1. Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo
sa Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan
ng Palompon Institute of Technology
Palompon, Leyte
Isang Pananaliksik na Iniharap
kay Gng. Jennifer Gorumba
sa Assignaturang Filipino II
sa Palompon Institute of Technology
Palompon, Leyte
Ikalimang Grupo
Jenelyn Fernandez
Jeraldyn Abellano
Ronilyn Ruiz
Jaysa Aragon
Ruth Almada
Careen Khie Ardiente
Lourise Archie Subang
March 12, 2010
i
2. Kabanata I
INTRODUKSYON
“Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais tayo na ito’y
matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay
makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin
ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat
niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na
makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta sa performans ng mga mag-
aaral.
Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa sa pag-aaral na
inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga
bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa.
Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito
nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino. Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito
ay isa na may mababa na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin
ngunit kailangang tangapin.
Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mga mananaliksik ay
naglalayon na matulungan ang ating mga guro sa pagdetermina kung anu-ano ang mga
epiktibong estratihiya ang magagamit upang mas mapaunlad pa ang performans ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino.
1
3. Bakgrawnd ng Pag-aaral
Lahat ng tao ay may iba’t-ibang ideya tungkol sa pagtuturo. Para sa isang mag-aaral, ito
ang pangunahing gawain ng guro upang siya’y makakuha ng bagomg kaalaman sa mga bagay-
bagay o pangyayari sa paligid.
Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng departamento ng edukasyon upang
mapalawak ang kaalaman mg bawat Filipino patungkol sa sariling wika at ang mga kagamitan
nito. Ayon kay Abad at Ruedas, ang mga may-akda ng librong, Filipino Bilang Tanging Gamit
sa Pagtuturo, “Ang Wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung
ano ang partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.” Dahil dito, binigyang
diin ng bawat paaralan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino.
Ayon rin kay Leticia F. Dominguez, ang may-akda ng librong Hiyas ng Filipino
Pansekundarya, “Ang mga aralin sa wika ay naglalayong luminang ng kakayahang komunikatibo
at ng kasanayang gumamit ng Wikang Filipino sa iba’t-ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na
buhay. Samakatuwid, ang binibigyan ng higit na diin ay ang gamit ng Wika sa halip na ang
istruktura nito na siyang kalakaran ng ilang nagdaang panahon. May mga aralin ding nagpapakita
ng angkop na anyo ng Wika na gagamitin sa sitwasyon”. Kaya importante na maituro nang
maayos ang asignaturang ito sa lahat ng mag-aaral sa pang-akademiko at maiaplay sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
Makikita natin sa bawat paaralan ang mga suliranin na dapat bigyang pansin sa pagtuturo
ng asignaturang Filipino lalong-lalo na kung ang mga estudyante ang pag-uusapan. Una,
nakakawalang gana sa mga estudyante ang pag-aaral ng asignaturang Filipino, sapagkat wala
silang interes na matutunan ito. Pangalawa, pinagwawalang bahala nila ang pag-aaral ng
asignaturang Filipino sapagkat para sa kanila, ito’y hindi napapakinabangan pagkatapos ng
2
4. kanilang pag-aaral, lalong-lalo na sa mga estudyante na nais pumunta sa ibang bansa. Patungkol
naman sa mga guro, ang mga suliranin na nakakaapekto sa kanilang pagtuturo ay ang mga
sumusunod: Una, sila ay nagtuturo ng asignaturang Filipino kahit na hindi ito ang kanilang
“Field of Specialization” sapagkat konti lang ang kumukuha ng mayorya sa asignaturang Filipino
kaya kulang ang mga guro na nagtuturo sa nasabing asignatura. Pangalawa, madalas isinasaisip
nila na ang asignaturang Filipino ay madaling maintindihan kaya hindi sila nag-aaral ng malalim
para sa pagtuturo na nakaapekto rin. Ito ay isang tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo.
Gayunpaman, mas binigyang diin din ng departamento ng edukasyon ang programa para sa
pagpapahusay ng wikang Ingles kaysa Filipino.
Pangkayariang Konseptual/Theoritikal
Ang pinanghahawakang teorya ng pag-aaral na ito ay ang mga teorya patungkol sa mga
salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng asignaturang Filipino sa mga estudyante.
Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina Maria Rita D.
Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t-ibang teorya tungkol sa proseso ng pagkatuto at
mga salik na nakakaapekto dito pati na rin mga pamamaraan sa pagtuturo. Una na rito ay ang
likas na proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung ito ay intensyonal na
proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at karanasan. Pangalawa, ay hangad sa
proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay nakasalalay sa maayos na representasyon
ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman, ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay
ang bagong impormasyon sa dating alam na sa mas makabuluhang paraan. Pang-apat, pag-iisip
na may estratehiya, ang matagumpay mag-aaral ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang
paraan ng pag-iisip upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano ang
3
5. iniisip, mataas na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng mental na operasyon sa
malikhaing pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga konteksto,
sinasabi na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na
ang kultura, teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay ang motibasyon at
ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo ang isang mag-aaral sa
pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng isang mag-aaral ay
naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at kaugalian sa pag-iisip.
Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng motibasyon pati na rin ang sarili. Ang
pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita sa paggawa ng mga gawain na bagaman
mahirap ay nagagawa dahil sa personal na interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na
gawin ito.
Ayon naman sa impluwensya ng pagdebelop, ang pagkatuto ay pinakaepektibo kung iba-
iba ang debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa pisikal, intelektwal, emosyonal at sosyal na
kapaligiran. Ang pagkatuto rin ay naiimpluwensyahan ng pakikisalamuha, relasyon sa sarili at
pagkakaroon ng komunikasyon sa iba.
Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal rin ay nakakaapekto rin sa
pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t-ibang estratehiya ay kakayahan para matuto
mula sa kani-kanilang karanasan maging ng lahi. Mas matututo rin ang isang mag-aaral kung ang
lingwahe, kultura at sosyal na background na iba-iba ay napag-isa. Batayan rin kung paano
itinuturo ang asignatura, paraan ng pag-ases at batayan kung may natutunan. Ayon naman kay
Vygotsky sa librong “Effective Teaching” na tinuran ni Aquino (2003), ang paggamit ng
scaffolding ay isang mabisang paraan sa pagbibigay ng kaalaman na ginagamit upang punan ang
gap ng guro at estudyante.
4
6. Isa pang teorya na ayon sa sikolohistang si David P. Ausubel na tinuran ni Aquino
(1998), natututo ang mag-aaral mula sa berbal na material─ sinasalita at sinusulat. Kaugnay
naman nito ang apat na bagay na pagtuunan ng pansin at mabigyan ng estratehiya, ang pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat na ang mga estratehiyang gamit sa pagtuturo ay nakabase sa
pisiolohikal, sikolohikal, linguistic at sosyolohikal na estruktura.
Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang tradisyunal na pamamaraan
ayon kay Acero at Javier (2000), ang karaniwang gawain ng mag-aaral ay ang pagbibigay ng
kahulugan, katuturan, pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga pangungusap at iba pa. Ang
lahat ng paksa sa aralin ay nakatuon sa mga nakasulat sa aklat.
Ayon naman kay Bustos at Espiritu (1985) na tinuran ni Laurente, nakakaimpluwensya sa
pag-unawa ng estudyante ang paraang gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa
makatuwid, nakasalalay sa asal at estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais
niyang maunawaan ng estudyante.
Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang pagkatuto at hindi sa titser at
pamamaraan ng titser lamang. Ang estudyante pa rin ang pipili kung gaano siya kabilis matututo.
Ang guro lamang ay tumutulong may kailangan ang estudyante.
5
7. Wikang Gamit sa
Pagtuturo
Guro
Epekto sa
Nakapagdalubhasa performans ng mga
sa Filipino mag-aaral na
Batsilyer sa Filipino kumukuha ng
Hindi Nagmedyor asignaturang
ng Filipino Filipino
Pamamaran ng
Pagtuturo
Tradisyunal/Subject/
Teacher-centered
Makabago/Learner-
centered
FIGURE 1. Ito ay nagpapakita kung papaano ang isang guro (ayon sa nakuha nitong degree sa
pagtuturo at ang kabihasaan sa paggamit ng wikang gamit bilang medium ng instraksyon) gamit
ang mga pamamaraan ng pagtuturo ay nakakaapekto sa performans ng mga mag-aaral na
kumukuha ng asignaturang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na matugunan ang ilan sa mga problema na may kaugnayan
sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino. Ang mga problema na
nagangailangan ng kaukulang pansin ay ang sumusunod:
6
8. 1. Anu-ano ang mga salik sa epektibong pamamaraan na nakakaapekto sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino?
2. May malaking kaibahan ba ang tradisyunal na pamamaraan sa makabagong pamamaraan ng
pagtuturo?
Ipotesis
1. Mga epektibong pamamaraan sa pagtuturo.
2. May malaking kaibahan ang makabagong pamaraan ng pagtuturo kaysa sa tradisyunal na
pagtututro.
Iskop at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa personal at propesyonal na salik (sa parte ng
guro) na siyang mas may malaking epekto sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ito’y tungkol din sa mga “psychological” o “emotional” na epekto sa mag-aaral kung
papaano maipapahayag ng maayos ang mga ideya o konsepto sa asignaturang Filipino ng bawat
guro gamit ang Wikang Pambansa.
Ang Palompon Institute of Technology ang siyang pangunahing “source” ng mga
impormasyon sa pananaliksik na ito. Kapag nalaman na ang mga estratihiya at metodo na
makatutulong sa pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino, ito’y agad na maiaaplay sa
mataas na paaralan ng Palompon Institute of Technology para mapaunlad ang lebel ng
performans ng mga mag-aaral.
Sa pag-aaral na ito, mahihinuha ang tatlong dahilan kung bakit ito isinasagawa. Una,
para malaman kung ano ang mga salik na nakapagdudulot ng mga epektibong paraan ng
pagtuturo sa asignaturang Filipino. Pangalawa, nakapaglahad ng solusyon o rekomendasyon na
7
9. makatutulong sa pagpapaunlad ng pamamaraan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Pangatlo,
para mapalawak ang kaalaman ng mga guro sa iba’t ibang epektibong pamamaraan sa pagtuturo
ng asignaturang Filipino.
Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay naglalayon na matuluyang malaman ang
lahat ng posibleng salik na makakatulong sa pagpapaunlad ng mga paraan sa pagtuturo ng mga
guro sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralan ng PIT.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ay ginawa upang tulungan ang mga guro sa pagtuturo ng mga
pamamaraan sa pagtuturo ng epektibo sa asignaturang Filipino. Gayundin ang mga estudyante
upang sila ay medaling matuto sa nasabing asignatura.
Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong pamamaraan ng pagtuturo base sa mga
suliranin ng mga guro sa pagtuturo.
Mga Guro ng Asignaturang Filipino. Sila ang unang makakakuha ng benepisyo ng pag-aaral
na ito, sapagkat mas madadagdagan pa ang mga estratehiya nila sa pagtuturo at mababawasan
ang pag-aalala ng guro sa kung papaano ituturo ang isang aralin sa asignaturang Filipino.
Gayunpaman, mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura. Mula
sa pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na pag-uunawa sa pagtuturo ng
nasabing asignatura.
8
10. Mga Estudyante. Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa asignaturang
Filipino. Lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng asignaturang ito sapagkat mas madali ang
kanilang pag-unawa at dahil dito lalo pa silang magsikap sa pag-aaral.
Depinisyon ng mga Salitang Ginamit
Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa istandard
na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.
Filipino. Ito’y sa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya mula unang taon hanggang ikaapat
na antas. Tinutukoy sa asignaturang ito ang mga bagaybagay na may kaugnayan sa
bararila, mga uri ng pananalita at kahit na ang mga mahahalagang pangyayari sa ating
bansa gamit ang Wikang Pambansa bilang medyum ng instraksyon sa pagtuturo.
Karunangang Nakamtan (Achievement). Ito’y ang kaalamang natamo ng mga estudyante
mula sa isang aralin o asignatura (Abad, 1995). Ang kaalaman na ito ay siyang
ginagamit ng tao upang lalo pang maintindihan ang mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran at pati na rin sa pagpapaunlad ng kanyang pansariling kaunlaran. Nakukuha
ang bagay na ito sa pamamagitan ng pagtuturo o kahit ang pansariling pagmamasid.
Guro. Ang guro ang isa sa mga tao na may malaking papel sa edukasyon (Aquino, 1988). Ito
ang/ang mga tao na naghahatid ng kaalaman patungo sa lahat ng kanyang tinuturuan
gamit ang mga pamamaraan at mga materyales nasiyang nagsisilbing tulay upang
maitransfer ang kaalaman ng epiktibo sa lahat ng mga nangangailangan.
9
11. Estudyante. Sila ang mga mag-aaral. Sila ang pangunahing respondent ng ginagawang
pananaliksik. Tumutukoy ito sa lahat ng tao na nag-aaral sa isang paaralan o sa lahat ng
institusyon na nagbibigay ng edukasyon. Sa pag-aaral na ito, ang mga esyudante na
tinutukoy ay ang mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Palompon Institute of
Technology.
Tradisyunal na Pamamaraan. Ito’y pamamaraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng paglelektyur
(Garcia, 1989). Ang pamamaraang ito ay ginamit sa pagtuturo ng kontroladong grupo.
Ang guro dito ay siyang palaging naglelektyur habang ang gawain ng mga mag-aaral ay
siyang tumanggap lamang kung ano ang lahat na sinabi ng guro (Brittanica
Encyclopedia, 1976).
Makabagong Pamamaraan. Kabaligtaran ito sa tradisyunal dahil ang pagkatuto ng mag-aaral
ay malaya at hindi lang puro sa guro kundi binibigyan ng kalayaan ang mga mag-aaral
na mangalap ng impormasyon gamit ang sariling kakayahan (kognitib) at gamitin ito
(impormasyon) sa lahat ng gawain sa kanikanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Kapaligiran ng Paaralan (School Environment). Isa ito sa pinakaimportanteng salik na
kailangang bigyang halaga ng paaralan. Ang salik na ito ay may epekto sa pag-aaral ng
estudyante. Tumutukaoy ito hindi lang ang pisikal na katayuan kundi pati na rin ang
lebel ng relasyon sa bawat isa na mag-aaral at sa kanikanilang mga guro. Interaksyon at
pagtutulungan ang mga pangunahing katangian ng isang magandang kapaligiran ng
paaralan.
10
12. Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kaugnay na Literatura
Wika
“Maraming iba’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may kahulugan, ngunit kung hindi ako
marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, hindi kami magkakaunawaan.”
1 Korinto 14:10-11
Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang
makapagsalita, makarinig, makabasa at makasulat ng may kritikal na pang unawa. Dahil dito
kanyang nai-explore ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang kapaligiran at
natutuklasan ang mga pangyayaring nakakatutulong sa paghubog ng kanyang kamalayan. Ang
pagkakaroon ng talino at isipan, ang kakayahang makalikha ng tunog at makapag-kritik ang
dahilan kung bakit kailangang madevelop sa tao ang tinatawag na makrong kasanayan sa
pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at pakikinig.
Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga kasanayang
nabanggit ang wika. Ikinukunsider itong kasangkapan sapagkat sa wika napapahayag ng tao ang
kanyang kaisipan at saloobin. Sa wika nagkakaroon siya ng pagkakataon na makipag-interaksyon
sa mga taong nasa lipunan at sa pamayanang humubog ng kanyang kamalayan. Sa wika kanyang
naibubulalas ang damdaming maaring sumikil sa kanyang pagkatao
Sa wika lamang nakapag-uunawaan ang mga tao, sinasalamin nito ang kultura, kaisipan,
kasanayan at sining ng sambayanan. Napag-uugnay-ugnay ng wika ang ibat-ibang salik ng
11
13. kalinangan ang wika ang masistemang simbolo sa tinig at sulat na ginagamit ng tao sa
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na rin sa kapwa at
sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng informasyon, pagtatamo ng edukasyon, gayon din sa
pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at napapagaan ang isang
gawain.
Ayon kay Dr. Jose V. Abueva, pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), “Ang
Pambansang Wika ay hindi lamang wika kundi pananaw rin at pagtingin na maka-Filipino. May
mga pagkakamali tayong nagawa sapagkat hiram ang ginamit nating salamin sa pag-unawa sa
ating realidad. Maitutuwid natin ang mga pagkakamaling ito at higit pa nating matutuklasan ang
mga aspekto ng ating sarili sa paggamit ng Filipino.”
Ayon naman kay Alfonso Santiago, “Ang alinmang wikang hindi nanghihiram ay
patungo sa pagkamaay sapagkat alinmang wikang buhay ay patuloy na nanghihiram”
Ang pagpapayaman ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi ng isa o ng isang
grupo. Tungkulin ito ng bawat mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng paggamit, paglinang
at pagiging bukas ng mga isip sa mga pagbabagong nagaganap bunga ngpatuloy na pag-inog ng
mundo ang pagpapaunlad ng Wikang Filipino na patuloy na paggamit nito at pagpapahalaga.
Stratehiya
Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamit ng mga pamamaraan upang matapos
ang naturang gawain. Habang ang demand sa mga gawain ay dumarami( lalo na sa pagtuturo),
isa sa mga nakikitang problema na kailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol sa ga
12
14. pamamaraan/metodo/estratehiya na siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang mga
resultang minimithi ay siyang matugunan.
Isa sa mga aspeto sa isang pamayanan na nagangailangan ng pagrerebisa sa mga
pamamaraan ay ang pagtuituro. Sa pagtuturo, (mga estratehiya) ay may mga malalaki at
mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang isang paksa at ang mga
katotohanang nakapaloob dito ay maihahatid patungo sa mga estudyante na mas madali at mas
maganda ang kalidad ng gawain.
Mula sa pagkabuo ng konseptyo ng edukasyon, ang stratehiya ay kinukunsider na isang
mahalagang kagamitan sa pagtuturo na naglalayon sa magandang kinabukasan ng mag-aaral at
maging sa tagapagturo. Ito ay regular at sunodsunod na mga pamamaraan na gamit ng guro sa
paggabay ng mga mg-aaral upang matamo ang mga mithiin sa lahat ng sitwasyon ng pakatuto
(Gregorio, Herman C., PRINCIPLES AND METHODS OF TEACHING, 1976). Kalakip dito
ang lahat ng sikolohikal na mga proseso pati narin ang mga materyales (IM’s) para maapektuhan
ang performans ng mag-aaral.
May dalawang uri ng esteatihiya/pamamaraan ng ang siyang ginagamit ng mga guro sa
pagtuturo; Tradisyunal na Pamamaraan at Makabagong Pamamaraan. Ang Tradisyunal na
pamamaraan, ang mga katangian ng mga pamamaraan na ito ay isang na pagka-organisa na
“subject matter” sa pamamagitan ng mga pagsasanay, pagpapabalikbalik at memorisasyon at
“fixed” na kurikulum (banghay- aralin) binuo(formulated) ng mga matatanda. Kalakip nito ang
istriktong pamamalakad sa paaralan, pormal na mga “pattern” na instraksyunal at “fixed” na
“standards” gamit ang proseso ng kompulsyon, makitid na pagkuntrol, pormalidad, takot at
pangamba. Nakabase ito sa konsepto na ang edukasyon ay isang paghahanda para sa darating na
13
15. buhay ng tao, isang disiplina sa pagiisip, ang paglipat ng kahusayan, nag naghahanap
lamang ng karunungan para sa “compliance”, at higit a lahat itong pamamaraan na ito ay
“Teacher-dominated activites”. (Gregorio, Herman C., PRINCIPLES AND METHODS
OF TEACHING, 1976). Ilan sa mga halimbawa sa mga estratihiya na gumagamit ng
tradisyunal na metodo ay ang sumusunod:
Direktang Pag-uutos Protyekto o Gawain na
Pagsasanay Metodo
Mga Lektyurs at mga Tutoring
Presentasyons Pagsasalaysay (recitation)
Diskusyon
Ang tradisyunal na pamamaraan ay tinatawag din na Dedaktib na “Approach” ng
pagtuturo o nakasentro sa gawain ng pagtuturo ng guro (teacher-centered) ayon sa
Encyclopedia Brittanica, Micropedia, 1974, vol. IX pp. 855-856. Mula sa malalaking parte
ito’y hinihimayhimay hanggang lumiit ang mga parte nito bago pa ihahatid ng guro ang
bagong kaalaman patungo sa mga mag-aaral, habang ang Makabagong Pamamaraan
naman ay kabaliktaran sa depinisyon ng tradisyonal na pamamaraan. Ang makabagong
metodo ay nakabatay sa pilosopiya ni John Dewey na ang edukasyon ay buhay, pagsulong o
paglaki, ang rekonstraksyon ng mga pantaong mga karanasan na ito’y isang sosyal (may
interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at guro) na proseso. Ang pangunahing layunin ng
