SlideShare a Scribd company logo
1 of 8
Tarlac College of Agriculture
                                         Institute of Education
                                 Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas




                         Tula:                                                Pelikula:
             Ang mga Kagila-gilalas na                                    Mga Munting Tinig
        Pakikipagsapalaran ni JUAN dela CRUZ




                 ni Jose F. Lacaba                                        ni Gil M. Portes



Sinuri ni:   Loreto C. Morales
                BEED IV-A General
                                                         Ipinasuri ni: Gng.   Cecile L. Lapitan
                                                                                    Guro
BALANGKAS NG PAGSUSURI
                                      (Pelikula)

I.        Pamagat ng Akda: Mga Munting Tinig



II.       May-Akda: Gil M. Portes
                  Ang Manunulat at Direktor na si Gil M. Portes ay tanyag sa paggawa ng pelikula at
          ang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima (25) na sa mga makabuluhang
          pelikulang kanyang mga naggawa. Ito ay ang opisyal na isinali ng Pilipinas sa Academy
          Awards at Golden Golbes noong 2003.
                  Siya ay nag-aral sa Universidad ng Sto. Tomas at nakatanggap n isang degree master
          sa teatro mula sa Brooklyn Coolege sa New York.
                  Dahil sa kanyang paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto
          ng pulitika at iba pang interesanteng paksa kaya siya nakakuha ng ibat-ibang parangal. Ilan sa
          kanyang mga sikat na gawa ay ang mga sumusunod:
          • SARANGGOLA, 1999
          • GATAS… SA DIBDIB NG KAAWAY, 2001
          • BUKAS MAY PANGARAP, 1994
          • MARKOVA: COMFORT GAY
                  At ngayon siya ay sumisikat nanaman sa linya ng pagiging direktor, sabi pa nga ng
          isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse, beautifully lit images.”

III.      Mga Tauhan:

       1. Melinda (Alessandra) isang batang guro na pilit hinahanap ang lugar na kanyang
          kahihimlayan. Pilit na inaabangan ang araw na pakikinggan na siya ng kanyang ina.
       2. Mrs. Pantalan (Dexter) Ang Principal o ang Officer-in-Charge ng Mababang Paaralan ng
          Malawig. May dalawang anak sa Maynila na kanyang pinag-aaral. Nagbebenta ng ice candy
          sa mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag na kita.
       3. Chayong (Gina Alajar) ang ina ni Pilar. Ang may-ari ng tahanang tinitirhan ni Melinda.
       4. Luz (Amy) ang nanay nina Obet at Popoy. Tanging magulang na naniwala sa kakayahan ng
          mga estudyante.
       5. Popoy (Bryan) kapatid ni Obet. May talentong musical ngunit hindi nakasali sa patimpalak
          dahil sa isang masalimuot na pangyayari.
       6. Obet (Pierro) kapatid ni Popoy. Ayaw maparis sa amang NPA. Naulila sa ama at kapatid
          dahil sa isang pangyayari.
       7. Fe (Irma) isa sa mga guro ng Mababang Paaralan ng Malawig. Nagtuturo ng asignaturang
          Ingles. Dumalo ng ibat-ibang pulong upang makatulong sa kanyang pagtuturo subalit walang
          epekto sa kanya, siya’y nanatiling kulang ang kaalaman.
       8. Solita (Malou) isang guro rin sa Mababang Paaralan ng Malawig. Pinaglilinis ng kanyang
          bahay ang kanyang mga estuduyante.
       9. Pilar (Lailani) dating guro ng paaralan subalit tumungong Singapore upang doon mamasukan
          ngunit nalinlang ng ahensyang kanyang pinasukan. Anak ni Chayong. Kagaya ni Melinda na
          nagbibigay inspirasyon sa mga bata
IV.    Buod/Lagom ng Katha

