SlideShare a Scribd company logo
1 of 63
Pagbabago sa Wika
CHAPTER 7
Dayakronik linggwistiks ang sangay ng
linggwistiks na sumakop sa mga pag-aaral at
analisis na historikal o mga pag-aaral at analisis
ng pagdevelop ng wika sa paglakad ng panahon.
Dahil dito tinatawag ding historikal linggwistiks
ang sangay ng disiplinang ito. Ang isa pang
terminong ginagamit kaugnay ng mga ganitong
pag-aaral at analisis ay ang komparativ-
linggwistiks dahil sa metod na ginamit sa
pagrekonstrak o pagbuo ng histori ng isang wika.
Ang histori at pagdevelop ng wika’y
nakatuon sa mga pagbabago sa wika,
ang pagbabagong nangyari sa mga rul
sa lahat ng lebel nito-tunog, salita, at
sentens. Kapag ito ang pinag-aaralan
iniiksamin ang mga elemento sa mga
lebel na ito para malaman kung anong
mga rul ang nagbago at papano ito
nangyari.
Tuloy-tuloy at di napipigilan ang pagbabagong
nangyari sa buhay ng tao dala ng pagtanda,
pagbabago ng kapaligiran at ekspiryens (lalo na
kung naglakbay o nag-imigreyt), modernisasyon
at pagsulong ng teknolohiya, at iba pang mga
faktor na may impak sa mga ito. Hindi pareho
ang kaisipan o mga gawain natin ngayon at nong
musmos pa tayo. At meron tayong mga bagong
gamit ngayon na wala o di natin kelangan nuon.
O di kaya, may malungkot o masaya tayong
tayong karanasan na nagpapalawak sa pananaw
natin sa buhay. Lahat ito’y nagpalawak sa wika
natin dahil naeekspres sa wika ang lahat ng mga
pagbabagong ito.
Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang
bilis ng pagbabago sa wika. Walang tigil
ang pagbabago sa wika dahil walang tigil
ang pagbabago ng kinalalagyan at
kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil
may talino at galing na humanap ng paraan
ang tao, naibabagay nya ang kanyang wika
sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at
pangangailangan.
Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng
science at teknolohiya’y sagot sa
pangangailangan na gumaan ang buhay ng
tao. Kaagad itong nasasalamin sa wika.
Isipin na lang ang pagsulong ng teknolohiya
sa isang aspekto ng buhay, ang paglalakbay.
Maraming bagong salita ang maililista
tungkol dito tulad ng bisikleta, awto, jet,
magjet, flayt, istuwardes, erport, pambot,
jip, motor, pasport, visa, at marami pang
iba.
Ang pakikipagkontak sa kultura’t wika ng
ibang grupo ang isa pang bagay na
nagbabago sa environment at ito’y
nagkakaroon ng impak sa isang wika. Dala
ng mga bagong aytem sa kulturang pisikal
tulad ng pang-araw-araw na gamit o
arkitektyur, o ng mga gawi, mga ritwal o di
kaya relihiyon, hindi maiiwasang mabago
ang wika.
PAGLILIPAT O PANGHIHIRAM
Kapag nagtagpo ang dalawang kultura, di
maiiwasan ang pagbabago ng mga wika nito, lalo
na iyong wika ng mga grupong dinaig, sinakop o
umaasa sa iba. Nagkaroon ng pagbabago dahil
tinanggap ng isang grupo ang mga bagay, gawi at
ideya – kasama ng mga tawag sa mga ito – mula
sa ibang grupo. Ang proseso ng pagtanggap o
paglilipat ng mga elemento ng isang wika sa
ibang wika ang tinatawag na panghihiram o sa
Ingles, barrowing.
Ang napakaraming salitang galing sa Intsik,
kastila, at Ingles sa mga WP ang nagpapatunay
sa matagal at mabisang kontak sa pagitan ng
mga nanakop sa kultura at ng sinakop. Ilan
lang sa mga napakaraming ganitong salitang
nalipat sa mga WP ang sabi (Kas saber), sabon
(Kas jabon), lamesa (Kas La mesa), gubyerno
(Kas gobierno), braso ( Kas brazo), titser (Ing
teacher), haywey (ing High way), bolpen (Ing
Ballpen), boling (Ing Bowling), helo (Ing
hello), Kuya (Ins kuya), bilao ( Ins bilao)
Ang isang malakas na motibong nagtutulak sa
mga nanggagaya sa kultura’t wika ng iba’y ang
pangangailangan. Dahil bago ang ang bagay na
tinatanggap na galing sa ibang kultura, walang
termino o salita para dito lalo na sa larangan ng
technology, halimbawa Kas telefono – Tag
telepoo, Ing computer- Tag kompyuter.
Pangangailangan din ang rason kung bakit may
salitang unibersidad, jip, sabmarin, eksrey,
ineksyon, TV, nukleyus, molekyul, lipstik,
nowtbuk at napakarami pang salita na nalipat sa
mga WP na galing sa mga banyagang wika.
Ang isa pang motibo’y ang prestij o
paghanga sa kulturang pinanggalingan ng
bagong salita. Nalilipat ang mga ganitong
salita kahit meron nang katumbas na
salita ang wikang tumatanggap, na
kadalasan ay wika ng maynoriti, mga
sinakop o mga tinatratong mas mababang
klaseng tao. Hal. Ang salitang gera na
galing sa Kastila kahit may Tag digmaan.
Hal. Tawag sa magulang na dadi, mami na
galing sa Ing na Daddy at Mommy. Mama,
papa na galing sa Kastila kahit na may Tag
na tatay, nanay o itay, inay.
 Nalilipat din ang mga morfim na gramatik
tulad ng Kas-ero (lalake), - era (babae) na
ginamit sa Tag pintasero, pintasera; bolero,
bolera, kahit hindi makabuluhan ang gender
sa gramar ng Tagalog.
Laganap na rin ang paggamit ng salitang so na
nalipat sa Filipino na galing sa Ingles kahit
may katumbas na kaya.
Galing sa Latin at Franses ang Ing – ble at able
na maririnig sa mga salitang tulad ng
agreeable, “kasiya-siya, kalugod-lugod”,
excusable “mapapatawad”, variable
“mapagbago-bago, magkakaiba”. Prodaktiv na
sa Ingles ang mga safiks (suffix) na ito tulad
ng bearable “matitiis”, eatable “makakain” at
drinkable “maiinom”.
Dahil sa paglilipat ng mga salita o iba pang
elementong galing sa ibang wika,
naapektuhan din ang sistem ng mga tunog
ng wikang nalipatan. Kung pakikinggan ang
mga nagsasalita sa Filipino o ilan sa iba
pang WP, maririnig ang bagong kl- na
dating wala nito dahil sa mga salitang
nalipat tulad ng klineks, klasrum, klinik at
br – sa brand, breyses, brok.
Nalipat din ang magkasunod na
konsonant sa hulihan ng salita tulad ng –
ks dahil sa taks, klineks, akrobatiks, seks;
ang –ns sa sayans, fans, resistans;-rd sa
blakbord, badigard, kord; - dj sa jadj,
gradj at nalipat sa Ing ang Scandinavian
sk- dahil sa mga salitang tulad ng sky “
langit”, skin “balat” at skirt “palda”.
Tabu
 Malaki rin ang epekto ng tabu (Ing taboo) o salitang
pang-iwas sa pagbabago sa wika. May mga salitang
iniiwasan dahil sa hindi dapat sabihin sa partikular na
sitwasyon o tinuturing na mahalay, bastos, o walang
galang. Ito ang dahilan kung bakit pinapalitan ng ibang
salita ang tawag sa mga parte ng katawan tulad ng
“ibon ng lalake”, “ monay ng babae”. Ganon din ang
nangyari sa mga salita tungkol sa namatay, halimbawa
yumao at, sumakabilang buhay “namatay”. Ang
pangunahing kahulugan ng labi ay ang “labis sa
anumang bagay o tira” pero, ginagamit din ito para
tukuyin ang patay o katawan ng patay.
Ang mga akronim na CR, LR na galing sa Ing na
comfort room, ladies room ay ginagamit sa pag-
iiwas sa mga salitang toilet, kubeta o kasilyas na
direktang tumutukoy sa lugar ng pagtae. Dahil sa
sakit na ketong, halos hindi ito sinasabi at higit
pang ginagamit ang banyagang leproso. Madalas
binabanggit ang sakit sa salitang iyon/ sakit na
iyon. Madalas na nakakalimutan ang sating salita
sahil hindi na nababanggit o naririnig, kaya ang
salitang gamit na pang-iwas ang nananatili sa
wika.
SIMPLIFIKESYON
Bukod sa pangangailangan na dala ng
kapaligiran, nababago din ang wika dahil sa
tendensya ng mga nagsasalita na gawing mas
madali ang pagsasalita nila na nagreresulta ng
simplifikesyon ng mga form ng wika.
Masasabing ang tendensya ng taong hanapin ang
pinakamadaling paraan para sa anumang gawain.
Makikita ito sa pag-igsi ng mga salita sa paraan
ng pagkakaltas ng tunog, halimbawa, ang
pagkawala ng vawel o pagsimpifay ng
konsonant-klaster.
Hal. Ang pagsimplifay ng Middle English KK
-> modern English K-: kn-/ → /n- / knee
“tuhod”, /hl/ → /l/ hlof > loaf “pan de unan”.
Hal. Din ang Tag at > -t kapag sumusunod sa
isang vawel: buto’t balat, lalake’t babae. Kung
titingnan ang pagdevelop ng mga Wp galing sa
proto philippine (PP) makikita ito sa *palaka?
> Akl pakά?, War paklά, Bla fak; *buhuk >
Kap bwak, Bla wak, Bah, buk, Ibg bu?. Sa
kontemporaryong wika maririnig ang utol <
kaputol; insan < pinsan.
Dayverjens at mga varayti ng wika
Hanggang sa puntong ito binabanggit ang wika na
parang homojinyus o pare-parehong magsalita ang
lahat ng gumamit ng isang wika. Pero alam natin na
hindi ganito ang wika. Nalalaman natin na may mga
nagsasalitang iba ang punto, o may mga gumagamit
ng ibang salita para sa iisang kahulugan. Samaktwid,
may mga varayti ang wika na tinatawag na dayalek.
Nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek
ng isang wika pero kinikilala nila na may pagkakaiba
ang mga salita nila.
 Pwedeng hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o
ilang tunog, o iba ang ginagamit na salita para sa
isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng
ilang sentens, pero nagkakaintindihan pa rin sila.
Nagsasalita lang sila ng magkaibang dayalek ng isang
wika. Hal. Dayalek ng wikang Tagalog ang varayti
nito na sinasalita sa Batangas na bukod sa punto,
maririnig ang katangi-tanging ga at baga; ang mga
salitang kalamunding “kalamansi”, ngirngir “ gilagid”
at ba pang mga salitang nagpapakilala sa kaibahan
nito sa Tagalog na marirnig, hal. Sa Rizal, sa Quezon,
sa Bulacan, at iba pag varayti ng wikang Tagalog.
Kung mapapasyal kayo sa probinsya ng Rizal,
maririnig nyo ang ay hao na pagsang-ayon imbis
na “oo”. Sa Mindoro naman ito’y hoo.
Kahit sa isang dayalek, meron pa ring mga katangian sa
pagsasalita ang bawat indibidwal, at ang kabuuan ng mga
katangian sa pagsasalita ng indibidwal ang tinatawag na
idyolek. Di pare-pareho ang pagsasalita ng bawat tao dala ng
edad, seks / gender o status sa lipunan at, kuminsan, hilig.
Ito’y nababatay pa sa kung sino at kung nasaan ang kausap.
Ganumpaman, idinidiin dito na di maaaring sabihin na
homojinyus ang isang wika dahil binubuo ito ng higit sa
isang varayti. Bawat wika’y may dayalek at bawat dayalek ay
koleksyon o binubuo ng mga idyolek. Ang mga dayalek at
idyolek na rin ang matibay na ebidensya ng pagbabago sa
wika.
Mula pa nung mga unang panahon sinikap na
maipaliwanag ang pagkakaroon ng iba’t ibang
varayti ng pagsasalita. Isa na rito ang paliwanang
