3. Si Mohandas Gandhi ay kilalang lider sa larangan ng politika sa India. Siya rin
ang namuno sa kilusang na naghahangad ng kalayaan mula sa mga dayuhan.
Pinasimulan ni Gandhi ang prisinpyong satyagraha , na nagangahulugang walang
karahasang pagtutol ng mga mamayan o mass civil disobendience
Dahil sa kanyang mga turo at paniniwala maraming mga Indiano ang
sumunod sa kanya Kinilala din bilang pandaigdigan lider na nakapagbigay
inspirasyon sa mga kilusang pangkarapatan at pangkalayaan sa buong daigdig.
Si Gadhi ay mas higit na nakilala sa bilang “Mahatmat” na nangangahulugang
“Dakilang Kaluluwa”. Dahil sa kanyang mga nagawa para sa pagkamit ng kasarilan
ng India pinarangalan siya bilang “ Ama ng Bansang India”. Ilan sa mga ginawa ni
Gandhi ay pagsama sa mga magsasaka at manggagawa upang magtatag ng ng
isang samahan upang tutulan ang mga pangaapi na mga dayuhan. Mahigpit na
tinutulan ni Gandhi ang di makatarungan pagbubuwis at diskriminasyon ng mga
Briton sa mga mamamayan ng India.
5. Si Ali Jinah na namuno sa Muslim League ay nanguna sa pagtuligsa sa ideya ng
demorkasya na inangkat ng mga makabayang Hindu mula sa mga Europeo. Ayon
sa kanya at sa kanyang mga kasama, naging kasangkapan ang demokrasya para
sa lalong pan-aapi at pagsasamantala ng naghaharing uri sa India.
Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay pinangunahan ni Ali
Jinah ang kanilang layuning makabuo ng hiwalay na lalawigan para sa mga
Muslim sa India dahil na rin sa pangamba ng diskriminasyon at pagiging
minorya ng mga Muslim sa lipunan ng India. Noong hunyo 1947 hinati ang
India sa dalawa – ang mga lugar na maraming Muslim ay napunta sa Pakistan ,
samantalang ang lugar na maraming Hindu ay napunta sa India.
8. Isang patunay ng pagkakaroon ng nasyonalimong Turk ang
pagkakabuo ng Samahang Turkanian ( Turkian Society ) na itinatag ng mga
Tartar noong 1839. Isa sa kanilang mga layunin ang pagbukludin ang
mamamayang turko. Ang pangalan ng kanilang samahan ay nangaling sa
salitang “Turan” na nagmula sa isang lupain sa Persia kung saan naninirahan
ang mga Turkic at Turan.
Mas lalong nakilala ang samahan ng mga Turko sa pamumuno ni
Mustafa Kemal, ipinagpatuloy nila ang pakikipaglabang sa kanilang kalayaan.
Itinatag ni Mustafa Kemal ang Republic of Turkey matapos ang Kasuduan sa
Lausanne, ang kasuduang ito ang nagtakda ng lawak at lalawigan sakop ng
Turkey. Ang Turkey ay kinilala bilang unang republika sa Kanlurang Asya at
bilang isang bagong talgang pangulo si Mustafa Kemal ay nagpatupad ng
kanyang mga reporma upang matamo ang layuning mabago ang Turkey
patungo sa isang modernong bansa.
10. Noong 1925 , isang opisyal sa hukbo ng mga Persian ang
iniluklok sa kapangyariahan bilang shah o hari ng Persia,
matapos niyang agawin ang kapangyarihan mula sa dating
shah. Ang persia ay pinamunuan ni Reza Shah Pahlavi. Si Reza
ay namuno bilang diktador. Tulad ni Kemal sa Turkey si Reza
ay nanguna din sa paglulungsad ng modernisasyon ,
westernisasyon at sekularisasyon sa kanyang bansa. Pinalawig
din ang karapatan ng mga kababaihan at pagpapalit ng
panganlang ng Persia bilang Iran lahat ng ito ay naganap sa
pamumuno ni Reza.
