YANGTZE Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Lumalandas naman ang Hunag Ho sa hilagang China mula sa Tibetan Plateau palabras ng Yellow Sea. Naging isang malakas na puwersang heograpikal ang Huang Ho sa kasaysayan ng bansa at nagdulot ito ng mabuti at hindi mabuting pangyayari sa mga Tsino mula pa noong sinaunang panahon.
  67. 67. SINAUNANG KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG SHANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Bago pa man nakamit ng mga Tsino ang kabihasnan, ipinapalagay na may mga naitatag nang pamayanan sa lambak-ilog Huang Ho. Noong dakong 2000 B.C.E., may mga nanirahang katutubogn Tsino sa maturing pook na nakapagtayo ng mga tirahang may bubong na pawid o kugon.
  68. 68. SINAUNANG KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG SHANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan •Mayroon na rin silang paraan ng pagtatanim at mga kanal na nagsilbing patubig at pangkontrol sa pag-apaw ng tubig sa Huang Ho.
  69. 69. SINAUNANG KASAYSAYAN AT PAMUMUHAY SA KABIHASNANG SHANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan • Paglipas ng panahon, umunlad ang basabing mga pamayanan at ilan dito ay naging mga lungsod. Noong dakong 1750 B.C.E., isang pamilya ang naging makapangyarihan at tuluyang namahala sa lambak-ilog ng Huang Ho. Ito ang pamilya Shang na pinagmulan ng mga naging pinuno sa loob ng mahabang panahon. Kinilala ang pamamahala ng pamilyang ito bilang dinastiyang Shang.
  70. 70. Tinagurian ang Huang Ho River bilang “China’s Sorrow” dahil sa pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian dulot ng pag-apaw ng tubig nito. Noong 1887, nagbuwis ng buhay ang halos isang milyong katao dahil sa malubhang baha. DAGDAG-KAALAMAN Araling Araling Panlipunan Panlipunan 8 Ikalawang 9 Unang Markahan Markahan
  71. 71. • Namahala mula dakong 1750 B.C.E. DINASTIYANG SHANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan hanggang dakong 1120 B.C.E. • Pangunahing lungsod nito ang Anyang matatagpuan sa hilagang bahagi ng Huang Ho River. • May sariling sistema ng pagsulat • Naging tanyag dahil sa kahusayan sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa bronse.
  72. 72. Araling Panlipunan 8 Ikalawang DINASTIYANG SHANG Markahan • Pinangasiwaan ng dinastiyang Shang ang China particular ang bahagi sa silangan ng Hunag Ho at Yangtze. Ayon sa mga arkeologo, mahigit sa 300 pamayanan ang nasa rehiyong ito. Isa sa pinakamaunlad na lungsod ang Anyang, ang sentro ng dinastiyang Shang. Matatagpuan sa naturang lungso ang palasyo ng hari at ang temple. Makikita rin sa Anyang ang mga tindahan, gusaling imabakan ng pagkain, at iba pang mga pampublikong gusali.
  73. 73. Araling Panlipunan 8 Ikalawang DINASTIYANG SHANG Markahan •Tumagal ang Dinastiyang Shang ng mahigit na 5000 taon. Noong dakong 1122 B.C.E., sinakop ang lungsod ng Anyang ng isang pangkat ng mga Tsino na nagmula sa kanlurang bahagi ng China. Kinilala bilang mga Zhou. Ito ang nagwakas sa kabihasnang Shang.
  74. 74. Tulad ng isang piramide ang estruktura ng lipunan. Ang hari at kaniyang pamilya ang nasa pinakamataas na uri. Sumunod ang mga aristokrata na nagmamay-ari ng malalawak na lupain. Ikatlong pangkat ang mga manggagawa (malaking bahagdan nito ay mga magsasaka). Ang mga bilanggo dulot ng digmaan ang nasa pinakamababang uri. BUHAY SA SHANG Araling Panlipunan 9 Unang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Markahan
  75. 75. May sistema ng pagsulat ang Shang na binubuo ng mahigit 3000 simbolo o character. Karaniwang nakasulat ang mga simbolong ito sa mga buto ng baka o tupa. Ginamit ito ng mga pinunong espirituwal ng Shang na ipinapalagay na nakapanghuhula ng mga pangyayari. Tinwag ang mga butong ito na mga oracle bone. BUHAY SA SHANG Araling Panlipunan 9 Unang Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Markahan
  76. 76. Sumamba sa maraming diyos ang mga sinaunang Tsino. Naniwala sila na may ganap na kapangyarihan ang mga diyos sa lahat ng bagay na nakapaligid sa kanila, maging ang pagbaha at pagkakasakit. Pinaniniwalaan din na nagmula ang kapangyarihan ng mga pinunong Shang sa mga espiritu ng kalikasan. Dahil dito, pinangunahan din ng mga haring Shang ang pagsamba sa kanilang mga diyos. BUHAY SA SHANG Araling Panlipunan 9 Unang Markahan
  77. 77. Naging tanyag sa kasaysayan ang dinastiyang Shang sa mga kasangkapan nitong yar sa mga brosne. Sa una, ginamit ng Shang ang bronse sa paggawa ng mga sandata. Paglaon, ginamit ito sa mga panrelihiyong ritwal. Ilan samga gamit na yari sa bronse ay mga estatuwa, baso, at sisisdlang gamit sa mga seremonya. BUHAY SA SHANG Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  78. 78. Naging tanyag sa kasaysayan ang dinastiyang Shang sa mga kasangkapan nitong yar sa mga brosne. Sa una, ginamit ng Shang ang bronse sa paggawa ng mga sandata. Paglaon, ginamit ito sa mga panrelihiyong ritwal. Ilan samga gamit na yari sa bronse ay mga estatuwa, baso, at sisisdlang gamit sa mga seremonya. DAGDAG-KAALAMAN Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  79. 79. ILOG NG BUHAY Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig malapit sa mga ilog. Bihira sa naglalakihang pamayanan noong sinaunang panahon ang malayo sa mga anyong tubig tulad ng ilog o dagat.
  80. 80. Tinatawag din itong “Yellow River” dahil sa kulay dilaw na putik sa hilagang bahagi ng ilog. Dumadalaoy ito mula sa Kunlun Mountains patungong Gulf of Bobal. Lumalandas ang Huang Ho sa mga lungsod ng Lanzhou, Kaifeng, at Jinan. HUANG HO RIVER Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  81. 81. Ilog ng kasiyahan at pagdurusa ang Huang Ho dahil sa dulot nitong matabang lupa para sa pagsasaka at malakuhang baha naman na kumitil sa buhay ng maraming Tsino. HUANG HO RIVER Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan
  82. 82. INDUS RIVERAraling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Ito ang ika-21 pinakamahabang ilog sa daigdig sa habang umaabot ng 3180 km. Magmumula ang ilog sa Tibetan Plateau sa Lake Masarovar at lumalandas patungong timog Pakistang hanggang sa Arabian Sea.
  83. 83. INDUS RIVERAraling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan Ang Indus River ang pangunahing nagkakaloob ng yamang tubig sa mga mamamayan ng Pakistan. Ginagamit ito sa agrikultura ng lalawigan ng Punjab at sa mga industriya ng mga lugar malapit sa ilog. Ang Indus River ang nangungunang pinagkukunan ng maiinom na tubig sa bansa.
  84. 84. TIGRIS RIVER AT EUPHRATES RIVER Araling Panlipunan 8 Ikalawang Markahan May habang umaabot sa 1899 km, ang Tigris River samantalang 3597 km, ang Euphrates River. Magkaiba
  85. 85. Araling Panlipunan 9 Unang Markahan Paano nakakaimpluwensiya ang mga sinaunang kabihasnang Sumer, Indus at Shang sa pamumuhay ng mga Asyano?
  86. 86. ISIP HAMUNIN 1. Ano ang mga ilog na pinagmulan ng sumusunod na sinaunang kabihasnan sa Asya? Sumer, Harappa at Mohenjo-
  87. 87. 2. Bakit mahalaga ang naturang mga ilog sa mga taong nanirahan sa mga lambak nito?
  88. 88. 3. Sa aling mga pook sa mga kabihasnang ito mainam ang pagsasaka? Ano ang mabuting dulot ng pook na ito sa mga katutubong nanirahan dito?
  89. 89. 4. Bakit naging sentro ng mga sinaunang kabihasnan ang naturang mga pook?
  90. 90. 5. Kung nabuhay ka nooong sinaunang panahon, nais mo bang manirahan na malapit sa ilog?
  91. 91. a. Shang b. Sumer c. Mohenjo- Daro d. Xia e. Harappa 1. Mga lungsod ng Mesopotamia 2-3. Kambal na lungsod ng Indus 4. Unang historikal na dinastiya sa China. 5. Unang tradisyonal na dinastiya sa China.
  92. 92. a. cuneiform b. Sistemang grid c. ziggurat d. oracle bone e. sisidlang bronse 6. Pook sambahan ng mga Sumerian. 7. Ayos ng mga gusali at bahay sa Harappa at Mohenjo-Daro. 8. Kasangkapang gamit sa mga ritwal. 9. Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. 10. Bagay kung saan makikita ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunag Tsino.
  93. 93. 1. Tinaguriang (Mesopotamia, Fertile Cresent) ang sinaunang pook sa Kanlurang Asya dahil matatagpuanj ito sa pagitan ng dalawang ilog.
  94. 94. 2. Karaniwang umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya sa mga (kabundukan/lambak-ilog).
  95. 95. 3. Sumamba ang mga Sumerian sa maraming diyos. Kung gayon, silay ay may paniniwalang (monoteistiko/politeistiko).
  96. 96. 4. Inihihiwalay ng (Himalayas/Gobi Desert) ang China sa iba pang bansa sa Timog Asya.
  97. 97. 5. (Marami/Kaunti) ang kaalaman ng mga historyador sa sinaunang kabihasnang Indus dahil hindi pa nauunawaan ang mga
  98. 98. 6. Isa sa pinakamaunlad na lungsod sa sinaunang China ang (Mohenjo-Daro/Anyang) kung saan matatagpuan ang palasyo ng hari at temple nito.
  99. 99. 7. Mahusay na nakaayos ang mga gusali at tirahan ng mga lungsod sa (Indus/Mesopotamis). Nakahilera ang mga ito nang
  100. 100. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

×