K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
1.
2. ii
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad
lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi
nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga
tagapaglathala at sa mga may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail.
com ang mga may-akda at tagapaglathala.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines
Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael,
Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay,
Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya,
Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo,
at Angelika D. Jabines
Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva
Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena
Tagatala: Ireen Subebe
3. iii
PAUNANG SALITA
Kumusta?
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng
Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng
Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa
kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang
Pilipinas.
Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na
malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,
pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at
angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain.
Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain.
Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o
konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan
ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto.
Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula,
balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.
4. iv
Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at
Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng
mga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula sa
talakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaring
gawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman ay
gagawin mo nang nag-iisa.
Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga
natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin.
Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upang
maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawat
aralin.
Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawa
sa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng pagsulat.
Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng:
Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mga
salitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit.
Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryo
ng mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata na
mapipili.
Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mga
gabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnay
ng isang chapter book na natapos mong basahin.
5. v
Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong
sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin
ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na
pamamaraan.
Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo!
MGA MAY-AKDA
6. vi
TALAAN NG NILALAMAN
Yunit I – Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan
Aralin 1 – Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at
sa mga Tao sa Paligid..............................................2
• Paggamit ng Pangngalang Pantangi at
Pangngalang Pambalana
Aralin 2 – Sama-samang Pamilya............................................11
• Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
Aralin 3 – Halaga ng Paggalang sa Loob ng
Tahanan....................................................................17
• Paggamit ng Panghalip
• Pagsulat ng Balita
Aralin 4 – Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan................29
• Paggamit ng Panghalip sa Teksto
• Paggawa ng Balangkas
Aralin 5 – Mabuting Pagkakaibigan..........................................37
• Bahagi ng Kuwento
• Paggamit ng Panghalip Pananong
*Bokabularyong Pang-akademiko.................................................43
7. 1
Yunit I
Masayang Tahanan,
Ating Pahalagahan
Tahanan…
bukal ng pagmamahalan,
inspirasyon ng bawat mamamayan
tungo sa isang mapayapang pamayanan.
8. 2
Tuklasin Mo
A. Basahin ang mga salita na mapakikinggan mo habang
binabasa ng iyong guro ang kuwento natin sa linggong ito.
Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakihanap ang kahulu-
gan ng mga salitang ito.
Ngayon, kayang-kaya mo nang unawain ang kuwentong
babasahin ng iyong guro. Humanda na sa pakikinig!
Paano mo maipakikita ang paggalang at pangangalaga sa
iyong sarili?
Ano ang mga pangngalang pantangi? Pambalana?
Kailan ito ginagamit? Paano ito isinusulat?
1 Pangangalaga at Paggalang
sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid
ARALIN
hawla
kandelabra
parachute
baul
9. 3
B. Bago natin basahin ang kuwento ni Jose atin munang alamin
ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. Basahin ang
mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang
nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng mga salitang-ugat
nito.
1. Magtatanghalian ang buong mag-anak sa isang kainan
na malapit sa kanilang bahay.
2. Bago umuwi, dumaan muna si Roy sa isang tindahan
upang bumili ng kakailanganin sa kaniyang takdang-
aralin.
3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng lahat.
Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang lubos
mong maunawaan ang kuwento ni Jose.
Basahin Mo
Bakit kaya tinawag na batang magalang si Jose? Paano niya
ipinakita ang pangangalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi
pati na rin sa mga taong nasa paligid niya? Alamin sa kuwento.
Si Jose, Ang Batang Magalang
ni Arjohn V. Gime
Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral
ay sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit
si Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla
siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit
si Jose sa kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan?” tanong ni Jose.
10. 4
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon
ni Nanay Lorna kay Jose.
“Sige po ‘Nay!” tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad
ng masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka, at toyo.”
“Magkano po lahat?” tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung
piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat
ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero.
“Salamat po, Mang Melchor.”
“Walang anuman, Jose!”
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman
niya si Aling Helen na kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo
rito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.”
“Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking
lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
11. 5
“Opo, kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit
at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa paaralan
at hindi na makatutulog sa tanghali. Sige po mauna na ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,”
ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang
sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben. Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na
at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige ka,
ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis mo ang mga mangyayari
sa unang araw ng pasukan natin,” ang paalala ni Jose sa kaniyang
kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya
at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong
kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor.
Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
12. 6
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Subukin nating sagutan ang ilang tanong na ito tungkol sa
kuwento ni Jose. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno?
Ako at ang Aklat
“Ang sagot ay
makikita sa aklat o
kaya’y iisipin muna
bago hanapin.”
Sino ang pupunta ng tindahan?
(1 puntos)
Ano-ano ang ipinabibili ni Nanay
Lorna sa kaniya? (1 puntos)
Kaninong tindahan siya bumili?
(1 puntos)
Ano-anong pahayag ang ginamit
ng bata na nagpapakita ng pagiging
magalang? (3 puntos)
Ako at ang May-akda
Ang sagot ay nasa
awtor at iyo o
kaya’y nasa isipan
mo.
Ilarawan ang isang batang magalang.
(4 puntos)
Kung ikaw si Jose, gagayahin mo rin
ba ang mga sinabi niya sa
kaniyang Nanay Lorna at Mang
Melchor? Bakit? (5 puntos)
Ilang puntos ang nakuha mo?
Kung mataas, binabati kita!
Kung mababa naman, subukin mong basahin muli ang
kuwento ni Jose.
May mga pangngalan ka bang nabasa sa kuwento natin?
Ano-ano ito?
13. 7
B. Matapos mong mapag-aralan ang pangngalan, subuking
buuin ang crossword puzzle. Tingnan natin kung talagang
naunawaan mo kung paano isinusulat ang mga pangngalan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
PAHALANG PABABA
3 araw ng kapanganakan
ng isang tao
1 kilalang boksingero
at Kinatawan
sa Kongreso
5 Summer Capital ng Pilipinas 2 gumagabay sa mga bata
sa paaralan upang matuto
6 pananggalang ng mga paa
sa init o lamig
4 Pambansang Bayani ng
Pilipinas
7 Pambansang Wika ng
Pilipinas
5 uri ng anyong lupa na
nagbubuga nang mainit
at kumukulong putik
8 sanggunian na ginagamit
upang makakuha ng
impormasyon
9 hayop na sinasabing
matalik na kaibigan ng tao
14. 8
Gawin Mo
A. Nagkaroon ng paligsahan sa paaralan nina Lino. Sino kaya
ang nanalo? Ano kaya ang natanggap niya bilang premyo?
Alamin natin sa usapang mababasa. Kompletuhin ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pangngalan sa
bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa
kahon.
Lino : Panalo si 1
______ sa timpalak ng 2
________.
Nestor : Oo, binigyan nga siya ng isang malaking 3
________.
Lino : Tama si 4
________. Mahusay nga siyang ________.
Nestor : Kaya nga gusto kong maging tulad niya.
Isaisip Mo
A. Bumuo ng isang disenyo sa pattern na nasa ibaba
sa pamamagitan ng pagsulat kung ano ang mga salitang
tinutukoy ng pangngalan. Kulayan ang mga sinulatang
bahagi upang maipakita ang ginawang disenyo.
Gawin ito sa isang malinis na papel.
bigkasan G. Santos ina
mag-aaral Marco tropeyo
15. 9
B. Gumuhit ng isang Venn diagram sa iyong kuwaderno.
Gamitin ito upang maipakita ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang
pantangi.
C. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento?
Isulat sa anyong tanong ang mga ito.
Isapuso Mo
Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot,
iguhit sa iyong kuwaderno ang at naman kung HINDI.
1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na pananalita.
2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal.
3. Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at
mga nakatatanda.
4. Nagdarabog ako kapag inuutusan.
5. Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa ako.
Pangngalang
Pambalana
Pangngalang
Pantangi
16. 10
Isulat Mo
Matapos nating mapag-aralan ang mga elemento ng
kuwento at paano sumulat ng isang maikling kuwento, subukin
nating punan ang Hagdan ng Kuwento na nasa ibaba.
Sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may
lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo
ng pagiging magalang sa pamamagitan ng pangangalaga sa sarili
at sa ibang tao. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Hagdan ng Kuwento
Simula
Gitna
Wakas
17. 11
Tuklasin Mo
A. Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng iyong guro,
alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng
maliit na kahon. Aling pangkat ng mga salita sa malaking
kahon ang maiuugnay mo sa mga nasa maliit na kahon?
Isulat ang sagot sa kuwaderno.
alagaan kalungkutan matatag
sandigan tagumpay
Mini-Diksiyonaryo
________ arugain, kalingain
________ pundasyon, batayan
________ pighati, panglaw
________ panalo, wagi
________ malakas, matibay
Humanda na at makinig sa babasahin ng guro.
Bakit mahalaga ang sama-samang pamilya sa kulturang
Pilipino?
Paano ginamit ang pangngalan sa mga tekstong ating
mababasa at mapakikinggan sa araling ito?
Ano ang paksa ng mga babasahing inihanda sa araling
ito?
2 Sama-samang Pamilya
ARALIN
18. 12
B. Babasahin natin ang tulang “Pamilyang Pilipino.”
Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ng OO o HINDI
ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa.
1. Kapag ang pamilya ay nagbubuklod,
ito ba ay nagkakaisa?
2. Kapag ang pamilya ay magkakaagapay,
ito ba ay magkasama sa hirap at ginhawa?
3. Kapag dakila ba ang pagmamahal,
ito ba ay may hangganan?
4. Kapag ang isang pamilya ay may kamalayan,
may posibilidad bang alam nila ang katotohanan
sa paligid?
5. Kapag ang isang pamilya ay nag-aatubili,
ito ba ay may pag-aalangan sa buhay?
Basahin Mo
Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyang
Pilipino? Ganito rin ba ang pamilyang iyong kinabibilangan?
Pamilyang Pilipino
ni Arjohn V. Gime
PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaran
Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama, sa lungkot o ligaya.
Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay
Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhayKaniyang payo at
aral, gabay sa buhay.
19. 13
AMAng haligi, di nagsasawang umintindi
Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagal na katawan,
Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.
Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan
Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sarili?
Ilarawan ang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagsulat
ng isang talata tungkol sa kanila. Gamiting gabay ang
organizer upang mas madali mong maisulat ang iyong
talata.
Matapos mong punan ang mga kahon, subuking
pagdugtung-dugtungin ang mga ideya mo upang makabuo
ng mga pangungusap at makasulat ng isang talata.
Paksang
pangungusap
Ano ang gusto mong
sabihin tungkol sa iyong
pamilya?
20. 14
Gawin Mo
A. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap
batay sa napakinggang tula na may pamagat na “Halaga ng
Pamilya”. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali.
1. Pundasyon ng lipunan ang ating pamilya.
2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling
ginagampanan.
3. Ang pagkakaniya-kaniya ay makatutulong sa pag-abot
ng tagumpay ng bawat isa
4. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating
mga magulang.
5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan upang
makamit ang tagumpay ng bawat kasapi nito.
B. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng
pagpapahalaga?
Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng
talahanayan. Gawin ito sa sariling sagutang papel.
Pambalana Pantangi
Isaisip Mo
A. Gumawa ng ganitong coupon ticket sa iyong kuwaderno.
Isulat sa loob nito kung gaano kahalaga sa iyo ang pamilya.
Halaga
ng Pamilya
21. 15
B. Lagyan ng marka ang iyong kakayahan sa pakikinig
at sa pagsasagawa ng mga natapos na gawain sa araling ito.
Gawin ang Iskala ng Kakayahang ito sa isang malinis
na papel. Lagyan ng iyong pangalan at ihanda upang ipakita
sa iyong mga kaklase.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
C. Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin?
Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno gamit ang organizer
na nasa ibaba.
Tingnan
Mo Ako!
Matapos ang
aralin,
naramdaman
ko na …
Kaya…
Natutuhan
ko na…
Kaya…
Dahil dito
22. 16
Isapuso Mo
A. Gumupit ng isang papel na hugis-puso. Sa loob nito, isulat
ang ngalan ng isang kapamilya na gusto mong pasalamatan.
Kulayan ito. Ibigay sa taong isinulat mo.
B. Ibigay ang hinihinging impormasyon.
Isulat Mo
Sumulat ng isang tugma tungkol sa kahalagahan ng pamilya.
Pamagat : ______________
May-Akda : ______________
Habang binabasa ang tulang “Pamilyang
Pilipino,” naisip ko na ______________
Marka : ______________
Dahilan : ______________
23. 17
Tuklasin Mo
A. May balitang babasahin ang iyong guro. Upang lubos mo
itong maunawaan, pag-usapan muna natin ang kahulugan ng
salitang nasa gitna ng bilohaba. Sa bandang itaas nito,
gumuhit ng mga larawan na kaugnay ng salitang nililinang.
Sa bandang ibaba naman ay ang mga larawan na kasalungat
ng nililinang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ngayong alam mo na ang kahulugan ng mga salitang
huwarang pamilya, handang-handa ka na sa pakikinig ng
balitang babasahin ng guro.
huwarang
pamilya
Oo
Hindi
Paano mo maipakikita ang pagiging magalang
sa bawat kasapi ng iyong pamilya?
Kailan ginagamit ang panghalip?
Ano-ano ang panghalip na ginamit sa araling ito?
Paano isinusulat ang isang balita?
3 Halaga ng Paggalang
sa Loob ng Tahanan
ARALIN
24. 18
B. Maibibigay ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng
pagtukoy ng salitang kasingkahulugan o kasalungat nito.
Gawin natin ito sa sumusunod na mga salitang nagmumula
sa babasahing teksto. Isulat ang sagot sa sariling
kuwaderno.
Salita Kasingkahulugan Kasalungat
alintuntunin
benepisyaryo
maitaguyod
nagdarahop
Tandaan ang kahulugan ng mga salitang binigyang
kahulugan habang binabasa ang susunod na teksto.
Basahin Mo
Bukod sa pamilya ni Manuelito, sino pa kaya ang nagawaran
ng pagkilala bilang huwarang pamilya? Alamin natin sa
pamamagitan ng pagbasa ng isa pang balitang ito.
Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalan
bilang Huwarang Pamilya ng 4Ps
ni Lucy F. Broño
LUNSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA) -- Pinarangalan
ang pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsod
ng Navotas sa isinagawang selebrasyon ng Family Week kahapon
sa SM Mall of Asia.
Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang lokal
na pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilya
ni Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilya
ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps).
Nahirang na Huwarang Pamilya ang pamilyang Cuevas
dahil sa pagiging mabuting magulang, sa magandang pagsunod
sa mga alituntunin ng programa, sa magandang serbisyo
sa komunidad, at sa magandang pagpapalaki ng mga anak.
25. 19
Ang pamilya ay naging benipisyaryo ng programa mula
noong Disyembre 2008 at tumatanggap ng cash grant na
nagkakahalaga ng Php1,100 para sa mga pangangailangan
sa edukasyon at kalusugan.
Sinabi ni DSWD Regional Director Alicia Bonoan na napiling
Huwaran ang pamilya Cuevas dahil kahit kakarampot ang kita
ng mag-asawa, naibuhos nila ang kanilang kakayanan at abilidad
upang masuportahan ang pamilya kasabay ng pagiging aktibo
sa mga gawaing komunidad at pagtupad ng mga alituntunin
ng programa.
Samantala, sinabi ni Abubakar Sansaluna ng National
Commission for Muslim Filipinos na isa sa board of judges
ng Huwarang Pamilya, na isang “epitome of a model family”
ang Cuevas sapagkat kahit lubha silang naghihirap, naitanim nila
ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang mga anak.”
Ang pagtatakda ng Huwarang Pamilya mula sa mga
benipisyaryo ng 4Ps ay isang paraan upang maitaguyod
ang programa, ang pagkakaisa ng pamilya na malampasan
ang mga unos sa buhay, at maging ehemplo sa iba pang mga
benipisyaryo.
Sa welcome speech ni Pasay City Mayor Antonino Calixto
hinimok niya ang mga benipisyaryo na maging inspirasyon sa ibang
pamilya sa kabila ng maraming pagsubok at ilagay ang Maykapal
sa gitna ng kanilang buhay.
Ang buong araw na selebrasyon ay isinagawa ng Regional
Inter-Agency Committee on Filipino Family ng National Capital
Region (RIAC-Filipino Family ng NCR) na pinangunahan
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)
kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga
non-government organizations (NGOs) upang maitaguyod
ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat pamilya at ang
kontribusyon ng programang 4Ps sa pag-angat sa buhay ng mga
lubhang nagdarahop.
26. 20
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Pag-aralan ang mapa na ito. Subuking magbigay ng
mga panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon.
Halimbawa:
27. 21
B. Ito naman ang gamitin mo sa pagbibigay ng mga panuto
gamit ang mga pangunahing direksyon.
C. Matapos nating talakayin kung paano makasulat ng isang
balita, kaya mo na ngayong makasulat ng sariling balita.
Gamitin ang mga impormasyon na nasa talaan upang
makasulat sa iyong kuwaderno.
Huwarang Pamilyang Pilipino
Manuelito Villanueva - ama ng 5 anak
- isang mangingisda
Asawa ni Manuelito - boluntaryong guro sa Tulay ng
Kabataan Foundation
Nakatira sa Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas
Benepisyo ng Pamilya: Php1,400.00 kada buwan para sa
edukasyon at kabuhayan ng pamilya
Araw ng Pagpaparangal:
Oktubre 1, kasalukuyang taon
Navotas City Hall Ground
Sigurado ka na ba sa isinulat mo? Hintayin ang hudyat ng
guro upang maibahagi mo ito sa klase.
May mga panghalip panao ka bang ginamit? Ano-ano ito?
28. 22
D. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pangyayari sa
binasang balita. Gamitin ang mga ito upang maisalaysay
muli ang binasang balita gamit ang sariling mga salita.
29. 23
E. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno
ng wastong panghalip panao sa bawat patlang.
Kumuha ng kapareha at basahin nang malakas ang usapan.
Bing : Magandang umaga sa1
______ Denice.
Denice : Magandang umaga rin 2
______ Bing.
Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia?
Denice : Hindi pa. 3
______, nakapunta ka na ba?
Bing : Oo, nakapunta na4
______.
Kasama ko ang aking mga magulang, sina
Kuya Henry at Nene. 5
______ pa nga ang
nagyaya sa akin pagpunta roon.
Bing : Kasama rin ba ang lola at lolo mo?
Denice : Hindi 6
______ nakasama dahil nagbakasyon
sila sa Quezon.
Bing : Naku sayang naman. Kailan ulit 7
______
pupunta roon?
Denice : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag
pupunta ulit 8
______.
Bing : Sana makasama ako sa pagpunta 9
______ .
Denice : O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa.
Natitiyak kong papayag at matutuwa10
______.
Gawin Mo
A. Basahin kung paano ka magiging gintong hiyas ng iyong
magulang. Matapos mo itong basahin, ibigay ang hinihiling
ng talaan.
Ang Gintong Hiyas ng Magulang
Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa ay
nag-uusap tungkol sa pinakamahalagang bagay sa kanilang
buhay. Para kay Cita, ang kaniyang kabuhayan, ginto, at alahas
ang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kaniyang
tatlong anak ang natatangi niyang hiyas.
30. 24
Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak na
sasabihing ang kanilang anak ang natatangi nilang hiyas at
pag-asa sa kinabukasan.
Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa
iyo ng iyong mga magulang? Hindi sapat na batiin at bigyan sila
ng regalo tuwing sasapit ang Araw ng mga Ina o Ama. Kailangang
ang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sa
pag-aaral upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung ito
ay maisasagawa ng mga anak, ano kayang damdamin ang
mangingibabaw sa kanilang tahanan?
Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalas
nating ipagwalang-bahala. Kabaligtaran naman ang ginagawa
ng ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa atin.
Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahang
sumasalubong sa atin? Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’y
bunga na rin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya ang
mangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating magulang sa
bawat maibigan natin?
Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin at
igalang ang ating mga magulang. Wala silang maaaring kapalit pa
sa daigdig na ito.
Hinango sa Filipino 4, Sagisag ng
Lahi, pp. 48 – 49
Angelita A. Sta. Ana
Abiva Publishing House, Inc.
31. 25
Ngayon, kompletuhin ang talaan sa pamamagitan
ng pagbibigay ng hinihingi nito mula sa tekstong binasa.
Gawin ito sa kuwaderno.
Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan
Isaisip Mo
A. Punan ang Bintana ng Pag-unawa. Sa loob ng bawat
kahon, gumuhit ng isang bagay na magpapaalala sa iyo
kung ano ang hinihingi ng bawat bintana.
Bintana ng Pag-unawa
Panghalip Kailanan
Panauhan Kaukulan
B. Kompletuhin ito sa iyong kuwaderno.
Nais kong maging mahusay na tagapagbalita, kaya dapat
tandaan ko ang sumusunod:
1. _________________________________
2. _________________________________
3. _________________________________
4. _________________________________
5. _________________________________
32. 26
C. Basahin ang mga pangungusap. Sipiin sa iyong kuwaderno
ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita.
1. Isulat ang buod ng balitang isusulat.
2. Itala ang mga pangyayari.
3. Ilagay sa hulihang talata ang pinakatampok ng balita.
4. Isulat ang balita ayon sa tunay na pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari nito.
5. Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulat.
6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon.
7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinikilingan.
8. Maging tumpak.
9. Banggitin ang pinagmulan ng impormasyon.
Isapuso Mo
A. Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod
na mga pangungusap. Isulat ang 1 kung madalas, 2 kung
minsan at 3 kung hindi.
Gaano mo ito kadalas gawin?
Sinusunod ko ang utos ng aking magulang.
Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko.
Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba.
Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng aming
kapamilya
Bumabati ako kapag may dumarating.
Nagpapaalam ako kapag umaalis.
Ipinaalam ko kung saan ako pupunta.
Nagmamano / humahalik sa pisngi o kamay ng
nakatatanda.
33. 27
B. Buuin ang pangungusap.
Mahalagang maging mulat sa mga nangyayari sa
kapaligiran, kaya mula ngayon, pagsusumikapan kong
_____________.
C. Ano ang dapat mong gawin upang maging gintong hiyas ng
iyong magulang? Iguhit ang sagot mo sa isang malinis na
papel.