ng Judeo-Christian sa paniwalang pinarusahan
ng Dyos ang kayabangan ng mga nagtayo ng
Tore ng Babel na humangad makaabot sana sa
langit. Kaya mula noon nagkaroon ng iba’t ibang
wika ang dating nagkakaintindihan sa isang wika.
May mga iba pang paliwanag ang mga pilosopo
sa Europe, mg tyuring nanatili hanggang sa
panahon na pinag-aralan ang wika mula sa
sayantifik na pananaw.
 Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang isang wika
sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga
nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng
sitwasyon at mga pangyayari na nagreresuta
ng tinatawag na daverjens, ang dahilan kung
bakit nagkaron ng iba’t ibang uri o varayti na
tinuturing na mga dayalek ng wika at sa
kalaunan naging mga magkaibang wika.
 Para maipaliwanag ang dayverjens, ipalagay natin na
may isang wikang halos homojinyus dahil halos pare-
pareho ang hanapbuhay at iisa ang kultura ng mga
nagsasalita nito. Bukod dito, halos walang oportunidad
na magkaroon ng kontak ang komunidad sa ibang
grupong may ibang kultura ‘t wika. At ipalagay na dahil
sa kahirapan ng buhay, o di kaya takot sa mga nang-aapi,
lumipat ang isa o ilang pamilya sa ibang malayu-layong
lugar na iba ang kapaligiran sa pinanggalingan, may
ibang halaman, hayop, sors ng kabuhayan at iba pa, at
may pagkakataong magkaroon ng kontak sa ibang
komunidad na may ibang gawi’t wika.
Magkakaroon ng impak ang lahat ng ito sa
buhay ng mga bagong lipat at dahil dito, sa
kanilang wika. Magbabago’t magdedevelop
ang kanilang wika na di pareho sa pagdevelop
ng wika ng komunidad na iniwanan. Darating
ang panahon na magkakaroon ng marami,t
makabukuhang iisa. Mangyayari na di na
magkakaintindihan ang mga nagsasalita ng
mga wikang ito at maituturing na nagdayverj o
naging magkaibang wika na ang mga ito.
Kung di gaanong nagdayverj at meron pang
mutual intelligibility o myutwal na
pagkakaintindihan, masasabing ito’y mga
varayti o mga dayalek ng isang wika. Kapag
lugar o mga bawnderi na jeyografikal ang
tinitingnan, mga jeyografik o rejunal na dayalek
ang pinag-uusapan. Pero kung mga varayti ng
wika ang ginagamit sa mga relasyong sosyal ang
tawag dito’y sosyal-dayalek.
 Di gaanong napapansin ang pagbabago sa sariling
wika dahil di konsyus ang nagsasalita kung papano
dapat o di dapat bigkasin ag bawat tunog o salita.
Maingat lang syang magsalita kung kausap nya ang
gaanong marunong ng wika nya. O kaya pormal ang
okasyon, o meron syang dinidiin na punto. Kaya
pwedeng magbago ang pagbigkas nya ng tunog na
nagreresulta sa pagbabago ng fonoloji ng wikang ito.
Maari rin dahil nanghiram sya ng salitang galing sa
ibang wika, di lang madadagdagan ang bokabularyo
ng wika nya kundi maaring magkaroon ng pagbabago
ng fonoloji nito sapagkat nalipat din ang banyagang
tunog ng hinihiram na salita.
Hal. ng huling binanggit ang pagkakaroon ng
kontras sa /i-e/, misa-mesa mga salitang Tagalog na
galing sa Kastila. Ganon din ang pagkakaroon ng /j/
sa ibang WP dahil sa jip isang klaseng sasakyan at
jadj “hwes” na galing sa Ingles. Kadalasan, lalo na
nung unang panahon, maraming taon, kuminsan
daang taon, bago nagkaroon ng kapansin-pansing
bagong elemento sa wika. Pero sa kasalukuyan na
madaling makipagkontak ang iba’t ibang grupo ng
tao dahil sa makabagong transportasyon, mas midya,
at sa bagong elektronik na komunikasyon, mas
madali’t mabilis ang pagpasok at pagtatag ng mga
pagbabago sa wika.
Nabanggit na nagyayari ang pagbabago sa lahat
ng lebel ng wika: sa lebel ng tunog o
pagbabagong pangfonoloji; sa mga salita o
pagbabagong pangmorfoloji; sa pagbubuo ng
mga sentens o pagbabagong pansintaks; at sa
kahulugan o pagbabagong pansemantik.
 Ang pinakamabilis na pagbabago’y ang nasa lebel ng
salita. Madaling tinatanggap ang pagbabago sa mga
termino, pangalan ng materyal o pisikal na elementong
iniimbento o kinuha sa ibang kultura, kesa sa pagbabago
sa lebel ng tunog o sa sintaks ng wika. Gradwal na
lumalaganap ang isang pagbabago o inobasyon s wika
habang ito’y tinatanggap at ginagamit ng mga nagsasalita.
Nag-uumpisa sa isang puntong fokal at kumakalat sa
buong grupo na nagsasalita ng partikular na wikang iyon.
 Ang unang sistematik na pag-aaral ng pagbabago ng
tunog sa wika’y ginawa nung ika-18 sentyuri sa Europe.
Pinagkumpara ang Latin, Grego, at Sanskrit at naipakita
na may mga elementong komon sa tatlong wikang ito.
Nung malapit nang matapos ang ika-18 sentyuri
pinaliwanag ni Sir William Jones ang tyuri nya na batay
sa mga elementong komon, mey pinanggalingan na
wikang sinauna ang tatlong wikang binanggit na tinawag
na Proto-Indo-European.
 Malaki ang impluwensya ng tyuri ng evolusyon ni
Darwin nung panahong iyon kaya ipinaliwanang ang
pagdevelop ng wika batay sa mga relasyon nito sa mga
ninunong wika. Itinulad ang relasyong ito sa isang puno
at mga sanga nito kaya tinawag itong Family Tree
Theory.
• Hiniram ni August Schleicher (1861) ang
tyuring ito at hinangad nyang ipakita sa isang
Famii-tri ang jenetik na relasyon ng mga
grupo-grupong wika na may mga elementong
komon, na matetreys sa isang wikang ninuno.
Ang kahinaan ng tyuring ito ay hindi nabigyan
halaga ang mga dayalek ng wika.
• Bukod dito, hindi rin naipaliwanag ang pagsplit o paghiwalay
ng isang wika kaya nagkakaroon ito ng mga matatawag na
anak, mga bunga ng pagbabago.
* English (actual records)
* Pre-English Period
* Primitive Anglo- Frisian
* Pre-Anglo- Frisian Period
* Primitive West Germanic
* Pre-West Germanic Period
* Primitive Germanic
* Pre-Germanic Period
* Primitive Indo-European
Kasaysayan ng Ingles batay sa tyuring famili-tri (Bloomfield
1933)
 Wave Theory- ito ay prinisena ni J. Schmidt
na kumikilala sa gradwal na pagbabago ng
wika.
 Binatay sa mga rekonstruksyon na resulta ng
comparative method ang tradisyunal na
klasipikesyon ni O. Dempwolff (1934) na
sinundan ni A Capell (1962).
 May ginawang pag-aaral si A Haudicourt
(1965) na nakasalalay sa mga hangganang
Jeografik.
 Gumamit naman ng leksikostatiks si I. Dyen
(1965) para sa kanyang tyuri tungkol sa
pagklasifay ng mga nasabing wika.
Mga Metod na Dayakronik
 Kung pag-aaralan ang mga naisulat sa isang wika nung
sinaunang panahon o kung ikukumpara ang mga wikang
magkakamag-anak-mga wikang may mga elementong
komon sa iba’t ibang lebel- malalaman na may
nangyaring pagbabago sa histori ng mga wikang iyon.
Malalaman din kung ano ang prehistori nito at ang
tyuritikal na anyo ng sinaunang wika na pinagmulan ng
mga wikang kinukompara. May ilang metod na
nagagamit sa pag-aaral ng histori at prehistori ng isang
wika.
 Metod na kwaliteytiv- kung saan mga fityur ng mga
wika ang pinag-aaralan.
 Kwantiteytiv na ginagamitan ng bilang, persent, at
statistiks sa pagpapatiay sa mga obserbasyon tungkol
sa mga elemntong pinag-aaralan.
 Kwaliteytiv na paraan- komparativ-rekonstrakyon,
internal rekonstraksyon, rul representesyon,
dayalektoloji.
 Kwanteytiv na paraan- leksikostastistik at
glotokronoloji.
Dalawang klase ng rekonstraksyon:
1. Komparativ- rekonstraksyon- kinukumpara ang
mga magkamag-anak na wika para malaman ang
hugis ng wikang pinanggalingan.
2. Internal-rekonstraksyon – pinag-aaralan ang
pagbabagong makikita sa isang yugto ng
development ng wika. Pinag-aaralan din ang mga
dayalek ng isang wika at kinukunan ng mga form
na maaring ipagkumpara.
ANG KOMPARATIV-METOD
Ang pinakaepektibong paraan para malaman ang
relasyon ng mga wika at ang histori ng pagdevelop nito.
Ginagamit ang metod na ito para marekonstrak, mabuo
muli, ang maaring paniwalaang mga form ng isang
sinauna o irihinal na wika.
• Proto o Ninunong Wika (PW/NW) ang maaring
pinanggalingan ng magkamag-anak na wika.
• Hal. Tag (bigas), Vis,Ilk (bagas), Tbw, Bah (bagas),
Isi (bohas)......(bugas) “kanin”...
• Apuy, afuy, afi, api, “ apoy”; balay, vaxay,walay, “
bahay” tinatawag na kogneyt ang mga ganitong salita
na maririnig sa mga kamag-anakang wika na halos
pareho ang tunog at kahulugan.
Korespondens-set ang isang set ng mga tunog
na nagkokorespond sa bawat isa sa mga
kogneyt ng mga wikang kinukumpara.
Korespondens-set ng b ay b:v:b/w; “apuy” p:f ;
bigas ay ang unang vawel i:u:a
*a- ay maririnig kahit sa alin mang pusisyon sa
salita tulad ng nasa kogneyt-set
KOMPARATIV-REKONSTRAKSYON
Kogneyt ng Tag dila sa ilang WP para makita ang
aplikasyon ng komparativ-metod sa pagrekonstrak ng mga
tunog/salita na maaring tawaging Proto-Pilipinas (PP). Ito
ang wikang tyuretikal na ipinalalagay sa PW ng mga wika
ng Pilipinas.
Kogneyt-set ng dilaɁ-
dilaɁ,...dila,...dilά,...rilaɁ,...zilά,...Čila,... Dilάk
i,a,l- ang mga tunog na ito ang tatayong mga protoform.
Ɂ- ang simbol para sa minumungkahing orihinal na tunog.
Refleks- ang tunog sa wika na masasabing galing sa orihinal
na tunog o protoform.
Kogneyt-set ng waloɁ-
walú,...wάluɁ,...wάlu,..waxu,.wagό,..waLú,..waYό..
korespondens- l:x:g:L:Y
INTERNAL REKONSTRAKSYON
 kinukumpara ang mga varayti ng wika sa isang panahon,
hal. Sa kontemporaryong panahon, para malaman ang
form ng sinaunang wika tulad ng Proto-Tagalog.
Samantala, sa komparativ- rekonstraksyon kinukumpara
ang mga magkamag-anak na wika para malaman ang
sinaunang wikang pinanggalingan ng mga ito.
 Nagagamit din ang komparativ-metod sa pagrekonstrak
ng histori ng isang kontemporaryong wika. Kinukumpara
ang mga iba’t ibang dayalek nito, mga tunog, salita,
sentens at kahulugan para marekonstrak ang masasabing
sinaunang form ng wika.
Hal. Alupihan – na maririnig sa ilang dayalek ng
Tagalog
• Aluhipan- sa ibang varayti
• Lumunin – sa Lukban, Quezon na
• Lunukin – sa ibang dayalek
• Taytay (Rizal) tuliya, bakaya, aleng, in-in na tulya,
bakya, alin, at in-in sa ibang dayalek.
 Ang pagkakaiba ng mga dayalek ng Tagalog na
nagbibigay linaw sa sinaunang wika nito. Ang sikwens
ng glotal-stap at isang konsonant, -ɁK- o- KɁ
• Hal. Bigat- bigɁat, puson -pusɁon, gabi- gabɁi, tamis -
tamɁis, sipon- sipɁon.
• Hal ng sikwens KɁ- KK→K = Digkit-dikit, halungkay-
halukay, likyab-liyab.
