3. Hindi na natiis ng gerero ang
naririnig na daing. Kaya’t
hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig.
Pinagputol-putol ng gerero
ang mga dawag hanggang
marating ang kinaroroonan ng
nakagapos.
4. Anyong sisilain na ng dalawang
leon ang binata na sa tindi ng
hirap ay nawalan ng malay.
Pinagtataga ng gerero ang
dalawang leon hanggang sa
mapatay. Pagkatapos
kinalagan nito at kinalong ang
binata.
6. Nang matauhan ang binata, si
Laura agad ang unang hinanap.
Nagulat pa ito nang
mamalayang nasa kandungan
siya, hindi ni Laura, kundi ng
isang Moro.
7. Ipinaliwanag ng gerero na di niya
natiis na di tulungan ang binata,
sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng
Langit ng mga Kristiyano.
8. Sa halip na magpasalamat,
isinagot ng binata na higit pang
ibig niyang mamatay sa laki ng
hirap na dinaranas. Sa narinig
na ito, napasigaw ang gerero.
10. Walang kibuan ang dalawa
hanggang sa lumubog ang araw.
Dinala ng gerero ang binata sa
isang isang malapad at malinis
na bato.
11. Dito pinakain ng Moro ang
binata na di nagtagal ay
nakatulog sa kanyang
kandungan. Magdamag na
binantayan ng gerero ang
binata, na tuwing magigising ay
naghihimutok.