SlideShare a Scribd company logo
1 of 15
Download to read offline
Grade 9
Araling Panlipunan
Quarter 1
2
Module 1 - Ang Kahulugan ng Ekonomiks
Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay tatalakay sa kahuluganng ekonomiks sa pang-
araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at
lipunan. Matututunan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto
tungkol sa pag-aaral ng ekonomiks. Napapaloob din sa modyul na ito ang
mga gawain na tutuklas sa kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin
upang magamit nila bilang batayan sa pagbuo ng mga matalinong
pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Alamin
Pamantayan ng Pagkatuto:Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya
at lipunan.
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. nasusuri ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan sa matalinong
pagdedesisyon;
2. naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks na
nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong desisyon at
3. napahahalagahan ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan ng
matalinong pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
3
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Subukin
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Balikan
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Tuklasin
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.
Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa
iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.
Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
mahahalagang natutunan sa aralin.
Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
4
Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem atisulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
activity notebook.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan
ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks
B. Sosyolihiya
C. Kasaysayan
D. Heograpiya
2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa
maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo
ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang
gagawin.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital.Anong
kondisyon ang tinutukoy nito?
A.Kakapusan
B. Kakulangan
C. Kamalayang Panlipunan
D.Kamalayan sa Kapaligiran
5
5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”.
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga
maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng
kanyang pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga
produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga
pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa
kanya.
6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o
serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip
sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang
iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
A. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking
C. Incentives
D. Trade-Off
7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
A. Choice
B. Trade-Off
C. Incentives
D. Opprtunity Cost
8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-
araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang
kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng
ibang bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot
ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian
sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
6
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng
desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat
desisyon na gagawin natin sa araw-araw.
10.Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan,
bakitkailanganpag-aralanang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong
sa nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa
buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng
maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
7
Aralin Ang Kahulugan ng Ekonomiks
1
Tuklasin
Sitwasyon-Desisyon-Rason (SDR) Chart
Araw-araw ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyon na kailangan
niyang pumili. Mababasa sa loob ng talahanayan sa ibaba ang mga
sitwasyon na maaari ninyong maranasan. Isulat sa pangalawang kolum ang
magiging desisyon at sa pangatlong kolum naman ang rason o
kadahilanan.Isulat sa activity notebook ang sagot.
SITWASYON DESISYON RASON
1. Pagtatrabaho pagkatapos
ng Senior High School o
pagpapatuloy ng pag-
aaral sa kolehiyo?
2. Pananatili sa loob ng
bahay sa panahon ng
pandemya o pagpunta sa
bahay ng kaibigan?
3. Pagtulong sa pag-
iimpake ng relief goods o
pag-titiktok gamit ang
cellphone?
4. Pamamasyal sa mall o
pagtulong sa mga
gawaing-bahay?
5. Paglalaro ng computer
gameso paggawa ng
takdang aralin?
Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagpili ng desisyon?Sa iyong
pananaw, tama baang iyong mga naging desisyon? Ipaliwanag.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
8
Nahirapan ka bang pumili ng desisyon? May iba pa bang sitwasyon na
naranasan mona kung saan kailangan mong pumili at magdesisyon?
Ipaliwanag.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Suriin
Ang Kahulugan ng Ekonomiks
Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
Ayon kay Viloria (2000), ang