RUL-REPRESENTESYON
 Sa tatlong komponent ng wika- sintaks, semantiks at
fonoloji- ang SINTAKS- ang nagjejenereyt ng mga
sentens. At dito malalaman ang mga rul sa pagbubuo ng
mga ito at ng leksikon. Idinadagdag ang mga pagbabago
sa tunog ng wika sa dulo ng fonoloji bilang mga bagong
rul nito. Ang pagpapakita ng ganitong pagbabago’y
tinatawag na pagrestraktyur.
 Reordering- pagbabago sa pagkakasunod ng mga rul.
Isang inobesyon na nagsasalamin ng pagbabago sa wika.
Hal. b
*b→ b, w/# __ (Mar)
v (Itb)
• Hal. Pagreorder ng pusisyon ng adverb-sabjek at verb sa
Ingles (Bynon 1977). Sa old English –nalipat sa unahan
ng sentens ang alinman sa mga konstityuwent na nag-
iisa.
* order ng konstityuwent– Old English – Adverb-verb-
subjek.
* nareoder ang rul – subjek-verb – may ilang adverb na
sumusunod sa dating rul tulad ng never, scarcely, hardly.
Kaya may mga sentens sa kasalukuyan sa Ingles
tulad ng Never did he mention....” ni minsan di nya
binanggit”, Scarcely had she finished...., “Halos di pa nya
natapos”.
LEKSOKOSTATISTIKS AT GLOTOKRONOLOJI
Dinevelop ang mga paraang leksikostatistiks at
glotokronoloji para malaman ang tagal ng
panahon o time depth (td) – taong nakalipas buhat
nung nagsplit ang magkamag-anakang wika.
Sa Metod na kwalityetiv- di malalaman ang higit
kumulang na daan-daang bilang ng mga taon, kung
kelan bumukod ang wika sa sinaunang wika o
kung kelan nangyari ang dayverjens.
Sa Paraang Komparativ – hindi malalaman ang
haba ng panahong lumipas buhat sa panahon na
iisang wika pa ang magkokontemporaring pinag-
aaralang wika. Natatantya lang ito sa pagreleyt sa
ibang pangyayari sa histori ng komunidad na
gumagamit ng pinag-uusapang wika, tuld ng gera,
malaking sakuna
 M. Swadesh (1950) - Isa sa kilalang skolar para malaman o
makwenta ang dami ng taong lumipas mula nung nagkaroon
ng dayverjens. Ayon sa kanya, may bahagi ng vokabulari ng
wika na nagbabago sa palagiang reyt.
 Beysic-vokabulari- binubuo ng mga salitang
pinaniniwalaang unibersal at mga salitang nagmamarka ng
gramatik-fangsyon. Listahan ito ng mga salita na di halos
nababago dahil hindi naktukoy o nakatali sa kultura, Hal.
Mga parte ng katawan ng tao tuld ng ulo, mata, daliri;
pangyayari sa kalikasan tulad ng ulan, lindol, damo, puno;
unibersal na eksperyens tulad ng pagtulog, pagkain,
panganganak; salitang may gramatik fangsyon tulad ng ako,
ikaw, at, ang.
 Listahang Swadesh- ang tawag sa listahan ito ng 200 na salita
na binawasan ng 100.
 Pinoproseso ang mga resulta ng bilang ng isang formyula
batay sa asamsyon na magkapareho ang bilis ng
pagbabago ng beysik-vokabulari ng anumang wika.
Magkapareho di lang sa haba ng panahon buhat sa
pagsplit, kundi maging sa bilis ng pagbabago na
tinatawag na td. Tulad ng nabanggit na, ito ang
pinaniniwalaang taon kung kailan nagkaroon ng
dayverjens. Ang ganitong pag-aaral ang tinatawag na
leksikostatistiks.
 Samantala, sa nasabing paraan natutuklasan din ang
bawat pagsplit at ang kronoloji ng pagsplit. Ibig sabihin,
kung alin ang magkakasunod na pagsplit ng mga wika
buhat sa pinakamtandang sinaunang wika. Kung ilalagay
lahat ito sa famili- tri, ito ang buko sa tri. Ang pagplot ng
famili-tri sa paraang leksikostatistiks ang tinatawag na
glotokronoloji.
 Retensyon- Pageksamin sa listahan ng beysic-
vokabulari para malaman ang bilang ng mga kogneyt
base sa pagkakahawig ng korespondens nila sa sinaunang
wika.
 Batay sa unang ginawang pag-aaral ng mga wikang Indi-
European, Intsik at iba pa, nalaman na ang averej-reyt ng
retensyon ay 81% sa 200 na listahan 0 86% sa 100 na
listahan.
 Formula ng leksikostatistiks
log c
t = (t = panahon, log = ‘logarithm’, c = kogneyt, r = reyt)
2 log r
Ito ngayon ang ginagamit na reyt sa pagkalkuleyt
ng reyt ng retensyon sa loob ng isang libong
taon. Samakatwid 86% ng beysic- vokabulari ng
sinaunang wika ang naiiwan o hindi nawawala sa
mga wika ng mga anak nito. Dapat tandaan na
kelangan maestablis muna na magkakamag-anak
ang mga wikang pinag-aaralan. Nalalaman ito
kapag nagawan na ng komparativ na pag-aaral
ng tunog/morfim/sitaks ng mga wikang
inaaplayan ng leksikostatiks/ glotokronoloji.
PAGBABAGONG PANGFONOLOJI
 Inisyal n k- bago ng n sa kontemporaryong Ingles
bagamat nakikita pa rin kapag nakasulat ang mga salitang
meron nito. Hal. Know ‘alam’, knife ‘kutsilyo’,
*Sa mga WP ang mga PP na diptong ay napalitan ng
monoptong sa kapangpangan kaya PP *ɁanaɁəy ‘anay’ >
Ɂane (ay>e); PP *Ɂapúy>Ɂapi (uy>i).
*Rul a e
PP y→
u I
MONOPTONGISESYON
Ito ang proseso ng pagbabago na ang dating
diptong vawel + semi-vawel, ay nagiging isang
vawel. Pwedeng sabihing pagsisimplifay ito ng
wika dahil mas simple ang isang tunog kesa sa
kombinasyon ng dalawang tunog. Hal Middle
English riwd> Modern English rud
‘bastos,walang galang’; PP *ɁanảɁey> Kap
Ɂane ‘anay’; PP * kagtay> Igt Ɂagse ‘atay’
DIPTONGISESYON
Kabaligtaran ito ng prosesong katatalakay pa
lamang. Naging diptong ang dating isang
vawel lamang, tulad ng Middle English wi:f >
Modern English wayf ‘asawang babae’.
 ASIMILESYON-
Pagbabagong morfofonimik bilang singkronik na
pagbabago.
- nababago ang dating tunog sa isang salita dahil sa hila o
impluwensya ng katabing tunog. Hal. PP *supsap > Yak.
Sassap dahil bumagay o naasimileyt
 DISIMILESYON-
Kabaligtaran ng asimilesyon ang prosesong ito na
makikita sa mga PP stap na naging mga neysal na
homorganik. Ibig sabihin, naging neysal na binibigkas sa
punto ng artikulesyon ng dating stap, halimbawa PP
*sάɁbit > Itb saɁmit ‘sabit’,, PP *supsəp > Itw súmsup
‘susup’.
 PAGTAAS AT PAGBABA-
Maaring nagkaroon ng pagbabago dahil napataas o
napababa ang pusisyon ng dila sa pagbigkas ng dating
mababa o mataas na tunog hal. Middle English he>hi ‘sya
(lalake)’ kung saan napalitan ang pagitna na e ng pataas na
i.
 PATALIKOD AT PAHARAP –
Sa prosesong ito binibigkas sa harapan ng bibig ang tunog
na dating binibigkas sa likod o di kaya binibigkas sa likod
ng bibig ang dating binibigkas sa harap. Hal. Ang tunog na
[ɒ]sa Ingles ang mga British na binibigkas sa likod ng bibig
sa mga salitang father,apple,ask na naging ᴂ, na binibigkas
sa harap ng bibig sa Ingles ng mga Amerikano. Sa mga WP
makikita ang prosesong ito sa PP * dὰ|an> Isi dԑyάn ‘daan’,
*danúm> Kal čẻlum ‘tubig’ kung saan nahilang paharap ang
a ng mga katabing tunog,
 METATESIS-
• Ito ang prosesong paglipat ng tunog sa ibang pusisyon sa
loob ng isang morfim o salita tulad ng PP *baɁgát> Akl
bugɁát, Bla Ɂablát ‘bigat’; *linaw > Ilk nilaw ‘langaw’;PP
dakap >Igt dəkάp ‘dakip’ PP * diwataɁ > Bla Ɂadwata
‘diwata’. Nagkaroon ng otomatik at kinundisyon na metatesis
sa kap ang mga tunog na p-,t-,b-, a s nung ito’y nasa unahan
ng mga salita na sinusundan ng a na nanggaling sa PP *a
kaya ang PP *bagásɁ >Ɂabyás ‘ bigas’, *pəsá > ɁapsáɁ ‘
pisa’. Hindi nangyari ang metatesis nung nagkaroon ng
tatlong sunod-sunod na konsonant na resulta ng prosesong
ito. Hal. *baɁgát > bayát ‘bigat’ at *baɁkaɁ > bába ‘baba’
dahil magkakaroon nga ng tatlong KKK ang mga salitang ito
(bɁg/bɁk) na labag sa patern ng ga tunog sa Kapampangan.
 PAGKAWALA/DELISYON AT PAGDADAGDAG –
Maaring mangyari ang pagkawala ng tunog sa isang
pusisyon lamang nito sa salita. Hal. Nawala o di na
binibigkas ang tunog na –e sa name,dance,nose kahit
sinusulat pa rin ito sa nasabing pusisyon sa mga ganitong
salita.
• Nangyayari din na nadadagdagan ng tunog ang mga salita
at dahil sa pangkarniwang katangian ng wika.
 JEMINESYON
• Pag-uulit ng isang tunog hal. *panúɁ > Yak pannúɁ, Ilk
punnú, Ibg pannú, Buk pannuɁ ‘puno’.
 REDUPLIKESYON –
• Pag-uulit ng silabol, morfim o ng buong salita. Hal. PP
*kimlat, > Nag Vir, Kam kikilát, Mar kilakilát, Ibg
kilakiláɁ ‘kidlat’
PAGBABAGONG PANGMORFOLOJI
 ANALOJI-
• Isang proseso na nagreresulta sa pagbuo ng mga
salita. Habang nagbabago ang isang wika, sa pagdaan
ng panahon, malaki din ang proseso ito sa pagbabago
sa sistemang morfoloji. Nagbabago ang ilang mga
elemento mas laganap sa wikang iyon.
 Analojik na pagbabago ang tawag sa ganitong
proseso. Hal. Konggresman – tong ‘koleksyon’=
tongresman ‘ konggresman n kumukulekta ng suhol’.
• Pagdadagdag ng afiks- hal. Ulam: mag-ulam; bahay:
magbahay; Helikopter: maghelikopter.
• Kodak→ kodakan → kodaker; drive (verb)-
driver;sing – singer
• “plural –s” datas, alumnas, -datum, alumnae
• Verb sa Ingles na may ed para sa pas-tens hal killed,
grouped, moved,loved kesa sa paraang ng repleysiv
tulad ng swum, wrote, ate.
• Beys-form na nilalagyan ng afiks- donate- donation-
donated-donates
PAGBABAGONG PANSINTAKS
 Ang pagbabago na may epekto sa pagbubuo ng
sentens, o di kaya sa isa o higit pang mga elemento
ng sentens.Nangyayari ito dahil sa ilang bagay. Isa na
rito ang pagkakalantad ng spiker ng wika sa mga
ekspresyon, pronunsesyon,salita o tunog ng ibang
wika. Nagkakroon din ng pagbabago dahil sa mga
inobesyon sa sarili niyang wika at ng pagbabago sa
kanyang linggwistik environment.
 Ang mga pagbabago sa sintaks na bunga ng
impluwensya ng linggwistik-envayronment o ng
pagkawala ng mga konstraksyon ay nagreresulta sa
pagbabago sa mga rul ng sintaks. Kapag nagkaroon
ng inobesyon sa wika bunga ng pagbabago ng
linggwistik-envayronment, nagkakaroon ng
karagdagang rul ng pag-aayos ng rul ng gramar.
Nagkakaroon naman ng pagkawala ng rul kapag di na
gamit ang isang konstraksyon ng wika. Kapag
nangyari ito masasabing nagkaroon ng simplifikesyon
sa gramar.
• Malamang gaano man tayo katatas sa Tagalog
mahirap siguro nating maintindihn ang:
Carit nang carit ang matáng itiningin sa
acqin nang poot.
“ Kumakarit/matalim ang galit/ may poot na matang
itining sa akin.”
PAGBABAGONG PANSEMANTIK
Mas nahahalata kaagad ang mga
pagbabagong semantik, ang mga
pagbabago sa kahulugan, kesa sa
pagbabago sa ibang lebel ng wika. Tulad
ng nabanggit na nagbabago ang wika
dahil sa pagbabago ng envayronment
nito na maaring epekto ng maygresyon o
kontak sa ibang grupo o wika.
Maraming Salamat!
Genefer M. Hernandez
Prof. April M. Bagon-Faeldan

