Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Filipino tula-compatible

18,247 views

Published on

fs 3 requirement pls. like and comment

Published in: Education
  • Login to see the comments

Filipino tula-compatible

  1. 1. TULA ARALIN PARA SA IKAAPAT NA TAON Ruth jane Guiwa Saturno
  2. 2. BALANGKAS NG ARALIN Kahulugan ng Tula Elemento ng Tula Anyo ng Tula
  3. 3. KAHULUGAN NG TULA * Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. *Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting
  4. 4. ELEMENTO NG TULA Tugma Sukat Kariktan Talinhaga Persona Tayutay Tono / indayog Paksa
  5. 5. 1. TUGMA - nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma 1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpantig 2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y
  6. 6. 2. SUKAT tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
  7. 7. MGA HALIMBAWA NG SUKAT NG PANTIG  1. Wawaluhin –     Halimbawa:     Isda ko sa Mariveles     Nasa loob ang kaliskis     2. Lalabindalawahin –     Halimbawa:     Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad     Sa bait at muni, sa hatol ay salat
  8. 8. 3. Lalabing-animin –     Halimbawa:     Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis     Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 4. Lalabingwaluhin–     Halimbawa:     Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay     Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay.
  9. 9. 3. Paksa - maraming maaaring maging paksa ang isang tula 4. Tayutay - paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula 5. Tono/Indayog - tumutukoy sa pagbaba at pagtaas ng tono o pagbigkas - dapat isaalang-alang ang diwa ng tula 6. Persona - tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula - una, ikalawa o ikatlong panauhan
  10. 10. 7. Kariktan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. 8. Talinghaga Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.     ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagsasatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
  11. 11. MGA ANYO NG TULA Malayang taludturan  Tradisyonal  May sukat na walang tugma  Walang sukat na may tugma
  12. 12. MGA URI NG TULA Tulang Liriko o Tulang Damdamin Tulang Pasalaysay o narrative poetry sa ingles Tulang Patnigan a Tulang Pantanghalan o Padula.
  13. 13. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry)  tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.  hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
  14. 14. URI NG TULANG LIRIKO Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
  15. 15. • Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit – Isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  16. 16. 2. TULANG PASALAYSAY (NARRATIVE POETRY) – Isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays.
  17. 17. URI NG PASALAYSAY a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. b. Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna.
  18. 18. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay.
  19. 19. 3. TULANG PATNIGAN (JOUSTIC POETRY) Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
  20. 20. b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 
  21. 21. 4. TULANG PANTANGHALAN O PADULA Karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw- araw na buhay.
  22. 22. MARAMING SALAMAT!  G O D BLESS U S!

×