Isulat Mo
Basahin ang mga pangungusap. Iayos ang mga ito upang
makabuo ng isang balita. Pumili lamang ng isa upang isulat sa
isang malinis na papel. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa
isinulat.
Balita 1
1
Bulkang Pinatubo, Gagawing Pook Panturista
2
Ipinanukala ang pagtatayo ng mga cable car pantawid sa
tuktok ng bulkan.
3
Sinasabi ni dating Kalihim Mina Gabor ng Kagawaran ng
Turismo na ipatutupad ang Php 1.5 milyong proyekto upang
gawing isang pangunahing destinasyon ng mga turista ang
Bulkang Pinatubo.
4
Ayon kay dating Kalihim Gabor, magtatayo ang DOT ng
mga viewing deck na may teleskopyo sa paligid nito at
gagawa ng tatlong daan patungo sa bulkan upang
makaakyat at makapaligo ang mga turista sa bunganga nito.
34. 28
Balita 2
1
Mt. Arayat, Maaaring Sumabog?
2
Nasa Pampanga ang Bundok Arayat. Sinasabing maaaring
ito’y pumutok.
3
Sinabi ni Kalihim Padolino na malaki ang kapinsalaang
idudulot ng pagputok ng Mt. Arayat dahil nakatayo ito sa
pagitan ng Pampanga at Nueva Ecija, mga lalawigang
umaasa nang malaki sa agrikultura.
4
Ibinilang kamakailan ng Department of Science and
Technology (DOST) sa watchlist ng Philippine Institute of
Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Mt. Arayat sa
Pampanga upang maiwasan ang malaking sakuna sakaling
biglaan itong pumutok.
35. 29
Sumasang-ayon ka ba na ang paaralan ang pangalawang
tahanan?
Ano ang mga panghalip na ginamit sa mga teksto?
Paano ito ginamit?
Paano gumawa ng isang balangkas?
4 Paaralan Bilang Pangalawang
Tahanan
ARALIN
Tuklasin Mo
A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Tomas Cabili.
Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga
sagot sa iyong kuwaderno.
Huwag kang matakot kung wala o kaunti lamang ang
nalalaman mo tungkol sa kaniya. Sa babasahin sa iyo ng guro
mas makikilala mo pa ang Pilipinong ito.
36. 30
B. Pahapyaw na basahin ang tekstong nasa susunod na
pahina. Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan?
Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakigawa ang Dictionary
Dig upang matukoy ang kahulugan nito. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
Salita : ______________
Uri ng salita Pormal na kahulugan
Kasingkahulugan Kasalungat
Larawan nito Gamitin sa pangungusap
Maliwanag na ba ang mga salitang nakalista? Kung oo,
basahin na ang teksto.
37. 31
Basahin Mo
Ano ang nangyari sa klase ng Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan?
Magtanim Upang Mabuhay
Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang.
Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi ng guro.
“Mga mag-aaral, kayo ay tuturuan kong maghanda ng tamang
taniman ng gulay. Tuturuan ko rin kayo ng wastong pagtatanim at
pag-aalaga ng mga gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan
natin ang magtanim upang mabuhay.”
Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang mga bata. Dito
niya itinuro ang wastong pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda
ng taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang lugar na bubung-
kalin ang bawat mag-aaral. Maayos na nagsigawa ang mga mag-
aaral. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabagsakan ng asarol
ang paa ni Efren. Nagdugo ang paa nito. Agad namang dinala nina
Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan. Ginamot siya ng nars
at pinayuhang umuwi at magpahinga.
Hindi nakapasok nang ilang araw si Efren sapagkat namaga
ang kaniyang paa. Nang magaling na ang kaniyang sugat ay saka
pa lamang siya nakapasok sa paaralan. Ang halamanan ang una
niyang tinungo upang makita ito. Anong laking pagkamangha niya
nang makitang yari na ang kaniyang plot.
Sanggunian:
Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa
Angelita L. Sta Ana, pp. 24-25.
38. 32
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Matapos makagawa ng balangkas tungkol sa binasang
teksto, ngayon naman subuking mong gumawa nito batay
sa mababasang teksto. Gamiting gabay ang padron sa
susunod na pahina.
Hindi Sagabal
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga
nagsipagtapos at kanilang mga magulang nang umakyat
si Maryann sa entablado upang tanggapin ang kaniyang
diploma at medalya.
Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman
sa Pamantasan ng Northern Philippines. Pinalakpakan siya
hindi lamang dahil sa kaniyang katalinuhan kundi dahil
sa kakaiba siya sa lahat.
Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann. Isinil-
ang siyang walang mga paa, 20 taon na ang nakalilipas. Katutu-
bo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur. Nagta-
pos siya sa kursong accounting. Hindi naging balakid
ang kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral. Naging
valedictorian siya noon sa elementarya at sekundarya. Kahit
hirap sa pagtindig at pagpunta sa klase, napagaan yaon
ng pagiging matulungin ng kaniyang mga kamag-aaral.
Hango sa:
Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.
39. 33
Pamagat: ____________________
I. ________________________
a. ______________________
b. ______________________
c. ______________________
II. ________________________
a. ______________________
b. ______________________
c. ______________________
Gawin Mo
A. Basahin ito at gumawa ng sariling balangkas na walang
huwaran. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Franz Liszt
Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat
ng Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak siya noong
Oktubre 22, 1811 sa Lungsod ng Raiding, Hungary.
Isa siyang huwarang anak at mabuting bata.
Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima.
Tinuturuan siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt
sa pagtugtog ng piyano.
Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula
na siya gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman
sa simbahan. Nang makita at marinig ito ng mga taong-
simbahan, binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon
ng isang konsiyerto.
40. 34
Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas.
Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa pagtugtog ng piyano
gamit ang kaniyang mga komposisyon.Ang madla ay humanga,
naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan ni Franz.
Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na
magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo.
Namalas ng karamihan ang kaniyang angking talento.
Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang piyanista
at kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886.
Hango sa:
Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.
B. Naririto ang usapan ng makakaibigan.
Punan ang mga patlang ng wastong panghalip na pamatlig.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Christian : Halina kayo 1
______. Tingnan natin ang
mga larawan na nakapaskil sa bulletin
board.
Carlo : Tungkol saan ang mga larawang 2
______.
Christian : Mga larawan 3
____ ng nakaraang
pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon.
Henry : Sino-sino ba ang nasa larawan?
Joan : Mga mag-aaral na lumahok sa paligsahan.
Ang gagaling naman nila.
Sunshine : Tama ka Joan. Tingnan mo 4
____ isang
larawan. Siya ay mag-aaral mula sa ikaanim
na baitang. Siya ay si Jobert.
Ang husay niyang umawit.
Gelord : 5
_____ din sa pagdiriwang ang piling
mga magulang. Tingnan ninyo sila.
Ang sasaya nila di ba?
41. 35
Christian : Pagmasdan ninyo ang larawang 6
_____.
Makikita ninyo sa entablado ang mga
hurado. 7
________ din ang punong-guro.
Sunshine : 8
_________ sa bandang likuran ng
punong-guro ang ilang mga guro.
Ang sasaya rin nila.
Henry : 9
______ talaga ang pagdiriwang ng buwan
ng nutrisyon sa ating paaralan.
Carlo : Sana sa susunod na taon makasali na tayo
sa mga paligsahan.
Sunshine : Sana nga.
Henry : Tayo na at hinihintay na tayo ng ating guro
na kanina pa naghihintay 10
_______
sa silid-aklatan.
Isaisip Mo
A. Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang
balangkas? Isulat ang sagot sa organizer na ito.
Pagsulat ng
Balangkas
42. 36
B. Ang panghalip na pamatlig ay ___________.
Ito ay may tatlong panauhan na:
a. ________ na ginagamit kung _________,
b. ________ na ginagamit kung ________, at
c. ________ na ginagamit kung ________.
Isapuso Mo
A. Kompletuhin ang komitment na ito.
Ang paaralan ang aking pangalawang tahanan
kaya mula ngayon __________________.
B. Sampung taon mula ngayon, ano ang puwede mong iregalo
sa iyong paaralan? Iguhit ang sagot mo rito.
Gawin ito sa isang malinis na papel.
Isulat Mo
Kompletuhin ang pangungusap sa iyong Reader’s
Response Journal.
Nakikita ko ang aking sarili kay ____________ dahil
____________.
43. 37
Tuklasin Mo
Nakakita ka na ba ng hipon? Biya? Ang mga ito ang bida sa
kuwentong babasahin ngayon ng iyong guro.
Subukin nating bigyang katangian ang mga ito dahil sa kuwento
hindi sila kinakain.
Gamitin natin ang mga larawang ito.
Ngayon, humanda na upang mas malaman kung paano
naging mabuting magkaibigan sina Hipon at Biya.
Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan?
Paano mo pinangangalagaan ang pagsasamahan ninyo?
Ano ang panghalip pananong?
Ano-ano ang bahagi ng kuwento?
5 Mabuting Pagkakaibigan
ARALIN
44. 38
Basahin Mo
Nakakita ka na ba ng batang inatake ng hika? Paano nito
napagbago ang ating bida sa kuwento?
Parami nang Parami
ni Ma. Hazel J. Derla
Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang
nakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan.
Sapat na sa kaniya ang manood sa mga batang masayang
naglalaro sa malawak na palaruan.
Isang araw, sa kaniyang panonood, isang mag-aaral ang
napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang
tumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral,
“Ano’ng nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?”
Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo
si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral.
Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula
noon, naging matalik na silang magkaibigan.
Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may
kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami
pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.
Naging katulad kaya sila ng magkaibigang Hipon at Biya sa
una nating kuwento?
45. 39
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Matapos mapakinggan ang kuwentong binasa ng guro,
ibigay ang hinihinging bahagi ng kuwento sa talaan.
Pamagat:
Simula
Gitna
Kasukdulan
B. Natatandaan mo ba ang kuwento nina Hipon at Biya?
Iguhit sa bawat kahon ang nagiging damdamin nila
sa kuwento. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Damdamin ni Hipon
Simula Gitna Huli
Damdamin ni Biya
Simula Gitna Huli
46. 40
C. Gamitin pa ang dalawang kuwento sa araling ito,
kompletuhin ang tsart sa ibaba. Sa ikalawang hanay, isulat
ang pangyayaring hinihingi ng unang hanay. Sa ikatlong
hanay naman, isulat ang isang tanong tungkol sa binanggit
na pangyayari. Bilugan ang panghalip na pananong na
ginamit. Gawin ito sa kuwaderno.
Bahagi Pangyayari
Tanong tungkol sa
pangyayari
Una
Kasukdulan
Katapusan
D. Natapos mo na ba ang iyong sulatin?
Gamitin ang rubrics na ito upang maisaayos muli ang sulatin
bago mo ipasa sa iyong guro.
