1. Kabihasnan
Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng
kaunlaran ng isang lipunan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao
kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag
at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o
bahagi lámang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating
makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang
wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing
intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili
Sibilisasyon
Ang sibilisasyon ay ang klase o estado ng pamumuhay sa isang
lungsod o lugar.
Ito ay estado ng lipunan kung saan may sariling historical at cultural
na pagkakaisa o unity.
Ang ibig sabihin ng sibilisasyon ay ang mga ibinahagi o itinuro sa
bansang sinakop nito.
Buong sistema ng pamumuhay pagiisip, at pagkilos ng mga tao sa
isang lugar
Ang sibilisasyon ay nagmula sa salitang-ugat na civitas, na
salitang Latin. Ibig-sabihin ng civitas ay lungsod. Kung gayon, ang
sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod.