SlideShare a Scribd company logo
1 of 1
Jeepney Modernization Program
Ang jeepney o jeep ay may napakalaking bahagi na ginagampanan sa pangaraw-araw na
buhay ng bawat Pilipino. Ito ay maituturing na simbolo na rin ng kulturang Pilipino patungkol sa
transportasyon. Kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang modernization program
para sa mga ‘public utility vehicles’ kung saan isa na rito ang jeep. Ngayong linggo ay nagkasa
ang iba’t ibang samahan na tumutuligsa sa jeepney phase out tulad ng Pinagkaisang Samahan ng
mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ng ‘transport strike’ bilang pagtututol sa programang
ito ng pamahalaan. Ito ang ikatlong transport strike na ginanap sa taong kasalukuyan na may huling
dalawang rally na naganap noong Pebrero at Septyembre. Ano nga ba ang planong modernization
program na ito ng Kagawaran ng Transportasyon? Ayon sa pahayag ng pamahalaan, ang
programang ito ay idinisenyo upang gawing mas ligtas ang mga pampublikong sasakyan, mas
maginhawa, mas komportable, at environmental-friendly.
Ang proyektong ito ng pamahalaan ay tiyak namang pagkaganda-ganda at napakaraming
pagbabagong dulot ay ginhawa at kabutihan sa mamamayang Pilipino. Ako ay nagpapahayag ng
pagsang-ayon sa modernisasyon ng ‘public utility jeep’ na nasa labinlimang taon na ang tanda.
Bakit ng ba ako sumasang-ayon? Unang-una, ang taong tumatanda ay humihina at namamatay na
kung ihahambing sa jeep ay may ganoong pagkakahalintulad rin. Ang jeep sa katandaan ay
nagkakaroon ng mga problema at maaari pang magresulta sa aksidente. Ikalawa, ang polusyon na
isa sa napakalaking problema hindi lamang sa kalakhang Maynila kundi sa buong Pilipinas na rin
ay maaaring masolusyonan dahil sa programang ito. Ang mga jeep na nakakalusot sa mga emission
testing na walang habas magbuga ng itim na usok ay matatanggal na. Ikatlo, isa ito sa mga
maaaring makasagot sa suliranin ng bansa sa traffic. Dahil sa pagkakaroon ng kapasidad ng mga
bagong jeep na dalawampu’t dalawa ay siguradong mas kakaunti ang mga unit na ibebenta sa mga
jeepney operators kaysa sa mga kasalukuyang jeep na balak iphase out. Ikaapat, ang mga bagong
jeep na ilalabas ay may mga katangiang para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero. Isa
na rito ang mga cctv na itatalaga sa mga ‘modernized jeeps’, isa sa harap, isa sa gitna at isa sa
likod. Ikalima at panghuli, ito ay magiging bahagi ng paghabol ng Pilipinas sa patuloy na pagunlad
ng makabagong teknolohiya na karapat-dapat lamang nating gawin bilang isang ‘developing
country’.
Ang sarap pakinggan ng mga nabanggit kong pahayag ngunit ang bawat kagandahan ay
may kaakibat na kapintasan at ang bawat kaginahawaan ay may katumbas na kahirapan. Hindi
magdadaos ng rally o welga ang mga grupo ng mga jeepney drivers dahil lamang sa wala. Kung
tutuusin naman ay payag sila sa modernisasyong ito ng mga ‘public utility jeep’, kanya nga lang
ay napakadugo ng proseso bago ito makuha. Umaabot sa milyon ang halaga ng mga ‘modernized
jeeps’ na inilabas ng Kagawaran ng Transportasyon na hindi kayang mabayaran ng mga tsuper sa
regular nilang kinikita. Makikita na ang pinakahadlang sa mga magagandang hangarin ng
pamahalaan ay ang kahirapan mismo na nagiging ugat rin ng iba pang suliranin. Isang magandang
paraan para masolusyonan ito ay ang pagbibigay ng ‘subsidy’ sa mga tsuper at operator upang
maging maalwan ang modernisasyon ng jeep para sa kanila. Sang-ayon ako sa pagbabagong ito o
ang ‘jeepney modernization program’ ngunit dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang
pagkukunang-pinansiyal ng mga jeepyney drivers at operators sa phase out na gagawin at pagbili
ng mga modernized jeep.