Ekonomiks ay isang sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit
ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay
nagsimula sa salitang Griyego na oikonomia,
ang oikos na nangangahulugang bahay at
nomos na pamamahala.
Pinag-aaralan sa ekonomiks ang
pamamamaraan kung paano nagbabahagi ang
mga mamamayan at ang bansa ng kanilang
limitadong resources. Kaya pinag-aaralan din kung papaano gagamitin ng
tao at lipunan ang limitadong resources
upang makagawa at maipamahagi ang iba’t
ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t
ibang pangkat ng lipunan.
May dalawang mahalagang bahagi na
binibigyang-pansin ang ekonomiks – ang
sambahayan at ang pamayanan. Sa
sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin
ang limitadong resourcessa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng
sambahayan, pinagpapasyahan naman kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa
pagkain, tubig, kuryente at iba pang mga
bagay na maaaring makapagdulot ng kasiyahan o pakinabang sa isang
pamilya. Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at sambahayan ay
magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commo
ns/c/cf/Economics_circular_flow_cartoon.jpg
https://clipartstation.com/sambahayan-
clipart-4/
9
Ang pamayananay gumamagawa ng iba’t ibang desisyon katulad ng
sambahayan. Lumalabas dito ang apat na katanungan para matugunan ang
suliranin sa pagkakaroon ng limitadong resources. Ang mga katanungang ito
ay ang mga sumusunod: Anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin?
Gaano karami ang gagawin? Paano gagawin? At para kanino? Dahil sa may
limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin sa
kakapusan. May kakapusan sa pinagkukunang-yaman sapagkat walang
katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang likas na yaman
ay maaaring maubos at mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may
limitasyon kaya limitado ang nagagawang produkto at serbisyo para sa tao.
Kaya ang kakapusan ay kaakibat na ng ating buhay sapagkat may limitasyon
ang lahat ng bagay sa daigdig.
Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
Sa pag-aaral ng ekonomiks ay nalalaman natin ang mga
mahahalagang konsepto para makatulong sa pagbuo ng matalinong
pagdedesisyon. Sinasabi na sa buhay ng tao ay kalakip na ang pagkakaroon
ng choice o pagpipilian. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, siya ay
napapaligiran ng iba’t ibang pagpipilian kaya mahalaga na pagtuunan ng
pansin kung paano makabuo ng matalinong pagpapasya ang tao.
Trade-off: Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Mahalaga ito sa pagbuo ng matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng
isang tao ang kanyang pagpipilian. Isang halimbawa ay ang paggamit ng
iyong oras sa paggawa ng takdang aralin o paglalaro ng computer games.
Kapag sinuri ng mabuti ang dalawang pagpipilian ay makakabuo ka ng isang
pinakamainam na desisyon.
Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang
ipagpalit sakali man ikaw ay nakabuo na ng desisyon. Sa naunang
halimbawa, kapag pinili ang paggawa ng takdang aralin, angopportunity
cost nito ay ang hindi paglalaro ng computer games.
Incentives: Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang
magbago ang desisyon ng mga mamimili. May mga pagkakataon na ganap
na ang ating desisyon sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo subalit
hindi maiiwasan na magbago ang ating isip sa bandang huli. Ang halimbawa
ngincentives ay ang pagbibigay ng discount sa mga bilihin. Ang promo
gaya ng buy one take one ay maaari ding makapagbago sa ating desisyon.
Bilang mag-aaral, maaaring mailalarawan ang incentives sa pagbibigay ng
pabuya kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka.
Marginal Thinking: Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga
maging ito ay gastos o pakinabang na makukuha sa pagbuo ng desisyon.
10
Kaya sa pag-aaral ng ekonomiks, may kasabihan na “Rational people think
at the margin”. Nagiging rasyonal ang tao sa mga bagay na dapat gawin
para humantong sa isang matalinong pagdedesisyon.
Pagyamanin
Wala ng Quarantine, Tayo na at Mag-enjoy!
Si Kobe ay nagagalak na pumunta ng lungsod dahil inihinto na ng lokal
na pamahalaan ang pagkakaroon ng quarantine. Binigyan siya ng kanyang
mga magulang ng Php100.00 para makapaglibang kasama ang mga
kaibigan. Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaring bilhin ni Kobe
sa lungsod at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
PRODUKTO PRESYO
Burger at Fries Php 70.00
Milk Tea Php 80.00
Softdrink Php 20.00
Ice Cream Php 50.00
Kung ikaw si Kobe, anu-anong mga produkto ang handa mong
ipagpalit para lang makabili ng milk tea? Bakit?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Nagkaroon ng buy one take one promo sa burger at fries. Kung ikaw si
Kobe, ano ang magiging pasya mo at paano mo ngayon pamamahalaan ang
iyong badyet?
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
11
Isaisip
Piliin Mo!
Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Kilalanin at
tukuyin kung ito ay nagpapahiwatig ng konsepto ng Trade-Off, Opportunity
Cost, Incentives at Marginal Thinking. Isulat ang napiling sagot sa loob ng
kahon.
Mga Sitwasyon Mahalagang Konsepto
