3. KASAYSAYAN NG PAMAHAYAGAN
SA PILIPINAS
Unang Anyo
Unang Pahayagan na Lumabas
nang Palagian
Panahon ng Pagbabago
Panahaon ng El Renacimiento at
Amerikano
Pahayagang Pampaaralan
TATALAKAYIN:
6. PAMAHAYAGAN
Ito’y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay
magpalimbag ng mga pahayagan at magasin
(Miller 425)
Isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay
magsulat ng mga bagay na maipalilimbag sa mga
pahayagan at iba pang mga peryodiko
(diksyunaryong Webster)
Isang gawaing pangangalap ng imformasyon,
pagsusulat, pag-eedit at paglilimbag o
pangangalap ng mga balita, maaring sa
pamamagitan ng mga pahayagan at magasin, o
kaya’y sa pamamagitan ng radyo at television
(diksyunaryong Webster)
7. SA KABUUAN:
Mabubuo rito batay sa katuturang
nabanggit na ang pamahayagn ay isang uri
ng gawaing kinapapalooban ng:
(1) Pagpapalimbag ng mga pahayagan,
magasin, polyeto, aklat, atb., at
(2) Pagbabalita sa radyo at/o televisyon, na
tumatalakay hinggil sa mga bagay na bukod
sa nakalilibang sa madla ay nagsasaad pa ng
mga pangyayaring tunay na nagaganap di
lamang sa sariling pook o bansa kundi gayon
din sa buong daigdig.
8. SAKLAW NG PAMAHAYAGAN
Sumasaklaw ang pamahayagan sa
tatlong gawain gaya ng sumusunod:
(1) Pagsulat- tulad ng pagsulat tulad ng
pagsulat ng mga pahayagn, magasin, at
iba pa
(2) Pagsasalita- na karaniwang nagaganap sa
radyo sa pamamagitan ng pagbabalita at
pamumuna o pagbibigay ng komentaryo
(3) Pampaningin- pagbabalita sa television, ng
mga on-the-spot-telecast na pagbabalita,
komentaryo, paanunsiyo, at iba pa.
10. MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG
PAMPAARALAN
A. Tulong sa Mag-aaral
1. Nasasanay ang mga mag-aaral sa makabuluhan at
nakawiwiling panunulat.
2. Masiglang nagkakaroon ang mga mag-aaral ng hilig,
panlasa at lugod sa pagbabasa.
3. Lumilinang ng kakayahan ng mag-aaral sa
pagmamasid at sa wastong pagpapahalaga sa mga
babasahin.
4. Napasisigla sila sa lalong maningning at mabungang
pag-aaral.
5. Nasasanay sila hindi lamang sa pag-akda at
panunulat kundi gayundin sa pamamahala, pagtuturo
at paghahanapbuhay, pati na rin sa magandang
pakikitungo sa kapwa, pagsusuri sa kasiningan at
kaaghaman ng mga bagay.
11. MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG PAMPAARALAN
B. Tulong sa Mag-aaral
6. Natuturuan sila ng wastong pagbasa ng mga
pahayagn at ng mga aklat.
7. Naglilinang sa kanila ng mataas na pamantayan ng
pagtutulungan, katapatang-loob, pagpapaumanhin,
pagkamaginoo, pananagutan, pagkukusa,
pamumuno at pagpapasunod.
8. Nabibigyan sila ng pagkakataong makasulat ng
iskript at makapagbrodkast nito sa radyo at/o
televisyon.
12. MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG
PAMPAARALAN
C. Tulong sa Paaralan
1. Naipapaalam sa mga magulang o sa bayan ang
gawain ng paaralan.
2. Naglalathala ang lahat ng uri ng balitang
pampaaralan.
3. Naglalathala ang mga kurukuro ng mga mag-
aaral,
guro, kawani o administrador ng paaralan.
4. Nag-uukol ng kolumna/pitak ng mga mungkahi ng
mga mag-aaral at ng kanilang mga magulang sa
lalong ikabubuti ng paaralan.
5. Nagtataguyod ng pagkakaisa ng mga pinuno ng
paaralan, guro, magulang at mag-aaral.
13. MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG
PAMPAARALAN
C. Tulong sa Paaralan
6. Tumulong sa paglinang ng mabuting pamantayan ng pag-
uugali ng mga kabataang mag-aaral.
7. Nagbibigay-daan sa pagkakaisa ng buong paaralan.
8. Nagpapasigla at nagbubunsod ng mga gawaing kapaki-
pakinabang.
9. Tumatangkilik sa pakikipag-unawaan at
pakikipagtulungan sa ibang paaralan.
10. Nag-aalaga at nagpapasigla sa diwang pampaaralan
gaya ng paglikha ng matangkilik na pag-ibig sa
tinubuang lupa.
11. Nagpapahayag at nagpapalaganap ng diwa ng idealismo na
higit kaysa materyalismo.
12. Lumilikha ng magaan na pagtutulungan ng mga magulang,
paaralan at pamayanan.
14. MGA LAYUNIN NG PAHAYAGANG
PAMPAARALAN
D. Tulong sa Pamayanan
1. Nagpapabatid sa pamayanan ng tungkol sa gawain
ng
paaralan.
2. Naglalathala ng balitang pampamayanan.
3. Nakakalikha ng paraan sa ikapagkakaisa ng
pamayanan at paaralan.
4. nagpapaunlad ng pagkakaunawaan ng pamayanan
at
paaralan.
5. nagpapaunlad ng diwang makapamayanan.
6. Nagpapasigla ng mahahalagang gawain ng
pamayanan
15. TABLOID- maliliit na pahayagan na
kakaunti
ang mga bahagi
Broadsheet- bukod sa malaki ay malawak
pa ang saklaw ng sirkulasyon, hindi
lamang pambansa, kundi pang-
internasyunal pa, ay napakarami nang
bahagi sa loob, ma
rami pang mga kasamang suplementong
bahagi.
19. BAHAGI NG PAHAYAGAN
1. Pahina ng balita
2. Pahinang pang-editoryal
a. folio
b. flag
c. kuwadrong patnugutan
d. Karikatura
e. Liham sa editor
f. tudling
g. editorial liner
20. BAHAGI NG PAHAYAGAN
3. Pahina ng opinion
4. Pahinang pampalakasan
a. folio
b. larawan
c. Sariling balita
d. Sariling lathalain
e. Sariling tudling
f. Sariling editorial
21. BAHAGI NG PAHAYAGAN
3. Pahina ng opinion
4. Pahinang pampalakasan
a. folio
b. larawan
c. Sariling balita
d. Sariling lathalain
e. Sariling tudling
f. Sariling editorial
22. BAHAGI NG PAHAYAGAN
5. Pahinang panlathalain
a. tudling ng pangunahing
lathalain
b. natatanging lathalain
c. lathalaing pampanitikan
d. mga larawan
6. Pahina ng edukasyon at tahanan
7. Seksyong panlipunan
23. BAHAGI NG PAHAYAGAN
8. Seksiyon ng mga balitang lokal
9. Seksiyon ng mga balitang banyaga
10. Pahina ng patnubay sa sine,
telebisyon at radio
11. Pahina ng balitang pambansa
12. Seksiyon ng pagsasaka
13. Seksiyon ng patnubay sa
sasakyang
dagat
24. BAHAGI NG PAHAYAGAN
14. Seksiyon ng anunsiyong
itinatanghal
15. Seksiyon ng anunsiyong
klasifikado
16. Pahina ng Komiks
17. Seksiyon ng Fashion & Beauty
18. Seksiyong pangnegosyo
19. Pahinang libangan
25. BAHAGI NG PAHAYAGAN
21. Bahagi ng pahinang pangmukha
a. Pangalan ng pahayagan
b. Tainga
c. Bandera
d. Ulo ng karaniwang balita
e. Tudling/ kolumna
f. Lupi
26. BAHAGI NG PAHAYAGAN
21. Bahagi ng pahinang pangmukha
g. May-ulat
h. Larawan
i. Kuwadro
j. Paliwanag ng larawan
k. Pamagat ng paliwanag ng
larawan
27. BAHAGI NG PAHAYAGAN
21. Bahagi ng pahinang pangmukha
l. Kicker
m. Dateline
n. Credit line
o. Deck
30. UNANG ANYO NG UNANG PAHAYAGAN
Sucesos Felices
ni Tomas Pinpin
Nagsimula ang kasaysayan
ng pamamahayag sa Pilipinas.
Bagama’t sinasabing hindi ito
maituturing na isang ganap na
pahayagan sapagkat isa lamang
pahayagang paliham, hindi
maitatatwang ito na ang una—
wala nang iba pang pahayagang
natala sa kasulatan na lumabas
noong 1637 maliban dito.
31. UNANG ANYO NG UNANG PAHAYAGAN
Ito’y nabibilang sa mga “hojas
volantes” (polyeto) na umiral
hanggang noong 1809.
Al publico (sa publiko) isa sa
sinasabing “hojas volantes” ay
lumitaw noong Pebrero 27, 1799.
32. UNANG PAHAYAGANG LUMABAS NANG PALAGIAN
PANGALAN
NG
PAHAYAGA
N
TAGAPATNUGOT/N
AGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Del Superior
Gobierno
Governador-Heneral
Manuel Fernandez de
Folgueras
Aug. 8, 1811 1832 Kauna-unahang
pahayagan sa
Pilipinas na
lumabas nang
palagian dahilan
sa kahigpitan ng
mga Kastila
hinggil sa mga
lathalaing
nakasisira sa
kanila.
La
Ezperanza
Felipe Lacorte at
Evaresto Calderon
Dec. 1, 1846 1849 Kinikilalang
unang
pahayagang
pang-araw-araw.
33. UNANG PAHAYAGANG LUMABAS NANG PALAGIAN
PANGALAN
NG
PAHAYAGA
N
TAGAPATNUGOT/N
AGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
La
Ezperanza
Felipe Lacorte at
Evaresto Calderon
Dec. 1, 1846 1849 Pamfilosopiya,
panrelihiyon, at
pangkasaysayan
ang kalimitang
nauukol ang
talakayan.
Naghawan ng
landas para sa
pang-araw-araw
na pahayagan.
Diario de
Manila
Felipe del Pan Oct. 11,1848 Feb. 19,
1898
Patuloy itong
lumalabas sa
loob ng apat (4)
na taon at
tumigila lamang
upang magbigay-
34. UNANG PAHAYAGANG LUMABAS NANG PALAGIAN
PANGALAN
NG
PAHAYAGA
N
TAGAPATNUGOT/N
AGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Diario de
Manila
Felipe del Pan 1848 Sa isang opisyal.
Ngunit muling
inilathala
hanggang 1899
nang maging
maligalig ang
katayuan ng
Pilipinas.
El Comercio Ulpiano Fernandez Pahayang pang-
araw-araw
35. UNANG ANYO NG UNANG PAHAYAGAN
Ang iba pang pahayagang
nakipagpaligsahan sa larangan ng
pamahayagan ay ang La Oceania Espanola,
Diario de Filipinas, Correo de Manila, El
Porvenir Filipino, Revista Marcantil, Diario
de Avisos, El Catolico, Revista Mercantil, El
Catoliko Filipino.
39. PANAHON NG PAGBABAGO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUGO
T/NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Republika Filipinas
La Revolucion
El Heraldo de
Revolucion
La Independencia
Pedro A.
Paterno
Antonio Luna
Sept. 3, 1898 Nov. 11,
1900
Maliit na
pahayagang
inilathala upang
lalong pag-alabin
ang damdamin
ng himagsikan.
Pahayagan na
mapanghimagsik
Gaceta de Filipinas
(dating El Heraldo
Filipino, Heraldo de
Filipno, Indice
Oficial)
Sept. 29, 1898 Oct. 14,
1899
Ofisyal na
pahayagan ng
Rebolusyonaryon
g Pamahalaan.
40. PANAHON NG PAGBABAGO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUGO
T/NAGTATAG
TAON
SINIMULA
N
TAON
NATAPO
S
DATOS
Gaceta de Filipinas
(dating El Heraldo
Filipino, Heraldo de
Filipno, Indice
Oficial)
Sept. 29,
1898
Oct. 14,
1899
Inilathala nito ang
tekstong ofisyal
na mga utos ng
pamahalaan,
gayon din ng
ilang balita at
mga tulang
Tagalog na
naglalaman ng
pagmamahal sa
bayan.
La Republika
Filipina
Pedro A.
Paterno
Sept. 15,
1898
1899 Halos lahat ng
mga pahayagang
ito na umiiral
lamang sa
maikling panahon
ay nagkakaisa
La Libertad Clemente Jose
Zulueta
Hunyo 20,
1898
41. PANAHON NG PAGBABAGO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUG
OT/NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Ang Kaibigan Nang
Bayan
(Malolos, Bulkan)
1898 sa
pakikipaglaban
para sa
kasarinlan ng
bansa.
Columnas Volantes
(Lipa Batangas)
1899
La Federacion
(Kabatuan, Iloilo)
1899
El Nuevo Dia
(Cebu)
Sergio
Osmeňa
1900 Isa sa mga
unang
makabayang
pahayagan.
Dumaan ito sa
mahigpit na
sensura at
dalawang beses
na sinuspindi
42. EL RENACIMIENTO AT PANAHON NG AMERIKANO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUG
OT/NAGTATAG
TAON
SINIMULA
N
TAON
NATAPOS
DATOS
El Renacimiento Rafael Palma 1901 Pahayagang
nagpanatili ng
damdaming
makabayan ng mga
Pilipino. Masiglang
pangangampanya
laban sa mga di-
matapat at
mandaraya sa
pamahalaan.
El Debate Ramon Torres Pahayagang
makabayan.
Taimtim na
tumataguyod ng
kampanya para
matamo ang
kalayaan sa Estados
Unidos
La Opinion
Los Obreros
La Vanguardia
*Taliba
*Matapos
ideklara ang
Batas Militar
noong Sept. 21,
1972
43. EL RENACIMIENTO AT PANAHON NG AMERIKANO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUG
OT/NAGTATA
G
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
La Democracia Pahayag
pampolitika
Consoledacion
Nacional
Manila Daily Bulletin Carson Taylor Feb. 1, 1900 Matapos
ideklara
ang Batas
Militar
noong
Sept. 21,
1972
Pahayagang nauukol
sa pagbabapor ngunit
nang malaunan ay
nagtaglay na rin ng
iba’t ibang balita.
Nabili ni Hanz Menzi
noong Hunyo 12
Cable News Israel Putman Isinama sa
kalaunan sa
pahyagang
American na
naging Cablenews-
American
Philippine Free Press Hukom
*Kincaid
1907
*Aug. 19,
Magasing Ingles na
umiral nang
44. EL RENACIMIENTO AT PANAHON NG AMERIKANO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUG
OT/NAGTATA
G
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Graphic Ramon
Roces
Hulyo 1927 Naging kalaban ng
Phil. Free Press
Napahinto ang
paglilimbag bago
sumapit ang
pananakop ng mga
Hapones at
nagpatuloy mula
lamang noong
Mayo 25, 1948 sa
ilalim ng bagong
pangalang Kislap
Liwayway Ramon
Roces
Nov. 18, 1922 Isang babasahing
magasin sa
Pilipinas na
nakasulat sa
wikang Tagalog
45. EL RENACIMIENTO AT PANAHON NG AMERIKANO
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUGOT/N
AGTATAG
TAON
SINIMULA
N
TAON
NATAP
OS
DATOS
Manila Times Thomas Golwan
Willmott Luis
Oktubre 11,
1898
Marso 15,
1930
Binili ni Alejandro
Roces Sr.
Philippines Herald Vicente Madrigal
Manuel Earnshaw
Tomas Earnshaw
Ramon Fernandez
Teodoro R. Yangco
Mauro Prieto
At iba pang
milyonaryong
Pilipino
Agosto 8,
1920
Matapos
ideklara
ang
Batas
Militar
noong
Sept. 21,
1972
Pahayagang
panghapon
Naging bahagi na
lamang ito kalaunan
ng naging kawing na
pahayagan ni
Alejandro Roces Sr.
na DMHM (Debate,
Mabuhay, herald,
Monday Mail)
Phil. Review at
Pillars
Tanging naging
popular sa mga
magasing inilathala
noon ng Hapon
46. PANAHON NG PAGPAPALAYA
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUG
OT/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
Newsweek
Daily Pacifican
Yank
Stars
Stripes
1945
(Panahon ng
‘Liberasyon’)
Pahayagan ng
sundalong Amerikano
Free Philippines
(Leyte)
Office of War
Information ng
punong himpilan
ni Heneral
Douglas
MacArthur
1945 Ang kopya nito ay
ipinamahagi nang
walang bayad.
Bagong Buhay, *Taliba, The
Philippines Press, *The Manila
Chronicle, the Comet, The
Courier, The Express, The Fil-
American, The Filipino
Observer, The Freedom, The
Guerilla, The Liberal, The Daily
Mail, The Phil Liberty News,
The Manila Post, The
Progress, Voz de Manila, The
Victory News, The Evening
Herald, atbp.
*Matapos
ideklara
ang
Batas
Militar
noong
Sept. 21,
1972
Lihim na umusbong
ang mga
pahayagang ito sa
dahilang nais ng
mamamayan ang
balitang nahihinggil
sa loob at labas ng
bansa.
47. PANAHON NG PAGPAPALAYA
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
TAGAPATNUGO
T/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
TAON
NATAP
OS
DATOS
The Morning Sun Sergio Osmeňa
Sr.
Abril 1946
Daily News
Balita
Manuel A. Roxas Pahayagan ng Partido
Liberal
Daily Mirror Manila Times
Publishing Co.
Mayo 2, 1949 *Matapos
ideklara
ang
Batas
Militar
noong
Sept. 21,
1972
Ang pahayagang
ito at ang Evening
News lamang ang
pahayagang
panghapon
makalipas ang
digmaan
Mabuhay Amado V.
Hernandez
Hindi rin nagtagal
ay ipinagbili ng mga
Manahan nang si
Hernandez ay
puspusang
lumahaok sa
politika (1955-1956)
49. PANAHON NG PAGPAPALAYA
Matapos na ideklara ang Batas Militar noong
Setyembre 21, 1972 kagyat na naglaho sa
sirkulasyon ang lahat ng mga pahayagan noon
ngunit hindi nagtagal ay may lumabas na ring
mga tabloid. Unang linggo pa lamang ng
sumunod na buwan ng Oktubre 1972 ay lumabas
na ang unang sipi ng tabloid na Mabuhay at
Sitsiritsit. Nagsunuran ng lumabas ang mga
pahayagang Times Journal, People’s Journal,
Tempo, ang Taliba, Metro Manila Times, The
Guardian, Pahayagang Malaya, Mr. & Mrs.
Veritas, Filipino Times, Philippine Signs at iba’t
iba pang mga pahayagang lokal na karaniwa’y
nasusulat sa Pilipino o sa wika ng rehiyong
50. PANAHON NG PAGPAPALAYA
Sa kasalukuyan ay marami nang
pahayagang broadsheet na pang-araw-araw
gaya ng sumusunod:
Sa Filpino ay kabilang ang Malaya at
Kabayan at sa Ingles ay kabilang ang Manila
Bulletin, The Philippine Star, The Philippine
Daily Inquirer, Manila Standard, The Manila
Times, The Philippine Post, The Business
World, Sun Star, Business Mirror, Standard
51. PANAHON NG PAGPAPALAYA
Sa mga tabloid ay kabilang ang: Abante,
Abante Tonite, Bagong Titik, ang Balita,
Balitang Sariwa, Bandera, Bulgar, Daily
Aiwan, Diario UN 1, People’s Journal,
People’s Tonight, Pilipino Star Ngayon,
Remate, Remate Tonight, Taliba at Tumbok.
Ang mga bagong labas naman ay ang
Bomba, Hataw, Tanod (dyaryo ng Bayan) at
Diyaryo Kongreso (Politica Newspaper).
52. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN (PAMANTASAN)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPATNUG
OT/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
DATOS
The College Folio Pamantasan
ng Pilipinas
Dean Hariet
Fansler
1910
Torch Paaralang
Normal ng
Pilipinas
1912
Varsitarian Pamantasan
ng Santo
Tomas
Guidon Ateneo de
Manila
Far Eastern
University
National
University
53. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPATNUG
OT/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
DATOS
Manila
University
The Weekly
Sillimanian (tWS)
Silliman
University
1903
54. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN (MATAAS NA PAARALAN)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPATNUG
OT/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
DATOS
The Coconut Manila High
School
Carlos P.
Romulo
1912
La Union Tab La Union High
School
1923
The Lagunian Laguna High
School
1925
The Pampangan Pampanga
High School
1925
The Leytean Leyte High
School
1925
The Rizalian Mataas na
Paaralan ng
Rizal
1926
55. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN (MATAAS NA PAARALAN)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPATNUG
OT/
NAGTATAG
TAON
SINIMULAN
DATOS
The Coconut Mataas na
Paaralan ng
Tayabas
1927
The Volcano Mataas na
Paaralan ng
Batangas
1927
The Toil La Union
Trade
1928
The Samarian Mataas na
Paaralan ng
Samar
1928
The Melting Pot Mataas na
Paaralan ng
Tarlac
1929
The Granary Mataas na
Paaralan ng
Nueva Ecija
1929
56. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN (MATAAS NA PAARALAN)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
The Torres Torch Mataas na Paaralan ng Torres 1930
The Cagayan
Student’s Chronicle
Mataas na Paaralan ng
Cagayan
1931
The Chronicler Mataas na Paaralan ng
Arellano
Mapazete Mataas na Paaralan ng Mapa
Newsette Mataas na Paaralan ng
Maynila
Wheel Mataas na Paaralan ng
Manuel Roxas
Gasette Jose Abad Santos
Molave Mataas na Paaralan ng
Villamor
57. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGKATAPOS ANG PANAHON NG BATAS MILITAR)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Ang Sulo Mataas na Paaralan ng
Torres
Hunyo
1956
Ang Gabay Mataas na Paaralan ng
Mapa
Ang Moog Mataas na Paaralan ng
Araullo
1957
Ang Tinig Mataas na Paaralan ng
Jose Abad Santos
1957
Ang Lagablab Mataas na Paaralan ng
Pilipinas sa Agham
1970
58. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGSAPIT NG PANAHONG SENTINYAL)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Ang Agong MSU Iligan Institute of
Technology
Ang Aninag Negros Occidental High
School, Bacolod City
Ang Bagiw Baguio City High
School
Ang Banyuhay Quezon City Science
High School
Ang Bangan Nueva Ecija High
School, Cabanatuan
City
59. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGSAPIT NG PANAHONG SENTINYAL)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Ang Baranggay Lakandula High School
Ang Batis Mariano Marcos High
School, Manila
Ang Gabay Mapa High School
Ang Gintong
Panitikan
E. Quirino High School,
Manila
Ang Gulong Manuel Roxas High
School, Manila
60. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGSAPIT NG PANAHONG SENTINYAL)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Kalasag Raja Soliman High
School, Manila
Malaya Marcelo H. del Pilar
High School, Malolos,
Bulacan
Mulawin Villamor High School,
Manila
Pabaon Binalonan High School
Ang Pag-asa E. Quirino High School
61. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGSAPIT NG PANAHONG SENTINYAL)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Ang Silahis Ramon Magsaysay
High School
Ang Silangan Zamboanga del Norte
National High School
Tambuli Arellano High School
Tanglaw Ramon Magsaysay
High School
Tilamsik Gregorio Perfecto High
School
62. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
(PAGSAPIT NG PANAHONG SENTINYAL)
PANGALAN NG
PAHAYAGAN
PAARALAN TAGAPAT
NUGOT/
NAGTATA
G
TAON
SINIMU
LAN
DATOS
Ang Tinig Kalookan High School
Ang Ubod Manila Science High
School
Wika Sergio Osmena High
School
63. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
Naging lalong aktibo ngayon ang mga
pahayagang pampaaralan sa paglahok sa mga
patimpalak sa pagsulat ng iba’t ibang sulatin sa
pagtataguyod ng Secondary Schools Press
Conference na idinaraos taon-taon.
Sa alinmang patimpalak na itinataguyod ng
SSPC, pandivisyon man, panrelihiyon o
pambansa, dalawang kategorya ang nilalahukan
ng ga kinatawang mamamahayag-estudyante: (1)
individuwal (2) pangkatan
65. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
Sa individwal:
1. Pagsulat ng balita (Filipino at Ingles)
2. Pagsulat ng Editorial (Filipino at Ingles)
3. Pagsulat ng Lathalain (Filipino at Ingles)
4. Pagsulat ng balitang pang-isports (Filipino at Ingles)
5. Pagwawasto at pagsulat ng ulo ng balita (Filipino at
Ingles)
6. Photo-Journalism (Filipino at Ingles)
7. Editorial Kartuning (Filipino at Ingles)
66. MGA PAHAYAGANG PAMPAARALAN
Sa Paligsahang Pangkatan:
8. Pag-aanyo (layouting sa Filipino at Ingles)
9. Pahina ng balita (Filipino at Ingles)
10. Pahina ng Panitikan at Lathalain (Filipino at
Ingles)
11. Pahina ng Isports (Filipino at Ingles)
12. Komunikasyong Developmental (Filipino at
Ingles)
13. Pahinang Pang-agham (Filipino at Ingles)
14. Pinakamagaling na pahayagang pampaaralan
68. KATUTURAN NG BALITA
Isang ulat na hindi pa nailalathala, hinggil sa
mga ginagawa ng mga tao na inaakalang
pananabikang mabatid at mapaglilibangan ng
mga mambabasa (Alejandro 19).
Isang imformasyon hinggil sa isang
pangyayaring naganap na, nagaganap pa
lamang, o magaganap pa sa isang tiyak na
hinaharap, ngunit hindi pa alam ng marami, na
may kaugnayan sa kabuhayan, katahimikan,
edukasyon, pulitika, isports, kalusugan at/o
paniniwalang panrelihiyon.
69. “Ano mang bagay na hindi mo
alam nang nagdaang araw ay
isang balita”
-- Turner Catlege
Tagapangasiwang Editor ng The New York Times
70. Ito ay maaaring maibahagi sa
pamamaraang pasalita, pasulat at
pampaningin.
Pasalita
kung ang ginawang midyum ay ang
radio at telebisyon;
Pasulat
kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at
iba pang uri ng babasahin; at
Pampaningin
kung ang midyum ay ang telebisyon at
sine.
72. KATEGORYA NG MGA BALITA
1. KABAGUHAN
Ang anumang balita hinggil sa
pagtuklas o imbensiyon, ang
pinakahuling moda o istilo, tulad ng
pinakabagong tuklas na pamalit na
panggatong na kilala bilang “Kero-gas”
o “Kero-tano”
73. KATEGORYA NG MGA BALITA
2. “Personal Impact”
Halimbawa:
Ang pagtaas ng presyo ng langis ay
nagpalala sa pagbagsak ng kabuhayan
sa bansa sapagkat nagkaroon ito ng
“chain reaction” tulad ng pagtaas ng
pamasahe at pagtaas ng halaga ng
mga pangunahing bilihin.
74. KATEGORYA NG MGA BALITA
3. Balitang Panglokal
Binibigyan ng kalapitan ang mga
kaganapan sa lokalidad.
75. KATEGORYA NG MGA BALITA
4. Pera
Balita hinggil sa kinikita, suweldo, pagtaas
ng buwis, implasyon at loteriya.
Halimbawa:
Sino ang nanalo sa sweeptakes? Magkano
ang tinatanggap ng simbahan mula sa
Philippine Amusements and Gaming
Corporation (PAGCOR) para sa mga
kawanggawang mga proyekto?
76. KATEGORYA NG MGA BALITA
5. Krimen at Kaparusahan
Halimbawa:
Ang tangkang pagpatay ng dalawang
beses laban sa dating Pangulo ng Polytechnic
University of the Philippines (PUP) na si Dr.
Nemesio Prudente at sa bantog na si
Gobernador Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan.
77. KATEGORYA NG MGA BALITA
6. Kasarian (Sex)
Ito'y nagbibigay ng kawilihan na
karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-
aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo.
Nailalarawan rin ang mga kasarian,
halimbawa kung ang isang babae ang pinuno
ng mga bandido o kung ang naihalal na
pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni
Gloria M. Arroyo.
78. KATEGORYA NG MGA BALITA
7. Tunggalian
Ang mga balitang tungkol sa giyera at
rebolusyon “coup d’etat” o magulong
demonstrasyon, kasama rin ang panloob na
tunggalian ng tao sa hindi makataong
pakikitungo, pakikibaka sa pagitan ng masama
at mabuti, ang agwat ng mahirap at mayaman
ay pawang pagtutunggalian.
79. KATEGORYA NG MGA BALITA
8. Relihiyon
Halimbawa:
Paggunita sa mahal na araw, ang
preperensiya sa pagboto ng mga tagasunod
ng Iglesya ni Kristo, ang paghalal ng bagong
Santo Papa, mga himala ng mga Santo at ng
Birheng Maria.
80. KATEGORYA NG MGA BALITA
9. Sakuna at Trahedya
Halimbawa:
Ang mga namatay sa bagyo o baha, ang
pagsabog ng Philipppine Airlines Jetliner
malapit sa Ninoy Aquino International Airport,
ang paglubog ng barkong Doña Paz ay ilan sa
mga maaaring ihanay sa uring ito.
81. KATEGORYA NG MGA BALITA
10. Pagpapatawa
Balita hinggil sa emosyon ng tao,
matandang anekdota at mga kartoon na
nagpapasigla sa pahayagan.
82. KATEGORYA NG MGA BALITA
11. Pantaong Interes
Balita hinggil sa mga damdamin ng
tao: kabutihan, kalupitan at tagumpay.
83. KATEGORYA NG MGA BALITA
12. Sikat na Tao
Halimbawa:
Ang dating Pangulong Corazon Aquino ay
laman ng lokal at internasyonal na mga
babasahin dahil sa pangyayari na naibalik ang
demokrasya sa Pilipinas sa paraang
mapayapa, na naging huwaran sa buong
mundo.
84. KATEGORYA NG MGA BALITA
13. Taya ng Panahon
Sa buong mundo, ang mga tao ay interesado
sa kalagayan ng panahon. Ang mga tao sa
Pilipinas, tinatanggap ang taya ng panahon na
may kalakip na puna. Kung minsan ang ulat ng
PAGASA hinggil sa taya ng panahon ay hindi
kapani-paniwala.
85. KATEGORYA NG MGA BALITA
14. Pagkain at Inumin
Ilan sa mga bagong alak ay
nakapagpapasigla sa araw ng mga
mayayaman at kilalang tao. Subalit ang
kakulanagan sa pagkain sa mga lugar na
dinaanan ng lindol ay lalong nakatatawag ng
pansin sa mga mambabasa.
86. KATEGORYA NG MGA BALITA
15. Grupo ng Balita
Ito’y hinggil smga katutubo, tulad ng
mga Mangyan ng Mindoro o mga
Manobo sa Mindanao ay isang
halimbawa.
107. URI AYON SA LAYUNIN
1. Tuwirang balita (Straight News)
Ito’y tuwirang nagsasalaysay ng
pangyayaring naganap. Ang
nakatatawag-pansin dito ay ang pagiging
bago ng pangyayari. Pangunahing
layunin nito ang maghatid ng
imformasyon at pangalawa lamang ang
pagdudulot ng aliw.
108. URI AYON SA LAYUNIN
2. Balita ng kasalukuyang pangyayari
(Spot News)
Ito ang balita ng pangyayaring kasalukuyang
nagaganap o kagaganap-ganap pa lamang.
Bihirang-bihirang mapalabas sa pahayagang
pampaaralan ang ganitong uri ng balita, ngunit
sa mga pahayagang broad sheet ang ganitong
uri ng balita ay malimit na may puwang. Ang
ganito namang uri ng balita ang paborito ng
mga reporter sa radyo at television.
109. URI AYON SA LAYUNIN
3. Inaasahang balita (Anticipated News)
Tumutukoy naman ito sa balita ng
pangyayaring matagal nang naganap at alam
na ng di-iilang mambabasa bago pa malathala
bilang isang balita. Karaniwan ang ganitong
uri ng balitang lumalabas sa mga pahayagang
pampaaralan, pandalubhasaan at
pampamantasan na buwan, quarterly, o
semestral ang labas.
110. URI AYON SA LAYUNIN
4. Paunang balita (Advance News)
Ito naman ay tumutukoy sa mga balita ng
pangyayaring magaganap pa lamang sa isang
tiyak na panahon sa isang tiyak na lugar sa
hinaharap. Karaniwang nakakabilang sa
ganitong uri ng balita ang pagbabalita ng mga
gawaing pang-isports na magaganap sa
hinaharap, tulad ng idaraos na pabasketbol,
pabeisbol, pati na ang magaganap na
paseminar, pakomvensiyon, at kauri.
111. URI AYON SA LAYUNIN
5. Balitang Kinipil (News Brief)
Ito naman ang balitang pinaikli, binuod
na lamang, upang mapagkasiya sa maliit
na ispasyo. Karaniwan sa mga pinaikling
balita ang nagbuhat sa isang mahalagang
balita, ngunit bunga ng kakulanagan sa
ispasyo ay piaikli na lamang para sa
kabatiran ng higit na nakararaming
mambabasa.
112. URI AYON SA LAYUNIN
6. Bulletin at Flash
Ang flash ay karaniwang nagbabanta ng
isang malaking balita, samantalang ang
bulletin ay isang ulat ukol sa isang laganap
nang balita. Ang bulletin ay pauna na
tugaygay na balita, samantalang ang flash ay
pauna ng isang malaking balita.
Kabilang din sa uri ng balitang flash ang
isang ulo ng balita na nasa unang pahina,
ngunit ang istorya ay nasa ibang pahina.
113. URI AYON SA LAYUNIN
8. Tugaygay na balita (follow-up
news)
114. URI AYON SA LAYUNIN
9. Balitang pinaganda (colored news) o
lathalaing balita (featured news)
Ito ay balita ng isang pangyayari na
pinaganda ang paghahatid ng imformasyon
upang maging higit na kawili-wili o kaya’y higit
na makapagbigay-aliw sa mambabasa.
115. URI AYON SA LAYUNIN
9. Balitang di-totoo (false news)
Karaniwan itong balita ng mga likhang pangyayari o
inimbentong pangyayari. Maiikling ulat na gaya nito ang
madalas lumabas o nailalathala sa mga pahayagang
tabloid, ngunit ang pag-iimbento ng mahahalagang
balita ay bihirang makita. May nagsasabing ngayon ang
panahon na maraming lumalabas na istoryang
pamulaan ng kawilihang-tao –human interest story,
artifisyal ngunit madulang ulat o istorya.
116. URI AYON SA LAYUNIN
10. Balitang pampublisidad (publicity news)
Nagsasaad ito ng pagpapakilala sa madla ng
isang tao, bagay, pook o pangyayari, na hindi
pa kilala ngunit mahalagang makilala.
117. URI AYON SA LAYUNIN
11. Balita ng pagkilala (recognition news)
Ito naman ang balita ng kahanga-hangang
nagawa ng isang tao o ng isang pangkat. Kasama
rito ang pagtatampok sa mga proyektong
pambayan, pambansa o pampaaralan. Ito ang
nararapat na gamitin ng mga reporter sa mga
paaralan kung may nagkakaloob ng mga donasyon,
iskolarship, teaching chair, professorial chair, at iba
pa
118. URI AYON SA LAYUNIN
12. Balitang Interpretative
Ang balitang ito ay nagbibigay-diin sa
pagsusuri at pagpapaliwanag ng malalim na
dahilan ng mga pangyayari upang lalong
madaling maunawaan ng mambabasa.
Binibigyang-halaga nito ang pagbibigay-
liwanag sa dahilan ng masalimuot na pag-
unlad ng pag-uugnayan ng mga tao sa
lipunan, politika at kultura. Ginagamit ito ng
mga reporter upang mapalitaw ang tunay na
kahalagahan ng balita o pangyayari sa mga
119. URI AYON SA LAYUNIN
13. Balitang developmental
Ito ang mga balitang nauukol sa mga
pangyayaring may kaugnayan sa mga
kaunlaran ng bayan, lalawigan, rehiyon at
buong bansa. Halimbawa ang pagtatayo ng
tulay na San Juanico sa Samar-Leyte.
120. URI AYON SA LAYUNIN
14. Balitang Investigative
Ito ang pinakabagong paraan ng
pagbibigay ng balita. Dahil sa hindi na
nasisiyahan ang mga reporter sa
pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga
pangyayari, kaya’t ginagawa na nilang
personal na magsiyasat sa mga pangyayari.
121. URI AYON SA LAYUNIN
15. Printable News
Ito ang mga balitang ang pangyayari’y itinuturing na
nagdudulot ng kabutihan sa mamamayan, tuwiran man o di-
tuwiran. Kabilang sa ganitong kategorya ang mga pangyayaring
napapaloob sa sumusunod:
A. Pananalapi ng bayan
B. Kalusugan ng mamamayan
C. Ang dahilan ng mababang performance ng mga mag-aaral sa
agham at matematika kahambing ng mga mag-aaral sa
ibang bansa.
122. URI AYON SA LAYUNIN
D. Epekto sa kabuhayan ng di pagbibigay-diin ng pamahalaan sa
pagtatalaga ng sapat na badjet para sa kaunlaran ng
pagsasaka sa buong bansa.
E. Epekto sa kalidad ng edukasyon sa bansa sa di-pag-uukol ng
malaking bagjet sa edukasyon para matustusan ang pagtatayo
ng sapat na dami ng mga paaralan, sapat na dami ng mga
batayang-aklat ng mga mag-aaral, ang pagpapanatili sa 40
estudyante man lamang bawat klase, at pagtataas man lang ng
suweldo ng guro kapantay kung hindi man nakakataas nang
kaunti sa suweldo ng mga pulis.
123. URI AYON SA LAYUNIN
16. Unprintable news (mga balitang di-mainam
ipalimbag)
Kabilang sa ganitong mga balita ang
nakakasira sa pagkatao o pangalan ng isang
taong nasasangkot. Ang dahilan ay upang
huwag masira ang kanyang pangalan nang
hindi pa napapatunayan ang katotohanan ng
mga pangyayari sa kanyang buhay.
124. URI AYON SA LAYUNIN
17. Science Journalism at Science Writing
Ang Science Writing ay inihahanda ng may-akda
para sa mga taong ang pinagpakadalubhasaan ay
kapareho ng sa may-akda. Ito’y para sa mga taong
nabibilang sa iisang linya. Pangunahing pinaglilimbagan
nito ay mga journal, magasin at huli na ang pahayagan.
Ang Science Journalism ay ang pagsulat hinggil sa
agham o mga bagay na teknikal para sa kaunawaan ng
karaniwang mamamayan at hindi para lamang sa mga
nakatapos sa mga dalubhasaan at pamantasan. Ito’y
sumasaklaw sa newspaper writing at technical writing.
126. HAKBANG SA PAGSULAT NG BALITA
1. Pangangalap ng mga ideya at
impormasyon
2. Pagsusuri sa mga ideya at impormasyon
3. Pagpapahayag ng layunin
4. Paggawa ng plano
5. Pagsulat
6. Pagsusuri, Pagwawasto at Pagbabago
127. KAAYUSAN NG BALITA
Ang kaayusan ng paglalahad ng
mga datos sa balita ay sumusunod sa
baligtad na piramide tulad ng nasa ibaba:
129. BATAYAN SA PAGSULAT NG BALITA
1. Pabuod na pagkakabuo
2. “Salient” na pagtatampok
Sa pamamagitan ng pamatnubay na
pangungusap
3. Kombinasyon na pagkakabuo
Ang pamatnubay na pangungusap ay
binuod ang dlawang tampok na pangungusap
at saka binuod sa mga sumusnod na talata.
4. Tabulasyon
Sinusundan ng buod na pamatnubay ang
pangungusap na karaniwang ginagamit sa mga
paligsahan.
130. BATAYAN SA PAGSULAT NG BALITA
5. Interpretasyon ng pamatnubay na
pangungusap.
6. Buod ng balita
Nakakalat o sunod-sunod, maaaring nasa
ilalim ng malaking paksa, ang bawat isa ay
may petsa, pook ng kaganapan at may
karaniwang paksa.
132. PAMAMARAAN SA PAGSULAT NG BALITA
1. Itala ang kaugnayan
2. Pag-ugnayin sa pamamagitan ng:
a. Paggamit ng salitang nag-uugnay tulad ng: gaya,
sa kabilang dako, samantala, ito, iba pa, tulad atbp
b. pag-uulit sa nakaraang paksa.
3. Gumamit ng paghahambing sa mga maikling talata subalit
may pagkakaiba sa haba.
4. Bawat talata ay tumatalakay sa iisang paksa lamang.
Buuin ang mga talat upang maiwasan o magpalit ng hindi
nagbabago ang pagtalakay, maliban sa paggamit ng
parirala.
133. PAMAMARAAN SA PAGSULAT NG BALITA
5. Iwasan ang nakasasawang paggamit ng tuwiran at
di-tuwirang sipi ng mga sinasabi. Pantay na
paggamit ng buod, tuwiran at di-tuwirang sipi ng
mga sinabi. Iwasan din ang paggamit ng tuwirang
sipi nang higit sa dalawang magkasunod na talata.
6. Ang balita ay kinakailangan tumalakay nang wasto
upang magbigay ng malinaw na kaisipan,
makatawag pansin at tiyak subalit hindi magulo ang
mga detalye.