1. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
MODYUL 1
KABANATA 1: ANG BATAYAN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS
PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG
Narito ka ngayon sa unang modyul ng iyong kursong Ekonomiks para sa ikatlong antas ng
mataas na paaralan. Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan kung susuriin mo ang katagang
ekonomiks? Marahil, ang una mong maiuugnay sa salitang iyan ay pagnenegosyo. Pangalawa ay
pagbabadyet at pagpapalago ng kita ng pamilya. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng empleyo at sapat
na kita ng mga mamamayan na sumasagisag sa katatagan at kaunlaran ng bansa. Kung ang lahat
ng iyan ang iyong naisip ay tama ka! Ngunit bahagi lamang iyan ng mga paksang pag-aaralan mo.
Bilang panimulang pag-aaral, liliwanagin sa modyul na ito ang kahulugan ng ekonomiks,
katuturan at kahalagahan nito bilang isang agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga
sumusunod na tanong: Ano nga ba ang ekonomiks at ang mga sangay nito? Bakit mahalaga ang
ekonomiks sa isang bansa? Paano makatutulong sa pamamahala ng kaunlaran ng pamilya, mga
industriya, at ng buong bansa and mga konsepto at prinsipyo sa ekonomiks?
Ang pangangailangan ng tao ay walang hanggan habang sya ay nabubuhay, subalit limitado o
may katapusan ang kaniyang pinagkukunang-yaman. Kinakailangan ng mahusay na pagpapasya
ng tao sa paggamit ng mga likas na yaman upang lubusang matugunan ang mga pangangailangan
at kagustuhan ng bawat isa. Kung hindi ito gagamitin ng wasto, tiyak na makararanas ng
kakapusan at kakulangan ang bawat isa. Ang kakapusan ay bunga ng tunggalian ng walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Kaya naman ang matalinong pagpapasya ay
dapat na nakabatay sa pagpili ng alternatibong makapgbibigay ng mataas na benepisyo
(opportunity benefit) sa nakararami kaysa sa halaga ng pagkakataong nawala o pinagliban
(opportunity cost). Ang tao sa panahon ng kasaysayan ay may ambag sa paghahanap at paglilikha
ng mga paraan para mapabuti ang kaniyang kabuhayan at kalagayan ng lipunan.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay
Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na buhay.
Sa araling ito, inaasahang matutunan ang mga sumusunod na aralin:
INTRODUKSYON 1. Mailapat ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang
estudyante at kasapi ng pamilya at lipunan.
2. Mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pang araw araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at lipunan; at
3. Makapagsaliksik ng mga modernong
ekonomista at masuri ang kanilang ambag sa
pagpapabuti ng kabuhayan sa buong mundo
(pagpapayaman).
2. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
ARALIN 1: ANG EKONOMIKS AT IBA PANG
AGHAM PANLIPUNAN
1. Maipaliwanag ang ekonomiks bilang
agham-panlipunan.
2. Maiuugnay ang ekonomiks sa ibat-ibang
agham-panlipunan
3. Makapamahagi ng sariling karanasan
tungkol sa pagiging sistematiko at;
4. Mataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw araw na pamumuhay.
ARALIN 2: MAHAHALAGANG KONSEPTO SA
EKONOMIKS
1. Maipaliwanag ang mahahalagang konsepto
ng ekonomiks ,at;
2. Maisabuhay ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay ng
tao.
ARALIN 3: KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA
NG PILIPINAS SA IBAT-IBANG PANAHON
1. Maipaliwanag ang kalagayang pang-
ekonomiya ng Pilipinas sa ibat-ibang
panahon,at;
2. Maihahambing ang mga aral at diwa ng
ibat-ibang panahon ng Pilipinas patungo sa
aspekto ng ekonomiya ng bansa.