More Related Content

What's hot

Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
Airez Mier
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalita
Bel Escueta
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)
Elvira Regidor
 

What's hot (20)

Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskursoWika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Kagamitang panturo
Kagamitang panturoKagamitang panturo
Kagamitang panturo
 
Pagsasalin ng Tula
Pagsasalin ng TulaPagsasalin ng Tula
Pagsasalin ng Tula
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Ortograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipinoOrtograpiyang pilipino
Ortograpiyang pilipino
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Bahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalitaBahagi ng pananalita
Bahagi ng pananalita
 
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang PagsasalitaPANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
PANIMULANG LINGGWISTIKA : Ang Pagsasalita
 
Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)Pagtuturo ng filipino (1)
Pagtuturo ng filipino (1)
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKAKasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
 
Dula ppt
Dula pptDula ppt
Dula ppt
 
ANG PONEMIKA
ANG PONEMIKAANG PONEMIKA
ANG PONEMIKA
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Uri ng Komunikasyon
Uri ng Komunikasyon Uri ng Komunikasyon
Uri ng Komunikasyon
 
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITANPONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
 
Sintaks
SintaksSintaks
Sintaks
 
Maikling kuwento ppt
Maikling kuwento pptMaikling kuwento ppt
Maikling kuwento ppt
 

