2. Kaalamang nasipat mula sa
ginawang pagsusuri nina Yu at
Tolentino sa Mga Panitikan ng
Pilipinas Tungo sa Panibagong
Pagbabalangkas ng Pambansang
Panitikan.
3. 2 bahagi ang presentasyon
Pagdalumat sa Pambansang
Panitikan Batay sa Ilang Piling
Materyal na Panturo.
Pag-uugnay ng mga
Pamantayang Pangkailangan
at Pamantayang Politikal sa
Pagdalumat ng Pambansang
Panitikan.
5. Mga sanggunian - ay itinuturing
na mahalaga at epektibong
tagapagpalaganap ng pananaw
sa panitikan sa pagtuturo ng
sariling panitikan dahil ito ang
ginagamit ng mga guro sa
kanilang pagtuturo
6. Mga Guro - malaki ang papel na
ginagampanan ng mga guro dahil sa sila
ang tagapagpalaganap ng anumang
framework sa panitikan na ginagamit
sa mga teksto, ngunit ang gawaing ito,
ang isang guro ay maaring taimtim na
sumusunod lamang sa inihain ng teksto
o kaya naman ay maaring naging kritikal
dito.
7. Nilimitahan ang pagtunghay sa ilang
sanggunian na ginagamit sa ilang
unibersidad lamang tulad ng:
Polytechnic University of the
Philippines (Pampubliko)
De La Salle University(Pribado)
Ateneo de Manila University(Pribado)
Unibersidad ng Pilipinas(Pampubliko )
8. Ang mga aklat na sinuri ay ang mga
sumusunod :
Isagani Cruz at Soledad
Reyes. Ang Ating Panitikan
(Lungsod Quezon: JMC
Press, Inc, 1984).
9. Ang mga aklat na sinuri ay ang mga
sumusunod :
Veneranda Lachica.
Literaturang Filipino
(Lungsod ng Pasig:
Academic Publishing
Corporation, 1996).
10. Ang mga aklat na sinuri ay ang mga
sumusunod :
Bienvenido Lumbera at Cynthia
Nograles Lumbera. Philippine
Literature: A History and Anthology
Nirebisang Edisyon. (Lungsod
Pasig: Anvil Publishing, Inc., 1997).
11. Ang mga aklat na sinuri ay ang mga
sumusunod :
Rosario Mag-atas, et al.
Panitikang Kayumanggi,
(Pangkolehiyo)
(Valenzuela, Metro
Manila: National
Bookstore, Inc. 1994).
12. Nasaan ang Panitikang Pambansa sa mga
naturang mga sanggunian???
Iba-iba ang ginamit na termino sa
mga aklat upang tukuyin ang kabuun
ng panitikang nirerepresenta ng
mga akdang piniling isama sa kani-
kanilang koleksyon
Hindi binanggit ang katawagan o
terminong PANITIKANG PAMBANSA
13. Ginamit , sa halip, ang
katawagang:
Panitikan ng Pilipinas
Sariling Panitikan
Panitikang Kayumanggi
Literaturang Filipino
14. Walang nagpalawig ng
kung anong ibig sabihin
ng mga katawagang
ginamit
Ipinapalagay na may
pagkakaitindihan na ang
mga gagamit ng libro at
ang mga naghanda ng
mga ito.
15. Sinabi ng librong
Panitikang Kayumanggi na
“..sinasagisag ng
panitikang Kayumanggi ang
Lahing Pilipino “ ngunit
walang ibinibigay na
paliwanang ukol dito at
maging sa konsepto ng
“lahi”
16. Sa makatuwid ang mga pakahulugan sa
mga terminong ginamit ng mga manunulat
ay implicit o hindi hayag kundi pahiwatig
lamang na sadyang malilimi lamang sa
pamamagitan ng pagtingin sa kabuuan ng
mga piniling akdang isinama sa koleksyon
at hanguin batay dito ang inihihimatong na
kahulugan ng mga salitang ginamit na
pantawag sa kategorya ng panitikang
nirerepresenta sa kani-kanilang aklat.
17. Isa sa mahalagang layunin ng
mga aklat ay ang pagbibigay ng
paliwanag kung bakit ang
kabuuan ng mga akdang pinili
ay ang saklaw ng kani-kanilang
antolohiya?
18. Katwirang ibinigay ng mga manunulat sa
kani-kanilang mga libro:
Veneranda Lachica>>>
Literaturang Filipino
19. Katwirang ibinigay ng mga manunulat sa
kani-kanilang mga libro:
Iminamatuwid niyang ang kalipunan ng
mga akdang tinipon ay:
patunay na “may sarili, buhay at
umuunlad na panitikan ang Pilipinas;
Na sumasalamin sa mayamang kultura at
tradisyon;
Na batayan ng kamalayan;
Na sandigan ng lakas tungo sa
pagyabong ng kaisipan at magandang
bukas
20. Sinuri din ang paraan ng
Pagbabalangkas ng mga aklat:
Rosario Mag-atas, et al.
