SlideShare a Scribd company logo
1 of 58
Download to read offline
i
TALAAN NG MGA NILALAMAN
(QUARTERS 1 & 2)
MUSIKA
Modyul 1: Unang Modyul sa Pagkatuto ............................................... 1
Gawain 1: Mga Tunog sa Paligid ...................................................... 3
Gawain 2: Malakas at Mahinang Tula / Awit .................................. 4
Modyul 2: Pangalawang Modyul sa Pagkatuto ................................... 7
Gawain 1: Leron, Leron, Sinta ............................................................ 9
Gawain 2: Mga Hayop na nasa Larawan ...................................... 11
Gawain 3: Tugmang “Tren” ............................................................... 12
Modyul 3: Pangatlong Modyul sa Pagkatuto .................................... 15
Gawain 1: Bagay na Unang Pumasok sa Isipan ............................. 17
Gawain 2: Larong Aso ........................................................................ 18
Gawain 3: Iba Pang Pinagmumulan ng Tunog ............................... 20
Gawain 4: Ang Sirko (Kuwentong Tunog) ......................................... 21
Modyul 4: Pang-apat na Modyul sa Pagkatuto .................................... 24
Gawain 1: Ang Trabaho ng mga Bumbero ...................................... 25
Gawain 2: Pagtataya .......................................................................... 27
Gawain 3: Unang Kuwarter sa Pagtataya sa Sarili ........................... 28
Modyul 5: Ikalimang Modyul sa Pagkakatuto ........................................ 30
Gawain 1: Tayo ng Maghanap ........................................................... 32
Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog ....................... 33
Gawain 3: Tren ....................................................................................... 34
ii
Modyul 6: Ikaanim na Modyul sa Pagkatuto .......................................... 36
Gawain 1: Damhin ang Kumpas ......................................................... 37
Gawain 2: Pagguhit ng Kumpas ......................................................... 38
Gawain 3: Mga Kumpas na Walang Tunog ...................................... 38
Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang Tunog ............................. 39
Modyul 7: Ikapitong Modyul sa Pagkatuto ............................................. 41
Gawain 1: Patalbugin ang Bola .......................................................... 43
Gawain 2: Pagbilang ng Bars .............................................................. 45
Gawain 3: Pagguhit ng Bar Lines ........................................................ 46
Gawain 4: Hulaan ang Sukat ............................................................... 47
Modyul 8: Ikawalong Modyul sa Pagkatuto ............................................ 50
Unang Araw ............................................................................................ 51
Ikalawang Araw ..................................................................................... 53
1
Musika 1 - Modyul
1
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Unang Modyul sa
Pagkatuto
III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo
na tig-40 minuto
IV. Kabuuan ng Modyul
Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng
Dynamics sa musika. Layunin nitong
makapagpakita ang mga mag-aaral ng
pangunahing pag-unawa sa pamamagitan ng
pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at
pagtugon sa mga gawain.
V. Pamantayan sa Pagganap
 Nagagamit ang iba’t ibang antas ng dynamics
upang mapahusay ang tula, awit na pasalita,
drama, at kuwentong pangmusika.
 Naipakikita ang mga pagbabagong dynamics
ng may pagkilos.
 Nagagamit ang mga salitang MALAKAS at
MAHINA sa pagtukoy ng pagbabago ng lakas.
VI. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin
Ang Mag-aaral
 nabibigyang-kahulugan ang dynamics ng isang
awit sa pamamagitan ng paggalaw (hal. maliit
na paggalaw – mahina, malaking paggalaw-
malakas)
2
 naiiugnay ang dynamics sa galaw ng mga
hayop
 nagagamit ang salitang malakas at mahina sa
pagtukoy sa pagbabago ng lakas
VII.Nilalaman/ Paksa: DYNAMICS – lakas ng tunog;
pagkakaiba ng lakas at hina sa musika.
VIII. Mga Mapagkukunan
a. “Ang Susi Nakatago” Katutubong awit/
laro
b. “Maligayang Bati”(Birthday Song) Awit sa
pagdiriwang
c. “Tulog Na” Oyayi
IX. Mga Gawain
Gumagamit ang musika ng malakas at mahinang
tunog upang maipahayag ang iba’t ibang kaisipang
pangmusika o damdamin.
Makinig sa awit na pagbati ng iyong guro.
1. Paano kinanta ng iyong guro ang awit na
pagbati?
2. Binati mo rin ba siya sa parehong paraan?
3. Ngayon, batiin mo iyong guro sa malakas na
boses, pagkatapos ay sa mahinang boses.
Aling pagbati ang mas tamang gamitin sa
iyong guro? Ang una o ang ikalawa?
3
Pag-aralan natin ang awit na “Ang Susi
Nakatago”:
Ang susi nakatago,
Kung saan ‘di ko piho
Kung sakaling nasa ‘yo
Akin na gagamitin ko.
Maglaro tayo. Makinig nang mabuti sa panuto
ng guro upang matukoy ang nawawalang susi.
Mga Tunog sa Paligid
Panuto: Ipikit ang mata at makinig sa tunog sa
paligid. Tandaan kung malakas o mahina ang
tunog na narinig. Sabihin ang mga tunog na
iyong narinig. (Isusulat ng guro ang sagot ng
mga bata.)
MALAKAS MAHINA
 Gayahin ang tunog na narinig.
 Sumang-ayon ba ang iyong mga kamag-aral
sa ginaya mong tunog?
 Ano ang masasabi mo sa sagot ng iyong
mga kamag-aral?
Gawain 1
4
MALAKAS at MAHINANG Tula/ Awit
Panuto: Humanap ng kapareha at bigkasin
nang malakas o mahina ang bawat linya ng
tula/ awit.
“Ang Susi Nakatago”
Linya 1
___________________________________
Linya 2
___________________________________
Linya 3
___________________________________
Linya 4
___________________________________
Bigkasin muli ang tula/ awit sa klase.
Seguraduhing may linyang binigkas nang
malakas at mahina.
Pag-aralan natin ang awit na “Tulog Na” .
Pakinggang mabuti ang himig ng awit.
“Tulog Na”
ni C.Mirandilla
Tulog na, tulog na.
Tayo ay magpahinga. (2x)
Gawain 2
5
 Ano ang naramdaman mo nang marinig ang
awit? Sa iyong palagay, kailan ito inawit?
 Subukan nating awitin ito nang malakas? Sa
inyong palagay, tama bang awitin ito nang
malakas? Bakit?
 Ngayon naman, sabay- sabay nating awitin
ang “Maligayang Bati”.
Maligayang Bati
Maligayang bati
Sa iyong pagsilang
Maligayang maligaya
Maligayang bati.
 Batay sa mga salita, ano ang layunin ng
awit?
 Ano ang naramdaman mo nang marinig ang
awit?
 Subukang awitin ito nang mahina. Sa iyong
palagay, tama bang awitin ito nang
mahina? Bakit?
Sa musika, may natatanging tawag sa lakas at
hina ng tunog. Tinatawag itong dynamics.
Gumagamit ng dynamics ang mga musikero para
malinaw na maipadama ang emosyon at
maipahayag ang damdamin ng awit. Kaya
inaawit nang mahina ang oyayi (awiting
pampatulog sa sanggol) at inaawit naman nang
malakas ang mga awit ng pagdiriwang.
Dynamics. Ang nagpapalinaw sa mga
tagapakinig ng damdamin at layunin ng musika.
6
X. Pagtatasa
Kulayan ng dilaw na krayola ang angkop na
mukha kung paano mo binigkas ang tula sa klase.
1. Malinaw kong nabigkas ang mga salita.
2. Gumamit ako ng tamang antas ng dynamics
sa tula. .
3. Nabigkas ko nang may pagbabago sa lakas
at hina ang tula.
4. Nasiyahan ako sa gawain.
XI. Pagbubuo
 Alin sa mga gawain ang inyong nagustuhan o
hindi nagustuhan? Bakit?
 Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig
ka ng mahinang awit?
 Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig
ka ng malakas na awit?
 Anong uri ng musika ang nais mong awitin o
pakinggan? Bakit?
 Buuin ang pangungusap:
Ang dynamics ay __
.
 
 
 
 
7
Musika 1 - Modyul
2
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Pangalawang Modyul sa
Pagkatuto
III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo
na tig-40 minuto
IV. Kabuuan ng Modyul
Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng
Tempo sa musika. Layunin nitong makapagpakita
ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa
sa pamamagitan ng pagganap, paglikha,
pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga
gawain.
V. Pamantayan sa Pagganap
 Nagagamit ang iba’t ibang tempo upang
mapahusay ang tula, awit na pasalita, drama,
at kuwentong pangmusika.
 Naiuugnay ang pagbabago ng kilos ayon sa
tempo.
 Nagagamit ang mga salitang MABILIS at
MABAGAL sa pagkilala ng pagbabago ng
tempo.
VI. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin
Ang mag-aaral
 naipakikita ang konsepto ng tempo sa
pamamagitan ng paggalaw
 nakatutugon sa iba’t ibang tempo ng may
paggalaw o pagsayaw
8
 mabagal na galaw na may mabagal na
musika
 mabilis na galaw na may mabilis na musika
 nagagaya ang mga galaw ng mga hayop
 kabayo- mabilis
 pagong- mabagal
VII. Nilalaman/ Paksa: TEMPO – bilis ng tunog,
pagkakaiba ng bilis at bagal sa musika
VIII. Mga Mapagkukunan
a. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong
Pangmusika ng
Maynila ni Miriam B.
Factora
b. “Leron, Leron, Sinta” Awiting Bayan ng
Tagalog
c. “Tren” (Engine No. 9) Tugma
IX. Mga Gawain
Alamin at laruin ang paboritong laro ng mga
bata sa Binondo, Maynila.
Kilala ang Binondo sa mga pagkaing Instik.
Gustong-gusto ng pumupunta dito ang sariwang
lumpia, tikoy at ang paborito ng mga Pilipino na
hopia. Isa sa mga salita sa tugmang nasa ibaba
ay tumutukoy sa tanyag na pagkaing Instik.
Hulaan kung ano ito?
9
Chimpoy Champoy
(Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila by M.
Factora
Chimpoy Champoy, dose nade que
Dose nade pot-pot, dose nade que.
ba-bay
a –men
 Ano ang masasabi mo sa larong ito?
 Ano ang naramdaman mo habang inaawit ito
nang mabilis?
Panuto: Awitin natin ang “Leron, Leron, Sinta”.
Sabayan ang ritmo ng pagtapik ng guro sa mesa
habang umaawit at nagmamartsa.
“Leron, Leron, Sinta”
Leron, leron, Sinta,
Buko ng papaya,
boy climbing the papaya
Dala-dala’y buslo,
Sisidlan ng bunga.
Pagdating sa dulo,
Nabali ang sanga,
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba.
Gawain 1
10
Kung ikaw ang umaakyat sa papaya habang
umaawit, ano ang magiging bilis ng awit? Bakit?
 Ano ang nangyari sa huling bahagi ng awit?
 Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit
nahulog ang bata?
 Paano kaya siya kumilos habang umaakyat?
 Anong mga linya ng awit ang mabagal at
mabilis?
Illustration of a boy falling from the
papaya
11
Gayahin Mo!
Panuto: Sabihin ang mga hayop na nasa larawan.
Pag-usapan ang mga kilos ng hayop.
Illustration of farm animals that move fast
and slowly
Bumuo ng dalawang pangkat:
 Unang pangkat: Gayahin ang galaw ng mga
hayop na mabilis kumilos
 Pangalawang pangkat: Gayahin ang galaw
ng mga hayop na mabagal
Gawain 2
12
Pag-aralan natin ang tugmang “ Tren” (Engine
No. 9) at isipin na tayo ay tren.
“Tren” (Engine No. 9)
(Tugma na isinalin ni : C. Mirandilla)
Engine, engine number 9 Heto na ang aming tren
Going down the railroad line Palapit ng palapit.
If that train goes off the track Kung sakaling sumadsad
Will I get my money back? Pa’no ang aking bayad?
Panuto: Magpangkat-pangkat at isiping kayo ay
tren.
[Ipakita ang inyong kilos kung aakyat sa mataas na
bundok.
1. Awitin ang tugma habang umaakyat kayo sa
bundok.
2. Ngayon naman, ipakita ang kilos kung bababa
na kayo sa bundok.
3. Awitin ang tugma habang bumababa kayo sa
bundok.
 Ano ang napansin mo sa bilis ng inyong tren
habang umaakyat sa bundok? Ano naman
ang napansin mo sa bilis ng inyong tren
habang bumababa sa bundok?
 Sa pag-awit nang mabilis at mabagal,
mahalaga ba ang pagbasa at pag-unawa
sa mga salita ng awit o tugma bago mo ito
isakilos? Bakit?
Gawain 3
13
Sa musika, ,may mga awit na mabilis at
mabagal. Ang bilis ng isang awit ay tinatawag na
Tempo. Balikan natin ang awiting “Tulog Na”. Ano
ang tempo?
Katulad ng Dynamics (lakas at hina ng tunog),
ang Tempo (bilis) ng awit o tugma ay
nagpapakita ng damdamin. Ito ang dahilan kaya
inaawit nang mabagal at mahina ang oyayi para
mabilis makatulog ang sanggol.
Magkaiba ang Dynamics at Tempo ng awiting
“Maligayang Bati”. Inaawit ito nang malakas at
mabilis para batiin at pasayahin ang may
kaarawan.
X. Pagtatasa
Magbigay ng mga awit o tugma na mabilis at
mabagal na inaawit. Ihanda ang sarili sa pag-awit
ng isang mabilis at isang mabagal na awit sa
klase.
XI. Pagbubuo
 Ano ang iyong nararamdaman kapag
nakaririnig o umaawit ka ng mabilis na awit?
Bakit?
 Ano ang iyong nararamdaman kapag
nakaririnig o umaawit ka ng mabagal na awit?
Bakit?
14
 Anong uri ng musika ang gusto mong awitin o
pakinggan? Bakit?
 Anong uri ng awit ang gusto mo? Bakit?
 Buuin ang pangungusap:
Ang Tempo ay
.
15
Musika 1 – Modyul
3
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Pangatlong Modyul sa
Pagkatuto
III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na
tig- 40 minuto
IV. Kabuuan ng modyul
Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng
Timbre sa musika. Layunin nitong makapagpakita
ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa
sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig,
pagmamasid at pagtugon sa mga gawain.
V. Pamantayan sa Pagganap
 Nagagamit ang tinig at iba pang
mapagkukunan ng tunog upang makagawa
ng iba’t ibang uri ng timbre.
 Nakatutugon sa iba’t ibang kalidad ng tunog
na may angkop na galaw.
VI. Batayan ng Pagkatuto
Ang mag-aaral
 naririnig ang kaibahan ng boses na umaawit sa
nagsasalita
 nakikilala ang pinanggalingan ng tunog at ang
kalidad nito
16
 nagagamit ang tinig at ang iba pang
mapagkukunan ng tunog upang makagawa
ng iba’t ibang uri ng timbre
 nakatutugon sa iba’t ibang kalidad ng tunog
na may angkop na galaw.
VII.Nilalaman/ Paksa: TIMBRE – mga tunog sa paligid,
tinig at tunog ng mga instrument
VIII. Mga Mapagkukunan
a. “Aso, Aso” (Doggie, doggie)Musika mula sa
Preschool ni K. Forrai
b. “The Circus” Kuwentong Tunog
IX.Mga Gawain
Punong-puno ng iba’t ibang uri ng tunog ang
ating mundo. Ang mga tunog mula sa makina,
kalikasan at gawa ng tao ang halimbawa nito.
Simulan sa mga tunog na kaya nating gawin.
Gaano ka kahusay kumilala ng boses ng iyong
katabi, ng iyong guro at ng iyong mga kamag-
aral?
17
Panuto: Iguhit ang mga bagay na unang
pumasok sa iyong isip nang marinig ang awit ng
iyong kamag-aral.
Kamag-aral 1:
Kamag-aral 2:
Kamag-aral 3:
 Pare-pareho ba ang iginuhit mo nang marinig
mo ang boses ng iyong mga kamag-aral?
Bakit? Bakit hindi?
 Subukan natin ang susunod na gawain.
Tingnan natin kung gaano ka kahusay
kumilala sa boses ng iyong mga kamag-aral.
Galingan!
Gawain
1
18
Larong Aso
Pag-aralan natin ang awiting “Aso, Aso”.
Subukan itong laruin kasama ang iyong mga
kaibigan at kamag-aral.
“Aso, Aso”
LAHAT: Aso, aso, nasaan ang iyong buto?
ASO: May kumuha nito sa bahay ko.
LAHAT: Sino ang kumuha ng buto mo?
ISANG BATA: Kinuha ko ang buto.
Mga Tuntunin ng Laro:
1. Paupuin nang pabilog ang mga bata.
2. Isang bata ang uupo sa gitna bilang aso.
3. Tatakpan ng aso ang kanyang mata kapag
nagsimula nang umawit ang mga batang
nakabilog.
4. Kukunin ng isang bata ang buto sa tabi ng aso.
5. Kailangang hintayin ng aso na matapos umawit
ang isang bata na nakakuha ng buto bago niya
buksan ang kanyang mga mata.
6. Huhulaan ng aso kung sino ang nagtatago ng
buto.
Gawin 2
19
 Nagustuhan mo ba ang laro? Nalaman mo
ba o ng iyong mga kamag-aral kung sino ang
kumuha ng buto sa aso?
Ngayon, mag-isip ng ibang hayop at palitan
ang pangalan ng aso at ang nawawalang
bagay.
 Anong hayop ang naiisip mong ipalit natin sa
laro kanina? Anong bagay ang maaring
mawala sa hayop na iyong naiisip?
Halimbawa:
Hayop Nawawalang Bagay
pusa tinik
manok mais
 Palitan ng ibang hayop ang aso at kantahin
ang awit. Gayahin ang tunog ng hayop na
ipinalit habang umaawit.
 Pareho ba ang iyong pagkaawit sa “Aso,
Aso” nang palitan mo ang awit ng ibang
hayop?”
Puno ng kakaiba at kawili-wiling tunog ang
ating mundo. May sariling tunog ang bawat bagay.
Ito ang dahilan kaya ang boses mo ay iba sa boses
ng iyong kapatid at mga kamag-aral.
20
Sa musika, timbre ang tawag sa kagandahan at
pagkakaiba ng tunog. Ito ang nagbibigay sa iyong
boses ng natatanging kalidad.
Kaya mo bang gayahin ang iba’t ibang timbre
ng tunog ng mga hayop o bagay sa sumusunod na
larawan?
Iba Pang Pinagmumulan ng Tunog
Panuto: Gayahin ang iba’t ibang timbre ng tunog
ng mga hayop o bagay sa sumusunod na
larawan:
tilaok ng manok kalantog ng pompiyang
tahol ng aso dagundong ng tambol
Gawain 3
21
Ang Sirko (Kuwentong Tunog)
Gawain 4
Ang Sirko
Isang araw, si at ang kanyang ay pumunta
sa sa kalapit na barangay. Sa kanilang pagpasok sa bakod,
nakita nila ang mga hayop tulad ng mga , , at isang
malaking . Habang palapit sila sa malaking tolda, narinig nila
ang dagundong ng at ang mga na masayang
sumisigaw. Tumakbo sila upang makita ang pangkat ng mga
na nagma-magic. Sa tuwing ang isa sa mga ay magma-
magic, nakaririnig si at ang ng kalantog ng
Si at ang kanyang ay masayang-masaya sa
at gusto pa nilang bumalik upang makita ang mga ang
malaking at ang mga .
rolling and the cheering. They ran in to see a group of
22
 Kung ikuwento mo itong muli, paano mo
gagawing mas kawili-wili?
 Ano ang mga bagay sa inyong silid-aralan na
maari mong gamitin upang makalikha ng mga
kawili-wiling tunog para sa kuwento?
 Mag-isip ng paraan kung paano ka
magkukuwento nang may kawili-wiling tunog.
Sabihin ito sa klase. Pakinggan ang kanilang
sasabihin.
Pampaunlad na Gawain:
1. Sumulat at gumuhit ng 3 bagay na makikita sa
inyong tahanan? Ilarawan ang tunog na
nalilikha nito.
2. Maglaro ng “Aso, Aso” kasama ang iyong mga
kalaro o kasapi ng pamilya. Tingnan kung
makikilala ang taong kumuha ng buto.
X. Pagtatasa
Lumikha ng tunog na angkop sa linya ng
kuwento. Gamitin ang iyong boses at mga bagay
sa silid –aralan. Huwag matakot sa paglikha ng
iba’t ibang tunog. Tandaan, ang pinakakaiba ang
pinakamaganda.
23
XI. Pagbubuo
 Alin sa mga gawain ang pinakagusto o hindi
mo gusto? Bakit?
 Ano ang mangyayari sa ating mundo kung
pare-pareho ang tunog na nalilikha? Bakit?
 Buuin ang pangungusap:
Ang timbre ay nagbibigay
_____________________________________.
24
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Pang-apat na Modyul sa
Pagkatuto
III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo
na tig- 40 minuto
IV. Kabuuan ng Modyul
Ipinakikilala sa modyul na ito ang pagtataya sa
pag-unlad pangmusika ng mga bata bunga ng
kanilang aktibong pakikibahagi at pagsasanay sa
mga araling pangmusikang ipinakita sa modyul 1
- 3.
V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin
Ang mag-aaral
 naipakikita ang lahat ng kailangang kasanayan
mula sa naunang modyul
VI. Nilalaman/ Paksa: Pagtataya: Muling balikan at
subukin ang kaalaman at kakayahang napag-
aralan sa Unang Kuwarter.
VII.Mga Mapagkukunan
a. “Ang Trabaho ng mga Bumbero” (Working at
the Fire Station) salin mula sa Holt Music Series
b. Pagtataya at Ulat sa pag-unlad sa Musika
VIII. Mga Gawain
Ngayon, maaari kang gumalaw at isakilos ang
kuwento. Basahin natin ang kuwento nang sabay-
25
sabay. Maghandang ulitin ito sa klase. Gumamit
ng kilos at tunog.
“Ang Trabaho ng mga Bumbero”
“ Isang araw, abalang naglilinis ang mga
bumbero ng kanilang trak at istasyon. Bigla silang
nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May
sunog!” Mabilis na tumakbo ang mga bumbero sa
kanilang trak. Wang! Wang! Wang! Malakas na
tunog ng trak ang kasunod narinig. Pagdating sa
lugar ng sunog, mabilis na bumaba ang mga
bumbero mula sa trak. Agad nilang pinatay ang
apoy. Pataas-pababa, pataas-pababa ang
paghawak nila sa hose na naglalabas ng
napakaraming tubig.
Gawain 1
26
Nang wala nang apoy, inayos nila ang kanilang
gamit. Bumalik sila sa kanilang istasyon. Puno ng
putik at uling ang kanilang trak. Nilinis muli nila
ang kanilang trak at istasyon. Muli silang nakarinig
nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May sunog na
naman!”
 Basahing muli ang kuwento kasabay ng guro.
Bigyan ng sariling wakas ang kuwento.
 Pag-usapan ang mga kilos at tunog na
maaaring gamitin sa kuwento. Isa-isahin ang
mga ito.
27
Pagtataya
Panuto: Alamin kung naisagawa mo ang angkop
na kilos at tunog sa kuwento. Lagyan ng tsek ()
ang tamang kahon.
Pagtataya Nakita
May
Ipinakita
ng Pag-
unlad
1. Angkop ang kilos na
ginamit sa bawat
bahagi ng kuwento.
2. Angkop ang tunog na
ginamit sa pangyayari
sa kuwento.
3. Madaling naunawaan
ang kuwento batay sa
ginawang kilos.
Gawain 2
28
Unang Kuwarter na Pagtataya sa Sarili
Panuto: Sukatin ang pag-unlad ng iyong
kasanayan sa musika. Gumuhit ng masayang
mukha (  ) sa loob ng kahon na nagpapakita ng
iyong kaalamang nakamit.
Pansariling Pagtataya
Kayang
Gawin
Halos
Nagagawa
Mga Kasanayan sa
Musika:
1. Nakapagpapakita ng
tempo at pagbabago
ng dynamics sa
pamamagitang ng
paggalaw ng katawan.
2. Nakagagamit ng
sariling boses upang
makabuo ng iba’t
ibang timbre.
3. Nakagaganap ng may
wastong antas ng
dynamics .
4. Nakagagawa ng iba’t
ibang uri ng timbre
gamit ang sariling boses
o iba’t ibang
Gawain
3
29
kagamitan sa loob ng
silid- aralan.
5. Naaawit ang tanong at
sagot ng pagbati nang
mag-isa.
6. Nakapakikinig at
nakasusunod sa mga
panuto at tuntunin sa
pag-awit.
7. Nakapagpapakita ng
angkop na pagsisikap
sa mga gawain.
8. Patuloy na
nakapagpapakita ng
pakikiisa, pagpipigil sa
sarili, paggalang sa isa’t
isa at
pagkamamamayan.
30
Musika 1 - Modyul 5
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Ikalimang Modyul sa
Pagkatuto
III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo
na tig-30 minuto
IV.Kabuuan ng Modyul
Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng
ritmo. Layunin nitong makapagpakita ang mga
mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog,
katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng
pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at
pagtugon sa mga gawain.
V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin
Ang mag-aaral
 naiuugnay ang mga larawan sa tunog at
katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.
 nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at
nakapagpapatugtog ng mga instrumentong
pangmusika bilang tugon sa tunog na may
tamang ritmo.
 nakalilikha ng madaling hulwarang ostinato
nang dalawahan, tatluhan at apatang
31
pangkat sa pamamagitan ng paggalaw ng
katawan.
 nakapaglalaro ng mga kagamitang pansilid
upang makalikha ng mga simpleng himig na
paulit-ulit o hulwarang ostinato.
VI.Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama ng tunog
at katahimikan na nasa tiyempo.
VII.Mga Mapagkukunan
a. “Tulog Na” Oyayi ni Cielito
Margo E. Mirandilla
b. “ Duyan” (See-Saw) Tugma
c. “Tren” ( Engine, Engine No. 9) Tugma
VIII. Mga Gawain
Nakapagduyan ka na ba? Paano ito
gumagalaw? Gayahin.
Awitin ang “Duyan”.
See-Saw (Duyan)
(Isinalin sa Filipino ni: Ms. Dulce de Vera)
See-saw up and down Duyan,
umimbay
32
In the sky and on the ground (2x)
Pataas at pababa (2x)
May mahaba at maikling tunog ng musika. Muli
nating awitin ang duyan. Pakinggan kung aling
bahagi ng awit ang may mahaba at maikling
tunog.
Tayo Nang Maghanap!
Panuto: Hanapin ang salitang may mahaba at
maikling tunog sa awiting “Duyan”. Bilugan
ang salitang inawit nang mahaba. Lagyan ng
kahon ang salitang inawit nang maikli.
Sundan ang halimbawa:
See - saw up and down,
In the sky and on the ground.
Du- yan u- mim- bay
Pa -ta -as at pa - ba -ba.
Gawain 1
33
Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog
Panuto: Makikita sa kahon ang mahaba at
maikling guhit. Ito ang naglalarawan sa mahaba
at maikling tunog ng unang linya ng awit na
“Tulog Na”. Lagyan ng mahaba at maikling guhit
ang pangalawang linya ng awit upang maipakita
ang mahaba at maikling tunog.
 Pumalakpak nang mahaba at maikling tunog
habang inaawit ang tulog na.
 Ipalit ang salitang mahaba at maikli sa mga
titik na awit na “Tulog Na”. Pumalakpak
habang umaawit.
Gawain 2
34
Tren
Linya 1:
Linya 2:
Linya 3:
Linya 4:
IX.Pagtatasa
Ipakita kung gaano ka kahusay umawit
habang pumapalakpak nang mahaba at maikling
tunog. Kulayan ng DILAW ang bituin kung
NAPAKAHUSAY, PULA kung MAHUSAY at BERDE
kung HUMUHUSAY ang pag-awit.
1. Naaawit nang wasto ang himig.
2. Nakapapalakpak at naaawit nang tama ang
mahaba at maikling tunog.
Gawain 3
35
3. Nakikilala ang mahaba at maikling tunog sa
awit na walang tulong ng guro.
X. Pagbubuo
 Anong mga tunog ang ating natutuhan
ngayon?
 Ano kaya ang magiging tunog ng awitin kung
maikling tunog lamang ang gagamitin?
 Ano naman ang magiging tunog kung ang
mahabang tunog lamang ang gagamitin?
 Buuin ang pangungusap:
Mahalaga ang pagsasama ng mahaba at
maikling tunog sa isang awit dahil
.
36
Musika 1 – Modyul 6
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Ikaanim na Modyul sa
Pagkatuto
III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo
na tig-30 minuto
IV. Kabuuan ng Modyul:
Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng
ritmo. Layunin nitong makapagpakita ang mga
mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa
tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng
pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at
pagtugon sa mga gawain.
V. Batayan ng pagkatuto/ Layunin
Ang Mag-aaral
 naiuugnay ang mga larawan sa tunog at
katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.
 nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at
nakapagpapatugtog ng mga instrumentong
pangmusika bilang tugon sa tunog na may
tamang ritmo.
 nakapaglalaro ng mga madaling hulwarang
ostinato sa mga kagamitang pansilid-aralan o
anumang bagay na magpagkukunan ng
tunog.
37
VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama ng tunog
at katahimikan na nasa tiyempo.
VII. Mga Mapagkukunan
a. “Pan de Sal” Salin ni D. De Vera
b. “Tren” Tugma
c. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong
Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora
d. “Tulog Na”Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla
VIII. Mga Gawain
Ang musika ay pagsasama-sama ng tunog at
katahimikan. Tapikin ang mesa o ang iyong
kandungan kasabay ng guro habang inaawit ang
“Tulog Na.”
Damhin ang Kumpas
Panuto: Ang sumusunod ay kumpas ng awiting
“Tulog Na”. Mula sa kaliwa, sabayan ng tapik ang
bawat kumpas ng awit na “Tulog Na.”
I I I I
I I I I
Ang kumpas ng isang awit o piyesa ng musika ay
tinatawag ding PULSO. Hihinto ang kumpas ng
awit kapag tapos na ito.
Gawain 1
38
Pagguhit ng Kumpas
Panuto: Gayahin ang halimbawa sa Gawain 1.
Isulat ang kumpas ng tugmang “Tren”. Awitin ito
habang gumuguhit ng kumpas.
Ilang kumpas mayroon ang awitin? _______
Mga Kumpas na Walang Tunog
Panuto: Makikita sa ibaba ang kumpas ng awit na
“Chimpoy, Champoy.” Lagyan ng exis (x) ang
mga kumpas na para sa iyo ay WALANG TUNOG.
Linya 1 I I I I I I I
Linya 2 I I I I I I I
Gawain 2
Gawain 3
39
Sa musika, PAHINGA ang tawag sa kumpas na
WALANG TUNOG. Ibig sabihin, walang tunog o
may KATAHIMIKAN sa kumpas na ito. Ginagamit
ang simbolong
Sino ang mahilig kumain ng pan de sal?
Kantahin natin ang awit na “Pan de Sal”.
“Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”)
Salin ni: D. de Vera
Pan de Sal
Pan de Sal
Isang piraso
Dal’wang piso.
Hamon sa Kumpas ng Walang Tunog
Panuto: Isulat ang kumpas ng bawat linya ng
awiting “Pan de Sal.” Lagyan ng ekis (x) ang
kumpas na WALANG TUNOG at iguhit ang
sa tabi nito.
Tingnan ang halimbawa:
LINYA 1 I I I I
LINYA 2
LINYA 3
LINYA 4
Gawain 4
40
XI. Pagtatasa
Alamin ang iyong kakayahan. Lagyan ng tsek ()
ang angkop na kahon.
MGA KASANAYAN
KAYANG
GAWIN
HINDI
PA
KAYA
1. Natutukoy ang kumpas
na WALANG TUNOG sa awit
habang nakikinig.
2. Nakasusunod sa mga
SIMBOLO ng KUMPAS at
PAHINGA sa mga kilalang
awitin.
3. Nakasusunod sa mga
ibinigay na kumpas sa
pamamagitan ng kilos ng
katawan.
4. Nakaguguhit ng mga
KUMPAS at PAHINGA ng
isang kilalang awitin.
41
Musika 1 - Modyul 7
XII.Pagbubuo
Natutuhan natin sa modyul na ito na gumagamit
ang musika ng TUNOG at KATAHIMIKAN sa ilang
awit.
 Ano ang kaibahan ng TUNOG sa
KATAHIMIKAN?
 Anong salita ang ginagamit upang tukuyin
ang KUMPAS NA WALANG TUNOG?
 Buuin ang pangungusap:
Ang kumpas ng awit ay tinatawag ding
____________________. Humihinto lamang ito
kapag tapos na ang awit.
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Ikapitong Modyul sa
Pagkatuto
III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo
na tig- 30 minuto
IV. Kabuuan ng Modyul:
Ipinakikilala sa modyul na ito ang element ng
ritmo. sa musika. Layunin nitong makapagpakita
ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa
sa tunog, katahimikan, at ritmo sa pamamagitan
ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid,
at pagtugon sa mga gawain.
42
V.Batayan sa Pagkatuto/Layunin:
Ang mag-aaral
 nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at
nakapagpapatugtog ng mga instrumentong
pangmusika bilang tugon sa tunog na may
tamang ritmong:
 Nasa metrong dalawahan
 Nasa metrong tatluhan
 Nasa metrong apatan
 nakapaglalaro ng madadaling hulwarang
metrong dalawahan, tatluhan at apatang sukat
gamit ang kagamitang pansilid-aralan o
anumang bagay na mapagkukunan ng tunog
 nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato
sa metrong dalawahan, tatluhan at apatan na
may kasabay na kilos ng katawan
VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama-sama
ng tunog at katahimikan sa tamang tiyempo.
VII. Mga Mapagkukunan:
d. “Talbog Pataas” (Bounce High) Awiting
pambata
e. “Pan de Sal” Tugma
f. “Tren” Tugma
g. “Pedro Penduko” Awit na Pasalita ni
M. Isleta
43
VIII. Mga Gawain
Sa musika, ang kumpas ay maaaring ipangkat
sa metrong dalawahan o metrong tatluhan.
Awitin natin ang “Talbog Pataas” at
magkunwaring may hawak na bola.
“Talbog Pataas”
Talbog Pataas, Talbog Pababa
Ihagis ang bola kay Rita!
Patalbugin ang Bola
1. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at
saluhin ito habang umaawit.
2. Matapos awitin ang “Talbog Pataas” ng
dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod.
Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog.
3. Ano ang iyong napansin?
Panuto: Makikita sa ibaba ang patayong guhit.
Simbolo ito ng kumpas ng awit na “Talbog
Pataas.” Lagyan ng ekis (X) ang ibaba ng guhit na
may malakas na kumpas katulad ng pagtalbog
ng bola.
Gawain 1
44
Tingnan ang halimbawa:
I I I I I I I I
X
Kantahing muli ang awit kasabay ng iyong
boses na tumalbog katulad ng bola.
Sa musika, tinatawag na MALAKAS NA KUMPAS
ang may markang X at MAHINANG KUMPAS
naman ang walang marka.
Tingnang mabuti ang patayong guhit na may
malaking letrang L at letrang H. Ang titik L ay
para sa Lakas ng kumpas at H ay para naman sa
Hina ng kumpas. Pumili ng tamang kilos ng
katawan na magpapakita ng MALAKAS NA
KUMPAS at MAHING KUMPAS.
Ipakita ang ibig sabihin ng bawat guhit sa
pamamagitan ng tamang paggalaw ng katawan.
I I I I I I I I
L H L H L H L H
Upang maging madali ang pagsulat at
pagbasa ng musika, gumagamit ang mga
musikero ng guhit sa unahan ng malakas na
kumpas. BAR LINES ang tawag dito. Ang puwang
sa pagitan ng BAR LINES ay tinatawag na BAR.
45
Pagbilang ng Bars
I I I I I I I I
L H L H L H L H
Ilan ang mga bar sa pagitan ng bar lines?
______
Napansin mo ba kung ilang kumpas ang
nasa bawat bar?
Kapag may dalawang kumpas sa bawat bar,
ang awit ay gumagalaw nang dalawahan.
Inilalagay ang simbolong 2 sa unahan ng awit
upang ipakita na ang daloy ng awit ay may
dalawahang sukat. Sa musika, ang ibig sabihin ng
bilang ay ang SUKAT ng awit.
Balikan ang Gawain 2. Isulat sa patlang sa
unahan ng malakas na kumpas ang bilang na 2.
Kantahing muli ang awit na “Talbog Pataas”
habang sinusunod ang kahulugan ng L (lakas) at H
(hina).
Gawain 2
46
Pumili ng kilos ng katawan na magpapakita ng
malakas na kumpas ng awit at gawin ito sa tuwing
aawitin ang malakas na kumpas.
Pagguhit ng Bar lines
Panuto: Muli nating awitin ang “Leron, Leron,
Sinta.” Gumawa ng patayong guhit upang
maipakita ang kumpas ng unang bahagi ng awit .
Lagyan ng panandang diin (>) ang malakas na
kumpas. Gumuhit ng bar lines sa tamang lugar
nito. Isulat ang bilang ng kumpas sa unahan ng
awit .
Pamagat
Sukat
LINYA 1
LINYA 2
LINYA 3
LINYA 4
Gawain 3
47
Napansin mo ba ang lugar ng mga MALAKAS NA
KUMPAS ng awit?
Saan nakikita ang MALAKAS NA KUMPAS sa bawat
BAR?
Hulaan ang Sukat
Panuto:
1. Awitin ang “Pedro Penduko”. Lagyan ng
patayong guhit ang bawat linya ng awit upang
maipakita ang kumpas nito.
2. Lagyan ng panandang diin (>) ang bahagi ng
awit na may malakas na kumpas. Isulat ang sukat
ng awit sa patlang.
“Pedro Penduko”
(Awiting Pasalita)
Pedro Penduko, kumain ng itlog,
Nang hindi maligo iniwan ng kalaro.
LINYA 1
sukat
LINYA 2
Gawain 4
48
XIII. Pagtatasa
Ngayon naman, awiting muli ang “Tren”.
Pumalakpak ayon sa kumpas ng awit at sabayan
ito ng tamang kilos ng katawan na magpapakita
ng MALAKAS AT MAHINANG KUMPAS.
Sukatin ang iyong kasanayang natutunan.
MGA KASANAYAN
Kayang
Gawin
Hindi pa
Kaya
1. Nakaririnig ng
malakas at
mahinang kumpas.
2. Nakasusunod sa
palatandaan ng
malakas at
mahinang kumpas.
3. Nakasusunod sa
kumpas gamit ang
paggalaw ng
katawan.
4. Nakakikilala ng sukat
ng alam na awit.
5. Nakaaawit ng
awiting may sukat
na dalawahan at
tatluhan.
49
XIV.Pagbubuo
Natutunan natin sa modyul na ito na ang
KUMPAS ay maaaring MALAKAS o MAHINA at
maaring pangkatin na may sukat na dalawahan
(2-metro) o tatluhan (3-metro).
 Ano ang hinahanap ng mga musikero bago
maglagay ng bar lines sa isang awit?
 Upang matukoy ang sukat ng isang awit, dapat
bilangin ang __________________ na makikita sa
bawat ________________________.
50
Musika 1 - Modyul 8
I. Nilalayong Antas: Baitang 1
II. Pamagat ng Modyul: Ikawalong Modyul
sa Pagkatuto
III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo
na tig- 30 minuto
IV.Kabuuan ng Modyul:
Layunin ng modyul na ito na suriin ang pag-
unlad pangmusika ng mga bata bunga ng
aktibong pakikilahok at pagkakalantad sa mga
kaalamang pangmusika na nakapaloob sa
Modyul 5-7.
V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin:
Ang mag-aaral
 naipakikilala ang lahat ng kagalingang
kinakailangang matamo mula sa mga
nakaraang modyul
VI.Mga Naunang Kasanayan at Pagtatasa:
Naipakikita ng mag-aaral ang lahat ng
kinakailangang kasanayang nakapaloob sa mga
nabanggit na modyul.
VII. Nilalaman/ Paksa:
51
a. Pag-aralang muli at suriin ang mga konsepto at
kasanayang pinag-aralan sa Pangalawang
Kuwarter.
 Ano ang mga pagkaing nakukuha sa dagat o
ilog?
 Ating pag-aralan ang isang larong awit tungkol
sa alimango.
 Paano ba kumilos ang alimango?
 Maglaro tayo gamit ang ating daliri sa kamay
upang ipakita ang galaw ng isang alimango
habang umaawit ng “Tong, Tong, Tong.”
“Tong, Tong, Tong”
Tong, tong, tong , tong
Pakitong-kitong
Alimango sa dagat
Malaki at masarap
Mahirap mahuli
Sapagkat nangangagat.
 Kaya mo bang iparinig ang kumpas ng awit sa
pamamagitan ng pagtapik sa iyong
Unang Araw
52
kandungan habang umaawit? Aling salita ang
may MALAKAS na kumpas?
 Nalaman mo ba ang sukat ng awit sa
pamamagitan ng pagtapik sa iyong
kandungan?
 Ngayon, sagutan mo ang Gawain 1.
i. Paglalapat:
 Magpangkat-pangkat na tig-15.
 Nalaman mo ba ang sukat ng awiting
“Tong, Tong, Tong” sa pamamagitan ng
pagtapik sa MALAKAS NA TUNOG nito?
 Gumawa ng isang madaling OSTINATO o
PAULIT-ULIT NA PAG-AWIT.
 Pumili ng angkop na galaw ng katawan
para sa ginawang OSTINATO.
 Magsanay ng 5 hanggang10 minuto bago
gawin ang gawain.
ii. Pagbubuo:
Paano mo ilalarawan ang presentasyon ng
bawat pangkat?
 Maghanda para sa kaparehong gawain sa
susunod na araw.
 Pumili ng isang awit na natutuhan at
gumawa ng isang OSTINATO.
 Ulitin ang naunang gawain.
53
Kung ikaw ay paawit kong babatiin sa iyong
pangalan, kaya mo bang sumagot sa parehong
tono?
1. Pagbuo ng Aralin
Magkakaroon tayo ngayon ng presentasyon
ng bawat grupo.
 Matapos ang gawain, sagutin ang
pagsasanay sa Gawain 2.
 Maging tapat sa inyong mga sagot.
2. Pagbubuo
 Alin sa mga gawaing ito ang pinakagusto
mo. Bakit?
VIII. Pangkalahatang Pagtatasa
a. Batayan sa Pagganap
Pagtataya Malinaw Umuunlad
1. Naging malinaw at
tuloy-tuloy ang
pagkumpas mula
sa simula
hanggang
IKALAWANG ARAW
Pagtataya 1
54
Pagtataya Malinaw Umuunlad
katapusan ng awit.
2. Akmang nailapat
ang PAHINGA,
MAHABA at
MAIKLING TUNOG
ng awit.
3. Ang Ostinato na
ginawa ng pangkat
ay may
kinakailangang
pahinga, mahaba
at maikling tunog.
Ipakita ang iyong natutunan sa musika. Lagyan ng
tsek () ang isa sa kahon.
Pagtataya sa Sarili
Kayang
Gawin
Hindi pa
Kayang
Gawin
1. Kasanayang Pangmusika:
a)napakikinggan ang
pagkakaiba ng tunog at
katahimikan;
b)nahahanap ang
Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang
Kuwarter
55
malakas at mahinang
kumpas;
c)nahahanap ang
mahaba at maikling
tunog;
d)nakabubuo ng maikling
ostinato; at
e)napananatili ang tuloy-
tuloy na pagkumpas.
2. Nakakukumpas nang tuloy-
tuloy; at nakapapalakpak,
nakaaawit, nakatatapik, at
naisakikilos ang malakas at
mahinang kumpas,
mahaba at maikling tunog
sa anumang uri ng
ostinato.
3. Napakikinggan at nasasagot
ang mga panuto at tuntunin;
naipakikita ang akmang kilos;
tuloy-tuloy na naipakikita ang
pakikipagtulungan,
pagtitimpi, paggalang sa
isa’t isa, at
pagkamamamayan.

More Related Content

What's hot

Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)
Jov Pomada
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
EDITHA HONRADEZ
 
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL 4TH Q.
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL   4TH Q.HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL   4TH Q.
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL 4TH Q.
EDITHA HONRADEZ
 

What's hot (20)

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
 
Grade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM TagalogGrade 3 Music LM Tagalog
Grade 3 Music LM Tagalog
 
Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1
 
K TO 12 ESP 2 LM
K TO 12 ESP 2 LMK TO 12 ESP 2 LM
K TO 12 ESP 2 LM
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB – Quarter 3) T...
 
Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)Panghalip (Kami, Kayo..)
Panghalip (Kami, Kayo..)
 
Esp
EspEsp
Esp
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
 
Pagsunod sa Panuto
Pagsunod sa PanutoPagsunod sa Panuto
Pagsunod sa Panuto
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd QuarterMAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
MAPEH 3 Music Learner's Manual 2nd Quarter
 
Grade 3 Music Teachers Guide
Grade 3 Music Teachers GuideGrade 3 Music Teachers Guide
Grade 3 Music Teachers Guide
 
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL 4TH Q.
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL   4TH Q.HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL   4TH Q.
HEALTH 3 LEARNER'S MANUAL 4TH Q.
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Quarter 1)
 

Similar to K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)

Musika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson planMusika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson plan
Maribel Rufo
 
1st grading 4th grading musika
1st grading  4th grading musika1st grading  4th grading musika
1st grading 4th grading musika
EDITHA HONRADEZ
 
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docxDLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
jesrilepuda1
 
Bec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musikaBec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musika
09071119642
 

Similar to K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2) (20)

Musika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson planMusika vi 4th rating lesson plan
Musika vi 4th rating lesson plan
 
Music grade 4 lm yunit 1
Music grade 4 lm yunit 1Music grade 4 lm yunit 1
Music grade 4 lm yunit 1
 
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docxDLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 1_Q1_W1.docx
 
Music gr.3 tagalog q1
Music gr.3 tagalog   q1Music gr.3 tagalog   q1
Music gr.3 tagalog q1
 
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docxGrade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
Grade 5 DLL MAPEH 5 Q4 Week 3.docx
 
Daily Lesson Log in MAPEH-4_Q3_2023-2024
Daily Lesson Log in MAPEH-4_Q3_2023-2024Daily Lesson Log in MAPEH-4_Q3_2023-2024
Daily Lesson Log in MAPEH-4_Q3_2023-2024
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q4)
 
Musika v 4th grading
Musika v 4th gradingMusika v 4th grading
Musika v 4th grading
 
1 music lm u2
1 music lm u21 music lm u2
1 music lm u2
 
1st grading 4th grading musika
1st grading  4th grading musika1st grading  4th grading musika
1st grading 4th grading musika
 
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docxDLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
DLL_MAPEH 5_Q1_W3.docx
 
Grade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docxGrade 5 DLP MSEP.docx
Grade 5 DLP MSEP.docx
 
Musika v 1 st grading
Musika v 1 st gradingMusika v 1 st grading
Musika v 1 st grading
 
02mapeh-4TH quarter week 5.docx
02mapeh-4TH quarter week 5.docx02mapeh-4TH quarter week 5.docx
02mapeh-4TH quarter week 5.docx
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q3-Q4)
 
Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)
 
Music3 m2
Music3 m2Music3 m2
Music3 m2
 
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docxDLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
DLL_ALL SUBJECTS 2_Q3_W1_D1 (1)MATH .docx
 
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 musicLEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
LEARNING COMPETENCIES GRADE 2 2010 music
 
Bec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musikaBec pelc-2010-musika
Bec pelc-2010-musika
 

More from LiGhT ArOhL

More from LiGhT ArOhL (20)

AP 3 - Mga Tanda at Simbolo Sa Mapa
AP 3 - Mga Tanda at Simbolo Sa MapaAP 3 - Mga Tanda at Simbolo Sa Mapa
AP 3 - Mga Tanda at Simbolo Sa Mapa
 
K TO 12 GRADE 3 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 3 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 3 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 3 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 2 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
K TO 12 GRADE 2 SUMMATIVE QUIZZES – QUARTER 1
 
K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 IKAAPAT MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 1 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 1 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 1 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1  UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 1  UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 1 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5  UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 5 UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
 

Recently uploaded

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Recently uploaded (20)

curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MUSIC (Q1-Q2)

  • 1.
  • 2. i TALAAN NG MGA NILALAMAN (QUARTERS 1 & 2) MUSIKA Modyul 1: Unang Modyul sa Pagkatuto ............................................... 1 Gawain 1: Mga Tunog sa Paligid ...................................................... 3 Gawain 2: Malakas at Mahinang Tula / Awit .................................. 4 Modyul 2: Pangalawang Modyul sa Pagkatuto ................................... 7 Gawain 1: Leron, Leron, Sinta ............................................................ 9 Gawain 2: Mga Hayop na nasa Larawan ...................................... 11 Gawain 3: Tugmang “Tren” ............................................................... 12 Modyul 3: Pangatlong Modyul sa Pagkatuto .................................... 15 Gawain 1: Bagay na Unang Pumasok sa Isipan ............................. 17 Gawain 2: Larong Aso ........................................................................ 18 Gawain 3: Iba Pang Pinagmumulan ng Tunog ............................... 20 Gawain 4: Ang Sirko (Kuwentong Tunog) ......................................... 21 Modyul 4: Pang-apat na Modyul sa Pagkatuto .................................... 24 Gawain 1: Ang Trabaho ng mga Bumbero ...................................... 25 Gawain 2: Pagtataya .......................................................................... 27 Gawain 3: Unang Kuwarter sa Pagtataya sa Sarili ........................... 28 Modyul 5: Ikalimang Modyul sa Pagkakatuto ........................................ 30 Gawain 1: Tayo ng Maghanap ........................................................... 32 Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog ....................... 33 Gawain 3: Tren ....................................................................................... 34
  • 3. ii Modyul 6: Ikaanim na Modyul sa Pagkatuto .......................................... 36 Gawain 1: Damhin ang Kumpas ......................................................... 37 Gawain 2: Pagguhit ng Kumpas ......................................................... 38 Gawain 3: Mga Kumpas na Walang Tunog ...................................... 38 Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang Tunog ............................. 39 Modyul 7: Ikapitong Modyul sa Pagkatuto ............................................. 41 Gawain 1: Patalbugin ang Bola .......................................................... 43 Gawain 2: Pagbilang ng Bars .............................................................. 45 Gawain 3: Pagguhit ng Bar Lines ........................................................ 46 Gawain 4: Hulaan ang Sukat ............................................................... 47 Modyul 8: Ikawalong Modyul sa Pagkatuto ............................................ 50 Unang Araw ............................................................................................ 51 Ikalawang Araw ..................................................................................... 53
  • 4. 1 Musika 1 - Modyul 1 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Unang Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Dynamics sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain. V. Pamantayan sa Pagganap  Nagagamit ang iba’t ibang antas ng dynamics upang mapahusay ang tula, awit na pasalita, drama, at kuwentong pangmusika.  Naipakikita ang mga pagbabagong dynamics ng may pagkilos.  Nagagamit ang mga salitang MALAKAS at MAHINA sa pagtukoy ng pagbabago ng lakas. VI. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin Ang Mag-aaral  nabibigyang-kahulugan ang dynamics ng isang awit sa pamamagitan ng paggalaw (hal. maliit na paggalaw – mahina, malaking paggalaw- malakas)
  • 5. 2  naiiugnay ang dynamics sa galaw ng mga hayop  nagagamit ang salitang malakas at mahina sa pagtukoy sa pagbabago ng lakas VII.Nilalaman/ Paksa: DYNAMICS – lakas ng tunog; pagkakaiba ng lakas at hina sa musika. VIII. Mga Mapagkukunan a. “Ang Susi Nakatago” Katutubong awit/ laro b. “Maligayang Bati”(Birthday Song) Awit sa pagdiriwang c. “Tulog Na” Oyayi IX. Mga Gawain Gumagamit ang musika ng malakas at mahinang tunog upang maipahayag ang iba’t ibang kaisipang pangmusika o damdamin. Makinig sa awit na pagbati ng iyong guro. 1. Paano kinanta ng iyong guro ang awit na pagbati? 2. Binati mo rin ba siya sa parehong paraan? 3. Ngayon, batiin mo iyong guro sa malakas na boses, pagkatapos ay sa mahinang boses. Aling pagbati ang mas tamang gamitin sa iyong guro? Ang una o ang ikalawa?
  • 6. 3 Pag-aralan natin ang awit na “Ang Susi Nakatago”: Ang susi nakatago, Kung saan ‘di ko piho Kung sakaling nasa ‘yo Akin na gagamitin ko. Maglaro tayo. Makinig nang mabuti sa panuto ng guro upang matukoy ang nawawalang susi. Mga Tunog sa Paligid Panuto: Ipikit ang mata at makinig sa tunog sa paligid. Tandaan kung malakas o mahina ang tunog na narinig. Sabihin ang mga tunog na iyong narinig. (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata.) MALAKAS MAHINA  Gayahin ang tunog na narinig.  Sumang-ayon ba ang iyong mga kamag-aral sa ginaya mong tunog?  Ano ang masasabi mo sa sagot ng iyong mga kamag-aral? Gawain 1
  • 7. 4 MALAKAS at MAHINANG Tula/ Awit Panuto: Humanap ng kapareha at bigkasin nang malakas o mahina ang bawat linya ng tula/ awit. “Ang Susi Nakatago” Linya 1 ___________________________________ Linya 2 ___________________________________ Linya 3 ___________________________________ Linya 4 ___________________________________ Bigkasin muli ang tula/ awit sa klase. Seguraduhing may linyang binigkas nang malakas at mahina. Pag-aralan natin ang awit na “Tulog Na” . Pakinggang mabuti ang himig ng awit. “Tulog Na” ni C.Mirandilla Tulog na, tulog na. Tayo ay magpahinga. (2x) Gawain 2
  • 8. 5  Ano ang naramdaman mo nang marinig ang awit? Sa iyong palagay, kailan ito inawit?  Subukan nating awitin ito nang malakas? Sa inyong palagay, tama bang awitin ito nang malakas? Bakit?  Ngayon naman, sabay- sabay nating awitin ang “Maligayang Bati”. Maligayang Bati Maligayang bati Sa iyong pagsilang Maligayang maligaya Maligayang bati.  Batay sa mga salita, ano ang layunin ng awit?  Ano ang naramdaman mo nang marinig ang awit?  Subukang awitin ito nang mahina. Sa iyong palagay, tama bang awitin ito nang mahina? Bakit? Sa musika, may natatanging tawag sa lakas at hina ng tunog. Tinatawag itong dynamics. Gumagamit ng dynamics ang mga musikero para malinaw na maipadama ang emosyon at maipahayag ang damdamin ng awit. Kaya inaawit nang mahina ang oyayi (awiting pampatulog sa sanggol) at inaawit naman nang malakas ang mga awit ng pagdiriwang. Dynamics. Ang nagpapalinaw sa mga tagapakinig ng damdamin at layunin ng musika.
  • 9. 6 X. Pagtatasa Kulayan ng dilaw na krayola ang angkop na mukha kung paano mo binigkas ang tula sa klase. 1. Malinaw kong nabigkas ang mga salita. 2. Gumamit ako ng tamang antas ng dynamics sa tula. . 3. Nabigkas ko nang may pagbabago sa lakas at hina ang tula. 4. Nasiyahan ako sa gawain. XI. Pagbubuo  Alin sa mga gawain ang inyong nagustuhan o hindi nagustuhan? Bakit?  Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig ka ng mahinang awit?  Ano ang nararamdaman mo kapag nakaririnig ka ng malakas na awit?  Anong uri ng musika ang nais mong awitin o pakinggan? Bakit?  Buuin ang pangungusap: Ang dynamics ay __ .        
  • 10. 7 Musika 1 - Modyul 2 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Pangalawang Modyul sa Pagkatuto III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Tempo sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain. V. Pamantayan sa Pagganap  Nagagamit ang iba’t ibang tempo upang mapahusay ang tula, awit na pasalita, drama, at kuwentong pangmusika.  Naiuugnay ang pagbabago ng kilos ayon sa tempo.  Nagagamit ang mga salitang MABILIS at MABAGAL sa pagkilala ng pagbabago ng tempo. VI. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin Ang mag-aaral  naipakikita ang konsepto ng tempo sa pamamagitan ng paggalaw  nakatutugon sa iba’t ibang tempo ng may paggalaw o pagsayaw
  • 11. 8  mabagal na galaw na may mabagal na musika  mabilis na galaw na may mabilis na musika  nagagaya ang mga galaw ng mga hayop  kabayo- mabilis  pagong- mabagal VII. Nilalaman/ Paksa: TEMPO – bilis ng tunog, pagkakaiba ng bilis at bagal sa musika VIII. Mga Mapagkukunan a. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora b. “Leron, Leron, Sinta” Awiting Bayan ng Tagalog c. “Tren” (Engine No. 9) Tugma IX. Mga Gawain Alamin at laruin ang paboritong laro ng mga bata sa Binondo, Maynila. Kilala ang Binondo sa mga pagkaing Instik. Gustong-gusto ng pumupunta dito ang sariwang lumpia, tikoy at ang paborito ng mga Pilipino na hopia. Isa sa mga salita sa tugmang nasa ibaba ay tumutukoy sa tanyag na pagkaing Instik. Hulaan kung ano ito?
  • 12. 9 Chimpoy Champoy (Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila by M. Factora Chimpoy Champoy, dose nade que Dose nade pot-pot, dose nade que. ba-bay a –men  Ano ang masasabi mo sa larong ito?  Ano ang naramdaman mo habang inaawit ito nang mabilis? Panuto: Awitin natin ang “Leron, Leron, Sinta”. Sabayan ang ritmo ng pagtapik ng guro sa mesa habang umaawit at nagmamartsa. “Leron, Leron, Sinta” Leron, leron, Sinta, Buko ng papaya, boy climbing the papaya Dala-dala’y buslo, Sisidlan ng bunga. Pagdating sa dulo, Nabali ang sanga, Kapos kapalaran, Humanap ng iba. Gawain 1
  • 13. 10 Kung ikaw ang umaakyat sa papaya habang umaawit, ano ang magiging bilis ng awit? Bakit?  Ano ang nangyari sa huling bahagi ng awit?  Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit nahulog ang bata?  Paano kaya siya kumilos habang umaakyat?  Anong mga linya ng awit ang mabagal at mabilis? Illustration of a boy falling from the papaya
  • 14. 11 Gayahin Mo! Panuto: Sabihin ang mga hayop na nasa larawan. Pag-usapan ang mga kilos ng hayop. Illustration of farm animals that move fast and slowly Bumuo ng dalawang pangkat:  Unang pangkat: Gayahin ang galaw ng mga hayop na mabilis kumilos  Pangalawang pangkat: Gayahin ang galaw ng mga hayop na mabagal Gawain 2
  • 15. 12 Pag-aralan natin ang tugmang “ Tren” (Engine No. 9) at isipin na tayo ay tren. “Tren” (Engine No. 9) (Tugma na isinalin ni : C. Mirandilla) Engine, engine number 9 Heto na ang aming tren Going down the railroad line Palapit ng palapit. If that train goes off the track Kung sakaling sumadsad Will I get my money back? Pa’no ang aking bayad? Panuto: Magpangkat-pangkat at isiping kayo ay tren. [Ipakita ang inyong kilos kung aakyat sa mataas na bundok. 1. Awitin ang tugma habang umaakyat kayo sa bundok. 2. Ngayon naman, ipakita ang kilos kung bababa na kayo sa bundok. 3. Awitin ang tugma habang bumababa kayo sa bundok.  Ano ang napansin mo sa bilis ng inyong tren habang umaakyat sa bundok? Ano naman ang napansin mo sa bilis ng inyong tren habang bumababa sa bundok?  Sa pag-awit nang mabilis at mabagal, mahalaga ba ang pagbasa at pag-unawa sa mga salita ng awit o tugma bago mo ito isakilos? Bakit? Gawain 3
  • 16. 13 Sa musika, ,may mga awit na mabilis at mabagal. Ang bilis ng isang awit ay tinatawag na Tempo. Balikan natin ang awiting “Tulog Na”. Ano ang tempo? Katulad ng Dynamics (lakas at hina ng tunog), ang Tempo (bilis) ng awit o tugma ay nagpapakita ng damdamin. Ito ang dahilan kaya inaawit nang mabagal at mahina ang oyayi para mabilis makatulog ang sanggol. Magkaiba ang Dynamics at Tempo ng awiting “Maligayang Bati”. Inaawit ito nang malakas at mabilis para batiin at pasayahin ang may kaarawan. X. Pagtatasa Magbigay ng mga awit o tugma na mabilis at mabagal na inaawit. Ihanda ang sarili sa pag-awit ng isang mabilis at isang mabagal na awit sa klase. XI. Pagbubuo  Ano ang iyong nararamdaman kapag nakaririnig o umaawit ka ng mabilis na awit? Bakit?  Ano ang iyong nararamdaman kapag nakaririnig o umaawit ka ng mabagal na awit? Bakit?