Similar to Report pagbabago sa wika

423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
JoyceAgrao
 
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
NicaHannah1
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
johndavecavite2
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
MichellePlata4
 
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
Chols1
 

Similar to Report pagbabago sa wika (20)

Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunanngayon ng mga pag
Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunanngayon ng mga pagIsang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunanngayon ng mga pag
Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunanngayon ng mga pag
 
423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
423497244-ARALIN-4-REGISTER-AT-BARAYTI-NG-WIKA-pptx.pptx
 
Barayti ng wika, gr. 7 filipino
Barayti ng wika, gr. 7  filipinoBarayti ng wika, gr. 7  filipino
Barayti ng wika, gr. 7 filipino
 
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
3_Q2-Komunikasyon at Pananaliksik tungo sa wika v.2.pptx
 
Kabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wikaKabanata 3-varayti-ng-wika
Kabanata 3-varayti-ng-wika
 
ARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptxARALIN 1.pptx
ARALIN 1.pptx
 
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptxFIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
FIL 111 Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Barayti ng wika.pptx
 
Antas ng salita updated a
Antas ng salita updated aAntas ng salita updated a
Antas ng salita updated a
 
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKAGE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
 
barayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptxbarayti ng wika lesson 1.pptx
barayti ng wika lesson 1.pptx
 
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptxPAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
PAKSA 6 Ang Linggwistika at ang Wikang Filipino.pptx
 
Antas ng wika 2
Antas ng  wika 2Antas ng  wika 2
Antas ng wika 2
 
wer
werwer
wer
 
BARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptxBARAYTI NG WIKA.pptx
BARAYTI NG WIKA.pptx
 
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 weekVarayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).pptKomunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.(mula sa simula).ppt
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
3.-Konseptong-Pangwika-Homo-at-Heterogenous-Barayti-ng-Wika-at-Lingguwistikon...
 
Konseptong papel
Konseptong papelKonseptong papel
Konseptong papel
 
Wika sa pang araw-araw na buhay
Wika sa pang araw-araw na buhayWika sa pang araw-araw na buhay
Wika sa pang araw-araw na buhay
 

Recently uploaded

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
niquomacarampat2
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 

Report pagbabago sa wika

  • 2. Dayakronik linggwistiks ang sangay ng linggwistiks na sumakop sa mga pag-aaral at analisis na historikal o mga pag-aaral at analisis ng pagdevelop ng wika sa paglakad ng panahon. Dahil dito tinatawag ding historikal linggwistiks ang sangay ng disiplinang ito. Ang isa pang terminong ginagamit kaugnay ng mga ganitong pag-aaral at analisis ay ang komparativ- linggwistiks dahil sa metod na ginamit sa pagrekonstrak o pagbuo ng histori ng isang wika.
  • 3. Ang histori at pagdevelop ng wika’y nakatuon sa mga pagbabago sa wika, ang pagbabagong nangyari sa mga rul sa lahat ng lebel nito-tunog, salita, at sentens. Kapag ito ang pinag-aaralan iniiksamin ang mga elemento sa mga lebel na ito para malaman kung anong mga rul ang nagbago at papano ito nangyari.
  • 4. Tuloy-tuloy at di napipigilan ang pagbabagong nangyari sa buhay ng tao dala ng pagtanda, pagbabago ng kapaligiran at ekspiryens (lalo na kung naglakbay o nag-imigreyt), modernisasyon at pagsulong ng teknolohiya, at iba pang mga faktor na may impak sa mga ito. Hindi pareho ang kaisipan o mga gawain natin ngayon at nong musmos pa tayo. At meron tayong mga bagong gamit ngayon na wala o di natin kelangan nuon. O di kaya, may malungkot o masaya tayong tayong karanasan na nagpapalawak sa pananaw natin sa buhay. Lahat ito’y nagpalawak sa wika natin dahil naeekspres sa wika ang lahat ng mga pagbabagong ito.
  • 5. Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang bilis ng pagbabago sa wika. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may talino at galing na humanap ng paraan ang tao, naibabagay nya ang kanyang wika sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangangailangan.
  • 6. Ang mabilis na pagsulong at pag-unlad ng science at teknolohiya’y sagot sa pangangailangan na gumaan ang buhay ng tao. Kaagad itong nasasalamin sa wika. Isipin na lang ang pagsulong ng teknolohiya sa isang aspekto ng buhay, ang paglalakbay. Maraming bagong salita ang maililista tungkol dito tulad ng bisikleta, awto, jet, magjet, flayt, istuwardes, erport, pambot, jip, motor, pasport, visa, at marami pang iba.
  • 7. Ang pakikipagkontak sa kultura’t wika ng ibang grupo ang isa pang bagay na nagbabago sa environment at ito’y nagkakaroon ng impak sa isang wika. Dala ng mga bagong aytem sa kulturang pisikal tulad ng pang-araw-araw na gamit o arkitektyur, o ng mga gawi, mga ritwal o di kaya relihiyon, hindi maiiwasang mabago ang wika.
  • 8. PAGLILIPAT O PANGHIHIRAM Kapag nagtagpo ang dalawang kultura, di maiiwasan ang pagbabago ng mga wika nito, lalo na iyong wika ng mga grupong dinaig, sinakop o umaasa sa iba. Nagkaroon ng pagbabago dahil tinanggap ng isang grupo ang mga bagay, gawi at ideya – kasama ng mga tawag sa mga ito – mula sa ibang grupo. Ang proseso ng pagtanggap o paglilipat ng mga elemento ng isang wika sa ibang wika ang tinatawag na panghihiram o sa Ingles, barrowing.
  • 9. Ang napakaraming salitang galing sa Intsik, kastila, at Ingles sa mga WP ang nagpapatunay sa matagal at mabisang kontak sa pagitan ng mga nanakop sa kultura at ng sinakop. Ilan lang sa mga napakaraming ganitong salitang nalipat sa mga WP ang sabi (Kas saber), sabon (Kas jabon), lamesa (Kas La mesa), gubyerno (Kas gobierno), braso ( Kas brazo), titser (Ing teacher), haywey (ing High way), bolpen (Ing Ballpen), boling (Ing Bowling), helo (Ing hello), Kuya (Ins kuya), bilao ( Ins bilao)
  • 10. Ang isang malakas na motibong nagtutulak sa mga nanggagaya sa kultura’t wika ng iba’y ang pangangailangan. Dahil bago ang ang bagay na tinatanggap na galing sa ibang kultura, walang termino o salita para dito lalo na sa larangan ng technology, halimbawa Kas telefono – Tag telepoo, Ing computer- Tag kompyuter. Pangangailangan din ang rason kung bakit may salitang unibersidad, jip, sabmarin, eksrey, ineksyon, TV, nukleyus, molekyul, lipstik, nowtbuk at napakarami pang salita na nalipat sa mga WP na galing sa mga banyagang wika.
  • 11. Ang isa pang motibo’y ang prestij o paghanga sa kulturang pinanggalingan ng bagong salita. Nalilipat ang mga ganitong salita kahit meron nang katumbas na salita ang wikang tumatanggap, na kadalasan ay wika ng maynoriti, mga sinakop o mga tinatratong mas mababang klaseng tao. Hal. Ang salitang gera na galing sa Kastila kahit may Tag digmaan.
  • 12. Hal. Tawag sa magulang na dadi, mami na galing sa Ing na Daddy at Mommy. Mama, papa na galing sa Kastila kahit na may Tag na tatay, nanay o itay, inay.  Nalilipat din ang mga morfim na gramatik tulad ng Kas-ero (lalake), - era (babae) na ginamit sa Tag pintasero, pintasera; bolero, bolera, kahit hindi makabuluhan ang gender sa gramar ng Tagalog.
  • 13. Laganap na rin ang paggamit ng salitang so na nalipat sa Filipino na galing sa Ingles kahit may katumbas na kaya. Galing sa Latin at Franses ang Ing – ble at able na maririnig sa mga salitang tulad ng agreeable, “kasiya-siya, kalugod-lugod”, excusable “mapapatawad”, variable “mapagbago-bago, magkakaiba”. Prodaktiv na sa Ingles ang mga safiks (suffix) na ito tulad ng bearable “matitiis”, eatable “makakain” at drinkable “maiinom”.
  • 14. Dahil sa paglilipat ng mga salita o iba pang elementong galing sa ibang wika, naapektuhan din ang sistem ng mga tunog ng wikang nalipatan. Kung pakikinggan ang mga nagsasalita sa Filipino o ilan sa iba pang WP, maririnig ang bagong kl- na dating wala nito dahil sa mga salitang nalipat tulad ng klineks, klasrum, klinik at br – sa brand, breyses, brok.
  • 15. Nalipat din ang magkasunod na konsonant sa hulihan ng salita tulad ng – ks dahil sa taks, klineks, akrobatiks, seks; ang –ns sa sayans, fans, resistans;-rd sa blakbord, badigard, kord; - dj sa jadj, gradj at nalipat sa Ing ang Scandinavian sk- dahil sa mga salitang tulad ng sky “ langit”, skin “balat” at skirt “palda”.
  • 16. Tabu  Malaki rin ang epekto ng tabu (Ing taboo) o salitang pang-iwas sa pagbabago sa wika. May mga salitang iniiwasan dahil sa hindi dapat sabihin sa partikular na sitwasyon o tinuturing na mahalay, bastos, o walang galang. Ito ang dahilan kung bakit pinapalitan ng ibang salita ang tawag sa mga parte ng katawan tulad ng “ibon ng lalake”, “ monay ng babae”. Ganon din ang nangyari sa mga salita tungkol sa namatay, halimbawa yumao at, sumakabilang buhay “namatay”. Ang pangunahing kahulugan ng labi ay ang “labis sa anumang bagay o tira” pero, ginagamit din ito para tukuyin ang patay o katawan ng patay.
  • 17. Ang mga akronim na CR, LR na galing sa Ing na comfort room, ladies room ay ginagamit sa pag- iiwas sa mga salitang toilet, kubeta o kasilyas na direktang tumutukoy sa lugar ng pagtae. Dahil sa sakit na ketong, halos hindi ito sinasabi at higit pang ginagamit ang banyagang leproso. Madalas binabanggit ang sakit sa salitang iyon/ sakit na iyon. Madalas na nakakalimutan ang sating salita sahil hindi na nababanggit o naririnig, kaya ang salitang gamit na pang-iwas ang nananatili sa wika.
  • 18. SIMPLIFIKESYON Bukod sa pangangailangan na dala ng kapaligiran, nababago din ang wika dahil sa tendensya ng mga nagsasalita na gawing mas madali ang pagsasalita nila na nagreresulta ng simplifikesyon ng mga form ng wika. Masasabing ang tendensya ng taong hanapin ang pinakamadaling paraan para sa anumang gawain. Makikita ito sa pag-igsi ng mga salita sa paraan ng pagkakaltas ng tunog, halimbawa, ang pagkawala ng vawel o pagsimpifay ng konsonant-klaster.
  • 19. Hal. Ang pagsimplifay ng Middle English KK -> modern English K-: kn-/ → /n- / knee “tuhod”, /hl/ → /l/ hlof > loaf “pan de unan”. Hal. Din ang Tag at > -t kapag sumusunod sa isang vawel: buto’t balat, lalake’t babae. Kung titingnan ang pagdevelop ng mga Wp galing sa proto philippine (PP) makikita ito sa *palaka? > Akl pakά?, War paklά, Bla fak; *buhuk > Kap bwak, Bla wak, Bah, buk, Ibg bu?. Sa kontemporaryong wika maririnig ang utol < kaputol; insan < pinsan.
  • 20. Dayverjens at mga varayti ng wika Hanggang sa puntong ito binabanggit ang wika na parang homojinyus o pare-parehong magsalita ang lahat ng gumamit ng isang wika. Pero alam natin na hindi ganito ang wika. Nalalaman natin na may mga nagsasalitang iba ang punto, o may mga gumagamit ng ibang salita para sa iisang kahulugan. Samaktwid, may mga varayti ang wika na tinatawag na dayalek. Nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika pero kinikilala nila na may pagkakaiba ang mga salita nila.
  • 21.  Pwedeng hindi pareho ang pagbigkas nila ng isa o ilang tunog, o iba ang ginagamit na salita para sa isang bagay o may ilang pagkakaiba sa pagbuo ng ilang sentens, pero nagkakaintindihan pa rin sila. Nagsasalita lang sila ng magkaibang dayalek ng isang wika. Hal. Dayalek ng wikang Tagalog ang varayti nito na sinasalita sa Batangas na bukod sa punto, maririnig ang katangi-tanging ga at baga; ang mga salitang kalamunding “kalamansi”, ngirngir “ gilagid” at ba pang mga salitang nagpapakilala sa kaibahan nito sa Tagalog na marirnig, hal. Sa Rizal, sa Quezon, sa Bulacan, at iba pag varayti ng wikang Tagalog.
  • 22. Kung mapapasyal kayo sa probinsya ng Rizal, maririnig nyo ang ay hao na pagsang-ayon imbis na “oo”. Sa Mindoro naman ito’y hoo. Kahit sa isang dayalek, meron pa ring mga katangian sa pagsasalita ang bawat indibidwal, at ang kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng indibidwal ang tinatawag na idyolek. Di pare-pareho ang pagsasalita ng bawat tao dala ng edad, seks / gender o status sa lipunan at, kuminsan, hilig. Ito’y nababatay pa sa kung sino at kung nasaan ang kausap. Ganumpaman, idinidiin dito na di maaaring sabihin na homojinyus ang isang wika dahil binubuo ito ng higit sa isang varayti. Bawat wika’y may dayalek at bawat dayalek ay koleksyon o binubuo ng mga idyolek. Ang mga dayalek at idyolek na rin ang matibay na ebidensya ng pagbabago sa wika.