11. Sa kabila ng mga nagawa sa pammuno ni Reza , ang
kanyang pamumuno ay hindi naging popular sa mga
Persian lalo na sa mga tradisyonal na mamamayan ng
Persia. Dahil dito siya ay napilitang bumaba sa pwesto at
pinalitan ng kanyan anak na si Mohammed Reza Pahlavi.
Ipinagpatuloy ng kanyang anak ang mga nasimulan niyang
pagbabago at modernisasyon sa Persia. Unti – unting
lumalakas ang boses ng oposisyon sa kanyang pamumuno
at naging tuwiran ang pag pigil sa mga pag-babago
kaniyang ipinatutupad.
12. Nakilala si Ayatollah Ruhollah bilang lider ng oposisyon. Ninais
niyang ipabalik sa prinsiyong Islamic Fundementalism ang
pamamahala sa Iran dahil marami sa mga pagbabago ginagawa sa
pamumuno ni Reza ang lubusang nagpabago sa Iran at unti unti
nakalimutan ang batayang islamiko sa pamumuno ng kanilang
bansa. Dahil dito nagkaroon ng rebolusyon sa pagitan ng mga
sumosuporta sa oposisyon at administrasyon ni Reza. Naagaw ng
oposisyon ang pwesto at sapilitang pinababa sa pwesto si
Mohammed Reza.
14. Nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, Itinatag ni Abdul
Aziz noong 1926 ang kaharian ng Hejaz at Nejd. Si Abdul Aziz na higit
kilala bilang Sheikh Ibn-Saud ay kabilang sa pinaka
makapangyariahang angkan ng Arab. Pinagbuklod niya ang mga
kaharian ng Arab at noong 1932 ito ay tinawag niyang Saudi Arabia
mula sa pangalan ng kanyang angkan.
Si Ibn – Saud ay mahigpit na nananalig sa tradisyonal na
pamahalaang Islamiko. Ang kanyang pamamahala ay batay sa gawi,
tradisyon, relihiyon at pag-iisa ng pamilya. Ipinagutos din niya
pagpataw ng mahigpit na parusa na nakabatay sa Koran o Quran sa
sinong mang nagkasala. Mahigpit din niyang ipinagbawal ang
paginum ng alak. Tulad ni Kemal at Reza isinulong niya ang
pagpapaunlad ng makabagong teknolohiya sa kaniyang bansa.
16. SATYAGRAHA O CIVIL DISOBEDIENCE NI GANDHI
• Ang Satyagraha o Truth force ay isang pilosopiya nilinang at
ipinangaral ni Gandhi na sa kabuuan ay nangangahulugang walang
karahasan pagtutol sa anumang batas ng pamahalaan upang ito
ay mahikayat ng pagbabago. Hango ang salitang Satyagaraha sa
salitang Sanskrit na nangangahulugang “ katotohanan at
katatagan”. Pinangunahan ni Gandhi ang pagpapahayag ng
pagtutol sa pamamgitan ng mapayapang paraan. Sa kabuuan, ito
ay nangangahulugang nonviolent resistance o civil disobendince.
Ayon kay Gandhi ang walang karahasang paghihimagsik ng isang
tunay na tumututol ay sapat na upang mapagtagumpayan ang
labanan ng tama at mali.
17. Isa sa halimbawa ng Civil Disobendience ay ang ginawang
demonstrayon ni Gandhi upang ipadama ang pagsuway sa
kinamumuhiang Salt Act na ipinatupad ng mga Briton. Ayon sa
batas na ito , sa pamahalaan lamang maaring bumili ng asin ang
mga Indian at kinakailangan din nilang magbayad ng kaukulang
buwis sa pagbili nito. Pinakita nila Gandi ang pagtutol dito sa
pamamgitan ng pagmartsa sa baybay dagat at sinimulang gumawa
ng asin. Tinawag ang kilos protestang ito na Salt March.
