3. •Tatlong siglo pagkaraan ng Gitnang Panahon,ang
lipunan,politika at kaisipan sa Europa ay nagkaroon
ng maraming pagbabago.
•Ang paraan ng pamumuhay sa panahong ito ay
ibang-iba sa kinagawian ng Gitnang Panahon.
•Isang hakbang tungo sa pagbabago ang naganap sa
Europa sa Panahon ng Renaissance.
4. • Ibinaling ng mga tao ang kanilang pananaw sa
kahanga-hangang bagay.
•Ang Diwa ng Renaissance ay nagsilbing
inspirasyon sa mga manlalakbay sa iba't ibang
bahagi ng daigdig.
•Ang kanilang panggagalugad at pagtatayo ng
kolonya ay naging dahilan ng paglawak ng
imperyo ng mga bansang nanguna sa pananakop.
5. •Ang kolonisasyon ay ang pagtatatag ng
permamenteng teritoryo(kolonya) sa mga
dayuhang lupain na may malaking taglay na likas
na yaman.Ang mga paggagalugad at pananakop
ay sanhi ng sumusunod na mga salik.
6. √ Lumalaking Populasyon
√ Lumalakas na kapangyarihan ng hari
√ Mga pangangailangan sa mga
produkto mula sa Silangan
√ Mga tuklas/bagong teknolohiya sa
paglalakbay
√ Ang paghahanap ng bagong ruta
√ Ang pagnanais na ikalat ang
Kristiyanismo
7. Pinangunahan ng
Portugal ang
Paglalakbay
*Portugal ang unang bansang pumalaot sa
kolonisasyon.
*Ang Portugal ay isang maliit na bansa na
may mahabang baybayin.
*Ang Portugal ay laging umaasa sa dagat
para sa kanyang kabuhayan.
*Habang ang kalakalan sa mundo ay
pangunahing pinagmumulan ng
kapangyarihan at kayamanan ng bansa sa
Europa,nais namang pakinabangan ng
Portugal ang kanilang dagat.
*Layunin nilang makipag ugnayan sa mga
kahariang mayaman sa ginto sa Aprika at
mahanap ang daan tungo Indies.
8. Mula noong 1415,nagsagawa ng iba't ibang
paglalakbay si Prince Henry, "The
Navigator."Ang mga barkong Portuges ay
naglayag patungo sa kipot ng
Gibraltar,papasok ng Dagat
Mediterranean. Sa sumunod na
apatnapung taon, sunod-sunod na haring
Portuges ang nagbigay ng tulong sa mga
manlalakbay na sinimulan ni Prinsipe
Henry.
9. Noong 1488, ang nabigador na
si Bartolomeu Dias ay lumibot
sa dulo ng Aprika.Dahil sa
malakas na bagyo, siya ay
napadpad sa pook na ito na
tinawag niyang "Cape of
Storms" ay pinalitan ng "Cape
of Good Hope."Ang
paglalakbay ni Diaa ay biyaya
sa Portugal.
10. Sa sumunod na sampung
taon,nakabuo ang Portugal ng
mahalagang kalakalan sa
Aprika.At ang pinakamahalagang
tagumpay na natamo nila ay nang
marating ni Vasco da Gama ang
kanlurang baybayin ng India
noong 1498.Bagama't,mahigpit
ang kontrol ng mga Muslim sa
kalakalan,nagawa ni Vasco da
Gama na makuha ang kalakalan
ng cinnamon at paminta.Tumakas
si Vasco da Gama upang mailigtas
ang sarili mula sa kamay ng mga
galit na muslim.Itinuring na isang
bayani si Vasco da Gama sa
kanyang pagbabalik sa Portugal
noong 1499.
11. Christopher Columbus
-isang kapitan na Italyano na abalang-
abala sa paghahanap ng ebidensiya na
isang ruta patungong India ay
maaaring marating sa pamamagitan
ng paglalakbay pakanluran.
-dala dala ang mapa habang siya ay
naglakbay patungong Espanya at
Portugal upang kumbensihin ang mga
hari ng Portugal na gastusan ang
kanyang paglalakbay.
12. Nagkaroon ng apat na paglalakbay si Columbus sa
tinaguriang "New World,"gamit ang tatlo niyang
barko,ang Nina,Pinta,at Santa Maria.
Nagtagumpay si Columbus nang maabot niya ang mga
lugar na ngayon ay Dominica,Antigua,Venezuela,at
Panama.
13. Ang eksplorer na si
Amerigo Vespucci,isang
Italyano na nabuhay sa
panahon ni Columbus,ang
nagsagawa ng ekspedisyon
sa Timog Amerika noong
1499 hanggang 1502.Si
Amerigo Vespucci ay isa sa
mga taong nakaalam na
ang lupaing nadiskubre ni
Columbus ay hindi ang
Silangan.
14. Noong 1500,naglakbay sa
silangang baybayin ng Timog
Amerika si Pedro
Cabral.Inangkin niya para sa
Portugal ang mga lupain sa
silangan ng linya ng
demarkasyon.Ayon sa
isinasaad ng Kasunduang
Tordesillas,ang rehiyong ito
ay tinawag na Brazil.
15. Naging matagumpay
si Vasco de Balboa na
magtayo ng
permamenteng
tirahan sa may
silangang baybayin
ng Isthmus ng
Panama noong 1510.
16. Ang pagkatuklas ni
Balboa sa Karagatang
Pasipiko ay nagbigay ng
panibagong sigla sa mga
Kastila na muling
hanapin ang ruta
patungong Silangan na
pinagarap ni Columbus.
17. Ibinigay kay
Ferdinand Magellan,
isang Portuges na
naglingkod sa
Espanya, ang
paggamit ng
kanlurang ruta at
pagtawid sa Dagat
Pasipiko.Tinawag
niya itong
"Pasipiko" na
nangangahulugang
"mapayapa."
18. Si Francisco
Pizarro,ang ahente
ng bagong
gobernador sa mga
kolonya ng Espanya
sa Amerika.Nasakop
niya ang mayamang
kaharian ng Inca sa
Peru,at Amerika
para sa Espanya.
19. Sa unang bahagi ng
1500,ginalugad nii
Juan Ponce de Leon
ang Bahamas sa
paghahanap ng
"Fountain of
Youth," isang bukal
na pinaniniwalaang
nagpapanumbalik sa
kabataan ng
sinumang maligo
rito
20. Isa pang eksplorer,si
Hernando de Soto,ang
nagpatuloy sa
paggagalugad sa timog-
silangang hangganan ng
Hilagang Amerika. Sa
pagitan ng 1539 at
1542,pinangunahan ni de
Soto ang halos 600 tao mula
sa mga estado na tinawag
ngayon na Florida
hanggang Oklahoma.
21. Ang timog-kanlurang rehiyon ng
Hilagang Amerika ay ginalugad
ng isa ring Kastila sa katauhan ni
Francisco de Coronado. Noong
1540,ipinadala si Coronado para
sa isang misyon ng mga pinunong
kolonyal ng Mehiko.
22. Ang Inca ay nakasentro sa lupain na ngayon ay tinawag
na Peru.
23. Sa pagyaman ng Portugal at Espanya dulot ng
kolonisasyon,nahikayat ang iba pang bansa sa Europa
na maghanap din ng masasakop na lupain.Naniniwala
ang mga Europeo na may rutang pandagat sa
Hilagang Amerika na mag-uugnay sa
Europa.Nagpadala ng mga ekspedisyon ang mga
kaharian para makahanap ng ruta patungong Asya.Sa
kanilang paghahanap,nagtatag sila ng mga kolonya sa
Hilagang Amerika.
24. Noong 1534,ginalugad ni Jacques
Cartier ang silangang bahagi
bahagi ng Canada at binagtas ang
isang malawak na ilog na
pinangalanang
St.Lawrence.Inangkin ni Cartier
ang kanyang mga natuklasang
lugar para sa kaharian ng
Pransiya.
25. Sinundan ng pangkat ni Samuel de
Champlain ang iniwan ni Cartier na
Paggagalugad na nasabing ilog.Noong
1608,inangkin ni Champlain ang
rehiyon at tinawag niya itong
Quebec.Ito ang naging base ng
kolonyang pinangalanan niyang
Bagong Pransiya.Kinilala si
Champlain na "Ama ng Bagong
Pransiya" dahil sa mga itinayo niyang
pamayanan sa Montreal at Nova
Scotia.
26. Hangad lamang ng mga Ingles na makahanap ng
ruta patungong Silangan sa pamamagitan ng
Hilagang Amerika.Pinondohan nila ang tatlong
ekspedisyon ng Italyanong si John Cabot mula
1496 hanggang 1498.Ang tanging narating ng
pangkat ni Cabot ay isla ng Newfoundland na
bahagi ng Canada.
27. Sa paglaya ng Netherlands sa pananakop ng
Espanya noong 1581,naging masigasig ang
mga Olandes na makapasok sa kalakalan ng
Asya at Europa.Nabuo noong 1621 ang
Dutch West India Company na naglalayong
pumasok sa kalakalan sa Amerika at
kalabanin ang mga mangangalakal mula sa
Portugal at Espanya.
28. •Binigyang-daan ang malawakang pagkatuklas ng mga
lupain na hindi pa nararating at nagagalugad ng paglalakbay
ng mga Kastila at Portuges.
•Lumakas din ang ugnayan ng Silangan at Kanluran.
•Lumaganap ang Kristiyanismo dahil sa kolonisasyon.
•Sumulpot ang mga suliranin sa mga bansang kolonya tulad
ng pagkawala ng kasarinlan, ang paninikil ng mga
mananakop, at ang pagsasamantala sa mga likas na yaman
ng mga bansang sumakop.
•Lumaganap anb Rebolusyonv Komersiyal sa pagitan ng
1450 hanggang 1700.
29. - Pagkaraan ng mga unang tuklas, nagsimulang
kontrolin ng europa ang maraming lupain na
kanilang inangkin.Ang kanilang mga superyor na
armas tulad ng kanyon at mga baril at ang bilis ng
kanilang mga barko at mga kabayo ay nakatulong
upang masakop ang malaking bilang ng
katutubong populasyon ng India , Tsina,Pilipinas
at iba pa.
30. Ang bansang Portugal ay nanakop ng mga lupain sa
Amerika at Asya at nagtayo ng imperyo.Ngunit
masasabing ang imperyo na itinayo ay isang imperyong
pangkalakalan lamang.Sa kalakalan,ginamit ng mga
Portuges ang sistema ng merkantilismo.Sa buong
panahon ng pananakop ng mga Portuges, hindi nila
gaanong naging suliranin ang pagkakaroon ng isang
malaking sandatahang-lakas sapagkat maliliit lamang
ang pangkat na kailangan upang mapanatili ang
kapayapaaan sa mga nasasakupan.
31. Pagkaraan ng unang tuklas nagsimula nang
kontrolin ng Europa ang maraming lupain na
kanilang inangkin.Pagkatapos kontrolin ang
lupain,inangkin na ito bilang isang kolonya.Hindi
nagtagal ,ang mga kolonyang ito ay naging
mahalaga sa kanilang kapangyarihan at
kabantugan.
32. Dahil hindi malaki ang populasyon ng Portugal,ang
kanyang imperyo ay naging tanging pangkalakalan
lamang.
Don Alfonso de Albuquerque ay isang heneral na
Portuges , dakilang mananakop at tagapagtatag ng
imperyo.
33. Itinayo ng Inglatera ang unang permamenteng panahanan sa
Jamestown,Virginia noong 1607.Pinasikat ni Thomas Paine
na Common Sense na kumikilala sa kahalagahan ng
kalayaan ng isang tao.Sa aklat na ito kanyang argumento
tungkol sa kalayaan ng Amerika.
34. Dahil sa mga paglalakbay sa St. Lawrence ni
Jacques Cartier sa Pransiya,nahikayat niya ang
mga Pranses na magtayo ng imperyo sa bagong
daigdig . Noong 1608, ang eksplorer na si Samuel
de Champalain ay nagtatag ng unang
permamenteng tirahan.
35. Katulad ng Portugal,ang Netherlands ay isang maliit na
bansa na umaasa sa dagat sa kanyang
kabuhayan.Naitatag ng Netherlands ang isa sa
pinakamalaks na kalakalan sa buong Europa. Bagama’t
mas marami ng kolonya ang Espanya noong ika-12 na
siglo at sa unang bahagi ng ika-17 na siglo, napalawak ng
mga Olandes ang kanilang imperyong
komersyal.Katulad ng Portugal, ang populasyon ng
Netherlands ay lubhang maliit upang payagan ang
kanyang mga mamamayan na manirahan sa kanyang
mga kolonya.
36. Natutuhan nila ang bagong mga
produkto,kaugalian,at tunay na heograpiya
ng mundo.Ang ugnayan sa iba’t ibang tao ay
nagdulot ng malaking pagbabago.Mabilis na
lumaki ang kalakalan,kasabay ang mabilis
ding paglawak ng kalakalan ng mga alipin.
37. Ang pagkakatuklas ng bagong ruta ng
kalakalan ay nagbigay-wakas sa
monopolyo na matagal nang ikinasiya
ng mga Italyano.
38. Mula sa Asya at Gitnang Silangan
nanggaling ang malaking kargamento
ng mga rekado mamahaling bato, papel
at iba pa.Nagluluwas ng ginto at pilak
ang Sentral at Timog Amerika .Mula sa
mga produktong ito ,lalo pang sumigla
ang kalakal at industriya sa buong
Europa.
39. Ang kalakalan ng mga alipin ay naging
mahalagang bahagi ng komersiyo sa
Europa.Bagama’t ang pang-aalipin ay
bahagi na ng kasaysayan sa mahabang
panahon.Dahil sa kolonisasyon sa Bagong
Daigdig, nabago ang anyo ng pang-aalipin.
40. Ang paglakas ng kalakalan ay nagbigay-daan sa mga
pagbabago sa sistemang ekonomiko sa Europa.
*Ang Rebolusyong Komersiyal ay nagdulot ng mas
maraming salapi sa pamilihan na nagbigay-daan sa
paraam ng paggawa ng mga produkto.
41. Noong 1700, lubhang namangha ang mga pilosopong
Europeo sa mga nagaganap na pagtuklas sa
larangan ng agham.At habang papaunlad ang
rebolusyong siyentipiko,mas dumami ang naniwala
na ang rason ay mas mabuting gabay kaysa
tradisyon o pananampalataya.Para sa mga
pilosopo,ang rason ay ilaw na tatanglaw sa wastong
daan.Dahilan sa mga kaisipang ito,nagsimula ang
Panahon ng Enlightenment.Sa panahong ito ginamit
ng mga politiko ang rason at siyentipikong
kaalaman sa pamamahala.
42. Bagong Ideya sa Politika
Sumulat si Thomas Hobbes ng
patungkol sa pamahalaan at lipunan
ng IngalteraSa kanyang
kapanahunan,ang bansa ay nasira
dahil sa digmaang sibil. Noong 1651
isinulat ni Hobbes ang aklat na
"Leviathan."sa aklat na ito ay
ipinakita niyang ang likas na batas
ang lumikhasa absolutong monarkiya
napinakamagandang anyo ng
gobyerno.
43. May ibang pananaw naman ang
pilosopong si John Locke.Ginamit
niya ang likas na batas upang
patotohanan na ang mamamayan ay
may karapatam at ang pamahalaan
ang tugon sa mga taong-
bayan.Noong 1690,ipinaliwanag ni
John Locke ang ideya ng
Maluwalhating Rebolusyon sa
kanyang aklat na "Treatises of
Governmen."Naniniwala si Locle na
ang layunin ng gobyerno ay
proteksiyonan ang karapatan ng
taong-bayan.
44. Noong 1748,si Baron de
Montesquieu,isang
pilosopong Pranses ay
naglabas ng isang aklat na
tinawag na "The Spirit of
Laws."
45. Ang paghahati-hati ng kapangyarihan ay
nangangahulugan na ang kapangyarihan ay
pantay na nahahati sa tatlong sangay ng
gobyerno:
*ehekutibo *lehislatibo
*hudikatura
Ang Lehislatibo ang tagagawa ng batas
samantlang ang ehekutibo ang
magsasakatuparan sa mga batas.Ang
hudikatura ang magiging hukom kung
sakaling may paglabag sa batas.
46. Naging sentronng Enlightenment ang Pransiya noong
1700.Sa paglawak ng Enlightenment, ang mga pilosopo
na Pranses ay tinawag na "philosophe."Ginamit nila ang
kanilang kakayahan sa pagsusulat upang maikalat ang
kanilang ideya sa buong Europa.
47. Isang dakilang pilosopo ay si
Francois-Marie Arouet na
lalong kilala na
Voltaire.Sumulat siya ng
maraming nobela,dula,at
essay na nagbigay sakanya
ng pagkilala.Nakilala si
Voltaire sa hindi niya
pagkagusto sa Simbahang
Katoliko Romano.
48. Si Denis Diderot ay isang
pilosopo na Pranses na
nakatulong upang kumalat ang
ideya ng
Enlightenment.Kanyang
inilathala ang 28 volume ng
Encyclopedia. Ang aklat na ito
tumatalakay sa iba't ibang
paksa sa
agham,relihiyon,gobyerno,at
maging sa sining.Naging
sandata ang aklat na ito sa
paglaban sa tradisyonal na
pamamaraan.
49. Isa sa mga dakilang intelektuwal
na tao ay si Jean Jacques
Rousseau (1712-1778)
Matindi ang pagtanggi niya sa
mga pilosopo sa maraming
bagay.Karamihan sa mga
pilosopiya niya ay ang
paniniwalang ang kanluran sa
sining at agham ay magbibigay
ng pagbabago sa buhay ng tao.
Naniwala siya na winasak ng
sining at agham ang likas na
kabutihan ng tao.
50. Ang islogan sa Panahon ng Enlightenment na
"kalayaan at pagkapantay-pantay ay hindi
angkop sa kababaihan.Hinamon nila ang
paniniwalang ang kababaihan ay likas na mas
mahaba sa kalalakihan,at ang
pagpapasailalim nila sa kalalakihan ay bahagi
ng "likas na plano."
51. Pinasigla ng mga teorya ang mga palasyo sa
Europa.Sinikap ng mga pilosopo na hikayatin ang
mga pinuno na yakapin nila ang kanilang mga
ideya.May ilang hari ang sumunod sa mga bagong
ideya,tinawag silang mga enlightened despots.
52. Bilang hari ng Prusya,mula
1740 hanggang 1786, si
Frederick II ay naging
mahigpit sa kanyang mga
nasasakupan.Gayunpaman,an
g tingin niya sa kanyang sarili
ay "Unang alipin ng Estado,"
na ang tungkulin ay
magtrabaho para sa
kapakanan ng lahat.
53. Binabasa ni Catherine
The Great ng Rusya
ang mga likha ng mga
pilosopo kaya't
nakipagtalastasan siya
kina Voltaire at
Diderot. Si Catherine
na naging emperatris
noong 1762 ay nag-
eksperimento sa mga
ideya ng enlightenment.
54. Si Joseph II, anak at
tagapagmana ni Maria
Theresa.Isang masugid na
estuyante ng
Enlightenment,naglakbay
siyang incognito.Ang
kanyang pagsisikap na
mapabuti ang kanilang
buhay ay nagbansag sa
kanya bilang "ang
magsasakang emperador."
55. Ang lungsod ng Paris ay naging sentro mg mga
dakilang kaisipan ng panahon,ang mga kritiko sa
panahong ito sa Pransiya ay tinawag na
pilosopo.Binigyang-rason ng mga pilosopo ang lahat
ng aspketo ng buhay.Partikular na tinutulan ng mga
pilosopo ang tradisyon ng ganap na monarkiya at
banal na karapatan.
56. Si Adam Smith ay isang
ekonomistang Briton na
hinangaan ng mga
physiocrat.Sa kanyang
naimpluwensiyahang
aklat,"The Wealth of
Nations,"isinulat niya na ang
malayang kalakalan,ang mga
likas na puwersa ng suplay at
pangangailangan,ang dapat
manaig at magdetermina sa
negosyo.
57. Bago pumasok ang Rebolusyong Siyentipiko ang
kaisipan at paniniwala ng mga tao ay nakatuon sa
simbahan.Ngunit ng pumasok na ang Rebolusyong
Siyentipiko unti-unting nabawasan ang
impluwensiya ng simbahan.
58. Ang hamon na iwasto ang mga
sinaunang kaisipan ay nagsimula sa
larangan ng astronomiya.
59. Noong 1632, inilabas sa
palimbagan ang
isinulat ng Italyanong
siyentista at
matematiko na si
Galileo Galilei.Ito ay
pinamagatang
"Dialogue Concerning
the Two Chief World
Systems."
60. Sa simula ng ika-15
siglo,isinulat ni Leonardo
da Vinci na,"Ang agham
ay walang kabuluhan at
punong-puno ng kamalian
kapag hindi nagdaan sa
eksperimento,ang ina ng
katiyakan.
Ang Pamamaraang
Siyentipiko ay
Pinaunlad
62. Sa gitnang bahagi ng ika-17 siglo,lumawak
ang interes ng mga siyentista.Ang interes at
sogla ay nagdulot ng suporta para sa
maraming pananaliksik.
63. Naimbento ng isang
physicist na Aleman
na si Otto von
Guericke ang unang
air pump.Ang tuklas
na ito ay nagbigay-
daan sa pag-unlad ng
steam engine na
nagpabago sa
transportasyon at
paggawa.