pamaraan na ito ay ang kabuuang pagkatao na paglago sa pamamagitan ng stimulasyon,
paggabay at direksyon. Mas binibigyan ng pansin nito ang pag-iisip kaysa ang pag-alala,
pag-uunawa kaysa pangangalap ng impormasyon, at higit sa lahat ang totoong intees at hindi
lamang para sa “mere compliance”. Ang pamamaraan na ito ay hayagang nagmumungkahi
14
16. ng kalayaan, naghihikayat sa malikhaing pagpapahayag, ang pagkilala sa mga karapatan ng
bata bilang isang malayang katauhan sa isang makatutuhanang sitwasyon. Halimbawa sa mga
estratehiya na sumusunod sa mga alituntunin sa pamamaraan na ito ay ang sumusunod:
Pangakademikong Laro o Kooperatibong Pagkatuto
Kompetisyon Fieldtrips
Brainstorming Pag-uulat (Reporting)
Pag-aaral ng Kaso Simulasyon
Sentro ng Interes at mga Displays Sariling Pagkatuto
Colloquia o Symposyum Pagsasadula
Pagtatalo (Debate)
Ang makabagong pamamaraan ay tinatawag namang “indaktib” na “approach” ng pagtuturo
o nakasentro sa kakayahan ng mag-aaral na matutuhan kung paano makapagbibigay ng solusyon
sa mga problema gamit ang mga kognitibong kakayahan na matutuhan sa silid
aralan(Encyclopedia Brittanica Inc., Micropedia. 1974, vol. IX, pp. 855-856)
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Wika
Ayon kay Cruz, ang wika ay binubuo ng mgaa simbolikong salita na kumakatawan sa
mga bagay at pangyayaring mas ipahayag ng isang indibidwal sa kanyang kapwa.
Ayon naman kay Lachica, wika ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng
mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.
Ayon naman kay Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at
opinion sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
15
17. Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang pangunahing instrumento ng
pangkommunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaring matamo sa pamamagitan nito
ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para
makisangkot at makibahagi ang tao sa mga lipunan upang matamo ang pangangailangang ito.
Samakatuwid ang lahat ng pahayag ng mga awtor nagapapatunay lamang na
napakahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Gamit ang wika, nagagawa ng wika na masatisfy ang kanyang mga pangangailangan maging ito
man pangsosyal o propesyonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa
mga pangyayari sa kanyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam
siya, sa kanyang wikang ginagamit upang ito ang magamit niya sa paraang tiyak at planado.
Stratehiya
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik na
ginagawa. Lahat ng ito ay tumutugon tungkol sa wika at estratehiya.
Sa librong Act of Teaching ni Cruickshank, nahinuha na ang karamihan sa mga guro ay
naniniwala sa tatlong konklusyon na may kaugnayan sa estratehiya. Una, ang mga guro ay
naniniwala na ang mga magkakaibang metodo ay para sa magkakaibang uri ng mag-aaral.
Pangalawa, ang palelektyur o diskusyon ay siyang pinaka-epektibong uri ng metodo na
magagamit sa mga mag-aaral. At panghuli, ang mga guro ay may ibat-ibang persepsyontungkol
sa diskusyon.
Ipinapakita sa librong ito na ang guro ang siyang mas nakakaalam kung anu-ano ang mas
epektibong pamamaraan na gagamitin upang ang lahat ng uri ng mag-aaral ay matututo sa isang
paksa.
16
18. Ayon naman kay Gregorio sa kanyang aklat na Principles and Methods of Teaching, ang isang
pamamaraan upang maging epektibo ay dapat magkaroon ng mga katangian at ang mga
sumusunod: una, ang epektibong metodo ay dapat may kasamang kahusayan sa paggabay upang
makamtan ang isang kaalaman o karunungan. Pangalawa, ito’y dapat mabait at magagamit ng
karamihan sa pagkatuto. Kooperasyon ang pangatlong katangian nito. Pang-apat ay dapat na may
“remedial” na prosedyurs tuwing inaaply ang pamamaraan na ito. Panglima ay kailangang
nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral sa pagkuha ng impormasyon. Panghuli, dapat
nakakapagresolba ito ng mgakahinaan sa pagkuha ng impormasyon.
Sa dalawang pag-aaral, mahihinuha natin na ang isang epektibong pamamaraan ay
makakamtan lamang kung ang gumagamit nito ay nakakaalam sa mga katangian at naiaaplay
niya ito ng maayos at kung saan ang lahat ng mga mag-aaral ay may makukuhang kaalaman
mula sa isang paksa gamit nga ang isang pamamaraan. Ang isang pamamaraan ay matatawag
lamang na epektibo kung may magandang resultang naidulot ito sa performans ng mag-aaral at
sa guro na gumagamit nito.
17
19. Talaan ng Nilalaman
PAMAGAT………………………………………………………………………………………i
TALAAN NG NILALAMAN…………………………………………………………………...ii
Kabanata I
Panimula…………………………………………………………………………………..1
Bakgrawnd ng Pag-aaral………………………………………………………………......2
Konseptwal/Theoritikal Framework………………………………………………………3
Paglalahad ng Suliranin…………………………………………………………………...7
Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral……………………………………………………….7
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………8
Depinisyon ng mga Salita…………………………………………………………………9
Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral………………………………………………...11
Kabanata III
Disenyo ng Pag-aaral………………………………………………………………….....18
Populasyon……………………………………………………………………………….18
Respondente……………………………………………………………………………...18
Bibliograpi……………………………………………………………………………….19
Appendiks
Questionnaire…………………………………………………………………… 21
ii
20.
21.
22. Kabanata III
Sa kabanatang ito, tinatalakay ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral, at ang mga
kalahok kagaya ng populasyon ng pag-aaral at ang mga respondente.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at evalwativ. Ito’y disenyo ng
pag-aaral na susuri at susukat sa mga datos na sasagot sa mga katarungan. Nagbibigay ito ng
mga impormasyon mula sa mga mananaliksik, sa mga lbro at ebalwasyon. Sa pamamagitan ng
impormasyong nakuha mula dito, nagkakaroon ng mga solusyon ang mga katarungan o suliranin
tungkol sa epiktibong pamamaraan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralan
ng Palompon Institute of Technology (PIT).
Populasyon
Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa PIT na isang Chatered State College ng sa bias ng
Republic Act 5101 noong ika-31 ngAgosto taong 1972. Ito’y makikita sa bayan ng Palompon,
lalawigan ng Leyte. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa lahat ng guro at estudyante ng asignaturang
Filipino sa mataas na paaralan ng PIT.
Respondente
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa PIT. Ang kabilang na mga respondente ay ang mga
mag-aaral mula sa unang taon hanggang sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan ng PIT.
18
23. Mga Libro (Lokal)
Abad, Marieta at Priscilla C. Ruedas. (1995) Filipino Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo.
Quezon City: National Book Store
Alcantara, Rebecca D., Josefina Q. Cabanilla, Felicidad D. Espina at Aracela M.
Villamin. (2003) Teaching Strategies 1 Third Edition. Makati City: Katha Publishing Co.,
Inc.
Aquino, Fe O., Consuelo C. Callang, Herminia S. Bas at Crisologa B. Capili. (2001)
Sining ng Komunikasyon. Quezon City: NationAL Book Store, Inc.
Aquino, Gaudencio V. (1988) Principles and Methods of Teaching. Valenzuela, Metro
Manila: National Book Store Inc.
Aquino, Gaudencio V. (2003) Effective Teaching Third Edition. Mandaluyong City:
National Book Store Inc.
Arrogante, Jose A. (1994) Filipino Pangkolehiyo. Quezon City: National Book Store
Boiser, Diosdado C. (2000) Strategies for Teaching a Modular Approach. Manila,
Philippines: REX Book Store, Inc.
Constantino, Pamela C. (2005) Filipino at Pagpaplanong Pangwika. Quezon City: Tomas
Pinpin Hall, 1MC Compound.
Garcia, Lydia G. (1999) Makabagong Gramar ng Filipino. Quezon City: REX Book Store
Inc.
19
24. Gregorio, Herman C. (1976) Principles and Methods of Teaching. Quezon City; R.P.
Garcia Publishing Company, Inc.
Lucas, Maria Rita D. at Brenda B. Corpuz. (2007) Facilitating Learning: A Metacognitive
Process. Philippines: Lorimar Publishing, Inc.
Salandanan, Gloria G. (2000) Teaching Approaches and Strategies. Quezon City: Katha
Publishing Company. Inc.
Sauco, Consolasion P., Nenita P. Papa at Eunice F. Dueñas. (2004) Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Disiplina. Maklati City: Katha Publishing Co., Inc.
Mga Libro ( Internasyonal)
Cruickshank, Donald R., Deborah Bainer at Kim Metkalf. (1995) The Act of Teaching.
United States of America: McGraw-Hill, Inc.
Ornstein, Allan C. (1990) Strategies for Effective Teaching. New York: HarperCollins
Publishers, Inc.
Encyclopaedia Britannica Inc. (1974) Encyclopaedia Britannica – Macropedia. United
States of America. William Benton.
Encyclopaedia Britannica Inc. (1974) Encyclopaedia Britannica – Micropedia. United
States of America. William Benton.
Mga Diksyunari
Encleare Foundation, Inc. (2007) The New Illustrated English – Filipino Dictionary.
Hongkong. Encleare Foundation, Inc.
20
25. Questionairre
Mga Salik sa Epiktibibong Pamamraan ng Pagtuturo sa asignaturang Filipino sa
Mataas na Paaralan ng Palompon Institute of Technology, Palompon, Leyte
Personal na Data
Pangalan: Edad:
Taon at seksyon: Kasarian:
Panuto: bilugan ang bilang na siyang pinakaangkop na naglalarawan sa mga salik na nakakaapekto sa
epiktibong pamamaraan sa pagtututro ng assignaturang Filipino.
5 – Lubhang Nakakaapekto
4 – Mas Nakakaapekto
3 – Nakakaapekto
2 – Di-gaanong Nakakaapekto
1 – Hindi Nakakaapekto
A. Personal na mga Salik (Guro):
a. Panlabas Na Kaanyuan:
i. Pananamit 5 4 3 2 1
ii. Postura 5 4 3 2 1
iii. “Gestures” 5 4 3 2 1
( fillers, at facial expression ng Guro)
b. Pag-uugali
i. Paraan ng Pagsasalita
a. Tinig (kalakasan) 5 4 3 2 1
b. Tinig (kabilisan) 5 4 3 2 1
iii. Katapatan (pagragrado) 5 4 3 2 1
iv. Pagiging Pasinsyosa/Pasinsyoso 5 4 3 2 1
v. Madaling Lapitan 5 4 3 2 1
vi. Lebel ng Interaksyon
a. Interaksyon sa mag-aaral 5 4 3 2 1
b. Interacsyon sa mga magulang 5 4 3 2 1
vii. Kagandahang Asal 5 4 3 2 1
B. Professyonal na mga Salik
i. Educational Attainment ng Guro
a. Batsilyer (bachelor) 5 4 3 2 1
b. Nakapagdalubhasa 5 4 3 2 1
c. Hindi nagmedyor ng Filipino 5 4 3 2 1
ii. Kabihasaan sa asignatura 5 4 3 2 1
iii. Dedikasyon o pasyon sa pagtuturo 5 4 3 2 1
iv. Tiwala sa sarili tuwing nagtuturo 5 4 3 2 1
v. Pagiging malikhain 5 4 3 2 1
vi. Kabihasan sa gamit na linggwahe sa pagtuturo 5 4 3 2 1
21
26. C. Iba’t-ibang Stratehiya sa Pagtuturo
i. Lektyur 5 4 3 2 1
ii. Panel na diskusyon 5 4 3 2 1
iii. Indibidwal na pag-aaral 5 4 3 2 1
iv. Akademikong laro o kompetisyon 5 4 3 2 1
v. Pagsasadula 5 4 3 2 1
vi. Pagrereport 5 4 3 2 1
vii. Brainstorming 5 4 3 2 1
viii. Kooperatibong Pagkatuto 5 4 3 2 1
ix. Pagdedebate 5 4 3 2 1
x. Demonstrasyon 5 4 3 2 1
xi. Pagdidiskubre 5 4 3 2 1
xii. Fieldtrip 5 4 3 2 1
xiii. Pagsasanay 5 4 3 2 1
xiv. Paggamit ng modyul 5 4 3 2 1
Mga karagdagang mungkahi, reaksyon o komento tungkol sa pagtuturo sa asignaturang Filipino.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Maraming salamat sa inyong kooperasyon!!!
Mga Mananaliksik
God Bless Us All!!!
22