18. Ilan pa sa mga panawagan ni Gadhi sa mga kapwa niya Indian ay
ang mga sumusunod;
1. Iwasang bilhin ang anumang gawa mula sa Britain
2. Iwasan ang pagpasok sa mga paaralang pampubliko
3. Tutulan ang pagbabayad ng buwis
4. Iwasan ang pakikiisa sa halalan
19. KEMALISM NI MUSTAFA KEMAL
Ang “ KEMALISM” o anim na palaso ang bumuo
ng anim na katangian ng Republic of Turkey
Itinatag ni Kemal ang isang repulikang sekular, isang
uri ng pamahalaang hindi nakaugnay sa relihiyong.
Pinaghiwalay niya ang batas ng Islam at batas ng
bansa. Kasabay nito inalis niya ang mga hukumang
panrelihiyon at nagtatag ng panibagong sistemang
legal na nakabatay sa batas ng Europeo.
Pinagkalooban din niya ng karapatang makiisa sa
halalan at humawak ng puwestong pampubliko ang
mga kababaihan.
20. ANG PAN- ARABISM
Pan-Arabism ang modernong salitang gamit para sa politikal na pagkakaisa ng mga
bansang Arab sa kanlurang Asya. Ninais ng mga Arab ang layong pagkakabuklod mula
noong unang panahon ng paglakas ng mga Ottoman Turk upang makapagtatag ng malakas
na samahan ng mga estadong Arab. Pag katapos ng unang digmaang pandaigdig hiniling ng
mga Arab ang kasarilan sa mga Ingles at Pranses. Ngunit ang pangakong ito ay hindi
natupad at sa halip ay pinaghatiaan ng Britain at France ang mga rehiyon sakop ng mga
Arab. Dahil dito nagsimulang mag-alsa ang mga Arab.
Matapos ang ikalawanag Digmaang pandaigdig, itinatag ng mga Arab ang mga
samahan nagpapatibay ng kanilang layunin upang maging isang Arab na nasyon . Ngunit
matapos matalo ng Israel ang mga samahang ito muling nag kawatak watak ang mga
samahang kanilang binuo at naging abala sila sa paglilinang ng sarili nilang interes na
mapaunlad ang kanilang mga bansa.
21. ANG ISRAEL AT KILUSANG ZIONISM
Ang kilusang Zionism ay itinatag upang maisakatuparan ang layunin magkaroon ng
estado ang mga jew. Ang kilusang ito at pinamunuan ni Theodor Herzl, isang manunulat
mula sa Vienna. Upang masimulan ang kanilang layuning makapag-angkin ng kapirasong
teritoryo sa palestine, ang ilang pangkat ng mga Jew na kaanib sa Zionism ay nagsimulang
manirahan sa Palestine. Nang mga panahong ito ang Palestine ay bahagi pa ng Imperyong
Ottoman na pinamamahalaan ng mga Islamic Turk.
Bilang paghahanda sa kanilang layuning makamit ang Israel , sinimulan ng mga Zionist na
magtipon ng pondo upang masimulan ang paglipat ng mga Jew sa Palestine. Hindi nalaon
nagawa nilang makapag-organisa ng sariling pamahalaan sa lupain na tinawag na Jewish
Agency. Sinimulan ng mga Jew na pagandahin ang Palestine mula sa mga lasangan , paaralan
at serbisyong panlipunan para sa kanilang pangkat.
Kasabay ng kanilang paglilinang o pagpapaganda sa kanilang bansa sinimulan din nila
ang pagbili ng mga lupain sa mga lokal na Arab na Palestine. Dito nabuo ang alitan sa
pagitan ng mga Arab at Jew . Napagtagumpayan ng Israel ang mga hamon sa kanilang
pagsasarili at noong 1948 idineklara ni David Ben Gurion and Israel Bilang isang malayang
bansa.