Panitikang Kayumanggi,
(Pangkolehiyo)
21. Sinasabing binalangkas ni Mag-atas
ang kanyang obra batay sa mithiing
“tuntunin ang pinagmulan ng
sariling panitikan at kung paano
ito umunlad bunga ng iba’t ibang
impluwensyang kinapagitnaan
nito
22. Lumabas na sa aklat ni Lachica
at Mag-atas , na ang asersyon ng
pangkasaysayang “pag-unlad “
ng panitikang Filipino, na siyang
nais maipatampok, ay hindi
naman naililinaw
23. Sa isang pagtingin,nasabi ng mga kritiko
(Yu at Tolentino) na ang mga naturang mga
libro ay kasama sa librong pinuna ni
Lumbera at Lumbera na ang pamimili ng
mga editor ng mga “samu’t saring
literatura sa Tagalog, Kastila, Ingles at
kung minsan mula sa bernakular” ay
nakasalalay lamang sa mga batayang
personal
24. Ang dalawang pangyayari na nabanggit
sa itaas ang nagbunsod ng mga
antolohiya nina Cruz at Reyes upang
itaguyod ang:
Pag-uusap ng mga manunuri’t
guro hinggil sa papel ng
mambabasa,
sa masalimuot na relasyon ng
panitikan at lipunan, at sa
kapangyarihan ng kritisismo.
25. Ang dalawang pangyayari na nabanggit
sa itaas ang nagbunsod ng mga
antolohiya nina Cruz at Reyes upang
itaguyod ang:
Bagong Kurikulum ng Association
of the Philippine Colleges at Associated
Schools (APCAS) sa pagtuturo ng
panitikan ng nagpapakita na rin ng
pagpapahalaga sa ibang wikang
katutubo.
26. Hinggil sa Usapin ng Kasaysayan ng Panitikan
May tatlong pagsipat sa
kasaysayan ng panitikan
na ginagamit ng mga
editor/awtor
27. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na
ginagamit ng mga editor/awtor:
1. Kasaysayang nakasandig sa
kronolohiya ng kasayasayan ng bansa
na ang ginagamit na muhon sa
peryodisayon ay paghalili ng mga uri ng
kolonyalismo, halimbawa’y panitikang
sinauna, panitikan sa panahon ng
Kastila, panitkan sa panahon ng
Amerikano, atbp. (dayakronik)
28. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na
ginagamit ng mga editor/awtor:
2. Kasaysayan ng tradisyon ng
palipat-dila at ng tradisyon ng
panitikang nakasulat sa
sinkronikong sipat na nakasandig
naman sa diakronikong sipat sa
kasaysayan ng bansa. (sinkroniko)
29. Pagsipat sa kasaysayan ng panitikan na
ginagamit ng mga editor/awtor:
3. Kasayasayan ng panitikan na
sumusunod sa isang political na
framework sa kasaysayan ng
bansa sa halip na maging
“kronolohiya lamang ng mga obra
maestra.”
30. Sa p ag g amit ng political na
framework na it o sa kasaysayan na
nakatuon sa istory a ng pagbuo ng
nasyon ay im inamatuwid na
mata tagpuan ang susing
magbubuka s sa kaalaman sa
panitikan ng Filipinas.
31. Ipinapalagay nina Lumbera at
Lumbera na nagbibigay ng mas
sestimatikong direksyon ang
kanilang pag-aaral ng panitikan, sa
pamamagitan ng pahaharap ng
isang interpretasyon ng mga
pangyayaring pangkasaysayan sa
Filipinas.
32. Isang malaking usapin ang
binubuksan ng mga sipat na ito sa
kasaysayan sa pagtingin naman
sa kasaysayan ng panitikan.
Malinaw sa mga ito na walang
iisang padron ng peryodisasyon.
33. May 3 bahagi ang
kasaysayang ito:
Panahon bago ang
kolonyalismo (panahon ng mga
ninuno; simula; panahon bago
dumating ang mga Kastila;
Panahon ng pre-kolonyal)
34. May 3 bahagi ang
kasaysayang ito:
Panahon ng kolonyalismo
35. May 3 bahagi ang
kasaysayang ito:
Panahon Pagkatapos ng
Kolonyalismo (ngunit hindi
ibig tukuyin ng postkolonyal)
36. Marahil problema para sa ilang
awtor / editor ang pagsipat sa
kasaysayan sa panahon
“matapos” ang pananakop
ng Amerikano sa
Filipinas kung kaya’t iba-iba
ang pagtukoy dito.