ARALIN 4: ANG MGA KAGAMITAN SA PAG-
AARAL NG EKONOMIKS
1. Masusuri ang kagamitan sa pag-aaral ng
ekonomiks;
2. maiuugnay ang matematika at estadistika
sa pag-aaral ng ekonomiks;
3. Maisabuhay ang pagiging malinaw, lohikal
at organisado sa pagpapahayag ng kaisipan,
at;
4. Maihanda ang kasanayan at kagalingan sa
tatahaking leksyon sa ekonomiks.
3. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
Panimulang Pagtataya
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang titik ng pinaka
tamang sagot sa patlang.
_______ 1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang
Griyego na
ang ibig sabihin ay
A. pamamahala ng negosyo.
B. pakikipagkalakalan.
C. pamamahala ng tahanan.
D. pagtitipid.
_______ 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat
A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang
matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas
ang antas ng kabuhayan.
B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating
daigdig.
C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating
kapwa tao.
_______ 3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga
sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat
ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto
upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
C. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi
gagamitin nang wasto ang mga ito.
D. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit
nang magwakas ang daigdig.
_______ 4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang
mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay
A. may hangganan din.
B. kaunti lamang kayat madaling tugunan.
C. parami nang parami at walang katapusan.
D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
_______ 5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat
A. lumiliit ang sukat ng daigdig.
B. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng
mga tao rito.
C. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga
tao rito.
D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming
lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan
at hilig.
_______ 6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting
pangangailangan at hilig-pantao.
4. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming
mga pangangailangan at hilig-pantao.
C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
______ 7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa
paglikha ng mga serbisyo at produktong makatutugon sa mga
pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito?
A. lupain, teknolohiya, at yamang-tao
B. puhunan, yamang-tao, at negosyo
C. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya
D. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao
______ 8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa:
A. Luho at Hilig
B. Likas at Di-Likas
C. Materyal at Di-materyal
D. Produkto at Serbisyo
______ 9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang
buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
A. luhong pangkatawan.
B. pangunahing pangangailangan.
C. hilig-pantao.
D. sekundaryong pangangailangan.
______ 10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng
ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan
upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga
paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at
paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon
sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at
paraang pinakamatipid.
______ 11. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yamn sa iba’t ibang gamit upang tugunan ang mga
pangangailangan ng mga tao sa lipunan.
A. produksyon
B. alokasyon
C. imbensyon
D. kalkulasyon
______ 12. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin
ang hindi kasama sa pangkat?
A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
______ 13. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay
tumutukoy sa pagpapalago ng produkto at kita ng pamilya o bahaykalakal.
Ano ang tawag sa sangay na ito?
A. makro-ekonomiks
5. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
B. maykro-enterprays
C. makro-enterprays
D. maykro-ekonomiks
_______ 14. Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng
mga impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita,
paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng
pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na
ito?
A. globalisasyon
B. makro-ekonomiks
C. maykro-ekonomiks
D. kapitalismo
_______ 15. Ang ekonomiks ay tungkol din sa pagsasagawa ng mga desisyon o pagpili
ng mga alternatibo. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na
halimbawa ng mabuting desisyon o alternatibo sa punto ng ekonomiks?
A. Si Paolo ay nasa unang taon sa kolehiyo. Nag-iisang anak siya.
Mahirap
lamang ang kanyang mga magulang ngunit nagsisikap silang palaguin
ang sariling negosyo upang mapag-aral sa pribadong paaralang
pangkolehiyo sa Maynila si Paolo. Nangungupahan si Paolo sa isang
boarding house. Malaki ang ipinadadalang panggastos o allowance ng
kanyang mga magulang dahil ayaw ng kanyang ina na siya ay kapusin
sa pagkain at mga kagamitan sa pag-aaral. Subalit sa tuwing
matatanggap ni Paolo ang kanyang allowance, ginagamit niya ang
malaking bahagi sa paninigarilyo at panonood ng sine gawa ng
masamang impluwensiya ng kanyang barkada. Natuto rin siyang
magsugal at di naglaon ay napabayaan ang pag-aaral. Inaasahan ng
kanyang mga magulang na siya ay magtatapos pagkaraan ng apat na
taon, subalit pangalawang taon pa lamang ay wala na siyang interes
sa pag-aaral at pinili niyang tumigil na lamang at makipagbarkada.
B. May mga bansa sa daigdig na ang prayoridad ay ang pagpaparami ng
armas pangdigma. Sa halip na magtayo ng mga paaralan na sapat sa
bilang ng mga kabataan, malaking porsiyento ng pambansang badyet
ang inilalaan sa pagbili ng armas at sandata upang palakasin ang
kanilang sandatahang lakas.
C. Malaki ang komisyon ni Mr. Vargas buhat sa ahensiyang pinapasukan
sa pagbebenta ng real estate sa Cavite. Ipangmamatrikula iyon ng
panganay niyang anak. Ihuhulog na sana ni Mr. Vargas sa bangko ang
kanyang komisyon ngunit nahilingan siya ng mga kaibigan sa
kumpanya na ipagdiwang ang kanyang naging tagumpay. Niyaya
siyang maglibre ng hapunan at inuman sa isang restawran at bar.
Hindi naman siya tumanggi at inisip na lamang na kaunti lamang ang
kanyang gagastusin. Subalit lumaki ang gastos. Pag-uwi niya sa
tahanan ay nanlumo siya sapagkat halos wala nang natira sa kinita
niyang komisyon at kinakailangan siyang mangutang na lamang
upang mabayaran ang matrikula ng kanyang anak.
D. Isang garment factory para sa mga sanggol ang pag-aari ng mga
magulang ni Alfred at pinamamahalaan ng kanyang ina. Nagsimula ito
sa maliit na puhunan at maliit na tubo, ngunit sinigurado ng kanyang
ina na mahusay ang mga tela at matibay ang pagkakayari ng mga
6. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
damit pambata. Nag-empleyo sila ng magagaling na mananahi at
inialok sa mga malalaking mall ang kanilang produkto. Dahil sa dekalidad
na produkto, dumami ang naghahanap ng kanilang produkto at
lumaki ang produksyon. Ipinagpatuloy ng kumpanya ang de-kalidad na
yari ng kanilang produkto at di naglaon ay lumakas ang kita at tubo
nito. Upang mapagaan at mapabilis ang paggawa, ang ilang
porsiyento ng tubo ay inilaan sa pagbili ng makabagong makina at
pagsasanay sa mga mananahi sa makabagong teknolohiya. Ngayon
ay isa nang malaking exporter ng mga damit pambata ang kaniyang
mga magulang.
_______ 16. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa
pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay
A. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga
desisyon.
B. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang
makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
C. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
D. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila
ang may hawak ng puhunan; walang saysay ang mga kahilingan ng
mga konsyumer.
_______ 17. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham
panlipunan?
A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming
mahihirap.
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang
bansa.
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at
makapaglingkod sa ibang bansa.
______ 18. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga
kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng
pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa
hinaharap.
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
_______ 19. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa
mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang
katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang mahihirap,
nakaririwasa, at mayayaman.
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito
ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay
mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na
masira ang mga yamang likas sa daigdig.
_____ 20. May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng
7. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
istatistiks, ekwasyon at pormula sa matematiks, logic o mapanuring pagiisip,
at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat ng mga dahilang
nakatala sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan
kung bakit may mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks?
A. Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga
kongklusyon hinggil sa mga suliraning pang-ekonomiya at
pangkaunlaran.
B. Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon.
C. Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya
nakatutulong sa mag-aaral sa pag-unawa ng mga ito.
D. Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
datos kayat nagiging kawili-wili ang pagsusuri ng mga ito.
Binabati kita at natapos mo ang panimulang pagsusulit. Itsek mo ang iyong mga sagot sa
Gabay sa Pagwawasto na matatagpuan sa likod ng modyul. Kung hindi mo nasagutang lahat ang
mga aytem, huwag mangamba. Pag-aaralan mong mabuti ang mga paksang hindi malinaw sa iyo
sa mga aralin sa modyul.
Pagkatapos ng introduksyon, Inaasahan na masagutan ang mga katanungan:
1. Ano ang ekonomiks?
2. Paano nagsimula ang pag-aaral ng ekonomiks? Ipaliwanag.
3. Sinu-sino ang mga ekonomistang nagbigay ng ambag sa pag-aaral ng ekonomiks? Paano
nakatulong ang mga ideya at kaisipan nila sa pag-aaral ng ekonomiks?
4. Bilang mag-aaral at ordinarniyong mamamayan ng isang lipunan, ano ang kahalagahan ng
ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na buhay? Ipaliwanag.
PANIMULA
Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa pinakakumplikado.
Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang pamimilian. Bata man o
may edad, basta’t may pangangailangan at kagustuhan na kailangang mapunan, ay masasabing
maiuugnay ang kanyang sarili sa ekonomiks. Kumakain at umiinom ang tao araw-araw, ang kanin
na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibebenta sa pamilihan
at binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda, dinadala sa mga
pamilihan at binibili ng mga tao. Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusang nag-
uugnay sa bawat isa. Halos lahat ng produkto at serbisyo na dumarating sa mga tahanan ay tila
isang palaisipan kung saan nagmula at kung paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito.
Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar kung saan nagmula ang produkto at
serbisyong kinokunsumo mo. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang ekonomiks, at ano ang
kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na
ikaw ay makapaglalapat ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang
isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Gayun din, ay iyong mataya ang kahalagahan ng
ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tala-Ekonomiks
Agham Panlipunan – Maka-agham na pag-aaral na may kaugnayan sa tao at sa kaniyang
ginagalawang lipunan.
8. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
Burges – Gitnang uri sa lipunan; tao na ang likas, o gawi, bihis ay nagpapakilalang sya ay
galing sa nakatataas na uring panlipunan.
Ekonomiks – pag-aaral ng agham panlipunan
Kakapusan - isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hangganang
pangangailangan sa bansa o mundong mayroong limitadong likas na yaman. Sinasabi nito
na ang lipunan ay mayroong kapos na mapanlikhang kayamanan o kagamitan upang
matupad ang mga pangangailan ng mamamayan. Bilang resulta, hindi rin maaaring
matupad ang lahat ng hangarin ng lipunan sa magpasabay na panahon.
Merkantilismo - Ito ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga
patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang
kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak
dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng
isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-
ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman sa pamamagitan ng pagpigil sa
pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th century sa Western
Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal na
magdadala ng ginto.
Opportunity benefit – halaga ng bagay na nakamit batay sa ginawang pagpili.
Opportunity cost – halaga ng bagay na nawala batay sa ginawang pagpili.
Physiocracy – Mula sa salitang griyego na physis na ang ibig sabihin ay ‘kalikasan’ at kratia
na ‘kapangyarihan’ ; tumutukoy sa kapangyarihan ng kalikasan o rule of nature; itinuturing
na isang nagungunang kaisipang pang-ekonomiya na nagsusulong sa agrikultura bilang
mahalagang yamanng bansa.
Physiocrat – tagasunod ng kaisipang phisiocracy.
Pinagkukunang-yaman – Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging
pinagkukunang-yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito
upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko.
Trade – pagpapalitan o pakikipagkalakalan upang magkaroon ng benepisyo ang nagbibigay
at tumatanggap.
ALAMIN
Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa mga pangunahing
konsepto ng ekonomiks at kung paano ito magagamit bilang batayan ng matalinong pagpapasya sa
pang-araw-araw na pamumuhay.
Gawain 1: OVER SLEPT
9. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
Suriin ang larawan at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Naranasan mo na ba ang sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng sitwasyon?
Ipaliwanag.
3. Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong
pumili ? Ipaliwanag.
