SlideShare a Scribd company logo
1 of 80
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887,
sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito.
Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano
pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong
nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito aySocial Cancer. Sinundan
ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kasaysayan
Buod ng Nobela
Mga Pangunahing Tauhan
Ibang Tauhan
Buod ng Bawat Kabanata:
1: Isang Pagtitipon
2: Si Crisostomo Ibarra
3: Ang Hapunan
4: Erehe at Pilibustero
5: Pangarap sa Gabing
Madilim
6: Si Kapitan Tiyago
7: Suyuan sa Isang Asotea
8: Mga Alaala
9: Mga Bagay-bagay sa
Paligid
10: Ang Bayan ng San Diego
11: Mga Hari-harian
12: Todos Los Santos (Araw
ng mga Patay)
13: Mga Babala ng Bagyo
14: Si Tasyo: Pilosopo o
Baliw?
15: Ang mga Sakristan
16: Si Sisa
17: Si Basilio
18: Mga Kaluluwang
Naghihirap
19: Mga Kapalaran ng Isang
Guro
20: Ang Pulong sa Tribunal
21: Kwento ng Isang Ina
22: Mga Liwanag at mga
Anino
23: Ang Pangingisda
24: Sa Gubat
KnK: Elias at Salome
25: Sa Bahay ng Pilosopo
26: Bisperas ng Pista
27: Sa Takipsilim
28: Mga Liham
29: Kinaumagahan
30: Sa Loob ng Simbahan
31: Ang Sermon

32: Ang Kabriya
33: Malayang Pag-iisip
34: Ang Tanghalian
35: Usap-usapan
36: Unang Ulap
37: Ang Kaniyang Kataastaasan
38: Ang Prusisyon
39: Si Donya Consolacion
40: Karapatan at
Kapangyarihan
41: Dalawang Panauhin
42: Ang Mag-asawang de
Espadaña
43: Mga Balak
44: Pagsusuri ng Budhi
45: Mga Inuusig
46: Ang Sabungan sa San
Diego
47: Ang Dalawang Senyora
48: Hiwaga
49: Tinig ng mga Inuusig
50: Ugat ni Elias
51: Mga Palitan at
Pagbabago
52: Baraha ng mga Patay at
ang mga Anino
53: Ang Mabuting Araw Ay
Nakikilala sa Umaga
54: (Pagbubunyag)
55: Malaking Sakuna
56: Sabi-sabi at Kuro-kuro
57: Vae Victis! (Ay, ang mga
Natalo!)
58: Isinumpa
59: Pambayan at mga
Pansariling Kapakanan
60: Ikakasal Si Maria Clara
61: Pagtakas Hanggang
Lawa
62: Nagpaliwanag si Padre
Damaso
63: Noche Buena
64: Epilogo
Kasaysayan

Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya.
Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng
pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang
tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika
ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis
ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan niVicente Blasco Ibáñez, isang bantog na
manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya
nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at
ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga
lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na
pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at
inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng
Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya
sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:
“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto
nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga
Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang
salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na
mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...”
Mga Pangunahing Tauhan

Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa
Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng
mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay
Padre Damaso.
Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara.
Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo;
ama-amahan ni Maria Clara.
Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.
Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog
ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na
mamamayan ng San Diego.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng
"kalidad" sa pangalan niya.
Ibang Tauhan
Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
agtatangi kay Maria Clara.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal
na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at
pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay
kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagkaekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan
sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang
Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
Buod ng aklat na Noli Me Tangere

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga
kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang
lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng
nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinagaralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael.
Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si
Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni
Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa
pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay
Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa
kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang
nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon.
Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang
hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo
at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na
gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon
muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang
paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit.
Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang
isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang
sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing
makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa
sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at
katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay
dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan
Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito
kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng
asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa
mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa
Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiago bago at
pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang
korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang
magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng
mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San
Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao‟t bagay-bagay sa mga
lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga
iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang
higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni
Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang
nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang
pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang ang
bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay,
asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas
gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng
maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila‟y ang kura ng kinatawan
ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay
siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra
sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael,
ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa
bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura‟. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo
ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa
bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong
Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang
baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at makaDiyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay.
Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na‟y nasa kampanaryo pa
ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga‟t hindi nila naililitaw ang
salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan
ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa
kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si
Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang
sinasabing curfew ay alas nuebe lang ng gabi.
Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa ni
Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang
mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamang
kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang
takot lalo pa nga‟t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at
nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilang
pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa
kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang
malamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang
ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya‟t ipinagtabuyan siya ng
kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa
edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba‟t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at
kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng
kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.
May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting.
Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego. Naging
mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni
Don Filipo. Gayunam‟y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang
nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan
na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura
para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa
niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawang
oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana
lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng
pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ng
kanyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa
bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan
ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San
Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan
upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya.
Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan.
Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang
magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na
pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria
Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang
isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong
sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian
na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang
alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang
sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa.
Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy.
Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng
piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias
ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng
tenyente sa luba na puno ng putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang
kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos
ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya‟t
hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak
niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa
balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang
paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni
ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula‟y tinutulan ni Ibarra ang gayong
mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya‟t tiyak na magtatagumpay sa
tulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi
maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong
Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa
paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at
maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng
mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa
paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman.
Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo
Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na
proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung
anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga.
Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob.
Pinaunayan ito ng iba‟t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.
Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng
maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mga
kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra
na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista
sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga
bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa
bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang
paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipino ng tulad ni
Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at mahihirap,
ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya‟t sarisaring dama sa
buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa at
naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at kinakanta.
Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat.
Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre
Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Nagaalaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy
sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa
pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng
pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa
paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at
matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay bigla iyong nagiba
at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang
lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si
Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa
pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang
ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos
nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra
para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang
lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang
mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol
sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa
anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael
Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng
mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at
ng pari. Bawat isa‟y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang
mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na
matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga
anak. Pati sina Kapitan Tiago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre
Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang
relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria
Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiago ang
malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniya
nag elasyon sa sana‟y mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigaygalang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa
pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring
hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat
nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan
siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si
Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya‟t si Sisa ang
napagbalingan niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito‟y ang
pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang
maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang
pagkakabalisa. Kaya‟t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog
si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya‟t inumaga siya sa pagtitimpla ng
kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita
sa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong
pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos
ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon.
Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay
naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin
kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan
ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi
kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa‟t isa.
Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni
Padre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo
lamnag ang inamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taong
nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa
kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade
Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito.
Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita
niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si Maria
Clara pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya
inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si
Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa
kanya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga
abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni
Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na
may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa
Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang
lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata
sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong
magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita
ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap
sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya
at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.
Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay,
gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong,
lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya
Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring
pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes
na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante.
Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang
kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si
Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa
dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang
Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga
manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay
sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na
makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia
civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyang
angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni
Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa
pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng
pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong
kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan
ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi.
Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya.
Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan
ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni
Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan
siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa
baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang
nakita o kunwari‟y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa
gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan
nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita
at hinahangaan sa Pilipinas, bagama‟t tatlong –daan taon na itong luma sa mga bansa sa Europa.
Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa
kanya ang isang malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang
komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at
mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga maypakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pagasenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong
siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan ay
umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang
naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan.
Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan
siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang palapalgay o sabi sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan
kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan.
Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay
tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong
magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa
kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang
malapit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na
imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang
pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na
nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng
kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante.
Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang
malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lamng
walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato‟t dumi ng kaanak ng
mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa
Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersyon. Naging
tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at
Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay
kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang
ikinapapahamak ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang
nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso,
upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito‟y nagging paksa ng tsimis ang
dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra
ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy
sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na.
Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya
sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong
balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy
ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang
kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil.
Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang
kinahihigaan ni Ibarra.
Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa lawa. Ipinasya
niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito‟y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng
dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lamang si Ibarra.
Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan
nina Ibarra‟t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang
panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa
kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang
kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila‟y
hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya‟t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa
gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari‟y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Ibaibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging
ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya
at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay
Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng
monasteryo ng Sta. Clara.
BUOD NG MGA KABANATA
“...mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan... Kayong
mga makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang tanggapin, at inyong gunitain
ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!”
–Elias, Kabanata 54

1: Isang Pagtitipon
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular
sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa Kalye Anloague
(na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging
bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang
isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang
nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay.
Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng
Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang
isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang
paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng
tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso.
Kung kaya‟t iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng
makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari
ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Ito, umano ang nagutos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre
Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya
Victorina.

2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan
ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil
sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay
at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik
ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan.
Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang
nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang
ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng
kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang
mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga
babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.
Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay
Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
3: Ang Hapunan
Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga
mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang banas na
banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya
ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na
nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya
Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang
pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang
pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano.
Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya‟t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing
“huwag mo akong alalahanin.”
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Padre Damaso,
ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay
Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan
ang manok para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan
niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa
Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa
halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita
tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay
ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika
ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya
ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang
kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay
na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan
at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan
ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling
madalas na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang
hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang
bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang
babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na
makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang
pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi
sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
4: Erehe at Filibustero
Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan
ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa
kanyang dinatnan.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang
balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din
sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si
Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas.
Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya
makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain.
Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga
kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama
sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila
at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso
ay nagkasira. Di-umano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa
siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga
sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi, bo, bu" na
labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald
na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si Don Rafael.
Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang
kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang
nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang
tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa
kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng
mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring
binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal
na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay
pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa
ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya
dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng
kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng
hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si
Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng
kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra.
5: Isang Bituin sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na
tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at
naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang
paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya
ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang
naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na
diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang
Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Padre Sibyla ay siyang-siya sa
pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok
ng dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at
nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.
6: Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok,
at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ariarian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang
lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong
nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang
tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili.
Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa
kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta. lucia, san pascual
bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo,
hesukristo at ang banal na mag-anak.
Par kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuripuri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip
din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan,
lagi sya myroong handog na regalo.
Si Kapitan Tiago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa
kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring
dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya‟y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia
alba na isang magandang dalagang taga Santa Cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay
hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pag bili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang
kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si
Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasama sina
tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta
clara at sa nuestra sr de salambaw.
Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay
magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at
ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang
pintakasi sa obando, kay Tiya Esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay
maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siya nag
paalam kay Padre Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pag
kapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga
anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib.
Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.
7: Suyuan sa Isang Asotea
Kinabukasan, maagang–maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa,
Nagyayang umuwi na si Maria.
Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng
mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay Binuklat naman ang mga itinatagong
kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan.
Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa malabon o
sa San Diego.
Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang
bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.
Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na
siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beaterio.
Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa
kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.
Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng
kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.
Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong
Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si
Maria ay laging nasa kanyang alaala.
Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin
at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na
pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.
Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at
muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.
Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni
maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman.
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at
ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas
naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito
patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang
mukha.
Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya
anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang
mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at
kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa
kapakanang pambayan.
Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria.
Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin.
Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na."
Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si
Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito.
Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at inutusan na magtulos ng
dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong
San Rafael.
8: Mga Alaala
Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa
Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang
nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na
diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibatibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng
mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at
malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong
Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din
niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa
kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga
paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si
Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang
karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging
kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa
masamang amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita.
Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito
upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila
na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring
pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao,
ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang
karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta
sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya‟t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng
mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
9: Mga Bagay-bagay sa Paligid
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito
ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre
Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa
Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa
bahay ni Tiago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong
minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang
kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang
sarilinan ni Kapitan Tiago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa
kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa
kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding
pagkaawa rito. Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na
pagkakaalitan nina Padre Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Padre Sibyla na si Ibarra ay taong
mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa
mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay
lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng
panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan
lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga
ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang
Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba‟t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa
kanila o higit pa.
Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa
Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng
kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso
ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan.
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at
Padre Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan
pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang
inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang
kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San
Diego.
10: Bayan ng San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at
my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa
kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murangmura sa tsino.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng
bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa
pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.
Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa
umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at
nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit,
alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala.
Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap
nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na
nakabitin sa isang puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya,
takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at
malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas
naman ay tinapon sa ilog.
Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng
namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat.
Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na
tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo.
Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan
siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan.
Nagkaroon ng isang kura Indio. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging
kura pareho ng bayan.
11: Mga Hari-Harian
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya ang kinikilalang makapangyarihan
kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay
mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
Si Kapitan Tiago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng
masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na
Sakristan Tiago.
Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan.
Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng
alkalde mayor.
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa
kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at
batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang
mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin.
Si Padre Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na
mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil.
Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa
mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.
Bagama‟t may hidwaan ang alpares at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang
nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang
namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kanikanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa‟t-isa.
Ang alpares at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay
mga casique.
12: Todos Los Santos (Araw ng mga Patay)
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod
na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok
kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.
Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato
at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng
libingan.
Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa
pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago
sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.
Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa
at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang
kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng
kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw
ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang
pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik.
Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na
lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote.
13: Mga Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na
kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng
mga intsik.
Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay
napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na
poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi
kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Padre Salvi na
hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
14: Tasiong Baliw o Pilosopo
Si Pilosopo Tasio ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na
direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang
hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang
taong may toyo sa ulo o baliw.
Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa
dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na
mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay
magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman,
pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa
pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat
ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang
ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat‟t ito ang magdadala ng mga
lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng
delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili
nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako‟y pinagtawanan lamang ng lahat.”
Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok
at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay
mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at
nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng
kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata.
Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng magasawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung
nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya
itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita
ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.
Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay
undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay
mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at
dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng
namatay sa nabubuhay.
Pagkuwa‟y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng
matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat
nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa magasawa.
15: Mga Sakristan
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin
at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng
kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid
mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap.
Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi
mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak
hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas.
Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa
isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat
walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang
mabigat ito para kay Basilio.
Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang
pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang
magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at
siya‟y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio.
Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid.
Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si
Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina
sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang
butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa
sa kanya ng hidhid na kura.
Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang
makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng
mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga‟t hindi niya naisauli ang
dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang
magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero.
Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa
palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay
kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin
naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang
onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng
sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang
eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng
puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang
sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan
hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala
siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay
sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad
sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang
naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang
palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at
nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng
nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
16: Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga tagaSan Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-
anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa
buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang
ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni
Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang
kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa
siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang
kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.
Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at
namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo
at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya
kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang
ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at
Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.
Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang
kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung
nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang
sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.
Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang
pusong asawa.
Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang
darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw
sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng
kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya
ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng
gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.
17: Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang
dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga
guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa
hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na
naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay
sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw
ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng
sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad
lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio.
Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang
pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama.
Ito ay pinagdamdam ni Sisa.
Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si
Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao.
Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang
napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang
balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid
sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na
kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya
kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa
pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.
Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga
tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na
napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.
18: Mga Kaluluwang Naghihirap
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Padre Salvi ng magmisa kinabukasan.
Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin
niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Padre Damaso ba? Padre Martin o ang
coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa
pagkakaroon ng „indulhensiya plenarya,‟ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang
nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang
pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga
manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at
Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni
Sisa.
Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang
halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad
ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa
kanilang dampa.
Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit
hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin
ng mga ito. Kung kaya‟t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang
hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay
nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng
makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa
ng alila.
Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang
paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa
ama.
Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.ewan
19: Mga Kapalaran ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang –
ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging
magawa nuon kundi makipaglibing.
Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang
tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang
malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.
Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa
pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na
katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga
bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay
ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa
ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at
guro.
Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan
ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang
wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang
matutuhan ay tagalog.
Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa
ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa
kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Padre Damaso. Pero, nag-aral din
ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.
Sobra ang pakialam ni Padre Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa
pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo
saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya
saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Padre Damaso na ibalik ang pamalo sa
pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay
guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang
pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa.
Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.
Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango
sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga
araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag
niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa
tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor.
20: Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga
may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang
pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian
sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga
liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila
ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi
at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga
paghahanda sa piyesta.
Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na
nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil
dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya
ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob
ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya
ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000.
Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya‟t iniatras niya ang mga ito.
Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang
kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng
komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang
ugali at kapintasan.
Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang
pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon,
tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumangayon na lamang ang dalawang pangkat.
Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya‟y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang
lakarin ang isang mahalagang bagay.
21: Kuwento ng Isang Ina
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pagiisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil
na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa
man sa kanyang anak.
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang
makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago
ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang
ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran.
Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.
Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa
na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong
kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.
Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si
Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok.
Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag
dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan
Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag
ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May
dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.
Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka.
Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod
,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.
Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang
damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran
ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang
mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.
Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng
pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.
Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at
pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan.
Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
22: Mga Liwanag at mga Anino
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang
darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi
nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa
kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San
Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre
Salvi.
Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni
Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito
ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa
bayan.
Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula
ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito.
Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre
Salvi.
Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay
lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego.
Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si
Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo.
Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura,
kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang
lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra
ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.
At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.
23: Pangingisda
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang
matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing
babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan.
Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara,
alpa,akurdiyon at tambuli.
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at
Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa
ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin
ang kanilang kuwentuhan.
Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil
dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang
pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa
pagkakagulo ang mga dalaga.
Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang
may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa
laman. Ito ay si Elias.
Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi
nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda.
Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng
isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.
Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling
isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito.
Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya.
Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si
Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si
Maria Clara sapagkat ang mga „dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.‟
Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may
tangang gulok. Pamayamaya‟y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya
ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pagaari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa
batisan.
24: Sa Gubat
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain
ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka‟y nilamutak
ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa
piknikan.
Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya
sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa.
Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita
parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.
Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga
ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga
kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.
Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat
Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita
siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa.
Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging
maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang
mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.
Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na
siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka‟y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong
biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama
sa: "Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang
aklat ng Gulong ng Kapalaran.
Mula sa kanyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na
ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay
ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang
sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.
Dumating si Padre Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito.
Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito‟y pawang
kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino

More Related Content

What's hot

Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizalyel08
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereZarahBarrameda
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
El Filibusterismo - Mga Tauhan
El Filibusterismo - Mga TauhanEl Filibusterismo - Mga Tauhan
El Filibusterismo - Mga TauhanAudrey Abacan
 
Mga pag ibig ni dr jose rizal
Mga pag ibig ni dr jose rizalMga pag ibig ni dr jose rizal
Mga pag ibig ni dr jose rizalangevil66
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere charactersImYakultGirl
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAmarianolouella
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikancieeeee
 
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalMga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalKent Rodriguez
 
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereAng Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereEM Barrera
 
Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Noli Me Tangere Kabanata 14-23Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Noli Me Tangere Kabanata 14-23Ella Daclan
 
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonSi Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonDonna Mae Tan
 
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereMga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereAnnex
 

What's hot (20)

Edukasyon ni Rizal
Edukasyon ni RizalEdukasyon ni Rizal
Edukasyon ni Rizal
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me Tangere
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
El Filibusterismo - Mga Tauhan
El Filibusterismo - Mga TauhanEl Filibusterismo - Mga Tauhan
El Filibusterismo - Mga Tauhan
 
Mga pag ibig ni dr jose rizal
Mga pag ibig ni dr jose rizalMga pag ibig ni dr jose rizal
Mga pag ibig ni dr jose rizal
 
Noli me tangere characters
Noli me tangere charactersNoli me tangere characters
Noli me tangere characters
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
 
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose RizalMga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal
 
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me TangereAng Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
 
Matalinghagang salita
Matalinghagang salitaMatalinghagang salita
Matalinghagang salita
 
Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Noli Me Tangere Kabanata 14-23Noli Me Tangere Kabanata 14-23
Noli Me Tangere Kabanata 14-23
 
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng PagkakataonSi Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
Si Crisostomo Ibarra Bilang Mangingibig at Biktima ng Pagkakataon
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me TangereMga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
Mga Tauhan sa nobelang Noli me Tangere
 
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
TALAMBUHAY NI JOSE RIZALTALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
 

Viewers also liked

Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64sdawqe123
 
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)Marella Antiporda
 
Talaan ng nilalaman
Talaan ng nilalamanTalaan ng nilalaman
Talaan ng nilalamannirie
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereJaNa Denisse
 
Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60mojarie madrilejo
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49asa net
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49asa net
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37ybonneoretga
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22mojarie madrilejo
 

Viewers also liked (20)

Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64
 
NMT - 1-25
NMT - 1-25NMT - 1-25
NMT - 1-25
 
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuriNoli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
 
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
Noli Me Tangere (kabanata 41-45)
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Talaan ng nilalaman
Talaan ng nilalamanTalaan ng nilalaman
Talaan ng nilalaman
 
NMT 26-38
NMT 26-38NMT 26-38
NMT 26-38
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Buod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangereBuod ng noli me tangere
Buod ng noli me tangere
 
Noli Me Tangere
Noli Me TangereNoli Me Tangere
Noli Me Tangere
 
Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45Noli me tangere kabanata 43-44-45
Noli me tangere kabanata 43-44-45
 
Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56Noli me tangere kabanata 55 56
Noli me tangere kabanata 55 56
 
Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60
 
NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49NOLI KABANATA 1 TO 49
NOLI KABANATA 1 TO 49
 
Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49Noli KABANATA 1 TO 49
Noli KABANATA 1 TO 49
 
Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64Buod ng Noli 49- 64
Buod ng Noli 49- 64
 
Noli Me Tangere- Kabanata 49
Noli Me Tangere- Kabanata 49Noli Me Tangere- Kabanata 49
Noli Me Tangere- Kabanata 49
 
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 27-37
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22
 

