2. Mateo 7:13-14
13 "Pumasok kayo sa makipot na
pintuan. Sapagkat maluwang ang
pintuan at malapad ang daang
papunta sa kapahamakan, at ito ang
dinaraanan ng marami.
14 Ngunit makipot ang pintuan at
makitid ang daang papunta sa buhay,
at kakaunti ang nagdaraan doon."
3. Mateo 7:15-20
15 "Mag-ingat kayo sa mga hindi tunay
na propeta. Lumalapit sila sa inyo na
parang tupa, ngunit ang totoo'y
mababangis na asong-gubat.
16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga
gawa. Mapipitas ba ang ubas sa puno
ng dawag, o ang igos sa matitinik na
halaman?
4. 17 Mabuti ang bunga ng mabuting
puno, subalit masama ang bunga ng
masamang puno.
18 Hindi maaaring mamunga ng
masama ang mabuting puno at hindi
maaaring mamunga ng mabuti ang
masamang puno.
5. 19 Ang bawat punong hindi mabuti ang
bunga ay puputulin at itatapon sa
apoy.
20 Kaya't makikilala ninyo ang mga
hindi tunay na propeta ayon sa
kanilang mga gawa."
6. Taga-Galacia 5:22-23
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay
pag-ibig, kagalakan, kapayapaan,
katiyagaan, kabaitan, kabutihan,
katapatan,
23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili.
Walang batas laban sa mga ito.
7. Taga-Galacia 5:19-21
19 Hindi maikakaila ang mga hilig ng
laman: pakikiapid, kahalayan at
kalaswaan;
20 pagsamba sa diyus-diyosan,
pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa,
pag-aaway-away, pagseselos,
pagkakagalit at kasakiman,
pagkakampi-kampi at pagkakabaha-
bahagi,
8. 21 pagkainggit, paglalasing, kalayawan,
at iba pang katulad nito. Muli ko
kayong binabalaan: ang gumagawa
ng mga ito ay hindi magkakaroon ng
bahagi sa kaharian ng Diyos.
9. Mateo 7:24-27
24 "Kaya't ang bawat nakikinig at
nagsasagawa ng mga salita kong ito
ay maitutulad sa isang taong matalino
na nagtayo ng kanyang bahay na ang
pundasyon ay bato.
25 Umulan nang malakas, bumaha, at
binayo ng malakas na hangin ang
bahay na iyon, ngunit hindi nagiba
sapagkat nakatayo iyon sa bato.
10. 26 Ang bawat nakikinig ng aking salita
ngunit hindi naman nagsasagawa ng
mga aral na ito ay maitutulad naman
sa isang taong hangal na nagtayo ng
kanyang bahay sa may buhanginan.
27 Umulan nang malakas, bumaha at
binayo ng malakas na hangin ang
bahay. Ito ay bumagsak at lubusang
nawasak."
11. Mateo 7:21-23
21 "Hindi lahat ng tumatawag sa akin,
'Panginoon, Panginoon,' ay papasok
sa kaharian ng langit, kundi ang mga
tao lamang na sumusunod sa
kalooban ng aking Ama na nasa
langit.
12. 22 Sa Araw ng Paghuhukom marami
ang magsasabi sa akin, 'Panginoon,
hindi po ba kami ay nagpahayag ng
mensahe mula sa Diyos, nagpalayas
ng mga demonyo at gumawa ng mga
himala sa iyong pangalan?'
13. 23 Ngunit sasabihin ko sa kanila, 'Hindi
ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa
akin, kayong mga gumagawa ng
kasamaan.'"