Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

PANG-URI (all about pang-uri)

125,401 views

Published on

Pang-uri

Published in: Education
  • Login to see the comments

PANG-URI (all about pang-uri)

  1. 1. Ano ang Pang-uri? • Ang pang-uri mga salitang nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari. • Ito ay ginagamit na panuring sa pangngalan at panghalip, at ginagamit din bilang pangngalan.
  2. 2. Gamit ng Pang-uri 1) Panuring ng Pangngalan 2) Panuring sa Panghalip 3) Ginagamit bilang Pangngalan
  3. 3. Panuring ng Pangngalan Halimbawa: • Mararangal na tao ang pinagpapala. • Kahanga-hanga si Helen sa kanyang likhang kamay.
  4. 4. Panuring sa Panghalip • Sila ay matatapang at makikisig na mandirigma. • Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
  5. 5. Pang-uri bilang Pangngalan • Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. • Ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw.
  6. 6. Panlaping Makauri Paglalapi sa salitang ugat upang makabuo ng panibagong salita o panghalip.
  7. 7. 1.ma- Unlaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat. Karaniwang marami ang isinasaad ng salitang-ugat. mapera matao mabato 2. mapag- Unlaping nagsasaad ng ugali. mapagbiro mapagtawa mapaglakad
  8. 8. 1. an~ –han • Hulaping nagsasaad ng pagkakaroon ng isinasaad ng salitang-ugat nang higit sa karaniwang dami, laki, tindi, tingkad, atbp. malakihan pangahan duguan 2. ma-… -in/-hin Nagsasaad ng pagtataglay, sa mataas na antas, ng isinasaad ng salitang-ugat. maramdamin maawain mairugin
  9. 9. Kayarian ng Pang-uri Gaya ng pangngalan, ang pang-uri ay may paraan upang mabuo.
  10. 10. Mga kayarian ng Pang-uri • Payak • Maylapi • Inuulit • ambalan
  11. 11. 1. Payak - ito’y binubuo ng mga salitang- ugat lamang halimbawa: berde, luntian, asim, galit 2. Maylapi - ito’y mga salitang-ugat na kinakabitan ng ma panlaping ka, ma- in, ma-hin, mala, kasing, kasim, atbp
  12. 12. Halimbawa: malasutla, mapusok, kaibigan, kasimputi 3. Inuulit - ito’y binubuo sa pamamagitan ng pag- uulit ng buong salita o bahagi ng salita Halimbawa: pilang-pula, bungang-buga, oras- oras, galit nagalit
  13. 13. 4. Tambalan - ito’y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal Halimbawa: ngiting-aso, pugad-birhen, Kapit-tuko, hilong-talilonga
  14. 14. Uri ng Pang-uri 1. Palarawan -naglalarawan at nagsasaad ng hugis, kulay, anyo at katangian. Halimbawa: • Malasutla ang kanyang kutis. • Malaki ang eskwelahan na kanyang pinapasukan.
  15. 15. 2. Pamilang -nagsasaad ng tiyak o di-tiyak na bilang. Halimbawa: • Maraming tao ang nagtitipon sa plaza ngayon. • Kakarampot na asukal lamang ang kanyang binili. a) Patakaran -mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang. Halimbawa: labing-apat walo tatlo
  16. 16. b) Panunuran -nagsasaad ng ayos ng pagkakasunud- sunod ng mga bagay o bilang. Halimbawa: ikasampu pang-anim ika-walo c) Pamahagi -ginagamit sa pagbabahagi o pagbubuklod ng ilang hati sa kabuuan. Halimbawa: sangkatlo kalahati sangkapat
  17. 17. d) Palansak -nangangahulugang minsanan, maramihan, at langkay-langkay ang bilang. Halimbawa: libu-libo miya-milya e) Patakda -nagsasaad ng tiyak na bilang, hindi mababawasan, o madaragdagan man, eksakto ang bilang nito. Halimbawa: pipito aapat tatatlo
  18. 18. Kailanan ng Pang-uri I. Isahan- tumutukoy sa iisang inilalarawan. • Maputi ang kulay ng balat ni Sarah. II. Dalawahan- higit sa iisa ang inilalarawan. • Parehong maputi ang kulay ng balat nina Sarah at Leila. III. Maramihan- higit pa sa dalawa ang inilalarawan. • Mapuputi ang kulay ng balat ng pamilya ni Sarah.
  19. 19. Hambingan ng Pang-uri Hambingan – ang tawag sa pang-uri kung naipakikita ang pagkukumpara. Maaaring itong lantay, pahambing, o pasukdol.
  20. 20. Mga hambingan ng Pang-uri • Lantayan • Pahambing • Pasukdol
  21. 21. 1. Lantay - walang paghahambing ang naipapakita o walang pagkukumpara, binubuo lamang ito ng salitang ugat Halimbawa: Dalisay ang pagmamahal ng binatang iyan sa kanya. Malambing makipagkwentuhan ang dalawang iyo.
  22. 22. 2. Pahambing - paghahambing ito ng dalawang bagay, tao, pook o pangyayari Halimbawa: Higit na masarap magluto ang aking ina kaysa kay Aling Letty. Mas matalino si Jelai kay Judith
  23. 23. 3. PASUKDOL - nangangahulugang pamumukod ng katangian sa iba o sa lahat. Nilalapian ng “pinaka”, “napaka”, “ubod”, atbp upang matukoy ang pamumukod ng katangian sa iba. halimbawa: Ubod ng tamis ang binili niyang pakwan. Napakagandang tanawin ang inilarawan ng mga turista.

×