37. Kaparis ng :
Ating panahon
Kasalukuyan
Kontyemporaneo
38. Sa aklat ni Lumbera at Lumbera, hinati ang
panahong “kasalukuyan” sa :
Panitikan ng Panahon ng Republika
(1946-1985)
Panitikan ng Panahong makalipas ang
Rebolusyon ng EDSA (1985-1995)
39. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatig
lamang na:
Dapat mag-usap ang mga sumusulat ng
mga libro sa gagamiting batayan ng
peryodisasyon sa kasaysayang
pampanitikan ng Filipinas
40. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatig
lamang na:
Dapat malutas ang gusot na
ito para naman sa kapakanan
ng mga mag-aaral ng
panitikan
41. Ang mga nabanggit na kalagayan ay nagpapahiwatig
lamang na:
Dapat ang usaping ito ay magdudulot ng
makabuluhang perspektibang
pangkasaysayang dapat dinadala ng mga
guro tungo sa ganap na pagpapalaya ng
kamalayan ng mga mag-aaral sa mga labi
at bagong anyo ng pananakop
42. Sa pangkalahatan, nabanggit ng mga
kritiko (Yu at Tolentino), na kapansin-
pansin ang kalabuan sa ginagamit na
mga perspektibang pangkasaysayan
ng pambansang panitikan ng Filipinas.
43. Sa madaling sabi, ang lunggating ang
pambansang panitikan ng Filipinas ay
maitampok bilang mahalagang bahagi ng
kasaysayan ng bansa ay hindi
naisakatuparan dahil sa kakulangan
naman ng pangkasaysayang perspektiba
ng mga naisulat na aklat pampanitikan
44. Anyo a t K a s a r ia n s a
•U s a p in n g W ik a ,
P a n it ik a n
Wikang ginagamit: nanatili
na representasyon mula
lamang sa mga akdang
Tagalog, Kastila at Ingles
45. a
•U s a p in n g W ik a s
P a n it ik a n
Iwinasto ito sa ilang aklat nina :
Cruz at Reyes- sa pamamagitan ng malay na
pagsasama ng mga akda sa ibang katutubong
wika ay bunsod ng posisyong nagpapatuloy
ang tradisyong palipat-dila sa panitikan
hanggang sa kasalukuyang panahon.
46. a
•U s a p in n g W ik a s
P a n it ik a n
Iwinasto ito sa ilang aklat nina :
Lumbera at Lumbera- kategorikal ang layuning
baguhin o iwaksi na ang tradisyunal na konsepto
ng Panitkan ng Filipinas bilang isang korpus
lamang ng mga akdang nakasulat sa tatlong
pangunahing wika ng Kastila, Ingles at Tagalog
47. a
•U s a p in n g A n y o s
P a n it ik a n
Wala namang matinding
pagtatalo ang mga
sinusuring libro pagdating
sa representasyon ng mga
awtor
48. •U s a p in n g A n y o s a
P a n it ik a n
Nagkakaisa ang mga ito sa
pagrerepresenta sa iba’t ibang
anyo ng panitikan: alamat, epiko,
kwentong bayan , salawikain,
bugtong, tulangbayan, awiting
bayan, tula, nobela, maikling
kwento , sanaysay at dula
49. n sa
•U s a p in n g k a s a r ia
P a n it ik a n
Pawang kanonisado na rin ang mga
akdang pinili na siyang dahilan marahil
sa hindi pagsama sa mga anyong
pampanitikang nililikha ng mga bagong
tunguhin sa pagkatha, kagaya ng
testimonya at iba pang anyong
idinudulog ng panitikan ng kilusang
kababaihan
50. n sa
•U s a p in n g k a s a r ia
P a n it ik a n
•Namumukod sa pagkamalay sa panitikan
ng kababaihan ang libro ng mga Lumbera
sa nirebisang edisyon . Tahasang sinabi na
siyang dahilan sa pagrebisa ng libro ang
“assertion of gender as major element of
contemporary critical discourse”.
51. Napansing ng mga kritiko
(Yu at Tolentino) na may
pangangailangan para sa
alternatibong pagdalumat
o paghalukay sa mga
pambansang panitikan na
nagsasangkot sa iba’t
ibang salik nito.
52. Ikalawang Bahagi
Pag-uugnay ng mga Pamantayang
Pangkailangan at Pamantayang
Politikal sa Pagdalumat ng
Pambansang Panitikan
53. Dapat masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan upang mababaybay ang pinagdaanang
kasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ng
pambansang panitikan:
1. Kailan ba isinilang ang
konsepto ng pambansang
panitikan?