        Mga Pangarap ang iniwang alaala ni Melinda noong araw na linisan niya ang baryo ng
Malawig. Nang dumating ang batang guro, ay tumambad sa kanya ang mga lupain na tinatamnan
na palay at buko, at mga taong tila wala nang pag-asa sa buhay. Kahirapan ang dahilan kung
bakit naging tamad ang mga tao, at tinanggap na lamang ang kanilang kinakaharap na
masalimuot na buhay, habang ang ilan naman ay umaakyat sa kabundukan upang ipaglaban ang
nais makamit na pagbabago.
       “Tanging ang mga mayayaman lang ang maaring mangarap, at tayong mahihirap ay
hindi.” Mga simpleng salita mula sa isang bata ang nagtulak kay Melinda upang ipaliwanag sa
mga mamamayan ng lugar na hindi kahirapan ang dahilan kung bakit lumalabas na biktima ang
tao. Ang Pag-asa ay importante at ang bawat pangarap ay maaring abutin. Laban sa hindi
pakikinig ng taong – bayan, isinali parin ni Melinda ang mga bata sa isang simpleng patimpalak
sa pag-awit. Ang kanilang mga tinig ay tumayo laban sa kadiliman, laban sa kahirapan,
kamatayan, at kalungkutan.
        Ang kanilang awit ang gumising sa maliit na apoy ng pag-asa sa bawat puso ng taong-
bayan. Isang pag-asa na nagbigay sa kanila ng lakas upang mangarap, lakas upang ipaglaban ang
kanilang mga pangarap. Si Melinda ay lumisang naniniwalang nasa bawat isa ang kapangyarihan
upang gumawa ng pagbabago, na nasa atin ang isang tinig ng pag-asa na nag-aantay marinig.

V.     Pagsusuri

   1. Panahong Kinabibilangan
      Ang pelikulang ito ay nabibilang sa mobernong panahon dahil may mga ganitong
pangyayari pa rin ngayon sa ating lipunan.

    2. Sariling Puna
        Ang bawat isa, kahit ang mga bata, mahirap man o mayaman ay may karapatang
mangarap sapagkat ang bawat isa sa atin ay binayayaan ng talino at talentong dapat gamitin.
Sa ating lipunan ay karaniwan mo nang makikita ang mga taong nambibiktima ng kapawa nila.
Gagawin ang lahat makalamang lang sa iba. Karaniwan mo naring makikita ang mga taong uupo
na lang sa isang tabi upang tanggapin ang kanyang kalagayan, hindi man lamang magsusumikap
upang abutin ang kanyang mga pangarap dahil sa nawalan na sila ng pag-asa.
         Ilan lamang ito sa mga katotohanang matutunghayan sa pelikulang “ Mga Munting
Tinig.” Kung ang lahat sa atin ay ganito mag-isip at makipagkapwa – tao, anong lipunan ang
ating tinitirhan? Sino pa ang maiiwang naniniwala? Sino pa ang maiiwang kikilos para sa isang
kaunalaran?
        Ang pelikulang ito ay kapupulutan niyo ng aral at magbibigay sa inyo ng inspirasyon
upang ipagpatuloy ang buhay ng buo ang loob at nasa tama.

     3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha
        Ang Kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap, pangarap na minimithi ng bawat
isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin sa
tama na ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan.
       Dapat nating gamitin ang ating mga munting tinig na sumisigaw ng isang malinis na
pagbabago. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan ay hindi maaring ikumpara sa mga
matatanda. Dapat ay maging bukas ang ating kaisipan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Bawat nilalang, bata, matanda, babae o lalaki ay may paninindigan na dapat marinig ng
buong mundo. Walang sinuman ang may karapatang hadlangan makapagpahayag ng kanyang
damdamin. Kahit na munti man ang ating tinig kapag pinag-isa ay maaring makapagdulot ng
malaking epekto sa lipunan.


4. Mungkahi

      Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay napakaganda. Ang musika, iskrip, mga tauhan,
ang pagganap, at ang direksyon ay pawng napakahusay dahil ito’y nabuo ng may masining na
kakahayan, ngunit kinalulungkot kong sabihin, na lagi itong nakaliligtaan sa maraming
pelikulang Pilipino. Ang mga tunog na ginamit, lalo na ang musical score at ang kanilang
tamang punto, ay tama lang dahil nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Sa katunayan,
pinanood namin ito, siguro dalawang taon pa lang kami sa kolehiyo, talagang nakakaiyak at
masasabi kong ito’y isang makabagbag-damdaming pelikula.
Ang mga KAGILA-GILALAS na
                 PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ
                            ni Jose F. Lacaba

                                                Nang dapuan ng libog
       Isang gabing madilim                      si Juan de la Cruz
puno ng pangambang sumakay sa bus
         si Juan de la Cruz                    namasyal sa Culiculi
         pusturang-pustura                      at nahulog sa pusali
   kahit walang laman ang bulsa              parang espadang bali-bali
 BAWAL MANIGARILYO BOSS                YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED
        sabi ng konduktora                             CASH
              at minura                            sabi ng bugaw
         si Juan de la Cruz.                  sabay higop ng sabaw.

           Pusturang-pustura                     Pusturang-pustura
    kahit walang laman ang bulsa           Kahit walang laman ang bulsa
      nilakad ni Juan de la Cruz                 naglibot sa Dewey
          ang buong Avenida                      si Juan de la Cruz
       BAWAL PUMARADA                    PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY
            sabi ng kalsada                           SATISFY
       BAWAL UMIHI DITO                             sabi ng neon.
              sabi ng bakod               Humikab ang dagat na parang leon
              kaya napagod                  masarap sanang tumalon pero
           si Juan de la Cruz.           BAWAL MAGTAPON NG BASURA
                                                    sabi ng alon.
        Nang abutan ng gutom
          si Juan de la Cruz                    Nagbalik sa Quiapo
      tumapat sa Ma Mon Luk                       si Juan de la Cruz
inamoy ang mami siopao lumpia pansit           at medyo kinakabahan
        hanggang sa mabusog.                   pumasok sa simbahan
      Nagdaan sa Sine Dalisay                  IN GOD WE TRUST
   Tinitigan ang retrato ni Chichay                 sabi ng Obispo
 PASSES NOT HONORED TODAY                    ALL OTHERS PAY CASH.
           sabi ng takilyera
           tawa nang tawa.                    Nang wala nang malunok
                                                  si Juan de la Cruz
      Dumalaw sa Konggreso                        dala-dala'y gulok
          si Juan de la Cruz                  gula-gulanit na ang damit
       MAG-INGAT SA ASO                     wala pa ring laman ang bulsa
           sabi ng diputado                            umakyat
     Nagtuloy sa Malakanyang                           sa Arayat
   wala naming dalang kamanyang                      ang namayat
      KEEP OFF THE GRASS                        na si Juan de la Cruz.
          sabi ng hardinero                 WANTED DEAD OR ALIVE
           sabi ng sundalo                            sabi ng PC
        kay Juan de la Cruz.                            at sinisi
                                             ang walanghiyang kabataan
kung bakit sinulsulan                       ang isang tahimik na mamamayan
                                                          na tulad ni Juan de la Cruz


                            BALANGKAS NG PAGSUSURI
                                    (Tula)

