SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ni Andres Bonifacio
1
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
2
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita’t buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan ito’y namamasid.
3
Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alinman,
Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.
4
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.
5
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
6
Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?
7
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.
8
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
9
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasalibingan.
10
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?
11
At ang balang kahoy at ang balang sanga
Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makita’t sasaalaala
Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya.
12
Tubig n’yang malinaw na anaki’y bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
13
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.
14
Pati ng magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
At lalong maghirap, O! himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
15
Kung ang Bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
16
Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay nilapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niya’t kamahalan
Ng sama ng lilong taga-ibang bayan.
17
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
18
Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
Sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?
19
Kung ang pagkabaon n’ya’t pagkabusabos
Sa lusak ng saya’t tunay na pag-ayop,
Supil ng panghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?
20
Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.
21
Mangyayari kaya na ito’y masulyap
Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong Inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
22
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanuod?
23
Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.
24
Kayong natuy’an na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.
25
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak,
Kahoy nyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag.
26
Kayong mga pusong kusang napapagal
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango’t Bayan ay itanghal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
27
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
28
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
At hanggang may dugo’y ubusang itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

More Related Content

What's hot

Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
viceral
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
Kaira Go
 

What's hot (20)

Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Hugot lines
Hugot linesHugot lines
Hugot lines
 
Pagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryonPagsusuri sa tulang ang guryon
Pagsusuri sa tulang ang guryon
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Mga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng TayutayMga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng Tayutay
 
Mga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng TayutayMga Halimbawa ng Tayutay
Mga Halimbawa ng Tayutay
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na DetalyeAng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Uri ng komunikasyon
Uri ng komunikasyonUri ng komunikasyon
Uri ng komunikasyon
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Pagbabalangkas
PagbabalangkasPagbabalangkas
Pagbabalangkas
 
URI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYANURI NG AWITING-BAYAN
URI NG AWITING-BAYAN
 

Similar to Pag ibig sa Tinubuang Lupa (14)

Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
Explore grade 7
Explore grade 7Explore grade 7
Explore grade 7
 
El Amor Patrio
El Amor PatrioEl Amor Patrio
El Amor Patrio
 
Love of country (2)
Love of country (2)Love of country (2)
Love of country (2)
 
Tinubuang lupa
Tinubuang lupaTinubuang lupa
Tinubuang lupa
 
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
Pag ibig sa-tinubuang_lupaPag ibig sa-tinubuang_lupa
Pag ibig sa-tinubuang_lupa
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Britney
BritneyBritney
Britney
 
Marcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his worksMarcelo h del pilar and his works
Marcelo h del pilar and his works
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Florante at luara
Florante at luaraFlorante at luara
Florante at luara
 
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdfMi-Ultimo-Adiós.pdf
Mi-Ultimo-Adiós.pdf
 
Pagsasalin
PagsasalinPagsasalin
Pagsasalin
 
Huling paalam
Huling paalamHuling paalam
Huling paalam
 

More from Chelbert Yuto

More from Chelbert Yuto (20)

Richard Cory
Richard CoryRichard Cory
Richard Cory
 
The Passionate Shepherd to his Love
The Passionate Shepherd to his LoveThe Passionate Shepherd to his Love
The Passionate Shepherd to his Love
 
Stopping by Woods on a Snowy Evening
Stopping by Woods on a Snowy EveningStopping by Woods on a Snowy Evening
Stopping by Woods on a Snowy Evening
 
Sonnet 116
Sonnet 116Sonnet 116
Sonnet 116
 
Nymph's Reply to the Sheperd
Nymph's Reply to the SheperdNymph's Reply to the Sheperd
Nymph's Reply to the Sheperd
 
La Belle Dame Sans Merci
La Belle Dame Sans MerciLa Belle Dame Sans Merci
La Belle Dame Sans Merci
 
Dinabaw
DinabawDinabaw
Dinabaw
 
Marawi
MarawiMarawi
Marawi
 
Ang Babaye sa Cruz-Taal
Ang Babaye sa Cruz-TaalAng Babaye sa Cruz-Taal
Ang Babaye sa Cruz-Taal
 
College of Business Administration
College of Business AdministrationCollege of Business Administration
College of Business Administration
 
Rolimer’s Special Fried Peanuts
Rolimer’s Special Fried PeanutsRolimer’s Special Fried Peanuts
Rolimer’s Special Fried Peanuts
 
Contraction/Expansion and Price Leadership
Contraction/Expansion and Price LeadershipContraction/Expansion and Price Leadership
Contraction/Expansion and Price Leadership
 
Positioning Applications
Positioning ApplicationsPositioning Applications
Positioning Applications
 