54. Dapat masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan upang mababaybay ang pinagdaanang
kasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ng
pambansang panitikan:
2. Una bang lumitaw ang
konsepto ng pambansang
panitikan sa anyo ng “Folklore”
na makikita sa El Folklore
Filipino ni Isabelo de los Reyes?
55. Dapat masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan upang mababaybay ang pinagdaanang
kasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ng
pambansang panitikan:
3. Itinuring ba ni Pedro Paterno na
bahagi ng panitikan ng Filipinas
ang kaniyang mga tulang
Sampaguitas at ang nobelang
kostumbrista na Ninay (1896)?
56. Dapat masagot ang mga sumusunod na mga
katanungan upang mababaybay ang pinagdaanang
kasaysayan at pagpapakahulugan sa konsepto ng
pambansang panitikan:
4. Maituturing bang namayani ang
pagkabansa kay sa pagkalahi sa
mga diskusyon ni Rizal tulad ng
kaniyang “liham” kay Barrantes
hinggil sa dula at sining ng
Tagalog?
57. Ang sagot sa mga nasa unahan,
ay pare-parehong namayani ang
ang konsepto ng “raza” o race o
ang konsepto ng lahi kaysa
“nacion” o pagkabansa.
58. Kagaya sa isyu na patungkol
kay Lapulapu. Nang
nakipaglaban ba si Lapulapu,
iniisip niya ang buong bansa?
Hindi ba na sa panahong iyon
ay wala pang Pilipinas?
59. Malinaw na sa unang mga nagawang
pagtalakay hinggil sa panitikan ng Filipinas
ng mga kilalang manunulat sa Tagalog
noong unang dekada ng ika- 20 ng dantaon
ay mahigpit na iniuugnay ang konsepto ng
panitikan ng Filipinas sa konsepto ng lahing
kayumanggi sa mga kaugalian at kaisipang
“katutubo sa lahi” maliban pa sa wika.
60. Kasabay ding makikita ang pagtingin sa panitikan:
Bilang isang bagay na may
katangiang panlahat o unibersal;
Na dapat maging larawan ng
kamalayan ng mga mithiin ng
bayan.
61. Madalas mabanggit diumano nina Lope K.
Santos ang pangangailangang mabigyang
tinig ng tunay na panitikan ng bayan ang
“saloobin” na makapagmumulat sa lalong
nakararami. Hindi mapaghihiwalay sa
kanilang kamalayan ang pagkakabuo ng
pambansang panitikan sa pagtataguyod at
pagbubuo ng mismong “bansang”
kinapapalooban nito.
62. Pagkaraan naman ng humigit –kumulang
dalawang dekada ng kolonyalismong
Estados Unidos, nabiktima ang umuusbong
na pambansang panitikan ng mga
makabayang manunulat ng “canon-
building” ng koloyal na sistemang pang-
edukasyon sa Filipinas. Iniluklok sa
pinakamataas na pagpapahalaga ang mga
panitikang naisulat sa wikang Ingles.
63. Ayon sa konseptualisasyon ni Lumbera, sa
pamamagitan ng tradisyong pampanitikang
Anglo-Amerikano pumasok at lalong
lumaganap sa mga manunulat sa wikang
Ingles ang kaisipang “sining para lamang sa
sining” (art for the sake of art) na sa
pangkalahata’y kasalungat ng mga dating
pananaw ng mga Filipinong manunulat.
64. Nahihiwalay ang manunulat sa
kaniyang kinapapaloobang lipunan
at kasaysayan at nahuhumaling sa
pagtatakda ng mga hindi
nagmamaliw at hindi nagbabagong
mga batas pang-estetika.
65. Nagbunga ang pag-aatupag na ito sa
ilang Filipinong manunulat sa wikang
Ingles ng matinding alienation sa
kanyang mambabasa at mismong
kapaligiran kung kaya’t naging isang
tendensiya ang pagtungo at
paghahanap sa tinatawag na “native.”.
66. Hinahalughog nila ang
nawalang “kaluluwa ng
kanilang pagkakatutubo” na
itinuturing nilang batayan
ng kanilang pakikiisa muli
sa lahat ng mga
pamayanang pangkultura sa
buong kapuluan
67. Ganito marahil ang tinahak na landas
ng mga manunulat, katulad ni
Rolando Tinio na nagsimula sa wikang
Ingles ngunit nang lumao’y tinalikdan
ito upang itaguyod ang kanyang
ipinapalagay na “Kulturang Filipino”
sa panitikan.
68. Hanggang sa ngayo’y makikita
pa rin sa konsepto ni Cirilo
Bautista ng National Literature
ang ipinapalagay niyang “soul”
ng kabansahan na dapat taglayin
nito (na kaiba kay Tinio, ay
maaring sa anumang wika).
