SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
RAMON DUTERTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guadalupe, Cebu City
REVISED WORKSHEET IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 7-“ASYA:PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA”
Pangalan : __________________________________ Grado at Pangkat:____________________Petsa: ______________
MARKAHAN I/MODYUL 1-Heograpiya ng Asya
Aralin1- Karangiang Pisikal ng Asya
Matapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga
kaisipang ito sa pamamagitan ng mga ilalatag na teksto at ibang pang materyales na mapagkukunan mo ng mga
impormasyon. Ang pangunahing layunin mo sa bahaging ito ay matutunan at maunawaan ang mga mahahalagang
impormasyon at kaisipan ukol sa konsepto ng Asya, mga paghahating pangrehiyon nito, ang heograpiya at katangiang
pisikal ng Asya, at ang iba't-ibang pananaw sa kontinenteng ito. Gamit ang mga malilikom mong kaalaman, inaasahang
magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa katangiang pisikal ng Asya, at kung gaano kahalaga ang heograpiya at pisikal
na katangian ng Asya upang mabuo ang kabihasnan nito. Ating simulan ang paglinang!
Gawain 4: Cluster Map
Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral ukol sa Asya ang pag-aaral din ng pisikal na katangian ng
mundo sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito ay naka-
pagbigay impluwensya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang
kabuhayan. Pagmasdan mo ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing mong bahagi ng
pisikal na katangian ng daigdig? Sagutin mo ito sa pamamagitan ng isang concept map o kaya'y cluster map.
Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.* Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa
daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng
*latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) *longitude (mga distansyang angular na
natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang *Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa
globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang *Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop
ng Asya ang mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175° Silangang longitude.
Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong
milya kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito ang pinagsama-samang lupain
ng North America, South America, at Australia, at halos sankapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong
(⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal
at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang -alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural
na aspeto.
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan,
Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang
Central Asia o Inner Asia.
Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag
ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab
Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.
SaTimog Asya matatagpuan ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga
bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.
Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga
nasabing kabihasnan sa kultura ng nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast
Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,
Singapore, East Timor).
Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan
HEOGRAPIYA
MGA KONTINENTE KABUUANG SUKAT
(KILOMETRO KWADRADO)
ASIA 44, 486, 104
AFRICA 30, 269,817
NORTH AMERICA 24, 210, 000
SOUTH AMERICA 17, 820, 852
ANTARCTICA 13, 209, 060
EUROPE 10, 530, 789
AUSTRALIA 7,862,789
KABUUAN 143, 389, 336
Pagsusuri ng Mapa at Teksto
Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan
mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba't- ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na
nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Sa iyo ngayo'y ilalahad ang ilang mga mahahalagang kaisipan at
pahayag hinggil sa kapaligirang pisikal ng Asya. Suriin mo ang mga ito upang makapaglahad ng kasagutan sa mga
pamprosesong tanong.
Matatagpuan sa Asya ang iba't-ibang uri ng anyong-lupa gaya ng mga sumusunod:
Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro
o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan
(Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay
ilan din sa mga bulubundukin ng Asya.
Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na
may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din.
Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit ku-
mulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon.
Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong
mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang "Roof of the World" ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa kati-
mugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India ay kilala rin.
Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa
mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa
Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic
state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus, Andaman, Sri
Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba.
Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa
tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal.
Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangentic Plain at malaking bahagi
ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.
Lubhang napakahalaga ng bahaging ginampanan ng mga ilog sa Asya. Ang mga baybay-ilog ng Tigris at
Euphrates, Indus, at Huang Ho ay siyag nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong daigdig. Maraming mga ilog ang kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, Ganges ( ang sagradong ilog ng mga
Hindu sa Varanasi, India), Brahmaputra, Yangtze, Amur, Jordan, Chao Phraya, Mekong, Irrawady at Salween.
Apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya: Ang Caspian Sea na pinakamalaking lawa sa mundo; ang
Lake Baikal na siyang pinakamalalim na lawa,; ang Dead Sea na pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang
Aral Sea, ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot
din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan dito.
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naihayag sa itaas, ano ang masasabi mo sa Asya bilang kontinenteng biniyayaan
ng mayamang anyong lupa at anyong tubig?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Paano kaya umaayon ang mga Asyano sa iba't-ibang katangiang pisikal na ito ng Asya? Ihayag ang iyong hinuha.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

More Related Content

What's hot

Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)megangarcia
 
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)megangarcia
 
Presentation- Paghahating Heograpikal sa Asya
Presentation-  Paghahating Heograpikal sa AsyaPresentation-  Paghahating Heograpikal sa Asya
Presentation- Paghahating Heograpikal sa Asyamarygrace ampado
 
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asyaKatangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asyaMaybel Din
 
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoAng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoMavict De Leon
 
Report in Ap Final
Report in Ap FinalReport in Ap Final
Report in Ap FinalEebor Saveuc
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigiyoalbarracin
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigJared Ram Juezan
 
Ang heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaAng heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaJenny Serroco
 
Heograpiya ng Asya
Heograpiya ng AsyaHeograpiya ng Asya
Heograpiya ng AsyaNeri Diaz
 
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa Asya
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa AsyaMga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa Asya
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa AsyaMaybel Din
 
Mga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon sa AsyaMga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon sa AsyaMaybel Din
 
Pangunahing Kabundukan sa Asya
Pangunahing Kabundukan sa AsyaPangunahing Kabundukan sa Asya
Pangunahing Kabundukan sa AsyaLuvyankaPolistico
 
Kontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaKontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaMaybel Din
 

What's hot (17)

Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
 
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
Yaman ng asya(anyong tubig at lupa)
 
Presentation- Paghahating Heograpikal sa Asya
Presentation-  Paghahating Heograpikal sa AsyaPresentation-  Paghahating Heograpikal sa Asya
Presentation- Paghahating Heograpikal sa Asya
 
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asyaKatangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya
Katangiang pisikal ng mga rehiyon sa asya
 
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang AsyanoAng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran Sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano
 
Report in Ap Final
Report in Ap FinalReport in Ap Final
Report in Ap Final
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
 
Ang heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asyaAng heograpiya ng asya
Ang heograpiya ng asya
 
Heograpiya ng Asya
Heograpiya ng AsyaHeograpiya ng Asya
Heograpiya ng Asya
 
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa Asya
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa AsyaMga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa Asya
Mga Uri ng Anyong Lupa At Anyong Tubig sa Asya
 
Mga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon sa AsyaMga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon sa Asya
 
Modyul 1
Modyul 1Modyul 1
Modyul 1
 
Asya 1
Asya 1Asya 1
Asya 1
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
Pangunahing Kabundukan sa Asya
Pangunahing Kabundukan sa AsyaPangunahing Kabundukan sa Asya
Pangunahing Kabundukan sa Asya
 
Kontinente ng Asya
Kontinente ng AsyaKontinente ng Asya
Kontinente ng Asya
 

Similar to Aralin 1 gawain 4

AP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptAP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptKEntJoshua6
 
AP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptAP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptKEntJoshua6
 
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxGerlyn Villapando
 
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAraling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAlfredCyrusRedulfin1
 
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptxkatangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptxMaryJoyTolentino8
 
Araling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptxAraling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptxcherrypelagio
 
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module version
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module versionARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module version
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module versionARMIDA CADELINA
 
Mga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMaybel Din
 
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptx
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptxAsian History Araling panlipunan grade 7.pptx
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptxjaysonoliva1
 
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptx
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptxHEOGRAPIYA NG ASYA.pptx
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptxJongiGualiza
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya南 睿
 
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxCherryLim21
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxMaryJoyTolentino8
 
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxLESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxKyriePavia
 

Similar to Aralin 1 gawain 4 (20)

Ang kontinente ng asya
Ang kontinente ng asyaAng kontinente ng asya
Ang kontinente ng asya
 
AP7.pptx
AP7.pptxAP7.pptx
AP7.pptx
 
AP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptAP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.ppt
 
AP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.pptAP7 MODULE 2.ppt
AP7 MODULE 2.ppt
 
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptxANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
ANYONG LUPA AT TUBIG sa asya isa sa mga konyinente ng daigdig.pptx
 
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptxAraling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
Araling Panlipunan ng mga pilipino q1.pptx
 
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptxkatangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
katangiangpisikalngasya-150624200344-lva1-app6892 (1).pptx
 
Araling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptxAraling Panlipunan - Copy.pptx
Araling Panlipunan - Copy.pptx
 
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module version
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module versionARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module version
ARMIDA A. CADELIÑA 1st Quarter MELC 1 WK1 AP 7 module version
 
Mga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asya
 
Y1-Aralin 1.pptx
Y1-Aralin 1.pptxY1-Aralin 1.pptx
Y1-Aralin 1.pptx
 
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptx
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptxAsian History Araling panlipunan grade 7.pptx
Asian History Araling panlipunan grade 7.pptx
 
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptx
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptxHEOGRAPIYA NG ASYA.pptx
HEOGRAPIYA NG ASYA.pptx
 
ap
apap
ap
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
ARALIN 2-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
 
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptxAralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
Aralin 1 Katangiang Pisikal Ng Asya.pptx
 
Asia
AsiaAsia
Asia
 
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptxLESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
LESSON1-KATANGIANG PISIKAL NG ASYA.pptx
 
Asya
AsyaAsya
Asya
 

More from Judith Solon

Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Judith Solon
 
Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Judith Solon
 
Aralin 1 gawain 1-2
Aralin 1 gawain 1-2Aralin 1 gawain 1-2
Aralin 1 gawain 1-2Judith Solon
 
Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Judith Solon
 

More from Judith Solon (6)

Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4
 
Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8
 
Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8
 
Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4Aralin 1 gawain 4
Aralin 1 gawain 4
 
Aralin 1 gawain 1-2
Aralin 1 gawain 1-2Aralin 1 gawain 1-2
Aralin 1 gawain 1-2
 
Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8Aralin 1 gawain 7-8
Aralin 1 gawain 7-8
 

Aralin 1 gawain 4

  • 1. RAMON DUTERTE MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL Guadalupe, Cebu City REVISED WORKSHEET IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 7-“ASYA:PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA” Pangalan : __________________________________ Grado at Pangkat:____________________Petsa: ______________ MARKAHAN I/MODYUL 1-Heograpiya ng Asya Aralin1- Karangiang Pisikal ng Asya Matapos mong matuklasan ang iyong mga pang-unang kalaaman sa aralin ay atin namang lilinangin ang mga kaisipang ito sa pamamagitan ng mga ilalatag na teksto at ibang pang materyales na mapagkukunan mo ng mga impormasyon. Ang pangunahing layunin mo sa bahaging ito ay matutunan at maunawaan ang mga mahahalagang impormasyon at kaisipan ukol sa konsepto ng Asya, mga paghahating pangrehiyon nito, ang heograpiya at katangiang pisikal ng Asya, at ang iba't-ibang pananaw sa kontinenteng ito. Gamit ang mga malilikom mong kaalaman, inaasahang magkakaroon ka ng kabatiran tungkol sa katangiang pisikal ng Asya, at kung gaano kahalaga ang heograpiya at pisikal na katangian ng Asya upang mabuo ang kabihasnan nito. Ating simulan ang paglinang! Gawain 4: Cluster Map Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral ukol sa Asya ang pag-aaral din ng pisikal na katangian ng mundo sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito ay naka- pagbigay impluwensya sa pagbuo at paghubog ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kabuhayan. Pagmasdan mo ang iyong paligid. Alin sa mga nakikita o nararanasan mo ang maituturing mong bahagi ng pisikal na katangian ng daigdig? Sagutin mo ito sa pamamagitan ng isang concept map o kaya'y cluster map. Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig.* Kontinente ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng *latitude (distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) *longitude (mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito. Ang *Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere nito, at ang *Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude. Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang 175° Silangang longitude. Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong milya kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sankapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang -alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. SaTimog Asya matatagpuan ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan HEOGRAPIYA
  • 2. MGA KONTINENTE KABUUANG SUKAT (KILOMETRO KWADRADO) ASIA 44, 486, 104 AFRICA 30, 269,817 NORTH AMERICA 24, 210, 000 SOUTH AMERICA 17, 820, 852 ANTARCTICA 13, 209, 060 EUROPE 10, 530, 789 AUSTRALIA 7,862,789 KABUUAN 143, 389, 336 Pagsusuri ng Mapa at Teksto Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba't- ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Sa iyo ngayo'y ilalahad ang ilang mga mahahalagang kaisipan at pahayag hinggil sa kapaligirang pisikal ng Asya. Suriin mo ang mga ito upang makapaglahad ng kasagutan sa mga pamprosesong tanong. Matatagpuan sa Asya ang iba't-ibang uri ng anyong-lupa gaya ng mga sumusunod: Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,414 kilometro o 1,500 milya. Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan, Georgia, Russia at Armenia) at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga bulubundukin ng Asya. Bundok. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na nasa Himalayas din. Bulkan. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit ku- mulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taal at Mayon. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateu na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang "Roof of the World" ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na nasa kati- mugang bahagi ng Indo-Gangentic Plain ng India ay kilala rin. Disyerto. Ang Gobi Desert na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan, Kara Kum, at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan. Pulo. Umaabot sa 770 libong milya ang kabuuang sukat ng mga pulo sa Asya at kabilang dito ang Cyprus, Andaman, Sri Lanka, Maldives, Borneo, Taiwan, at marami pang iba. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya. Tinatayang nasa tatlong milyong milya kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang Turkey, Arabia, India, Korea, at Yamal. Kapatagan. Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang Indo-Gangentic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito. Lubhang napakahalaga ng bahaging ginampanan ng mga ilog sa Asya. Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ay siyag nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig. Maraming mga ilog ang kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, Ganges ( ang sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India), Brahmaputra, Yangtze, Amur, Jordan, Chao Phraya, Mekong, Irrawady at Salween. Apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya: Ang Caspian Sea na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake Baikal na siyang pinakamalalim na lawa,; ang Dead Sea na pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang Aral Sea, ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan dito. Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naihayag sa itaas, ano ang masasabi mo sa Asya bilang kontinenteng biniyayaan ng mayamang anyong lupa at anyong tubig? __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________ 2. Paano kaya umaayon ang mga Asyano sa iba't-ibang katangiang pisikal na ito ng Asya? Ihayag ang iyong hinuha. __________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________