  • 23. Mula pa nung mga unang panahon sinikap na maipaliwanag ang pagkakaroon ng iba’t ibang varayti ng pagsasalita. Isa na rito ang paliwanang ng Judeo-Christian sa paniwalang pinarusahan ng Dyos ang kayabangan ng mga nagtayo ng Tore ng Babel na humangad makaabot sana sa langit. Kaya mula noon nagkaroon ng iba’t ibang wika ang dating nagkakaintindihan sa isang wika. May mga iba pang paliwanag ang mga pilosopo sa Europe, mg tyuring nanatili hanggang sa panahon na pinag-aralan ang wika mula sa sayantifik na pananaw.
  • 24.  Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayari na nagreresuta ng tinatawag na daverjens, ang dahilan kung bakit nagkaron ng iba’t ibang uri o varayti na tinuturing na mga dayalek ng wika at sa kalaunan naging mga magkaibang wika.
  • 25.  Para maipaliwanag ang dayverjens, ipalagay natin na may isang wikang halos homojinyus dahil halos pare- pareho ang hanapbuhay at iisa ang kultura ng mga nagsasalita nito. Bukod dito, halos walang oportunidad na magkaroon ng kontak ang komunidad sa ibang grupong may ibang kultura ‘t wika. At ipalagay na dahil sa kahirapan ng buhay, o di kaya takot sa mga nang-aapi, lumipat ang isa o ilang pamilya sa ibang malayu-layong lugar na iba ang kapaligiran sa pinanggalingan, may ibang halaman, hayop, sors ng kabuhayan at iba pa, at may pagkakataong magkaroon ng kontak sa ibang komunidad na may ibang gawi’t wika.
  • 26. Magkakaroon ng impak ang lahat ng ito sa buhay ng mga bagong lipat at dahil dito, sa kanilang wika. Magbabago’t magdedevelop ang kanilang wika na di pareho sa pagdevelop ng wika ng komunidad na iniwanan. Darating ang panahon na magkakaroon ng marami,t makabukuhang iisa. Mangyayari na di na magkakaintindihan ang mga nagsasalita ng mga wikang ito at maituturing na nagdayverj o naging magkaibang wika na ang mga ito.
  • 27. Kung di gaanong nagdayverj at meron pang mutual intelligibility o myutwal na pagkakaintindihan, masasabing ito’y mga varayti o mga dayalek ng isang wika. Kapag lugar o mga bawnderi na jeyografikal ang tinitingnan, mga jeyografik o rejunal na dayalek ang pinag-uusapan. Pero kung mga varayti ng wika ang ginagamit sa mga relasyong sosyal ang tawag dito’y sosyal-dayalek.
  • 28.  Di gaanong napapansin ang pagbabago sa sariling wika dahil di konsyus ang nagsasalita kung papano dapat o di dapat bigkasin ag bawat tunog o salita. Maingat lang syang magsalita kung kausap nya ang gaanong marunong ng wika nya. O kaya pormal ang okasyon, o meron syang dinidiin na punto. Kaya pwedeng magbago ang pagbigkas nya ng tunog na nagreresulta sa pagbabago ng fonoloji ng wikang ito. Maari rin dahil nanghiram sya ng salitang galing sa ibang wika, di lang madadagdagan ang bokabularyo ng wika nya kundi maaring magkaroon ng pagbabago ng fonoloji nito sapagkat nalipat din ang banyagang tunog ng hinihiram na salita.
  • 29. Hal. ng huling binanggit ang pagkakaroon ng kontras sa /i-e/, misa-mesa mga salitang Tagalog na galing sa Kastila. Ganon din ang pagkakaroon ng /j/ sa ibang WP dahil sa jip isang klaseng sasakyan at jadj “hwes” na galing sa Ingles. Kadalasan, lalo na nung unang panahon, maraming taon, kuminsan daang taon, bago nagkaroon ng kapansin-pansing bagong elemento sa wika. Pero sa kasalukuyan na madaling makipagkontak ang iba’t ibang grupo ng tao dahil sa makabagong transportasyon, mas midya, at sa bagong elektronik na komunikasyon, mas madali’t mabilis ang pagpasok at pagtatag ng mga pagbabago sa wika.
  • 30. Nabanggit na nagyayari ang pagbabago sa lahat ng lebel ng wika: sa lebel ng tunog o pagbabagong pangfonoloji; sa mga salita o pagbabagong pangmorfoloji; sa pagbubuo ng mga sentens o pagbabagong pansintaks; at sa kahulugan o pagbabagong pansemantik.  Ang pinakamabilis na pagbabago’y ang nasa lebel ng salita. Madaling tinatanggap ang pagbabago sa mga termino, pangalan ng materyal o pisikal na elementong iniimbento o kinuha sa ibang kultura, kesa sa pagbabago sa lebel ng tunog o sa sintaks ng wika. Gradwal na lumalaganap ang isang pagbabago o inobasyon s wika habang ito’y tinatanggap at ginagamit ng mga nagsasalita. Nag-uumpisa sa isang puntong fokal at kumakalat sa buong grupo na nagsasalita ng partikular na wikang iyon.
  • 31.  Ang unang sistematik na pag-aaral ng pagbabago ng tunog sa wika’y ginawa nung ika-18 sentyuri sa Europe. Pinagkumpara ang Latin, Grego, at Sanskrit at naipakita na may mga elementong komon sa tatlong wikang ito. Nung malapit nang matapos ang ika-18 sentyuri pinaliwanag ni Sir William Jones ang tyuri nya na batay sa mga elementong komon, mey pinanggalingan na wikang sinauna ang tatlong wikang binanggit na tinawag na Proto-Indo-European.  Malaki ang impluwensya ng tyuri ng evolusyon ni Darwin nung panahong iyon kaya ipinaliwanang ang pagdevelop ng wika batay sa mga relasyon nito sa mga ninunong wika. Itinulad ang relasyong ito sa isang puno at mga sanga nito kaya tinawag itong Family Tree Theory.
  • 32. • Hiniram ni August Schleicher (1861) ang tyuring ito at hinangad nyang ipakita sa isang Famii-tri ang jenetik na relasyon ng mga grupo-grupong wika na may mga elementong komon, na matetreys sa isang wikang ninuno. Ang kahinaan ng tyuring ito ay hindi nabigyan halaga ang mga dayalek ng wika.
  • 33. • Bukod dito, hindi rin naipaliwanag ang pagsplit o paghiwalay ng isang wika kaya nagkakaroon ito ng mga matatawag na anak, mga bunga ng pagbabago. * English (actual records) * Pre-English Period * Primitive Anglo- Frisian * Pre-Anglo- Frisian Period * Primitive West Germanic * Pre-West Germanic Period * Primitive Germanic * Pre-Germanic Period * Primitive Indo-European Kasaysayan ng Ingles batay sa tyuring famili-tri (Bloomfield 1933)
  • 34.  Wave Theory- ito ay prinisena ni J. Schmidt na kumikilala sa gradwal na pagbabago ng wika.  Binatay sa mga rekonstruksyon na resulta ng comparative method ang tradisyunal na klasipikesyon ni O. Dempwolff (1934) na sinundan ni A Capell (1962).  May ginawang pag-aaral si A Haudicourt (1965) na nakasalalay sa mga hangganang Jeografik.  Gumamit naman ng leksikostatiks si I. Dyen (1965) para sa kanyang tyuri tungkol sa pagklasifay ng mga nasabing wika.
  • 35. Mga Metod na Dayakronik  Kung pag-aaralan ang mga naisulat sa isang wika nung sinaunang panahon o kung ikukumpara ang mga wikang magkakamag-anak-mga wikang may mga elementong komon sa iba’t ibang lebel- malalaman na may nangyaring pagbabago sa histori ng mga wikang iyon. Malalaman din kung ano ang prehistori nito at ang tyuritikal na anyo ng sinaunang wika na pinagmulan ng mga wikang kinukompara. May ilang metod na nagagamit sa pag-aaral ng histori at prehistori ng isang wika.
  • 36.  Metod na kwaliteytiv- kung saan mga fityur ng mga wika ang pinag-aaralan.  Kwantiteytiv na ginagamitan ng bilang, persent, at statistiks sa pagpapatiay sa mga obserbasyon tungkol sa mga elemntong pinag-aaralan.  Kwaliteytiv na paraan- komparativ-rekonstrakyon, internal rekonstraksyon, rul representesyon, dayalektoloji.  Kwanteytiv na paraan- leksikostastistik at glotokronoloji.
  • 37. Dalawang klase ng rekonstraksyon: 1. Komparativ- rekonstraksyon- kinukumpara ang mga magkamag-anak na wika para malaman ang hugis ng wikang pinanggalingan. 2. Internal-rekonstraksyon – pinag-aaralan ang pagbabagong makikita sa isang yugto ng development ng wika. Pinag-aaralan din ang mga dayalek ng isang wika at kinukunan ng mga form na maaring ipagkumpara.
  • 38. ANG KOMPARATIV-METOD Ang pinakaepektibong paraan para malaman ang relasyon ng mga wika at ang histori ng pagdevelop nito. Ginagamit ang metod na ito para marekonstrak, mabuo muli, ang maaring paniwalaang mga form ng isang sinauna o irihinal na wika. • Proto o Ninunong Wika (PW/NW) ang maaring pinanggalingan ng magkamag-anak na wika. • Hal. Tag (bigas), Vis,Ilk (bagas), Tbw, Bah (bagas), Isi (bohas)......(bugas) “kanin”... • Apuy, afuy, afi, api, “ apoy”; balay, vaxay,walay, “ bahay” tinatawag na kogneyt ang mga ganitong salita na maririnig sa mga kamag-anakang wika na halos pareho ang tunog at kahulugan.
  • 39. Korespondens-set ang isang set ng mga tunog na nagkokorespond sa bawat isa sa mga kogneyt ng mga wikang kinukumpara. Korespondens-set ng b ay b:v:b/w; “apuy” p:f ; bigas ay ang unang vawel i:u:a *a- ay maririnig kahit sa alin mang pusisyon sa salita tulad ng nasa kogneyt-set
  • 40. KOMPARATIV-REKONSTRAKSYON Kogneyt ng Tag dila sa ilang WP para makita ang aplikasyon ng komparativ-metod sa pagrekonstrak ng mga tunog/salita na maaring tawaging Proto-Pilipinas (PP). Ito ang wikang tyuretikal na ipinalalagay sa PW ng mga wika ng Pilipinas. Kogneyt-set ng dilaɁ- dilaɁ,...dila,...dilά,...rilaɁ,...zilά,...Čila,... Dilάk i,a,l- ang mga tunog na ito ang tatayong mga protoform. Ɂ- ang simbol para sa minumungkahing orihinal na tunog. Refleks- ang tunog sa wika na masasabing galing sa orihinal na tunog o protoform. Kogneyt-set ng waloɁ- walú,...wάluɁ,...wάlu,..waxu,.wagό,..waLú,..waYό.. korespondens- l:x:g:L:Y
  • 41. INTERNAL REKONSTRAKSYON  kinukumpara ang mga varayti ng wika sa isang panahon, hal. Sa kontemporaryong panahon, para malaman ang form ng sinaunang wika tulad ng Proto-Tagalog. Samantala, sa komparativ- rekonstraksyon kinukumpara ang mga magkamag-anak na wika para malaman ang sinaunang wikang pinanggalingan ng mga ito.  Nagagamit din ang komparativ-metod sa pagrekonstrak ng histori ng isang kontemporaryong wika. Kinukumpara ang mga iba’t ibang dayalek nito, mga tunog, salita, sentens at kahulugan para marekonstrak ang masasabing sinaunang form ng wika.
  • 42. Hal. Alupihan – na maririnig sa ilang dayalek ng Tagalog • Aluhipan- sa ibang varayti • Lumunin – sa Lukban, Quezon na • Lunukin – sa ibang dayalek • Taytay (Rizal) tuliya, bakaya, aleng, in-in na tulya, bakya, alin, at in-in sa ibang dayalek.  Ang pagkakaiba ng mga dayalek ng Tagalog na nagbibigay linaw sa sinaunang wika nito. Ang sikwens ng glotal-stap at isang konsonant, -ɁK- o- KɁ • Hal. Bigat- bigɁat, puson -pusɁon, gabi- gabɁi, tamis - tamɁis, sipon- sipɁon. • Hal ng sikwens KɁ- KK→K = Digkit-dikit, halungkay- halukay, likyab-liyab.
