SlideShare a Scribd company logo
1 of 54
PANALANGIN
PAG-UULAT NG PANGKAT
ISA
MOTIVATION (PANGPAGANA)
ARALIN: 1
ANG RETORIKA.
ANO ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay isang
mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa
sining ng maganda at kaakit-akit na
pagsusulat at pagsasalita.
(Sebastian, 1967)
BAKIT MAHALAGA ANG
RETORIKA?
Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa
o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang
makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay-
bagay.
Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika
magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at
interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika
ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal.
Mawawala ang ating pagkakaisa.
KAHULUGAN
NG
RETORIKA
Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang
tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang
sariling pananaw, karanasan at lawak ng
tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang
kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na
ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa
dipinisyon ng retorika.
◊Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa
nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o
tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na
Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang
isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa
pormal na pananalumpati.
◊Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng
lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at
kaisipan ng ibang tao.
◊Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o
lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula,
radio, pahayagan at telebisyon.
◊Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang
pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng
ipinapahatid ng mga naturang simbolo.
-Kenneth Buke.
◊Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at
pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng
malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Tumangan, Sr. 13
◊Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-
akit na pagpapahayag maging pasalita o pasulat.
-Rubin 46
◊Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng
pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at
kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat.
Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan-
Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap-
Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng
malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Sebastian, 1
◊Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang
seminar tungkol sa retorika na ginanap sa PNU (Pebrero
6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod:
a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay
siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.”
b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o
makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit
na mga paraan ng paghimok.”
c. Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento
ng pagsulat.”
d. Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng
wika pagkat may iba’t ibang pamilian o
alternatibo.
Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng
salita ay dinidikta ng gramatika at ang tamang paggamit ng
salita upang mabuo ang pangungusap.
Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng
mga salita upang makapaghatid ng pinakamabisang
mensahe.
Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating
ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
KASAYSAYAN
NG
RETORIKA
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa
pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito
rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay
maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa
kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy,
lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos
at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa
kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng
ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay
mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na
kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga
nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong
pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang
pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon;
ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing
argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental
statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments);
at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning
makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa
mga konkretong katibayan (concrete evidence).
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng
pakikipagtalo sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang
siglo bago dumating si kristo. makaraang bumagsak ang
kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon
ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang
kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen.
Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa
mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-
apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang
katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng
matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo
ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng
kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa
pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c.
470–399 B.C.)
Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban
sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang
kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang
sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya
ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya,
ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin
ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon
si Isocrates (c. 436–338 B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng
pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma
ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang
kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng
nakabiting pangungusap na mayaman
sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322
B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of
Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng
nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang
pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga
kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng
pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa
tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad
o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng
mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan:
ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon
ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip
na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang
halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma,
katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa
kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang
ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting
panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu
ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging
mabuting tao ka muna upang maging mabuting
mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga
hugnayang nakabiting pangungusap.
Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na
naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na
salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga
pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong
deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa
hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at
talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si
Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong
panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at
madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay
ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
KAHALAGAHAN
NG
RETORIKA
Anu-Ano nga ba kahalagahan ng
Retorika sa…..
 Edukasyon
 Relihiyon
 Pamayanan
o Pulitika
ANO ANG
KAHALAGAHAN
NG RETORIKA
PARA SA LAHAT?
Ang kahalagahan ng Retorika ay
maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa
isang putahe. Ito’y nakapagbibigay lasa sa isang
sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may
bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din
dito ang kalaliman ng isang tao. Ito’y pinag
iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng Retorika.
DEPINISYON NG
RETORIKA
Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang
pagpapahayag na sumasaklay sa maraming
sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya
ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa
pagpapahayag, sulat, memo, ulat, pagsusuri,
pamanahong papel, paghahanda sa mga
proposal ng mga proyekto o anu mang klase na
may kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.
SANGKAP NG
RETORIKA
Ang kaisipang gustong ipahayag-
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais
nating magpahayag. May mga mahahalagang
kaisipang nais ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon-
Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang
paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng
pagkakabuo.
Ang Istilo ng Pagpapahayag-
Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang
kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o
komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng
pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng
balarila kungdi maging sa panitikan.
UGNAYAN NG WIKA,
KULTURA
AT
SOSYOLOHIYA.
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kutura ng
isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling
gamitin, ay malapit na malapit, MAGKAKAMBAL.
Samakatuwid masusukat ang kultura ng tao sa
kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika.
Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika
ayon sa tayog ng kanyang kultura.
LAYUNIN NG
MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating
kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung
kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring
kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa
maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng
mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong
papel(term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal
ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na
kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na
tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral
ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.
MGA
KAHALAGAHAN NG
MARETORIKANG
PAGPAPAHAYAG
1. Kahalagahang Pangrehiyon - Napahihikat ang iyong
tagapakinig na mananatili sa kanyang paniniwala at huwag
lumipat ng sasamahan.
2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may
responsibilidad na palutangin ang mga kahalagahang
makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais
na umunlad ang kanyang buhay ay may puhunang kilangan
gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang maretorikang pang-
a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi.
4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay
ngayon sa larangan ng pulitka ay likha ng personalidad at
popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa
pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong
boboto sa isang kandidato.
KANON O BATAS
NG
RETORIKA
Imbensyon:
Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso
ng paghahanap ng mga argumento na
magagamit para sa isang talumpati na
maaring sa paraang induktibo o
deduktibo.
Ang Induktibo ay ang pagbuo ng
pankalahatang kongklusyon mula sa
partikular na linya ng pangangatwiran.
Ang Deduktibo ay tumutukoy sa
pangangatwiran o mga impormal na
anekdota.
Pagsasaayos:
Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa
talumpati gayundin sa pagsasaayos o
pagbabalangkas sa mga sumusunod:
I. Introduksyon o Panimula.
II. Narasyon o paglalahad ng
mahahalagang punto tungkol sa isang
isyu.
III.Paghahain ng mga patunay sa kasong
tinatalakay.
IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian
ng mga katuwiran.
V. Kongklusyon na tumutukoy sa
nabuong hinuha matapos
mailahad ang isang talumpati.
Istilo:
Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng
mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o
ebidensya.
Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita,
pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap,
paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan
at kagandahan ng pagpapahayag.
Memorya:
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang
isang talumpati o mga mahahalagang punto ng
isang talumpati upang maging maayos ang
pagbigkas nito sa harap ng publiko.
Deliberasyon:
Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o
pagbigkas kung saan kinokontrol ang
modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng
mga ankop na kumpas sa isang talumpati upang
higit itong maging mabisa.
ANG RETORIKA
SA PROSESO NG
MABISANG
PAGPAPAHAYAG.
Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay
may mahalagang papel na ginampanan.
Kung susuriin ang isang pangungusap o
pahayag, maliwanag na makikita at lilitaw na
hindi sapat ang balarila lamang kundi
kailangan din ang retorika upang ito’y maging
mabisa.
Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may
kakulangan naman sa hikayat, kulay at kagandahan,
hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang
pahayag.
Hindi maitatanggi kung ganoon na ang retorika ay
isang sangkap na kailangang kasama ng balarila
upang magkaroon ng init at buhay ang
pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na
binibitawan ng tao.
Retorika

More Related Content

What's hot

ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
 
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahayg
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahaygAng retorika tungo sa masining na pagpapahayg
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahaygJonah Salcedo
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagCool Kid
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatsjbians
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 

What's hot (20)

Ekspositori o Paglalahad
Ekspositori o PaglalahadEkspositori o Paglalahad
Ekspositori o Paglalahad
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahayg
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahaygAng retorika tungo sa masining na pagpapahayg
Ang retorika tungo sa masining na pagpapahayg
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
FIL1
FIL1FIL1
FIL1
 
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, PagtawagPaghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
Paghihimig, Pag-uulit, Pagdaramdam, Pagtawag
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
 
Anyo ng pagpapahayag
Anyo ng pagpapahayagAnyo ng pagpapahayag
Anyo ng pagpapahayag
 
Fil 3a
Fil 3aFil 3a
Fil 3a
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
11. pagsasalin
11. pagsasalin11. pagsasalin
11. pagsasalin
 
Mga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng TagapakinigMga Uri ng Tagapakinig
Mga Uri ng Tagapakinig
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 

Viewers also liked

Retorika at Mabisang Pagpapahayag
Retorika at Mabisang PagpapahayagRetorika at Mabisang Pagpapahayag
Retorika at Mabisang PagpapahayagCyrylle Joie Vales
 
19th century world of Jose RIzal
19th century world of Jose RIzal19th century world of Jose RIzal
19th century world of Jose RIzalJomar Basto
 
Development of Nationalism in the Philippines
Development of Nationalism in the PhilippinesDevelopment of Nationalism in the Philippines
Development of Nationalism in the PhilippinesAlyssa Bless Cutines
 
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENT
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENTPHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENT
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENTYanne Evangelista
 
2 introduction to microeconomics and macroeconomics
2 introduction to microeconomics and macroeconomics2 introduction to microeconomics and macroeconomics
2 introduction to microeconomics and macroeconomicsPrem Raj Bhatta
 
Rizal in the 19th Century Philippines
Rizal in the 19th Century PhilippinesRizal in the 19th Century Philippines
Rizal in the 19th Century PhilippinesGenesis Felipe
 
Social structure of Spanish to Pilipinos
Social structure of Spanish to PilipinosSocial structure of Spanish to Pilipinos
Social structure of Spanish to PilipinosEduc_Louie Tanaka
 
Kasaysayan ng retorika sa daigdig
Kasaysayan ng retorika sa daigdigKasaysayan ng retorika sa daigdig
Kasaysayan ng retorika sa daigdigMariel Bagsic
 
Chapter 1 Microeconomics Intro
Chapter 1 Microeconomics IntroChapter 1 Microeconomics Intro
Chapter 1 Microeconomics IntroNasriQ YaziD
 

Viewers also liked (13)

Retorika at Mabisang Pagpapahayag
Retorika at Mabisang PagpapahayagRetorika at Mabisang Pagpapahayag
Retorika at Mabisang Pagpapahayag
 
19th century world of Jose RIzal
19th century world of Jose RIzal19th century world of Jose RIzal
19th century world of Jose RIzal
 
Development of Nationalism in the Philippines
Development of Nationalism in the PhilippinesDevelopment of Nationalism in the Philippines
Development of Nationalism in the Philippines
 
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENT
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENTPHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENT
PHILIPPINE NATIONALISM NATURE AND DEVELOPMENT
 
Rizal in 19th Century - World Events
Rizal in 19th Century - World EventsRizal in 19th Century - World Events
Rizal in 19th Century - World Events
 
2 introduction to microeconomics and macroeconomics
2 introduction to microeconomics and macroeconomics2 introduction to microeconomics and macroeconomics
2 introduction to microeconomics and macroeconomics
 
Microeconomics
MicroeconomicsMicroeconomics
Microeconomics
 
Rizal in the 19th Century Philippines
Rizal in the 19th Century PhilippinesRizal in the 19th Century Philippines
Rizal in the 19th Century Philippines
 
Social structure of Spanish to Pilipinos
Social structure of Spanish to PilipinosSocial structure of Spanish to Pilipinos
Social structure of Spanish to Pilipinos
 
Kasaysayan ng retorika sa daigdig
Kasaysayan ng retorika sa daigdigKasaysayan ng retorika sa daigdig
Kasaysayan ng retorika sa daigdig
 
Komposisyon
KomposisyonKomposisyon
Komposisyon
 
Modyul number 3
Modyul number 3Modyul number 3
Modyul number 3
 
Chapter 1 Microeconomics Intro
Chapter 1 Microeconomics IntroChapter 1 Microeconomics Intro
Chapter 1 Microeconomics Intro
 

Similar to Retorika

What is rhetorics
What is rhetoricsWhat is rhetorics
What is rhetoricsFAITHMARIE
 
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvwFILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvwYollySamontezaCargad
 
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptxYollySamontezaCargad
 
RETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptxRETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptxEDNACONEJOS
 
Pagtuturo at pagtataya sa wika
Pagtuturo at pagtataya sa wikaPagtuturo at pagtataya sa wika
Pagtuturo at pagtataya sa wikaRaymorRemodo
 
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...GIFTQUEENSAAVEDRA
 
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxPresentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxRazelAmato3
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfhyperpj80
 

Similar to Retorika (20)

Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
What is rhetorics
What is rhetoricsWhat is rhetorics
What is rhetorics
 
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvwFILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
FILIPINO 3-.pptx abcdefghijklmnopqrstuvw
 
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx
4-5 FIL 3 kasysayan RETORIKAkatangianElemento.pptx
 
ANG RETORIKA.pptx
ANG RETORIKA.pptxANG RETORIKA.pptx
ANG RETORIKA.pptx
 
RETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptxRETORIKA FIL 103.pptx
RETORIKA FIL 103.pptx
 
Ang Retorika Bilang Disiplina
Ang Retorika Bilang DisiplinaAng Retorika Bilang Disiplina
Ang Retorika Bilang Disiplina
 
Pagtuturo at pagtataya sa wika
Pagtuturo at pagtataya sa wikaPagtuturo at pagtataya sa wika
Pagtuturo at pagtataya sa wika
 
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...
Batayang Kaalaman sa Mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang P...
 
Sining ng pagtatalumpati-handout-final
Sining ng pagtatalumpati-handout-finalSining ng pagtatalumpati-handout-final
Sining ng pagtatalumpati-handout-final
 
RETORIKA2.pptx
RETORIKA2.pptxRETORIKA2.pptx
RETORIKA2.pptx
 
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxPresentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
 
Retorika at Diskurso
Retorika at DiskursoRetorika at Diskurso
Retorika at Diskurso
 
Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
Retorika
RetorikaRetorika
Retorika
 
Kabanata 1.pptx
Kabanata 1.pptxKabanata 1.pptx
Kabanata 1.pptx
 
W ikapptx
W ikapptxW ikapptx
W ikapptx
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdf
 

Recently uploaded

Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxLeahArizala1
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.KathleenAnnCordero2
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxPAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxKathreenIelDeVera
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanJoannaJoyMercado
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxLAWRENCEJEREMYBRIONE
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10cathyrinebuhisan2
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxEumariePudadera1
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ferdinandsanbuenaven
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptxjemarabermudeztaniza
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralinErickaCagaoan
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanChristineJaneWaquizM
 

Recently uploaded (20)

Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptxPaggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
Paggamit ng mga Uri ng Pangungusap sa Iba’t.pptx
 
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
Kontemporaryung isyu sa panahon ng bansa.
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptxPAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
PAGBASA At PANANALIKSIK- 2ND PRESENTATION.pptx
 
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralanCO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
CO42023-2024.pptx, karahasan sa paaralan
 
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptxFilipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
Filipino-COTUgnayang-Sanhi-at-Bunga.pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
El Filibusterismo Kabanata 7-10 (Grade10
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
 
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
ibongadarnappt-lesson 1.pptx................................
 
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptxTimog-Silangang Asya PILIPINAS     .pptx
Timog-Silangang Asya PILIPINAS .pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
15. Dacdac, Karyll F. DLP o banghay aralin
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahanSimuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
Simuno at Panaguri kahulugan at kahalagahan
 

Retorika

  • 5. ANO ANG RETORIKA? Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. (Sebastian, 1967)
  • 6. BAKIT MAHALAGA ANG RETORIKA? Ang RETORIKA ay ang pagpapahayag o pagsasalita sa harap ng isa o maraming tao, sa makatuwid mahalaga ang retorika upang makapagpahayag ka ng iyong mga nararamdaman sa mga bagay- bagay. Mahalaga ito sa pang araw-araw dahil kapag walang retorika magiging napakatahimik ng mundo at walang komunikasyon at interaksyon ang magaganap sa bawat isa, hindi magagamit ang wika ng bawat isa at wala nang pagkaka-intindihan sa bawat indibidwal. Mawawala ang ating pagkakaisa.
  • 8. Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan at lawak ng tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa dipinisyon ng retorika.
  • 9. ◊Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o tagapagsalita sa isang pagpupulong. Matatandaan na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati. ◊Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.
  • 10. ◊Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon. ◊Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinapahatid ng mga naturang simbolo. -Kenneth Buke.
  • 11. ◊Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag. -Tumangan, Sr. 13 ◊Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit- akit na pagpapahayag maging pasalita o pasulat. -Rubin 46
  • 12. ◊Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsusulat. Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan- Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap- Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. -Sebastian, 1
  • 13. ◊Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa retorika na ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga sumusunod: a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.” b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”
  • 14. c. Richard Whattley: “Ang Sining ng Argumento ng pagsulat.” d. Ang Retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo.
  • 15. Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusang ng salita ay dinidikta ng gramatika at ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap. Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng mga salita upang makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan sa bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o nagbabasa.
  • 17. Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy, lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
  • 18. Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento: ang proem o introdusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments); at ang konklusyon. naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
  • 19. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang siglo bago dumating si kristo. makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
  • 20. Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag- apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.)
  • 21. Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain. Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).
  • 22. Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
  • 23. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para sa pangangatwirang induktibo.
  • 24. Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting pangungusap.
  • 25. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa ngayon ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga mabubulaklak at madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
  • 27. Anu-Ano nga ba kahalagahan ng Retorika sa…..  Edukasyon  Relihiyon  Pamayanan o Pulitika
  • 29. Ang kahalagahan ng Retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito’y nakapagbibigay lasa sa isang sulatin o kaya’y kapag ang isang tao ay may bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito’y pinag iisipan. Napakasarap din pakinggan ng mga salitang ginamitan ng Retorika.
  • 31. Ang retorika ay sining ng mabisa at magandang pagpapahayag na sumasaklay sa maraming sangkap na may kaugnayan sa pagsusulat gaya ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa pagpapahayag, sulat, memo, ulat, pagsusuri, pamanahong papel, paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto o anu mang klase na may kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.
  • 33. Ang kaisipang gustong ipahayag- Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May mga mahahalagang kaisipang nais ipahayag Ang pagbuo o organisasyon- Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng pagkakabuo.
  • 34. Ang Istilo ng Pagpapahayag- Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng balarila kungdi maging sa panitikan.
  • 36. Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kutura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit, MAGKAKAMBAL. Samakatuwid masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura.
  • 38. Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri, pamanahong papel(term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.
  • 40. 1. Kahalagahang Pangrehiyon - Napahihikat ang iyong tagapakinig na mananatili sa kanyang paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan. 2. Kahalagahang pampanitikan - ang mga nanunulat ay may responsibilidad na palutangin ang mga kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng karanasan.
  • 41. 3. Kahalagahang Pang-ekonomiya - ang sinumang nagnanais na umunlad ang kanyang buhay ay may puhunang kilangan gampanan at ito ay palaguin. Taglay ang maretorikang pang- a lot sa mga nagnanais na makakumbinsi. 4. Kahalagahang Pampulitika - marami sa mga matgumpay ngayon sa larangan ng pulitka ay likha ng personalidad at popularidad ng maretorikang pahayag. Ang isa sa pangunahing puhunan upang makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang kandidato.
  • 43. Imbensyon: Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaring sa paraang induktibo o deduktibo.
  • 44. Ang Induktibo ay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran. Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran o mga impormal na anekdota.
  • 45. Pagsasaayos: Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas sa mga sumusunod:
  • 46. I. Introduksyon o Panimula. II. Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isang isyu. III.Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.
  • 47. IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran. V. Kongklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang talumpati.
  • 48. Istilo: Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.
  • 49. Memorya: Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko.
  • 50. Deliberasyon: Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga ankop na kumpas sa isang talumpati upang higit itong maging mabisa.
  • 51. ANG RETORIKA SA PROSESO NG MABISANG PAGPAPAHAYAG.
  • 52. Sa mabisang pagpapahayag, ang retorika ay may mahalagang papel na ginampanan. Kung susuriin ang isang pangungusap o pahayag, maliwanag na makikita at lilitaw na hindi sapat ang balarila lamang kundi kailangan din ang retorika upang ito’y maging mabisa.
  • 53. Wasto man ang gamit ng mga salita, kung may kakulangan naman sa hikayat, kulay at kagandahan, hindi rin maituturing na mabisa ang alinmang pahayag. Hindi maitatanggi kung ganoon na ang retorika ay isang sangkap na kailangang kasama ng balarila upang magkaroon ng init at buhay ang pakikipagkomunikasyon at ang mga pahayag na binibitawan ng tao.