2. • Kapitan Pablo- ang sinasabing nagsimula ng
pagsasalakay sa nakaraang gabi.
• Ibarra- tinangka niya raw itanan si Maria Clara.
• Maria Clara at Linares- ang itinakdang
magpakasal.
• Bruno- ang nagtapat sa tunay na nangyari sa
nakaraang gabi.
• Lucas- ang kanyang bangkay ay natagpuang
nakabitin sa sanga ng isang puno.
3. Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang
buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang
makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na
tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang
naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang
paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga
iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-
bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa
kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw
ang sumalakay.
4. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw
kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta
naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa
usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan
ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang
pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang
sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa
tulong ng mga sibil.
5. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang
lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong
nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita
tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa
ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang
paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni
Kapitan Tiyago si Pari Salvi. Ang mga sibil daw ang
sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae
naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa
ilalim ng puno ng santol si Lucas.