1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili
si Angel dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanyang
mga magulang dulot ng pandemya. Pinagpipilian
niya ang paghihinto sa pag-aaral para
makapagtrabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay
nahihirapan.
2. Si Coco ay nais bumili ng bagong sapatos ngunit
wala siyang perang pambili. Pinangakuan siya ng
kanyang kuya na bibilhin ang gusto niya kapag
tumaas ang kanyang mga nakuhang marka sa
susunod na markahan.
3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais
niyang magsuot ng bagong damit. Ngunit iniisip
niyang mabuti kung magagamit ba ang damit na
bibilhin niya sa iba pa niyang lakad.
4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho
sa Manila kahit sila ay nasa gitna ng pandemya.
Ngunit iniwan niya ang trabaho at umuwi sa
probinsiya para makapiling ang pamilya.
12
Isagawa
Desisyon Ko, I-journal Ko!
Binigyang-pansin natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga
mahahalagang konsepto nito tungo sa pagkakaroon ng isang matalinong
pagdedesisyon. Isa-isahin ang mga sitwasyong naranasan sa nakalipas na limang
araw kung saan ikaw ay nakakagawa ng matalinong pagdedesisyon. Isulat ang mga
ito sa iyong journal. Matapos gawin ang journal ay sagutin ang tanong sa ibaba.
Unang Araw:___________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Ikalawang Araw:________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Ikatlong Araw:__________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Ika-apat na Araw:_______________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Ika-limang Araw:________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Bakit mo nasabi na ang iyong mga nagawa sa nakalipas na limang araw
ay isang matalinong pagpapasya? Ipaliwanag.
________________________________________________________
Desisyon Ko, I-journal Ko!
13
Buod
Napag-alaman sa modyul na ito ang kahulugan ng ekonomiks at kung paano
ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Batay sa mga nailalahad na
mga konsepto at gawain,nabigyang-linaw at natutunan ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
• Kaakibat na ng buhay ng tao ang suliranin sa kakapusan dahil may limitasyon
hindi lamang ang kakayahan ng tao maging ang kanyang likas na kapaligiran.
• Angsuliranin sa kakapusan ay nagdudulot ng limitasyon ng mga nagagawang
produkto at serbisyo. Sa suliraning ito ay kinakailangan na ang tao ay
humantong sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
• Sa pagdedesisyon, kailangan ang mga mahahalagang konsepto gaya ng
trade-off, opportunity cost, incentivesat marginal thinking. Ang mga ito ay mga
kaparaanan para ang tao ay makapagbigay ng mapanuri at matalinong
desisyon sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Pagtatasa: (Post-Test)
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
activity notebook.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang
tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks
B. Sosyolihiya
C. Kasaysayan
D. Heograpiya
2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung
paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang
gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
A. Pamayanan
B. Sambahayan
C. Pamahalaan
D. Pamilihan
14
4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Anong
kondisyon ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan
B. Kakulangan
C. Kamalayang Panlipunan
D. Kamalayan sa Kapaligiran
5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano
ang ibig ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito
ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang
pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto
at serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga
pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong
pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli
dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano
ang tawag dito?
A. Opportunity Cost
B. Marginal Thinking
C. Incentives
D. Trade-Off
7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
A. Choice
B. Trade-Off
C. Incentives
D. Opprtunity Cost
8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw.
Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa
ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
15
9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay. Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng
kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat
desisyon na gagawin natin sa araw-araw.
10.Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-
aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa
nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming
pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
Karagdagang Gawain
Ang Aking Panata
Napag-alaman natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang
konsepto nito na nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong pagdedesisyon.
Isulat ang iyong mga saloobin at gawin mong panata bilang mag-aaral at bahagi ng
iyong pamilya at ng lipunan. Ang panatang ito ay maging gabay mo sa pag-unawa
ng ekonomiks at ang kabutihang naidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay.
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
Ang Aking Panata

