Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Kaugaliang pilipino

47,527 views

Published on

kaugaliang nakasanayan ng mga Pilipino

Published in: Education
  • Login to see the comments

Kaugaliang pilipino

  1. 1. PAGMAMANO SA MATATANDA Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis. Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
  2. 2. PAGKAKABUKLOD NG MAG-ANAK Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala
  3. 3. AMOR PROPIO Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.
  4. 4. BAYANIHAN Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.
  5. 5. PAGHAHARANA Ang harana ay isang gawaing nakagisnan na ng mga Pilipino at naging tanyag mahabang panahon na ang nakaraan. Noong araw, karaniwan na sa mga taga- nayon ang makarinig ng tinig ng binata habang hinaharana ang dalagang kanyang sinisinta. Ito ay isang pagpapahayag ng binata sa napupusuan niyang dalaga ng kanyang pag-ibig. At kapag siya ay magiliw na pinatuloy ng dalaga sa tahanan nito, ito’y isang tanda na siya’y may pag-asa sa puso ng babaeng sinisinta. Ang panghaharana ng binata kadalasan ay sinasagot din ng dalaga sa pamamagitan ng pag-awit. Sa matiyagang pagdalaw ng binata kalakip ang masuyong pangungusap, nakakamit nito ang pagmamahal ng dalagang iniibig.
  6. 6. PAMAMANHIKAN Ang pamamanhikan (Ingles: supplication, request) ay isinasagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong magpakasal. Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap ang sarili niyang magulang. Sa ilang lugar ay isinasama pa ng lalaki ang Punong Barangay o iba pang maimpluwensiyang kamag-anak o kaibigan upang lumahok sa pamamanhikan. Kadalasang may malaking salu-salo sa hapag ang magaganap na pamamanhikan. Dito ay pinag-uusapan ang petsa at pook-kasalan ng mag- sing irog, maging ang ilan pang detalye, katulad ng magiging ninong at ninang, ang paring magkakasal, mga abay, lugar ng kainan, at maging ang listahan ng mga bisita.
  7. 7. SIMBANG GABI Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag din itong Misa-de-galyo (mula sa Kastilang Misa de Gallo, o "misa ng tandang", sapagkat sa pagtilaok ng lalaking manok, magsisibangon na ang mga mag-anak para makinig ng misa sa pinakamalapit na simbahang pamparokya[1]), Misa Aginaldo (mula sa Kastilang Misa de Aguinaldo, o "misa ng mga handog, alay o regalo"), Misa-de- notse, o Misa-de-noche (o "misa ng/sa gabi").[2] Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko.[2]Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre, na kadalasang sinasagawa sa mga Romano Katolikong simbahan[1] sa Pilipinas tuwing ikaapat hanggang ikalima ng
  8. 8. umaga. Ang misa sa madaling araw na ito isa sa pinakamatagal na at pinakabantog na tradisyong Pilipino.[3]Nagsisilbi rin ang misa bilang isang nobena para sa Birheng Maria.[1][3] Bukod dito, nagsisilbi ring pagkakataon ang pagnonobena upang idalangin ang mga kahilingang nakatuon kay Hesukristo, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw.[4] Sa ibang pagkakataon, isinasagawa ring kasama ng Simbang Gabi ang panuluyan, partikular na sa pinakahuling misa, ang tunay na Misa Aginaldo[1] o Misa-de- galyo.[ PAKIKISAMA Pakikisama[1]: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
  9. 9. UTANG NA LOOB Utang na Loob[1]: Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan
  10. 10. PALABRA DE HONOR Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.

×