I. Pamagat ng Akda: Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN
                   dela CRUZ




II. May-Akda: Jose F. Lacaba
         Kilala din sa pangalang Pete Lacaba, pinanganak siya sa Cagayan de Oro City noong ika-25
ng Nobyembre 1945. Isa siyang makata at manunulat ng iskrip. Sina Jose M Lacaba Sr. at Fe Flores
ang kanyang mga magulang. Napangasawa niya si Marra PL. Lanot, isang makata at mananaysay,
kung saan nagbunga ng isang lalaking anak.. Hindi niya natapos ang pagaaral ng Ingles sa Ateneo d
Manila University upang magtrabaho bilang isang mamamahayag. Noong 1974 naaresto siya kasama
ang mandudulang si Bonifacio Ilagan at maunulat na si Dolores Stephens-Feria. Bago siya palayain
noong 1976, napatay ng mga hukbong sandatahan ng gobyerno sa Mindanao ang kapatid niya na si
Emmanuel.
         Naging patnugot siya ng mga magasin na Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader,
National Midweek at ang pinakahuli ay ang Pilippine Graphic.
        Noong 1970 ay naging parte ng mga kilusang estudyante-aktibista si Lacaba para sa
Philippine Free Press kung saan nabuo ang ilan sa mga pinakamahusay na sanaysay ukol sa tinatawag
na First Quarter Storm. Nang lumaon ay nilikom ang mga ito at ipinalimbag bilang Days of Disquiet,
Nights of Rage, noong 1982. Ang unang kalipnan ng kanyang mga tula, Mga Kagilagilalas na
Pakikipagapalaran ay nalimbag noong 1970 at sinundan ito ng isa pang kalipunan ng mga tula, Sa
Panahon ng Ligalig, na nilimbag noong 1991.
       Noong 1979 sa pakikipagtulangan niya kay Ricardo Lee ay nabuo nila ang iskrip para sa
pelikulang Jaguar ni Lino Brocka. Ang ilan pa sa mga kilalang screenplay na ginawa niya na
mayroong kinalaman sa mga ordinaryong tao na biktima ng kahirapan at kawalang-hustisya ay ang
mga sumusunod: Angela Markado noong 1980, Sister Stella L. noong 1984, Bayan Ko: Kapit sa
Patalim noong 1985 at Orapronobis noong 1989.
       Nabigyan ng unang gantimpala ang tula ni Lacaba na may titulong sa Panahon ng Ligalig sa
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983. Ang awiting Aling Pag-ibig Pa? ay
nanalo sa Best Theme Song category ng Catholic Mass Media Awards noong 1984 ay isinulat din ni
Jose Lacaba.


III. Mga Tauhan:

   1. Juan dela Cruz – pangunahing tauhan sa tula kung saan nilakbay niya ang komplikaadong
                      mundo ng siyudad
   2. Konduktora – binawalan niya si Juan na manigarilyo sa loob ng bus at minura niya ito.
   3. Hardinero at sundalo
   4. Bugaw
   5. Obispo
IV. Buod/Lagom ng Katha
        Si Juan de la Cruz ay isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing binabanggit ang pangalang ito
ay naiuuganay agad ito sa mga Pilipino dahil matagal na at madalas nang ginagamit ang pangalang
ito sa mga tauhang Pilipino. Sa unang saknong ay makikita na isang probinsyano si Juan na
lumuwas patungong siyudad. Tulad ng ibang bagong salta sa Maynila ay pumorma syang mabuti
kahit mahirap lamang upang maging katulad ng mga mamamayan sa lungsod. Halata rin na bago
sa kanya ang pagpunta sa lugar na ito dahil nabanggit na siya'y kinakabahan.
       Ang mga ginamit na tagpuan sa tula ay mga kilalang lugar sa Maynilatulad ng Avenida at
Quiapo. Maraming pook-pasyalan ang kanyang pinuntahan ngunit mapupuna na hindi niya
napasok ang mga ito dahil sa kahirapan. Gustuhin man niyang kumain ay wala naman siyang
pambili. Tila maramin ring hadlang sa kanyang paglalakabay. Maraming siyang gusting puntahan
ngunit lagi na lamang may pumipigil sa kanya at nagbabawal.
       Sa bandang huli ng tula nasawi rin si Juan sa kanyang pagtungo sa lungsod. Inilarawan siya
bilang isang pulubi at wala man lamang makain. Naipakita sa mga huling saknong na nakasama
para sa kanya ang paninirahan sa siyudad. Maaring naging maganda na ang simpleng buhay niya
sa probinsya kaya't nagsisi siya na mamuhay sa lungsod.

V. Pagsusuri
  1. Panahong Kinabibilangan
       Ang tula ay naisulat noong panahon nang batas militar subalit napapanahon pa rin
hanggang ngayon ang mga pangyayari sa tula kaya nabibilang pa rin ito sa modernong panahon

  2.Sariling Puna
         Sa aking palagay, ang tulang ito ay tumutukoy sa isang probinsyanong Pilipino na hinanap
ang kapalaran sa siyudad ngunit nabigo. Tipikal na ang ganitong kwento lalo na dati na limitado pa
ang komunikasyon mula sa mga lalawigan at lungsod. Inaakala ng mga taga-probinsya na
maganda ang Maynila at maraming trabaho ang naghihintay sa kanila ditto. Inakala nila na ang
mga matataas na gusali ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang narito. Maaaring nakita
nila ito sa kanilang mga sinuwerteng kababayan na matapos magtrabaho sa Maynila ay bigla na
lamang yumaman. Kung kaya't ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ay inihantulad
nila sa kahirapan.

Para sa akin, mas maganda pa rin ang payak na pamumuhay sa probinsya. Doon ay mas tahimik at
payapa na mas masarap tirahan kaysa sa siyudad na magulo at komplikado. Ngunit sang-ayon pa
rin naman ako sa mga naglalakas-loob na magahanap ng ikabubuhay sa Maynila dahil hangad
lamang nilang umunlad.


 3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha
          Maging kuntento kung anong meron sa atin dahil pag kinainggitan natin ang iba,
   maaaring tayo’y bumagsak a lalong bababa ang ating antas ng buhay na meron tayo.
          Hindi ang pagpunta sa siyudad ang solusyon para yumaman kundi nasa atin din kung
   tayo’y magsisikap.
4. Mungkahi
       Ang tula ay isinulat sa kanyang sariling ekspresyon, ginamitan ng mga salitang Ingles
pero napaganda naman niya ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.
Pagsusuri sa Tula at Pelikula

More Related Content

What's hot

Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaKedamien Riley
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. Casiple
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. CasipleCoco: Isang pagsusuri ni Jake N. Casiple
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. CasipleJakeCasiple
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanPaula Jane Castillo
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikankim desabelle
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikadionesioable
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanMi Shelle
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutAllan Ortiz
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoManuel Daria
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 

What's hot (20)

Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. Casiple
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. CasipleCoco: Isang pagsusuri ni Jake N. Casiple
Coco: Isang pagsusuri ni Jake N. Casiple
 
Panitikang pilipino
Panitikang pilipinoPanitikang pilipino
Panitikang pilipino
 
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring PampanitikanMga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Mga Teorya at Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Modyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wikaModyul 17 pagsasaling wika
Modyul 17 pagsasaling wika
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
Maikling kuwento Handout
Maikling kuwento HandoutMaikling kuwento Handout
Maikling kuwento Handout
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Dula ppt
Dula pptDula ppt
Dula ppt
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Karagatan at duplo
Karagatan at duploKaragatan at duplo
Karagatan at duplo
 

Viewers also liked

Lampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel AndradaLampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel AndradaMykel Andrada
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Denni Domingo
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Denni Domingo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 

Viewers also liked (9)

literatura
literaturaliteratura
literatura
 
Satire+ppt
Satire+pptSatire+ppt
Satire+ppt
 
Lampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel AndradaLampoon Writing - Mykel Andrada
Lampoon Writing - Mykel Andrada
 
Andres bonifacio
Andres bonifacioAndres bonifacio
Andres bonifacio
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
Hibik ng pilipinas sa inang espanya (trilogy)
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 

Similar to Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcAdam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcDindoArambalaOjeda
 
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...God Father Learning Center of Pagudpud
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan DepEd
 
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA - DAY2-3-MODYUL5.pptx
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA  - DAY2-3-MODYUL5.pptxDULA- TELESERYE - PAMPELIKULA  - DAY2-3-MODYUL5.pptx
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA - DAY2-3-MODYUL5.pptxAprilJaneBacong3
 
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxUri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxLOURENEMAYGALGO
 
Ang tundo-man-may-langit-din
Ang tundo-man-may-langit-dinAng tundo-man-may-langit-din
Ang tundo-man-may-langit-dinJedda T. Tabia
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8HelenLanzuelaManalot
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmacedaar_yhelle
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanMarlene Panaglima
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2Mary Ann Encinas
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangStemGeneroso
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoMae Garcia
 

Similar to Pagsusuri sa Tula at Pelikula (20)

Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dcAdam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
Adam-Sa kuko ng mga Liwanag gmc ocmdelc dc
 
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
 
Panitikan
Panitikan Panitikan
Panitikan
 
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA - DAY2-3-MODYUL5.pptx
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA  - DAY2-3-MODYUL5.pptxDULA- TELESERYE - PAMPELIKULA  - DAY2-3-MODYUL5.pptx
DULA- TELESERYE - PAMPELIKULA - DAY2-3-MODYUL5.pptx
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptxUri ng Akdemikong Sulatin.pptx
Uri ng Akdemikong Sulatin.pptx
 
Ang tundo-man-may-langit-din
Ang tundo-man-may-langit-dinAng tundo-man-may-langit-din
Ang tundo-man-may-langit-din
 
DULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdfDULA_GROUP 1.pdf
DULA_GROUP 1.pdf
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Panitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng RepublikaPanitikan sa panahon ng Republika
Panitikan sa panahon ng Republika
 
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8
DAGLI para sa grade 8 quarter3 Filipino8
 
Q2 5. SARSUWELA.pptx
Q2 5. SARSUWELA.pptxQ2 5. SARSUWELA.pptx
Q2 5. SARSUWELA.pptx
 
Mito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwaMito at gamit ng pandiwa
Mito at gamit ng pandiwa
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
 
ARALIN 2.5.pptx
ARALIN 2.5.pptxARALIN 2.5.pptx
ARALIN 2.5.pptx
 
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2
DIAGNOSTIC TEST FOR Filipino 2
 
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling LarangAkademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Pagsusuri sa Return Flight.pptx
Pagsusuri sa Return Flight.pptxPagsusuri sa Return Flight.pptx
Pagsusuri sa Return Flight.pptx
 

More from RODELoreto MORALESson

More from RODELoreto MORALESson (20)

Carlo Tomas Resume
Carlo Tomas ResumeCarlo Tomas Resume
Carlo Tomas Resume
 
Melduar resume
Melduar resumeMelduar resume
Melduar resume
 
Loreto updated application letter
Loreto updated application letterLoreto updated application letter
Loreto updated application letter
 
sadist-lover
sadist-loversadist-lover
sadist-lover
 
Rickyboy resume
Rickyboy resumeRickyboy resume
Rickyboy resume
 
Ruby mhay resume
Ruby mhay resumeRuby mhay resume
Ruby mhay resume
 
I Am Your Pastor
I Am Your PastorI Am Your Pastor
I Am Your Pastor
 
MFLC Class Record - Kinder I
MFLC Class Record - Kinder IMFLC Class Record - Kinder I
MFLC Class Record - Kinder I
 
MFLC Kinder I 2nd Quarter Test
MFLC Kinder  I 2nd Quarter TestMFLC Kinder  I 2nd Quarter Test
MFLC Kinder I 2nd Quarter Test
 
MFLC Nursery 2nd Quarter Test
MFLC Nursery 2nd Quarter TestMFLC Nursery 2nd Quarter Test
MFLC Nursery 2nd Quarter Test
 
MFLC 2nd Monthly Test
MFLC 2nd Monthly TestMFLC 2nd Monthly Test
MFLC 2nd Monthly Test
 
TCA-BEEd IVA-General Examinees at PRC Manila (Batch 2012)
TCA-BEEd IVA-General Examinees at PRC Manila (Batch 2012)TCA-BEEd IVA-General Examinees at PRC Manila (Batch 2012)
TCA-BEEd IVA-General Examinees at PRC Manila (Batch 2012)
 
MFLC Form 137-A
MFLC Form 137-AMFLC Form 137-A
MFLC Form 137-A
 
How to apply for the LET
How to apply for the LETHow to apply for the LET
How to apply for the LET
 
Mapalad FLC- 1st Quarter Exam
Mapalad FLC- 1st Quarter ExamMapalad FLC- 1st Quarter Exam
Mapalad FLC- 1st Quarter Exam
 
Mapalad FLC -1st Monthly Exam
Mapalad FLC -1st Monthly ExamMapalad FLC -1st Monthly Exam
Mapalad FLC -1st Monthly Exam
 
Organization and administration in guidance and counseling2
Organization and administration in guidance and counseling2Organization and administration in guidance and counseling2
Organization and administration in guidance and counseling2
 
Instructional Planning
Instructional PlanningInstructional Planning
Instructional Planning
 
Perennialism (My Report)
Perennialism (My Report)Perennialism (My Report)
Perennialism (My Report)
 
Globalization (My Report)
Globalization (My Report)Globalization (My Report)
Globalization (My Report)
 

Pagsusuri sa Tula at Pelikula

  • 1. Tarlac College of Agriculture Institute of Education Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas Tula: Pelikula: Ang mga Kagila-gilalas na Mga Munting Tinig Pakikipagsapalaran ni JUAN dela CRUZ ni Jose F. Lacaba ni Gil M. Portes Sinuri ni: Loreto C. Morales BEED IV-A General Ipinasuri ni: Gng. Cecile L. Lapitan Guro
  • 2. BALANGKAS NG PAGSUSURI (Pelikula) I. Pamagat ng Akda: Mga Munting Tinig II. May-Akda: Gil M. Portes Ang Manunulat at Direktor na si Gil M. Portes ay tanyag sa paggawa ng pelikula at ang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima (25) na sa mga makabuluhang pelikulang kanyang mga naggawa. Ito ay ang opisyal na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003. Siya ay nag-aral sa Universidad ng Sto. Tomas at nakatanggap n isang degree master sa teatro mula sa Brooklyn Coolege sa New York. Dahil sa kanyang paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng pulitika at iba pang interesanteng paksa kaya siya nakakuha ng ibat-ibang parangal. Ilan sa kanyang mga sikat na gawa ay ang mga sumusunod: • SARANGGOLA, 1999 • GATAS… SA DIBDIB NG KAAWAY, 2001 • BUKAS MAY PANGARAP, 1994 • MARKOVA: COMFORT GAY At ngayon siya ay sumisikat nanaman sa linya ng pagiging direktor, sabi pa nga ng isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse, beautifully lit images.” III. Mga Tauhan: 1. Melinda (Alessandra) isang batang guro na pilit hinahanap ang lugar na kanyang kahihimlayan. Pilit na inaabangan ang araw na pakikinggan na siya ng kanyang ina. 2. Mrs. Pantalan (Dexter) Ang Principal o ang Officer-in-Charge ng Mababang Paaralan ng Malawig. May dalawang anak sa Maynila na kanyang pinag-aaral. Nagbebenta ng ice candy sa mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag na kita. 3. Chayong (Gina Alajar) ang ina ni Pilar. Ang may-ari ng tahanang tinitirhan ni Melinda. 4. Luz (Amy) ang nanay nina Obet at Popoy. Tanging magulang na naniwala sa kakayahan ng mga estudyante. 5. Popoy (Bryan) kapatid ni Obet. May talentong musical ngunit hindi nakasali sa patimpalak dahil sa isang masalimuot na pangyayari. 6. Obet (Pierro) kapatid ni Popoy. Ayaw maparis sa amang NPA. Naulila sa ama at kapatid dahil sa isang pangyayari. 7. Fe (Irma) isa sa mga guro ng Mababang Paaralan ng Malawig. Nagtuturo ng asignaturang Ingles. Dumalo ng ibat-ibang pulong upang makatulong sa kanyang pagtuturo subalit walang epekto sa kanya, siya’y nanatiling kulang ang kaalaman. 8. Solita (Malou) isang guro rin sa Mababang Paaralan ng Malawig. Pinaglilinis ng kanyang bahay ang kanyang mga estuduyante. 9. Pilar (Lailani) dating guro ng paaralan subalit tumungong Singapore upang doon mamasukan ngunit nalinlang ng ahensyang kanyang pinasukan. Anak ni Chayong. Kagaya ni Melinda na nagbibigay inspirasyon sa mga bata
  • 3. IV. Buod/Lagom ng Katha Mga Pangarap ang iniwang alaala ni Melinda noong araw na linisan niya ang baryo ng Malawig. Nang dumating ang batang guro, ay tumambad sa kanya ang mga lupain na tinatamnan na palay at buko, at mga taong tila wala nang pag-asa sa buhay. Kahirapan ang dahilan kung bakit naging tamad ang mga tao, at tinanggap na lamang ang kanilang kinakaharap na masalimuot na buhay, habang ang ilan naman ay umaakyat sa kabundukan upang ipaglaban ang nais makamit na pagbabago. “Tanging ang mga mayayaman lang ang maaring mangarap, at tayong mahihirap ay hindi.” Mga simpleng salita mula sa isang bata ang nagtulak kay Melinda upang ipaliwanag sa mga mamamayan ng lugar na hindi kahirapan ang dahilan kung bakit