More Related Content

Recently uploaded

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
FatimaCayusa2
 

Recently uploaded (20)

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 

Featured

Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Kurio // The Social Media Age(ncy)
 

Featured (20)

Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 
ChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slidesChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slides
 
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike RoutesMore than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
 
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
 

Araling Panlipunan Grade-9 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1 4

  • 2. 2 Module 1 - Ang Kahulugan ng Ekonomiks Pangkalahatang Ideya Ang modyul na ito ay tatalakay sa kahuluganng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Matututunan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa pag-aaral ng ekonomiks. Napapaloob din sa modyul na ito ang mga gawain na tutuklas sa kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin upang magamit nila bilang batayan sa pagbuo ng mga matalinong pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alamin Pamantayan ng Pagkatuto:Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. nasusuri ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon; 2. naiisa-isa ang mga mahahalagang konsepto sa ekonomiks na nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong desisyon at 3. napahahalagahan ang kahulugan ng ekonomiks bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
  • 3. 3 Pangkalahatang Panuto Paano mo Matututunan? Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod: • Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika. • Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay. • Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay. Icons na Ginagamit sa Modyul Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito. Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin. Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin. Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi. Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang. Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang natutunan sa aralin. Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
  • 4. 4 Subukin Basahing mabuti ang bawat aytem atisulat ang titik ng tamang sagot sa iyong activity notebook. 1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. A. Ekonomiks B. Sosyolihiya C. Kasaysayan D. Heograpiya 2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan 3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan 4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital.Anong kondisyon ang tinutukoy nito? A.Kakapusan B. Kakulangan C. Kamalayang Panlipunan D.Kamalayan sa Kapaligiran
  • 5. 5 5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito? A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya. C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin. D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya. 6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano ang tawag dito? A. Opportunity Cost B. Marginal Thinking C. Incentives D. Trade-Off 7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opprtunity Cost 8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw- araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya? A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso. B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang. C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap. D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay. 9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ano ang idinudulot nito? A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating desisyon. B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
  • 6. 6 C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon. D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa araw-araw. 10.Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakitkailanganpag-aralanang ekonomiks? A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan. B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay. C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng pandemya. D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
  • 7. 7 Aralin Ang Kahulugan ng Ekonomiks 1 Tuklasin Sitwasyon-Desisyon-Rason (SDR) Chart Araw-araw ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyon na kailangan niyang pumili. Mababasa sa loob ng talahanayan sa ibaba ang mga sitwasyon na maaari ninyong maranasan. Isulat sa pangalawang kolum ang magiging desisyon at sa pangatlong kolum naman ang rason o kadahilanan.Isulat sa activity notebook ang sagot. SITWASYON DESISYON RASON 1. Pagtatrabaho pagkatapos ng Senior High School o pagpapatuloy ng pag- aaral sa kolehiyo? 2. Pananatili sa loob ng bahay sa panahon ng pandemya o pagpunta sa bahay ng kaibigan? 3. Pagtulong sa pag- iimpake ng relief goods o pag-titiktok gamit ang cellphone? 4. Pamamasyal sa mall o pagtulong sa mga gawaing-bahay? 5. Paglalaro ng computer gameso paggawa ng takdang aralin? Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagpili ng desisyon?Sa iyong pananaw, tama baang iyong mga naging desisyon? Ipaliwanag. ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