  • 17. 14  Anong uri ng musika ang gusto mong awitin o pakinggan? Bakit?  Anong uri ng awit ang gusto mo? Bakit?  Buuin ang pangungusap: Ang Tempo ay .
  • 18. 15 Musika 1 – Modyul 3 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Pangatlong Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig- 40 minuto IV. Kabuuan ng modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng Timbre sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain. V. Pamantayan sa Pagganap  Nagagamit ang tinig at iba pang mapagkukunan ng tunog upang makagawa ng iba’t ibang uri ng timbre.  Nakatutugon sa iba’t ibang kalidad ng tunog na may angkop na galaw. VI. Batayan ng Pagkatuto Ang mag-aaral  naririnig ang kaibahan ng boses na umaawit sa nagsasalita  nakikilala ang pinanggalingan ng tunog at ang kalidad nito
  • 19. 16  nagagamit ang tinig at ang iba pang mapagkukunan ng tunog upang makagawa ng iba’t ibang uri ng timbre  nakatutugon sa iba’t ibang kalidad ng tunog na may angkop na galaw. VII.Nilalaman/ Paksa: TIMBRE – mga tunog sa paligid, tinig at tunog ng mga instrument VIII. Mga Mapagkukunan a. “Aso, Aso” (Doggie, doggie)Musika mula sa Preschool ni K. Forrai b. “The Circus” Kuwentong Tunog IX.Mga Gawain Punong-puno ng iba’t ibang uri ng tunog ang ating mundo. Ang mga tunog mula sa makina, kalikasan at gawa ng tao ang halimbawa nito. Simulan sa mga tunog na kaya nating gawin. Gaano ka kahusay kumilala ng boses ng iyong katabi, ng iyong guro at ng iyong mga kamag- aral?
  • 20. 17 Panuto: Iguhit ang mga bagay na unang pumasok sa iyong isip nang marinig ang awit ng iyong kamag-aral. Kamag-aral 1: Kamag-aral 2: Kamag-aral 3:  Pare-pareho ba ang iginuhit mo nang marinig mo ang boses ng iyong mga kamag-aral? Bakit? Bakit hindi?  Subukan natin ang susunod na gawain. Tingnan natin kung gaano ka kahusay kumilala sa boses ng iyong mga kamag-aral. Galingan! Gawain 1
  • 21. 18 Larong Aso Pag-aralan natin ang awiting “Aso, Aso”. Subukan itong laruin kasama ang iyong mga kaibigan at kamag-aral. “Aso, Aso” LAHAT: Aso, aso, nasaan ang iyong buto? ASO: May kumuha nito sa bahay ko. LAHAT: Sino ang kumuha ng buto mo? ISANG BATA: Kinuha ko ang buto. Mga Tuntunin ng Laro: 1. Paupuin nang pabilog ang mga bata. 2. Isang bata ang uupo sa gitna bilang aso. 3. Tatakpan ng aso ang kanyang mata kapag nagsimula nang umawit ang mga batang nakabilog. 4. Kukunin ng isang bata ang buto sa tabi ng aso. 5. Kailangang hintayin ng aso na matapos umawit ang isang bata na nakakuha ng buto bago niya buksan ang kanyang mga mata. 6. Huhulaan ng aso kung sino ang nagtatago ng buto. Gawin 2
  • 22. 19  Nagustuhan mo ba ang laro? Nalaman mo ba o ng iyong mga kamag-aral kung sino ang kumuha ng buto sa aso? Ngayon, mag-isip ng ibang hayop at palitan ang pangalan ng aso at ang nawawalang bagay.  Anong hayop ang naiisip mong ipalit natin sa laro kanina? Anong bagay ang maaring mawala sa hayop na iyong naiisip? Halimbawa: Hayop Nawawalang Bagay pusa tinik manok mais  Palitan ng ibang hayop ang aso at kantahin ang awit. Gayahin ang tunog ng hayop na ipinalit habang umaawit.  Pareho ba ang iyong pagkaawit sa “Aso, Aso” nang palitan mo ang awit ng ibang hayop?” Puno ng kakaiba at kawili-wiling tunog ang ating mundo. May sariling tunog ang bawat bagay. Ito ang dahilan kaya ang boses mo ay iba sa boses ng iyong kapatid at mga kamag-aral.
  • 23. 20 Sa musika, timbre ang tawag sa kagandahan at pagkakaiba ng tunog. Ito ang nagbibigay sa iyong boses ng natatanging kalidad. Kaya mo bang gayahin ang iba’t ibang timbre ng tunog ng mga hayop o bagay sa sumusunod na larawan? Iba Pang Pinagmumulan ng Tunog Panuto: Gayahin ang iba’t ibang timbre ng tunog ng mga hayop o bagay sa sumusunod na larawan: tilaok ng manok kalantog ng pompiyang tahol ng aso dagundong ng tambol Gawain 3
  • 24. 21 Ang Sirko (Kuwentong Tunog) Gawain 4 Ang Sirko Isang araw, si at ang kanyang ay pumunta sa sa kalapit na barangay. Sa kanilang pagpasok sa bakod, nakita nila ang mga hayop tulad ng mga , , at isang malaking . Habang palapit sila sa malaking tolda, narinig nila ang dagundong ng at ang mga na masayang sumisigaw. Tumakbo sila upang makita ang pangkat ng mga na nagma-magic. Sa tuwing ang isa sa mga ay magma- magic, nakaririnig si at ang ng kalantog ng Si at ang kanyang ay masayang-masaya sa at gusto pa nilang bumalik upang makita ang mga ang malaking at ang mga . rolling and the cheering. They ran in to see a group of
  • 25. 22  Kung ikuwento mo itong muli, paano mo gagawing mas kawili-wili?  Ano ang mga bagay sa inyong silid-aralan na maari mong gamitin upang makalikha ng mga kawili-wiling tunog para sa kuwento?  Mag-isip ng paraan kung paano ka magkukuwento nang may kawili-wiling tunog. Sabihin ito sa klase. Pakinggan ang kanilang sasabihin. Pampaunlad na Gawain: 1. Sumulat at gumuhit ng 3 bagay na makikita sa inyong tahanan? Ilarawan ang tunog na nalilikha nito. 2. Maglaro ng “Aso, Aso” kasama ang iyong mga kalaro o kasapi ng pamilya. Tingnan kung makikilala ang taong kumuha ng buto. X. Pagtatasa Lumikha ng tunog na angkop sa linya ng kuwento. Gamitin ang iyong boses at mga bagay sa silid –aralan. Huwag matakot sa paglikha ng iba’t ibang tunog. Tandaan, ang pinakakaiba ang pinakamaganda.
  • 26. 23 XI. Pagbubuo  Alin sa mga gawain ang pinakagusto o hindi mo gusto? Bakit?  Ano ang mangyayari sa ating mundo kung pare-pareho ang tunog na nalilikha? Bakit?  Buuin ang pangungusap: Ang timbre ay nagbibigay _____________________________________.
  • 27. 24 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Pang-apat na Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo na tig- 40 minuto IV. Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang pagtataya sa pag-unlad pangmusika ng mga bata bunga ng kanilang aktibong pakikibahagi at pagsasanay sa mga araling pangmusikang ipinakita sa modyul 1 - 3. V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin Ang mag-aaral  naipakikita ang lahat ng kailangang kasanayan mula sa naunang modyul VI. Nilalaman/ Paksa: Pagtataya: Muling balikan at subukin ang kaalaman at kakayahang napag- aralan sa Unang Kuwarter. VII.Mga Mapagkukunan a. “Ang Trabaho ng mga Bumbero” (Working at the Fire Station) salin mula sa Holt Music Series b. Pagtataya at Ulat sa pag-unlad sa Musika VIII. Mga Gawain Ngayon, maaari kang gumalaw at isakilos ang kuwento. Basahin natin ang kuwento nang sabay-
  • 28. 25 sabay. Maghandang ulitin ito sa klase. Gumamit ng kilos at tunog. “Ang Trabaho ng mga Bumbero” “ Isang araw, abalang naglilinis ang mga bumbero ng kanilang trak at istasyon. Bigla silang nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May sunog!” Mabilis na tumakbo ang mga bumbero sa kanilang trak. Wang! Wang! Wang! Malakas na tunog ng trak ang kasunod narinig. Pagdating sa lugar ng sunog, mabilis na bumaba ang mga bumbero mula sa trak. Agad nilang pinatay ang apoy. Pataas-pababa, pataas-pababa ang paghawak nila sa hose na naglalabas ng napakaraming tubig. Gawain 1
  • 29. 26 Nang wala nang apoy, inayos nila ang kanilang gamit. Bumalik sila sa kanilang istasyon. Puno ng putik at uling ang kanilang trak. Nilinis muli nila ang kanilang trak at istasyon. Muli silang nakarinig nang malakas na tunog. Kriiiiiiiiing! “May sunog na naman!”  Basahing muli ang kuwento kasabay ng guro. Bigyan ng sariling wakas ang kuwento.  Pag-usapan ang mga kilos at tunog na maaaring gamitin sa kuwento. Isa-isahin ang mga ito.
  • 30. 27 Pagtataya Panuto: Alamin kung naisagawa mo ang angkop na kilos at tunog sa kuwento. Lagyan ng tsek () ang tamang kahon. Pagtataya Nakita May Ipinakita ng Pag- unlad 1. Angkop ang kilos na ginamit sa bawat bahagi ng kuwento. 2. Angkop ang tunog na ginamit sa pangyayari sa kuwento. 3. Madaling naunawaan ang kuwento batay sa ginawang kilos. Gawain 2
  • 31. 28 Unang Kuwarter na Pagtataya sa Sarili Panuto: Sukatin ang pag-unlad ng iyong kasanayan sa musika. Gumuhit ng masayang mukha (  ) sa loob ng kahon na nagpapakita ng iyong kaalamang nakamit. Pansariling Pagtataya Kayang Gawin Halos Nagagawa Mga Kasanayan sa Musika: 1. Nakapagpapakita ng tempo at pagbabago ng dynamics sa pamamagitang ng paggalaw ng katawan. 2. Nakagagamit ng sariling boses upang makabuo ng iba’t ibang timbre. 3. Nakagaganap ng may wastong antas ng dynamics . 4. Nakagagawa ng iba’t ibang uri ng timbre gamit ang sariling boses o iba’t ibang Gawain 3
  • 32. 29 kagamitan sa loob ng silid- aralan. 5. Naaawit ang tanong at sagot ng pagbati nang mag-isa. 6. Nakapakikinig at nakasusunod sa mga panuto at tuntunin sa pag-awit. 7. Nakapagpapakita ng angkop na pagsisikap sa mga gawain. 8. Patuloy na nakapagpapakita ng pakikiisa, pagpipigil sa sarili, paggalang sa isa’t isa at pagkamamamayan.
  • 33. 30 Musika 1 - Modyul 5 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Ikalimang Modyul sa Pagkatuto III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-30 minuto IV.Kabuuan ng Modyul Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain. V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin Ang mag-aaral  naiuugnay ang mga larawan sa tunog at katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.  nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo.  nakalilikha ng madaling hulwarang ostinato nang dalawahan, tatluhan at apatang
  • 34. 31 pangkat sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan.  nakapaglalaro ng mga kagamitang pansilid upang makalikha ng mga simpleng himig na paulit-ulit o hulwarang ostinato. VI.Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo. VII.Mga Mapagkukunan a. “Tulog Na” Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla b. “ Duyan” (See-Saw) Tugma c. “Tren” ( Engine, Engine No. 9) Tugma VIII. Mga Gawain Nakapagduyan ka na ba? Paano ito gumagalaw? Gayahin. Awitin ang “Duyan”. See-Saw (Duyan) (Isinalin sa Filipino ni: Ms. Dulce de Vera) See-saw up and down Duyan, umimbay
  • 35. 32 In the sky and on the ground (2x) Pataas at pababa (2x) May mahaba at maikling tunog ng musika. Muli nating awitin ang duyan. Pakinggan kung aling bahagi ng awit ang may mahaba at maikling tunog. Tayo Nang Maghanap! Panuto: Hanapin ang salitang may mahaba at maikling tunog sa awiting “Duyan”. Bilugan ang salitang inawit nang mahaba. Lagyan ng kahon ang salitang inawit nang maikli. Sundan ang halimbawa: See - saw up and down, In the sky and on the ground. Du- yan u- mim- bay Pa -ta -as at pa - ba -ba. Gawain 1
  • 36. 33 Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog Panuto: Makikita sa kahon ang mahaba at maikling guhit. Ito ang naglalarawan sa mahaba at maikling tunog ng unang linya ng awit na “Tulog Na”. Lagyan ng mahaba at maikling guhit ang pangalawang linya ng awit upang maipakita ang mahaba at maikling tunog.  Pumalakpak nang mahaba at maikling tunog habang inaawit ang tulog na.  Ipalit ang salitang mahaba at maikli sa mga titik na awit na “Tulog Na”. Pumalakpak habang umaawit. Gawain 2
  • 37. 34 Tren Linya 1: Linya 2: Linya 3: Linya 4: IX.Pagtatasa Ipakita kung gaano ka kahusay umawit habang pumapalakpak nang mahaba at maikling tunog. Kulayan ng DILAW ang bituin kung NAPAKAHUSAY, PULA kung MAHUSAY at BERDE kung HUMUHUSAY ang pag-awit. 1. Naaawit nang wasto ang himig. 2. Nakapapalakpak at naaawit nang tama ang mahaba at maikling tunog. Gawain 3
  • 38. 35 3. Nakikilala ang mahaba at maikling tunog sa awit na walang tulong ng guro. X. Pagbubuo  Anong mga tunog ang ating natutuhan ngayon?  Ano kaya ang magiging tunog ng awitin kung maikling tunog lamang ang gagamitin?  Ano naman ang magiging tunog kung ang mahabang tunog lamang ang gagamitin?  Buuin ang pangungusap: Mahalaga ang pagsasama ng mahaba at maikling tunog sa isang awit dahil .
  • 39. 36 Musika 1 – Modyul 6 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Ikaanim na Modyul sa Pagkatuto III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo na tig-30 minuto IV. Kabuuan ng Modyul: Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain. V. Batayan ng pagkatuto/ Layunin Ang Mag-aaral  naiuugnay ang mga larawan sa tunog at katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.  nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo.  nakapaglalaro ng mga madaling hulwarang ostinato sa mga kagamitang pansilid-aralan o anumang bagay na magpagkukunan ng tunog.
  • 40. 37 VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo. VII. Mga Mapagkukunan a. “Pan de Sal” Salin ni D. De Vera b. “Tren” Tugma c. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora d. “Tulog Na”Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla VIII. Mga Gawain Ang musika ay pagsasama-sama ng tunog at katahimikan. Tapikin ang mesa o ang iyong kandungan kasabay ng guro habang inaawit ang “Tulog Na.” Damhin ang Kumpas Panuto: Ang sumusunod ay kumpas ng awiting “Tulog Na”. Mula sa kaliwa, sabayan ng tapik ang bawat kumpas ng awit na “Tulog Na.” I I I I I I I I Ang kumpas ng isang awit o piyesa ng musika ay tinatawag ding PULSO. Hihinto ang kumpas ng awit kapag tapos na ito. Gawain 1
  • 41. 38 Pagguhit ng Kumpas Panuto: Gayahin ang halimbawa sa Gawain 1. Isulat ang kumpas ng tugmang “Tren”. Awitin ito habang gumuguhit ng kumpas. Ilang kumpas mayroon ang awitin? _______ Mga Kumpas na Walang Tunog Panuto: Makikita sa ibaba ang kumpas ng awit na “Chimpoy, Champoy.” Lagyan ng exis (x) ang mga kumpas na para sa iyo ay WALANG TUNOG. Linya 1 I I I I I I I Linya 2 I I I I I I I Gawain 2 Gawain 3
  • 42. 39 Sa musika, PAHINGA ang tawag sa kumpas na WALANG TUNOG. Ibig sabihin, walang tunog o may KATAHIMIKAN sa kumpas na ito. Ginagamit ang simbolong Sino ang mahilig kumain ng pan de sal? Kantahin natin ang awit na “Pan de Sal”. “Pan de Sal” (translation of “Hot Cross Buns”) Salin ni: D. de Vera Pan de Sal Pan de Sal Isang piraso Dal’wang piso. Hamon sa Kumpas ng Walang Tunog Panuto: Isulat ang kumpas ng bawat linya ng awiting “Pan de Sal.” Lagyan ng ekis (x) ang kumpas na WALANG TUNOG at iguhit ang sa tabi nito. Tingnan ang halimbawa: LINYA 1 I I I I LINYA 2 LINYA 3 LINYA 4 Gawain 4
  • 43. 40 XI. Pagtatasa Alamin ang iyong kakayahan. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon. MGA KASANAYAN KAYANG GAWIN HINDI PA KAYA 1. Natutukoy ang kumpas na WALANG TUNOG sa awit habang nakikinig. 2. Nakasusunod sa mga SIMBOLO ng KUMPAS at PAHINGA sa mga kilalang awitin. 3. Nakasusunod sa mga ibinigay na kumpas sa pamamagitan ng kilos ng katawan. 4. Nakaguguhit ng mga KUMPAS at PAHINGA ng isang kilalang awitin.
  • 44. 41 Musika 1 - Modyul 7 XII.Pagbubuo Natutuhan natin sa modyul na ito na gumagamit ang musika ng TUNOG at KATAHIMIKAN sa ilang awit.  Ano ang kaibahan ng TUNOG sa KATAHIMIKAN?  Anong salita ang ginagamit upang tukuyin ang KUMPAS NA WALANG TUNOG?  Buuin ang pangungusap: Ang kumpas ng awit ay tinatawag ding ____________________. Humihinto lamang ito kapag tapos na ang awit. I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Ikapitong Modyul sa Pagkatuto III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang lingo na tig- 30 minuto IV. Kabuuan ng Modyul: Ipinakikilala sa modyul na ito ang element ng ritmo. sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan, at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.
  • 45. 42 V.Batayan sa Pagkatuto/Layunin: Ang mag-aaral  nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmong:  Nasa metrong dalawahan  Nasa metrong tatluhan  Nasa metrong apatan  nakapaglalaro ng madadaling hulwarang metrong dalawahan, tatluhan at apatang sukat gamit ang kagamitang pansilid-aralan o anumang bagay na mapagkukunan ng tunog  nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato sa metrong dalawahan, tatluhan at apatan na may kasabay na kilos ng katawan VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama-sama ng tunog at katahimikan sa tamang tiyempo. VII. Mga Mapagkukunan: d. “Talbog Pataas” (Bounce High) Awiting pambata e. “Pan de Sal” Tugma f. “Tren” Tugma g. “Pedro Penduko” Awit na Pasalita ni M. Isleta
  • 46. 43 VIII. Mga Gawain Sa musika, ang kumpas ay maaaring ipangkat sa metrong dalawahan o metrong tatluhan. Awitin natin ang “Talbog Pataas” at magkunwaring may hawak na bola. “Talbog Pataas” Talbog Pataas, Talbog Pababa Ihagis ang bola kay Rita! Patalbugin ang Bola 1. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at saluhin ito habang umaawit. 2. Matapos awitin ang “Talbog Pataas” ng dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod. Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog. 3. Ano ang iyong napansin? Panuto: Makikita sa ibaba ang patayong guhit. Simbolo ito ng kumpas ng awit na “Talbog Pataas.” Lagyan ng ekis (X) ang ibaba ng guhit na may malakas na kumpas katulad ng pagtalbog ng bola. Gawain 1
  • 47. 44 Tingnan ang halimbawa: I I I I I I I I X Kantahing muli ang awit kasabay ng iyong boses na tumalbog katulad ng bola. Sa musika, tinatawag na MALAKAS NA KUMPAS ang may markang X at MAHINANG KUMPAS naman ang walang marka. Tingnang mabuti ang patayong guhit na may malaking letrang L at letrang H. Ang titik L ay para sa Lakas ng kumpas at H ay para naman sa Hina ng kumpas. Pumili ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS NA KUMPAS at MAHING KUMPAS. Ipakita ang ibig sabihin ng bawat guhit sa pamamagitan ng tamang paggalaw ng katawan. I I I I I I I I L H L H L H L H Upang maging madali ang pagsulat at pagbasa ng musika, gumagamit ang mga musikero ng guhit sa unahan ng malakas na kumpas. BAR LINES ang tawag dito. Ang puwang sa pagitan ng BAR LINES ay tinatawag na BAR.
  • 48. 45 Pagbilang ng Bars I I I I I I I I L H L H L H L H Ilan ang mga bar sa pagitan ng bar lines? ______ Napansin mo ba kung ilang kumpas ang nasa bawat bar? Kapag may dalawang kumpas sa bawat bar, ang awit ay gumagalaw nang dalawahan. Inilalagay ang simbolong 2 sa unahan ng awit upang ipakita na ang daloy ng awit ay may dalawahang sukat. Sa musika, ang ibig sabihin ng bilang ay ang SUKAT ng awit. Balikan ang Gawain 2. Isulat sa patlang sa unahan ng malakas na kumpas ang bilang na 2. Kantahing muli ang awit na “Talbog Pataas” habang sinusunod ang kahulugan ng L (lakas) at H (hina). Gawain 2
  • 49. 46 Pumili ng kilos ng katawan na magpapakita ng malakas na kumpas ng awit at gawin ito sa tuwing aawitin ang malakas na kumpas. Pagguhit ng Bar lines Panuto: Muli nating awitin ang “Leron, Leron, Sinta.” Gumawa ng patayong guhit upang maipakita ang kumpas ng unang bahagi ng awit . Lagyan ng panandang diin (>) ang malakas na kumpas. Gumuhit ng bar lines sa tamang lugar nito. Isulat ang bilang ng kumpas sa unahan ng awit . Pamagat Sukat LINYA 1 LINYA 2 LINYA 3 LINYA 4 Gawain 3
  • 50. 47 Napansin mo ba ang lugar ng mga MALAKAS NA KUMPAS ng awit? Saan nakikita ang MALAKAS NA KUMPAS sa bawat BAR? Hulaan ang Sukat Panuto: 1. Awitin ang “Pedro Penduko”. Lagyan ng patayong guhit ang bawat linya ng awit upang maipakita ang kumpas nito. 2. Lagyan ng panandang diin (>) ang bahagi ng awit na may malakas na kumpas. Isulat ang sukat ng awit sa patlang. “Pedro Penduko” (Awiting Pasalita) Pedro Penduko, kumain ng itlog, Nang hindi maligo iniwan ng kalaro. LINYA 1 sukat LINYA 2 Gawain 4
  • 51. 48 XIII. Pagtatasa Ngayon naman, awiting muli ang “Tren”. Pumalakpak ayon sa kumpas ng awit at sabayan ito ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS AT MAHINANG KUMPAS. Sukatin ang iyong kasanayang natutunan. MGA KASANAYAN Kayang Gawin Hindi pa Kaya 1. Nakaririnig ng malakas at mahinang kumpas. 2. Nakasusunod sa palatandaan ng malakas at mahinang kumpas. 3. Nakasusunod sa kumpas gamit ang paggalaw ng katawan. 4. Nakakikilala ng sukat ng alam na awit. 5. Nakaaawit ng awiting may sukat na dalawahan at tatluhan.
  • 52. 49 XIV.Pagbubuo Natutunan natin sa modyul na ito na ang KUMPAS ay maaaring MALAKAS o MAHINA at maaring pangkatin na may sukat na dalawahan (2-metro) o tatluhan (3-metro).  Ano ang hinahanap ng mga musikero bago maglagay ng bar lines sa isang awit?  Upang matukoy ang sukat ng isang awit, dapat bilangin ang __________________ na makikita sa bawat ________________________.
  • 53. 50 Musika 1 - Modyul 8 I. Nilalayong Antas: Baitang 1 II. Pamagat ng Modyul: Ikawalong Modyul sa Pagkatuto III.Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig- 30 minuto IV.Kabuuan ng Modyul: Layunin ng modyul na ito na suriin ang pag- unlad pangmusika ng mga bata bunga ng aktibong pakikilahok at pagkakalantad sa mga kaalamang pangmusika na nakapaloob sa Modyul 5-7. V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin: Ang mag-aaral  naipakikilala ang lahat ng kagalingang kinakailangang matamo mula sa mga nakaraang modyul VI.Mga Naunang Kasanayan at Pagtatasa: Naipakikita ng mag-aaral ang lahat ng kinakailangang kasanayang nakapaloob sa mga nabanggit na modyul. VII. Nilalaman/ Paksa:
  • 54. 51 a. Pag-aralang muli at suriin ang mga konsepto at kasanayang pinag-aralan sa Pangalawang Kuwarter.  Ano ang mga pagkaing nakukuha sa dagat o ilog?  Ating pag-aralan ang isang larong awit tungkol sa alimango.  Paano ba kumilos ang alimango?  Maglaro tayo gamit ang ating daliri sa kamay upang ipakita ang galaw ng isang alimango habang umaawit ng “Tong, Tong, Tong.” “Tong, Tong, Tong” Tong, tong, tong , tong Pakitong-kitong Alimango sa dagat Malaki at masarap Mahirap mahuli Sapagkat nangangagat.  Kaya mo bang iparinig ang kumpas ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong Unang Araw
  • 55. 52 kandungan habang umaawit? Aling salita ang may MALAKAS na kumpas?  Nalaman mo ba ang sukat ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong kandungan?  Ngayon, sagutan mo ang Gawain 1. i. Paglalapat:  Magpangkat-pangkat na tig-15.  Nalaman mo ba ang sukat ng awiting “Tong, Tong, Tong” sa pamamagitan ng pagtapik sa MALAKAS NA TUNOG nito?  Gumawa ng isang madaling OSTINATO o PAULIT-ULIT NA PAG-AWIT.  Pumili ng angkop na galaw ng katawan para sa ginawang OSTINATO.  Magsanay ng 5 hanggang10 minuto bago gawin ang gawain. ii. Pagbubuo: Paano mo ilalarawan ang presentasyon ng bawat pangkat?  Maghanda para sa kaparehong gawain sa susunod na araw.  Pumili ng isang awit na natutuhan at gumawa ng isang OSTINATO.  Ulitin ang naunang gawain.
  • 56. 53 Kung ikaw ay paawit kong babatiin sa iyong pangalan, kaya mo bang sumagot sa parehong tono? 1. Pagbuo ng Aralin Magkakaroon tayo ngayon ng presentasyon ng bawat grupo.  Matapos ang gawain, sagutin ang pagsasanay sa Gawain 2.  Maging tapat sa inyong mga sagot. 2. Pagbubuo  Alin sa mga gawaing ito ang pinakagusto mo. Bakit? VIII. Pangkalahatang Pagtatasa a. Batayan sa Pagganap Pagtataya Malinaw Umuunlad 1. Naging malinaw at tuloy-tuloy ang pagkumpas mula sa simula hanggang IKALAWANG ARAW Pagtataya 1
  • 57. 54 Pagtataya Malinaw Umuunlad katapusan ng awit. 2. Akmang nailapat ang PAHINGA, MAHABA at MAIKLING TUNOG ng awit. 3. Ang Ostinato na ginawa ng pangkat ay may kinakailangang pahinga, mahaba at maikling tunog. Ipakita ang iyong natutunan sa musika. Lagyan ng tsek () ang isa sa kahon. Pagtataya sa Sarili Kayang Gawin Hindi pa Kayang Gawin 1. Kasanayang Pangmusika: a)napakikinggan ang pagkakaiba ng tunog at katahimikan; b)nahahanap ang Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang Kuwarter
  • 58. 55 malakas at mahinang kumpas; c)nahahanap ang mahaba at maikling tunog; d)nakabubuo ng maikling ostinato; at e)napananatili ang tuloy- tuloy na pagkumpas. 2. Nakakukumpas nang tuloy- tuloy; at nakapapalakpak, nakaaawit, nakatatapik, at naisakikilos ang malakas at mahinang kumpas, mahaba at maikling tunog sa anumang uri ng ostinato. 3. Napakikinggan at nasasagot ang mga panuto at tuntunin; naipakikita ang akmang kilos; tuloy-tuloy na naipakikita ang pakikipagtulungan, pagtitimpi, paggalang sa isa’t isa, at pagkamamamayan.