69. Sa kabila ng ganitong paglalakbay
tungo sa diumano’y “katutubo” na
hinahangad ng ilang manunulat na
maging batayan ng isang
pambansang panitikan, nagpatuloy at
lumago ang matatawag na “panitikang
makabayan”.
70. Naiiba na ang mga pangkasalukuyang
gamit nito sa dating mga koseptualisasyon
nina Lope K. Santos sapagkat, bagama’t
kasinghalaga pa rin dito ang usaping
pangwika (bilang usaping pragmatiko),
hindi na gaanong binibigyang- diin ang
mga usapin ng “lahi” at “pagkakatutubo”.
71. Mas mahalaga para sa ganitong
mga akda ang pagtataguyod sa
pamamagitan ng panitikan ng
kapakanan ng sambayang
itinuturing na binubusabos at
inaapi sa loob ng kaayusang
malakolonyal at malapiyudal.
72. Ano ba ang sistemang malafeudal?
Ang piyudalismo o peudalismo ay
isang sistema ng pamamalakad ng
lupain na kung saan ang lupang pag-
aari ng panginoon ng lupa o may-ari
ng lupa ay ipinasasaka sa mga
nasasakupang tauhan na may
katungkulang maglingkod at maging
matapat sa panginoong may-ari.
75. Noong panahon ng
piyudalismo, hindi sapat ang
seguridad ng isang simpleng
mamamayan. Tinatawag
na fief ang lupang isinuko
76. Nagkakaroon ng imahe o
pagbibigay-dangal - ang pagkilala ng
isang basalyo o tenanteng dapat
siyang maging matapat sa kanyang
panginoon sa pamamagitan ng isang
seremonya - bilang pag-iisa ng
panginoon at ng basalyo.
78. Ang kolonyalismo ay madalas na
naihahalintulad sa Imperyalismo
ngunit ang dalawa ay mayroong
pagkakaiba."Maaaring magsilbing
baseng pangkalakal o pangmilitar
ang kolonya
79. Isa sa mahahalagang gamit ng
kolonyalismo ay ang nakikita natin
sa Dota:Defence of the Ancients
na malaking tulong sa lahat ng
mga manlalaro. Mayroon din itong
gamit sa paglalakbay ng mga tao
sa ating bayan.
80. Isa sa mahahalagang gamit ng
kolonyalismo ay ang nakikita natin
sa Dota:Defence of the Ancients
na malaking tulong sa lahat ng
mga manlalaro. Mayroon din itong
gamit sa paglalakbay ng mga tao
sa ating bayan.
81. Sa kabila nito’y sinisikap din ng
ganitong tradisyon ang pagtataguyod
at pagpapaunlad ng mga aspetong
mapagpalaya ng kinagisnang mga
kultura ng sambayanan upang
maging buhay na mga sangkap ng
binubuong malayang pambansang
kultura.
82. Malinaw na may nilalamang
salik etnolohikal ang
konsepto ng pambansang
panitikan.
83. Mapapansing ang paggamit ng
panlaping pang/pam na ikinakabit sa
salitang ugat na “bansa”, na kapag
iniugnay sa mga bagay na tinutukoy
naman ng salitang ito (pambansa) ay
nangangahulugang bagay ng
pagkakakilanlan ng bansa /nasyon.
85. Sa katunaya’y masasabing ang isang
mahalagang sangkap ng ating
pagkaunawa sa konsepto ng
pambansang panitikan ang pagiging
tagapagtaglay nito ng itinuturing na
kulturang pambansa at iba’t ibang
kulturang sinasaklaw at nakapaloob sa
bansa.
86. Sa konsepto ng panitikang pambansa
ay malinaw na nakasangkot din ang
salik na political at hindi lamang
etnolohikal. Isa itong bagay na
nagsisilbing batayan ng pag-unawa ni
Lumbera sa konsepto ng pambansang
panitikan
87. Ayon kay Lumbera:
National Literature…is unmistakably
political in implication . The underlying
assumption is that the authors are
conscious components of the Filipino
nation and are willing , if not necessarily
active, participants in the realization of
the aspirations of the people who
constitute the nation..”
88. Sa ganitong tunguhin, ang paggamit
ng salitang pambansa ay
naghaharap din ng problema
sapagkat limitado lamang sa
pagtiyak sa pagkamamamayan kung
di man ng “pagkalahi” batay sa pag-
iisip ng ilan: Filipino at hindi
dayuhan, Filipino at hindi
kanluranin.