Naibigay nang buong linaw ang hangarin sa pagsulat 5 pt
Nagamit nang tama ang mga salita 3 pt
Nagamit nang wasto ang mga bantas 4 pt
May kalinisan at kaayusan sa pagkakasulat 3 pt
Kabuuan 15 pt
47. 41
E. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento ng magkaibigang Hipon
at Biya? Isalaysay muli ito. Gamitin ang rubrics na ito upang
maging gabay.
Pamantayan Puntos
Pangyayari Nagsimula sa panimulang gawain
oras at lugar na pinangyarihan
1
1
Tauhan Pangalan at pangunahing ginampanan
Pagkilala sa iba pang mga tauhan
1
1
Suliranin Nalalaman ang pangunahing suliranin 1
Aksyon Nababalikan ang mga pangyayari
sa kuwento
1
Bunga/
Kinalabasan
Pagkilala paano nalutas ang suliranin
Naibibigay ang katapusan ng kuwento
1
1
Pagkasunod-
sunod
Naisalaysay nang tama
walang maipakita na tama
ang pagkasunod-sunod
2
Kabuuan ______________
Gawin Mo
A. Matapos mong mapakinggang ang kuwentong binasa
ng iyong guro, sagutin ang sumusunod na mga tanong
sa iyong Reader’s Response Journal.
1. Sino ang sumulat ng kuwentong napakinggan? Nabasa?
2. Ano ang suliranin sa kuwento?
3. Pumili ng isang pangunahing tauhan sa kuwento, ilista
ang tatlong katangian niya.
4. Anong bahagi ang pinakagusto mo sa kuwentong
napakinggan? Nabasa?
5. Ano ang markang ibibigay mo sa kuwentong ito?
6. Iguhit at kulayan ang bilang ng bituin na ibibigay mo.
48. 42
B. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga tanong sa isip mo bago,
habang at pagkatapos mapakinggan ang kuwento nina
Hipon at Biya. Bilugan ang mga panghalip pananong na
ginamit.
C. Sumulat ng limang salita mula sa napakinggang kuwento
nina Hipon at Biya. Sa tapat nito, isulat ang kasalungat na
kahulugan nito. Gawin ito sa iyong Pasaporte ng mga Salita.
D. Natatandaan mo ba ang pyramid ng kuwento na ginamit
natin sa talakayan sa klase, gamitin ito upang makasulat ng
isang maikling kuwento tungkol sa iyo at sa iyong kaibigan.
Paano mo ihahalintulad ang kuwento ninyo sa kuwento nina
Lorena? Subuking gamitin ang mga salitang inilista
sa naunang gawain.
Isaisip Mo
Punan ang tsart na ito.
Ano ang
panghalip
pananong?
Ano-ano ang
halimbawa nito?
Kailan ito
ginagamit?
Isapuso Mo
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga
sa isang kaibigan.
Isulat Mo
Sumulat ng isang liham para sa may-akda ng kuwento nina
Hipon at Biya. Sabihin ang lahat ng natutuhan mo mula sa
kuwentong kaniyang isinulat.
49. 43
Subukin nating balikan ang mga salitang napakinggan at
nabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin
ang kahulugan nito. Kung mayroon kang hindi maunawaan,
gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy ang
kahulugan ng mga ito.
sa wala tanong
ng ay tayo
na bawat walo
ang iyo ama
at lahat anuman
kaniya lamang bagay
mga naman baitang
siya natin bibilhin
bata paa bigla
si paaralan bigyan
pamilya tindero dahil
isa ano din
ni bayan dinala
Jose iba gabay
magulang kung binigyan
araw marami buhay
anak naging gamit
ay parami ginto
kanila tugon gulang
nang agad gulay
niya barangay guro
po bilang habang
hindi dala halamanan
may hiyas hirap
aral kasama huwaran
atin kay ibinigay
ito kaya ikaapat
lagi kayo ilan
nanay ko ipinagdiwang
50. 44
noon makita kahit
pagdiriwang natatangi kailangan
pagmamahal nila komposisyon
para paggalang lima
sila panahon mabuhay
upang sinabi maganda
magkaroon wasto gahol
magtanim atubili binigay
mantika ayos bubungkalin
matatag ako bumubuhay
miyembro alaga bunga
mo alahas bungad
nagtapos alin galing
nakapasok alok ganito
namalas angkin gawin
nars asarol gayundin
nito asignatura ginagabi
pinakadakila aso ginamot
pinakamahalaga bahagi ginhawa
piyanista bahala gumawa
piyano balakid gymnasium
pumunta bansa habol
puno batiin hadlang
rin bayad halaga
salamat bayubay halaman
pagkakataon daigdig haligi
pagtugtog dakila hamon
paminta dalawampu hanapbuhay
pangangailangan dali hika
Pilipino damdamin hinahanap
sapat dinaluhan hinga
simbahan diploma hulyo
suka Disyembre humanga
tanghali dito humigit
51. 45
taniman dumalo igalang
tatlo dumating ilalim
tindahan edukasyon inatake
toyo elementary iniabot
tunay emeritus ipinabili
tuturuan entablado ipinanganak
isinilang kurso maibigan
itinuro laki maisasagawa
itinuturing lang makabago
kaalaman layunin makatugon
kabaligtaran libo malawak
kabuhayan ligaya malungkutin
kahusayan limampu mangga
kakaiba lingkod mangingibabaw
kakailanganin loob mangyayari
kaklase lugar manok
kalaro luha manood
kamalayan lulutuin mapagkandili
kama lungkot marinig
kapaligiran lungsod masakit
kapalit lupa masayahin
kapansanan maaari masaya
karangalan maaasahan masigabo
kasama maayos masigla
katalinuhan mabuti masipag
katawan madalas masunurin
katutubo madla masuklian
kausap magalang matalik
kilalanin magaling matulungin
kinabukasan maghanda mayor
kinalaman maging mayroon
klase magkaagapay medalya
klinika magkaibigan mula
kompositor magkano mulat
52. 46
konsehal magkapitbahay mundo
konsiyerto magkasama musika
kuha magpahinga nabagsakan
kumulang magtanghal nagalak
kundi mahalin nagbubuklod
nagbuhat napagaan pinakamalapit
nagdugo napaupo pinalakpakan
naging nasabi pinangunahan
nagkakaisa natatangi pinarangalan
naglalaro natin pinayuhan
nagmamahal ng piso
nagpamalas ngiti piyanista
nagsagawa ni piyano
nagsigawa nila puhunan
nagsimula nina pumanaw
nagsipagtapos nito pumasok
nagtapos niya pumunta
nagtatakbo noon puno
nahilig obispo punongkahoy
nahirang Oktubre regalo
nais oo rin
naiyak opo sa
nakaagapay oras sabay
nakaalalay paa sabik
nakalipas paano sagabal
nakangiti paaralan sagot
nakapasok pabayaan saka
nagtatakbo pagbalik sakali
nahilig pagbubungkal salamat
nahirang pagbuo sampu
nakaupo pagdiriwang sandata
namaga paggalang sapagkat
namalas paghahanda pagkakataon
naman pagiging pagkamangha
53. 47
nanay pinabibili pagkilala
nang pinagkalooban paglingkuran
nangangailangan pinakadakila pagmamahal
nangyari pinakamahalaga pagmamahalan
pagmamalasakit sasapit lugar
pagpapahalaga sawa luha
pagsisikap school lulutuin
pagtatanim sekundarya lungkot
pagtindig si lungsod
pagtugtog sige lupa
pala sila maaari
palabas silang magkaibigan
palad silid magkano
palakpakan simbahan magkapitbahay
palaruan simula magkasama
palayo sinabi magpahinga
pamantasan sinadya magtanghal
pambihira sino mahalin
pamilya siya maibigan
paminta sugat maisagawa
panahon suka makabago
panauhin sumapit makatugon
pangangailangan sumasalubong malawak
pangkabuhayan tabi malungkutin
panonood tagpi mangga
pantahanan tahanan mangingibabaw
papel takot mangyayari
para talaga masusuklian
parami talampakan matalik
pari talento matulungin
paslit layunin Mayor
pasukan libo mayroon
patibayin ligaya nagbuhat
payo limampu nagdugo
54. 48
sasabihin nina nais
manok oras napaiyak
manood lingkod nakaagapay
mapagkandili loob sasabihin
marinig Lucena sasapat
masakit nagsipagtapos sawa
masayahin maaasahan tanggapin
masaya maayos tao
masigabo mabuti tinungo
masigla madalas tinuruan
masisipag madla tiyaga
masunurin magalang tiyak
nakaalalay magaling tulad
nakalipas maghanda tumayo
nakangiti maging tumulo
namaga magpapogi tumutulong
nangangailangan plot tungkol
nangyari puhunan tuwina
napagaan pumanaw umakyat
napagalitan pumasok umintindi
napaupo punongkahoy umuwi
nasa regalo unahan
nasabi paglingkuran yari
nga pagmamahal
ngiti pagmamalasakit
ngunit pagpapahalaga
55.
56. ii
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad
lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi
nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga
tagapaglathala at sa mga may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail.
com ang mga may-akda at tagapaglathala.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines
Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael,
Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay,
Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya,
Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo,
at Angelika D. Jabines
Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva
Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena
Tagatala: Ireen Subebe
57. iii
PAUNANG SALITA
Kumusta?
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng
Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng
Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa
kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang
Pilipinas.
Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na
malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,
pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at
angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain.
Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain.
Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o
konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan
ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto.
Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula,
balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.
58. iv
Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at
Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng
mga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula sa
talakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaring
gawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman ay
gagawin mo nang nag-iisa.
Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga
natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin.
Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upang
maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawat
aralin.
Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawa
sa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng pagsulat.
Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng:
Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mga
salitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit.
Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryo
ng mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata na
mapipili.
Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mga
gabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnay
ng isang chapter book na natapos mong basahin.
59. v
Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong
sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin
ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na
pamamaraan.
Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo!
MGA MAY-AKDA
60. vi
TALAAN NG NILALAMAN
Yunit II – Nagkakaisang Mamamayan,
Maunlad na Pamayanan
Aralin 6 – Lugar sa Pamayanan, Halina’t Pasyalan................50
• Paggamit ng Pang-uri
Aralin 7 – Katuwang sa Pamayanan........................................57
• Paggamit ng Pandiwa at Pang-uri sa Teksto
• Pagkakaiba ng Recount sa Balita
• Kaugnayan ng Paksang Pangungusap sa Talatang
Susulatin
Aralin 8 – Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad..............69
• Kahalagahan ng Kalikasan sa Pag-unlad ng
Kabuhayan ng Mamamayan
• Paggamit ng Pandiwa sa Teksto
Aralin 9 – Pagpapaunlad ng Pamayanan................................78
• Paggamit ng Pariralang Pang-abay
• Balangkas ng Kuwento
Aralin 10 –Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad.......................84
• Paggamit ng Pang-abay
• Kaugnayan ng Sanhi at Bunga
• Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Isang Liham
* Kalendaryo ng Pagbabasa..........................................................92
* Bokabularyong Pang-akademiko................................................93
62. 50
Tuklasin Mo
A. May lakad ang mag-ama kaya maaga silang gumising.
Ano kaya ang ibig sabihin ng may lakad? Gawin ito upang
maipakita ang pagkakaunawa mo rito.
