SlideShare a Scribd company logo
1 of 22
Kaligirang
Pangkasaysayan ng Tanka
at Haiku
TANKA AT HAIKU
•Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na
pinahahalagahan ng panitikang Hapon.
Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang
Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito
layong pagsama-samahin ang mga ideya at
imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
lamang.
TANKA
TANKA
•Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa
kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng
iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
TANKA
• Ang mga unang makatang
Hapon ay sumusulat sa wikang
Tsino sapagkat eksklusibo
lamang ang wikang Hapon sa
pagsasalita at wala pang
sistema ng pagsulat.
TANKA
•Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo
siglo, isang sistema ng pagsulat ng
Hapon ang nilinang na mula sa karakter
ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang
tunog ng Hapon. Tinawag na Kana ang
ponemikong karakter na ito na ang ibig
sabihin ay “ hiram na mga pangalan”.
TANKA
•Noong panahong nakumpleto na ang
Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng
mga makatang Hapon ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming
pagpapahayag. Kung historikal ang
pagbabatayan, ipinahahayag ng mga
Hapon na ang Manyoshu ang simula ng
panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sariling-sarili nila.
TANKA
•Maiikling awitin ang ibig sabihin ng
Tanka na puno ng damdamin. Bawat
Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan. Karaniwang paksa naman ang
pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
TANKA
•Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng
pantig na may limang taludtod ang
tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga
taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig
samantalang tig-5 pantig naman ang
dalawang taludtod.
TANKA
•Nagiging daan ang Tanka upang
magpahayag ng damdamin sa isa’t isa
ang nagmamahalan (lalaki at babae).
Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha
ng tatlong taludtod at dudugtungan
naman ng ibang tao ng dalawang
taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
HAIKU
HAIKU
•noong ika-15 siglo, isinilang ang
bagong anyo ng pagbuo ng tula
ng mga Hapon. Ang bagong anyo
ng tula ay tinawag na Haiku.
HAIKU
•Noong panahon ng pananakop ng
mga Hapon sa Pilipinas lumaganap
nang lubos ang Haiku. Binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludturan.
HAIKU
•Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang
pagbigkas ng taludtod na may
wastong antala o paghinto .Kiru ang
tawag dito o sa Ingles ay cutting.
Ang kiru ay kahawig ng sesura sa
ating panulaan.
HAIKU
• Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o
“cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan
sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng
bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng
saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang
makapagbigay-daan na mapag-isipan ang
kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa
marangal na pagwawakas.
HAIKU
•Ang mga salita na ginagamit ay
maaaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa ang salitang kawazu ay
“palaka” na nagpapahiwatig ng
tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang
ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
TANKA AT HAIKU
•Mahalagang maunawaan ng babasa
ng Haiku at Tanka ang kultura at
paniniwala ng mga Hapon upang
lubos na mahalaw ang mensaheng
nakapaloob sa tula.
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
•Parehong anyo ng tula ang Tanka at
Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin
ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t
isang pantig na may limang taludtod.
•Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod
ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring
magkapalit-palit din na ang kabuuan ng
pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa
Tanka.
•May labimpitong bilang ang pantig na
may tatlong taludtod. Maaaring ang hati
ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit din na ang
kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
•Karaniwang paksa ng Tanka ay
pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang
paksang ginagamit naman sa Haiku ay
tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Parehong nagpapahayag ng masidhing
damdamin ang Tanka at Haiku.

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2Denonatibo2 at kononatibo2
Denonatibo2 at kononatibo2
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarityAng lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
Ang lipunan at ang prinsipyo ng subsidiarity
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Tanka at haiku
Tanka at haikuTanka at haiku
Tanka at haiku
 
Panitikan ng Japan
Panitikan ng JapanPanitikan ng Japan
Panitikan ng Japan
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
Es p 9 Module 6 Karapatan at Tungkulin 2018
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Kakapusan at Kakulangan
Kakapusan at KakulanganKakapusan at Kakulangan
Kakapusan at Kakulangan
 
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas MoralEsp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 
EsP 9-Modyul 7
EsP 9-Modyul 7EsP 9-Modyul 7
EsP 9-Modyul 7
 
EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
EsP 9 Katarungang Panlipunan
EsP 9 Katarungang PanlipunanEsP 9 Katarungang Panlipunan
EsP 9 Katarungang Panlipunan
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
 

Similar to Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at HaikuKaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at HaikuAi Sama
 
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxFILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxAjegVillar
 
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docxRommel Tarala
 
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxtankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxCherryCaralde
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuJonnabelle Tribajo
 
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Jenifer Acido
 
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfPanahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfRenanteNuas1
 
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuFILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuEarl Daniel Villanueva
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog qayku
 
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Jeremiah Castro
 
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxtankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxayeshajane1
 
BEED-T-TH.pptx
BEED-T-TH.pptxBEED-T-TH.pptx
BEED-T-TH.pptxEricaTayap
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxmarryrosegardose
 

Similar to Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku (20)

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at HaikuKaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
 
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docxFILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
FILIPINO 9 Q2 MODYUL 1.docx
 
tanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptxtanka at haiku-.pptx
tanka at haiku-.pptx
 
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
(2) Filipino 9-LAS_Q2_Aralin 2.2_Tanka at Haiku.docx
 
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptxtankaathaiku-211010040304 (1).pptx
tankaathaiku-211010040304 (1).pptx
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
Tanaga at haiku
Tanaga at haikuTanaga at haiku
Tanaga at haiku
 
Aralin 2.1 (2)
Aralin 2.1 (2)Aralin 2.1 (2)
Aralin 2.1 (2)
 
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka, Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
Haiku, Senryu, Tanaga, Tanka,
 
tanka-at-haiku.pptx
tanka-at-haiku.pptxtanka-at-haiku.pptx
tanka-at-haiku.pptx
 
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdfPanahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
Panahon_ng_Hapon_2_.ppt.pdf
 
M2-Q2.pptx
M2-Q2.pptxM2-Q2.pptx
M2-Q2.pptx
 
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haikuFILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
FILIPINO 9 Estilo ng pagkakasulat ng tanka at haiku
 
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog Mga  anyong  tula  ng panitikang  tagalog
Mga anyong tula ng panitikang tagalog
 
Haiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng haponHaiku sa panahon ng hapon
Haiku sa panahon ng hapon
 
tankaathaiku-.pptx
tankaathaiku-.pptxtankaathaiku-.pptx
tankaathaiku-.pptx
 
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
Tanka, Haiku, Tanaga at Diona
 
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptxtankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
tankaathaiku-150903152136-lva1-app6892.pptx
 
BEED-T-TH.pptx
BEED-T-TH.pptxBEED-T-TH.pptx
BEED-T-TH.pptx
 
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptxFIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
FIL413-Report_Marybel-S.-Casidsid (1).pptx
 

Recently uploaded

Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxPAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxJEANELLEBRUZA
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwentolyzaamper93
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunanArlieCerezo1
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson planREDENJAVILLO1
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Gerald129734
 
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxAP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxVinJims
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxLAWRENCEJEREMYBRIONE
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptxArlieCerezo1
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxJubilinAlbania
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxJoyceAgrao
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxsagumjhenaicka
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentRedenJavillo2
 

Recently uploaded (20)

Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptxPAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
PAGGAWA NG DOKUMENTASYON SA FILIPINO (GABAY SA PAGGAWA).pptx
 
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at KuwentoAng Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
Ang Mayabang na Pagong Grade 4 Pagbasa Talasalitaan at Kuwento
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
 
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plandemo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
demo teaching Edukasyon sa Pagpapakatao Lesson plan
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
Pangungusap: mga halimbawa, bahagi, Kayarian, ayos, at iba pa.
 
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docxAP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
AP56-Q1-W1-ANACLETAOBDIANELA lesson planning.docx
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
 
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
6. DISKRIMINASYON TUGON NG PAMAHALAAN.pptx
 
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptxApril Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
April Five , 2024 DEPED CATCH-UP FRIDAY.pptx
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptxEpekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
Epekto ng mga Ekstrakurikular na gastusin Title-Defense-Group-1 (1).pptx
 
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptxCOT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
COT_PPT_Konsepto ng Distansya at Lokasyon.pptx
 
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 studentEdSP-5-demo teaching for grade 5 student
EdSP-5-demo teaching for grade 5 student
 

Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku

  • 2. TANKA AT HAIKU •Ang Tanka at Haiku ay ilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ginawa ang Tanka noong ikawalo siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
  • 4. TANKA •Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
  • 5. TANKA • Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.
  • 6. TANKA •Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “ hiram na mga pangalan”.
  • 7. TANKA •Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.
  • 8. TANKA •Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
  • 9. TANKA •Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.
  • 10. TANKA •Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
  • 11. HAIKU
  • 12. HAIKU •noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
  • 13. HAIKU •Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.
  • 14. HAIKU •Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto .Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan.
  • 15. HAIKU • Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas.
  • 16. HAIKU •Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang shigure naman ay “ unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
  • 17. TANKA AT HAIKU •Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
  • 18. Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
  • 19. •Parehong anyo ng tula ang Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.
  • 20. •Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. Samantala, ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka.
  • 21. •May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin.
  • 22. •Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.