90. Nariyan ang isang mahalagang paksa
ng mga pagsusuri ng mananalaysay
na si Dr. Zeus Salazar na nagbigay
pansin sa malaking pagkakahating
cultural ng mga Filipino dulot ng
kasaysayan ng pananakop at ng pag-
iral ng dalawang uri ng kultura
91. Pagkakahating makauri ng lipunang
Pilipino:
ang kulturang nasyonal
(ng mga elit)
ang kalinangang bayan (mga
katutubo, at di-elit sa hanay ng mga
Filipino).
92. Ang uri ng pananaw na
makauri ang siyang
pinagbatayan ng pagtingin
at pag-unawa sa
kapaligirang panlipunan at
hindi maaring maihiwalay
ang panitikan dito.
94. Literal na binubuo ang bansa ng
mga rehiyon at ng iba’t ibang
grupo ng tao. Natatangi ang
mga rehiyon, dahil sa kaibahan
ng lokasyon. Higit pa rito, dahil
sa kaibahan sa wika at kultura.
99. PAMBANSA
Itoy may nilalamang bisyon,
paniniwala at pagkilos tungo
sa isang demokratikong
lipunan ang konsepto ng
pambansa.
100. Ang pambansa ay naging
PAMBANSA hindi dahil
kumakatawan ito sa bansa,
kundi dahil naglalayon ito sa
transpormasyon ng bansa tungo
sa isang ganap na
demokratikong kaayusan.
101. Ito ang hamon ng kasaysayang
nagpuwesto sa identidad ng
bansa sa ilalim ng mga sa
salitang “kolonyalismo” at
imperyalismo”.
102. Matatandaang ang kolonyalismo
ay ang tuwirang pananakop ng
isang bayan sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng
mangongolonya.
105. Samantala , ang
Imperyalismo, sistemang
pagpapalawak ng teritoryo ng
isang bansa upang maging
pandaigdigang kapangyarihan.
106. Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan
ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad
upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
paglaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
107. Ang Imperyalismo ay isang patakaran o paraan
ng pamamahala kung saan ang malalaki o
makapangyarihang mga bansa ang naghahangad
upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
paglaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampulitika sa ibabaw ng ibang mga bansa.
108. Ilang malalaki o malalakas
na mga bansa ang
kumukontrol sa ibang mga
rehiyon upang makalikha
ng isang mas malaking
imperyo.
112. Bagaman ang pejorative o
negatibong kahulugan ang
“bernakular”-sa mga diskiyonaryo’y
nangangahulugan itong “kaisipang
makaalipin”- maaari itong bigyan ng
bagong koseptwalisasyon at maging
makabuluhan sa mga puwersang
napapailalim
114. Maaring bigyan ng bagong
buhay ang konsepto ng
panitikang bernakular sa
pamamagitan ng elaborasyon
ng mga naturang potensyal nito
115. Ang bernakular lamang ang
kailangang magpaliwanang
at magbigay-kabuluhan sa
sarili nito.
116. Makikita ang kayabangan at
panghahamak sa iba ng
sentro sa pagsasawalang-
bahala nito sa sarili nitong
pinanggalingan.
117. Dahil ang sentro ay
nakalalamang sa lunan at
kultura, hindi nito
kailangang ipaliwanang
ang pinagmulan
at tutunguhin nito.
118. Tanging ang mga bernakular ang
may pasaning ito. Kapag itinanong
ang “tagasaan ka?”
ipinamumukha rin ang kaibahan
ng punto, ang mababang kultura,
at kakaibang pagkilos at pag-iisip.
119. Performative na aspekto
ng bernakular-ibig sabihin,
itinatanghal at isinasabuhay
nito sa harap ng pagkatuto
ng pambansa”.
120. Ang
Bernakular
dahil hindi itinuturo sa
kalakhan ay may mas
matibay na pundasyon sa
pagkatao ng isinilang sa loob
nito.
123. Dahil ang priyoridad ng edukasyon,
media at lipunang sibil ay ang
pagtataguyod ng isang “pambansang
kultura”, isinasantabi ang
performative na aspektio ng
bernakular sa paghulma ng isang
pangkalahatang nangingibabaw na
kultura.
124. Tulad ng anumang identidad-
paging lalaki o Filipino-
itinatanghal- sa pagkain,
pagbigkas, panitikan- hindi ito
matutunghayan
125. Kaya maraming maiiambag
sa paghulma ng pambansang
panitikan ang panggiit ng
mga panitikang bernakular
ng kanilang pook sa loob ng
bansa.
126. Tinitingnan din ang bernakular
na panitikan hindi lamang sa
aspekto ng kanilang relasyon sa
pambansa, kundi maging ang
relasyon nila sa isa’t isa.
127. Ang lohistikal na balakid dito
ay ang kakulangan ng mga
guro na maalam sa dalawang
bernakular at ng kritikal na
metodolohiya ng pag-aaral
dito
128. Gayumpaman, dapat nang
simulan ang :
pagpapayabong ng pag-aaral
sa bernakular,
paghahalaw ng mga
panabayang pagkilos,
129. sabay ang pag-adhika o
pagtalakay sa mga partikular
na isyung bumabagabag sa
rehiyon.