Ngayon, handa ka nang makinig sa kuwentong babasahin
ng iyong guro.
Isulat ang kahulugan mula sa
diksiyonaryo.
Magbigay ng dalawang halimbawa
nito.
Magbigay ng tatlong salitang
kasingkahulugan nito.
Gamitin ito sa pangungusap.
may
lakad
Ano-ano ang lugar sa inyo na maaaring pasyalan?
Anong mga salita ang gagamitin upang makapaglarawan?
Paano ka makasusulat ng isang liham paanyaya para
sa isang kaibigan?
6 Lugar sa Pamayanan,
Halina’t Pasyalan
ARALIN
63. 51
B. Bago natin basahin ang kuwento tungkol sa isang
pagdiriwang sa pamayanan, alamin muna natin
ang kahulugan ng mga salita na ginamit sa kuwento.
Iguhit ang kahulugan ng mga ito sa isang malinis na papel.
Salita Guhit Ko
baton
majorette
musiko
prusisyon
Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas
madali mong maunawaan ang kuwento natin.
Basahin Mo
Kung mamasyal kayo ng iyong nanay o tatay, yayayain mo
ba sila sa lugar na mababanggit sa kuwento? Bakit?
Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa mga
kalaro.
“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling
bumaba sa puno ng makopa ang mga bata.
64. 52
Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihang
sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette at ang
kanilang baton habang tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya
ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong
manok, mechadong karne ng baka, paksiw na pata at marami
pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon
sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanay
sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon.
Ang problema ay may kakaibang nararamdaman sa
kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata
ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handa
ay magtitiis na lang sila sa mga de-lata o di kaya’y sa ginataang
gabi.
Ganiyan ang mga Pilipino noon. Subalit ngayo’y
unti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan
at ipinaghahanda, subalit sa abot na lamang ng kanilang
makakaya.
65. 53
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Balikan natin ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento
tungkol sa lakad ng mag-ama. Lakbayin natin ang lugar na
kanilang pinuntahan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga
tanong na nasa mapa.
Kung may nais kang puntahang isang lugar sa mapa,
paano ka magpapaalam sa nakatatanda sa iyo?
Saan ang lakad ng mag-ama?
Saan-saan sila
nakarating?
Ano-ano ang
gagawin nila?
Sino ang una nilang
nakita?
Sino-sino pa ang
kanilang nakita?
66. 54
B. May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba
ang kanilang bigkas. Marami nito sa binasang kuwento.
Ano-ano nga ito? Magkatulad ba ang mga ito ng kahulugan?
Ngayon, tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap.
1. Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng Akasya.
Laging puno ng tubig ang mga tapayan sa bakuran upang
gamitin sa kanilang taniman.
Dahil sa matiyagang pagtatanim naging maayos
ang buhay nina Kadyo.
2. Ang malaking paso sa kaniyang kamay ay dahil sa hindi
niya pag-iingat habang nagluluto. Sa sobrang sakit nito,
nasagi niya ang magandang paso ng halaman malapit sa
kanilang bintana.
3. Maluwang ang taniman ng tubo ng pamilyang Santos.
Maliit ang tubo ng pera na inilagak nila sa bangko.
Ang mga anak nila’y nakaupo sa mahabang bangko
habang naghihintay sila ng tawag ng kahera ng bangko.
4. Pito ang pulis na nakabantay malapit sa paaralan.
May kaniya-kaniya silang pito na nakasabit sa uniporme.
Gawin Mo
A. Alin sa mga lugar na napuntahan ng mag-ama
ang naibigan mo? Ipakita ito sa pamamagitan ng isang post
card na iyong gagawin. Kunin ang iyong kagamitan sa Art at
umpisahan na ito.
67. 55
B. Gamit ang pang-uri, ilarawan ang isang lugar na nais mong
marating. Humanap ng kapareha. Ipaguhit sa kaniya ang lugar
na nasa isip sa pamamagitan ng mga paglalarawang ibibigay.
C. Naririto pa ang ilang pares ng mga salita na magkatulad
ng baybay ngunit magkaiba ng bigkas.
Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
Salungguhitan ang panghalip na ginamit.
1. aso-aSo
2. kita-kiTa
3. paso-paSo
4. saWa-sawa
5. buKAs- bukas
Isaisip Mo
A. Saan-saan ginagamit ang pang-uri? Isulat ang sagot
sa maliliit na ulap. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ginagamit natin
ang pang-uri sa....
68. 56
B. Ano-ano ang natatandaan mo sa pagsulat ng isang liham?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Natutuhan
Hindi masyadong malinaw
Opinyon
Isapuso Mo
Ipagmalaki ang sariling pamayanan sa pamamagitan ng
isang poster. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Isulat Mo
Sumulat ng isang liham. Anyayahan ang isang kaibigan
na mamasyal sa inyong lugar. Salungguhitan ang mga pang-uring
ginamit at ikahon ang mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ng bigkas.
69. 57
Tuklasin Mo
A. Nagkasakit ng dengue ang batang bida sa kuwentong iyong
mapapakinggan. Ano ang alam mo sa sakit na ito? Sagutin
ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito sa kuwaderno.
Ano ang
dengue?
Ano ang
mga
sintomas
nito?
Ano ang
sanhi
nito?
Paano ito
malulunasan?
Bago
Bumasa
Pagkatapos
Bumasa
Huwag kang mag-alala kung wala kang gaanong naisulat
sa iyong talaan, makinig nang mabuti sa iyong guro upang mas
makilala mo pa ang sakit na dengue.
Katuwang sa Pamayanan
Katuwang ka ba sa pagpapaunlad ng iyong pamayanan? ano
ang pang-uri? Ano ang pandiwa? Paano isinusulat ang isang
balita? Ang recount? Paano sila nagkaiba? Ano ang kaugnayan
ng paksang pangungusap sa talatang iyong susulatin
ARALIN
7
70. 58
Basahin Mo
A. Naririto ang ilang pahina ng diary ni Melba. Tulad ni Isabel,
nagkasakit din siya ng dengue. Basahin natin ang kaniyang
mga pinagdaanan.
Setyembre 2, 2014
Dear Diary,
Masakit pa rin ang aking ulo at mabigat ang aking pakiramdam.
Kinuha ni Nanay ang aking temperatura, akala ko sasabog na ang
aming thermometer kasi 40 digri ito. Pinunasan agad ako ni Nanay
ng malamig na tubig at saka nilagyan ng basang tuwalya sa aking noo
matapos akong bihisan ng isang manipis na damit. Sana, bukas ok
na ako. Dalawang araw na akong liban sa klase.
Melba
Setyembre 3, 2014
Dear Diary,
Paggising ko kaninang umaga, wala na akong lagnat. Ang galing talagang
doktor ng aking Nanay. Pero hindi pa rin niya ako pinapasok sa paaralan.
Baka raw mabinat ako kaya maghapon na naman ako sa bahay.
Melba
Setyembre 1, 2014
Dear Diary,
Hindi ako nakapasok ngayon. Paggising ko, masakit na ang aking ulo.
Masakit din ang aking lalamunan at mga kasukasuan.
Pagdating ng hapon, hindi pa rin umaayos ang aking pakiramdam,
magpahinga lang daw ako at baka tatrangkasuhin ako.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at para akong nasusuka. Sabi ng nanay,
Melba
71. 59
Ganito rin ba ang nangyari sa iyo nang magkasakit ka?
Ano-ano ang pandiwang ginamit sa binasang diary?
Setyembre 5, 2014
Dear Diary,
Ilang araw kaya ako titigil dito sa ospital? Kahapon pa ako rito. Matapos akong
kuhanan ng dugo para sa platelet count, sabi ng doktor sobra raw baba ito. Dapat
daw ay nasa pagitan ito ng 150,000 – 200,000. Pero ang sa akin 70,000
lamang, kaya heto ako ngayon naka-dextrose, sinasalinan pa ng dugo. Kailan kaya
ako lalabas dito?
Melba
Setyembre 6, 2014
Dear Diary,
Naubos din ang dugo sa mga bag na binili ni Nanay. Binisita ako ng aking
doktor kanina. Kaunti na lang daw pahinga at uminom lamang ako ng
maraming tubig. Baka sa susunod na araw lalabas na ako sa ospital.
Melba
Setyembre 4, 2014
Dear Diary,
Pagkatapos kong kumain ng aking almusal, sabi ni Nanay maligo na raw
ako upang gumaan ang aking pakiramdam. Iyon nga ang aking ginawa.
Nagulat ako sa aking nakita! Ang dami kong tuldok-tuldok na pula sa
balat. Ipinakita ko ito kay Nanay at dali-dali naman niya akong binihisan
at dinala sa doktor.
Melba
72. 60
B. Paano ba maiiwasan o mababawasan ang kaso ng dengue
sa ating pamayanan? Sino-sino ang magiging katuwang natin
sa pagsugpo nito? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa
ng isang balita tungkol dito.
4 o’clock Habit, 4S ng DOH, Epektibo Kontra Dengue
Online Balita, Hunyo 30, 2014
ni Mary Ann Santiago
Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot. Ito ang
kasabihang sinusunod ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH)
pagdating sa laban kontra sa nakamamatay na dengue, na marami
na ring buhay ang kinitil sa bansa, partikular na sa mga paslit.
Batay sa huling ulat ng DOH-National Epidemiology Center
(NEC), mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ngayong taon ay umabot
na sa 23,867 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa. Nasa 99
sa mga ito ang nasawi.
Tiniyak ng DOH na bagamat nababawasan ang naitatalang
kaso ng dengue sa nakalipas na mga buwan ay patuloy
ang maigting na kampanya ng kagawaran laban sa dengue,
na itinuturing na “all-year-round threat” na sakit dahil kung dati
ay tuwing tag-ulan lang namiminsala, ngayon ay marami pa rin itong
binibiktima kahit tag-init.
Partikular namang mahigpit ang pagbabantay ng DOH laban
sa dengue ngayong tag-ulan, dahil papalapit na ang
peak season ng sakit sa Agosto at Setyembre.
Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy, na siya ring
program manager ng DOH-Dengue Prevention and Control
Program, mas mababa ang naitala nilang kaso ng dengue
sa unang limang buwan ng 2014 sa 50.98 porsiyento kumpara
sa kaparehong panahon noong 2013, na umabot sa 48,686
ang na-dengue.
73. 61
Sa ngayon, aniya, ilan sa mga programang kanilang
ipinatutupad na nakatulong para mabawasan ang mga kaso
ng dengue ay ang vector control activities, tulad ng 4 o’clock habit
sa mga komunidad at pagsunod sa 4S laban sa dengue. Kaugnay
nito, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na epektibo laban
sa dengue ang 4 o’clock habit gamit ang “stop, look, and listen”
approach.
Paliwanag ni Ona, ang stop ay nangangahulugan na iwan
muna ang ibang bagay at gawing prioridad ang pagpuksa sa mga
pinamamahayan ng lamok.
Pagsapit, aniya, ng 4:00 ng hapon—ang oras ng pagkain
ng lamok—ang mga itinalagang grupo ay dapat na maghanap (look)
ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquito at magpatupad
ng sistematikong “search and destroy activities” laban sa mga ito.
