14. Ang isang mabuting pinuno ay minamahal ng kanyang
nasasakupan. Siya ay may pantay na pagtingin dapat sa lahat
,makatarungan at marunong magpalakad ng gobyerno. Ang
kanyang iniisip ay kapakanan ng nakararami. Ang pangunahing
layunin niya ay maglingkod ng tapat.
Ngunit nakalulungkot isipin na sa panahon ngayon maraming
mamamayan ang nakakalimutan na ng ilan sa ating mga
umuugit na batas o mga taong inihahalal noong panahon ng
eleksiyon. Naklilimot ang ilan sa sinumpaan nilang tungkulin at
napababayaan ang mga taong dapat paglingkuran lalo na ang
nasa liblib na lugar o hindi matanaw o maabot.
15. Sa kabanata, ipinakilala ni Rizal ang isang mahusay na pinuno
sa katauhan ng Kapitan Heneral. Siya ay walang kinikilingan at
tapat sa kanyang nasasakupan. Sa kabila ng isang Kastila, ang
pagbibigay ng katarungan ay hindi ipinagkait maging sa mga
Pilipino. Pinakikinggan niya ang bawat panig at nagbibigay
papuri kung kinakailangan. Tulad ni ibarra na isa ring Pilipino,
siya ay pinapurihan ng kapitan heneral dahil sa kanyang mga
panukala at dahil alam niyang walang kasalanan ang binata,
nangako siyang tutulong upang maalis ang kanyang pagka-
excomulgado. Bukod pa rito, si Ibarra ay ipinagbilin ng Kapitan
Heneral sa alkalde upang hindi na maulit ang nangyari sa
tanghalian sapagkat ayon sa Kapitan Heneral, iyon ay
nakasisirang puri sa pamahalaan at sa lahat ng Kastila. Upang
lalo mo pang masaksihan ang mabuting pamamalakad ng Kapitan
Heneral kailangan mong basahin ang kabanata.
17. Pagkadating ng Kapitang-Heneral,
ipinahanap niya kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang
binatang Taga-Maynila na nagkamaling
lumabas habang nagsesermon sa misa si
Padre Damaso. Ang paglabas ng binata
sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso.
Namumutla at nginig ang buong katawan
ng binata ng pumasok siyang kausapin ng
Heneral. Ngunit nang lumabas na ito,
nakangiti na siya. Ito ay tanda ng
mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.
18. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng
kagawad ang mga prayle na sina Pari
Sibyla, Pari Martin, Pari Salvi at iba
pang mga prayle. Yumuko ang mga ito
at nagbigay galang sa Heneral. Dahil
hindi kasama si Padre Damaso, hinanap
siya ng Heneral. Sinabi nina Pari Sybila
at Pari Salvi na may sakit si Pari
Damaso. Matapos paupuin ng Kapitan
Heneral ang mga prayle ay siya na
mang pagdating nina Kapitan Tiago at
19. Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa
nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya ,
maaring nasaktan na ni Ibarra si Padre Damaso.
Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng
gantimpala si Maria na kaagad namang tumutol.
Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating
na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa
Heneral. Napansin ng Heneral na medyo
nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong
makaharap bago umaalis patungong Espanya.
Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya
nito sa paglilibot.
20. Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na
si Ibarra ay excomunicado. Pero,hindi siya
pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na
ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusta na
gumaling ito kaagad. Hindi nila natanggap na dahil
lamang kay Padre Damaso ay naging malamig ang
pagtanggap sa kanila ng Heneral. Umalis ang mga
prayle na may sama ng loob sa heneral at
nakasalubong si Ibarra ngunit walang batiang
nangyari maliban sa mga tinginang makahulugan.
Pagkakita ng Heneral kay Ibarra mabilis niya itong
kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang
ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala
ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo
21. Sa pagkukuwento, lumitaw na pinalad si Ibarra
na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral
noong siya’y nagpunta sa Madrid. Tinanong ng
Heneral kung wala man lang liham na tagubiling
dala si Ibarra para sa kanya. “Hindi na
kailangan ito”, ani ni Ibarra sapagkat lahat daw
ng mga Pilipino ay tinagubilin na sa Heneral. Sa
pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling
pananaw sa buhay, napagmunian ng Heneral na
matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili
ang lahat ng ari-arian at sumama na sa kanya sa
Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang
kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na
higit na matamis ang mamuhay sa bayang
22. Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni
Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang
kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala
niya si Maria, kaagad itong nagsalita at sinabi ng
Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang
kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa
kanya si kapitan Tiago.Ipinagugunita niya kay
Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si
Ibarra at umalis na. Pagkaalis ni Ibarra ay tinawag
ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang
alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi
na kailangang maulit pa ang naganap na
pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay
Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga
mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si
23. Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral.
Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan
ni Ibarra. Nang dumating si Tiyago kaagad na
binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng
kapuri-puring anak. Nagprisinta pa ang Heneral na
maging ninong sa kasal kahit hindi pa man naaayos
ang kasal.
Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra si Maria.
Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig
niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto
at sa halip ay si Sinang ang sumagot at pinalagos
ang kanyang boses sa susian ng pinto. Sinabi ni
Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin
sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si
28. Nakausap ni Ibarra ang
Kapitan Heneral at sinabi ng
huli sa una na siya ay labis na
nasiyahan sa kanyang
panukala na pagpapatayo ng
paaralan
29. Niyaya ng Kapitan Heneral si
Ibarra na sumama sa kanya sa
Espanya ngunit tumanggi ang
binata at sinabing kailangan
niyang mamuhay kung saan
namuhay ang kanyang mga
magulang
30. Nagkaroon ng
pagkakataon si Ibarra
na puntahan si Maria
Clara sa kanyang silid
ngunit hindi siya
hinarap ng dalaga
36. Makatuwiran si Rizal. Naniniwala siya
na sa bawat panlalahat ay may
edukasyon. Inilarawan ni Rizal ang
pagpuri niya sa mga Kastilang may
malawak na pag-iisip tulad ng Kapitan
Heneral. Dito napag-unawa na walang
kinikilingan si Rizal. Sinasabi niya
kung ano ang totoo lamang. Ang tunay
na dahilan ng paghihirap ng mga
Pilipino sa ilalim ng parnumuno ng mga
Kastila ay ang pakikisangkot ng mga