2. Isa rin sa binago ng mga
Espanyol ang payak na paraan
ng pamumuhay ng ating mga
ninuno. Marami silang pinairal
na mga patakaran na
sinasakupan ang
pangkabuhayan ng mga
Pilipino- isang hakbang na unti-
unting nagpapahirap sa mga
katutubo. Isa na rito ang
sistemang encomienda.
3. Narito ang iba pang
patakarang pangkabuhayan
na pinairal ng mga Espanyol
noon, at ang naging epekto ng
mga ito sa ating mga ninuno.
4. Ito ang kauna-unahang
patakarang pinairal ng mga
Espanyol pagkatapos nilang
maipahayag ang pagkakaangkin
sa lugar ng kanilang nasakop.
Sinasabi nilang ang buwis na ito
ay tungkulin bilang pagkilala sa
kapangyarihan ng hari ng
Espanya.
PAGBUBUWIS
5. May halagang walong reales
hanggang piso ang ibinabayad na
buwis.
Tinanggal ang pagbubuwis noong
taong 1884 at pinalitan ito ng
sistemang cedula. Ang lahat ng
mamamayang may labingwalong taon
pataas ay kinakailangang magbayad
ng cedula na nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang tao.
6. Ito ay sapilitang paggawa ng walang
kabayaran na ipinapalagay na
paghahandog sa hari ng Espanya at sa
simbahan. Sa sistemang ito, ang lahat ng
kalalakihan na may edad labing-anim
hanggang animnapu ay sapilitang
pinagtatrabaho ng mga mabibigat na
gawain para sa bayan. Ilan sa kanilang
ginagawa ay ang paggawa ng mga
kalsada, simbahan, tulay, mga paaralan, at
mga gusaling pampamahalaan.
POLO Y SERVICIOS
7. Sa katunayan, ang itinadhana
ng sistemang polo ng hari ay
bayaran ang mga manggagawa;
ang mga malulusog at malalakas
lamang ang magtrabaho, at hindi
sila malalayo sa kanilang pamilya.
Subalit, sa pagmamalabis ng mga
tagapangasiwa, wala sa mga
alituntuning ito ang nasunod,
kung kaya ito ay nagdulot ng
kahirapan sa mga mamamayan.
8. Noon pa man ay kilala na sa
pagtatanim ng tabako ang mga
lalawigan ng Ilocos, Nueva Ecija at
Marinduque. Ito ay sinamantala ng
mga Espanyol at kanilang pinairal
ang monopolyo ng tabako. Ayon sa
sistemang ito, ang bawat pamilya
ay dapat makapagtanim ng 40,000
halamang tabako sa isang taon.
MONOPOLYO NG TABAKO
9. Ang pamahalaan lamang ang may
karapatang bumili ng ani nito. Kapag
ang kanilang pananim ay nasalanta
ng bagyo o ano pa mang disgrasya,
kailangang magbayad ng multa ang
mga mgasasaka. Ang
pinakapagmamalabis na ginawa ng
mga tagapangasiwa ay binabawian ng
lupa ang magsasakang hindi
nakakabayad ng multa. Nakarating
ang paang-aabusong ito sa kaalaman
ng hari at ipinag-utos na itigil ang
monopolyo.
10. May dalawa at kalahating siglo ring
nagkaroon ng eksklusibong ugnayang
pangkomersyo ang Pilipinas at
Mexico. Ito ang tinatawag na galleon
trade. Ang galleon trade ay
ipinangalan sa isang barkong
naglalayag isang beses sa isang taon
mula Maynila hanggang Acapulco sa
Mexico at pabalik.
KALAKALANG GALYON
11. Ang galyong mula sa Maynila ay
may kargang mga produkto tulad ng
mga Chinese silk, mga porselana,
telang yaring Pilipino, tabako at mga
inukit na kahoy. Pagbalik naman nito
mula Acapulco ay dalang mga
salaping pilak, alak, lana, sardinas,
mga opisyal na papeles, at mga taong
hahawak sa puwesto sa pamahalaan.
Ang galyon din ang nagdadala ng
taunang subsidy o pinansyal na tulong
mula sa Viceroy ng Mexico.
12. Naging malaki ang pakinabang sa
galleon trade ng mga mangangalakal
na Espanyol at ng mga opisyal na
namamahala rito. Natigil ang
kalakalang galyon noong 1815 nang
maghimagsik ang Mexico laban sa
Espanya. Nang lumaya ang Mexico sa
kamay ng Espanya noong 1821 ay
nagmula na sa Madrid ang
pamamahala sa Pilipinas.
13. Naging mabuting Gobernador-Heneral si
Jose Basco y Vargas. Nang maihalal siya ng
hari ay marami siya pinairal na pagbabago sa
ekonomiya sa Pilipinas. Unang-una ay itinatag
niya ang Sociedad Economico delos Amigos
del Pais (Economic Society of Friends of the
Country). Ito ay binubuo ng mga
mangangalakal na Espanyol na makakatulong
sa proyektong ito. Ito ang naging simula ng
isang sistematikong pangangasiwa ng bansa
at lubusang nalinang at napaghusay ang
agrikultura at industriya ng Pilipinas para
tugunan ang pangangailangan ng Espanya.
GOBERNADOR-HENERAL BASCO
14. MGA BAGONG SALITA:
1. Cedula – dokumentong nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang tao
2. Polo y servicios - sapilitang paggawa na
ipinapahayag na
paghahandog ng serbisyo
sa hari ng Espanya
3. Galleon – sasakyang dagat kung saan
isinasakay ang mga kalakal
galing ng Pilipinas at Mexico.
15. Ipaliwanag ang mga sumusunod:
1. Pagbubuwis
2. Cedula
3. Polo y Servicios
4. Monopolyo ng Tabako
5. Kalakalang Galyon