“‘Listen’ entails heeding the instructions from local authorities,
community leaders or work supervisors for a synchronous
implementation of the 4 o’clock habit,” paliwanag pa ng Kalihim.
Dagdag pa niya, maaari namang gawin ang naturang sistema
nang araw-araw o lingguhan, depende sa pondo at kapasidad
ng komunidad.
Ipinaliwanag rin ni Ona ang 4S, na nangangahulugan
ng Search and destroy mosquito breeding places, Self-protection
measures, Seek early consultation for fevers lasting more than two
days, at Say yes to fogging when there is an impending outbreak.
Bahagi rin, aniya, ng 4 o’clock habit ang tukuyin ang mga
high-risk area sa lokalidad, pagbubuo ng mga grupo para sa
critical response activities laban sa lamok at pag-likha ng sistema
ng komunikasyon para sa mas mahusay na koordinasyon.
May mga pang-uri bang ginamit sa balitang ito?
Ano-ano ito? Ano ang inilarawan ng bawat isa?
Ano ang paksa ng bawat talata sa balitang ito?
Sang-ayon ka ba sa mga nabasa mo rito?
74. 62
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Basahin at pag-usapan ang mga talata. Sabihin ang paksa
ng bawat isa.
1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan.
Binungkal nila ang mga gilid nito. Nakalikha sila ng
makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay.
Ang hagdang-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang
kahanga-hangang tanawin.
Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997.
2. Mahirap ang magulang ni Andres. Hindi siya nakapag-aral.
Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki sa kaniyang
mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto
siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa
ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito.
Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa
paaralan.
Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997.
75. 63
B. Paano ba isinusulat ang isang talatang nagbibigay-ulat?
Basahin mo muli ang balita na nasa pahina 60-61 upang
masagot ang mga tanong na ito. Isulat ang sagot
sa kuwaderno.
C. Ngayon, subuking makasulat ng isang balita kasama
ang iyong pangkat. Sundin ang mga hakbang na nakasulat
upang maging madali ang gawaing ito.
1. Pag-usapan sa pangkat ang ginagawang hakbang ng
pamayanang kinabibilangan lamang sa pagsugpo
o pag-iwas sa sakit na dengue.
2. Maglista ng mga tanong na nais ninyong masagot tungkol
sa napiling paksa.
3. Pag-usapan ang mga sagot dito.
1. Saan hinango ang balita?
2. Ano ang pamagat nito?
3. Sino ang sumulat nito?
4. Ano-ano na ang alam mo sa paksang ito ng
binasang balita?
5. Ano?
Sino?
Saan?
Kailan?
Bakit?
Paano?
6. Nasagot ba ng binasa mong balita ang lahat ng
tanong sa bilang 2?
7. Sa mga sagot mo sa bilang 2, alin dito ang
pinakamahalaga? Ipaliwanag ang sagot.
8. Ano ang epekto ng balitang ito sa iyo?
Lokal ba o internasyonal na balita ito?
5
5
76. 64
4. Isulat sa unang talata ang mga pangungusap
na sumasagot sa tanong na ano, saan, sino, kailan, bakit,
at paano.
5. Sa ikalawang talata, ipaliwanag nang detalyado ang mga
sagot sa mga tanong na sinagot sa unang talata. Kung
maaari, maglagay rito ng isang pahayag ng isang saksi
na nakapaloob sa panipi.
6. Lagumin ang balitang isinulat. Maaaring ilakip dito ang iba
pang impormasyon tungkol sa iyong ulo ng balita. Maaari
ring ilagay rito ang mga gagawin sa hinaharap, ang halaga
ng proyekto, gaano ito katagal gagawin, at iba pang
detalye.
7. Basahing muli ang natapos na balita upang maisaayos
ang mga nakitang pagkakamali.
D. Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan si Lolit Lamok
na nakilala mo sa kuwentong napakinggan mula sa iyong
guro.
E. Makilala mo kaya ang pandiwa sa iba’t ibang anyo nito?
Subukin natin. Basahin ang mga talata sa Pagyamanin
Natin, Gawain Ninyo A, pahina 62. Sipiin at pangkatin ang
mga pandiwang ginamit dito. Gawin ito sa isang malinis
na papel.
77. 65
Gawin Mo
A. Basahin ang mga talata. Isulat sa iyong kuwaderno
ang paksang pangungusap ng bawat isa.
1. Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may kakatwang
anyo. Palapad ang katawan nito na nababalot ng maiikli
at pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan ang buntot
nitong maikli, malapad at nababalutan ng magaspang
na buhok. Maiikli ang apat nitong mga paa na may
magkadidikit na mga daliri. Wala itong leeg. May maliit
itong mata at tenga na naisasara kapag nasa ilalim ng
tubig.
Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s
Publishing Corporation
2. Katutubong awitin ng mga Ilokano ang Dal-lot. Binubuo ito
ng walong taludtod sa isang saknong. Kung susuriin,
halos walang anumang kahulugang isinasaad ang Dal-lot.
Inaawit ito ng isang lalaki sa isang babae na tumutugon
naman nang patula. Nagtatapos ito sa kanilang sabay
na pag-awit.
Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s
Publishing Corporation
3. Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na
hayop sa buong daigdig. Ang dalawa nitong pakpak
at anim na mabalahibong paa ay nakapagdadala
ng mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit.
Kumakain ito ng kahit na anong bagay na nabubulok.
Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi.
At sa oras ng kaniyang paglipad at pagdapo kung saan-
saan, tiyak ang dala niyang sakit sa mga tao.
Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s
Publishing Corporation
78. 66
B. Gamitin ang tsart sa pagbabahagi ng mga ginawa, ginagawa
at gagawin mo pa lamang upang maging isang tunay
na katuwang ng pamayanang kinabibilangan. Sa ilalim ng
bawat isa, isulat naman ang sanhi at bunga ng mga kilos na
isinulat.
Kahapon Ngayon Bukas
Kilos
Sanhi
Bunga
C. Gawin natin ang Kalendaryo ng Pagtulong.
1. Kumuha ng isang malinis na papel.
2. Gumawa ng isang buwang kalendaryo.
3. Sa kaliwang itaas na bahagi, isulat ang buwan ng
natapos na kalendaryo.
4. Isulat sa bawat araw ang mga gagawin mo upang
makatulong sa kapuwa at sa kapaligiran mo.
5. Lagyan ng kung ang isinulat ay nagawa at
naman kung hindi.
79. 67
Isaisip Mo
A. Paano mo ngayon bibigyang kahulugan ang pang-uri?
Gamitin ang bilog sa ibaba upang maibigay ang mga
natutuhan mo. Gawin ito sa kuwaderno.
B. Gumawa ng isang islogan na nagsasabi ng iyong natutuhan
tungkol sa pandiwa. Gawin ito sa isang malinis na papel.
C. Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa salitang nasa
palad? Sumulat sa bawat daliri ng mga bagay na natutuhan
mo tungkol dito. Bakatin ang sarili mong kamay sa
kuwaderno at gawin ang hinihiling.
Dati ko nang alam…
Natutuhan ko ngayon…
Ang paksang
pangungusap ay…
80. 68
Isapuso Mo
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang tulong
na iyong natanggap. Ipakita rin dito ang dahilan at ang naidulot
sa iyo ng tulong na natanggap mula sa iba. Gawin ito sa isang
malinis na papel.
Isulat Mo
Gamitin ang planner sa pagsulat ng talata tungkol sa sariling
karanasan.
RECOUNT PLANNER
Saan? Kailan? Sino?
Mga Pangyayari Ayon sa Wastong Pagkakasunod-sunod
Mga Pang-ugnay na Salita
una pangalawa sumunod
kaya ngayon kinabukasan panghuli
Pang-ugnay na
Salita
Ano ang nangyari?
Ano ang reaksiyon o
damdamin?
Katapusan
81. 69
Tuklasin Mo
A. Kilalanin muna natin ang mga salitang ginamit sa kuwentong
babasahin sa iyo ng guro. Tukuyin kung aling mga larawan
ang dapat magkasama upang mabuo ang mga puzzle.
Isulat sa kuwaderno ang letrang dapat magkasama.
chainsaw
A
gulok
C
8 Biyaya ng Kalikasan
Tungo sa Pag-unlad
ARALIN
Paano nakatutulong ang ating kalikasan sa pagpapaunlad
ng kabuhayan ng mamamayan?
Paano ginamit ang mga pandiwa sa araling ito?
B
D
chainsaw
82. 70
Nakatugma bang lahat ang mga larawan at salitang
pinagsama mo? Tandaan mo ang kahulugan ng mga
salitang ito upang maunawaan ang kuwentong babasahin
ng iyong guro.
maskulado
D
palakol
F
E
G
83. 71
B. Isa sa mga paraan upang matukoy ang kahulugan ng mga
bagong salita ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
salitang kasingkahulugan nito. Subukin nating gawin ito
sa sumusunod na salitang ginamit sa tekstong iyong
babasahin. Gumuhit sa kuwaderno ng dalawang puno
na katulad nito.
Isulat sa bawat puno ang salitang bibigyang kahulugan.
Isulat naman sa mga dahon ang mga salitang kasingkahulugan
nito. Maaari kang humingi ng tulong sa iyong mga kaklase upang
mapuno mo ang mga dahon.
Naririto ang mga salitang gagamitin mo.
- hinaing
- kumikinang
Ngayon, kayang-kaya mo nang basahin ang teksto sa
susunod na pahina.
84. 72
Basahin Mo
Kahalagahan ng Kalikasan
Ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya,
hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na kayamanan.
Gaya ng kasabihan, “hindi lamang ginto ang kumikinang,”
hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan. Maging ang
kayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan-tulad
ng kalikasan. Subalit, napahahalagahan nga ba nang tama
ang ating kalikasan?
Di ba’t lahat tayo’y nilikha ng Maykapal? Nilikha na may
kaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha upang
pahalagahan at pagyamanin ang Kaniyang mga likha. Gaano
ba kahalaga ang kalikasan? Para sa akin, sadyang napakahalaga
ng kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa ating
hapag-kainan tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan,
mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha sa halamanan.
Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay.
Pero, nakalulungkot isipin na unti-unting nasisira ang ating
kapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda ng mga itinuturing na
kayamanan. Ang karagatan na dati’y kulay asul ngayon ay naging
itim. Papaano na nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Wala
nang malalanguyang malinis na tubig, at wala na ring punong
aakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi naman
napapalitan; wala na rin tayong malalanghap na malinis na hangin
sa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa hangin.
Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanse
ang ecosystem. Ito ay magdudulot ng matinding init sa mundo.
Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo, madaling
matatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maaari
itong magbunga ng pagkamatay ng mga taong nakatira malapit
sa mga dalisdis o paanan ng bundok.
85. 73
Sa ating kapaligiran din kumukuha ng mga trabaho ang mga tao,
gaya ng pangingisda at pagsasaka.
Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa
ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang maapektuhan nito
sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya halina sama-sama
nating pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman
sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid.
Pairalin natin ang sariling disiplinang huwag tapunan ng basura
ang ating mga katubigan pagkat malaki ang maitutulong nito
sa kabuhayan!
http://nathan-tantizm.blogspot.com/2009/07/kahalagahan-ng-
kalikasan.html
Tungkol saan ang binasa mong teksto?
Paano inilarawan ang kayamanan ng bansa?
May mga pandiwa ka bang nabasa? Ano-ano ang mga ito?
86. 74
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Basahin ang talata at gawin ang mga nakasulat na panuto.
Ang Punong Niyog
Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may
pinakamaraming pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong
ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito.
Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga
kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakama-
halagang bahagi nito. Ang balat ng bunga ay nagagawang
iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ang nagagawang
mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Mula naman
sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis
at makagawa ng kendi at gamot. Nanggagaling din sa laman
nito ang mga sangkap na magagamit para sa pabango,
sabon, sorbetes, ulam, at cake.
1. Ang mga bagay sa baba ay galing sa punong niyog. Isulat
ang mga ito nang paalpabeto. Sa tapat ng bawat isa, isulat
ang bahagi ng puno na pinagkukunan nito.
a. walis
b. butones
c. panggatong
d. kendi
e. kagamitang pambubong
2. Gamit ang pinagpunit-punit na mga papel, gumawa ng isang
punong niyog.
3. Gumuhit ng isang paraan kung paano mo mapangangalagaan
ang punong niyog.
87. 75
B. Basahin ang mga talata. Sa isang malinis na papel, gayahin
ang organizer na ito. Sa octagon, isulat ang lugar o bagay na
tinalakay sa talatang pinili. Sa mga bilohaba naman, sumulat
ng mga pang-uring maaaring gamitin sa tinukoy na
pangngalan.
1. Napakalawak ng ating mga dagat at napakaraming ilog
na mapagkukunan ng panustos na pagkain. Dahil
sa industriyalisasyon, dumami ang mga pagawaan at mga
pabrikang nagtatapon ng mga dumi at mga kemikal
na nagpaparumi sa ating mga ilog at dagat, at nagsisilbing
lason sa mga isda at iba pang nangabubuhay sa tubig.
Bakit dumudumi ang ating kapaligiran?
2. Maraming likas na kayamanan ang Pilipinas. Malalawak
ang mga lupang pang-agrikultura na maaaring pagtaniman
ng palay, mais, tubo, tabako, at iba pang produkto.
Madadawag ang mga kagubatang pinanggagalingan ng mga
troso at mababangis na mga ibon at hayop. Ang mga
karagatan nito ay namumutiktik sa isda at iba pang lamang-
dagat. Sa mga bundok matatagpuan ang mga kayamanang
mineral tulad ng ginto, pilak, karbon, chromite at iba pa.
Bakit sinasabing mayaman ang Pilipinas?
88. 76
C. Matapos ang pagtatanim ninyo ng punla ng mga punong
ipinadala ng guro, alamin natin kung ano-anong
punongkahoy ang naitanim ng inyong pangkat.
Ipakita ito sa pamamagitan ng ibinigay na balangkas.
Pangalan ng Puno Ilan ang naitanim?
Pananda:
Gawin Mo
A. Sumulat tayo ng isang talatang naglalarawan ng kagandahan
ng biyaya ng ating kalikasan. Pumili ng isang panimulang
pangungusap para sa isusulat mong talata.
1. Ako ay kakaibang bulaklak.
2. Ako ay ligaw na damo.
3. Maraming kakaibang bulaklak sa paligid.
4. Malamig ang tubig sa sapa.
B. Batay sa natapos na talata, gumawa ng isang tanong na
nagsisimula sa bakit at paano. Humanap ng dalawang
kaklase, ipabasa ang naisulat mong talata at pasagutan
ang mga inihanda mong tanong.
= isang puno
89. 77
Isaisip Mo
Matapos nating pag-aralan kung paano ginagamit
ang panghalip, pandiwa at ang pagsulat ng talata, ano-ano
ang natutuhan mong dapat at hindi dapat sa paggamit ng mga
ito? Gawin ito sa kuwaderno gamit ang ibinigay na format.
1
Dapat Hindi Dapat
Paggamit ng
pang-uri
Paggamit ng
pandiwa
Pagsulat ng talata
Isapuso Mo
Kompletuhin.
Upang mapahalagahan ang biyayang bigay ng kalikasan,
simula ngayon, pagsusumikapan kong _________________.
Isulat Mo
Sumulat ng isang maikling liham na humihikayat sa ibang
kabataan upang pangalagaan ang kalikasan. Bigyang diin
ang mga biyayang bigay nito na magagamit natin upang maging
maunlad ang ating buhay.
90. 78
Tuklasin Mo
A. Kilalanin ang salitang nasa kahon. Ibigay ang hinihiling
ng bawat bintana upang maunawaan nang wasto ang bawat
salitang mapakikinggan sa kuwentong babasahin sa iyo
ng guro.
Kahulugan Larawan
Salita
kunot ng noo
Pangungusap
Kahulugan Larawan
Salita
naglulupasay
Pangungusap
Handa ka nang makinig sa kuwento ng iyong guro!
Ano ang maitutulong mo upang mapaunlad ang
pamayanang kinabibilangan?
Ano ang pariralang pang-abay?
Ano ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata?
panuto?
9 Pagpapaunlad ng Pamayanan
ARALIN
91. 79
B. Naririto naman ang pares ng mga salita na mababasa mo
sa tekstong nasa Basahin Mo. Tingnan natin kung ano ang
nalalaman mo na sa mga salitang ito. Isulat sa bilohaba
ang pagkakatulad ng mga salitang nasa itaas na mga kahon.
Isulat naman sa mga kahon na nasa ilalim ng bilohaba
ang pagkakaiba ng mga salitang nililinang.
Huwag kang masyadong mag-alala kung kaunti lamang ang
naisulat mo. Higit na makikilala mo pa sila sa pamamagitan ng
pagbasa ng susunod na teksto at sa mga talakayang gagawin
ninyo sa klase.
Muslim Kristiyano
Pagkakatulad
Pagkakaiba
92. 80
Basahin Mo
Bakit pinapurihan ang mga Muslim at Kristiyano?
Muslim at Kristiyano, Pinapurihan
MIDSAYAP, North Cotabato, Okt. 9 (PIA)--Pinapurihan
kamakalawa ng pamunuan ng unang distrito ng North Cotabato
ang ginawang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Muslim
at Kristiyano sa gitna ng kaguluhan.
Matatandaang matapos ang kaguluhan sa pagitan ng sundalo
at tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) noong
nakalipas na buwan at matapos ang negosasyon, limang Muslim
ang boluntaryong naghatid ng siyam na mga guro pabalik
sa Barangay Malingao. Ang nasabing mga guro ay dinala
ng mga rebeldeng BIFF habang lumalayo sa tropa ng pamahalaan.
Ayon kay House Committee on Peace, Reconciliation
and Unity Vice Chairperson at North Cotabato First District Rep.
Jesus Sacdalan, patunay lamang ito na hindi naging hadlang ang
pagkakaiba ng kultura upang magkaisa at magtulungan.
Aniya, “Ang naganap na pagkakaisa ay magsisilbing modelo
ng pagututulungan hindi lamang sa Distrito Uno ngunit maging
sa buong bansa”. -Shahana Joy E. Duerme
http://newa.pia.gov.ph/index.php?article=2301381288328#sthash.xDbtgLHu.dpuf
93. 81
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Natatandaan mo ba ang mga pangyayari sa “Hardinerong
Tipaklong?” Sino-sino ang tauhan dito? Ano ang damdaming
ipinakita nila sa napakinggang kuwento?
Pangalan ng Tauhan _______________________
Ano ang ginawa niya?
Una Gitnang
Bahagi
Katapusan
Ano ang damdamin niya?
B. Balikan natin ang napakinggang kuwento at binasang teksto.
Pumili ng isang tauhan mula sa mga ito at ilarawan
ang kanilang ikinilos. Obserbahan din ang isang kaklase
at ilarawan ang kaniyang ikinilos. Bilugan ang ginamit
na pang-abay sa mga pangungusap na isusulat.
Hardinerong
Tipaklong
Muslim at
Kristiyano,
Pinapurihan
Ang Aking
Kaklase
94. 82
Gawin Mo
Paano ba inihahanda ang isang plot bago ito taniman?
Isulat ang mga panutong dapat sundin. Bilugan ang mga
pang-abay na ginamit. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
95. 83
Isaisip Mo
Isulat sa kahon ang sagot sa mga tanong na nakasulat
sa bawat bilog. Gawin ito sa kuwaderno.
Isapuso Mo
Gumawa ng tseklist kung ano-ano ang magagawa mo upang
makatulong sa pagpapaunlad ng pamayanan. Salungguhitan
ang pang-abay na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno.
Isulat Mo
Basahing muli ang ginawa sa Pagyamanin Natin Gawin
Ninyo B. Pumili ng isang pangkat ng mga paglalarawang ginawa.
Isulat muli ito sa anyong patalata.
Kailan
ginagamit ang
panghalip
na pang-abay
1. Kailan
ginagamit ang
panghalip na
pang-abay?
3. Ano ang dapat
tandaan sa
pagsulat ng
isang talata?
4.Panuto?
2. Ano ang dapat
tandaan sa
pagbibigay ng
isang panuto?
96. 84
Tuklasin Mo
A. Ang mga salitang initiman sa bawat pangungusap
ay mapakikinggan sa kuwentong babasahin ng guro.
Ibigay ang kasalungat ng bawat isa upang matukoy
ang kahulugan nito.
1. Maalaga si Bryan sa kaniyang mga halaman kaya may
magandang sibol ang mga ito.
2. Mataas ang lagnat ni Roselle kaya mainit ang
kaniyang pakiramdam.
3. Magagara at mamahalin ang mga laruang pasalubong
ng ninang ni Kamille buhat sa ibang bansa.
4. Payabungin natin ang mga puno sa hardin sa
pamamagitan ng pag-aalaga nito.
5. Ang kinatatakutan nating kalamidad ay maiiwasan
kung iingatan natin ang ating kapaligiran.
6. Dahil sa patuloy na pagpuputol ng mga puno sa bundok,
ang lupa rito ay nauka.
Naibigay mo ba ang lahat ng kasalungat? Tingnan natin kung
tama ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pakikinig
sa kuwentong babasahin ng iyong guro.
10
ARALIN
Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad
Ano ang likas-kayang pag-unlad?
Kailan ginagamit ang pang-abay?
Ano ang kaugnayan ng sanhi at bunga?
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?
97. 85
B. Ang mga salitang may guhit sa bawat pangungusap ay ginamit
sa tekstong iyong babasahin. Ibigay ang kahulugan ng mga
ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga salitang kasalungat
nito.Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo.
2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay.
3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata.
Ngayon, handa ka nang magbasa sa kuwento ni Elay.
Tandaan mo ang kahulugan ng mga salitang ating nilinang upang
higit na maunawaan ang kuwentong inihanda para sa iyo.
98. 86
Basahin Mo
Bakit kaya nagising ang ating bida? Saan siya nagising?
Nagising sa Katotohanan
ni Fragilyn B. Rafael
May kakaibang kinahihiligan si Elay.
Tuwing Sabado at Linggo, kung wala silang lakad na mag-
anak, wala siyang ginagawa kundi ang gumuhit nang gumuhit.
Nais niyang maging mahusay sa pagguhit at maging
magaling at sikat na tagaguhit balang araw.
Ngunit mahilig din siyang mag-aksaya ng mga papel
na kaniyang ginagamit. Kapag may mali sa kaniyang ginagawa,
punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon.
Isang araw, naubusan na siya ng kaniyang gagamitin kaya
nagmamadaling lumapit sa kaniyang Tatay.
“Tay, wala na po akong sketch pad. Baka puwede tayong
pumunta sa tindahan para bumili.”
“Elay, ano na namang ipinabibili mo sa Tatay mo?” ang sabat
ng kaniyang Ina.
“Ikaw naman, para papel lamang ang ipinabibili ng anak mo,”
ang sagot ni Tatay.
“Naku, Nathan, kung alam mo lamang ang ginagawa niyang
anak mo sa kaniyang mga papel. Aba! Talo pa ang may pabrika.
Punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon. Matuto naman
sanang magtipid.”
Natulog siya nang masama ang loob sa kaniyang mga
magulang.
99. 87
Maya-maya, nagsimula nang pumatak ang malakas na ulan
sa kanilang bubong. Tumagal pa at lalo pa itong lumakas.
“Hakutin natin ang mga gamit paitaas. Lumalakas pa rin
ang ulan at mukhang magtatagal pa bago tumila. At baka lalong
tumaas ang tubig.”
Pagtigil ng ulan, nakita ni Elay ang maladagat na kapaligiran.
Naglutang ang mga basura, malalaking troso at kung ano-ano pa.
“Wala kasing humpay ang pagpuputol ng mga puno lalo na sa
kabundukan. Kaya, hayan tuloy nawawalan ng kakapitan ang lupa
at patuloy itong nauuka. Kailan kaya sila titigil?” ang tanging
nasambit ng nag-aalalang Ina.
“Tama nga si Teacher. Tama rin sina Nanay at Tatay.”
Pagyamanin Natin
Gawin Ninyo
A. Ano-ano ang pangyayari sa napakinggan at binasang
teksto? Ibigay ang mga sanhi at bunga ng isang
pangyayaring pipiliin mula sa dalawang teksto. Gumawa ng
dalawang fishbone para sa napakinggan at binasang teksto.
Gawin ito sa isang malinis na papel.
Pamagat ng Kuwento: _______________________
Pangyayari
Sanhi
Bunga
100. 88
B. Ano ang isang pangyayaring nasaksihan mo sa inyong
pamayanan na may kinalaman sa kakayahan ng bawat tao
sa pagpapaunlad ng pamayanan? Ano ang sanhi ng
pangyayaring ito? Ano ang naging bunga nito? Kumuha ng
tatlong pangkulay at gamitin ito bilang pansulat. Sumulat ng
isang talata na may tatlong pangungusap tungkol dito.
Gamitin ang mga pangkulay upang maipakita ang pangyayari,
sanhi, at bunga.
C. Isulat ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.
Sa tapat nito, isulat ang maaaring maging bunga ng bawat
pangyayari. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Pariralang
Pang-abay
Bunga
Tulong-tulong na
naglinis ang mga tao
bago magpiyesta.
Umusad nang dahan-
dahan ang mga
sasakyan.
Ang mga magsasaka ay
nagtatanim sa mga
bukiring may patubig.
Ang mga mangingisda ay
maingat na nanghuhuli
ng isda sa dagat na
malapit sa
Estancia.
Maingat na
pinagplanuhan ng
mamamayan ang
gagawin sa mga
mahuhuling gumagamit
ng dinamita sa
pangingisda.
101. 89
D. Natapos mo na ba ang liham mo? Gamitin ang pamantayang
ito upang mabigyang puna at maiwasto mo bago ito ipasa
sa guro.
Pamantayan Di-gaanong
Mahusay
Mahusay-
husay
Mahusay Napaka-
husay
Nilalaman
Naibigay ang layon
ng pagsulat
Maayos ang
pagkakasunod-
sunod ng kaisipan
Istilo
Magalang ang tono
sa pagsulat
Anyo
Sumunod sa
pormat na
pinagagawa
pasok ang unang
talata; malinis ang
pagkakasulat
Hakbang sa
Pagsulat
Ginamit ang
wastong gamit ng
bantas
Wastong
gramatika at
pagbabaybay
ng mga salita
102. 90
Gawin Mo
A. Ano ang natatandaan mo sa napakinggang kuwento?
Isalaysay ito gamit ang sariling pangungusap. Gawing gabay
ang rubrics na ito upang maging maayos ang pagsasanay mo.
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay
(3)
Katamtamang
Husay ( 2)
May
Kakulangan
(1)
Nilalaman Naipaliliwanag
nang husto ang
paksa
Naipaliwanag
nang sapat ang
paksa
Malaki ang
kulang sa
pagpapaliwa-
nag sa paksa
Organisasyon Malinaw ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari
May kaunting
kulang sa
pagkakasunod-
sunod ng mga
pangyayari
Nawala ang
pagkaka
sunod-sunod
ng mga
pangyayari
Tinig at bigkas Malakas at
malinaw ang
pagsasalita
na madaling
maunawaan
ang sinasabi at
may wastong
bigkas sa
lahat ng
pagkakataon
May
katamtamang
linaw at lakas sa
pagsasalita at
may ilang salita
na mali ang
bigkas sa ilang
pagkakataon
Mahina
ang tinig at
maraming
maling bigkas
sa mga salita
sa ilang
pagkakataon
Kilos Nagamit na ng
husto ang kilos
at ekspresyon
ng mukha sa
pagpapalinaw
ng mensahe
Nagamit na
ng bahagya
ang kilos at
ekspresyon
ng mukha sa
pagpapalinaw ng
mensahe
Hindi o halos
hindi nagamit
ang kilos
103. 91
Isaisip Mo
A. Punan ang bawat kahon ng detalye na nagpapakita
ng natutuhan mo sa
1. pang-abay
2. sanhi at bunga
B. Gumawa ng isang kahon na katulad nito sa kuwaderno
at isulat ang lahat ng natutuhan mo sa pagsulat ng isang
liham.
Kaya ko....
Isapuso Mo
Kompletuhin.
Ngayong linggong ito, natutuhan ko na ______________,
kaya naman isasapuso ko ang pagiging ________________
upang magawa ko na ______________________________.
Isulat Mo
Sumulat ng isang liham sa pinuno ng inyong pamayanan.
Sabihin ang hangarin mo kaugnay ng mga natutuhan mo sa aralin
ngayong linggong ito.
104. 92
Gawin sa bawat araw ang sinasabi ng kalendaryong ito.
Isulat sa kuwaderno ang sagot sa bawat pagsasanay.
KALENDARYO NG PAGBABASA
Buwan: ___________________
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwe-
bes
Biyernes Sabado
Pumili ng
isang aklat
na babasa-
hin (fiction)
Isulat ang
pamagat;
may-akda;
taga-guhit;
publisher
at petsa
ng pagka-
kalimbag
nito.
Isulat ang
bilang ng
pahina ng
kuwentong
babasahin;
ang petsa
ng pag-
umpisa
ng pagbasa
ng kuwento.
Basa-
hin ang
aklat.
Ipagpatuloy
ang
pagbabasa
ng aklat.
Magtala
ng limang
salitang hindi
mo mauna-
waan sa
binabasa.
Hanapin
ang kahulu-
gan nito sa
diksyunaryo.
Humingi ng
tulong sa
nakatatanda.
Gamitin sa
sariling pa-
ngungusap
ang mga
salitang
binigyang
kahulugan.
Ipagpa-
tuloy ang
pagbasa
ng aklat
Ipagpa-
tuloy ang
pagbasa
ng aklat.
Ipagpa-
tuloy ang
pagbasa ng
aklat.
Ipagpa-
tuloy ang
pagbasa
ng aklat.
Sagutin:
Nawiwili
ka ba sa
pagbabasa
ng kuwen-
tong napili?
Bakit/Bakit
hindi?
Sagutin:
Anong baha-
gi ang pina-
ka-naibigan
sa kuwento?
Isulat ang
problema
ng ku-
wentong
binabasa.
Isulat ang
mahahala-
gang pang-
yayari ng
kuwentong
binasa.
Isulat ang
kasukdu-
lan ng
kuwento.
Paano
binigyan ng
solusyon
ang
suliranin
sa kuwen-
to, ito rin
ba ang
gagawin
mo? Kung
oo, bakit?
Kung hindi
naman,
ano ang
gagawin
mo?
Sagutin:
May nais
ka bang
baguhin
sa
kuwen-
to?
Kung
mayroon,
alin ito at
isulat din
kung
bakit
mo ito
nais
baguhin.
Isulat ang
mga
salitang
hindi nau-
unawaan
sa
kuwento.
Sagutin:
May bahagi
ba sa
kuwento na
nakabaha-
la sa iyo o
nakapagdu-
lot sa iyo ng
kalituhan?
105. 93
Sagutin:
May nais ka
bang maging
kaibigan sa
mga tauhan
sa kuwento?
Sino?
Pangatwiranan
ang iyong
sagot.
Sagutin:
Kung bibig-
yan mo ng
rating ang
kuwentong
binasa,
ano ito?
Bigyang-
katwiran
ang sagot.
Sagutin:
Ano ang
naramda-
man mo
matapos
mabasa
ang
kuwento?
Ipaliwanag
ang sagot.
Sagutin:
May pang-
yayari ba
sa kuwento
na
katulad
sa iyong
sariling
karanasan?
Alin ito?
Paano ito
naging ka-
halintulad
ng sa iyo.
Sagutin:
May
nabanggit
ba sa ku-
wento na
makabu-
luhan sa
iyo? Alin
ito?
Sumulat
sa guro ng
nais mong
ibahagi
matapos
mong
mabasa
ang ku-
wento.
Ihanda
ang
journal
upang
maipasa
sa guro.
Subukin nating balikan ang mga salitang nabasa mo sa yunit
na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito.
Kung may hindi ka maunawaan, gamitin ang mga estratehiya na
natutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito.
aakyatan bahagi buo
alala bahay butones
aba baka buwan
abot bakit cake
adobo balahibo daan
agrikultura balang dagat
akin balanse dagdag
ako balat dahil
aksaya banda dahon
alam bansa daigdig
alkansiya bao dalawa
anak barangay dali
anim basket daliri
aniya basura dalisdis
ano bata dapat
anuman batay dati
anyo baton dengue
112. D
EPED
C
O
PY
ii
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad
lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi
nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga
tagapaglathala at sa mga may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail.
com ang mga may-akda at tagapaglathala.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.
Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072
E-mail Address : imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines
Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael,
Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay,
Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes,
Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya,
Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo,
at Angelika D. Jabines
Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva
Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena
Tagatala: Ireen Subebe
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
113. D
EPED
C
O
PY
iii
PAUNANG SALITA
Kumusta?
Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng
Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng
Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa
paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa
kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang
Pilipinas.
Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na
malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa,
pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang
mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at
angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain.
Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain.
Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o
konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan
ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto.
Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula,
balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.