The Church in the Plan of God
The Church in the Plan of GodThe Church in the Plan of God
The Church in the Plan of God
 
The Flowers
The FlowersThe Flowers
The Flowers
 
The Cask of Amontillado (Full Story)
The Cask of Amontillado (Full Story)The Cask of Amontillado (Full Story)
The Cask of Amontillado (Full Story)
 
The Appointment in Samarra
The Appointment in SamarraThe Appointment in Samarra
The Appointment in Samarra
 
Wedding Dance (Full Story)
Wedding Dance (Full Story)Wedding Dance (Full Story)
Wedding Dance (Full Story)
 
Love in the Cornhusks (Full Story)
Love in the Cornhusks (Full Story)Love in the Cornhusks (Full Story)
Love in the Cornhusks (Full Story)
 
Dead Stars (Full Story)
Dead Stars (Full Story)Dead Stars (Full Story)
Dead Stars (Full Story)
 

Pag ibig sa Tinubuang Lupa

  • 1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ni Andres Bonifacio 1 Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. 2 Ulit-ulitin mang basahin ng isip At isa-isahing talastasing pilit Ang salita’t buhay na limbag at titik Ng sangkatauhan ito’y namamasid. 3 Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal Sa tapat na puso ng sino’t alinman, Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang, Nagiging dakila at iginagalang. 4 Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat; Umawit, tumula, kumatha’t sumulat, Kalakhan din niya’y isinisiwalat. 5 Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop: Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot. 6 Bakit? Alin ito na sakdal nang laki Na hinahandugan ng buong pagkasi? Na sa lalong mahal nakapangyayari At ginugugulan ng buhay na iwi? 7 Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
  • 2. Siya’y ina’t tangi na kinamulatan Ng kawili-wiling liwanag ng araw Na nagbigay-init sa lunong katawan. 8 Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas Sa inis na puso na sisinghap-singhap Sa balong malalim ng siphayo’t hirap. 9 Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal Mula sa masaya’t gasong kasanggulan Hanggang sa katawa’y mapasalibingan. 10 Ang nangakaraang panahon ng aliw, Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin, Liban pa sa Bayan saan tatanghalin? 11 At ang balang kahoy at ang balang sanga Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya, Sukat ang makita’t sasaalaala Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya. 12 Tubig n’yang malinaw na anaki’y bubog, Bukal sa batisang nagkalat sa bundok, Malambot na huni ng matuling agos, Na nakaaaliw sa pusong may lungkot. 13 Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala’t inaasam-asam Kundi ang makita’y lupang tinubuan. 14 Pati ng magdusa’t sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa Bayan At lalong maghirap, O! himalang bagay,
  • 3. Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay. 15 Kung ang Bayang ito’y nasasapanganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid Isang tawag niya’y tatalikdang pilit. 16 Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan Ay nilapastangan at niyuyurakan Katuwiran, puri niya’t kamahalan Ng sama ng lilong taga-ibang bayan. 17 Di gaano kaya ang paghihinagpis Ng pusong Tagalog sa puring nilait? Aling kalooban na lalong tahimik Ang di pupukawin sa paghihimagsik? 18 Saan magbubuhat ang paghinay-hinay Sa paghihiganti’t gumugol ng buhay Kung wala ding iba na kasasadlakan Kundi ang lugami sa kaalipinan? 19 Kung ang pagkabaon n’ya’t pagkabusabos Sa lusak ng saya’t tunay na pag-ayop, Supil ng panghampas, tanikalang gapos At luha na lamang ang pinaaagos? 20 Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay Na di aakayin sa gawang magdamdam? Pusong naglilipak sa pagkasukaban Ang hindi gumugol ng dugo at buhay. 21 Mangyayari kaya na ito’y masulyap Ng mga Tagalog at hindi lumingap Sa naghihingalong Inang nasa yapak Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak? 22
  • 4. Nasaan ang dangal ng mga Tagalog? Nasaan ang dugong dapat na ibuhos? Baya’y inaapi, bakit di kumilos At natitilihang ito’y mapanuod? 23 Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos na kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan. 24 Kayong natuy’an na sa kapapasakit Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib, Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig Kusang ibulalas sa Bayang piniit. 25 Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak, Kahoy nyaring buhay na nilanta’t sukat Ng bala-balaki’t makapal na hirap, Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag. 26 Kayong mga pusong kusang napapagal Ng daya at bagsik ng ganid na asal, Ngayon ay magbango’t Bayan ay itanghal Agawin sa kuko ng mga sukaban. 27 Kayong mga dukhang walang tanging lasap Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat. 28 Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig, At hanggang may dugo’y ubusang itigis Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit.