SlideShare a Scribd company logo
1 of 38
TALUMPATI:
ANG PERA AT ANG TAO
ni
Shamgar Mangida
Ang pera ay bagay na may halaga na ginagamit bilang pambayad sa
transakyon o kalakalan ng dalawa o higit pang tao. Ito ang ginamit at ginagamit
magpahanggang ngayon ng mga tao para sa pagpapaunlad ng kanilang mga
sariling buhay, kompanya, komunidad at nasyon.
Noong unang panahon na wala pa ito, pagpapalitan ng mga produkto obarter
ang pamamaraan ng mga tao sa kalakalan. Mapapansing mahirap at mabagal ang
paraang iyon pagkat minsan ay hindi pantay ang halaga ang isang bagay na
itutumbas sa kapalit nitong bagay rin o kaya'y serbisyo.
Ngayong pera ang ginagamit, madali na lamang ang mga gawaing katulad
ng pagtitinda at pamimili. Hindi na kinakailangang buhatin ang isang sakong
patatas sa palengke upang ipalit sa kalahating sako ng bigas na tulad ng paraan
noon.
Mahalaga ang pera para sa isang tao, pagkat pera ang ginagamit sa
pagpapaikot sa halos lahat ng kanyang pang-araw araw na gawain. Sa pagkain,
pag-aaral, pagtatrabaho, transportasyon at marami pang iba'y makikitang pera ang
ginagamit sa pagpapagalaw at pagsisirkulo nito.
Maganda ang pera, walang masama dito. Ang pagkakaroon ng pera o ng
maraming pera ay hindi masama pagkat mas maraming pwedeng itulong o ibahagi
ng isang tao sa kapwa niya. Subalit, ito'y nagiging masama kung pansarili lamang
ang iniisip ng isang tao at hindi na iniisip o pinahahalagahan ang kapakanan ng
iba. Sa madaling salita ay kung siya'y - madamot. Dagdag pa nito, ang pera ay
nagiging masama kapag ang isang tao'y minahal ito. Sa Bibliya makikita natin na
ang pagmamahal sa pera ay labag sa kalooban ng Diyos (2 Timothy 6:10). Mula din
sa Bibliya ay makikita natin na dapat hindi mapusok ang tao sa pagkakaroon ng
pera ( 1 Peter 5:2). Ang pera ay biyaya ng Diyos sa tao. Gamitin ito sa tama,
gamitin ng may magandang intensiyon at huwag na huwag itong sambahin sa
pamamagitan ng sobrang pagtatrabaho upang magkaroon nito na kahit
napapabayaan na ang pisikal na katawan, pamilya o dili kaya'y nakakasakit sa
kapwa.
Kagalit ng Diyos hindi ang pera kundi ang taong mali ang intensyon at
pamamaraan nito sa paggamit, gayundin sa mga taong mali ang pamamaraan sa
pagkuha nito katulad ng pagpatay, pagnanakaw, pagsisinungaling, at marami pang
iba.
Ang pera, mahalaga sa buhay ng tao pero sana isipin natin na mas mahalaga
ang buhay ng tao kaysa sa pera. Tayo dapat ang mamahala, magkontrol,
magpatakbo at gumamit ng pera hindi tayo ang kontrolin, patakbohin, at gamitin
ng pera.
PABULA:
ANG PABULA NG ANG DAGA AT ANG LEON
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos
siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin.
Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa
iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang
pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,"
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit
siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat
na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon
sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa
lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.
MGA ARAL NG PABULA:
 Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
 Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.
 Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o
makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
MAIKLING KWENTO:
MABANGIS NA LUNGSOD
Efren R. Abueg
Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang
kinakaya-kaya.
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan,
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias.
Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa
mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat
ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad
lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin
sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong,
walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali
roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling
oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay
na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng
kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay
ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong.
Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad.
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan,
nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na
tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng
takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan.
"Mama... Ale, palimos na po."
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at
hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas.
"Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!"
Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri,
pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong.
Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni
kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang
piso, sa lahat. Walang bawas.
"May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag
nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni
Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni
nakarating sa kanyang bituka.
"Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!"
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang
mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na
pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit
sa mga taong sa kanyang kinaroroonan.
"Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang
gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga
balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa
kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong
bagay na apoy sa kanyang kalooban.
Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at
pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring
umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad
na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na
maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya
ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong
lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga
kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
"Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan,
ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa
kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong
biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga
baryang napagpalimusan.
"Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa
matanda.
"Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!"
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y
marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot
siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-
salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang
likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik
ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa
makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling
dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
"Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo.
Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na
nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang
maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang
malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya
naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
ARAL:
 Karapatan nilang mag aral, karapatan nilang magkaroon ng disenteng pamilyang mag aalaga sa
kaniya karapatang mamuhay ng tulad ng isang normal na kabataan.
TULA:
WELGA
Ariana Trinidad
Dadaanin sa sigaw,
Ang bulong ng utak,
Sa simulaing naligaw,
Malalim din ang babaw!
Sa kalsada ibabandera,
Mga watawat ng pagdurusa,
Laban ng kasama,
Ipakikibaka!
Ang pait sa damdamin
Ay tamis na gagamitin
Upang makapiling
Ang minimithing lilim.
Ang diwa ng unyon,
May pusong lilingon
Makakasumpong
Ng dakilang panginoon!
Huwag kalimutan
Ang pakikipaglaban
Ay hindi sandigan
Para sa sariling kapakanan!
http://halimbawa-tagalog-
tula.blogspot.com/2011/07/maikling-tulang-
pilipino.html
SA AKING MGA MAGULANG
Jerome Apilla
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.
Sa aking pagtulog sa gabing madilim,
Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing,
Hindi hahayaang lamok ay kagatin,
Pati na ang init, pilit papawiin,
At kung ako ma’y tuluyang magising,
Nakangiti kayong sasalubong sa akin.
Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo.
Simula nang ako’y maging isang tao,
Kaya naman ako’y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko,
Igagalang kayo at irerespeto,
At mamahalin sa buong buhay ko!
http://halimbawa-tagalog-
tula.blogspot.com/2011/09/filipino-poem-na-
pambata-grade-1-to.html
OH, PAG-IBIG ...
Sweet Lapuz
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.
Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.
Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.
At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.
Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
http://halimbawa-tagalog-
tula.blogspot.com/2011/07/tula-tungkol-sa-pag-
ibig.html
SA NGALAN NG LUHA
Kiko Manalo
Luha ang kalsada na dinaraanan,
Ng taong nagluhod sa dinarasalan,
Ito ang hihirang sa kapatawaran,
Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan.
Ibig kaawaan, siya’y patawarin,
Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin,
Luhod na lalakad at mananalangin,
Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin.
Sinasamantala ng taong baluktot,
Sa pagkakasala’y natila malungkot,
Ngunit katunayan sa puso at loob,
Naghari ang bangis at asal na buktot.
Nagtuos ng buti sa Poong Bathala,
Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila,
Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga,
Ang puso ay ganid, sakim itong diwa!
Luha’y ginagamit sa buti at sama,
Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa,
Sa lubhang panganib, makaliligtas ba
Kung mananalangin sa ngalan ng luha?
http://halimbawa-tagalog-
tula.blogspot.com/2012/08/limang-5-
saknong.html
SANAYSAY:
 EDUKASYON
ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan
upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga
aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman,
kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na
edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na
pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang
edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-
aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa
buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap
ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay
hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,
magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na
maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga
inaasam na mga mithiin.
Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga
bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito
ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at
pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at
magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.
Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang
kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang
kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at
damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon
ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga
kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito
ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na
kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman
ang mga layunin nito.
Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa
pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga
paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na
kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa,
nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan
nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga
Sanaysay sa Filipino.
SANAYSAY:
 PAGKAKAISA
PAGKAKAISA SA LIKOD NG PAGKAKA-IBA Julius
Cesar Pocaan
“Dayuhang wika kailangan sa kasalukuyang panahon; Sariling wika
kailangan sa pamhabang panahon.” Pahayag ng isang “American Indian” na
naglalayon ng isang magandang relasyon ng wika at ng buhay. Ayon sa kanya, ang
pagkakaraon ng isang dayuhang wika ay mahalaga upang tayo ay makaayon sa
takbo ng panahon subalit mas kailangan natin ang sarili nating wika upang
mabuhay nang habampanahon.
Di lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay may napakaraming
dayalekto na umaabot sa 170. Ilan dito ay ang Bikol, Kapampangan, Sugbuanon,
Iloko, Haligaynon at siyempre ang Tagalog kung saan ibinatay ang wikang Filipino.
“Maraming Wika, Matatag na Bansa”
Noong una ko itong nabasa, tila naguluhan ang aking isipan sapagkat pilit
kong tinutukoy kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng paksang ito. Paulit-ulit ko itong
binasa hanggang sa nasagot ang ilan sa aking mga katanungan. Wari’y parang may
bumulong sa aking isipan upang aking matarok at malaman ang ibig nitong
sambitin.
Hindi natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng ating lipunan. Sa araw-
araw nating pakikisalamuha, ating nasasaksihan ang mga pagbabagong nagaganap
tulad na lamang sa larangan ng teknolohiya. Kasabay ng mga pagbabagong ito ang
paglimot sa ilan sa mga dapat nating isaalang-alang. Subalit, taliwas ang dito ang
gawain ng ating mga kababayang Pilipino may sariling dayalekto. Hindi nila
kinakalimutan ang wikang kanilang kinalakhan kung kaya nagkaroon ang
Pilipinas ng mahigit isang daan nito.
Sinasabing ang pagkakaroon ng maraming wika ay hadlang sa paglago ng
isang bansa. Subalit, ating isipin at pagmuni-munihing mabuti ang pahayag na
nasambit. Magiging makatotothanan kaya ang pahayag na ito sa lahat ng
pagkakataon?
Tingnan natin ang konsepto sa likod ng isang mapanuring kaisipan. Isang
magandang pamantayan ang pagkakaroon ng maraming kaalaman, hindi ba?
Tunay na kahanga-hanga ang isang taong maraming kaalaman, isama natin dito
ang kaalaman ng higit sa isang wika.
Isang napakagandang halimbawa ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose
Rizal. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles,
Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit,
Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. At dahilan sa
kanyang kaalaman, hinangaan siya ng mga Pilipino at patuloy na hahangaan
pamhabang panahon.
Kung ating pakalilimiin, di kaya makatotohanan din ito sa ating bansang
may napakaraming dayalekto? Hindi sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ang
pagkakaroon ng maraming wika kundi isa ito sa mga mahuhusay at kahanga-
hangang kapasidad ng isang bansa.
Ngunit hindi sapat ang madaming kaalaman sa paglago ng ating ekonomiya,
ang ating bansa ay nangangailangan ng mamamayang may pagkakaisa sa kabila
ng pagkakaiba-iba. Kailangan natin ang pagtutulungan tungo sa kaunlaran.
Marami man ang wika ng ating bansa, mananatili itong matatag kung may
pagsasama-sama, pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang hangaring
mapalago ang ating bansa.
SANAYSAY:
 DISIPLINA
PARA SA MGA NAIS HUMINTO SA PAG-INOM NG ALAK
Kailangan ang Medikal na Tulong
ni: J
Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na
pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto
hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto
ang isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa
masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri
sa espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak
na paghinto.
Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim sa
medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng labis
na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa
kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang
antas ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga
susunod na bahagi.
Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga Filipino, ay
nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na
maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na
kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito ay
makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng
kanilang problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila
madaling makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa
ganitong pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi
nangangahulugang may isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis
at epektibo sa mga problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino
ang iba pang bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol
addiction. Ngunit ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata
upang makatakas sa negatibong kondisyon.
Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak at sinusubukan
niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang withdrawal
symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang mahirapan ito.
Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang energy at
pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa utak na
nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na
lubos na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na
tulong ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak.
Maaari namang sumailalim sa gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang
mga tao na nangangailangan ng medical na gamutan ay nararapat lamang na
kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging mapanganib ang paghinto sa pag-
inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang i-monitor ang gamutan sa loob ng
bahay upang makasama ng pamilya at masuportahan ang isang tao na may
problema.
PABULA:
ANG PABULA
NG
KABAYO AT NG MANGANGALAKAL
Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa
palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo
sila sa palengke.
Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang
nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng
asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa
tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang
gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa
Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa
palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo.
nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:
"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"
ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.
Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at
ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa
pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas
ang kabayo sa ilog.
Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal
sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang
alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang
tabi ng kabayo.
"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay
magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi
ng kabayo sa kanyang sarili.
Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit
laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay
malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at
di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.
Mga aral ng pabula:
 Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga.
 Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan.
TULA:
ANG “VALENTINE” KO
Aniceto Silvestre
AKO ay naghanda ng puting tarheta,
sa gitna’y may pusong mapulang-
mapula;
ito’y kasimputi ng aking panata,
ito’y kasindugo ng aking pagsinta.
MAY lunti pang lasong dito’y
nakakabit,
kulay ng pag-asa’t aking pananalig;
ang laman ng diwa’t kumakabang
dibdib
ay nakalimbag ding mga gintong titik.
AKING isinulat ang iyong pangalang
singyumi’t sintamis ng iyong kariktan;
nilagdaan ko rin ng aking palayaw
na nasa bigkas mo kung may
kabuluhan.
PARANG puso ko rin — huwag kang
mamangha —
ito’y hindi biro, ito’y hindi daya;
ang inaasam ko ay puso ring sutla,
sa pag-asang yao’y puso mong dakila.
Sa araw ng puso — nasa kalendaryo
—
pusong pulang sutla ay para sa iyo;
alin pa ang langit kapag nanagano
sa rosas mong labi’t dibdib na
mabango.
Sa masayang araw at hanging maaya,
ang sinugong puso’y sasaiyong ganda;
ito’y magsasabing sa tuwa at dusa,
ang “Valentine” ko’y ikaw — walang
iba!
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tula-ang-
valentine-ko.html
KALUPI NG PUSO
Jose Corazon de Jesus
Talaan ng aking mga dinaramdam,
Kasangguning lihim ng nais tandaan,
bawat dahon niya ay kinalalagyan
ng isang gunitang pagkamahal-mahal
Kaluping maliit sa tapat ng puso
ang bawat talata’y puno ng pagsuyo,
ang takip ay bughaw, dito nakatago
ang lihim ng aking ligaya’t siphayo.
Nang buwan ng Mayo kami nagkilala
at tila Mayo rin nang magkalayo na;
sa kaluping ito nababasa-basa
ang lahat ng aking mga alaala.
Nakatala rito ang buwan at araw
ng aking ligaya at kapighatian...
isang dapithapo’y nagugunam-gunam
sa mga mata ko ang luha’y umapaw...
Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot
binabasa-basa ang nagdaang lugod;
ang alaala ko’y dito nagagamot,
sa munting kaluping puno ng
himutok.
Matandang kalupi ng aking sinapit
dala mo nang lahat ang tuwa ko’t
hapis;
kung binubuksan ka’y parang
lumalapit
ang lahat ng aking nabigong pag-ibig.
Sa dilaw mong dahong ngayon ay
kupas na
ang lumang pagsuyo’y naaalaala,
O, kaluping bughaw, kung kita’y
mabasa
masayang malungkot na hinahagkan
ka...
May ilang bulaklak at dahong natuyo
na sa iyo’y lihim na nangakatago,
tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo
tuwi kong hahagkan, puso’y
nagdurugo.
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tula-
kalupi-ng-puso.html
TULA:
KAHIT SAAN
Jose Corazon de Jesus
Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong
damo
na nang dumaan ka ay biglang
tumungo
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!
Kung may isang ibong tuwing
takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!
Kung tumingala ka sa gabing payapa
at sa langit nama’y may ulilang tala
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng
luha
Iya’y ako, Mutya!
Kung ikaw’y magising sa dapit-
umaga,
isang paruparo ang iyong nakita
na sa masetas mong didiligin sana
ang pakpak ay wasak at nanlalamig
na. . .
Iya’y ako, Sinta!
Kung nagdarasal ka’t sa matang
luhaan
ng Kristo’y may isang luhang
nakasungaw,
kundi mo mapahid sa panghihinayang
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!
Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo;
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo
sa lumang libinga’t doon, asahan
mong. . .
magkikita tayo!
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tagalog-
love-poem.html
SA GABI NG ISANG PIYON
Lamberto E. Antonio
Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang
kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong
hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring
ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t
utak
Kapag binabanig na ang kapirasong
playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang
pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na
kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng
pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at
dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat
paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang
sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga...
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t
maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tula-sa-
gabi-ng-isang-piyon.html
MAIKLING KWENTO:
INA, INA BAKIT NINYO AKO GINAWA?
MAVO
Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong
taong gulang na batang lalaking lansangan na naghahanap sa kanyang ina. Ina
bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu
noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang
palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon.
Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba
ako mahal?
Nasaan na kayo ni itay?
Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT
na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng
nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral
kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo’y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral
sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya’y hinahabol. Ikaw’y magtataka kung
kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang
mga kapwa bata na tila’y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat
ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga
sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper
ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan
sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong
ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa?
Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya.
Sa mga oras na siya’y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin.
Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya
ring kahirap kapag siya’y lumabas na? Napag-usapan ba nila ang magiging
kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama’t ina? Mga tanong ng
isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan.
Paano na lang ang sinabi ni Rizal na na “Ang Kabataan ang pag-asa ng
bayan” kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang
mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang
kasalanan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man
lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga
anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging
anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga
magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang.
Ina, bakit ninyo ako ginawa?
ARAL:
 Kapag ginawa ang isang bagay dapat panindigan hindi dapat gumagawa ng
paraan para mawala ang naging resulta ng ginawa. sa sinabi ng may akda sa
bandang huli ng kwento ay di akma sa batas ng Diyos at batas ng lipunan.
TALUMPATI:
MULING MAGING DAKILA
Ferdinand Marcos
Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang
isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain.
Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng
martir ay tumubo ang isang bagong bansa.
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at
Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa
isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa
kapalaran at mga partido.
Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos
bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan?
Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa
Asya na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan.
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito'y mahalaga
pa rin. Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas
karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran – sa
pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan.
Sapagkat ngayon, tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at
tapang.
Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong
binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na
tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko
nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na
ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan,
kailangang isulat natin ang atin.
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa
pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.
SANAYSAY:
 EDUKASYON
EDUKASYON BULOK NA. BAKIT MAHAL?
Hindi ako isang mangmang sa katotohanan na kinahaharap ko bilang isang
estudyante, at hindi isang bulag at pipi na hindi na maging saksi sa kalidad ng
edukasyon sa trying sa ami'y ipinasusubo makasasapat iisip ito sa ating mga isip
gutom. Ito konsepto na hindi namin maaaring makatakas - ang pababa pababa sa
kalidad na edukasyon upang magpatuloy Aalis batang kaalaman gutom at uhaw.
Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, ayon sa ating
saligang batas. Ito ay isang pangangailangan, hindi isang luho. Hindi nabili dahil
walang katumbas na halaga. Ngunit ang katotohanan, at ang edukasyon ay ngayon
ng sanggol na may halagang nakabubutas kanang bulsa, at ang paaralan ay hindi
isang institusyon ngunit ang isang layunin upang makatulong sa mga negosyo para
sa kanilang sariling mga pangangailangan. Kasabay ng bawat pagtaas ng mga
kalakal ay ang pagtaas taun-taon ng pagtuturo, suffocating aming mga namamatay
na mga magulang. Ngunit sa pamamagitan ng edad sa pintuan mo lang ng
paaralan, tatambad sa iyo na fuels ang gato-tulad ng kalansay istraktura na
nagbibigay ng isang buga lamang. Inaanay mga libro sa hindi sapat na bilang ng
mga mag-aaral at ang kakulangan ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan
ay nagiging hadlang sa pag-aaral. Force na makinig sa mga paulit-ulit na aralin ng
mga maestrang inuusal lamang kahit na hindi niya alam ang kanyang pakikipag-
usap. Idagdag sa mga miselenyus patuloy na binabayaran ngunit hindi
pinakinabangang. Kami rin sapilitang upang harapin ang shortcomings ng
paaralang ito, maiwawaglit pa rin sa ating mga isip na tayo ay tao, may kailangan
sa buhay, at isa sa edukasyon. pay namin malaki na malaman ang bawat araw
ngunit nagpunta sa bahay mula sa paaralan na wala na pagkatapos ay walang
laman ang bulsa, ang utak at tiyan ay mas puro hangin.
Ayon sa isang pananaliksik, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo
pinakakulelat pagdating sa Matematika, Agham at Ingles, samantalang ang
Singapore, na noon ay pa rin lamang sa puwit unlad sa mga araw ni Mark ay
kasalukuyang nangunguna sa tulad ng mga istatistika. Bakit ngayon mas
modernong Just kapag kami ay kaya sa down ang kalidad ng edukasyon sa ating
bansa? Paano pa kaya sa hinaharap at mga lahi? Hindi na ako lang nagtaka kung
paano ilang mga kabataan ang patuloy na makikipagpatayan para sa kanilang mga
karapatan, at ang ilan lamang manatiling pipi at bulag na ito sapagkat ito lang
kaya ng kanilang mga magulang. Ang masaklap na isipin, ang kasalukuyang
pasadsad na edukasyon gating inang bayan ay ang sampu sa propesyonal
affiliations namin ay maaaring maging sa hinaharap.
Ngayon, sa iyong tinatamasang kaalaman at kalidad ng edukasyon, itanong
sa iyong sarili, ano ito? Karapatan o isang pribilehiyo?
SANAYSAY:
 PAGKAKAISA
WIKANG FILIPINO:
SUSI SA PAGKAKAISA AT KAUNLARAN
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na
ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang
ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa
Luzon, Visayas at Mindanao.
Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang
Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto
sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas.
Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang
panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas
ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa
pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan
para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at
opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito
ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas
positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit
sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang
paniniwala.
Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino.
Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino,
ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong
ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang
Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na
mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika.
Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay
isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na
ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon.
Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
SANAYSAY:
 DISIPLINA
KAGUSTUHANG MAGBAGO
Josua Ronnel Ortiz
Ang buhay natin ay parang isang track and field na kung saan
kinakailangan mong mapagtagumpayan. Ang mga obstacles sa larong ito ay
maihahalintulad sa mga pagsubok na ating dinaranas, may mga mahihirap at may
mga madadali ring malagpasan. Kung minsan tayo ay nadarapa ngunit ang isa sa
mga ugali nating mga Pinoy ay ang hindi pagsuko sa anumang pagsubok kaya agad
tayong nakakatayo tuwing tayo ay nadarapa. Natural sa ating mga Pinoy ang
pagtutulungan. Hindi maikakaila na sa panahon ng sakuna tayo ay sama-samang
tumatayo.
Noong panahon na nanalasa ang Bagyong Ondoy ay ramdam natin ang
hagupit nito, maraming namatay, nawala, nasirang mga kabahayan at kabuhayan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang ating bayan ay hindi nagpatinag. Sama-
samang bumangon upang maipakita na matatag ang mga Pinoy. Parang puno na
‘di mabubuwal kahit anumang bagyong ang magdaan. Kung iisiping mabuti ang
susi sa lahat ng ito ay pagtutulungan. Nakakamit natin ang ating mithiin sa
maayos at matiwasay na paraan kapag tayo’y nagtutulungan. Mas napapadali rin
ang mga dapat nating pagtuunan ng pansin kung tayo ay nagtutulungan. Ngunit
may mga tao pa ring sadyang sakim. Walang iniintindi kundi ang kanilang sarili
lamang, tulad ng ilan sa mga puliltiko sa ating gobyerno na walang habas kung
kumuha sa pera ng taong bayan. Hindi na nila maisip ang pagtulong sa kapwa
matapos silang maluklok sa kanilang mga pwesto. Hinahayaan nilang malugmok
sa kahirapan ang kanilang mga nasasakupan habang sila ay nakaupo sa kanilang
mga mamahaling upuan. Kung sino pa ang dapat asahan ay sila pang pahamak sa
bayan.
Ang ating kagustuhang magbago ay hindi maisakatuparan dahil na rin sa
mga taong ganid sa pera. Kung tayo’y nagtutulungan kasama na rin ang mga
namumuno sa ating bayan siguradong kaya nating makipagsabayan sa mga
bansang mauunlad tulad ng U.S.A., Australia, Canada, at iba pang mga bansang
nasa rurok na ng tagumpay. Nakamit nila ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa
kanilang hangaring umunlad.
Ang ating bigyang pansin ay ang paggabay sa isa’t isa upang tayo ay
makarating sa ating patutunguhan ng sama-sama at ligtas, hindi una-unahan. Ang
lahat ay lilipas, kahit na gaano pa karami ang iyong mga kayamanan hindi mo rin
iyan madadala sa kabilang buhay. Dapat nating ipaubaya sa Diyos ang lahat, at
ang lahat ay magiging kainam-inam. Sa atin magsisimula ang pagbabago, kung
may tiwala ka sa sarili mo at sa Diyos na lumikha sayo, tiyak na makakamit mo
ang iyong kagustuhang magbago.
PABULA:
Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo
at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina
ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa
iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng
kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.
Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag
ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal
at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na
pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil
sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat
ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
MGA ARAL NG PABULA:
 Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo
siya tutulungan.
 Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga
pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.
MAIKLING KWENTO:
ANG DALAWANG MUKHA NG PAG-IBIG
JOANNA CALAYAG
May isang estudyanteng nagngangalang Edmond isa syang mataba,
matangkad at kagiliw-giliw na estudyante hindi sya kaguwapuhan pero sya ay
pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa eskwelahan. Halos lahat ng kalalakihan
ay nagtataka kung bakit ganoon na laman ang atraksyon nya sa mga kababaihan.
Isang araw nasubukan ang katapan niya kay Aloida ang kanyang kasintahan . Si
Aloida ay isang bungangerang babae, matalino ito at maganda ngunit sa kabila ng
kanyang pagkabungangera ay mapagmahal ito at maalaga kaya minahal ito ni
Edmond.
Usap-usapan sa kanilang eskwelahan ang pambabae nito ni Edmond dahil
nga sa malakas ang hatak nya sa mga kababaihan ay hindi niya maiwasan
matukso . Isang araw ay nagselos si Aloida sa kanya at kinalmot , sinabunutan at
hinampas-hampas niya ito ng libro, sa sobrang ines ni Edmond ay nilayasan niya
ito at umakyat sa kanilang klase sa pisika. Kinabukasan ay nakipag hiwalay na si
Aloida kay Edmond dahil sa nalaman nya na may isang babaeng napapalapit kay
Edmond , siya ay si Beatrice.
Maganda , matalino at mayaman ang babaeng ito, gustong gusto nya si
Edmond. Pero ano nga ba ang meron kay Edmond na wala ang iba? Kinabukasan
ay may bago nang nililigawan si Edmond, hindi maalis sa kanilang dalawa ang
mata ng mga kapwa nila estudyante. Habang sila ay naglalambingan ayang
kanyang dating kasintahan na si Aloida ay kasalukuyang umiiyak at ang tanging
sinasandalan ay ang kanyang mga kaibigan. Awang-awa ang kanyang mga kamag-
aral sa kanyang sinapit dahil minahal nga niya ang ito ng lubusan tapos
kinabukasan ay may pinalit na agad sa kanya. Pero di naglaon ay nalaman din ang
totoo nilang nararamdaman sa isa’t- isa. Si Edmond pala ay may pagtinging parin
kay Aloida , ni kahit isang tibok ay walang naramdaman para kay Beatrice.
Sobrang paghihinagpis at lungkot ang naramdaman ni Beatrice ,yun pala ay pera
lang ang habol ni Edmond sa kanya dahil sobrang lungkot at kelangan ng
masasandalan ay nandiyan si Beatrice kung baga ay nagging “panakip- butas
lamang” siya .
ARAL:
 Kahit maraming pagsubok ang inyong kaharapin sa buhay ay mananatili parin kayong may
pagmamahal sa bawat isa.
 Kahit ano at sino pa ang iyong sinisinta o minamahal matuto kang magpasalamat at
mayroong taong nagmamahal sayo ng lubusan hindi ka man nya kayang suportahan ng
pangpinansyal ay maipapakita naman nya ito sa pamamagitan ng emosyonal na paraan.
TULA:
PUSO, ANO KA?
Jose Corazon de Jesus
Ang puso ng tao ay isang batingaw,
sa palo ng hirap, umaalingawngaw
hihip lang ng hapis
pinakadaramdam,
ngumt pag lagi nang nasanay,
kung minsan,
nakapagsasaya kahit isang
bangkay.
Ang puso ng tao’y parang isang
relos,
atrasadong oras itong tinutumbok,
oratoryo’y hirap, minutero’y
lungkot,
at luha ang tiktak na sasagot-
sagot,
ngunit kung ang puso’y sanay sa
himutok
kahit libinga’y may oras ng lugod.
Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib
sa labi ng sala’y may alak ng tamis,
kapag sanay ka nang lagi sa
hinagpis
nalalagok mo rin kahit anung pait,
at parang martilyo iyang bawat
pintig
sa tapat ng ating dibdib na may
sakit.
Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang
laman
na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw,
dahil sa pag-ibig ay parang
batingaw,
dahil sa panata ay parang orasan,
at mukhang ost’ya rin ng
kalulwang banal
sa loob ng dibdib ay doon nalagay.
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tula-puso-
ano-ka.html
Bulag Ka, Juan
Ariana Trinidad
Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?
http://halimbawa-tagalog-
tula.blogspot.com/
TULA:
O Kabinataang Bagong
Sumisibol
Aurelio Tolentino
O kabinataang bagong sumisibol,
itong abang lagda sa iyo'y patunkol.
Pakatandaan mo itong mga hatol
na dangal at buhay ng lahat ng
dunong.
Ang pagpipitaga't pakikipagkapua
ay siyang sagisag ng pagka-dakila;
kapág sa sinuman ito ay nawala,
iyan ay di dapat, humarap sa madla.
Di sukat ang ganda, di sukat ang
yaman,
di sukat ang dunong at lahat ng inam;
kapag ang sagisag na aking tinuran
ay siyang nawala, ang lahat ay
kulang.
Ang pagkamabaít, ang pagka-
mahinhin,
ang pagka-matapat at anyong butihin
ay siyang palamuting sa tuina'y
dadalhin,
ang iyong ugali upang magluningning.
Sapul pa ng ikaw ay batang maliit
may tungkulin ka ng lubhang
mahihigpit,
gaya ng huwag bigyan ng munting
ligalig
ang kawawang inang sa iyo'y ninibig.
Ikaw ay lumaki at lumaki naman
ang iyong tungkuling akin ng tinuran:
ng una'y ang iyong mundo ay
kandungan
http://tagaloglang.com/Philippine-
Literature/Tagalog-Poems/tula-o-
kabinataang-bagong-sumisibol.html
Ang Matampuhin
Lope K. Santos
Damong makahiya na munting
masanggi'y nangunguyumpis na't
buong nakikimi, matalsikan lamang
hamog na konti't halik ng amiha'y
mabigla sa dampi mga kinaliskis na
daho'y tutupi't tila na totoong lanta
na't uns'yami.
Mutyang balintataw ng buwang
maningning sa salang mabiro ng
masayang hangi'y pipikit na agad sa
likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa
lupa'y titingin, sa tanaw ng ulap at ng
panganorin.
Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag
lamang ay nagdaramdam nang tila
nasugatan;
isang munting batong sa kanya'y
magalaw ay dumaraing na at
natitigilan.
Matingkad na kulay ng mayuming
sutlang kay-sarap damitin at
napakagara, munting mapatakan ng
hamog o luha, ay natulukot na't agad
namumutla; salang malibangan sa
taguang sadya' y pinamamahayan ng
ipis at tanga.
Kalapating puting may batik sa
pakpak, munting makalaya'y malayo
ang lipad; habang masagana sa
sariling pugad, ay napakaamo at di
lumalayas; nguni, pag sa palay ay
minsang manalat,sa may-alagad man
ay nagmamailap.
Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng
buhay ay wala sa pusong laging
mapagdamdam; hindi nagluluwat ang
kapayapaang mamahay sa palad na
hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang
tampo'y di bagaykaning maya't-maya
at, nakamamatay!
http://garyrh1.hubpages.com/hub/
best-tagalog-poems
SANAYSAY:
 EDUKASYON
ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA
KABATAAN
Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang
binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang
pagkakakapit
sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga
sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga.
Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay
nakasalalay sa kanilang edukasyon.
Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago
ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga natutununan ay
makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda.
Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na
maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon,
maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon
gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang
pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral.
Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman.
Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa
pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon
nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok
at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang
karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko.
Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na
tatatak sa kanyang buhay.
Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya
ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at
ng inang bayan.
Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil
naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa
mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung
may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin
tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan.
Di nga ba't ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na
magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating
mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.
SANAYSAY:
 PAGKAKAISA
WIKANG FILIPINO: SUSI SA PAGKAKAISA AT
KAUNLARAN
Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na
ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang
ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa
Luzon, Visayas at Mindanao.
Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang
pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong
henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas.
Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon,
binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating
bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na
naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at
nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan
sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon
ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi
ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang
pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala.
Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino.
Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino,
ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong
ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang
Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na
mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika.
Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang
sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y
ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon.
Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
SANAYSAY:
 DISIPLINA
DISIPLINA AT KARANGALAN
ni: Gregorio V. Bituin Jr.
Sa ikauunlad daw ng bayan, disiplina ang kailangan. Masasalamin natin sa
kasabihang ito kung ano ang tinatawag nating disiplina.
Marami ang nakakaalam ng kasabihang ito, ngunit kakaunti naman ang tunay na
nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Ang disiplina’y hindi lamang sa
pamamagitan ng simpleng pagsunod sa tinig ng ating budhi, kundi sa pagiging
marangal at paggawa ng tamang bagay, sa tamang panahon, tamang lugar, tamang
paraan, at may tamang layunin, nang hindi nakasasakit ng damdamin ng iba.
Bagkus, nakagaganda pa ito ng ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa, pamilya,
pamayanan at daigdig.
“Madaling magpakatao, mahirap magpakatao.” Ang disiplina ay di lang nakikita sa
ganda ng porma, pagiging mayaman at tanyag sa lipunan, bagkus mas higit na
dapat bigyang pansin ang paggawa ng kabutihan at kaayusan para sa kapakanan,
hindi lang ng sarili, kuni ng iba pang tao.
Ikaw kaya, kaibigan, masasabi mo bang disiplinado ang isang tao kung siya’y
laging maganda ang bihis, mayaman at kilala sa lipunan samantalang
pinababayaan naman niya ang kalikasan at kalagayan ng ibang tao? Ang isang
mayaman na nagbibigay ng malaking donasyon sa simbahan ngunit sa masamang
paraan niya kinukuha ang kanyang kayamanan ay masasabi nating hindi isang
disiplinadong tao dahil siya’y hindi marangal. Mas higit pang marangal sa kanya
ang isang pulubing namamalimos sa lansangan. Kung isa kang lingkod ng bayan
ngunit nangungurakot ka naman, matatawag ka bang disiplinado at marangal?
Hindi pala dapat ihiwalay ang disiplina sa karangalan, kaibigan.
Ang isang estudyante ay masasabing disiplinado kung pumapasok siya sa klase sa
tamang oras, nagsisikap matuto at matiyaga sa kanyang pag-aaral. Ang
pamamasyal at pagliliwaliw ay hindi masama basta’t hindi naaapektuhan ang
iyong pag-aaral at iba mo pang gawain dahil bahagi ito ng ating pag-unlad bilang
tao. Mahirap naman kung parati kang seryoso sa pag-aaral ngunit hindi mo naman
nabibigyan ng panahon ang makapag-relaks, magliwaliw at makihalubilo sa
lipunan. Maling konsepto ng disiplina ang nalalaman mo kung hindi mo naman
nabibigyan ng kasiyahan ang buhay mo. Basta ba wala kang ginagawang masama
at hindi mo pinababayaan ang mga gawain mo. May panahon ka sa pag-aaral kaya
gamitin mo nang wasto ang oras na ito para marami ka pang matutunan. Huwag
sayangin ang panahon at perang ginagasta para lang makapag-aral ka.
Paano tayo magiging disiplinado, kaibigan? May ilang akong maipapayo. Gawin mo
ang mabuti ayon sa kakayahan mo at gampanan mo nang mahusay kung ano ang
papel mo sa pamayanan. Halimbawa, isa kang working student. Pag oras ng
trabaho, magtrabaho ka. Kung oras naman ng pag-aaral, mag-aral kang mabuti.
Hindi dapat maging dahilan ang pagiging working student mo para ipasa ka ng
iyong guro.
Ngunit may mga bagay din minsan na nakalilito tungkol sa disiplina. Halimbawa,
isa kang trabahador sa isang pribadong kampanya, at limang minuto na lang, late
ka na. Mahigpit pa naman ang amo mo. Eh, patawid ka ngayon ng kalsada ngunit
pula ang ilaw sa takdang tawiran. Tumawid ka dahil kailangan mong magmadali.
Isa pa’y bihira naman ang dumadaang sasakyan. Disiplinado ka ba o hindi? Kung
dadaanin sa batas, mali ka dahil tumawid ka na pula ang ilaw. Ngunit sa praktikal
na pananaw, tama pa ring tumawid dahil wala namang dumaraang sasakyan,
bukod sa makakahabol ka sa oras, hindi ka pa mapapagalitan ng boss mo. Medyo
kumplikado ang disiplinang tinutukoy, ano po? Marahil kaya kumplikado dahil
iniisip natin na ang patakaran ay patakaran, ang batas ay batas na hindi maaaring
suwayin. At may dalawang patakarang masasabi nating nagbabanggaan sa isang
partikular na sitwasyon. Batas sa trapiko (huwag tumawid kapag pula ang ilaw)
laban sa batas ng kumpanya (huwag ma-late at baka matanggal sa trabaho).
Gayunman, kailangan nating maging disiplinado at sumunod sa mga patakaran
lalo na kung ito ang hinihingi ng sitwasyon, at nais nating maging maayos ang
lugar na ating ginagalawan, pati na rin ang mga taong ating nakakasalamuha.
Kung disiplinado ka, magpakatao ka. At kung nagpapakatao ka, disiplinado ka.
Gagawin mo ang tama at marangal. Ipagpatuloy mo ito lalo na kung alam mo
namang ikahuhusay ito ng mas nakararaming tao. Tiyak na susuportahan ka ng
iba sa mga wasto mong gawain.
Makakamit natin ang pinakamarangal na dignidad kung tayo ay may disiplina lalo
na kung nauunawaan natin at isinasagawa ang tunay na kahulugan nito. Ang
gawaing may malinis, marangal at mabuting hangarin ay nagbibigay-dangal sa
isang tao.
Higit sa lahat, sa ugali mo masasalamin ang tunay na disiplina, kaibigan at hindi
sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at ang disiplinang ito ay karangalan, na
siyang tanging kayamanan na ng tao, kayamanang hindi nabibili, hindi
mananakaw, at ito’y mananatili kailanman! Karangalang higit na kailangan sa
katuparan ng hinahangad na kaunlaran. Karangalang higit pa sa kayamanan.
TALUMPATI:
Kahalagahan ng ating mga Magulang
ni
Mary Joyce Z. Laqueo
Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating
buhay?.Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at
kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay
nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na
gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip
na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong
ito.Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na
naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at
lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para
magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin
naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng
may magandang kinabukasan.
Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip
ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap.Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng
mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit
tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto
mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring
magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may
problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga
bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga
magulang.
Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa
kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa
ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para
mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na
ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila
habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po
kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging
magulang.Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t
maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat
ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga
bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu
natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.
TALUMPATI:
Edukasyon Para sa Pag-unlad
Sa paggising mula sa kama, pumasok sa eskwela, sa pagpasok ko
sa pintuan,ako'y napatingin sa labasan.Napaisip ako ng ng bigla, "Ano
ba ang katuturan ng pagpasok ko sa eskwela?"
Ang sarap isipin na "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" hindi
ba? Pero masakit isipin na ang kabataan waring tumatakbo sa
kaalaman. Nariyan ang ayaw pumasok sa eskwela, nakatambay
lamang ng basta, at ang iba nga'y nalululong pa sa droga. Huwag
nating basta na lang ipagpasawalang bahala ang bawat ating
ginagawa,dahil ang bawat kilos na ito, kakambal ay pagsisisi na hindi
na natin mababalikan pang muli.
Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay na pag-unlad,
pag-unlad para sa ating sarili at pag-unlad na sa ating baya'y nakatali.
Naaalala ko pa ng mapanood ko sa telebisyon ang isang balitang
nakapanliit sa bayan natin, na ang "Pilipina" sa diksyonaryo ng ibang
bansa'y"DomestikHelper"ang ibig sabihin.Hindi ko alam pero para sa
aki'y ang hirap nitong lunukin.Ang sa akin, bakit tayo nagpapa- api sa
iba lalo na't hindi natin kalahi? Bakit natin ito ipagsasa- walang
bahala?Ipakita natin na kaya natin. Na kaya nating umangat sa sarili
nating mga paa.
Kumilos tayo! Tayo ang kabataan ngayon at sa atin nakasalalay
ang pagdadala sa Inang Bayan sa tugatog ng kasaganaan. Lagi nating
tatandaan,angpag-pasoksa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-
dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya. At tandaan
ninyo, kapag tayo, mga kabataan, umastang waring sanggol sa Siyam
na bwan, tiyak, buhay mo at ng lipunan, sa rehas na bakal ang
hantungan.
SANAYSAY:
 EDUKASYON
ANG PAARALAN SA MATA NG MGA MAG-AARAL
May mga pagkakataon na namomroblema ang ilang mag-aaral dahil sa
kakapusan ng kanilang pangtustos sa pag-aaral. Isang estudyante ang lumapit sa
akin at nagsabing baka bumagsak siya sa kanyang practical arts class dahil wala
siyang pambayad para sa mga proyekto. Ito kasing teacher niya, may sistemang
hindi maganda. Upang makapasa ang mga estudyante, kinakailangang silang
makakuha ng kaukulang puntos sa pagtatapos ng klase. Makukuha lamang ang
puntos sa pamamagitan ng partisipasyon sa mga gawain sa klase pagrereport,
pagrerecite at syempre, pagpapasa ng mga project. Ang kaso, hindi libre ang mga
gamit para makapagreport, makapag-recite at makakuha ng mga kagamitan sa
projects. Hindi naman makapagreklamo ang pobreng mahirap na estudyante dahil
baka lalo pang lumala ang kanyang problema. Hindi lamang siya ang may
problemang katulad nito. Marami pang iba.
Mayroon naman akong estudyante na sa tingin ng ilan ay hindi mabuting mag-
aaral. Pero masasabi ko na marunong siya dahil sa kanyang mga sagot sa
talakayan. Mahihinuhang nauunawaan niya ang aming paksa at nakapagbibigay
pa nga siya ng malalalim na ideya na nakatutulong ng malaki sa daloy ng aming
diskusyon. Kaya lang, masasabi ko rin na hindi siya nagsisikap. Sa tingin ko ay
makakakuha siya ng matataas na marka kung pagsisipagan niya ang kanyang pag-
aaral. Sa tingin ko ay kuntento na siyang makapasa o kaya'y makuha ang
kinakailangang marka para manatili sa unibersidad. Minsan ay naghahanap pa
siya ng butas para pangatwiranan ang kanyang katamaran.
Sa isang pagkikita, mayroon akong ipinapasang sulatin bilang paghahanda sa
aming talakayan. Syempre, mayroong mga panutong dapat sundin sa paggawa ng
sulatin. Subalit malinaw na hindi sinunod ng mag-aaral na ito ang wastong paraan
sa gawain. Ang kanyang ipinasa ay resulta ng pagmamadali at marahil ay para
lamang masabi na mayroon siyang ipinasa. Pagkatapos ng klase ay kinausap ko
siya at sinabi ko sa kanya na maaari pang maging maaayos ang kanyang nagawa
kung paglalaanan lamang niya ito ng wastong panahon. Subalit sinabi niya sa akin
na... ano ang aking magagawa, e sa hanggang doon lang ang aking kakayahan...
Sir, pinaghirapan ko yan, nagsusumikap na nga akong mag-aaral tapos papahiyain
n'yo pa ako"
Ito namang isa, palagi na ngang mababa ang nakukuha sa mga pagsusulit,
hindi pa nakikiisa sa mga gawain. Pilit bang sinasabi sa kanyang sarili na wala
siyang kakayahan. Naaalala ko noong simula pa lamang ng pasukan, nag-ipit siya
ng sulat sa aking lamesa. Sabi niya … "Sir, I'm hope that I will passed this subject
because it was my third time…" O-may-gulay!!! Ano ba ito? Hanggang sa matapos
ang klase, kahit na anong pilit ang gawin ko para lamang makiisa siya sa mga
gawin ay nandoon pa rin siya sa kanyang sariling daigdig sa sulok ng silid. Sa
sumunod na taon, hindi ko na siya nakita dahil hindi pinapayagan sa aming
paaralan ang pag-ulit ng aralin sa ikaapat na pagkakataon.
Hindi mainam na karanasan sa paaralan ang aking mga nabanggit. Para sa
mga mag-aaral, sa halip na lalawak ang kanilang kaisipan ay maaari pang kumitid
dahil sa mga ganitong pangyayari.
Isa namang mag-aaral ang nagsabi sa akin, kailangan pa ba talagang pumasok
sa paaralan ang mga kabataan? Madali mong masasabi na napaka-estupidong
tanong ang tulad nito? Subalit namangha ako sa tinuran ng aking estudyante. Sabi
nya, "hindi ba't ang paaralan ay sinasabing lugar na maghahanda sa kabataan
upang harapin ang mga suliranin sa lipunan? Hindi ba't ang paaaralan ang
sinasabing magbibigay sa atin ng mga kaalaman upang ang kabataan ay
magkaroon ng makabuluhang pakikilahok sa mga gawain sa lipunan? E ano ang
nakikita natin? Natutunan namin ang mga bagay na dapat gawin para pagdating
ng panahon ay kaharaping muli ang parehong suliranin sa lipunan. Kung ano ang
ginawa ng naunang henerasyon ay gagawin din namin. Siyempre parehong
problema, parehong paraan ng paghahanap ng solusyon, parehong hindi
makakamit ang solusyon… walang pagbabago."
Masasalamin sa mga mata ng estudyanteng ito na natutunan niya ang kanyang
mga aralin. Nalaman niya na siya'y isang mahalagang bahagi ng lipunang kanyang
ginagalawan. At alam niyang dapat kumilos para sa pagbabago para sa kaunlaran.
Paano nga naman uunlad kung walang pagbabago.
Napakahalaga ng paaralan, hangga't nagdudulot ito ng kaunlaran para sa mga
pumapasok dito. Kung hindi nga naman nakatutulong at sa halip ay
nakapeperhuwisyo pa ay dapat nga lang na wasakin ang mga paaralan. Bago natin
sisihin ang paaralan, tingnan muna natin kung ano ang ating ginagawa. Paano ba
natin tinitingnan ang ating paaralan?
Itinanong ko sa mga estudyante ko: Bakit nga ba kayo pumapasok sa paaralan?
Sabi ng marami... "e, kasi dapat e… dapat makatapos para magkatrabaho ng
maganda… dapat me alam ka kasi hindi maganda kapag wala kang alam…"
Ganoon ba iyon?
Dapat isaisip ng mga mag-aaral na sila ay pumapasok hindi dahil sa
kariwasaang kanilang makakamtan sa hinaharap, kundi dahil nais nilang
magkaroon ng kaalaman. Kung pumapasok ka sa paaralan dahil napipilitan ka
lamang, maaaring ka ngang makatapos subalit malaki ang posibilidad na hindi mo
magagamit ang iyong mga natutuhan. Magiging pansamantala lamang ang mga ito
dahil ang mga bagay na ipinilit malaman ay madaling malilimutan. Magkakaroon
ka ng mapagsikap na gawi kung sasabihin mo sa iyong sarili na pumapasok ka sa
paaralan dahil nais mong magkaroon ng kaalaman. Kung ito ang iyong isasa-isip,
magkakaroon ka ng masidhing pagnanais na matutunan ang mga bagay na maaari
mong magamit tungo sa iyong kaunlaran.
Para sa mga Pilipino, napakataas ng ating tingin sa edukasyon na madalas ay
ikinakasing-kahulugan sa mga paaralan. Kung nakapag-aral ka, mas madali ang
iyong pag-unlad. Kaya, ang edukasyon ay nagmimistulang puhunan at balang araw
ay malaki ang tubo. Ang edukasyon ay proseso ng pagkatuto samantalang ang
paaralan ay isang instrumento ng edukasyon. Sa halip na ang paaralan ay
magiging insrumento ng karunungan ay nagmimistula itong paluwagan na may
inaasahang malaking sahod balang araw. Hindi naman natin masisi ang ating mga
magulang dahil sawang-sawa na sila sa kahirapan. At marahil ay nais nga nila na
tayo ay umunlad.
Ano kaya ang mangyayari kung magiging ganito ang takbo ng pag-iisip ng lahat
ng mag-aaral? Nakaiinis kung wala kang pambili ng mga kagamitan para sa mga
proyekto. Hindi ka na magsisikap na magkaroon ng mas malawak na kaalaman
dahil pwede na ang makapasa lang. Hindi ka magsisikap dahil hanggang doon lang
iyong kakayahan. At ang pinakamasama, hindi tayo makatutulong para sa
kaunlaran ng ating bayan. Hindi tayo magiging instrumento para sa
makabuluhang pagbabago ng ating lipunan… Ikaw, bakit ka nag-aaral?
SANAYSAY:
 PAGKAKAISA
ANG PANGANIB NG MAKASARILI AT BIYAYA NG
PAGTUTULUNGAN
Marami nang nagawang bersiyon at sa iba’t-ibang wika ang sanaysay na ito,
subalit ang mabuting aral na dulot nito’y hindi pagsasawaang ulit-ulitin.
Kailangang manumbalik at manatili sa ating kabatiran upang magawang kalasag
at gabay sa mga pagkakataong iniisip mong kayanin ang mabigat na gawain kahit
mag-isa. At tanggapin ang isang bahagi lamang sa buong kabubuan at
pangatawanan itong siyang katotohanan lamang. Ito ay mapanganib.
Sa isang maliit na nayon sa Indiya, ay may naninirahang anim na pulubing
bulag. Bagama’t hindi mga nakatuntong sa paaralan dahil sa kahirapan ay ayaw
magpatalo sa isa’t-isa. Bawa’t isa ay siya ang pinakamatalino at pinakatuso sa
lahat sa anumang bagay. Naging bukambibig at ritwal na nila ang magtalo, kahit
na sila’y nasa alinmang pook, at maging sa bangketa kung sila ay nagpapalimos.
Madalas na magkumparahan at magpataasan kung sino ang higit na magaling sa
kanilang lahat.
Isang araw, may isang batang babae na may hilang malaking elepante ang
naparaan sa kanilang nayon. Masigabong palakpakan at katuwaan ang narinig ng
anim na bulag mula sa labas ng kanilang bahay. Sumasayaw at nagagawang
sumirko’t umupo ng malaking elepante sa utos ng bata. Hindi alam ng mga bulag
kung ano ang itsura ng elepante sa kanilang buong buhay, ngunit naa-amoy at
naririnig nila ang malakas na atungal nito nang sila’y makalapit. Bawa’t isa ay
nagnanasang mahawakan ito at malaman kung ano ang anyo nito. Pinalibutan nila
ang malaking elepante at isa-isang nagsihipo sa katawan nito na nakaharap sa
kanila, nag-aanasan at nag-uunahan kung sino sa kanila ang higit na
makapaglalarawan sa anyo nito.
Ang unang bulag na nasa gilid ay dinama at hinaplos ng kanyang dalawang
kamay ang katawan ng elepante. Napansin niyang malapad, malaki, at matigas ito.
At malakas na nagpahayag sa mga kasamang bulag na, “Ang elepante ay kawangis
ng malapad na dingding ng bahay!”
Ang pangalawang bulag na nasa harapan ng elepante ay nahawakan ang isang
mahabang pangil nito. Napansin niyang madulas, matibay, at may matulis na dulo,
ay mabilis na nagsalita, “Ang elepante ay mistulang isang madulas na sibat na
matulis ang dulo!”
Ang pangatlong bulag na katabi ay nahawakan ang gumagalaw na nguso ng
elepante. Sinalat-salat, nag-gagalaw ito, at pumapalupot sa kanyang braso. Mariin
niyang isinigaw, “Ang elepante ay katulad ng ahas, ito’y pumapalupot at
kumakawag!”
Ang pang-apat na bulag na pandak ay nasa gilid ng elepante, at nahawakan nito
ang makunat at lukot na balat, mahaba, at pabilog na paa. Bigla at nakakatiyak
itong nangusap, “Ang elepante ay kahawig ng isang punongkahoy!”
Ang panlimang bulag na nasa kabilang gilid ng elepante ay nahanginan ng
pagaspas ng tainga nito. Mabilis na hinawakan ng bulag ang tainga at dinama ang
kanipisan at kalaparan nito. Malakas din ang naging sigaw na pahayag nito, “Ang
elepante ay kawangis ng isang malapad na pamaypay!”
Ang pang-anim na bulag na nasa hulihan ng elepante ay nahablot ang
gumagalaw na buntot nito. At nang higpitan ang hawak ay napansing mahaba at
matigas ito. At nang makapa ng isang kamay ang dulo na may mga balahibo,
walang alinlangan na humiyaw ito, “Ang elepante ay tulad lamang ng isang lubid!”
Ang anim na pulubing bulag ay maingay at nagtutulakan na nagtalo; “Ito’y tulad
ng malapad na dingding!” “Hindi totoo ‘yan! Ang katulad niya’y sibat!” “Mga mali
kayo! Siya’y ay mistulang pumapalupot na ahas!” “Mga bugok kayong tatlo,
“Katulad niya ang matibay na punongkahoy!” “Sira ang tuktok ninyo, Para siyang
pamaypay na humahangin!” “Kahit anong sabihin ninyo, napatunayan kong ang
elepante ay kawangis ng lubid!”
Gaano man ang gawing paliwanag na pagtatama ng batang babae na may dala ng
malaking elepante, sa tunay na anyo nito ay nalunod lamang sa ingay ng pagtatalo
ng anim na bulag. Bawa’t isa ay ayaw magpatalo at pinagpipilitan ang kanyang
nahawakan na katotohanan.
-------
Marami sa atin ang katulad ng anim na pulubing ito. Magpahanggang ngayon ay
pulubi at bulag pa rin tayo sa mga katotohanan sa ating kapaligiran. Ang ating
pansariling kabatiran lamang ang ating pinanghahawakan, inaayos, at
itinataguyod. Bihira sa atin ang nakakaalam ng buong larawan sa tunay nitong
anyo ng buhay. Na ang kapighatian ng isa sa atin ay sangkot at nakakasakit sa
ating lahat.
Gayong tama ang bawa’t isa sa kanila sa kanilang mga nahawakan, subalit sa
kabubuan at tunay na anyo ng elepante ay mali ang bawa’t isa. Umasa at
nagtiwala lamang sila kung ano ang kanilang nahawakan at nadama. Wala isa
man sa kanila ang may kaalaman sa tunay na kabubuang anyo ng elepante. Higit
na pinagtutunan ng kanilang makasariling kaisipan ang mangibabaw at maging
magaling kaysa alamin ang katotohanan.
Kung magagawa lamang nilang huwag magpadalos-dalos at pag-ibayuhin ang
pagtutulungan sa isa’t-isa sa paglalarawan, makabubuo sila ng tunay na anyo ng
elepante. Subalit higit na nakakahalina ang masabing nakakahigit at
nakalalamang kaysa pagtutulungan. Na madalas ay humahantong sa
kapahamakan ng bawa’t isa, kaysa ang pagkakaisa sa ikakaunlad ng lahat.
Isang Paglalarawan
Marami ang hindi makasagot nang tuwiran: Kapag tinanong mo kung ilang
baitang ang inyong hagdanan sa bahay? Ilang bombilya mayroon kayong lahat sa
bahay? Ilan ang kabubuang mga bintana? Kailan ito natayo at bakit sa pook na ito?
At marami pang iba. Gayong ang kanilang bahay ay halos napakaraming dekada
na itong tinirhan at namana pa sa mga magulang. Walang ganap na kabatiran
kundi ang natirhan lamang ito. Isang paglalarawan lamang ang bahay sa
kabubuan ng ating buhay. Subalit kung ihahambing ito sa ating tunay na buhay,
kinakapos tayong lagi at walang ganap na maisagot kung ano ang puno at dulo ng
ating binabagtas na daan, saan ito patungo, at anong kapalaran ang naghihintay
para sa atin.
Higit nating nalalaman ang mga panandaliang aliwan at mga kalayawan sa
sarili, mga buhay ng mga kapitbahay at ibang tao, kaysa ang buong kaanyuang
larawan ng ating buhay at tinutungo nito sa ikakaunlad ng ating mga sarili at
pamilya.
Alamin ang buong katotohanan ng ating buhay sa likod ng kanyang mga bahagi o
mga kabanata. Ang kabubuan nito ang tunay na larawan na magpapakita kung
sino, saan, at papaano natin nililikha ang ating mga sarili.
SANAYSAY:
 DISIPLINA
SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG
KAILANGAN!
Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law.
Linya na mula sa diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang
pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating
hindi disiplinado.
Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung
may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi malayong respetuhin na tayo ng mga
ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong
hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo
magtatagumpay.
Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong
Marso na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal
pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila
sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila
sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon
ng mga Pilipino.
Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas.
Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng
pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may
kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang
mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo,
respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong
ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng
negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging
matagumpay ka sa hinaharap.
Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng
pagbabago, unahin muna natin ang pagiging disiplinado bago maging progresibo.
PABULA:
ANG LOBO AT ANG UBAS
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang
lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik
ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila
matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang
bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang
bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit
hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at
malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak
na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.
Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating
paniwalaan. Kungminsan ang sinasabi ng isang tao ay isa
lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya
natamo ang isang hinahangad na makamtan.
MAIKLING KWENTO:
BAGONG KAIBIGAN
ni: Bernard Umali
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may
matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko
raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa
amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa
papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang
bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko
ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon.
Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan.
Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat.
Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking
kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na.
Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng
dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at
halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik
na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may
natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang
bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin.
Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao
roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na
bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong
bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa.
Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-
lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak!
Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong
kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at
ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon
ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila
maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay
ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.
“Gising na anak, may pasok ka ngayon”
“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong
kaibigan!”
“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya
gumising ka na at darating na angschool bus.“
TULA:
AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO!
ni: Avon Adarna
Ang nilalang na sumakabilang buhay
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na
tunay?
At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?
Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga!
Ngunit ano itong nangyari sa amin?
Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng
pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.
Bulag Ka, Juan
ni: Ariana Trinidad
Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.
Tahimik sa buong taon
Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
ANG AKING PANGARAP
ni: Kiko Manalo
Pangarap kong magbakasyon
Kapiling ang hanging Habagat
At kami’y maglilimayon
Sa mga ilog at dagat.
Ipagmamalaki ko sa kanya
Na hindi galing sa atin ang basura,
Na naglutang sa dalampasigan.
Ng Kamaynilaan.
Sa lungsod ko siya igagala
Doon sa nilalakaran ng rodilyo
At sa gilid ay nagtayo
Ang mga pabrika ng bata.
Ipagmamalaki ko sa kanya,
Na ang mga nakatira
Ay hindi nagtatapon ng basura
Sa mga kanal at kalsada.
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay

More Related Content

What's hot

Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganaySean Davis
 
Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi PRINTDESK by Dan
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanDiane Abellana
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaRenalyn Arias
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOHiie XD
 
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayananMga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayananMaxley Medestomas
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaRL Miranda
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoEemlliuq Agalalan
 
Mga isyu at suliraning pandaigdig
Mga isyu at suliraning pandaigdigMga isyu at suliraning pandaigdig
Mga isyu at suliraning pandaigdigcharles bautista
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysayiaintcarlo
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonJenita Guinoo
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Gamit ng mga bantas
Gamit ng mga bantasGamit ng mga bantas
Gamit ng mga bantaspukaksak
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tulaKaira Go
 

What's hot (20)

Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganay
 
Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi Isang libo’t isang gabi
Isang libo’t isang gabi
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Bahagi ng Pananalita
Bahagi ng PananalitaBahagi ng Pananalita
Bahagi ng Pananalita
 
Talumpati
TalumpatiTalumpati
Talumpati
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayananMga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
Mga pangunahing siliranin/problema sa barangay/pamayanan
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Mga isyu at suliraning pandaigdig
Mga isyu at suliraning pandaigdigMga isyu at suliraning pandaigdig
Mga isyu at suliraning pandaigdig
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Tunggalian
TunggalianTunggalian
Tunggalian
 
Gamit ng mga bantas
Gamit ng mga bantasGamit ng mga bantas
Gamit ng mga bantas
 
Elemento ng tula
Elemento ng tulaElemento ng tula
Elemento ng tula
 

Viewers also liked

Viewers also liked (19)

Isang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoIsang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipino
 
Mga repormista
Mga repormista Mga repormista
Mga repormista
 
Tula (Droga Iwasan)
Tula (Droga Iwasan)Tula (Droga Iwasan)
Tula (Droga Iwasan)
 
Ang magkaibigan
Ang magkaibiganAng magkaibigan
Ang magkaibigan
 
Nauwi sa droga
Nauwi sa drogaNauwi sa droga
Nauwi sa droga
 
Sanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guhoSanaysay na mga guho
Sanaysay na mga guho
 
Journalism pagsulat ng balita
Journalism  pagsulat ng balitaJournalism  pagsulat ng balita
Journalism pagsulat ng balita
 
Balita sa Pamamahayag
Balita sa PamamahayagBalita sa Pamamahayag
Balita sa Pamamahayag
 
Epiko ni cilo
Epiko ni ciloEpiko ni cilo
Epiko ni cilo
 
Meet mulla nasruddin
Meet mulla nasruddinMeet mulla nasruddin
Meet mulla nasruddin
 
Elemento Ng Tula
Elemento Ng TulaElemento Ng Tula
Elemento Ng Tula
 
Mga bayani
Mga bayaniMga bayani
Mga bayani
 
Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
 
Fil 10 lm q3
Fil 10 lm q3Fil 10 lm q3
Fil 10 lm q3
 
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
Mullah Nasreddin (diskursong nagsasalaysay)-Aralin 3.2
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 

Similar to Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay

Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsoddaphneducay
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Impeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatImpeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatGrace Andrade
 
Sa lupa ng sariling bayan
Sa lupa ng sariling bayanSa lupa ng sariling bayan
Sa lupa ng sariling bayanrodabanana
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasSa May Balete University
 
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don Juan
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don JuanIkalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don Juan
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don JuanKim Libunao
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Arlyn Duque
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaCherry Javier
 

Similar to Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay (18)

Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsod
 
Mars
MarsMars
Mars
 
2nd Quarter Filipino III
2nd Quarter Filipino III2nd Quarter Filipino III
2nd Quarter Filipino III
 
Mabangis na lungsod
Mabangis na lungsodMabangis na lungsod
Mabangis na lungsod
 
Filipino 7
Filipino 7Filipino 7
Filipino 7
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Filipino project
Filipino projectFilipino project
Filipino project
 
Impeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatImpeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikat
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Sa lupa ng sariling bayan
Sa lupa ng sariling bayanSa lupa ng sariling bayan
Sa lupa ng sariling bayan
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng PilipinasBisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
Bisa ng panitikan, Mitolohiya ng Pilipinas
 
science module
science modulescience module
science module
 
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don Juan
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don JuanIkalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don Juan
Ikalawang Bahagi ng Ibong Adarna Paglalakbay ni Don Juan
 
SAWIKAIN.pptx
SAWIKAIN.pptxSAWIKAIN.pptx
SAWIKAIN.pptx
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at PabulaAlamat, Tula, Bugtong at Pabula
Alamat, Tula, Bugtong at Pabula
 

More from Mariel Flores

Mga anyong lupa at anyong tubig
Mga anyong lupa at anyong tubigMga anyong lupa at anyong tubig
Mga anyong lupa at anyong tubigMariel Flores
 
The nervous system, parts, function, illness and diseases
The nervous system, parts, function, illness and diseasesThe nervous system, parts, function, illness and diseases
The nervous system, parts, function, illness and diseasesMariel Flores
 
Book report in English
Book report in EnglishBook report in English
Book report in EnglishMariel Flores
 

More from Mariel Flores (6)

Mga anyong lupa at anyong tubig
Mga anyong lupa at anyong tubigMga anyong lupa at anyong tubig
Mga anyong lupa at anyong tubig
 
The nervous system, parts, function, illness and diseases
The nervous system, parts, function, illness and diseasesThe nervous system, parts, function, illness and diseases
The nervous system, parts, function, illness and diseases
 
Book report in English
Book report in EnglishBook report in English
Book report in English
 
Types of clouds
Types of cloudsTypes of clouds
Types of clouds
 
Music Instruments
Music InstrumentsMusic Instruments
Music Instruments
 
Types of Phobias
Types of PhobiasTypes of Phobias
Types of Phobias
 

Recently uploaded

IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang MarkahanLornaBragaisBorbe
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGeizukiTaro
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 

Recently uploaded (20)

IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  MarkahanCOT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang  Markahan
COT Lesson Plan SA FIL 7- Ikalawang Markahan
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptxGrade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Grade 7 - Kalagayan Timog Asya sa Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 

Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay

  • 1. TALUMPATI: ANG PERA AT ANG TAO ni Shamgar Mangida Ang pera ay bagay na may halaga na ginagamit bilang pambayad sa transakyon o kalakalan ng dalawa o higit pang tao. Ito ang ginamit at ginagamit magpahanggang ngayon ng mga tao para sa pagpapaunlad ng kanilang mga sariling buhay, kompanya, komunidad at nasyon. Noong unang panahon na wala pa ito, pagpapalitan ng mga produkto obarter ang pamamaraan ng mga tao sa kalakalan. Mapapansing mahirap at mabagal ang paraang iyon pagkat minsan ay hindi pantay ang halaga ang isang bagay na itutumbas sa kapalit nitong bagay rin o kaya'y serbisyo. Ngayong pera ang ginagamit, madali na lamang ang mga gawaing katulad ng pagtitinda at pamimili. Hindi na kinakailangang buhatin ang isang sakong patatas sa palengke upang ipalit sa kalahating sako ng bigas na tulad ng paraan noon. Mahalaga ang pera para sa isang tao, pagkat pera ang ginagamit sa pagpapaikot sa halos lahat ng kanyang pang-araw araw na gawain. Sa pagkain, pag-aaral, pagtatrabaho, transportasyon at marami pang iba'y makikitang pera ang ginagamit sa pagpapagalaw at pagsisirkulo nito. Maganda ang pera, walang masama dito. Ang pagkakaroon ng pera o ng maraming pera ay hindi masama pagkat mas maraming pwedeng itulong o ibahagi ng isang tao sa kapwa niya. Subalit, ito'y nagiging masama kung pansarili lamang ang iniisip ng isang tao at hindi na iniisip o pinahahalagahan ang kapakanan ng iba. Sa madaling salita ay kung siya'y - madamot. Dagdag pa nito, ang pera ay nagiging masama kapag ang isang tao'y minahal ito. Sa Bibliya makikita natin na ang pagmamahal sa pera ay labag sa kalooban ng Diyos (2 Timothy 6:10). Mula din sa Bibliya ay makikita natin na dapat hindi mapusok ang tao sa pagkakaroon ng pera ( 1 Peter 5:2). Ang pera ay biyaya ng Diyos sa tao. Gamitin ito sa tama, gamitin ng may magandang intensiyon at huwag na huwag itong sambahin sa pamamagitan ng sobrang pagtatrabaho upang magkaroon nito na kahit napapabayaan na ang pisikal na katawan, pamilya o dili kaya'y nakakasakit sa kapwa. Kagalit ng Diyos hindi ang pera kundi ang taong mali ang intensyon at pamamaraan nito sa paggamit, gayundin sa mga taong mali ang pamamaraan sa pagkuha nito katulad ng pagpatay, pagnanakaw, pagsisinungaling, at marami pang iba. Ang pera, mahalaga sa buhay ng tao pero sana isipin natin na mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa pera. Tayo dapat ang mamahala, magkontrol, magpatakbo at gumamit ng pera hindi tayo ang kontrolin, patakbohin, at gamitin ng pera.
  • 2. PABULA: ANG PABULA NG ANG DAGA AT ANG LEON Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo," sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. MGA ARAL NG PABULA:  Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.  Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.  Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.  Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
  • 3. MAIKLING KWENTO: MABANGIS NA LUNGSOD Efren R. Abueg Sadyang may mga taong malupit at mapang-api. Kung sino pa ang mahina at aba, siya pang kinakaya-kaya. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki't maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi'y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi'y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. As sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan.Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kanyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan. "Mama... Ale, palimos na po." Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali ng pag-iwas. "Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!" Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. "Pinaghahanapbuhay 'yan ng mga magulang para maisugal." madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kanya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas. "May reklamo?" ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito'y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamayy ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kanyang bituka. "Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!" Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao'y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa.
  • 4. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kanyang kinaroroonan. "Malapit nang dumating si Bruno..." ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa'y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpapantindig sa kanyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kungng ilang araw na niyang nadara iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa't waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis, dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kanyang palad. At sa kaabalahan niya'y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan, makita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas. "Adong... ayun na si Bruno" narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang iniguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya sa kangina pa ay mamamatay. Mahigpig niyang kinulong sa kanyang palad ang mga baryang napagpalimusan. "Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!" mabilis niyang sinabi sa matanda. "Ano? naloloko ka na ba. Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!" Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatulog pa rin sa paglalakad, sa simula'y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahad ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu- salubong sa paglalakad. At akala niya'y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula't pa'y nakilala niya at kinasusuklaman. Muling dinama niya ang mga barya sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing. "Adong!" Sinunsan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimadsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan. "Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!" Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. ARAL:  Karapatan nilang mag aral, karapatan nilang magkaroon ng disenteng pamilyang mag aalaga sa kaniya karapatang mamuhay ng tulad ng isang normal na kabataan.
  • 5. TULA: WELGA Ariana Trinidad Dadaanin sa sigaw, Ang bulong ng utak, Sa simulaing naligaw, Malalim din ang babaw! Sa kalsada ibabandera, Mga watawat ng pagdurusa, Laban ng kasama, Ipakikibaka! Ang pait sa damdamin Ay tamis na gagamitin Upang makapiling Ang minimithing lilim. Ang diwa ng unyon, May pusong lilingon Makakasumpong Ng dakilang panginoon! Huwag kalimutan Ang pakikipaglaban Ay hindi sandigan Para sa sariling kapakanan! http://halimbawa-tagalog- tula.blogspot.com/2011/07/maikling-tulang- pilipino.html SA AKING MGA MAGULANG Jerome Apilla Kayo ang dahilan ng aking hininga Ako ay nabuo sa inyong kalinga, Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila, Ang siyang nagbigay ng lakas ko’t sigla Hinubog ang aking damdamin at diwa, Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha. Sa aking pagtulog sa gabing madilim, Nagbabantay kayo hanggang sa mahimbing, Hindi hahayaang lamok ay kagatin, Pati na ang init, pilit papawiin, At kung ako ma’y tuluyang magising, Nakangiti kayong sasalubong sa akin. Hindi nga maliit ang sakripisyo n’yo. Simula nang ako’y maging isang tao, Kaya naman ako’y may mga pangako Mga utos at hiling ay susundin ko, Igagalang kayo at irerespeto, At mamahalin sa buong buhay ko! http://halimbawa-tagalog- tula.blogspot.com/2011/09/filipino-poem-na- pambata-grade-1-to.html OH, PAG-IBIG ... Sweet Lapuz Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo, Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto, Bulag ang katulad, tila nalilito Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo. Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila, Madarama nama’y kilig sa simula, Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa, Kung magmamahal ka ng tapat at akma. Sa daraang araw, oras at sandali, Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti, Kung maaalala ang suyuang huli, At ang matatamis na sintang mabuti. At ang minamahal kung makakapiling Ay tila kaybilis ng oras sa dingding Hahalik sa pisngi at saka yayakapin, Limot ang problema, hindi makakain. Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang, Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan, Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang, Sa baba ng lupa ang pinanggalingan! http://halimbawa-tagalog- tula.blogspot.com/2011/07/tula-tungkol-sa-pag- ibig.html SA NGALAN NG LUHA Kiko Manalo Luha ang kalsada na dinaraanan, Ng taong nagluhod sa dinarasalan, Ito ang hihirang sa kapatawaran, Upang ang dalangi’y bigyang-katuparan. Ibig kaawaan, siya’y patawarin, Sumpa at pangako ay sunud-sunod rin, Luhod na lalakad at mananalangin, Na wari’y may hapis ang diwa’t damdamin. Sinasamantala ng taong baluktot, Sa pagkakasala’y natila malungkot, Ngunit katunayan sa puso at loob, Naghari ang bangis at asal na buktot. Nagtuos ng buti sa Poong Bathala, Ang hangad sa kapwa’y kunwaring dakila, Ngunit sa totoo’y walang pagkalinga, Ang puso ay ganid, sakim itong diwa! Luha’y ginagamit sa buti at sama, Kasamang lumakad ng lungkot at tuwa, Sa lubhang panganib, makaliligtas ba Kung mananalangin sa ngalan ng luha? http://halimbawa-tagalog- tula.blogspot.com/2012/08/limang-5- saknong.html
  • 6. SANAYSAY:  EDUKASYON ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag- aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin. Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito. Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.
  • 7. SANAYSAY:  PAGKAKAISA PAGKAKAISA SA LIKOD NG PAGKAKA-IBA Julius Cesar Pocaan “Dayuhang wika kailangan sa kasalukuyang panahon; Sariling wika kailangan sa pamhabang panahon.” Pahayag ng isang “American Indian” na naglalayon ng isang magandang relasyon ng wika at ng buhay. Ayon sa kanya, ang pagkakaraon ng isang dayuhang wika ay mahalaga upang tayo ay makaayon sa takbo ng panahon subalit mas kailangan natin ang sarili nating wika upang mabuhay nang habampanahon. Di lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay may napakaraming dayalekto na umaabot sa 170. Ilan dito ay ang Bikol, Kapampangan, Sugbuanon, Iloko, Haligaynon at siyempre ang Tagalog kung saan ibinatay ang wikang Filipino. “Maraming Wika, Matatag na Bansa” Noong una ko itong nabasa, tila naguluhan ang aking isipan sapagkat pilit kong tinutukoy kung ano ba ang ibig ipahiwatig ng paksang ito. Paulit-ulit ko itong binasa hanggang sa nasagot ang ilan sa aking mga katanungan. Wari’y parang may bumulong sa aking isipan upang aking matarok at malaman ang ibig nitong sambitin. Hindi natin maikakaila ang mabilis na pagbabago ng ating lipunan. Sa araw- araw nating pakikisalamuha, ating nasasaksihan ang mga pagbabagong nagaganap tulad na lamang sa larangan ng teknolohiya. Kasabay ng mga pagbabagong ito ang paglimot sa ilan sa mga dapat nating isaalang-alang. Subalit, taliwas ang dito ang gawain ng ating mga kababayang Pilipino may sariling dayalekto. Hindi nila kinakalimutan ang wikang kanilang kinalakhan kung kaya nagkaroon ang Pilipinas ng mahigit isang daan nito. Sinasabing ang pagkakaroon ng maraming wika ay hadlang sa paglago ng isang bansa. Subalit, ating isipin at pagmuni-munihing mabuti ang pahayag na nasambit. Magiging makatotothanan kaya ang pahayag na ito sa lahat ng pagkakataon? Tingnan natin ang konsepto sa likod ng isang mapanuring kaisipan. Isang magandang pamantayan ang pagkakaroon ng maraming kaalaman, hindi ba? Tunay na kahanga-hanga ang isang taong maraming kaalaman, isama natin dito ang kaalaman ng higit sa isang wika. Isang napakagandang halimbawa ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas. At dahilan sa kanyang kaalaman, hinangaan siya ng mga Pilipino at patuloy na hahangaan pamhabang panahon. Kung ating pakalilimiin, di kaya makatotohanan din ito sa ating bansang may napakaraming dayalekto? Hindi sagabal sa pag-unlad ng ating bansa ang pagkakaroon ng maraming wika kundi isa ito sa mga mahuhusay at kahanga- hangang kapasidad ng isang bansa. Ngunit hindi sapat ang madaming kaalaman sa paglago ng ating ekonomiya, ang ating bansa ay nangangailangan ng mamamayang may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Kailangan natin ang pagtutulungan tungo sa kaunlaran. Marami man ang wika ng ating bansa, mananatili itong matatag kung may pagsasama-sama, pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang hangaring mapalago ang ating bansa.
  • 8. SANAYSAY:  DISIPLINA PARA SA MGA NAIS HUMINTO SA PAG-INOM NG ALAK Kailangan ang Medikal na Tulong ni: J Ang sinumang tao na naniniwala na sila ay mayroong talamak na pagkahumaling sa alak ay pinapayuhang huwag munang madaliin ang paghinto hanggang hindi pa kumukunsulta sa isang mangagagamot. Maaaring makahinto ang isang tao sa kanyang sariling paraan, lalo na ang mga kabataan na hindi pa masyadong naaapektuhan ngunit ang iba naman ay kailangan munang magpasuri sa espesyalista upang matugunan ang mga katanungan ukol sa kanilang binabalak na paghinto. Ang paghinto sa pag-inom ng alcohol sa pamamagitan ng pagsasailalim sa medical na gamutan ay makatutulong sa isang tao upang hindi makaranas ng labis na hirap at mapigilan ang anumang panganib na maaaring makaapekto sa kanilang kalusugan. Gayundin naman na maipananalo nila ang laban sa unang antas ng kanilang pagtigil at magiging madali sa kanila ang mga hakbang sa mga susunod na bahagi. Ang paghinto sa pag-inom ng alak, lalo na sa ating mga Filipino, ay nangangailangan ng maayos na disiplina at malakas na pagnanais na maisakatuparan ang mga binabalak. Ito ay nangangailangan din ng sapat na kaalaman tungkol sa kanilang mga dahilan kung bakit sila nalulong sa alak. Ito ay makatutulong upang ganap na maunawaan ang mga bagay na kaakibat ng kanilang problema. Ito rin ang magiging daan upang malaman kung paano sila madaling makakaiwas sa pagkakaroon ng kagustuhang uminom na muli. Sa ganitong pagkakataon, ang pagsailalim sa medical na gamutan ay hindi nangangahulugang may isang magical na gamot na makapagpapaalis nang mabilis at epektibo sa mga problema. Kailangan pa ring isaalang-alang nating mga Filipino ang iba pang bagay upang lubusang gumaling sa sakit at makaalis sa alcohol addiction. Ngunit ang gamutan ay isang mahalagang paraan na magiging sandata upang makatakas sa negatibong kondisyon. Kung ang isang tao na may pisikal na pagkagumon sa alak at sinusubukan niyang ihinto ang pag-inom na walang medical na tulong, ang withdrawal symptoms ay makapagdudulot sa katawan ng isang estado upang mahirapan ito. Ito ay maaaring maging dahilan ng paglikas ng mga mahahalagang energy at pagkawala ng memorya o kahit kamatayan sapagkat naging resulta sa utak na nawalan ng mahahalagang bitamina. Gayundin naman na mas mapanganib na lubos na mababawasan ng lakas ang katawan kapag hindi nabigyan ng medikal na tulong ang isang taong hihinto na sa pag-inom ng alak. Maaari namang sumailalim sa gamutan kahit na nasa bahay lamang. Ang mga tao na nangangailangan ng medical na gamutan ay nararapat lamang na kumunsulta muna sa doktor upang hindi maging mapanganib ang paghinto sa pag- inom ng alak. Pagkatapos nito, maaari nang i-monitor ang gamutan sa loob ng bahay upang makasama ng pamilya at masuportahan ang isang tao na may problema.
  • 9.
  • 10. PABULA: ANG PABULA NG KABAYO AT NG MANGANGALAKAL Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke. Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo: "Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog. Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo. "Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin. Mga aral ng pabula:  Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga.  Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan.
  • 11. TULA: ANG “VALENTINE” KO Aniceto Silvestre AKO ay naghanda ng puting tarheta, sa gitna’y may pusong mapulang- mapula; ito’y kasimputi ng aking panata, ito’y kasindugo ng aking pagsinta. MAY lunti pang lasong dito’y nakakabit, kulay ng pag-asa’t aking pananalig; ang laman ng diwa’t kumakabang dibdib ay nakalimbag ding mga gintong titik. AKING isinulat ang iyong pangalang singyumi’t sintamis ng iyong kariktan; nilagdaan ko rin ng aking palayaw na nasa bigkas mo kung may kabuluhan. PARANG puso ko rin — huwag kang mamangha — ito’y hindi biro, ito’y hindi daya; ang inaasam ko ay puso ring sutla, sa pag-asang yao’y puso mong dakila. Sa araw ng puso — nasa kalendaryo — pusong pulang sutla ay para sa iyo; alin pa ang langit kapag nanagano sa rosas mong labi’t dibdib na mabango. Sa masayang araw at hanging maaya, ang sinugong puso’y sasaiyong ganda; ito’y magsasabing sa tuwa at dusa, ang “Valentine” ko’y ikaw — walang iba! http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tula-ang- valentine-ko.html KALUPI NG PUSO Jose Corazon de Jesus Talaan ng aking mga dinaramdam, Kasangguning lihim ng nais tandaan, bawat dahon niya ay kinalalagyan ng isang gunitang pagkamahal-mahal Kaluping maliit sa tapat ng puso ang bawat talata’y puno ng pagsuyo, ang takip ay bughaw, dito nakatago ang lihim ng aking ligaya’t siphayo. Nang buwan ng Mayo kami nagkilala at tila Mayo rin nang magkalayo na; sa kaluping ito nababasa-basa ang lahat ng aking mga alaala. Nakatala rito ang buwan at araw ng aking ligaya at kapighatian... isang dapithapo’y nagugunam-gunam sa mga mata ko ang luha’y umapaw... Anupa’t kung ako’y tila nalulungkot binabasa-basa ang nagdaang lugod; ang alaala ko’y dito nagagamot, sa munting kaluping puno ng himutok. Matandang kalupi ng aking sinapit dala mo nang lahat ang tuwa ko’t hapis; kung binubuksan ka’y parang lumalapit ang lahat ng aking nabigong pag-ibig. Sa dilaw mong dahong ngayon ay kupas na ang lumang pagsuyo’y naaalaala, O, kaluping bughaw, kung kita’y mabasa masayang malungkot na hinahagkan ka... May ilang bulaklak at dahong natuyo na sa iyo’y lihim na nangakatago, tuwi kong mamasdan, luha’y tumutulo tuwi kong hahagkan, puso’y nagdurugo. http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tula- kalupi-ng-puso.html
  • 12. TULA: KAHIT SAAN Jose Corazon de Jesus Kung sa mga daang nilalakaran mo, may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . Irog, iya’y ako! Kung may isang ibong tuwing takipsilim, nilalapitan ka at titingin-tingin, kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa gabing malalim. . . Ako iyan, Giliw! Kung tumingala ka sa gabing payapa at sa langit nama’y may ulilang tala na sinasabugan ikaw sa bintana ng kanyang malungkot na sinag ng luha Iya’y ako, Mutya! Kung ikaw’y magising sa dapit- umaga, isang paruparo ang iyong nakita na sa masetas mong didiligin sana ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . . Iya’y ako, Sinta! Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, kundi mo mapahid sa panghihinayang at nalulungkot ka sa kapighatian. . . Yao’y ako, Hirang! Ngunit kung ibig mong makita pa ako, akong totohanang nagmahal sa iyo; hindi kalayuan, ikaw ay tumungo sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . . magkikita tayo! http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tagalog- love-poem.html SA GABI NG ISANG PIYON Lamberto E. Antonio Paano ka makakatulog? Iniwan man ng mga palad mo ang pala, Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan, Alas-singko’y hindi naging hudyat upang Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga. Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay: Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak Kapag binabanig na ang kapirasong playwud, Mga kusot o supot-semento sa ulilang Sulok ng gusaling nakatirik. Binabalisa ka ng paggawa — (Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo) Dugo’t pawis pang lalangkap Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang Itatapal mo sa bakal na mga tadyang: Kalansay na nabubuong dambuhala mula Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya, Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos. Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga... Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold Na kinabukasa’y babaklasin mo rin. http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tula-sa- gabi-ng-isang-piyon.html
  • 13. MAIKLING KWENTO: INA, INA BAKIT NINYO AKO GINAWA? MAVO Ina, ina, bakit mo ako ginawa?... Ito ang tanong ni Michael, isang walong taong gulang na batang lalaking lansangan na naghahanap sa kanyang ina. Ina bakit ninyo ako ginawa? Ina bakit ninyo ako ginawa? Umiiyak-iyak si Michael nang aking ininterbyu noong Miyerkules ng hapon tungkol sa kanyang buhay kung bakit siya isang palaboy. Dapat sana ay nasa paaralan siya sa mga oras na iyon. Ina bakit ninyo ako ginawa? Bakit ninyo ako pinapabayaan? Hindi ninyo ba ako mahal? Nasaan na kayo ni itay? Si Michael ay isang palaboy. Madalas siyang makikita sa labas ng MSU-IIT na nakikipagtakbuhan sa mga kapwa palaboy at minsan sa mga mag-aaral ng nasabing unibersidad sapagkat hinihipo-hipo niya ang mga babaeng mag-aaral kapag hindi ito nagbigay ng pera. Akala mo’y nakikipaglaro siya sa mga mag-aaral sapagkat may dalang tawa at ngiti kapag siya’y hinahabol. Ikaw’y magtataka kung kilala ba ng mga babaing ito ang batang si Michael. Minsan din ay kalaro niya ang mga kapwa bata na tila’y walang problema sa buhay. Mga batang musmos na dapat ay nasa paaralan nagbabasa at nag-aaral para sa kanilang kinabukasan. Iniwan si Michael ng kanyang ina at ang lola at lolo na lang ang nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang ina ay sinasabing nag-aabroad bilang domestic helper ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay. Ang ama naman niya ay iniwan sila ng kanyang ina noong nalaman buntis ito at hindi na nagpakita. Kaya tanong ni Michael, Ina bakit ninyo ako ginawa? Ina bakit ninyo ako ginawa? Minsan tanong ng bata kung mahal ba nila siya. Sa mga oras na siya’y ginawa ay naisip ba nila ang hirap na kanilang papasukin. Mula sa mga ngiti at sarap, naisip man lang ba nila kung gaano ito ka sarap ay siya ring kahirap kapag siya’y lumabas na? Napag-usapan ba nila ang magiging kinabukasan ng batang naghahanap ng aruga ng isang ama’t ina? Mga tanong ng isang bata na nandiyan lamang sa kanyang isipan at sa kanyang pusong sugatan. Paano na lang ang sinabi ni Rizal na na “Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan” kung patuloy at mayroong mga magulang na pinababayaan ang kanilang mga anak. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga batang walang kasalanan at nadamay lamang sa mga hangal na magulang. Kung hindi man lamang magagawa ng mga magulang ang kanilang tungkulin para sa kanilang mga anak, ang mabuti pa siguro’y huwag ninyo na lang buhayin ang inyong magiging anak . Dahil mahirap ang kanilang sitwasyon at mahirap na lumaki na walang mga magulang at ito'y mas masakit pa sa isang hiniwang bawang. Ina, bakit ninyo ako ginawa? ARAL:  Kapag ginawa ang isang bagay dapat panindigan hindi dapat gumagawa ng paraan para mawala ang naging resulta ng ginawa. sa sinabi ng may akda sa bandang huli ng kwento ay di akma sa batas ng Diyos at batas ng lipunan.
  • 14. TALUMPATI: MULING MAGING DAKILA Ferdinand Marcos Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa. Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido. Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan. Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito'y mahalaga pa rin. Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran – sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon, tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang. Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin. Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.
  • 15. SANAYSAY:  EDUKASYON EDUKASYON BULOK NA. BAKIT MAHAL? Hindi ako isang mangmang sa katotohanan na kinahaharap ko bilang isang estudyante, at hindi isang bulag at pipi na hindi na maging saksi sa kalidad ng edukasyon sa trying sa ami'y ipinasusubo makasasapat iisip ito sa ating mga isip gutom. Ito konsepto na hindi namin maaaring makatakas - ang pababa pababa sa kalidad na edukasyon upang magpatuloy Aalis batang kaalaman gutom at uhaw. Ang edukasyon ay isang karapatan, hindi isang pribilehiyo, ayon sa ating saligang batas. Ito ay isang pangangailangan, hindi isang luho. Hindi nabili dahil walang katumbas na halaga. Ngunit ang katotohanan, at ang edukasyon ay ngayon ng sanggol na may halagang nakabubutas kanang bulsa, at ang paaralan ay hindi isang institusyon ngunit ang isang layunin upang makatulong sa mga negosyo para sa kanilang sariling mga pangangailangan. Kasabay ng bawat pagtaas ng mga kalakal ay ang pagtaas taun-taon ng pagtuturo, suffocating aming mga namamatay na mga magulang. Ngunit sa pamamagitan ng edad sa pintuan mo lang ng paaralan, tatambad sa iyo na fuels ang gato-tulad ng kalansay istraktura na nagbibigay ng isang buga lamang. Inaanay mga libro sa hindi sapat na bilang ng mga mag-aaral at ang kakulangan ng mga kinakailangang pasilidad at kagamitan ay nagiging hadlang sa pag-aaral. Force na makinig sa mga paulit-ulit na aralin ng mga maestrang inuusal lamang kahit na hindi niya alam ang kanyang pakikipag- usap. Idagdag sa mga miselenyus patuloy na binabayaran ngunit hindi pinakinabangang. Kami rin sapilitang upang harapin ang shortcomings ng paaralang ito, maiwawaglit pa rin sa ating mga isip na tayo ay tao, may kailangan sa buhay, at isa sa edukasyon. pay namin malaki na malaman ang bawat araw ngunit nagpunta sa bahay mula sa paaralan na wala na pagkatapos ay walang laman ang bulsa, ang utak at tiyan ay mas puro hangin. Ayon sa isang pananaliksik, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa mundo pinakakulelat pagdating sa Matematika, Agham at Ingles, samantalang ang Singapore, na noon ay pa rin lamang sa puwit unlad sa mga araw ni Mark ay kasalukuyang nangunguna sa tulad ng mga istatistika. Bakit ngayon mas modernong Just kapag kami ay kaya sa down ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa? Paano pa kaya sa hinaharap at mga lahi? Hindi na ako lang nagtaka kung paano ilang mga kabataan ang patuloy na makikipagpatayan para sa kanilang mga karapatan, at ang ilan lamang manatiling pipi at bulag na ito sapagkat ito lang kaya ng kanilang mga magulang. Ang masaklap na isipin, ang kasalukuyang pasadsad na edukasyon gating inang bayan ay ang sampu sa propesyonal affiliations namin ay maaaring maging sa hinaharap. Ngayon, sa iyong tinatamasang kaalaman at kalidad ng edukasyon, itanong sa iyong sarili, ano ito? Karapatan o isang pribilehiyo?
  • 16. SANAYSAY:  PAGKAKAISA WIKANG FILIPINO: SUSI SA PAGKAKAISA AT KAUNLARAN Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
  • 17. SANAYSAY:  DISIPLINA KAGUSTUHANG MAGBAGO Josua Ronnel Ortiz Ang buhay natin ay parang isang track and field na kung saan kinakailangan mong mapagtagumpayan. Ang mga obstacles sa larong ito ay maihahalintulad sa mga pagsubok na ating dinaranas, may mga mahihirap at may mga madadali ring malagpasan. Kung minsan tayo ay nadarapa ngunit ang isa sa mga ugali nating mga Pinoy ay ang hindi pagsuko sa anumang pagsubok kaya agad tayong nakakatayo tuwing tayo ay nadarapa. Natural sa ating mga Pinoy ang pagtutulungan. Hindi maikakaila na sa panahon ng sakuna tayo ay sama-samang tumatayo. Noong panahon na nanalasa ang Bagyong Ondoy ay ramdam natin ang hagupit nito, maraming namatay, nawala, nasirang mga kabahayan at kabuhayan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ang ating bayan ay hindi nagpatinag. Sama- samang bumangon upang maipakita na matatag ang mga Pinoy. Parang puno na ‘di mabubuwal kahit anumang bagyong ang magdaan. Kung iisiping mabuti ang susi sa lahat ng ito ay pagtutulungan. Nakakamit natin ang ating mithiin sa maayos at matiwasay na paraan kapag tayo’y nagtutulungan. Mas napapadali rin ang mga dapat nating pagtuunan ng pansin kung tayo ay nagtutulungan. Ngunit may mga tao pa ring sadyang sakim. Walang iniintindi kundi ang kanilang sarili lamang, tulad ng ilan sa mga puliltiko sa ating gobyerno na walang habas kung kumuha sa pera ng taong bayan. Hindi na nila maisip ang pagtulong sa kapwa matapos silang maluklok sa kanilang mga pwesto. Hinahayaan nilang malugmok sa kahirapan ang kanilang mga nasasakupan habang sila ay nakaupo sa kanilang mga mamahaling upuan. Kung sino pa ang dapat asahan ay sila pang pahamak sa bayan. Ang ating kagustuhang magbago ay hindi maisakatuparan dahil na rin sa mga taong ganid sa pera. Kung tayo’y nagtutulungan kasama na rin ang mga namumuno sa ating bayan siguradong kaya nating makipagsabayan sa mga bansang mauunlad tulad ng U.S.A., Australia, Canada, at iba pang mga bansang nasa rurok na ng tagumpay. Nakamit nila ito sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kanilang hangaring umunlad. Ang ating bigyang pansin ay ang paggabay sa isa’t isa upang tayo ay makarating sa ating patutunguhan ng sama-sama at ligtas, hindi una-unahan. Ang lahat ay lilipas, kahit na gaano pa karami ang iyong mga kayamanan hindi mo rin iyan madadala sa kabilang buhay. Dapat nating ipaubaya sa Diyos ang lahat, at ang lahat ay magiging kainam-inam. Sa atin magsisimula ang pagbabago, kung may tiwala ka sa sarili mo at sa Diyos na lumikha sayo, tiyak na makakamit mo ang iyong kagustuhang magbago.
  • 18.
  • 19. PABULA: Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili. MGA ARAL NG PABULA:  Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan.  Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.
  • 20. MAIKLING KWENTO: ANG DALAWANG MUKHA NG PAG-IBIG JOANNA CALAYAG May isang estudyanteng nagngangalang Edmond isa syang mataba, matangkad at kagiliw-giliw na estudyante hindi sya kaguwapuhan pero sya ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa eskwelahan. Halos lahat ng kalalakihan ay nagtataka kung bakit ganoon na laman ang atraksyon nya sa mga kababaihan. Isang araw nasubukan ang katapan niya kay Aloida ang kanyang kasintahan . Si Aloida ay isang bungangerang babae, matalino ito at maganda ngunit sa kabila ng kanyang pagkabungangera ay mapagmahal ito at maalaga kaya minahal ito ni Edmond. Usap-usapan sa kanilang eskwelahan ang pambabae nito ni Edmond dahil nga sa malakas ang hatak nya sa mga kababaihan ay hindi niya maiwasan matukso . Isang araw ay nagselos si Aloida sa kanya at kinalmot , sinabunutan at hinampas-hampas niya ito ng libro, sa sobrang ines ni Edmond ay nilayasan niya ito at umakyat sa kanilang klase sa pisika. Kinabukasan ay nakipag hiwalay na si Aloida kay Edmond dahil sa nalaman nya na may isang babaeng napapalapit kay Edmond , siya ay si Beatrice. Maganda , matalino at mayaman ang babaeng ito, gustong gusto nya si Edmond. Pero ano nga ba ang meron kay Edmond na wala ang iba? Kinabukasan ay may bago nang nililigawan si Edmond, hindi maalis sa kanilang dalawa ang mata ng mga kapwa nila estudyante. Habang sila ay naglalambingan ayang kanyang dating kasintahan na si Aloida ay kasalukuyang umiiyak at ang tanging sinasandalan ay ang kanyang mga kaibigan. Awang-awa ang kanyang mga kamag- aral sa kanyang sinapit dahil minahal nga niya ang ito ng lubusan tapos kinabukasan ay may pinalit na agad sa kanya. Pero di naglaon ay nalaman din ang totoo nilang nararamdaman sa isa’t- isa. Si Edmond pala ay may pagtinging parin kay Aloida , ni kahit isang tibok ay walang naramdaman para kay Beatrice. Sobrang paghihinagpis at lungkot ang naramdaman ni Beatrice ,yun pala ay pera lang ang habol ni Edmond sa kanya dahil sobrang lungkot at kelangan ng masasandalan ay nandiyan si Beatrice kung baga ay nagging “panakip- butas lamang” siya . ARAL:  Kahit maraming pagsubok ang inyong kaharapin sa buhay ay mananatili parin kayong may pagmamahal sa bawat isa.  Kahit ano at sino pa ang iyong sinisinta o minamahal matuto kang magpasalamat at mayroong taong nagmamahal sayo ng lubusan hindi ka man nya kayang suportahan ng pangpinansyal ay maipapakita naman nya ito sa pamamagitan ng emosyonal na paraan.
  • 21. TULA: PUSO, ANO KA? Jose Corazon de Jesus Ang puso ng tao ay isang batingaw, sa palo ng hirap, umaalingawngaw hihip lang ng hapis pinakadaramdam, ngumt pag lagi nang nasanay, kung minsan, nakapagsasaya kahit isang bangkay. Ang puso ng tao’y parang isang relos, atrasadong oras itong tinutumbok, oratoryo’y hirap, minutero’y lungkot, at luha ang tiktak na sasagot- sagot, ngunit kung ang puso’y sanay sa himutok kahit libinga’y may oras ng lugod. Ang puso ay ost’ya ng tao sa dibdib sa labi ng sala’y may alak ng tamis, kapag sanay ka nang lagi sa hinagpis nalalagok mo rin kahit anung pait, at parang martilyo iyang bawat pintig sa tapat ng ating dibdib na may sakit. Kung ano ang puso? Ba, sanlibrang laman na dahil sa ugat ay gagalaw-galaw, dahil sa pag-ibig ay parang batingaw, dahil sa panata ay parang orasan, at mukhang ost’ya rin ng kalulwang banal sa loob ng dibdib ay doon nalagay. http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tula-puso- ano-ka.html Bulag Ka, Juan Ariana Trinidad Bumaon sa tao, Kuko ng pangako, At ngiti ng pulitiko, Na plantsado pati kwelyo. Sa eleksyon lang nakita, Ang kumag na kongresista, Pagkat nakatago sa lungga, Ng kaniyang malamig na kuta. Tahimik sa buong taon Maingay sa eleksyon Parang naghahamon Wala kasing laman ang garapon. Ang bulsa ng pagkatao Ng hayop sa Kongreso, Ay nakadeposito Sa bituka ng bangko. Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Kalat-kalat kasi. Bundat ang bulsikot Sa pangungurakot, Ang kaban: sinimot. Sinaid pati ipot. Tuso si Hudas Planado ang lahat Walang mga pekas Kahit isang bakas. Ang hahatol ay bulag Bingi ang katulad Kaya nakaligtas Ang lider na huwad. Kailan ititigil ni Juan Ang pakikipagbolahan Sa bingo ng gahaman At roleta ng kasakiman? http://halimbawa-tagalog- tula.blogspot.com/
  • 22. TULA: O Kabinataang Bagong Sumisibol Aurelio Tolentino O kabinataang bagong sumisibol, itong abang lagda sa iyo'y patunkol. Pakatandaan mo itong mga hatol na dangal at buhay ng lahat ng dunong. Ang pagpipitaga't pakikipagkapua ay siyang sagisag ng pagka-dakila; kapág sa sinuman ito ay nawala, iyan ay di dapat, humarap sa madla. Di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, di sukat ang dunong at lahat ng inam; kapag ang sagisag na aking tinuran ay siyang nawala, ang lahat ay kulang. Ang pagkamabaít, ang pagka- mahinhin, ang pagka-matapat at anyong butihin ay siyang palamuting sa tuina'y dadalhin, ang iyong ugali upang magluningning. Sapul pa ng ikaw ay batang maliit may tungkulin ka ng lubhang mahihigpit, gaya ng huwag bigyan ng munting ligalig ang kawawang inang sa iyo'y ninibig. Ikaw ay lumaki at lumaki naman ang iyong tungkuling akin ng tinuran: ng una'y ang iyong mundo ay kandungan http://tagaloglang.com/Philippine- Literature/Tagalog-Poems/tula-o- kabinataang-bagong-sumisibol.html Ang Matampuhin Lope K. Santos Damong makahiya na munting masanggi'y nangunguyumpis na't buong nakikimi, matalsikan lamang hamog na konti't halik ng amiha'y mabigla sa dampi mga kinaliskis na daho'y tutupi't tila na totoong lanta na't uns'yami. Mutyang balintataw ng buwang maningning sa salang mabiro ng masayang hangi'y pipikit na agad sa likod ng dilim, panakaw-nakaw na sa lupa'y titingin, sa tanaw ng ulap at ng panganorin. Malinaw na batis ng mahinhing bukal na napalalabo ng bahagyang ulan, kahit dahong tuyo na malaglag lamang ay nagdaramdam nang tila nasugatan; isang munting batong sa kanya'y magalaw ay dumaraing na at natitigilan. Matingkad na kulay ng mayuming sutlang kay-sarap damitin at napakagara, munting mapatakan ng hamog o luha, ay natulukot na't agad namumutla; salang malibangan sa taguang sadya' y pinamamahayan ng ipis at tanga. Kalapating puting may batik sa pakpak, munting makalaya'y malayo ang lipad; habang masagana sa sariling pugad, ay napakaamo at di lumalayas; nguni, pag sa palay ay minsang manalat,sa may-alagad man ay nagmamailap. Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay ay wala sa pusong laging mapagdamdam; hindi nagluluwat ang kapayapaang mamahay sa palad na hubad sa lumbay; lalo sa pag-irog, ang tampo'y di bagaykaning maya't-maya at, nakamamatay! http://garyrh1.hubpages.com/hub/ best-tagalog-poems
  • 23. SANAYSAY:  EDUKASYON ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA KABATAAN Tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi mabubuwag ang pagkakakapit sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki nitong bunga. Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan ay nakasalalay sa kanilang edukasyon. Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro, lumalago ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral. Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman. Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa akademiko. Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong aral na tatatak sa kanyang buhay. Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya, ng kanyang lipunan at ng inang bayan. Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Di nga ba't ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan ay makamtan.
  • 24. SANAYSAY:  PAGKAKAISA WIKANG FILIPINO: SUSI SA PAGKAKAISA AT KAUNLARAN Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Sa Pilipinas ang ginagamit na wika ay Filipino. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Madaming pangyayari ang nagbigay daan para mabuhay ang wikang Filipino. Ang pagkakarooon ng sariling wika ng mga Pilipino ay nagdulot ng epekto sa tatlong henerasyon ng ating buhay: noon, ngayon at bukas. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisayon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaron ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at nagbigay daan ito para mas dumami ang ideya at opinyon ng bawat mamamayan sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon ng bawat pangkat. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala. Sa kasalukuyang henerasyon, mas laganap ang paggamit ng wikang Filipino. Madami ang naging mga programa para mas maipalaganap ang wikang Filipino, ito ang ginamit na wika sa paaralan at sa mga ahensya ng gobyerno. Nakatulong ito upang paigtingin ng mga kabataan ang pagsasalita at paggamit ng wikang Filipino. Ito rin ang naging daan upang mas lalong maintindihan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika. Natuto rin ang mga Pilipino na mahalin ang sariling bansa kasama na roon ang wika. Pagkakaroon ng sariling wika ay isang karangalan sa isang bansa. Ito ay isang sukatan ng yaman ng lahi sa kultura, tradisyon, at paniniwala. Mahalaga na ito'y ating pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon. Isang wika, Filipino, isang bansa, Pilipinas; ipagmalaki, magkaisa!
  • 25. SANAYSAY:  DISIPLINA DISIPLINA AT KARANGALAN ni: Gregorio V. Bituin Jr. Sa ikauunlad daw ng bayan, disiplina ang kailangan. Masasalamin natin sa kasabihang ito kung ano ang tinatawag nating disiplina. Marami ang nakakaalam ng kasabihang ito, ngunit kakaunti naman ang tunay na nakakaunawa ng tunay na kahulugan nito. Ang disiplina’y hindi lamang sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa tinig ng ating budhi, kundi sa pagiging marangal at paggawa ng tamang bagay, sa tamang panahon, tamang lugar, tamang paraan, at may tamang layunin, nang hindi nakasasakit ng damdamin ng iba. Bagkus, nakagaganda pa ito ng ugnayan ng isang tao sa kanyang kapwa, pamilya, pamayanan at daigdig. “Madaling magpakatao, mahirap magpakatao.” Ang disiplina ay di lang nakikita sa ganda ng porma, pagiging mayaman at tanyag sa lipunan, bagkus mas higit na dapat bigyang pansin ang paggawa ng kabutihan at kaayusan para sa kapakanan, hindi lang ng sarili, kuni ng iba pang tao. Ikaw kaya, kaibigan, masasabi mo bang disiplinado ang isang tao kung siya’y laging maganda ang bihis, mayaman at kilala sa lipunan samantalang pinababayaan naman niya ang kalikasan at kalagayan ng ibang tao? Ang isang mayaman na nagbibigay ng malaking donasyon sa simbahan ngunit sa masamang paraan niya kinukuha ang kanyang kayamanan ay masasabi nating hindi isang disiplinadong tao dahil siya’y hindi marangal. Mas higit pang marangal sa kanya ang isang pulubing namamalimos sa lansangan. Kung isa kang lingkod ng bayan ngunit nangungurakot ka naman, matatawag ka bang disiplinado at marangal? Hindi pala dapat ihiwalay ang disiplina sa karangalan, kaibigan. Ang isang estudyante ay masasabing disiplinado kung pumapasok siya sa klase sa tamang oras, nagsisikap matuto at matiyaga sa kanyang pag-aaral. Ang pamamasyal at pagliliwaliw ay hindi masama basta’t hindi naaapektuhan ang iyong pag-aaral at iba mo pang gawain dahil bahagi ito ng ating pag-unlad bilang tao. Mahirap naman kung parati kang seryoso sa pag-aaral ngunit hindi mo naman nabibigyan ng panahon ang makapag-relaks, magliwaliw at makihalubilo sa lipunan. Maling konsepto ng disiplina ang nalalaman mo kung hindi mo naman nabibigyan ng kasiyahan ang buhay mo. Basta ba wala kang ginagawang masama at hindi mo pinababayaan ang mga gawain mo. May panahon ka sa pag-aaral kaya gamitin mo nang wasto ang oras na ito para marami ka pang matutunan. Huwag sayangin ang panahon at perang ginagasta para lang makapag-aral ka. Paano tayo magiging disiplinado, kaibigan? May ilang akong maipapayo. Gawin mo ang mabuti ayon sa kakayahan mo at gampanan mo nang mahusay kung ano ang papel mo sa pamayanan. Halimbawa, isa kang working student. Pag oras ng trabaho, magtrabaho ka. Kung oras naman ng pag-aaral, mag-aral kang mabuti. Hindi dapat maging dahilan ang pagiging working student mo para ipasa ka ng iyong guro. Ngunit may mga bagay din minsan na nakalilito tungkol sa disiplina. Halimbawa, isa kang trabahador sa isang pribadong kampanya, at limang minuto na lang, late
  • 26. ka na. Mahigpit pa naman ang amo mo. Eh, patawid ka ngayon ng kalsada ngunit pula ang ilaw sa takdang tawiran. Tumawid ka dahil kailangan mong magmadali. Isa pa’y bihira naman ang dumadaang sasakyan. Disiplinado ka ba o hindi? Kung dadaanin sa batas, mali ka dahil tumawid ka na pula ang ilaw. Ngunit sa praktikal na pananaw, tama pa ring tumawid dahil wala namang dumaraang sasakyan, bukod sa makakahabol ka sa oras, hindi ka pa mapapagalitan ng boss mo. Medyo kumplikado ang disiplinang tinutukoy, ano po? Marahil kaya kumplikado dahil iniisip natin na ang patakaran ay patakaran, ang batas ay batas na hindi maaaring suwayin. At may dalawang patakarang masasabi nating nagbabanggaan sa isang partikular na sitwasyon. Batas sa trapiko (huwag tumawid kapag pula ang ilaw) laban sa batas ng kumpanya (huwag ma-late at baka matanggal sa trabaho). Gayunman, kailangan nating maging disiplinado at sumunod sa mga patakaran lalo na kung ito ang hinihingi ng sitwasyon, at nais nating maging maayos ang lugar na ating ginagalawan, pati na rin ang mga taong ating nakakasalamuha. Kung disiplinado ka, magpakatao ka. At kung nagpapakatao ka, disiplinado ka. Gagawin mo ang tama at marangal. Ipagpatuloy mo ito lalo na kung alam mo namang ikahuhusay ito ng mas nakararaming tao. Tiyak na susuportahan ka ng iba sa mga wasto mong gawain. Makakamit natin ang pinakamarangal na dignidad kung tayo ay may disiplina lalo na kung nauunawaan natin at isinasagawa ang tunay na kahulugan nito. Ang gawaing may malinis, marangal at mabuting hangarin ay nagbibigay-dangal sa isang tao. Higit sa lahat, sa ugali mo masasalamin ang tunay na disiplina, kaibigan at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang tao at ang disiplinang ito ay karangalan, na siyang tanging kayamanan na ng tao, kayamanang hindi nabibili, hindi mananakaw, at ito’y mananatili kailanman! Karangalang higit na kailangan sa katuparan ng hinahangad na kaunlaran. Karangalang higit pa sa kayamanan. TALUMPATI:
  • 27. Kahalagahan ng ating mga Magulang ni Mary Joyce Z. Laqueo Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?.Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila? Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya'y wala ng pakialam. Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito.Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "ina" na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki. Ang ating "ama", siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin. Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan. Kung minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mawalan ako ng magulang? Iniisip ko pa lang, parang hindi ko kaya, ang hirap.Wala na mag-aalaga sa akin, wala ng mag-aasikaso sa akin tuwing umaga bago pumasok sa paaralan at kapag may sakit tayo na nag-aalala sa atin ng sobra. Wala ng susuporta sa mga bagay na gusto mong gawin. Wala na ring magsasabi ng “ingat ka anak ha” at wala na ring magagalit tuwing makakagawa ng maling bagay at mgpapayo sa tuwing may problema. Di ba ang hirap isipin kong wala nang gagawa sa atin ng ganitong mga bagay. Lalo na’t kung nasanay tayo na ginagawa ito sa atin n gating mga magulang. Kaya ngayon, habang kapiling pa natin ang ating mga magulang, ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal. Iparamdam rn natin kung gaano sila kahalaga sa ating buhay, at magpasalamat tayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang ating buhay. Humingi rin tayo ng tawad sa mga kasalanan na ating nagawa. Suklian natin ng sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang kapiling pa natin sila. Sabihin natin sa kanila na “mahal na mahal ko po kayo nay at tay” at nagpapasalamat ako na kayo ang aking naging magulang.Mabilis ang panahon, kaya tayong may mga magulang pa, hangga’t maaga pa at kapiling pa natin ang ating mga magulang, gawin na natin ang lahat ng bagay na ikasasaya nila, bago pa mahuli ang lahat, at pasisihan natin ang mga bagay na mali nating nagawa, at hindi natin naipadama sa kanila kung gaanu natin sila kamahal at kung gaano sila kahalaga sa ating buhay.
  • 29. Edukasyon Para sa Pag-unlad Sa paggising mula sa kama, pumasok sa eskwela, sa pagpasok ko sa pintuan,ako'y napatingin sa labasan.Napaisip ako ng ng bigla, "Ano ba ang katuturan ng pagpasok ko sa eskwela?" Ang sarap isipin na "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan" hindi ba? Pero masakit isipin na ang kabataan waring tumatakbo sa kaalaman. Nariyan ang ayaw pumasok sa eskwela, nakatambay lamang ng basta, at ang iba nga'y nalululong pa sa droga. Huwag nating basta na lang ipagpasawalang bahala ang bawat ating ginagawa,dahil ang bawat kilos na ito, kakambal ay pagsisisi na hindi na natin mababalikan pang muli. Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay na pag-unlad, pag-unlad para sa ating sarili at pag-unlad na sa ating baya'y nakatali. Naaalala ko pa ng mapanood ko sa telebisyon ang isang balitang nakapanliit sa bayan natin, na ang "Pilipina" sa diksyonaryo ng ibang bansa'y"DomestikHelper"ang ibig sabihin.Hindi ko alam pero para sa aki'y ang hirap nitong lunukin.Ang sa akin, bakit tayo nagpapa- api sa iba lalo na't hindi natin kalahi? Bakit natin ito ipagsasa- walang bahala?Ipakita natin na kaya natin. Na kaya nating umangat sa sarili nating mga paa. Kumilos tayo! Tayo ang kabataan ngayon at sa atin nakasalalay ang pagdadala sa Inang Bayan sa tugatog ng kasaganaan. Lagi nating tatandaan,angpag-pasoksa eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka- dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya. At tandaan ninyo, kapag tayo, mga kabataan, umastang waring sanggol sa Siyam na bwan, tiyak, buhay mo at ng lipunan, sa rehas na bakal ang hantungan. SANAYSAY:
  • 30.  EDUKASYON ANG PAARALAN SA MATA NG MGA MAG-AARAL May mga pagkakataon na namomroblema ang ilang mag-aaral dahil sa kakapusan ng kanilang pangtustos sa pag-aaral. Isang estudyante ang lumapit sa akin at nagsabing baka bumagsak siya sa kanyang practical arts class dahil wala siyang pambayad para sa mga proyekto. Ito kasing teacher niya, may sistemang hindi maganda. Upang makapasa ang mga estudyante, kinakailangang silang makakuha ng kaukulang puntos sa pagtatapos ng klase. Makukuha lamang ang puntos sa pamamagitan ng partisipasyon sa mga gawain sa klase pagrereport, pagrerecite at syempre, pagpapasa ng mga project. Ang kaso, hindi libre ang mga gamit para makapagreport, makapag-recite at makakuha ng mga kagamitan sa projects. Hindi naman makapagreklamo ang pobreng mahirap na estudyante dahil baka lalo pang lumala ang kanyang problema. Hindi lamang siya ang may problemang katulad nito. Marami pang iba. Mayroon naman akong estudyante na sa tingin ng ilan ay hindi mabuting mag- aaral. Pero masasabi ko na marunong siya dahil sa kanyang mga sagot sa talakayan. Mahihinuhang nauunawaan niya ang aming paksa at nakapagbibigay pa nga siya ng malalalim na ideya na nakatutulong ng malaki sa daloy ng aming diskusyon. Kaya lang, masasabi ko rin na hindi siya nagsisikap. Sa tingin ko ay makakakuha siya ng matataas na marka kung pagsisipagan niya ang kanyang pag- aaral. Sa tingin ko ay kuntento na siyang makapasa o kaya'y makuha ang kinakailangang marka para manatili sa unibersidad. Minsan ay naghahanap pa siya ng butas para pangatwiranan ang kanyang katamaran. Sa isang pagkikita, mayroon akong ipinapasang sulatin bilang paghahanda sa aming talakayan. Syempre, mayroong mga panutong dapat sundin sa paggawa ng sulatin. Subalit malinaw na hindi sinunod ng mag-aaral na ito ang wastong paraan sa gawain. Ang kanyang ipinasa ay resulta ng pagmamadali at marahil ay para lamang masabi na mayroon siyang ipinasa. Pagkatapos ng klase ay kinausap ko siya at sinabi ko sa kanya na maaari pang maging maaayos ang kanyang nagawa kung paglalaanan lamang niya ito ng wastong panahon. Subalit sinabi niya sa akin na... ano ang aking magagawa, e sa hanggang doon lang ang aking kakayahan... Sir, pinaghirapan ko yan, nagsusumikap na nga akong mag-aaral tapos papahiyain n'yo pa ako" Ito namang isa, palagi na ngang mababa ang nakukuha sa mga pagsusulit, hindi pa nakikiisa sa mga gawain. Pilit bang sinasabi sa kanyang sarili na wala siyang kakayahan. Naaalala ko noong simula pa lamang ng pasukan, nag-ipit siya ng sulat sa aking lamesa. Sabi niya … "Sir, I'm hope that I will passed this subject because it was my third time…" O-may-gulay!!! Ano ba ito? Hanggang sa matapos ang klase, kahit na anong pilit ang gawin ko para lamang makiisa siya sa mga gawin ay nandoon pa rin siya sa kanyang sariling daigdig sa sulok ng silid. Sa sumunod na taon, hindi ko na siya nakita dahil hindi pinapayagan sa aming paaralan ang pag-ulit ng aralin sa ikaapat na pagkakataon. Hindi mainam na karanasan sa paaralan ang aking mga nabanggit. Para sa mga mag-aaral, sa halip na lalawak ang kanilang kaisipan ay maaari pang kumitid dahil sa mga ganitong pangyayari. Isa namang mag-aaral ang nagsabi sa akin, kailangan pa ba talagang pumasok sa paaralan ang mga kabataan? Madali mong masasabi na napaka-estupidong tanong ang tulad nito? Subalit namangha ako sa tinuran ng aking estudyante. Sabi nya, "hindi ba't ang paaralan ay sinasabing lugar na maghahanda sa kabataan
  • 31. upang harapin ang mga suliranin sa lipunan? Hindi ba't ang paaaralan ang sinasabing magbibigay sa atin ng mga kaalaman upang ang kabataan ay magkaroon ng makabuluhang pakikilahok sa mga gawain sa lipunan? E ano ang nakikita natin? Natutunan namin ang mga bagay na dapat gawin para pagdating ng panahon ay kaharaping muli ang parehong suliranin sa lipunan. Kung ano ang ginawa ng naunang henerasyon ay gagawin din namin. Siyempre parehong problema, parehong paraan ng paghahanap ng solusyon, parehong hindi makakamit ang solusyon… walang pagbabago." Masasalamin sa mga mata ng estudyanteng ito na natutunan niya ang kanyang mga aralin. Nalaman niya na siya'y isang mahalagang bahagi ng lipunang kanyang ginagalawan. At alam niyang dapat kumilos para sa pagbabago para sa kaunlaran. Paano nga naman uunlad kung walang pagbabago. Napakahalaga ng paaralan, hangga't nagdudulot ito ng kaunlaran para sa mga pumapasok dito. Kung hindi nga naman nakatutulong at sa halip ay nakapeperhuwisyo pa ay dapat nga lang na wasakin ang mga paaralan. Bago natin sisihin ang paaralan, tingnan muna natin kung ano ang ating ginagawa. Paano ba natin tinitingnan ang ating paaralan? Itinanong ko sa mga estudyante ko: Bakit nga ba kayo pumapasok sa paaralan? Sabi ng marami... "e, kasi dapat e… dapat makatapos para magkatrabaho ng maganda… dapat me alam ka kasi hindi maganda kapag wala kang alam…" Ganoon ba iyon? Dapat isaisip ng mga mag-aaral na sila ay pumapasok hindi dahil sa kariwasaang kanilang makakamtan sa hinaharap, kundi dahil nais nilang magkaroon ng kaalaman. Kung pumapasok ka sa paaralan dahil napipilitan ka lamang, maaaring ka ngang makatapos subalit malaki ang posibilidad na hindi mo magagamit ang iyong mga natutuhan. Magiging pansamantala lamang ang mga ito dahil ang mga bagay na ipinilit malaman ay madaling malilimutan. Magkakaroon ka ng mapagsikap na gawi kung sasabihin mo sa iyong sarili na pumapasok ka sa paaralan dahil nais mong magkaroon ng kaalaman. Kung ito ang iyong isasa-isip, magkakaroon ka ng masidhing pagnanais na matutunan ang mga bagay na maaari mong magamit tungo sa iyong kaunlaran. Para sa mga Pilipino, napakataas ng ating tingin sa edukasyon na madalas ay ikinakasing-kahulugan sa mga paaralan. Kung nakapag-aral ka, mas madali ang iyong pag-unlad. Kaya, ang edukasyon ay nagmimistulang puhunan at balang araw ay malaki ang tubo. Ang edukasyon ay proseso ng pagkatuto samantalang ang paaralan ay isang instrumento ng edukasyon. Sa halip na ang paaralan ay magiging insrumento ng karunungan ay nagmimistula itong paluwagan na may inaasahang malaking sahod balang araw. Hindi naman natin masisi ang ating mga magulang dahil sawang-sawa na sila sa kahirapan. At marahil ay nais nga nila na tayo ay umunlad. Ano kaya ang mangyayari kung magiging ganito ang takbo ng pag-iisip ng lahat ng mag-aaral? Nakaiinis kung wala kang pambili ng mga kagamitan para sa mga proyekto. Hindi ka na magsisikap na magkaroon ng mas malawak na kaalaman dahil pwede na ang makapasa lang. Hindi ka magsisikap dahil hanggang doon lang iyong kakayahan. At ang pinakamasama, hindi tayo makatutulong para sa kaunlaran ng ating bayan. Hindi tayo magiging instrumento para sa makabuluhang pagbabago ng ating lipunan… Ikaw, bakit ka nag-aaral? SANAYSAY:
  • 32.  PAGKAKAISA ANG PANGANIB NG MAKASARILI AT BIYAYA NG PAGTUTULUNGAN Marami nang nagawang bersiyon at sa iba’t-ibang wika ang sanaysay na ito, subalit ang mabuting aral na dulot nito’y hindi pagsasawaang ulit-ulitin. Kailangang manumbalik at manatili sa ating kabatiran upang magawang kalasag at gabay sa mga pagkakataong iniisip mong kayanin ang mabigat na gawain kahit mag-isa. At tanggapin ang isang bahagi lamang sa buong kabubuan at pangatawanan itong siyang katotohanan lamang. Ito ay mapanganib. Sa isang maliit na nayon sa Indiya, ay may naninirahang anim na pulubing bulag. Bagama’t hindi mga nakatuntong sa paaralan dahil sa kahirapan ay ayaw magpatalo sa isa’t-isa. Bawa’t isa ay siya ang pinakamatalino at pinakatuso sa lahat sa anumang bagay. Naging bukambibig at ritwal na nila ang magtalo, kahit na sila’y nasa alinmang pook, at maging sa bangketa kung sila ay nagpapalimos. Madalas na magkumparahan at magpataasan kung sino ang higit na magaling sa kanilang lahat. Isang araw, may isang batang babae na may hilang malaking elepante ang naparaan sa kanilang nayon. Masigabong palakpakan at katuwaan ang narinig ng anim na bulag mula sa labas ng kanilang bahay. Sumasayaw at nagagawang sumirko’t umupo ng malaking elepante sa utos ng bata. Hindi alam ng mga bulag kung ano ang itsura ng elepante sa kanilang buong buhay, ngunit naa-amoy at naririnig nila ang malakas na atungal nito nang sila’y makalapit. Bawa’t isa ay nagnanasang mahawakan ito at malaman kung ano ang anyo nito. Pinalibutan nila ang malaking elepante at isa-isang nagsihipo sa katawan nito na nakaharap sa kanila, nag-aanasan at nag-uunahan kung sino sa kanila ang higit na makapaglalarawan sa anyo nito. Ang unang bulag na nasa gilid ay dinama at hinaplos ng kanyang dalawang kamay ang katawan ng elepante. Napansin niyang malapad, malaki, at matigas ito. At malakas na nagpahayag sa mga kasamang bulag na, “Ang elepante ay kawangis ng malapad na dingding ng bahay!” Ang pangalawang bulag na nasa harapan ng elepante ay nahawakan ang isang mahabang pangil nito. Napansin niyang madulas, matibay, at may matulis na dulo, ay mabilis na nagsalita, “Ang elepante ay mistulang isang madulas na sibat na matulis ang dulo!” Ang pangatlong bulag na katabi ay nahawakan ang gumagalaw na nguso ng elepante. Sinalat-salat, nag-gagalaw ito, at pumapalupot sa kanyang braso. Mariin niyang isinigaw, “Ang elepante ay katulad ng ahas, ito’y pumapalupot at kumakawag!” Ang pang-apat na bulag na pandak ay nasa gilid ng elepante, at nahawakan nito ang makunat at lukot na balat, mahaba, at pabilog na paa. Bigla at nakakatiyak itong nangusap, “Ang elepante ay kahawig ng isang punongkahoy!” Ang panlimang bulag na nasa kabilang gilid ng elepante ay nahanginan ng pagaspas ng tainga nito. Mabilis na hinawakan ng bulag ang tainga at dinama ang kanipisan at kalaparan nito. Malakas din ang naging sigaw na pahayag nito, “Ang elepante ay kawangis ng isang malapad na pamaypay!”
  • 33. Ang pang-anim na bulag na nasa hulihan ng elepante ay nahablot ang gumagalaw na buntot nito. At nang higpitan ang hawak ay napansing mahaba at matigas ito. At nang makapa ng isang kamay ang dulo na may mga balahibo, walang alinlangan na humiyaw ito, “Ang elepante ay tulad lamang ng isang lubid!” Ang anim na pulubing bulag ay maingay at nagtutulakan na nagtalo; “Ito’y tulad ng malapad na dingding!” “Hindi totoo ‘yan! Ang katulad niya’y sibat!” “Mga mali kayo! Siya’y ay mistulang pumapalupot na ahas!” “Mga bugok kayong tatlo, “Katulad niya ang matibay na punongkahoy!” “Sira ang tuktok ninyo, Para siyang pamaypay na humahangin!” “Kahit anong sabihin ninyo, napatunayan kong ang elepante ay kawangis ng lubid!” Gaano man ang gawing paliwanag na pagtatama ng batang babae na may dala ng malaking elepante, sa tunay na anyo nito ay nalunod lamang sa ingay ng pagtatalo ng anim na bulag. Bawa’t isa ay ayaw magpatalo at pinagpipilitan ang kanyang nahawakan na katotohanan. ------- Marami sa atin ang katulad ng anim na pulubing ito. Magpahanggang ngayon ay pulubi at bulag pa rin tayo sa mga katotohanan sa ating kapaligiran. Ang ating pansariling kabatiran lamang ang ating pinanghahawakan, inaayos, at itinataguyod. Bihira sa atin ang nakakaalam ng buong larawan sa tunay nitong anyo ng buhay. Na ang kapighatian ng isa sa atin ay sangkot at nakakasakit sa ating lahat. Gayong tama ang bawa’t isa sa kanila sa kanilang mga nahawakan, subalit sa kabubuan at tunay na anyo ng elepante ay mali ang bawa’t isa. Umasa at nagtiwala lamang sila kung ano ang kanilang nahawakan at nadama. Wala isa man sa kanila ang may kaalaman sa tunay na kabubuang anyo ng elepante. Higit na pinagtutunan ng kanilang makasariling kaisipan ang mangibabaw at maging magaling kaysa alamin ang katotohanan. Kung magagawa lamang nilang huwag magpadalos-dalos at pag-ibayuhin ang pagtutulungan sa isa’t-isa sa paglalarawan, makabubuo sila ng tunay na anyo ng elepante. Subalit higit na nakakahalina ang masabing nakakahigit at nakalalamang kaysa pagtutulungan. Na madalas ay humahantong sa kapahamakan ng bawa’t isa, kaysa ang pagkakaisa sa ikakaunlad ng lahat. Isang Paglalarawan Marami ang hindi makasagot nang tuwiran: Kapag tinanong mo kung ilang baitang ang inyong hagdanan sa bahay? Ilang bombilya mayroon kayong lahat sa bahay? Ilan ang kabubuang mga bintana? Kailan ito natayo at bakit sa pook na ito? At marami pang iba. Gayong ang kanilang bahay ay halos napakaraming dekada na itong tinirhan at namana pa sa mga magulang. Walang ganap na kabatiran kundi ang natirhan lamang ito. Isang paglalarawan lamang ang bahay sa kabubuan ng ating buhay. Subalit kung ihahambing ito sa ating tunay na buhay, kinakapos tayong lagi at walang ganap na maisagot kung ano ang puno at dulo ng ating binabagtas na daan, saan ito patungo, at anong kapalaran ang naghihintay para sa atin. Higit nating nalalaman ang mga panandaliang aliwan at mga kalayawan sa sarili, mga buhay ng mga kapitbahay at ibang tao, kaysa ang buong kaanyuang larawan ng ating buhay at tinutungo nito sa ikakaunlad ng ating mga sarili at pamilya. Alamin ang buong katotohanan ng ating buhay sa likod ng kanyang mga bahagi o mga kabanata. Ang kabubuan nito ang tunay na larawan na magpapakita kung sino, saan, at papaano natin nililikha ang ating mga sarili.
  • 34. SANAYSAY:  DISIPLINA SA IKAUUNLAD NG BAYAN, DISIPLINA ANG KAILANGAN! Itong linya na ‘to ay umalingawngaw noong kapanahunan ng Martial Law. Linya na mula sa diktador na abusado at mapanlinlang ngunit bilang pangungusap, ito ay makahulugan sa lahat at para ito sa mga kababayan nating hindi disiplinado. Hindi uunlad ang bayan kung ang mga mamamayan ay hindi disiplinado. Kung may kaayusan at respeto sa isa’t-isa, hindi malayong respetuhin na tayo ng mga ibang bansa at tingalain bilang kanilang inspirasyon. Ngunit kung parati tayong hindi maayos at hindi sumusunod sa mga simpleng batas o panuto, hindi tayo magtatagumpay. Pinatunayan ng mga Hapon noong niyanig sila ng Magnitude 9 na lindol noong Marso na kahit nilumpo na sila ng kalamidad, ang pagiging disiplinado ay pinairal pa rin nila. Hindi sila nagnakaw o nag-panic buying sa mga tindahan, sumunod sila sa utos ng kanilang pamahalaan na lumikas na at higit sa lahat, nagrerespeto sila sa isa’t-isa. Isang magandang halimbawa na dapat gayahin at gawing inspirasyon ng mga Pilipino. Paano ba maging disiplinado? Una, sumunod sa mga simpleng panuto o batas. Kung susunod ang lahat, susunod ang kaunlaran. Pangalawa, sa lahat ng pagkakataon, pairalin ang pagiging alerto o mahinahon, halimbawa kung may kalamidad na tumama, huwag mag-panic dahil ang mahalaga ay nailigtas ka, ang mga bagay na naipundar mo, babalik rin yan basta’t magsumikap ka. Pangatlo, respetuhin ang isa’t-isa, kung may respeto kayo sa kapwa mo, ang respetong ipinakita mo ay magbibigay ng gantimpala sa’yo. Pang-apat, huwag mag-isip ng negatibo, isipin mo ang positibong kalalabasan ng mga gawain mo upang maging matagumpay ka sa hinaharap. Kilala ang mga Pilipino bilang hindi disiplinado, ngunit kung gusto natin ng pagbabago, unahin muna natin ang pagiging disiplinado bago maging progresibo.
  • 35. PABULA: ANG LOBO AT ANG UBAS Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili. Aral: Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kungminsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o "maasim na ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan.
  • 36. MAIKLING KWENTO: BAGONG KAIBIGAN ni: Bernard Umali May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag- lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. “Gising na anak, may pasok ka ngayon” “Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!” “Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“
  • 37. TULA: AKO PALA ITONG ILILIBING NINYO! ni: Avon Adarna Ang nilalang na sumakabilang buhay Saan paroroon at saan hihimlay? Ang kaluluwa bang maitim ang kulay Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay? At ang kaluluwa ng buting nilalang, Pinto ba ng langit ang bukas na daan? Sino ang hahatol, magbibigay puwang? AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang? Nagising akong puno ng pag-asa, Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga, Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa, Igting ng paligid ang bumulaga! Ngunit ano itong nangyari sa amin? Magulo ang tao, parang sa may piging, Aba at nabigla, nagkaduling-duling, Ako pala itong inyong ililibing! Sa Huling Silahis ni: Avon Adarna Inaabangan ko doon sa Kanluran, Ang huling silahis ng katag-arawan, Iginuguhit ko ang iyong pangalan, Sa pinong buhangin ng dalampasigan. Aking dinarama sa hanging habagat, Mga alaala ng halik mo’t yakap, Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap, Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap. Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo, Ang iyong larawan at mga pagsuyo, Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso, Sa kutim na ulap nakikisiphayo! Sa pag-aagawan ng araw at buwan, At pagkapanalo nitong kadiliman Ay nakikibaka ang kapighatian, Sa pangungulila sa iyong pagpanaw. Ang iyong pag-iral, hindi na babalik, Kahit na ako’y lubos na tumangis Pag-ibig na lamang na igting na nais Ang makakapiling sa huling silahis. Bulag Ka, Juan ni: Ariana Trinidad Bumaon sa tao, Kuko ng pangako, At ngiti ng pulitiko, Na plantsado pati kwelyo. Sa eleksyon lang nakita, Ang kumag na kongresista, Pagkat nakatago sa lungga, Ng kaniyang malamig na kuta. Tahimik sa buong taon Maingay sa eleksyon Parang naghahamon Wala kasing laman ang garapon. Ang bulsa ng pagkatao Ng hayop sa Kongreso, Ay nakadeposito Sa bituka ng bangko. Inumit na salapi Walang makapagsabi Kahit na piping saksi Kalat-kalat kasi. Bundat ang bulsikot Sa pangungurakot, Ang kaban: sinimot. Sinaid pati ipot. ANG AKING PANGARAP ni: Kiko Manalo Pangarap kong magbakasyon Kapiling ang hanging Habagat At kami’y maglilimayon Sa mga ilog at dagat. Ipagmamalaki ko sa kanya Na hindi galing sa atin ang basura, Na naglutang sa dalampasigan. Ng Kamaynilaan. Sa lungsod ko siya igagala Doon sa nilalakaran ng rodilyo At sa gilid ay nagtayo Ang mga pabrika ng bata. Ipagmamalaki ko sa kanya, Na ang mga nakatira Ay hindi nagtatapon ng basura Sa mga kanal at kalsada.