Sample Reviewer for LAPG MTB-MLE Grade 3 Grammar. I hope it'll help u a lot.
NOTE:
This is NOT an official product of DepEd or any school. This nonetheless may help you review for examinations.
K to 12 LAPG MOTHER TONGUE -BASED GRADE 3 Reviewer
1. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
MTB- MLE 3
REVIEWER- LAPG
I. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod, at sagutin ang mga kasunod na tanong.
1. Alin ang nagsasaad kung kailan at saan nangyari ang kwento?
A. Malawak na bahagi ng bukid
B. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon
C. Isang Sabado,taniman ng palay at mabatong daan
D. mabatong daan
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa pangngalan na makikita sa maikling talata?
A. Tatay at Marlon C. malawak
B. Daan D. bukid
3. Alin ang naging suliranin sa bahaging ito ng kwento?
A. Nakalimutan ni Miguel ang kanyang tubigan sa loob ng silid aralan
B. Nakiusap siya sa drayber ng bus
C. Kinuha niya ang tubigan at uminom
D. Hindi binanggit sa kwento
4. Ano ang tawag sa bahagi ng kwento na nagpapakita ng pag- aalala ng tauhan?
a. Solusyon b. tauhan c.balangkas d. suliranin
5. Anong pangungusap ang nagsasaad ng kalutasan sa inihayag na suliranin sa kwento?
A. “ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag”.
B. “ Naku! Ang tsinelas ko.
C. “ Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakakahalina sila.
D. “ Ito ang panungkit, gamitin natin.
Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at Marlon ang taniman ng
palay at mababatong daan bago nila narating ang malawak na bahagi ng bukid.
Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon.
Nakalimutan ni Miguel ang kanyang tubig sa silid- aralan. Nakiusap siya sa
drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin ang tubigan at makainom.
Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.
“Gustong- gusto ko ang lugar na ito, “ ang sabi ni Jenny. “ Kahanga- hanga nag mga
puno. Halika na sa paborito kong puno,” ang sabi ni Joyce. “ Hitik sa bunga! Gusto kong
makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.”
“ Ito ang panungkit, gamitin natin, “ sabi ni Jenny. “ Isa,dalawa, hayan nakakuha na tayo
ng dalawang mangga,” sabi naman ni Joyce.
“ Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakakahalina sila, “ ang sabi ni Jenny. Lumapit siya
ngunit nahulog ang kanyang isang tsinelas at naanod ito. “ Naku! Ang tsinelas ko!” sigaw ni
Jenny.
“ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni
Joyce.
2. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
6. Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. Dumalaw B. umalis C. dumaan D. lumisan
7. Ano ang ibig sabihin ng pariralang hitik sa bunga?
A. Bilang lamang ang mga bunga C. Maraming bunga
B. Walang bunga D. Isa lang ang bunga
8. “ Mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag.” Alin ang pang-uring tumutukoy sa tsinelas?
A. Isang pares C. sa aking bag
B. Mayroon D. akong
9. Alin sa alagay mo ang wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa ibaba?
I. Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga
kasangkapan.
II. Kapag natapos na siya sa kanyang mga gawaing bahay, katabi niya ang kanyang nanay sa
panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon
III. Pagkatapos, kukuhanin niya ang kanyang mga kwaderno at gagawa na siya ng takdang
aralin.
IV. Sa huli, hahalik siya sa kanyang nanay at matutulog na.
V. Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad sya sa kusina upang kumain ng
meryenda.
A. I, II, II, IV, V C. V, III, I, II, IV
B. II,I,V,IV, III D. V, II, III, IV, II
II. Piliin ang kahulugan ng bawat salitang maylapi.
10. Katapangan
A. hindi matapang B. pagiging matapang C. walang tapang
11. Katuparan
A. natamo ang nais B. hindi natamo ang nais C. hindi natupad ang nais
12. Kahirapan
A. mayaman B. mahirap C. pagiging mahirap
13. Pagkayamot
A. hindi naiinip B. pagpapakita ng inip C. naaliw
14. Kalungkutan
A. hindi nalulungkot B. walang nadaramang lungkot C. nakakaramdam ng lungkot
15. Nagniningning tulad ng araw ang kanyang mga mata nang makita niya si Yza. Alin ang simile sa
pangungusap?
A. nagniningning tulad ng araw C. kanyang mga mata
B. nang makita si Yza D. ang kanyang
16. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. Saan inihambng ang hanging
amihan?
A. sa malambot na tela C. sa balat
B. sa hangin D. wala
Isang araw, sa aking paggising,
Aking nasilayan, pagsikat ng araw
Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati
Tila isang dalagang mayumi
3. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
17. Ano ang ibig sabihin ng nasilayan?
A. Nakita B. naramdam C. nahawakan D. naamoy
18. “ Ngiting kay tamis ang sa aki’y bumati”. Alin ang pandiwa sa pangungusap?
A. Ngiti B. bumati C. akin D. tamis
19. Ang salitang mayumi ay isang __________.
A. Pang- uri B. pandiwa C. pangngalan D. panlapi
III. Bilugan ang pangunahing diwa ng bawat saknong.
20.
A. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw
B. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kanyang hardin
21.
A. Magandang pagmasdan ang mga tanim
B. May mga bituin sa halamanan
C. Higante ang mga halaman
22.
A. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin
B. Nagbibigay saya nag aking hardin
C. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.
23. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo. Alin ang metapora sa pangungusap?
A. galit na toro c. karagatan
B. bagyo d. ang
24. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap sa itaas?
A. Maalon ang karagatan kapag may bagyo
B. Nagiging toro ang dagat kapag may bagyo
C. Nagiging hayop ang bagyo sa dagat
Agad akong tumayo sa likod- bahay tumuloy
At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran
At hindi isang pagong na may kakuparan.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan
Kung ikaw may nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkutay papawiin
4. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
IV. Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
25. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong masabi tungkol sa ugali ni Myko?
A. makasarili C. mapagtiwala
B. palakaibigan D. matigas ang ulo
26. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kanyang kakambal?
A. natakot C. nagalit
B. nalungkot D. humingi ng paumanhin
27. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko?
A. Hindi mo pwedeng gamitin ang aking laruan
B. Mayroon kang sariling manika
C. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta
D. Maari bang mahiram ang iyong bola?
28. Alin ang tambalang pangungusap?
A. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola
B. Nakatanggap ng regalo sina Myka at Myko mula sa kanilang tito Bobby.
C. Nang hindi pahiramin ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha luha.
D. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo.
29. Bumili ng tatlong kilong karne si Akiko upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. Karneng manamis- namis ang luto
B. Paghingi ng tawad
C. Pag-aanyaya ng away
D. Pagkaing gawa sa isda
V. Piliin ang wastong aspeto ng pandiwa upang mabuo ang pangungusap. Pansinin ang mga salitang
pamanahon na ginamit.
30. Bukas ay _____________________ kami sa Divisoria upang mamili ng mga gamit na kailangan ni
nanay sa bagong bukas niyang tindahan.
A. pupunta B. pumunta C. pumupunta
31. Araw- araw ay _____________________ si Kokoy sa paaralan kaya tuwang tuwa ang kanyang guro
sa hindi niya pagliban.
A. papasok B. pumapasok C. pumasok
32. _______________ na si Tatay sa ibang bansa sa susunod na buwan.
A. babalik b. bumabalik c. bumalik
Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang tito
Bobby. Iginiit ni Myko na sa kanya ang bisikleta. Kahit basketball ang kanyang pinaglalaruan,
ayaw niyang pagamit ang bisikleta sa kanyang kakambal na si Myka.
“ Hindi ko gagamitn ang iyong bisikleta, maaari bang pahiramin mo ako ng
iyong bola?, “ pakiusap ni Myka.
“ Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa
kakambal.
Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay.
5. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net
33. ________________ ng buhok pagkatapos maligo.
A. magsuklay B. magsusuklay C. susuklay
34. _______________________ na siya sa susunod na taon.
A. nag- aral B. nag- aaral C. mag- aaral
Basahin ang teksto. Piliin ang titik ng iyong hinuha sa maaring mangyari.
35. Si Bel ay mahusay na manlalaro ng tennis kaysa sa kanyang pinsan na si Jr. Maaari nating sabihin
na___________.
A. Ayaw ni Bel na maglaro ng tennis
B. Mas mataas ang iskor ni Jr
C. Higit na mataas ang iskor ni Bel
D. Ayaw ni Jr na maglaro ng tennis
36. Si Aster ay mas mahusay na mag- aaral kaysa sa kanyang kapatid na si Lino. Maaari nating sabihin
na_______.
A. Hindi nag-aaral si Aster
B. Mas mataas ang marka ni Aster
C. Higit na mataas ang marka ni Lino
D. Gustong- gusto ni Aster mag-aral
37. Ang bagong mag- aaral na babae sa paaralan ay hindi nakikipag-usap kaninuman sa buong
maghapon. Nang tinawag siya ng kanyang guro, yumuko lamang siya at tumingin sa upuan.
Ang bagong mag- aaral ay maaaring _________.
A. Mahiyain c. masungit
B. Mabait d. masayahin
38. Sinabihan si Jake ng kanyang ina na magdala ng payong pagpasok sa paaralan. Gayun pa man,
inisip ni Jake na hindi naman ito kailangan. Ano sa palagay mo ang lagay ng panahon?
A. Umuulan c. nagyeyelo
B. Maaaring umulan d. mainit ang sikat ng araw
39. Aling pangungusap ang may salitang ang ibig sabihin ay “ walang pakialam”?
A. Si Tin ay isang batang pabaya dahil lagi niyang nakakalimutan ang pagsara ng gripo.
B. Nagulat si Shy nang makita ang kaibigang si Ric na halos mapaiyak at bigo.
C. Hindi palaging ligtas na kasalamuha ang mga matsing.
40. Natutuwa si Ashley sa piling ng kanyang masayahing mga kaibigan. Bakit kaya masaya siya kapag
magkasama sila?
Masayahin ay_____
A. Ang kanilang samahan ay nakakatuwa
B. Sila ay magaganda at kaakit- akit
C. Sila ay maunawain