3. • “Sinadya ni Ibarra si Pilosopo Tasyo sa kanyang
tahanan upang humingi ng payo tungkol sa
paaralan na nais niya ipasimulan. Nadatnan
niya itong abalang-abala sa pagsusulat ng
hieroglyphics sa wikang Tagalog. Napansin
naman siya ng matanda at siya ay inanyayahan
nito. Binanggit ni Pilosopo na ang kanyang mga
sinusulat ay walang makakaunawa sa ngayon
sapagkat ang mga susunod na henerasyon ang
tanging makauunawa ng kanyang saloobin.
Ayon sa kanya, ang mga susunod na salinlahi ay
mga walang piring sa mata at gising sa
nangyayari sa lipunan.”
4. • “Nabanggit ni Ibarra na kahit siya ay dito
ipinanganak at lumaki, ramdam niya na palagay ng
mga tao na siya ay dayuhan lamang. Kung kaya't
kailangan niya ang payo ng matanda sapagkat ito ay
higit na kilala ng mga tao. Sumalungat naman si
Pilosopo at iminungkahi na dapat niyang isangguni
ang kanyang mga binabalak sa mga kinikilalang tao
sa lipunan, katulad ng Kura. Magbigay man ng
masasamang payo ang mga makapangyarihan sa
bayan, maipapakita naman ni Ibarra na ang kanyang
mga binabalak at ginagawa ay ayon sa
pinagkasunduan ng mga makapangyarihang tao sa
bayan. Mainam pa na pakunwari na lamang siyang
sumunod kaysa maging kalaban pa niya ang mga
iyon.”
5. • “Hindi naman ito lubos na sinang-ayunan ni
Ibarra sapagkat naniniwala siyang ang matuwid na
layunin ay hindi na kailangang balutan ng baluktot
na gawain. Buo ang paniniwala ni Ibarra na
sasang-ayunan siya ng pamahalaan at ng mga tao
sa bayan sapagkat ang kanyang ninanais ay ang
kapakanan ng nakararami. Hindi siya makumbinsi
ni Pilosopo Tasyo na ang kapangyarihan ng
simbahan ay higit pa sa kakayahan ng
pamahalaan. Lalo na ang pagsasabi niya dito na
kung nais niyang matupad ang kanyang mga
balakin ay marapat na yumuko muna siya sa mga
may kapangyarihan kung ayaw niyang walang
mangyari sa kanyang mga balakin.”
6. • “Hindi matanggap ni Ibarra ang mga sinabi sa kanya ni
Pilosopo Tasyo, sapagkat ang kanyang mga pananaw ay
ideolohiyang liberal, na kanyang nakamulatan sa pag-aaral
sa Europa. Ang mga ganitong prinsipyo ay hindi pa
katanggap-tanggap sa simbahan na siyang nagmamay-ari
ng lahat, pati ang buhay ng mga tao sa kanilang
nasasakupan. Inihalimbawa ni Pilosopo Tasyo ang
kalagayan ni Ibarra sa mga halaman: sa rosas na
yumuyuko rin sa hangin kapag hitik na ito sa mga bulaklak
at kung hindi ito ay mababali lamang; at sa puno ng
makopa na kailangan pa niyang tukuran upang kumapit
ang mga ugat nito sa lupa dahil kung hindi niya ito
gagawin ay ibubuwal lamang ito ng hangin. Ganito rin si
Ibarra sa kanyang pananaw. Isa siyang punong itatanim sa
mabatong lupain na nagmula pa sa bayan ng Europa-
kailangan niya ng makakapitan at masasandalan. Aniya,
hindi kaduwagan ang pagyuko sa kapangyarihan, ang
pagyuko at pag-iwas sa dumarating na punlo, mas mainam
iyon kaysa salubungin ang mga bala ng baril at tuluyan ng
hindi makabangon.”
7. • “Naglaro sa isipan ni Ibarra na paano kung
hindi lubos ang pagtulong ng simbahan sa
kanyang mga balakin dahil na rin sa ang
karunungan ay kaagaw ng simbahan sa
pagpapayaman at kung may maiiwan ba siyang
legacy sa kanyang mga binabalak para sa
bayan. Binigyan naman siya ng inspirasyon ni
Pilosopo Tasyo sa pagsasabi nito na hindi man
siya magtagumpay ay may uusbong na pananim
na siyang magpapatuloy ng kanyang mga
nasimulan. Nagpaalam na si Ibarra
pagkapahayag nito kay Pilosopo Tasyo sa
kanyang pakay sa kura.”