130. Kung hindi magkakaroon ng komparatibong
pag-aaral ng mga panitikang bernakular,
iisipin ng namamayaning kaayusan na ang
bawat reaksyon ng mga rehiyon ay
magkakahiwalay at di magkakaugnay, o
kaya namay sabay-sabay nagkakasipon ang
lahat kapag humatsing sa kamaynilaan.
131. Ang bernakular, batay sa
sistemang nangingibabaw sa
kanila, ay nangangailangan ng
pagmamarka na hindi lamang
nakabatay sa pagkakaiba, lalo
pa’t higit sa pagkakaisa.
132. Ang sitemang divide-and-
conquer o paggamit ng mga
hukbong galing sa ibang
rehiyon ay nagdulot lamang
ng hidwaan sa iba’t ibang
grupo ng mamamayan
133. Tunguhin ng pambansang
panitikan ang pagkilala sa iba’t
ibang batayang pagpapaubaya
o tolerance sa kaibahan ng iba
dahil ang pagpapalitaw ng
kaibahan ay maaring batayan
ng kaisihan
134. Lalong matindi ang diin sa
pagpapaubaya dahil sa
kasaysaya’y palagi na lamang
naisantabi ng sentro ang
rehiyon.
135. Ang sektoral na panitikan
ang ikalawang sangkap
ng pambansang
panitikan
136. Ang sektoral na panitikan
Binubuo ito ng mga sector
na gumaganap at
humuhubog sa konsepto
ng mapagpalayang bansa.
137. Ang sektoral na panitikan
Hindi lamang isang simpleng
kumpol ng kaisipan ang isang
sector dahil aktibo nitong
itinaguyod ang mga adhika
tuno sa panlipunang
pagbabago.
138. Kakabatay ang mga sector sa mga
pagkakibang likha ng iba’t ibang
kultural na kategorya gaya ng:
Uri
Kasarian at sekswalidad
Lahi
Etnisidad
Relihiyon
Henrasyon
Kalikasan
139. Walang likas na identidad ang
payak na pagkatao.
Nagkakaroon lamang tayo ng
mga identidad kapag
napabilang tayo sa iba’t ibang
grupo na mayroong nabuong
artikulasyon ng identidad
140. Hindi lamang iisa ang ating
identidad, dahil maraming
subkultural na grupo na
kinakailangang paghalawan ng
identidad para magkaroon tayo ng
diwa ng kabuuang indibidwal at
kolektibong identidad.
141. Ang sektoral na panitikan ay
pagkilala sa kontribusyon
ng iba’t ibang sector sa mga
ideya at kilusang naglalayon
ng transpormasyon ng
lipunan
142. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>>>>URI<<<<<<<
Nakabatay sa pagmamay-ari
o di pagmamay-ari sa mga
kasangkapan sa
produksyon.
143. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>>>>URI<<<<<<<
Ang “panitikang anakpawis” ang
panitikang nagtataguyod ng
interes ng mga magsasaka’t
manggagawa
144. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>>>>URI<<<<<<<
Ang Amado V. Hernandez Resource
Center (AVHRC) ay sentrong pang-
edukasyon para sa mga manggagawa
na kumukilala sa panitikang
manggagawa at makamangagawa
145. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>>>>URI<<<<<<<
Tinaguriang panlipunang realism ang
estilo ng panitikang kaugnay nito
dahil sa kumbensyon ng pagsisiwalat
ng realidad at paggawa ng mga
hakbang upang mapawi ang kawalan
ng katarungan na umiiral sa
kasalukuyan.
146. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>Seksuwalidad at kasarian<<
Ang “panitikan ng kababaihan” ang isa
sa mga nagbunsod ng kontra-
patriyarkal na kalakaran,
pagsasalungat sa makalalaking
kaayusang nagpapatili ng
subordinasyon ng mga kababaihan .
147. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>Seksuwalidad at kasarian<<
Humahalaw ang panitikang ito sa
mga teorya ng feminismong
Pranses at ng pambansa-
demokratikong kilusan ng
kababaihan.
148. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>Seksuwalidad at kasarian<<
Ang una ay nagbibigay-daan sa kaibahan at
kadakilaan ng pagkababae , samantalang ang
pangalawa ay naglalayong mapalaya ang bayan
sa proseso ang pagsasakaturan ng
pagpapalaya na sa sentro at tumatagos na rin
iba’t ibang bernakular.
149. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>Seksuwalidad at kasarian<<
Ang “panitikang lesbian”
naman ay nagsisimula
nang lumaganap sa
malakawang antas.
150. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
>>Seksuwalidad at kasarian<<
Tumutunggali ang panitikan ng
kasarian sa heteroseksuwalismo
o pagbibigay ng pagtatangi sa uri
ng relasyon ng magkakaibang
kasarian.
151. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Isa sa salik na maaaring
isaalang-alang dito ay ang
usapin ng lahi at
etnisisdad.
152. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Paano lumilikha ng identidad
sa ibang pinamumuhayang
lugar batay sa pinagmulan?
153. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Halimbawa:
Pagiging Ilokano sa
Hawaii o London
Pagiging Sebwano sa
Hong Kong
154. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Lumilitaw ang usaping ito
dahil na rin sa paglalakbay ng
napakaraming mamamayan sa
iba’t ibang lugar o diaspora.
155. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Nagkaroon ng
produksyon ng sarili
nilang identidad sa mga
lugar na kanilang
pinandarayuhan.
156. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Sanhi ng pangangailangan ng
pagpapatibay ng identidad sa harap ng
panganib na maging nominal at
functional na lamang ito sa loob ng
sestemang nanghihimik at nagpapanatili
sa kanila sa ibayaong lugar.
157. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
<<Lahi at Etnisidad>>
Diasporic Literature-panitikang
kakambal ng pagkalat ng
napakaraming mga Filipino sa iba’t
ibang lupalop ng mundo, sa
pangunahin, dahil sa overseas
contract work.
158. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< Henerasyon>>
Ang panitikang
bumubuo nito ay ang
panitikang pambata,
kabataan, at
nakakatanda.
159. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< Henerasyon>>
Batay sa salik ng henerasyon,
matingkad ang kaibahan ng
pangangailangan para sa iba’t
ibang serbisyo at kaalaman.
160. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< Henerasyon>>
Tinutugunan ng panitikang henerasyonal ang
pagbibigay ng karagdagang kaalaman at pagkilos
tungo sa transpormasyon ng lipunan:
na ang mga bata ay magkaroon ng kritikal na
pagtingin sa kanilang sarili at mundo, gayon din ang
mga kabataan;
ang mga nakakatanda ay makapagbubuo ng
ahensyang integral sa pagbabago
161. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< <Relihiyon >>
Kapwa mahaba ang
tradisyong
mapagpalaya at
mapanupil ng panitikang
relihiyoso
162. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< <Relihiyon >>
Nais bigyang-diin ng mga
naisantabing sector ang papel
ng relihiyon sa panlipunang
transpormasyon
163. Mga sektor na lumulikha na ng
sariling panitikan:
< <Relihiyon >>
Ang panitikang Islamiko, Katoliko,
Protestante, teolohiya ng
pagpapalaya at iba pa ayilang
lamang sa mga pangkat na bumubuo
nitong sector pangrelihiyon.
165. l usyon
K onk
Nilalayon ang
komparatibong
pagpapahalaga sa
panitikang sektoral sa isang
antas, at sa iba pang antas,
ng panitikang sektoral at
bernakular
166. l usyon
K onk
Ang pagiging babae ay
hindi lamang iisang
karanasan
167. l usyon
K onk
Nagakakaiba ang
karanasan ng babae/ng:
Muslim at Katoliko
Kordilyera at Kamaynilaan
Matanda at Bata
168. l usyon
K onk
Ang panitikan ng iba’t ibang
sector at bernakular ang
nagbibigay-lakas sa mga
tinig na pinipipi sa loob ng
namamayaning kaayusan
169. Mga implikasyon nito sa kasalukuyang
sitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ng
panitikan ng Filipinas:
Totoong napakahalagan na mabago
ang pag-intindi ng mga sumusulat ng
mga sanggunian upang ang mga ito
ay maging epektibong ahensya sa
pagbubuo ng panbansang kultura’t
panitikan
170. Mga implikasyon nito sa kasalukuyang
sitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ng
panitikan ng Filipinas:
Ang pambansang panitikan ay
nagbibigay ng espasyo sa mga
identidad at karanasang
isinasaisantabi ng umiiral na
pambansang kaayusan.
171. Mga implikasyon nito sa kasalukuyang
sitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ng
panitikan ng Filipinas:
Ang proyekto ng mga guro ay
tiyakin na hindi muling magsara sa
mga nabuksan nang espasyo, at sa
mga nakapinid na ay magsimula
nang magkasiwang.
172. Mga implikasyon nito sa kasalukuyang
sitwasyon ng mga sanggunian at pagtuturo ng
panitikan ng Filipinas:
Sapagkat ang siwang na
mapglalagusan ng iba ayiyon
ding tunay na magbubukas sa
atin ng karansan ng bansa at ng
panitkan nito.