Gawain 2: THINK, PAIR, AND SHARE
Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa
Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng
iyong naging pasya.
OPTION A OPTION B DESISYON DAHILAN
Pagpapatuloy ng
pagaaral sa kolehiyo
Pagtatrabaho
pagkatapos ng high
school.
2. Paglalakad papunta
sa paaralan.
Pagsakay ng jeep o
tricycle papunta sa
paaralan.
3. Paglalaro sa parke. Pagpasok sa klase.
4. Pananaliksik sa
aklatan
Pamamasyal sa parke.
5.
Pakikipagkwentuhan
sa kapitbahay.
Pamamasyal sa parke.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong
pasya?
PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay
iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang
maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan
mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Mula sa mga inihandang
gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks sa pangaraw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng
pamilya at lipunan. Halina’t umpisahan mo na.
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan
ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos na
10. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Viloria, 2000). Ang ekonomiya at sambahayan
ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang
ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga
gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na
nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya. Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay
gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung
ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang
gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan.
May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng
pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman. Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil
may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at
kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon rin ang dami ng maaaring malikha. Sa
gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay pang-arawaraw na suliraning
kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal kagaya mo.
Ang Simula ng Ekonomiks
Paano nagsimula ang pag-aaral ng ekonomiks bilang isang hiwalay na disiplina ng agham
panlipunan?
Kasabay ng pagsulong at pag-usbong ng mga tao mula sa sinaunang kabihasnan, nagsimula ang
pagsusuri nila kung paano matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga pamayanan o
lungsod estado na kanilang kinabibilangan. Sa pagsusuri ng tao upang mapaunlad ang
kabuhayan, umusbong ang sistemang pang-ekonomiya. Ang merkantilismo, na pamamaraan ng
pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa larangang pangkabuhayan sa lupainh kanyang
sakop nang sa gayon ang perang malilikom rito ay iikot lamang sa kanilang bansa. Dami ng ginto
at pilak ang batayan ng sistemang ito sa pag-unlad.
Sa pagpapalakas ng mga bansa sa Europe tulad ng Spain, Portugal, France, Holland,at Iltaly ay
nakaligtaan nila ang kabuhayang panlipunan. Matapos masaid ang ekonomiya mula sa mga
digmaang naganap, ang bansang Britain naman ay nagpaunlad ng kanilang kabuhayan at
ekonomiya na nagtaguyod ng tinatawag na rebolusyong industriyal. Sa pangyayaring ito umiral ang
KAKAPUSAN
Ano ang
gagawin?
Paano
gagawin?
Para kanino at
gaano
karami?
11. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
kapitalismo ng mga burges. Sa panahong ito nabago ang pananaw ng mga tao at nagkaroon ng
pagbebenta ng mga alipin. May mga tumuligsa at isa na rito ang kilalang ekonomista na si Karl
Marx kasama ang kanyang akdang Das Kapital na naglalaman ng pagtuligsa sa kapitalismo.
Ang physiocrat na tulad ni Francois Quesnay na nagsulong kaisipang “ang yaman ng bansa ay
wala sa material, kundi sa pagpapabuti ng lupain nito”. Para sa kanya ang pagpapaunlad ng
agrikultura ang syang magpapaunlad dinsa ekonomiya ng bansa. Hangad ng mga physiocrat na
magkaroon ng malayang kalakalan sa panig ng pangkaraniwang mamamayan.
Itinaguyod naman ni Adam Smith, isang ekonomistang may kaisipang “hayaang likas na dumaloy
ang ekonomiya ng bansa”. Isinulat nya ang kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and the
Causes of the Wealth of Nations na tumutuligsa rin sa merkantilismo. Batay sa kanyang konsepto
na laissez fair o hayaang mag-isa ay hindi dapat makielam ang pamahalaan sa gawaing
pangkabuhayan ng mamamayan. Dahil rito sya ay tinaguriang “Ama ng Makabagong Ekonomiks”.
Ang mga sumusunod ay ilan sa iba pang ekonomista/pilosopo nagsagawa ng pag-aaral ukol sa
pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa. Tinagurian itong klasikong panahon.
1. Thomas Robert Malthus – Para sa kanya, ang populasyon ang syang may malaking epekto sa
ekonomiya ng isang bansa. Habang lumalaki ang populasyon ay lumalaki rin ang pangangailangan
ng mga tao. Ang isang sanhi ng paghihirap ayon sa kanya ay ang pagkakaroon ng maraming anak
ng mga mahihirap at kawalan ng sapat na kaalaman. Inihain nya ang positive checks na
mababawasan ang populasyon dahil sa pagkakaroon ng sakit at kamatayan ng tao, at ang
preventive checks na naglalayong magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga tao kaugnay sa
pagkakaroon ng anak at pagpapaliban kung hindi pa kailangan bilang solusyon sa kahirapan sanhi
ng sobrang populasyon.
2. David Ricardo – Ang kanyang Principles of Political Economy and Taxation noong 1817 ay
nagsasabing mahalaga ang labor theory value, kung saan ang dapat na dami ng gagawing produkto
ay nabibilang din sa dami ng gagawa nito hindi sa laki o liit ng kita nito upang mas mapabilis ang
pagsasagawa ng mga produkto at serbisyo.
3. John Stuart Mill – Ayon sa kanya, mahalaga ang kaisipang moral ng isang tao sa pag-unlad nya
at ng lipunang ginagalawan nito. Ayon sa kanyang Principles of Political Economy noong 1848 ay
hayaan na ang ekonomiya ay dapat na umayon sa malayang pamilihan ngunit nararapat din itong
panghimasukan ng pamahalaan tulad ng pagpataw ng buwi sa mga luho na di makabubuti sa mga
tao. Ang akdang ito ay ginamit sa pag-aaral ng ekonomiks hanggang sa panahon ng pagtatapos ng
ika-19 na siglo.
4. John Meynard Keynes – Sa panahon ng Depresyon sa Amerika noong 1928-1938 ay kanyang
inilahad na dapat pagtuunan ng makroekonomiks ang kabuuang kalagayang pang-ekonomiya ng
bansa kasama ang pangangailangan ng mamamayan gaya ng trabaho at pagpigil sa pagtaas ng
presyo ng bilihin. Mula sa kanyang kaisipan na ito ay masasabi na sang-ayon sya na dapat
manghimasok ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa lalo na sa oras ng krisis at kagipitan.
Pagpapalalim
GAWAIN 4: Maalaala Mo Kaya
Ngayon ay dadako naman tayo sa pagpapalalim na yugto ng aralin. Mula sa mga ekonomistang
nabanggit, sino ang higit na nakapukaw ng iyong atensyon at bakit? Ano ang iyong papanigan,
merkantilismo o physiocracy? Ipaliwanag.
12. NATIONAL UNIVERSITY – NAZARETH SCHOOL
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
S.Y. 2017 – 2018
EKONOMIKS
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Kahalagahan ng Ekonomiks
PAGNILAYAN
GAWAIN 5: Repleksiyon
Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon tungkol sa
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral at bilang kasapi ng
pamilya at lipunan.
Dimensyon Napakahusay
4 puntos
Mahusay
3 puntos
Katamtaman
2 puntos
Nangangailangan
ng Pagpapabuti
1 punto
Buod ng aralin,
paksa o gawain
Maliwanag at
kumpleto ang
pagbuod ng
araling tinalakay
Maliwanag
subalit may
kulang sa detalye
sa paksa o
araling tinalakay
Hindi gaanong
maliwanag at
kulang sa ilang
detalye sa paksa
o araling
tinalakay
Hindi maliwanag
at marami ang
kulang sa mga
detalye sa paksa
o araling
tinalakay
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
Bb. Jhedidia Grace C. Suñga,LPT
Guro sa Araling Panlipunan 9