  • 43. RUL-REPRESENTESYON  Sa tatlong komponent ng wika- sintaks, semantiks at fonoloji- ang SINTAKS- ang nagjejenereyt ng mga sentens. At dito malalaman ang mga rul sa pagbubuo ng mga ito at ng leksikon. Idinadagdag ang mga pagbabago sa tunog ng wika sa dulo ng fonoloji bilang mga bagong rul nito. Ang pagpapakita ng ganitong pagbabago’y tinatawag na pagrestraktyur.  Reordering- pagbabago sa pagkakasunod ng mga rul. Isang inobesyon na nagsasalamin ng pagbabago sa wika. Hal. b *b→ b, w/# __ (Mar) v (Itb)
  • 44. • Hal. Pagreorder ng pusisyon ng adverb-sabjek at verb sa Ingles (Bynon 1977). Sa old English –nalipat sa unahan ng sentens ang alinman sa mga konstityuwent na nag- iisa. * order ng konstityuwent– Old English – Adverb-verb- subjek. * nareoder ang rul – subjek-verb – may ilang adverb na sumusunod sa dating rul tulad ng never, scarcely, hardly. Kaya may mga sentens sa kasalukuyan sa Ingles tulad ng Never did he mention....” ni minsan di nya binanggit”, Scarcely had she finished...., “Halos di pa nya natapos”.
  • 45. LEKSOKOSTATISTIKS AT GLOTOKRONOLOJI Dinevelop ang mga paraang leksikostatistiks at glotokronoloji para malaman ang tagal ng panahon o time depth (td) – taong nakalipas buhat nung nagsplit ang magkamag-anakang wika. Sa Metod na kwalityetiv- di malalaman ang higit kumulang na daan-daang bilang ng mga taon, kung kelan bumukod ang wika sa sinaunang wika o kung kelan nangyari ang dayverjens. Sa Paraang Komparativ – hindi malalaman ang haba ng panahong lumipas buhat sa panahon na iisang wika pa ang magkokontemporaring pinag- aaralang wika. Natatantya lang ito sa pagreleyt sa ibang pangyayari sa histori ng komunidad na gumagamit ng pinag-uusapang wika, tuld ng gera, malaking sakuna
  • 46.  M. Swadesh (1950) - Isa sa kilalang skolar para malaman o makwenta ang dami ng taong lumipas mula nung nagkaroon ng dayverjens. Ayon sa kanya, may bahagi ng vokabulari ng wika na nagbabago sa palagiang reyt.  Beysic-vokabulari- binubuo ng mga salitang pinaniniwalaang unibersal at mga salitang nagmamarka ng gramatik-fangsyon. Listahan ito ng mga salita na di halos nababago dahil hindi naktukoy o nakatali sa kultura, Hal. Mga parte ng katawan ng tao tuld ng ulo, mata, daliri; pangyayari sa kalikasan tulad ng ulan, lindol, damo, puno; unibersal na eksperyens tulad ng pagtulog, pagkain, panganganak; salitang may gramatik fangsyon tulad ng ako, ikaw, at, ang.  Listahang Swadesh- ang tawag sa listahan ito ng 200 na salita na binawasan ng 100.
  • 47.  Pinoproseso ang mga resulta ng bilang ng isang formyula batay sa asamsyon na magkapareho ang bilis ng pagbabago ng beysik-vokabulari ng anumang wika. Magkapareho di lang sa haba ng panahon buhat sa pagsplit, kundi maging sa bilis ng pagbabago na tinatawag na td. Tulad ng nabanggit na, ito ang pinaniniwalaang taon kung kailan nagkaroon ng dayverjens. Ang ganitong pag-aaral ang tinatawag na leksikostatistiks.  Samantala, sa nasabing paraan natutuklasan din ang bawat pagsplit at ang kronoloji ng pagsplit. Ibig sabihin, kung alin ang magkakasunod na pagsplit ng mga wika buhat sa pinakamtandang sinaunang wika. Kung ilalagay lahat ito sa famili- tri, ito ang buko sa tri. Ang pagplot ng famili-tri sa paraang leksikostatistiks ang tinatawag na glotokronoloji.
  • 48.  Retensyon- Pageksamin sa listahan ng beysic- vokabulari para malaman ang bilang ng mga kogneyt base sa pagkakahawig ng korespondens nila sa sinaunang wika.  Batay sa unang ginawang pag-aaral ng mga wikang Indi- European, Intsik at iba pa, nalaman na ang averej-reyt ng retensyon ay 81% sa 200 na listahan 0 86% sa 100 na listahan.  Formula ng leksikostatistiks log c t = (t = panahon, log = ‘logarithm’, c = kogneyt, r = reyt) 2 log r
  • 49. Ito ngayon ang ginagamit na reyt sa pagkalkuleyt ng reyt ng retensyon sa loob ng isang libong taon. Samakatwid 86% ng beysic- vokabulari ng sinaunang wika ang naiiwan o hindi nawawala sa mga wika ng mga anak nito. Dapat tandaan na kelangan maestablis muna na magkakamag-anak ang mga wikang pinag-aaralan. Nalalaman ito kapag nagawan na ng komparativ na pag-aaral ng tunog/morfim/sitaks ng mga wikang inaaplayan ng leksikostatiks/ glotokronoloji.
  • 50. PAGBABAGONG PANGFONOLOJI  Inisyal n k- bago ng n sa kontemporaryong Ingles bagamat nakikita pa rin kapag nakasulat ang mga salitang meron nito. Hal. Know ‘alam’, knife ‘kutsilyo’, *Sa mga WP ang mga PP na diptong ay napalitan ng monoptong sa kapangpangan kaya PP *ɁanaɁəy ‘anay’ > Ɂane (ay>e); PP *Ɂapúy>Ɂapi (uy>i). *Rul a e PP y→ u I
  • 51. MONOPTONGISESYON Ito ang proseso ng pagbabago na ang dating diptong vawel + semi-vawel, ay nagiging isang vawel. Pwedeng sabihing pagsisimplifay ito ng wika dahil mas simple ang isang tunog kesa sa kombinasyon ng dalawang tunog. Hal Middle English riwd> Modern English rud ‘bastos,walang galang’; PP *ɁanảɁey> Kap Ɂane ‘anay’; PP * kagtay> Igt Ɂagse ‘atay’
  • 52. DIPTONGISESYON Kabaligtaran ito ng prosesong katatalakay pa lamang. Naging diptong ang dating isang vawel lamang, tulad ng Middle English wi:f > Modern English wayf ‘asawang babae’.
  • 53.  ASIMILESYON- Pagbabagong morfofonimik bilang singkronik na pagbabago. - nababago ang dating tunog sa isang salita dahil sa hila o impluwensya ng katabing tunog. Hal. PP *supsap > Yak. Sassap dahil bumagay o naasimileyt  DISIMILESYON- Kabaligtaran ng asimilesyon ang prosesong ito na makikita sa mga PP stap na naging mga neysal na homorganik. Ibig sabihin, naging neysal na binibigkas sa punto ng artikulesyon ng dating stap, halimbawa PP *sάɁbit > Itb saɁmit ‘sabit’,, PP *supsəp > Itw súmsup ‘susup’.
  • 54.  PAGTAAS AT PAGBABA- Maaring nagkaroon ng pagbabago dahil napataas o napababa ang pusisyon ng dila sa pagbigkas ng dating mababa o mataas na tunog hal. Middle English he>hi ‘sya (lalake)’ kung saan napalitan ang pagitna na e ng pataas na i.  PATALIKOD AT PAHARAP – Sa prosesong ito binibigkas sa harapan ng bibig ang tunog na dating binibigkas sa likod o di kaya binibigkas sa likod ng bibig ang dating binibigkas sa harap. Hal. Ang tunog na [ɒ]sa Ingles ang mga British na binibigkas sa likod ng bibig sa mga salitang father,apple,ask na naging ᴂ, na binibigkas sa harap ng bibig sa Ingles ng mga Amerikano. Sa mga WP makikita ang prosesong ito sa PP * dὰ|an> Isi dԑyάn ‘daan’, *danúm> Kal čẻlum ‘tubig’ kung saan nahilang paharap ang a ng mga katabing tunog,
  • 55.  METATESIS- • Ito ang prosesong paglipat ng tunog sa ibang pusisyon sa loob ng isang morfim o salita tulad ng PP *baɁgát> Akl bugɁát, Bla Ɂablát ‘bigat’; *linaw > Ilk nilaw ‘langaw’;PP dakap >Igt dəkάp ‘dakip’ PP * diwataɁ > Bla Ɂadwata ‘diwata’. Nagkaroon ng otomatik at kinundisyon na metatesis sa kap ang mga tunog na p-,t-,b-, a s nung ito’y nasa unahan ng mga salita na sinusundan ng a na nanggaling sa PP *a kaya ang PP *bagásɁ >Ɂabyás ‘ bigas’, *pəsá > ɁapsáɁ ‘ pisa’. Hindi nangyari ang metatesis nung nagkaroon ng tatlong sunod-sunod na konsonant na resulta ng prosesong ito. Hal. *baɁgát > bayát ‘bigat’ at *baɁkaɁ > bába ‘baba’ dahil magkakaroon nga ng tatlong KKK ang mga salitang ito (bɁg/bɁk) na labag sa patern ng ga tunog sa Kapampangan.
  • 56.  PAGKAWALA/DELISYON AT PAGDADAGDAG – Maaring mangyari ang pagkawala ng tunog sa isang pusisyon lamang nito sa salita. Hal. Nawala o di na binibigkas ang tunog na –e sa name,dance,nose kahit sinusulat pa rin ito sa nasabing pusisyon sa mga ganitong salita. • Nangyayari din na nadadagdagan ng tunog ang mga salita at dahil sa pangkarniwang katangian ng wika.  JEMINESYON • Pag-uulit ng isang tunog hal. *panúɁ > Yak pannúɁ, Ilk punnú, Ibg pannú, Buk pannuɁ ‘puno’.  REDUPLIKESYON – • Pag-uulit ng silabol, morfim o ng buong salita. Hal. PP *kimlat, > Nag Vir, Kam kikilát, Mar kilakilát, Ibg kilakiláɁ ‘kidlat’
  • 57. PAGBABAGONG PANGMORFOLOJI  ANALOJI- • Isang proseso na nagreresulta sa pagbuo ng mga salita. Habang nagbabago ang isang wika, sa pagdaan ng panahon, malaki din ang proseso ito sa pagbabago sa sistemang morfoloji. Nagbabago ang ilang mga elemento mas laganap sa wikang iyon.  Analojik na pagbabago ang tawag sa ganitong proseso. Hal. Konggresman – tong ‘koleksyon’= tongresman ‘ konggresman n kumukulekta ng suhol’.
  • 58. • Pagdadagdag ng afiks- hal. Ulam: mag-ulam; bahay: magbahay; Helikopter: maghelikopter. • Kodak→ kodakan → kodaker; drive (verb)- driver;sing – singer • “plural –s” datas, alumnas, -datum, alumnae • Verb sa Ingles na may ed para sa pas-tens hal killed, grouped, moved,loved kesa sa paraang ng repleysiv tulad ng swum, wrote, ate. • Beys-form na nilalagyan ng afiks- donate- donation- donated-donates
  • 59. PAGBABAGONG PANSINTAKS  Ang pagbabago na may epekto sa pagbubuo ng sentens, o di kaya sa isa o higit pang mga elemento ng sentens.Nangyayari ito dahil sa ilang bagay. Isa na rito ang pagkakalantad ng spiker ng wika sa mga ekspresyon, pronunsesyon,salita o tunog ng ibang wika. Nagkakroon din ng pagbabago dahil sa mga inobesyon sa sarili niyang wika at ng pagbabago sa kanyang linggwistik environment.
  • 60.  Ang mga pagbabago sa sintaks na bunga ng impluwensya ng linggwistik-envayronment o ng pagkawala ng mga konstraksyon ay nagreresulta sa pagbabago sa mga rul ng sintaks. Kapag nagkaroon ng inobesyon sa wika bunga ng pagbabago ng linggwistik-envayronment, nagkakaroon ng karagdagang rul ng pag-aayos ng rul ng gramar. Nagkakaroon naman ng pagkawala ng rul kapag di na gamit ang isang konstraksyon ng wika. Kapag nangyari ito masasabing nagkaroon ng simplifikesyon sa gramar.
  • 61. • Malamang gaano man tayo katatas sa Tagalog mahirap siguro nating maintindihn ang: Carit nang carit ang matáng itiningin sa acqin nang poot. “ Kumakarit/matalim ang galit/ may poot na matang itining sa akin.”
  • 62. PAGBABAGONG PANSEMANTIK Mas nahahalata kaagad ang mga pagbabagong semantik, ang mga pagbabago sa kahulugan, kesa sa pagbabago sa ibang lebel ng wika. Tulad ng nabanggit na nagbabago ang wika dahil sa pagbabago ng envayronment nito na maaring epekto ng maygresyon o kontak sa ibang grupo o wika.
  • 63. Maraming Salamat! Genefer M. Hernandez Prof. April M. Bagon-Faeldan