1. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL
Malaki ang papel ng historikal
na konteksto at personal na
background ng may-akda sa
pagbuo ng kanyang pananaw.
Dahil dito, iba – iba ang
pananaw sa progreso
2. TRANSISYON SA SUSUNOD NA MODYUL
Ang mga repormang (pagbabago)
hinangad nina Sancianco at Luna ay
naging bahagi ng kilusang reporma ng
mga Pilipino sa Espanya. Sa
pamamagitan ng panulat, inihayag ng
mga propagandista ang mga repormang
makakatulong sa pagsulong ng Pilipinas.
Tatalakayin ang mga repormang ito sa
susunod na modyul.
3. Q2, Module 2, Gawain 3
MGA REPORMISTA AT
ANG KANILANG ADHIKAIN
7. PANGKALAHATANG IDEYA
KILUSANG PROPAGANDA – isa sa
mga humubog ng kamalayang Pilipino
noong siglo 19
Karamihan ng kasapi ay mga
kabataan at mag-aaral
Dahil sa edukasyon, naging mapanuri
ang mga propagandista (tawag sa
kasapi ng Kilusang Propaganda) sa
suliranin ng bayan
13. PANGKALAHATANG IDEYA
Ano ang naging epekto ng kanilang
karanasan at kamulatan?
- Naging aktibo ang mga
edukadong Pilipino sa kampanya
tungo sa reporma (pagbabago) at iba’t
iba ang kanilang pamamaraan.
18. PANGKALAHATANG IDEYA
*iba – iba man ang pamamaraan,
nagkaisa sila sa pagpaparating ng
totoong kalagayan ng Pilipinas at sa
paghingi ng reporma o pagbabago.
24. PANGKALAHATANG IDEYA
Ano ang tatalakayin sa modyul na ito?
ang mga panulat ng mga
repormista (propaganda) at ang
kanilang adhikain, ang mga suliranin
ng Pilipinas at ilang mungkahi para
mabigyang solusyon ang mga ito.
25. PAGLALAHAD
Ano ang hiniling ni GREGORIO
SANCIANCO sa mga Espanyol sa
kanyang Ang Progreso ng Pilipinas
(1841)?
26. PAGLALAHAD
Ano ang hiniling ni GREGORIO
SANCIANCO sa mga Espanyol sa
kanyang Ang Progreso ng Pilipinas
(1841)?
pagbabago sa Pilipinas na
magbibigay-daan sa kaunlaran ng
kolonya.
27. GREGORIO SANCIANCO
Isa sa mga unang nag-
aral at nanirahan sa
Espanya.
Sumulat ng Ang
Progreso ng Pilipinas
(1841)
28. JOSE RIZAL
PAARALAN:
Ateneo Municipal,
Universidad de Santo
Tomas (UST), Universal
Central de Madrid
KURSO:
Medisina
29. MARCELO H. DEL PILAR
PAARALAN:
Letran College,
Universidad de Santo
Tomas(UST)
KURSO:
Abogasya
30. MARIANO PONCE
PAARALAN:
Letran College,
Universidad Central de
Madrid
KURSO:
Medisina
31. JUAN LUNA
PAARALAN:
Ateneo Municipal,
Academio de Debujo Y
Pintura
KURSO:
Pagpipinta
32. ANTONIO LUNA
PAARALAN:
Universidad de Santo
Tomas, Universidad de
Barcelona
KURSO:
Parmasya
33. GRACIANO LOPEZ - JAENA
PAARALAN:
Universidad de Valencia
KURSO:
Medisina
37. Ano ang naging epekto ng edukasyon
sa mga repormista?
nabuksan ang kanilang
mundo sa Europa at mga bagong
ideya, at nilayon ng mga ilustrado
na magkaroon ng pagbabago sa
Pilipinas.
39. Paano nila isinagawa ang kanilang
kampanya?
Kanilang isinagawa ang kampanya
para sa reporma sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga artikulo sa dyaryo, kung
kaya tinawag na Kilusang Propaganda ang
kanilang kampanya. Hinarap nila ang
kanilang mga petisyon sa mga nanungkulan
sa Espanya.
40. Paano nila isinagawa ang kanilang
kampanya?
Dahil mga edukado—bihasa sa
wikang Kastila, ang midyum ng pagtuturo
sa paaralan—at nanirahan sa Espanya,
kadalasan silang sumulat sa Kastila,
maliban kay Marcelo del Pilar, na sumulat
sa Tagalog bago siya lumipat sa Espanya
(dahil hinahabol na siya ng gobyerno sa
Pilipinas)
44. Sino ang mga nakabasa ng La
Solidaridad?
Mahalaga ang naging papel ng
dyaryong LA SOLIDARIDAD sa
komunidad ng mga Pilipino sa
Espanya at mga Espanyol na nakiisa
sa mga repormang Pilipino.
45. Mahalaga ang naging papel ng
dyaryong LA SOLIDARIDAD sa
komunidad ng mga Pilipino sa
Espanya at mga Espanyol na nakiisa
sa mga repormang Pilipino.
Tingnan ang sumusunod na
impormasyon.
46. LA SOLIDARIDAD
Opisyal na pahayagan ng
Kilusang Propaganda.
Lumabas ang unang isyu
nito noong 15 Pebrero
1889.
Naging punong-patnugot
si GRACIANO LOPEZ-
JAENA na sinundan ni
MARCELO H. DEL
PILAR. Naging
kasamang patnugot si
MARIANO PONCE.
47. LA SOLIDARIDAD
Naglalaman ang
pahayagan ng mga
hiling para sa
reporma sa kolonya,
ulat tungkol sa
kondisyon at
pangyayari sa
Pilipinas, mga
talumpati at kautusan
namay kinalaman sa
Pilipinas, at mga akda
tungkol sa kasaysayan,
kultura at wikang
Pilipino.
48. LA SOLIDARIDAD
Kabilang sa mga
nagbigay ng
kontribusyon sa
pahayagan ay sina
JOSE RIZAL,
ISABELO DE LOS
REYES, JOSE
ALEJANDRINO,
FERDINAND
BLUMENTRITT, at
iba pa.
49. LA SOLIDARIDAD
Nakasentro ang
pahayagan sa
BARCELONA,
ESPANYA.
Maliban sa mga
Pilipino na nakatira sa
Europa, iniukol din
ang pahayagan para sa
mga opisyal ng
pamahalaang
Espanya.
50. LA SOLIDARIDAD
Bagaman mahigpit
ang sensura sa
Pilipinas, ang ilang
kopya ng pahayagan
ay nakapasok sa
Maynila.
Inilabas ang huling
isyu noong
Nobyembre 1895.
51. SIPI
Bahasin ang sipi mula sa isyu ng LA
SOLIDARIDAD noong 15 Abril 1889
na nagpaliwanag ng layunin ng
pahayagan at adhikain ng mga
ilustradong repormista.
52.
53.
54.
55.
56. SIPI
Sumapi sa grupo. Bilugan o kulayan
ang bahagi ng petisyong sumasagot sa
tanong sa ibaba. Isulat kung aling
tanong ang sinasagot ng binilugan o
kinulayan.
57. SIPI
a. Sino ang sinulatan ng liham-petisyon?
b. Sinu-sino ang pumirma sa liham-petisyon?
c. Anu-ano ang nasyonalidad ng mga
pumirma?
d. Ano ang hiningi ng mga pumirma sa
petisyon?
e. Ano ang ginamit na batayan ng mga
nagpetisyon para isulong ang kanilang
hinihiling?
58. TSART
Sagutin ang tsart
1.Bakit sumulat sa Ministro ng Kolonya sa
Espanya at hindi sa opisyal na nasa Pilipinas?
2.Ano kaya ang impact ng sulat kung may
mga Espanyol ding sa hinihinging
pagbabago?
3.Anong benepisyo ang makukuha ng
Pilipinas sa mga repormang hinihingi sa
petisyon?
59. TSART
Ibahagi sa klase ang mga sagot ng grupo
o inyong sagot. Talakayin ang kahalagahan
ng mga repormang hiniling ng Kilusang
Propaganda.
60. DYARYO
Bakit mahalaga ang gamit ng dyaryo
(lokal o pahayagan ng paaralan) sa
araw-araw na buhay?
pinagmula ng impormasyon tungkol
sa nangyayari sa bayan at sa
komunidad sa iba – ibang larangan ng
buhay katulad ng pulitika, ekonomiya,
kultura at libangan
61. DYARYO
Bakit mahalaga ang gamit ng dyaryo
(lokal o pahayagan ng paaralan) sa
araw-araw na buhay?
makukuha ang opinyon ng mga
kolumnista at mambabasa tungkol sa
mahahalagang isyu
62. DYARYO
X
Bakit mahalaga ang gamit ng dyaryo
(lokal o pahayagan ng paaralan) sa
araw-araw na buhay?
nagiging bahagi ng bayan at
komunidad ang mambabasa dahil
nalaman niya ang nangyayari at sa
ganitong paraan ay nakikiisa siya sa
mga isyu o suliraning hinaharap at
maari rin maging bahagi ng solusyon.
63. a. Ministro ng
SIPI
Kolonyo o
X
Minister of
Colonies
b. Miguel Morayta, Galicano Apacible atbp.
c. Mga Pilipino at Espanyol sa Espanya
d. representasyon sa Cortes, pagtigil ng
pagbabawal ng pahayagan at mga
publikasyon at pagtigil ng pagtatapon ng
mamamayan
e. pagsulong ng Pilipinas ay naging kapantay
na siya ng ibang mga probinsya sa
Pilipinas
64. TSART
1. Hindi sila pinapansin ng pamahalaan sa
Maynila, kung kaya sa Ministro sila mismo
nagpetisyon. Inakala nilang mas
pakikinggan silang kung ang kinatawan ng
Hari sa Espanya mismo ang kanilang
susulatan.
2. Maaaring mas makikinig ang opisyal ng
Espanya kung makita niyang may kapwa
Espanyol na nakikisimpatya sa petisyon
65. 3.
TSART
X
a. maging pantay ang karapatan ng mga
Pilipino at mga Espanyol
b. sa pamamagitan ng kinatawan sa
Cortes, makalalahok ang Pilipinas sa pagbuo
ng batas na makaaapekto sa kanya
c. maihahayag nang malaya ang mga
problema at perspektibo ng mga Pilipino
nang walang takot na huhulihin o itatapon
sila sa ibang lugar.