23. IDEOLOHIYA
Ang Ideolohiya ay nagmula sa salitang ugat na idea o kaisipan na tuwirang
sinusunod ng mga tao. Ito ay lipon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at
pinanghahawakan ng maraming tao na kumikilos ayon sa mga ideya, simulain,
prinsipyo o paniniwala na napapaloob dito. Bilang isang kaisipan, ito ay may
malawak na saklaw o pananaw kung paano tingnan ng tao ang isang bagay o
kaisipan na umiiral sa lipunan.
24. ANG IDEOLOHIYA AY NAHAHATI SA DALAWANG PANGUNAHING
KATEGORYA-
1. Ideolohiyang Pang-ekonomiya- ito ay nakatuon sa mga patakarang
pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mga
mamamayan. Ang mga halimbawa ng Ideolohiyang pang-ekonomiya ay
Sosyalismo, Liberalismo at Kapitalismo
2. Ideolohiyang Pampolitika- nakatuon sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng
pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa mga
kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos
ayon sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan. Ang ilan sa mga halimbawa
ng Ideolohiyang Pampolitika ay Komunismo, Demokrasya, Autocracy at
Anarkismo.
25. DEMOKRASYA
Hango sa salitang “demos” na ang ibig sabihin ay mga tao at kratia, pamamahala.
Isang ideolohiyang political ang demokrasya.
Tumutukoy ito sa tuwiran o hindi tuwirang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala ng
bansa.
Sa tuwirang demokrasya, ibinoboto ng mga mamamayan ang mga gusto nilang batas sa
kapulungan tulad sa sinaunang lungsod-estado ng Greece.
Sa hindi tuwirang demokrasya, inihalal ng mga mamamayan ang mga kinatawan nila sa
pamahalaan. Karaniwan ang representasyon sa makabagong demokrasya.
Isa sa mga aspeto ng ideolohiyang ito ay ang pagtatamasa ng mga mamamayan ng karapatan sa
ilalim nito.
Binibigyang karapatan ang lahat ng mga taong nasa hustong gulang at nagtataglay ng mga
katangian upang bomoto at pumili ng mga pinuno na nais nila.
May karapatan din silang magsalita at magpahayag ng kanilang opinyon.
26. SOSYALIMO
Karaniwang tumutukoy ang katuturang sosyalismo sa
lipon ng paniniwala o mga ideya tungkol sa mga katangian
at kalagayan ng lipunan. Naniniwala ang mga sosyalista sa
mga pagpapahalagang pagkakapantay-pantay, panlipunang
katarungan, pagtutulungan, pag-unlad , kalayaan at
kaligayahan. Makakamtan ang mga ito sa pag-aalis ng
pribadong ari-arian na papalitan ng public ownership, isang
sistemang panlipunan o pagkontrol ng pamahalaan sa
produksyon at distribusyon. Ang paraan ng pagbabagong-
anyo na tinangkilik ng mga sosyalista ay mula sa pagbabago
ng saligang batas tungo sa marahas na rebolusyon.
27. KOMUNISMO
Nagsimula sa salitang komun ang katawagang komunismo na ang ibig
sabihin ay pantay-pantay o pangkaraniwan at walang uri na nakahihigit sa kapwa
tao. Tumutukoy rin ito sa Marxist-Leninist na doktrinang political at panlipunang
kabuhayan na gumabay sa USSR hanggang sa pagbagsak nito noong 1991 at ng
pamahalaang pulitikal sa China at silangang Europe. Umusbong mula sa
sosyalismo ang Komunismo noong ika-19 na siglo.
Ayon sa ideolohiyang komunismo, walang uri ang mga tao sa lipunan,
pantay-pantay ang lahat, walang mayaman at walang mahirap. Tatanggap ang
lahat ng tao ng yaman batay sa kanilang pangangailangan. Pag-aari ng mga
mamamayan at ng estado ang produksyon na inilalabas sa mga pagawaan at
lahat ng negosyo sa bansa. Kailangan ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa
ngunit hindi ito prayoridad ng komunistang bansa, sapagkat alam nilang
kontrolado ng mga kapitalistang bansa ang pakikipagkalakalan.