  • 8. 8 Nahirapan ka bang pumili ng desisyon? May iba pa bang sitwasyon na naranasan mona kung saan kailangan mong pumili at magdesisyon? Ipaliwanag. ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Suriin Ang Kahulugan ng Ekonomiks Ano ang kahulugan ng Ekonomiks? Ayon kay Viloria (2000), ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagsimula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala. Pinag-aaralan sa ekonomiks ang pamamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at ang bansa ng kanilang limitadong resources. Kaya pinag-aaralan din kung papaano gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong resources upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t ibang pangkat ng lipunan. May dalawang mahalagang bahagi na binibigyang-pansin ang ekonomiks – ang sambahayan at ang pamayanan. Sa sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin ang limitadong resourcessa maraming pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng sambahayan, pinagpapasyahan naman kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, kuryente at iba pang mga bagay na maaaring makapagdulot ng kasiyahan o pakinabang sa isang pamilya. Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at sambahayan ay magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commo ns/c/cf/Economics_circular_flow_cartoon.jpg https://clipartstation.com/sambahayan- clipart-4/
  • 9. 9 Ang pamayananay gumamagawa ng iba’t ibang desisyon katulad ng sambahayan. Lumalabas dito ang apat na katanungan para matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng limitadong resources. Ang mga katanungang ito ay ang mga sumusunod: Anu-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin? Gaano karami ang gagawin? Paano gagawin? At para kanino? Dahil sa may limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin sa kakapusan. May kakapusan sa pinagkukunang-yaman sapagkat walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang likas na yaman ay maaaring maubos at mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may limitasyon kaya limitado ang nagagawang produkto at serbisyo para sa tao. Kaya ang kakapusan ay kaakibat na ng ating buhay sapagkat may limitasyon ang lahat ng bagay sa daigdig. Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks Sa pag-aaral ng ekonomiks ay nalalaman natin ang mga mahahalagang konsepto para makatulong sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Sinasabi na sa buhay ng tao ay kalakip na ang pagkakaroon ng choice o pagpipilian. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao, siya ay napapaligiran ng iba’t ibang pagpipilian kaya mahalaga na pagtuunan ng pansin kung paano makabuo ng matalinong pagpapasya ang tao. Trade-off: Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ito sa pagbuo ng matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng isang tao ang kanyang pagpipilian. Isang halimbawa ay ang paggamit ng iyong oras sa paggawa ng takdang aralin o paglalaro ng computer games. Kapag sinuri ng mabuti ang dalawang pagpipilian ay makakabuo ka ng isang pinakamainam na desisyon. Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sakali man ikaw ay nakabuo na ng desisyon. Sa naunang halimbawa, kapag pinili ang paggawa ng takdang aralin, angopportunity cost nito ay ang hindi paglalaro ng computer games. Incentives: Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang magbago ang desisyon ng mga mamimili. May mga pagkakataon na ganap na ang ating desisyon sa pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo subalit hindi maiiwasan na magbago ang ating isip sa bandang huli. Ang halimbawa ngincentives ay ang pagbibigay ng discount sa mga bilihin. Ang promo gaya ng buy one take one ay maaari ding makapagbago sa ating desisyon. Bilang mag-aaral, maaaring mailalarawan ang incentives sa pagbibigay ng pabuya kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka. Marginal Thinking: Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga maging ito ay gastos o pakinabang na makukuha sa pagbuo ng desisyon.
  • 10. 10 Kaya sa pag-aaral ng ekonomiks, may kasabihan na “Rational people think at the margin”. Nagiging rasyonal ang tao sa mga bagay na dapat gawin para humantong sa isang matalinong pagdedesisyon. Pagyamanin Wala ng Quarantine, Tayo na at Mag-enjoy! Si Kobe ay nagagalak na pumunta ng lungsod dahil inihinto na ng lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng quarantine. Binigyan siya ng kanyang mga magulang ng Php100.00 para makapaglibang kasama ang mga kaibigan. Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaring bilhin ni Kobe sa lungsod at sagutin ang mga tanong sa ibaba. PRODUKTO PRESYO Burger at Fries Php 70.00 Milk Tea Php 80.00 Softdrink Php 20.00 Ice Cream Php 50.00 Kung ikaw si Kobe, anu-anong mga produkto ang handa mong ipagpalit para lang makabili ng milk tea? Bakit? ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Nagkaroon ng buy one take one promo sa burger at fries. Kung ikaw si Kobe, ano ang magiging pasya mo at paano mo ngayon pamamahalaan ang iyong badyet? ________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