More Related Content

What's hot

Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayJustinJiYeon
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekIda Regine
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoPRINTDESK by Dan
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 
Mga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturaMga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturacrysteljubay
 
Ang manggagawang pilipino
Ang manggagawang pilipinoAng manggagawang pilipino
Ang manggagawang pilipinoJoselito Maun
 
Kakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalKakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalj1300627
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonMara Maiel Llorin
 
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.ppt
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.pptkasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.ppt
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.pptJohnZedrickBaguio
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasJuan Miguel Palero
 

What's hot (20)

Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6
 
Kasanayan sa pagbasa
Kasanayan sa pagbasaKasanayan sa pagbasa
Kasanayan sa pagbasa
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Mga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kulturaMga paniniwala at kultura
Mga paniniwala at kultura
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
Ang manggagawang pilipino
Ang manggagawang pilipinoAng manggagawang pilipino
Ang manggagawang pilipino
 
Kakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsalKakayahang diskorsal
Kakayahang diskorsal
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
PAGTUGON SA CLIMATE CHANGE - AP 10
PAGTUGON SA CLIMATE CHANGE - AP 10PAGTUGON SA CLIMATE CHANGE - AP 10
PAGTUGON SA CLIMATE CHANGE - AP 10
 
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.ppt
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.pptkasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.ppt
kasaysayan-ng-pambansang-wika-sa-panahon-ng-mga-hapones.ppt
 
Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik Kahalagahan ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 

More from Lexter Ivan Cortez

Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotLexter Ivan Cortez
 
Anthropology, Sociology and Political Science
Anthropology, Sociology and Political ScienceAnthropology, Sociology and Political Science
Anthropology, Sociology and Political ScienceLexter Ivan Cortez
 
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...Lexter Ivan Cortez
 
Special Pastries (Examples with Ingredients)
Special Pastries (Examples with Ingredients)Special Pastries (Examples with Ingredients)
Special Pastries (Examples with Ingredients)Lexter Ivan Cortez
 
Divine Comedy (Purgatory) by Dante
Divine Comedy (Purgatory) by Dante Divine Comedy (Purgatory) by Dante
Divine Comedy (Purgatory) by Dante Lexter Ivan Cortez
 
Assyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentationAssyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentationLexter Ivan Cortez
 

More from Lexter Ivan Cortez (11)

Confucianism (World Religion)
Confucianism (World Religion)Confucianism (World Religion)
Confucianism (World Religion)
 
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at PoliglotModyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot
 
Anthropology, Sociology and Political Science
Anthropology, Sociology and Political ScienceAnthropology, Sociology and Political Science
Anthropology, Sociology and Political Science
 
Barayti ng Wika
Barayti ng WikaBarayti ng Wika
Barayti ng Wika
 
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...
Kultura at Lipunan: Ang Makabagong Mukha ng Demokrasya sa Umiiral na Politica...
 
Pastries
PastriesPastries
Pastries
 
Special Pastries (Examples with Ingredients)
Special Pastries (Examples with Ingredients)Special Pastries (Examples with Ingredients)
Special Pastries (Examples with Ingredients)
 
Tourist Spot sa Pilipinas
Tourist Spot sa PilipinasTourist Spot sa Pilipinas
Tourist Spot sa Pilipinas
 
Divine Comedy (Purgatory) by Dante
Divine Comedy (Purgatory) by Dante Divine Comedy (Purgatory) by Dante
Divine Comedy (Purgatory) by Dante
 
Isang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter CortezIsang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter Cortez
 
Assyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentationAssyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentation
 

Jeepney Modernization Program (Reaction Paper)

