1. p
PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON
LARAWAN NG PANAHON AT KASAYSAYAN
DISYEMBRE 7, 1941 - binomba ng Hapon ang pearl Harbor. Sa araw din na ito nagpahayag ng
pakikidigma ang kongreso ng Estadoos Unidos sa bansang Hapon
DISYEMBRE 8, 1942 – Nilusob ng Hapon ang Pilipinas. Ayon kay Agoncillo (1960) ay magkasabay
na sinalakay ng Hapon ang Apari, Davao, Baguio, Tarlac at Maynila.
Malaki ang impluwensyang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa ating bansa, ang higit na
naimpluwensyahan sa lahat ay ang larangan ng panitikan
Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kwento at ng dulang Tagalong.
Ang wikang Ingles na nakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga
Pilipino ay ipinagbawal ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na
ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog.
Nabigyang-sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng mananakop. Binigyan pa
nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P. Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang
pamamatnubay
Sa panahong ito ay ipinagbabawal ang paggamit sa ingles kaya’t tagalog an gang gamit na wika
sa pakikipagtalastasan kabilang ang paraang pagsulat, partikular sa maiikling kwento
PAKSANG TINALAKAY SA PANAHON NG HAPON
Ang mga nasulat nang panahon ng Hapones na maikling katha, tula, dula at nobela ay
karaniwang may damdaming makabayan ngunit ang mga manunulat ay ingat na ingat na hindi
ito mahalata ng mga mananakop.
Nabigyan ng diin ng mga manunulat ang:
1. katutubong-kulay,
2. ang uri ng buhay ng panahong iyon,
3. ang pananalat at ang kadahupan ng pang-araw-araw na buhay
TULA SA PANAHON NG HAPON
Dalawang uri ng tula:
• Karaniwan
2. p
• Malaya
Ngunit nagustuhan din ng mga makata ang:
HAIKU – maikling tulang may 3 taludtod at may bilang ng pantig na 5-7-5 sa bawat
taludtod .
TANAGA – maikling tulang may 4 na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7.
ANG MAIKLING KATHA SA PANAHON NG HAPON
Itinuturing na pinakamaunlad ang sangay ng maikling kuwento sa lahat ng sangay ng panitikan
sa panahong ito
Walang gaanong nobelang naisulat sa panahong nga hapon dahil sa kakapusan sa papel. Ang ilan
sa mga nalathalang nobela ay gumamit ng napakaliit na titik o tipo.
Sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa, pinili ang itinuturing na pinakamahusay na
maikling kuwento sa panahong ito. Isinaaklat ang mga itinuturing na pinakamahusay na kathang
Pilipino ng 1943. Nakilala ito sa pamagat na “ 25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng 1943”.
Ang mga sumusunod ang siyang bumubuo ng kalipunan ng maikling katha na itinuturing na
pinakamahusay noong 1943:
→ Lupang Tinubuan- Narciso Reyes
→ Uhaw ang Tigang na Lupa- Liwayway A. Arceo
→ Lunsod, Ngayon, at Dagat-dagatan- N.V.M. Gonzales
→ May Umaga Pang Daratal- Serafin Guinigundo
→ Sumisikat na ang Araw- Gemiliano Pineda
→ Dugo at Utak-Cornelio Reyes
→ Mga Yabag na Papalayo- Lucia A. Castro
→ Tabak at Sampaguita- Pilar R. Pablo
→ Madilim pa ang Umaga- Teodoro A. Agoncillo
→ Ikaw, Siya at Ako- Brigido Batungbakal
→ May Uling sa Bukana- Teo B. Buhain
→ Bansot- Aurora Cruz
→ Bahay sa Madilim- Alfredo S. Enriquez
3. p
→ ang Tao, ang Kahoy at ang Bagyo- Aristeo V. Florido
→ Nagmamadali ang Maynila- Serafin Guinigundo
→ Gaton at ang kanyang Kalakian- Serafin Guinigundo
→ Unang Pamumulaklak- Hernando R. Ocampo
→ Mga Bisig- Amado Pagsanjan
→ Sinag sa Dakong Silangan- Macario Pineda
→ Mga Diyos- Justiniano del Rosaril
→ Luad- Gloria Villaraza
→ Suyuan sa Tubigan- Macario Pineda
→ Paghihintay- Emilio Aguilar Cruz
→ Kadakilaan sa Tugatog ng Bundok- Brigido C. Batungbakal
→ Ibon Mang May Layang Lumipad- Amado Pagsanjan
Natatangi ang Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes dahil sa maraming bagay. Isa na rito ang mahusay
paglalarawan ng pook, panahon, sitwasyon at tao.
Ngunit higit sa dalubhasang paglalarawan, ang kariktan ng Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes ay
nasa napapanahong diwang ipinahahayag. Nasa matimping paglalahad ng pagbabagong naganap sa
pangunahing tauhan na umuwi sa kanyang nayon dahil may namatay. Subalit sa pag-uwing ito
dahilan sa namatay ay nabuhay naman sa kanya ang makabansang damdamin.
Sa kabilang dako, ang kathang Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo ay nagpapakita
naman ng katimpian ng paksa at ang mga pangyayari’y madula ngunit hindi naman masasabing
maligoy.
DULA SA PANAHON NG HAPON
Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga artista ng puting tabing ay lumipat sa
pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalaki’t maliliit na teatro tuloy ay nagsipalabas ng dula.
Natatag ang Dramatic Philippines ni Francisco Sycip at kabilang dito sina Narciso Pimentel,
Francisco Rodrigo, Albert Canio at iba pa.
Isa sa mga sinulat ni Francisco Soc Rodrigo na maituturing na higit na kinagiliwan ng panahong
iyon ay ang dramang Sa Pula, Sa Puti.
4. p
Sinasabing ang halakhak ay panakip sa kalungkutan. Kayat maaasahang ang karaniwang
itinatanghal noong panahon ng Hapones ay pawang katatawanan; pampalimot kahit
pansamantala sa dinadalang kalungkutan ng mga tao.
Ilan sa mga dula ng panahon ng Hapones ay ang mga sumusunod: Sino Ba Kayo, Dahil sa Anak,
Ang Palabas ni Suwan, Higanti ng Patay at Ang Libingan ng Bayani na pawing sinulat ni Julian
Cruz Balmaceda. Nagtanghal sila sa Metropolitan Theater at sa ilang palabasan sa Maynila.
DULA NG PAKIKIBAKA
◊ Noong Enero 1943, si Juan Feleo, katulong si Alex Sunga, ay naglunsad ng grupong pangkultura
na nagpapalabas ng iba’t- ibang pagtatanghal sa kanayunan. Nueva Ecija Cultural and Dramatic
Association(NECDA) ang tawag sa grupo.
◊ Ang paksa ng mga palabas na itinatanghal ay ukol sa kasaysayan ng Pilipinas at pangangailangan
sa pakikipaglaban.
◊ Ang ang kauna-unahang dulang ipinalabas na umabot sa 40 minuto ang pagtatanghal. Ayon kay
Cesario Torres, ang dula ay tungkol sa tatlong magkakapatid. Pinapaksa nito ang pakikiisa sa
pakikibaka, sa halip na maging palahintay o kaya’y makipagtulungan sa kaaway.
◊ Sumulat si Antonio G. Canlas Arenas, Arayat, Pampanga, ng dula sa wikang kapampangan na
pinamagatang E Magbabo eng Diwacan ( Hindi Mangingibabaw ang Kasamaan ). Ang tema ng
dula ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapon.
◊ Tungkol naman sa isang dalagang sumapi sa mga Huk ang dulang pinamagatang ang Bulaklak ng
Hukbalahap
NOBELA AT KATHANG BUHAY SA PANAHON NG HAPON
Ω Ang mga napatanyag sa panahong ito na nakapaglathala ng mga aklat sa Ingles.
Ω Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, masasabing lalong hindi namulaklak ang pagsusulat
ng nobela.
Ω Ilang taon bago ganap na nalusob ng mga Hapones ang bansang Pilipinas ay lumutang sa
panitikang Pilipino ang mga nasulat sa Wikang Ingles, sa ilalim ng pangunguna ng Philippine
Book Guide at ng Philippine Writer’s League
Ω Sa kathambuhay ay nagningning ang pangalan ng mga manunulat na sina Jose j. Reyes, Victoria
Lopez-Araneta, N.V.M. Gonzales at Juan C. Laya.
Ω How My Brother Leon Brought Home a Wife- Manuel Arguilla
Ω The Wound and the Scar- Arturo Rotor
5. p
Ω Like the Molave- R. Zulueta de Costa
Ω His Native Soil- Juan Cabreros Laya
Ω The Winds of April- N.V.M. Gonzales
Ω Literature and Society- Salvador Lopez
Ω Armando Dayrit
Ω Francisco Icasiano
Ω Antonio Estrada
Ω Ang ilan naman sa mga nobelang lumabas noong panahon ng Hapones at nasusulat sa sariling
wika ay ang mga sumusunod:
Ω Sa Lundo ng Pangarap- Gervacio Santiago
Ω Pamela- Adraiano Laudico at A.E. Litiaco
Ω Tatlong Maria- Jose Esperanza Cruz
Ω Zenaida- Adriano P. Laudico
Ω Magandang Silangan- Gervacio Santiago
Ω Lumubog ang Bituin- Isidra Zarraga-Castillo