  • 11. 11 Isaisip Piliin Mo! Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Kilalanin at tukuyin kung ito ay nagpapahiwatig ng konsepto ng Trade-Off, Opportunity Cost, Incentives at Marginal Thinking. Isulat ang napiling sagot sa loob ng kahon. Mga Sitwasyon Mahalagang Konsepto 1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili si Angel dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanyang mga magulang dulot ng pandemya. Pinagpipilian niya ang paghihinto sa pag-aaral para makapagtrabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay nahihirapan. 2. Si Coco ay nais bumili ng bagong sapatos ngunit wala siyang perang pambili. Pinangakuan siya ng kanyang kuya na bibilhin ang gusto niya kapag tumaas ang kanyang mga nakuhang marka sa susunod na markahan. 3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais niyang magsuot ng bagong damit. Ngunit iniisip niyang mabuti kung magagamit ba ang damit na bibilhin niya sa iba pa niyang lakad. 4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho sa Manila kahit sila ay nasa gitna ng pandemya. Ngunit iniwan niya ang trabaho at umuwi sa probinsiya para makapiling ang pamilya.
  • 12. 12 Isagawa Desisyon Ko, I-journal Ko! Binigyang-pansin natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang konsepto nito tungo sa pagkakaroon ng isang matalinong pagdedesisyon. Isa-isahin ang mga sitwasyong naranasan sa nakalipas na limang araw kung saan ikaw ay nakakagawa ng matalinong pagdedesisyon. Isulat ang mga ito sa iyong journal. Matapos gawin ang journal ay sagutin ang tanong sa ibaba. Unang Araw:___________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Ikalawang Araw:________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Ikatlong Araw:__________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Ika-apat na Araw:_______________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Ika-limang Araw:________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Bakit mo nasabi na ang iyong mga nagawa sa nakalipas na limang araw ay isang matalinong pagpapasya? Ipaliwanag. ________________________________________________________ Desisyon Ko, I-journal Ko!
  • 13. 13 Buod Napag-alaman sa modyul na ito ang kahulugan ng ekonomiks at kung paano ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Batay sa mga nailalahad na mga konsepto at gawain,nabigyang-linaw at natutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: • Kaakibat na ng buhay ng tao ang suliranin sa kakapusan dahil may limitasyon hindi lamang ang kakayahan ng tao maging ang kanyang likas na kapaligiran. • Angsuliranin sa kakapusan ay nagdudulot ng limitasyon ng mga nagagawang produkto at serbisyo. Sa suliraning ito ay kinakailangan na ang tao ay humantong sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. • Sa pagdedesisyon, kailangan ang mga mahahalagang konsepto gaya ng trade-off, opportunity cost, incentivesat marginal thinking. Ang mga ito ay mga kaparaanan para ang tao ay makapagbigay ng mapanuri at matalinong desisyon sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Pagtatasa: (Post-Test) Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong activity notebook. 1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. A. Ekonomiks B. Sosyolihiya C. Kasaysayan D. Heograpiya 2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan 3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
  • 14. 14 4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito? A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kamalayang Panlipunan D. Kamalayan sa Kapaligiran 5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito? A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya. C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin. D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya. 6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano ang tawag dito? A. Opportunity Cost B. Marginal Thinking C. Incentives D. Trade-Off 7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opprtunity Cost 8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya? A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso. B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang. C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap. D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
  • 15. 15 9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ano ang idinudulot nito? A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating desisyon. B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na desisyon. C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon. D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa araw-araw. 10.Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag- aralan ang ekonomiks? A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan. B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay. C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng pandemya. D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo. Karagdagang Gawain Ang Aking Panata Napag-alaman natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang konsepto nito na nakakatulong sa pagbuo ng isang matalinong pagdedesisyon. Isulat ang iyong mga saloobin at gawin mong panata bilang mag-aaral at bahagi ng iyong pamilya at ng lipunan. Ang panatang ito ay maging gabay mo sa pag-unawa ng ekonomiks at ang kabutihang naidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Ang Aking Panata