1. Republic of the Philippines
ILOCOS SUR POLYTECHNIC STATE COLLEGE
Santiago Campus
Santiago, Ilocos Sur
DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
I. Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nakikilala at natutukoy ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap.
B. Nagagamit ang mga pangatnig sa hugnayang pangungusap.
C. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga pangatnig.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Gamit ang Pangatnig sa Hugnayang Pangungusap
B. Sanggunian: Bagong Likha 5 Wika at Pagbasa pp. 430-431, Alab ng Wikang Filipino 5 pp. 312-313, at
Ikalawang Edisyon Pluma Wika at Pagbasa para sa Batang Pilipino pp. 343-344
C. Kagamitan: Larawan ni Lapu-lapu, Laptop, Projector, Biswal Eyds, Cut-outs, maliit na bola.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Ginoong Presidente ng silid-aralan, pangunahan mo
ang ating panimulang panalangin sa araw na ito.
Salamat ginoo! Bago kayo magsiupo mangyaring
makipulot ang mga plastik at papel sa inyong mga
ilalim at pakiayos ang inyong mga upuan.
2. Pagbati
Magandang buhay sa lahat!
Kumusta kayo aking mga giliw?
3. Pagtala ng Liban
Ngayon, nais kong malaman kung sinu-sino ang mga
lumiban ngayong araw. Tinatawagan ko ng pansin
ang sekretarya at iulat kung sinu-sino ang mga
lumiban.
Wow! Nakakagalak naman at walang lumiban sa
araw na ito.
B. PAGBABALIK ARAL
Ngayon naman, maglalaro muna tayo. Ang gagawin
ninyo ay ipapasa ang ang maliit na bolang ito kasabay
ang saliw ng musika, at kapag ito’y huminto, ang
studyanteng mayhawak ng bolang ito ay tatanungin
patungkol sa nakaraang leksyon. Handa na ba kayo?
Ito ang katanungan ginoong ______. Ano ang huling
tinalakay natin noong nakaraang leksyon?
Opo Sir, hinihingi ko sa lahat na tayo’y magsitayo at
tayo’y manalangin. Sa Ngalan ng Panginoon, ang
Mahabagin, ang Maawain (babanggitin ang
panala………………. Amen.
(Pinulot ng mga mag-aaral ang mga plastik at papel sa
kani-kanilang ilalim at kanilang inayos ang kaniilang
mga upuan at sila’y nagsiupo)
Magandang buhay po Ginoong Jusof Cariaga,
magandang buhay rin mga kaklase, ikinagagalak
naming makita kayo, Mabuhay!
Mabuti Ginoong Cariaga!
(tatayo ang sekretarya) Sir! Kinagagalak kong iulat sa
lahat na wala pong lumiban sa araw na ito.
Opo Sir! (sinagawa ng mga mag-aaral ang laro)
Sir, tungkol po sa pang-ugnay.
2. Magaling, ano naman ang gamit nito?
Napakagaling Ginoong _____.
Magsiupo na ang lahat.
C. PANLINANG NA GAWAIN
1. Pagganyak
(Magpapakita ng Larawan ni Lapu-lapu)
Mga mag-aaral, kilala ba ninyo kung sino ang nasa
larawan?
Sa mga nakakaalam kung sino ito, anu-ano ang mga
impormasyon na nalalaman niyo tungkol sa kanya?
Ikaw Binining _______.
Magaling!
Oh ikaw naman Ginoong ______.
Tama! Magaling!
Para higit nating makilala si Lapu-lapu, may
ipapanuod ako sa inyo na video presentation. (11
minuto).
Pero bago ang lahat, huwag kalimutan ang mga
panuto habang nanunuod, anu-ano ang mga ito?
Oo Ginoong _____.
Tama yan Ginoong _____.
Bago yan, basahin muna natin ang mga dapat
isaalang-alang habang nanunuod.
Makibasa Binibining ______.
Magaling Binibining ______.
Ngayon, uumpisahan na nating panuorin ang
talambuhay at sakripisyo ni Lapu-lapu.
Sir, ang pang-hugnay ay ginagamit sa pag-uugnay ng
dalawang o higit pang pangungusap.
(nagsiupo ang lahat)
Opo Sir
Hindi po Sir
Siya po ang tinuturing ng karamihang Pilipino bilang
kauna-unahang bayani ng ating bayan.
Siya po ang pumatay sa mananakop na kastila na si
Ferdinand Magellan.
Sir, ang mga panuto ay ang mga sumusunod:
1. Manuod po ng mabuti.
2. Hindi po nakikipagkwentuhan sa katabi.
3. Hindi po mag-iingay.
F. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong
kastila na lumaban sa mga nanakop na Pilipino
upang manatili ang lahing kastila sa lupang
pinangako.
G. Si Ferdinand Magellan ang unang pangkat ng
mga kastilang nagtangkang sumakop sa kapuluan
at ipalaganap ang krus at espada.
H. Ang pagdating ni Magellan kasama ang kanyang
sundalo sa Mactan para sakupin at matayin ang
mga maharlikang hindi sumunod sa kanilang mga
batas.
I. Tinanghal na mamamatay tao si Lapu-lapu
sapagakat kanyang napatay si Magellan.
J. Si Lapu-lapu ay may matatag na magmamahal sa
bayan kaya dapat tularan ng mga kabataan.
(manunuod ang mga mag-aaral)
3. Mga mag-aaral, anu-ano ang inyong masasabi kay
Lapu-lapu?
Oo Ginoong ______.
Magaling Ginoong ______.
Tama!
Naintindihan niyo baa ng talumbuhay ni Lapu-lapu
kung bakit hinirang siyang kauna-unahang bayani ng
bayan?
Balikan natin ang mga pangungusap tungkol sa
pinanuod niyo. Lagyan ng masayang mukha() ang
patlang kung nagsasaad ito ng tama at malungkot na
mukha () naman kung mali.
Naintindihan ba mga mag-aaral ang panuto?
1. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong
kastila na lumaban sa mga nanakop na Pilipino
upang manatili ang lahing kastila sa lupang
pinangako.
2. Si Ferdinand Magellan ang unang pangkat ng
mga kastilang nagtangkang sumakop sa
kapuluan at ipalaganap ang krus at espada.
3. Ang pagdating ni Magellan kasama ang kanyang
sundalo sa Mactan para sakupin at matayin ang
mga maharlikang hindi sumunod sa kanilang
mga batas.
4. Tinanghal na mamamatay tao si Lapu-lapu
sapagakat kanyang napatay si Magellan.
5. Si Lapu-lapu ay may matatag na magmamahal sa
bayan kaya dapat tularan ng mga kabataan.
D. PAGLALAHAD NG PAKSA
Balikan muli natin ang mga pangungusap. Pansinin
ninyo ang mga nakasalungguhit na salita.
Basahin nga natin ang mga nakasalungguhit na salita.
Upang
At
Para
Sapagkat
Kaya
Ano ang inyong napapansin sa mga ito?
Binibining _____.
Mahusay Binibining _______.
Sir, si Lapu-lapu ay napakatapang at dapat po siyang
tularan ng mga kabataan sa kanyang magmamahal sa
bayan.
Opo Sir!
Opo Sir!
Upang
At
Para
Sapagkat
Kaya
Pinagdurugtong po ang mga pangungusap.
4. Ano pa? Ginoong _____
Magaling Ginoong_____
Mayroon pa isa? Ano yun Binibining _____.
Tumpak na tumpak Binibining ______!
1. Pagtatalakay
Ang inyong mga sagot ay tama, ang aralin natin
ngayon ay?
Oo Binibining _____.
Tumpak!
Ano ang inyong mga ideya sa pang-ugnay gamit ang
mga pangungusap sa presentation?
Sige Ginoong _____.
Napakagaling Ginoong ______. YES ako sayo!
Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita, o ng
dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.
Ang unang pang-ugnay ay ang Pangatnig.
1. Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-
uugnay ng mga salita, parirala, sunay at
pangungusap.
Hugnayan – pangungusap na binubuo
ng isang sugnay na makapag-iisa(SM) at
sugnay na di makapag-iisa(SDM).
Halimbawa ng pangatnig:
ni, kaya, man, o, at, maging, datapwat, bagaman,
samantala, maliban, kahit kung, kapag, dahil,
sapagkat, kasi, kaya, upang.
Magbigay ng pangungusap gamit ang pangatnig.
Ginoong _____.
Humuhugot si Ginoong _____. Mahusay!
Bilang isang mag-aaral paano mo tutularan ang
ginawa ni Lapu-lapu gamit ang pangatnig sa
hugnayang pangungusap?
E. PAGLALAHAT
Ano nga ba ang pang-ugnay?
Binibining ______.
Ang mga nakasalungguhit po na mga salita ay mga
pangatnig.
Pinag-uugnay po ang sugnay na makapa-iisa at sugnay
na di makapag-iisa.
Pang-ugnay Sir!
Ang pang-ugnay ay ginagamit upang mabuo ang isang
pangungusap at ang pang-ugnay ay may pangatnig
upang ipagdugtong ang pangungusap.
Pinaglaban ko ang aming magmamahal sapagkat ang
aking puso’t isipan ay tanging siya lamang ang
nagbibigay buhay.
Ipaglalaban ko hanggang kamatayan ang aking bayan
upang bayan ko’y hind imaging alipin ng dayuhan.
Ang mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalang salita, o ng parirala,
o dalawang sugnay.
5. Mahusay!
Ang pangatnig ay?
Ginoong______.
Magaling!
Ang hugnayan ay?
Binibining _______.
Tumpak!
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay
ng mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap.
Ang hugnayan ay pangungusap na binubuo ng isang
sunay na makapag-iisa (SM) at sugnay na di makapag-
iisa (SDM).
IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: (4 na pangkat) Ilagay ang tamang pangatnig upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.
1. Ang pagkakasundo ______ pagkakaibigan ng mga bansa ay kailangan,
2. ______ may mga bagay na hindi napagkakasunduan, dapat pag-usapan angmmga ito nang maayos.
3. Ang United Nations ____ U.N. ay samahang kumakatawan sa mga nagkakaisang bansa sa daigdig.
4. Itinatag ito _____ lutasin angmga suliraning pandaigdig.
5. Maraming bansa na kasapi nito _____ nakatutulong ito sa buong samahan.
6. Ang malalaki ______maliliit na bansa ay may pantay na mga karapatan.
7. Pinauunlad ang kalagayang pangkabuhayan, pangkapayapaan, _____ pangkultura ng mga kasaping bansa.
8. _____ ito’y naitatag, nagkaroon ito ng maraming sangay.
9. Ang isang bansa ay nagiging magtatag ______ nagiging kasapi nito.
10. Nananatili ang kalayaan ng bansa _____kasapi ito ng samahan.
V. TAKDANG-ARALIN
Bumuo ng limang pangungusap gamit ang pangatnig sa hugnayang pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.
Prepared by:
JUSOF CARIAGA
BTTE - II