64. Isa ring Aleman na physicist
ang nakaimbento ng
thermometer na may
mercury.Siya ay si Gabriel
Fahrenheit.
66. Ang unang hakbang
tungo sa makabagong
medisina ay
isinagawa ng isang
Swisong doctor,si
Paracelsus(1493-
1541).
67. Ang mga kaalaman sa medisina ay nakatulong din
sa pagpapabuti sa kalidad ng pamumuhay.Sa tulong
ng mga siyentista,nasugpo ang mga karamdaman at
napagbuti ang kaalaman sa anatomiya at kalusugan
ng mga tao.
68. Ang Rebolusyong Industriyal ay ay isinilang
na naging daan sa pagkakaroon ng sistemang
pabrika,pag-unlad ng komunikasyon, at
transportasyon.
69. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagsimula sa Britanya
noong 1760 dahil sa sumusunod na mga kaalaman.
*Likas na Yaman
*Yamang Tao
*Bagong Teknolohiya
*Pamilihan
*Pamahalaan
*Kinalalagyan
*Ang Panahon ng Bakal at Uling
70. Ang Rebolusyong Industriyal sa
Britanya ay hindi maaaring maganap
kung hindi nagkaroon ng kasabay na
rebolusyon sa agrikultura.
71. Si Jethro Tull ay
nakaimbento ng seed
drill noong 1701.Ang
makinang ito ay mas
mainam na
nakapagpapakalat ng
mga binhi sa lupang
sinasaka.
72. Si Charles
Townshend ay
natuto ng four-
field crop rotation
mula sa
Flanders,Pransiya
at ipinakilala
noya ang sistema
sa Britanya noong
1731
73. Isa pang Tanyag
na Briton, Si
Robert Bakewell
(1725-1795) ay
nakilala sa
kontribusyon
niya sa animal
breeding.
74. Mahalagang pagbabago ang naganap sa
pinakamalaking industriya sa Britanya--ang
industriya ng tela.Noong 1600,naging popular
ang telang bulak na binibili sa India.
75. Isa sa mga imbensiyon
ang flying shuttle ni
John Kay.Sa paggamit
ng instrumento ni Kay,
mabilis na
nakapagtrstrabaho
ang mga manghahabi
at napag-iiwanan nila
ang mga manlalala.
76. Naimbento ni Richard
Arkwright ang spinning
frame noong 1769, at ito
naman ay nakilala sa
tawag na water frame
matapos ktong gamitan
ng tubig upang lalo
pang pabilisin ang
pagggawa ng tela.
77. Ang mga bagong makina ay naging daan upang
mawala ang lumang sistema ng produksiyon. Araw-
araw ang mga manggagawa at mga tagahabi ay
dumarating sa mga pook na kinalalagyan ng makina
na tinawag na pabrika.
78. Noong 1700, nakagawa ang mga tao ng mas
mabisang sistemang lokal ng transportasyon.Ang
turnpikes ay isang pribadong daan na naniningil sa
mga taong gumagamit sa nasabing daan.Ang mga
inhinyerong Scottish na sina John McAdam and
Thomas TelfordT ay nakilala sa kanilang
kontribusyon sa larangan ng transportasyon at
impraestruktura.
79. Nakatulong sa urbanisasyon ng mga
pamayanan at pag-unlad ng kanilang mga
bansa anglumalaking populasyon dahil sa
pagdagsa ng mga tao sa lungsod.Maraming
pagbabago ang hatid ng ikalawang yugto ng
Rebolusyong Industriyal.
81. *Ang Rebolusyong Industriyal ay nagdulot ng malaking yaman
sa maraming mga entrepreneur.
*Dala-dala ngindustriyalisasyon ang urbanisasyon o ang
paglipat ng mga tao sa kalunsuran.
*Sa lahat halos ng lungsod,may malaking pagitan ang mga
taong naninirahan.
*Ang sistema ng pabrika ay iba sa mga gawain sa bukid.
*Mahaba ang oras ng paggawa.
*Ang kababaihan ay bagong puwersa sa larangan ng paggawa.
*Ang mga gawain sa pabrika ay nagdulot ng panibagong
problema sa kababaihan.
*Marami sa mga pabrika at mga minahan ay tumatanggap ng
mga batang babae at lalake.
*Ang mga pabrika ay nagbukas ng maraming trabaho.