1. SIKOLOHIYANG PILIPINO
ni CAROLINO, Jeanelei L.
“Ang kaalaman natin sa iba’t-ibang kultura ay humubog sa atin upang luminang
pa ang kaisipan at pag-unawa.”
Sa umpisa ay nahirapan kaming intindihin kung ano ang Sikolohiyang
Pilipino? Kung kaya’t bawat isa sa amin ay talagang magsunog ng kilay sa
paghahanap ng mga kasagutan sa internet tungkol sa kahulugan ng Sikolohiyang
Pilipino at iba pang mga detalye ukol dito. At napag-alaman namin na ito pala ay
tumutukoy sa “Philippine Psychology”. Kaya’t nabigyang linaw ang aming mga
isipan tungkol sa araling nabanggit. Matagal din naming nabuo ang kaisipan ukol
sa aralin sapagkat nagkaroon pa ng mahabang talakayan ang bawat isa batay sa
pagkakaintindi sa mga impormasyong nakuha sa internet.
Hango sa aming nabasa at talakayan ang Sikolohiyang Pilipino ay
sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyo ng Pilipino, batay sa
kabuuang paggamit ng kultura at wikang Pilipino. Ito rin ang siyentipikong pag-
aaral ng pag-iisip ng tao at kakayahan nito na nakakaapekto sa kilos;
pangkaisipan na katangian o pananaw ng isang tao o pangkat
(http://liancvivas.wordpress.com/2009/11/16/ sikolohiya-ng-wikang-filipino/).
Sa kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino, dumating ang mga Amerikano at
ibinahagi nila ang edukasyon at nagsagawa ng mga IQ test, personality test sa
mga Pilipino, kagaya ng mga tanong na ito “Who is Amelia Earhart?”, “Whatever
happens to Amelia Earhart, who watch the stars up in the sky?”- Someday We’ll
Know, New Radicals”, “How many dimes are there in a quarter?”, na hindi
naman angkop sa mga Pilipino, sapagkat ito ay nakabatay sa kanilang kultura.
At dito ibinahagi rin nila sa mga Pilipino na dapat makuntinto kung ano man ang
2. nakasanayan na. Halimbawa na lamang ay yaong kantang “Bahay Kubo” na
dapat makuntinto sa kubo at hindi maghangad pa ng mas malalaking bahay.
Ibinahagi rin nila sa atin ang paggamit ng mga konsepto at panukat, na
hindi naaangkop sa ating kultura sapagkat ito’y nagpakita ng hindi tamang
interpretasyon ng kilos at pag-iisip ng isang indibidwal. Kung gayon, dapat sana
ito ay naaayon sa kontekstong ginagalawan ng isang indibidwal! Ang mga
pagpapahalaga at pinahahalagahan sa isang kultura ay maaaring makita sa wika.
Halimbawa; bigas – rice, palay – rice grain, kanin – cooked rice, bahaw – cold
rice, tutong – burnt rice, suman – rice cake at lugaw – rice porridge.
Si Virgilio Enriquez ang siyang tinaguriang “Ama ng Sikolohiyang Pilipino”,
nag-aral siya ng post graduate sa ibang bansa at sa aming palagay ito ay upang
maihambing niya ang kultura ng Pilipino at ng mga dayuhan. Kaya siguro
napagtanto niya na ang kulturang dayuhan ay hindi maaaring gamitin sa
kulturang Pilipino. Taong 70’s ng bumalik siya sa bansang Pilipinas upang ibahagi
ang kanyang mga natuklasan bunga sa kanyang pag-aaral at isa dito ay ang
tungkol sa Sikolohiyang Pilipino. Ipinakilala rin niya ang tatlong anyo ng
Sikolohiyang Pilipino. Ito ay ang mga sumusunod: a. Sikolohiya ng Pilipinas; b.
Sikolohiya ng mga Pilipino; at c. Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiya ng Pilipinas
ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro (texbook), at sikolohiyang
makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino. Halimbawa: Ang aklat na
galing sa ibang bansa at inilagay sa isang silid-aklatan dito sa Pilipinas ay maaring
maging isang bahagi na ng silid-aklatang iyon. Kaya ito ay may kinalaman sa
kabuuang sikolohiya ng ating bansa kasama na ang mag sariling sikolohiya at ang
sikolohiya na nadala ng dayuhan sa bansang Pilipinas maging ito man ay sa
anong paraan at anyo. (http://www.scribd.com/doc/98721023/Sikolohiyang-
Pilipino-Virgilio-Enriquez). Ang pangalawang anyo ay ang Sikolohiya ng mga
3. Pilipino na tumutukoy naman sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino. Halimbawa: Ang
Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko kung saan may kanyan-
kanyang nakaugaliang mga kultura kung kaya’t itong nagkakaiba’t-ibang pangkat
etniko ng Pilipinas ay ang bumubuo sa tinutukoy na Sikolohiya ng mga Pilipinio.
Samantala, ang pangatlong anyo na Sikolohiyang Pilipino ay ang nilalayong anyo
ng sikolohiya sa Pilipinas. Ito ang sikolohiyang bunga ng Karanasa, Kaisipan, at
Oryentasyong Pilipino (KKO). Halimbawa: Ang isang kulturang ipinaiiral ng isang
pamilya sa kanilang tahanan ay ang batayan sa Sikolohiyang Pilipino na
nagbibigay ng matatag na katunayan sa pagkakaroon ng sariling kultura na
tinutukoy dito.
Mayroon ding mga Pangunahing-aral ang Sikolohiyang Pilipino. Ito ay ang
mga sumusunod: A. Core Value o Kapwa - na tumutukoy sa Kapwa,
nangangahulugang 'togetherness', ang nangunguna sa pangunahing-aral ng
Sikolohiyang Pilipino. Kapwa ay tumutukoy sa pamayanan; na hindi ka nag-iisa
sa paggawa. Ang Kapwa ay mayroong dalawang uri. Ang una ay Ibang Tao (other
people), halimbawa: Pakikitungo, Pakikisalamuha, Pakikilahok, Pakikibagay, at
Pakikisama. Ang pangalawa ay Hindi Ibang Tao (not other people), halimbawa:
Pakikipagpalagayang-loob, Pakikisangkot, at Pakikipagkaisa. B. Pivotal
Interpersonal Values ito ay tumutukoy sa Pakiramdam: Ibahagi ang sariling
kaisipan. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng damdam, o ang sariling kaisipan sa
damdamin ng iba, bilang pangunahing kasangkapan sa kanyang pakikitungo sa
kapwa tao. C. Linking Socio-Personal Value ito ay tumotukoy sa Kagandahang-
Loob: Ang pagbabahagi sa sangkatauhan. Tumutukoy ito sa kakayahang
tumulong sa kapwa tao sa panahon ng kanilang pangangailan dahil sa kanilang
pagkakaunawa na ang pagiging magkasama ay bahagi na ng isang pagiging
Pilipino. D. Accomodative Surface Values ito ay tumutukoy sa mga sumusunod;
4. Hiya: kadalasan naiuugnay bilang “Kahihiyan” ng mga Kanluraning Sikologo,
katunayan ang Hiya ay “naaangkop na pag-uugali”. Utang na Loob: “Norm of
Reciprocity” sa Ingles. Ang mga Pilipino ay inaasaha ng kapwa na gumanti sa
pabor na natanggap — ito man ay hiningi o hindi — o ito man ay kailangan o
ginusto. Pakikisama at Pakikipagkapwa: “Smooth Interpersonal Relationship
(SIR)”, na likha ni Lynch (1961 and 1973). Ang saloobin na ito una sa lahat ay
pinatnubayan na alinsunod sa nakararami. E. Confrontative surface values ito ay
ang mga sumusunod: Bahala Na: Ang saloobin na ito ay kadalasang naiuugnay
sa Ingles bilang “'fatalistic passiveness”, na katunayan ay tumutukoy sa
pamamaraan ng pamumuhay ng mga Pilipino na siya ay determinadong gawin
ang abot ng kanyang makakaya, kaya umusbong ang salating bahala na, na
katunayang nanggaling sa salitang bathalan na, na ang kahulugan ay “Gagawin
ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, at ang Diyos na ang gagawa sa nalalabi”.
Lakas ng Loob: Ang saloobin na ito ay inilalarawan sa pagkakaroon ng buo na
loob sa kabila ng mga suliranin at pag-aalinlangan. Pakikibaka: Ito ay
nangangahulugang “concurrent clashes” sa Ingles. Tumutukoy sa kakayahan ng
mga Pilipino na magsagawa ng mga rebolusyon at pag-aalsa laban sa palasak na
katunggali. F. Societal values ito ay ang mga sumusunod: Karangalan: kadalasan
nauugnay sa dignidad, na sa katunayan ay nangangahulugan na kung ano amg
palagay ng ibang tao sa kapwa at paano nila ginagamit ang kaalamang ito sa
pagkilala at paghusga sa kanyang buong pagkatao at kahalagahan. Puri: ito ay
ang panlabas ng aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paanon natin
hinuhusgahan ang buong pagkatao at kahalagahan ng kapwa. Dangal: ito ay ang
panloob na aspeto ng dangal na tumutukoy sa kung paano niya hinuhusgahan
kanyang pagkatao at kahalagahan. Katarungan: kadalasan ito ay nauugnay sa
katarungan o hustisya, na sa katunayan ay nangangahulugan na ang
pagkamakataong makapagbibigay gantimpala sa kapwa. Kalayaan: Ito ay
5. nangangahulugang “Freedom and mobility” sa Ingles. Sa makatuwid ito ay
magkakasalungat sa hindi gaanong mahalaga na pag-uugali na pakikisama or
pakikibagay. (http://www.authorstream.com/Presentation/charminglyours-
9717 1sikolohiya ng-pilipino-education-ppt-powerpoint/).