  • 1. Jeepney Modernization Program Ang jeepney o jeep ay may napakalaking bahagi na ginagampanan sa pangaraw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Ito ay maituturing na simbolo na rin ng kulturang Pilipino patungkol sa transportasyon. Kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang modernization program para sa mga ‘public utility vehicles’ kung saan isa na rito ang jeep. Ngayong linggo ay nagkasa ang iba’t ibang samahan na tumutuligsa sa jeepney phase out tulad ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ng ‘transport strike’ bilang pagtututol sa programang ito ng pamahalaan. Ito ang ikatlong transport strike na ginanap sa taong kasalukuyan na may huling dalawang rally na naganap noong Pebrero at Septyembre. Ano nga ba ang planong modernization program na ito ng Kagawaran ng Transportasyon? Ayon sa pahayag ng pamahalaan, ang programang ito ay idinisenyo upang gawing mas ligtas ang mga pampublikong sasakyan, mas maginhawa, mas komportable, at environmental-friendly. Ang proyektong ito ng pamahalaan ay tiyak namang pagkaganda-ganda at napakaraming pagbabagong dulot ay ginhawa at kabutihan sa mamamayang Pilipino. Ako ay nagpapahayag ng pagsang-ayon sa modernisasyon ng ‘public utility jeep’ na nasa labinlimang taon na ang tanda. Bakit ng ba ako sumasang-ayon? Unang-una, ang taong tumatanda ay humihina at namamatay na kung ihahambing sa jeep ay may ganoong pagkakahalintulad rin. Ang jeep sa katandaan ay nagkakaroon ng mga problema at maaari pang magresulta sa aksidente. Ikalawa, ang polusyon na isa sa napakalaking problema hindi lamang sa kalakhang Maynila kundi sa buong Pilipinas na rin ay maaaring masolusyonan dahil sa programang ito. Ang mga jeep na nakakalusot sa mga emission testing na walang habas magbuga ng itim na usok ay matatanggal na. Ikatlo, isa ito sa mga maaaring makasagot sa suliranin ng bansa sa traffic. Dahil sa pagkakaroon ng kapasidad ng mga bagong jeep na dalawampu’t dalawa ay siguradong mas kakaunti ang mga unit na ibebenta sa mga jeepney operators kaysa sa mga kasalukuyang jeep na balak iphase out. Ikaapat, ang mga bagong jeep na ilalabas ay may mga katangiang para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero. Isa na rito ang mga cctv na itatalaga sa mga ‘modernized jeeps’, isa sa harap, isa sa gitna at isa sa likod. Ikalima at panghuli, ito ay magiging bahagi ng paghabol ng Pilipinas sa patuloy na pagunlad ng makabagong teknolohiya na karapat-dapat lamang nating gawin bilang isang ‘developing country’. Ang sarap pakinggan ng mga nabanggit kong pahayag ngunit ang bawat kagandahan ay may kaakibat na kapintasan at ang bawat kaginahawaan ay may katumbas na kahirapan. Hindi magdadaos ng rally o welga ang mga grupo ng mga jeepney drivers dahil lamang sa wala. Kung tutuusin naman ay payag sila sa modernisasyong ito ng mga ‘public utility jeep’, kanya nga lang ay napakadugo ng proseso bago ito makuha. Umaabot sa milyon ang halaga ng mga ‘modernized jeeps’ na inilabas ng Kagawaran ng Transportasyon na hindi kayang mabayaran ng mga tsuper sa regular nilang kinikita. Makikita na ang pinakahadlang sa mga magagandang hangarin ng pamahalaan ay ang kahirapan mismo na nagiging ugat rin ng iba pang suliranin. Isang magandang paraan para masolusyonan ito ay ang pagbibigay ng ‘subsidy’ sa mga tsuper at operator upang maging maalwan ang modernisasyon ng jeep para sa kanila. Sang-ayon ako sa pagbabagong ito o ang ‘jeepney modernization program’ ngunit dapat pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang pagkukunang-pinansiyal ng mga jeepyney drivers at operators sa phase out na gagawin at pagbili ng mga modernized jeep.