Similar to Noli Me Tangere (Filipino

Noli me tángere notes
Noli me tángere notesNoli me tángere notes
Noli me tángere notesZimri Langres
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Glenifer Tamio
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfLykaAnnGonzaga
 
noli Mga Tauhan.pptx
noli Mga Tauhan.pptxnoli Mga Tauhan.pptx
noli Mga Tauhan.pptxRenanteNuas1
 
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.ppt
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.pptdokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.ppt
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.pptJoycePerez27
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxKikiJeon
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptMaryflorBurac1
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoNátè Del Mundo
 
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxTAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxssuser5bf3a1
 
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romano
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romanomga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romano
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romanoriza romano
 
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGEREMAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGEREDaneela Rose Andoy
 

Similar to Noli Me Tangere (Filipino (20)

Dr.pptx
Dr.pptxDr.pptx
Dr.pptx
 
Noli me tángere notes
Noli me tángere notesNoli me tángere notes
Noli me tángere notes
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)
 
Nolielfili
NolielfiliNolielfili
Nolielfili
 
KABANATA 8
KABANATA 8KABANATA 8
KABANATA 8
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
 
noli Mga Tauhan.pptx
noli Mga Tauhan.pptxnoli Mga Tauhan.pptx
noli Mga Tauhan.pptx
 
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptxNOLI ME TANGERE pabalat.pptx
NOLI ME TANGERE pabalat.pptx
 
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.ppt
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.pptdokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.ppt
dokumen.tips_mga-tauhan-ng-noli-me-tangere-5584a9a607bd4.ppt
 
NOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptxNOLI-ME-TANGERE.pptx
NOLI-ME-TANGERE.pptx
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.pptKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.ppt
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptxTAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.pptx
 
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPCPagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
 
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me TangerePagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
Pagpapasinaya sa akda- Noli Me Tangere
 
Noli Kab 10-14
Noli Kab 10-14Noli Kab 10-14
Noli Kab 10-14
 
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romano
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romanomga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romano
mga tauhan ng noli me tangere by riza sj. romano
 
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGEREMAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
MAIKLING IMPORMASYON NG NOLI ME TANGERE
 
Noli me tángere
Noli me tángereNoli me tángere
Noli me tángere
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 

Noli Me Tangere (Filipino

  • 1. Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito aySocial Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.
  • 2. TALAAN NG MGA NILALAMAN Kasaysayan Buod ng Nobela Mga Pangunahing Tauhan Ibang Tauhan Buod ng Bawat Kabanata: 1: Isang Pagtitipon 2: Si Crisostomo Ibarra 3: Ang Hapunan 4: Erehe at Pilibustero 5: Pangarap sa Gabing Madilim 6: Si Kapitan Tiyago 7: Suyuan sa Isang Asotea 8: Mga Alaala 9: Mga Bagay-bagay sa Paligid 10: Ang Bayan ng San Diego 11: Mga Hari-harian 12: Todos Los Santos (Araw ng mga Patay) 13: Mga Babala ng Bagyo 14: Si Tasyo: Pilosopo o Baliw? 15: Ang mga Sakristan 16: Si Sisa 17: Si Basilio 18: Mga Kaluluwang Naghihirap 19: Mga Kapalaran ng Isang Guro 20: Ang Pulong sa Tribunal 21: Kwento ng Isang Ina 22: Mga Liwanag at mga Anino 23: Ang Pangingisda 24: Sa Gubat KnK: Elias at Salome 25: Sa Bahay ng Pilosopo 26: Bisperas ng Pista 27: Sa Takipsilim 28: Mga Liham 29: Kinaumagahan 30: Sa Loob ng Simbahan 31: Ang Sermon 32: Ang Kabriya 33: Malayang Pag-iisip 34: Ang Tanghalian 35: Usap-usapan 36: Unang Ulap 37: Ang Kaniyang Kataastaasan 38: Ang Prusisyon 39: Si Donya Consolacion 40: Karapatan at Kapangyarihan 41: Dalawang Panauhin 42: Ang Mag-asawang de Espadaña 43: Mga Balak 44: Pagsusuri ng Budhi 45: Mga Inuusig 46: Ang Sabungan sa San Diego 47: Ang Dalawang Senyora 48: Hiwaga 49: Tinig ng mga Inuusig 50: Ugat ni Elias 51: Mga Palitan at Pagbabago 52: Baraha ng mga Patay at ang mga Anino 53: Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala sa Umaga 54: (Pagbubunyag) 55: Malaking Sakuna 56: Sabi-sabi at Kuro-kuro 57: Vae Victis! (Ay, ang mga Natalo!) 58: Isinumpa 59: Pambayan at mga Pansariling Kapakanan 60: Ikakasal Si Maria Clara 61: Pagtakas Hanggang Lawa 62: Nagpaliwanag si Padre Damaso 63: Noche Buena 64: Epilogo
  • 3. Kasaysayan Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan niVicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz: “Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...”
  • 4. Mga Pangunahing Tauhan Crisostomo Ibarra Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Maria Clara Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso. Padre Damaso Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara. Kapitan Tiago Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara. Elias Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Sisa, Crispin, at Basilio Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego. Pilosopo Tasio Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Donya Victorina Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.
  • 5. Ibang Tauhan Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na agtatangi kay Maria Clara. Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal) Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara. Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan. Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra. Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila. Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagkaekskomunyon si Ibarra. Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias. Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias. Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama. Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama. Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra. Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
  • 6. Buod ng aklat na Noli Me Tangere May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, Dumalo ang mga kaibigan at kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga taong hindi inimbita. Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kaya lamang ay nauwi sa pagtatalo ang pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guardia civil. Talo pa nila ang mga walang pinagaralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kanyang pag-aalala nang lapitan siya ni Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kanyang ama. Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa pagdating ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang pakikipag-usap ng ilang panauhin kay Ibarra habang naghahapunan ay humanga sa pagsasalaysay niya ng kanyang nakikinig sa kanyang pagsasalita, marami ang namasid at palagay tungkol sa kalagayan ng mga bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lamang ng salapi ang gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng dating pari sa kanyang bayang San Diego. Umalis siya nang hindi pa tapos ang hapunan. Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang lalaki na gustong saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan at tuluyan nang namatay. Hinuli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan ng may sakit. Sa tinuluyang silid ni Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kanyang isipan. Naging abalang lubha ang kanyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama. Hindi na tuloy niya napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso. Mauuri ang mga taong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa kanya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kanyang mga pandaranas at katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kanyang kaluluwa. Marahil ay dahil sa pag-aakalng mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang pagyaman ng Don. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo. Sa kanilang pag-uulayaw sa balkonahe ay sinariwa ng balisa si Kapitan Tiago bago at pagkatapos ng pag-uusap nila ni Padre Damaso. Samantala, ay isang matandang pari sa kanilang
  • 7. korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakit na kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Araw ng mga Patay. Kailangan niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao‟t bagay-bagay sa mga lansangan at mga pook na binagtas ng kanyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon sa mga naobserbahan niya sa kanyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lamang ang nakakaalam. agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dating isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego. Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kwento ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra. Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila‟y ang kura ng kinatawan ng Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang inuutusan. Ang mga makapangyarihan. Todos los Santos. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng sepulturero ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura‟. Nilisan ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isp. Diniian niya sa balikat ang nakasalubong ang kura sa pag-aakalng iyon ang humamak sa bangkay ng kanyang ama. Kakaiba sa karaniwan ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kanyang pilosopo at may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang maka-siyensya, makatao, at makaDiyos ang kanyang mga paniniwala sa buhay. Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na‟y nasa kampanaryo pa ang magkapatid. Ayaw silang pauwiin ng sakristan mayor hangga‟t hindi nila naililitaw ang salaping (tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababa si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang umuwi, lampas alas diyes na daw sya ng gabi makakauwi. Ang sinasabing curfew ay alas nuebe lang ng gabi. Maraming katangian si Sisa… mabuti at masasama. Nakaimpluwensya nang malaki sa asawa ni Sisa ang nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at masasamang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamang kaangkinan ay nagbubunga rin ng masama.
  • 8. Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takot lalo pa nga‟t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bala sa noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lamang bilang pastol kay Crisostomo Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari. Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malamang wala sa kumbento ang susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lamang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya sa kusina ng kumbento kaya‟t ipinagtabuyan siya ng kusinero. Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba‟t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan ng guro sa kanyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo. May pulong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagmimiting. Adyenda ng miting ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San diego. Naging mainitan ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo. Gayunam‟y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapi. Nang nagkakasundo na ang lahat tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinuli ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang magnanakaw. Gayon lamang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kwartel ng mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana lamang daw ng kura ang pagsusuplong kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni Basilio – ang siyang nagging dahilan ng kanyang tuluyang pagkabaliw. Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa bahay ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga kailangan sa piknik. Sa daan ay isang lalaki ang kumausap sa kanya. Natupad ang kahilingan ni Maria Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasama sa pangingisda ng kanilang pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos ang masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan; sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng dalawa.
  • 9. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy. Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng putik. Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya‟t hindi niya pinigilan ang dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro. Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra sa kura upang isanguni ang plano. Bukod ditto kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang makapangyarihan sa bayan. Sa simula‟y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang mabuti ang kanyang layunin kaya‟t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan. Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang mga pagkain ang inihanda sa malalaki at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-pansi sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni Crisostomo Ibarra. Gayon na lamang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na proyekto niyon. Tanging si pilosopong tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng iba‟t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal. Tungol sa sulat ng kabanata 29. Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng San Diego gayong bispeas pa lamang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga pagmamalabis na lalo lamang nagpapahirap sa bayan, ngunit taun-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang pinunong Pilipino ng tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinunong dinidiktahan ng mga dayuhan.
  • 10. Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego…ang mayayaman at mahihirap, ang pinunong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya‟t sarisaring dama sa buhay ng tao ang mapapanood. Saisari rin ang maraamdaman. Si padre Salvia ng nagmisa at naging kapuna-puna ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kanyang binigkas at kinakanta. Sa Maraming pangyayari ay naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kanyang humor sa pagsulat. Punong-puno ng mga tao ang simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Nagaalaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang lalaking may maputlang mukha ang nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayo ng panghugos na gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hinda malamang dahilan ay bigla iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa huay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka in gang lalaking nagtayo nh panghugos ang nabagsakan niyon, athindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan. Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galit nag alit na hinarap ng binata ang pari. Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng pari. Bawat isa‟y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan Tiago at Maria Claa ay napasama o naapektuhan sa nangyai kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat. Pinopoblema naman ni Kapitan Tiago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang bayaran niya kaagad kung puputulinniya nag elasyon sa sana‟y mamanugangin niya. Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kanya upang magbigaygalang. Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan. Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring
  • 11. hindi niya iyon laging magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata. Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan siyang magsimba ng kanyang asawa dsa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya‟t si Sisa ang napagbalingan niya at pinaglupitan. Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito‟y ang pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang pagkakabalisa. Kaya‟t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog si Ibarra dahil sa iba-ibang isipinag gumugulo sa kanya kaya‟t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung anu-anong kemikal sa kanyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kanya ng patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakit si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing dahilan ng pagkakasal nila sa isa‟t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito… si Alfonso Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni Donya Victorina ung totoo lamnag ang inamalita niyong pagdadalantao. Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga taong nakapaligid sa kanyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang makilala niya ang inaanak ng kanyang bayaw na ipinagbilin sa kanya sa sulat nito. Samantala, takangtaka si Lucas nang sigawan siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang pagbibigay sa kanya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabiant si Maria Clara pagkatapos makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kanya inihanda ni Tiya Isabel si Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kanya. Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga abundukan sapagkat siya ay nagging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kanyang pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-buhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang
  • 12. lalai, Tandang Pablo. Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman, at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakana. Para itong baying kaikitaan ng mga taong nagsasamantala at pinagsamantalahan. Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego. Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kanyang anyo. Kay, gayon na lamang ang kanyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga taong nakasalubong, lalo na nga ng omandante. Nagyaya na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya ang lihim ng binat apag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kanyang kaso. Napatawad siya sa pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni Kapitan Tiago. Samantala, nagtaka si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa. Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay sinabi ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibara tungol sa guardia civil at oporasyong ng mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kanyang angkan. Nagulumihan si Ibarra sa kanyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upnag magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangao niya ay Kapitan Pablo. May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit kapu-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kanya. Palihim na nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang lalaki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya ang dahilan ng pagtatapu-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha. Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o kunwari‟y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa
  • 13. gayong pangyayari. Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina pilosopong Tasyo at Don Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama‟t tatlong –daan taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay padre Salvi ay natuklasan niya sa pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kanya ang isang malaking sanwatan laban sa pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kanyang natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang puno ng guardia civil para madakip at mapagsalita ang mga maypakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa umaasa sa tatamuhing pagasenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang pangalan ng taong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kanyang mga kaanak. Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papasok pa lamang siya sa bulwagan ay umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putukan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang makabalik siya sa kanyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kanyang bahay. Hindi iilang palapalgay o sabi sabi tungkol sa naganap na tungkol sa putukan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting lalaking may pilat sa bakurang malapit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang malapit nang mamatay. Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na imbestigahin sina tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kanyang amang pinatay sa palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lamng walang nagmalasakit nang nang gayon. Sa halip ay inulan siya ng mga bato‟t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kanya ang lahat ng nangyaring mga kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na ang bersyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang ikinapapahamak ng tao. Kadalsan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang nakapagpapahamak sa kapwa. Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito‟y nagging paksa ng tsimis ang
  • 14. dalga. Pati si Tenyente Guevarra ay naghinala sa kanya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra. Nais niyang makpaghihiganti sa mga taong nagsadlak sa kanya sa bilangguan at sa mga humamak sa kanyang kapitan. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasama si Elias. Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang kanyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa pang bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra. Nabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tungisan sa lawa. Ipinasya niyang huwag nang pakasal kay Liñares ito‟y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lamang si Ibarra. Nadama ni Padre Damaso ang bigat ng pakakasalang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra‟t Maria Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok. Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kanya sa kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang kanyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila‟y hindi siya kaagad nakilala ni Sisa kaya‟t muli iyong tumakas. Nakarating ang kanyang ina sa gubat. Nang noche buenang iyon ay isa pang wari‟y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Ibaibang klase ng kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.
  • 15. BUOD NG MGA KABANATA “...mamamatay akong hindi mamamalas ang pagsikat ng araw sa aking bayan... Kayong mga makakakita sa pagbubukang-liwayway, malugod ninyo siyang tanggapin, at inyong gunitain ang mga nabuwal sa dilim ng gabi!” –Elias, Kabanata 54 1: Isang Pagtitipon Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa Kalye Anloague (na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso. Kung kaya‟t iniba ni Padre Sibyla ang usapan. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
  • 16. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Ito, umano ang nagutos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. 2: Si Crisostomo Ibarra Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Padre Damaso ay namutla nang makilala si Ibarra. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra. Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama. Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga
  • 17. babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan. 3: Ang Hapunan Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok. Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya‟t siya ang karapat-dapat na umupo. Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing “huwag mo akong alalahanin.” Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Padre Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra. Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
  • 18. Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso. "Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran. Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito. Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari. Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga sandaling madalas na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso. Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din. Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain. 4: Erehe at Filibustero Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din
  • 19. sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito. Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga gawain. Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso ay nagkasira. Di-umano, di nangungumpisal si Don Rafael. Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway. Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo. Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi, bo, bu" na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si Don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga. Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna parusa. Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan. Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito. Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.
  • 20. Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si Don Rafael. Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si Ibarra. 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. (Ito ay isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynila). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito. Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra. Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Padre Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat. Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano. 6: Si Kapitan Tiago Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Siaya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hinde lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ariarian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lubong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman. Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na kastila at hindi pilipino. Kasundo nya ang diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa
  • 21. kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasmba katulad nina sta. lucia, san pascual bailon, san antonio de padua, san francisco de asis, san antonio abad, san miquel, sto. Domingo, hesukristo at ang banal na mag-anak. Par kay Kapitan Tiago kahit na ano ang itakda an mga kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuripuri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadocillo. Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya myroong handog na regalo. Si Kapitan Tiago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya‟y mag isang nangalakal. Nakilala nya si pia alba na isang magandang dalagang taga Santa Cruz. Natulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad. Ang pag bili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura na si padre damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa boung san diego- si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo Ibarra. dahil sa anim na taon ng pagsasama sina tiyago at pia at hnidi nagkaroon ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata. Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa oabando sila pumunta kina san pascal baylon at sta clara at sa nuestra sr de salambaw. Parang dininig ang dasal ni pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging masakitin si pia, nang siya ay magdalangtao. Pag kapanganak nya sya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak in pia ay pinangalanang maria clara bilang pag bibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa obando, kay Tiya Esabel, pinsan ni kapitan tiyago, ang natokang mag-aruga kay maria. Lumaki sya sa pag mamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle. Katorse anyos si Maria, nang siya'y ipinasok sa Beaterio de Sta. Catalina. Luhaan siya nag paalam kay Padre Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra, pag kapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nag punta na ng europa upang mag aral. Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan. 7: Suyuan sa Isang Asotea Kinabukasan, maagang–maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa, Nagyayang umuwi na si Maria.
  • 22. Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa malabon o sa San Diego. Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista. Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beaterio. Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso. Pamaya-maya, lumapit sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala. Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra. Binikas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrerong upang hinda maitiman. Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha. Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.
  • 23. Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya "Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala akong umuwi dahil bukas ay undas na." Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon duon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umlis na ito. Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga manlalakbay na sina Mahal na Poong San Roque at Mahal na Poong San Rafael. 8: Mga Alaala Ang kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibatibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala. Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Padre Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra. Napadaan din siya sa Fabrica de Tabacos de Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako. Nang madaan siya sa Jardin Botanico saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader. Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao,
  • 24. ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya‟t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan). 9: Mga Bagay-bagay sa Paligid May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre Damaso at tinanong ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy na nagtuloy siya sa bahay ni Tiago. Ang pagbulung-bulong ng pari ay inaakala ni Isabel na mayroon itong minimemoryang sermon. Nahalata kaagad ni Kapitan Tiago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan Tiago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto. Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Padre Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang paring may sakit. Sinigilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Padre Sibyla sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Padre Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni Padre Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuru-kuro tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lubhang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon. Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan ng nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na nararapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo ng mamili ng lupa sa iba‟t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa. Bago umalis si Padre Sibyla, naibalita rin niya na ang tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting bayan. Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiyago at Padre Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang
  • 25. kandila kay Maria na patungkol para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego. 10: Bayan ng San Diego Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay naipagbibili nila ng murangmura sa tsino. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang puno ng baliti. Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog. Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael, na siyang ama ni Crisostomo. Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan. Nagkaroon ng isang kura Indio. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan. 11: Mga Hari-Harian Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra, hindi siya ang kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero, siya ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.
  • 26. Si Kapitan Tiago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiago. Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor. Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-ayuno. Kung ihahambing siya kay Padre Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Padre Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa. Bagama‟t may hidwaan ang alpares at Padre Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kanikanilang mga paraan para makapaghiganti sa isa‟t-isa. Ang alpares at Padre Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique. 12: Todos Los Santos (Araw ng mga Patay) Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng
  • 27. kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan. Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote. 13: Mga Banta ng Unos Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero, nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik. Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing. Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Padre Salvi na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote. 14: Tasiong Baliw o Pilosopo Si Pilosopo Tasio ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang ay isang taong may toyo sa ulo o baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na siya ay magpare. Pero, hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang kayamanan.
  • 28. Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot niya:”Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat‟t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako‟y pinagtawanan lamang ng lahat.” Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata. Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng magasawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael. Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay. Pagkuwa‟y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa magasawa. 15: Mga Sakristan Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap. Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat
  • 29. walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang mabigat ito para kay Basilio. Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya‟y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng kapatid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura. Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga‟t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at sabungero. Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan. 16: Sisa Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga tagaSan Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-
  • 30. anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel. Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa. Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay. 17: Basilio Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
  • 31. ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa. Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka. Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali. Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama. 18: Mga Kaluluwang Naghihirap Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Padre Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Padre Damaso ba? Padre Martin o ang coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng „indulhensiya plenarya,‟ na siyang tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni Sisa. Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat na katulad ng pako, na paboritong gawing salad
  • 32. ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya sa kanilang dampa. Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya‟t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa isang hapag. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila. Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama. Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.ewan 19: Mga Kapalaran ng Isang Guro Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang – ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing. Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos. Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang mga bata at guro. Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero siya ay nilait ni Padre Damaso sa pagsasabing ang
  • 33. wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang niyang matutuhan ay tagalog. Ipinaris pa siya ni Padre Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Padre Damaso. Pero, nag-aral din ang guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes. Sobra ang pakialam ni Padre Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Padre Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Padre Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila. Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tinyente mayor. 20: Ang Pulong sa Tribunal Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya‟t iniatras niya ang mga ito.
  • 34. Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan. Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumangayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya‟y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay. 21: Kuwento ng Isang Ina Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pagiisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak. Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter. Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na. Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok. Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka.
  • 35. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay. Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan. Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya. 22: Mga Liwanag at mga Anino Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi. Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si Ibarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating kababata sa bayan. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito. Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi. Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga taga- San Diego. Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang paanyaya.
  • 36. Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak. At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki. 23: Pangingisda Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan. Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa pagkakagulo ang mga dalaga. Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias. Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad. Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok. Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga „dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.‟ Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya‟y lumitaw sin a Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.
  • 37. Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pagaari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa batisan. 24: Sa Gubat Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka‟y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa piknikan. Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito. Tuwang-tuwa si Padre Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw. Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre Damaso na naging dahilan ng pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis si Sisa. Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Padre Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Padre Salvi tt Don Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan. Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka‟y nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: "Ang pangarap ay nanatiling pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran. Mula sa kanyang bulsa, inilabas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan. Dumating si Padre Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat sapagkat ang mga nilalaman nito‟y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang