Ito ay isang powerpoint presentation na nakatuon sa pagtalakay ng mga teorya na nagpapaliwanag sa konsepto na nakapaloob sa paksang: gamit ng wika sa lipunan.
Music,Arts, Physical Education, Health pptx 4th quarter
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa Lipunan
1. GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
2. GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
Ang wika ang sinasabing “sentro ng
sangkatauhan”
Ang wika ay umuusbong kasabay ng
sangkatauhan sa paglipas ng panahon
3. MICHAEL ALEXANDER
KIRKWOOD (M.A.K.)
HALLIDAY
Isang linguistiko mula
Inglatera
Nakapagtapos ng kursong
Batsilyer ng Artes, major sa
Modernong Wikang
Chinese sa Unibersidad ng
London
Awtor ng maraming libro at
sulatin ukol sa wika at gamit
nito sa lipunan
4. PITONG GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
(AYON KAY M.A.K. HALLIDAY)
1.Instrumental
2.Regulatoryo
3.Interaksyonal
4.Personal
5.Hueristiko
6.Representatibo
7.Imahinatibo
5. 1. INSTRUMENTAL
Tumutugon sa mga pangangailangan ng
tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.
Ginagamit ito sa pagtukoy sa isang
preperensiya, kagustuhan at pagpapasiya
ng tagapagsalita.
Kailangang malinaw at tiyak ang gusto
iparating
6. 2. REGULATORYO
Kakayahang makaimpluwensiya at
magkontrol sa pag-uugali ng iba
Ginagamit ito upang makapang-hikayat,
mag-utos o maghiling sa kaniyang kausap
Kalimitang nagbibigay ito ng patakaran,
kautusan, palisi, babala o mga panuntunan
7. 3. INTERAKSYONAL
Nagbubukas at nagpapanatili ng
interaksiyon o relasyong sosyal
Ito rin ay pwedeng gamitin sa paghubog ng
ugnayan ng isang lipunan
Pwedeng gumamit ng di-berbal na
lenggwahe katulad ng kilos, tindig o kaya
naman ng tuon o galaw ng mata
8. 4. PERSONAL
Ginagamit ito upang palakasin ang
personalidad at pagkakakilanlan ng isang
indibidwal
Ipahayag ang kaniyang mga personal na
saloobin, kuro-kuro, opinion, komento, atbp.
Halimbawa: Pagsulat sa talaarawan
(dyornal)
9. 5. HUERISTIKO
Ginagamit ito sa pag-aaral, pagdiskubre o
pagtuklas upang magtamo ng kaalaman o
karunungan sa kapaligiran
Nasa anyo ng pagtatanong, sarbey, o
pagdedebate
11. 7. IMAHINATIBO
Ginagamit ito upang ipahayag o ipabatid
ang imahinasyon at haraya, maging
mapaglaro o malikhain sa gamit ng mga
salita
Halimbawa: Tula, maikling kwento, epiko, at
iba pang uri ng panitikan