lumalabas na biktima ang tao. Ang Pag-asa ay importante at ang bawat pangarap ay maaring abutin. Laban sa hindi pakikinig ng taong – bayan, isinali parin ni Melinda ang mga bata sa isang simpleng patimpalak sa pag-awit. Ang kanilang mga tinig ay tumayo laban sa kadiliman, laban sa kahirapan, kamatayan, at kalungkutan. Ang kanilang awit ang gumising sa maliit na apoy ng pag-asa sa bawat puso ng taong- bayan. Isang pag-asa na nagbigay sa kanila ng lakas upang mangarap, lakas upang ipaglaban ang kanilang mga pangarap. Si Melinda ay lumisang naniniwalang nasa bawat isa ang kapangyarihan upang gumawa ng pagbabago, na nasa atin ang isang tinig ng pag-asa na nag-aantay marinig. V. Pagsusuri 1. Panahong Kinabibilangan Ang pelikulang ito ay nabibilang sa mobernong panahon dahil may mga ganitong pangyayari pa rin ngayon sa ating lipunan. 2. Sariling Puna Ang bawat isa, kahit ang mga bata, mahirap man o mayaman ay may karapatang mangarap sapagkat ang bawat isa sa atin ay binayayaan ng talino at talentong dapat gamitin. Sa ating lipunan ay karaniwan mo nang makikita ang mga taong nambibiktima ng kapawa nila. Gagawin ang lahat makalamang lang sa iba. Karaniwan mo naring makikita ang mga taong uupo na lang sa isang tabi upang tanggapin ang kanyang kalagayan, hindi man lamang magsusumikap upang abutin ang kanyang mga pangarap dahil sa nawalan na sila ng pag-asa. Ilan lamang ito sa mga katotohanang matutunghayan sa pelikulang “ Mga Munting Tinig.” Kung ang lahat sa atin ay ganito mag-isip at makipagkapwa – tao, anong lipunan ang ating tinitirhan? Sino pa ang maiiwang naniniwala? Sino pa ang maiiwang kikilos para sa isang kaunalaran? Ang pelikulang ito ay kapupulutan niyo ng aral at magbibigay sa inyo ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay ng buo ang loob at nasa tama. 3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Ang Kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap, pangarap na minimithi ng bawat isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin sa tama na ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan. Dapat nating gamitin ang ating mga munting tinig na sumisigaw ng isang malinis na pagbabago. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan ay hindi maaring ikumpara sa mga matatanda. Dapat ay maging bukas ang ating kaisipan sa lahat ng aspeto ng buhay.
  • 4. Bawat nilalang, bata, matanda, babae o lalaki ay may paninindigan na dapat marinig ng buong mundo. Walang sinuman ang may karapatang hadlangan makapagpahayag ng kanyang damdamin. Kahit na munti man ang ating tinig kapag pinag-isa ay maaring makapagdulot ng malaking epekto sa lipunan. 4. Mungkahi Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay napakaganda. Ang musika, iskrip, mga tauhan, ang pagganap, at ang direksyon ay pawng napakahusay dahil ito’y nabuo ng may masining na kakahayan, ngunit kinalulungkot kong sabihin, na lagi itong nakaliligtaan sa maraming pelikulang Pilipino. Ang mga tunog na ginamit, lalo na ang musical score at ang kanilang tamang punto, ay tama lang dahil nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Sa katunayan, pinanood namin ito, siguro dalawang taon pa lang kami sa kolehiyo, talagang nakakaiyak at masasabi kong ito’y isang makabagbag-damdaming pelikula.
  • 5. Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ ni Jose F. Lacaba Nang dapuan ng libog Isang gabing madilim si Juan de la Cruz puno ng pangambang sumakay sa bus si Juan de la Cruz namasyal sa Culiculi pusturang-pustura at nahulog sa pusali kahit walang laman ang bulsa parang espadang bali-bali BAWAL MANIGARILYO BOSS YOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED sabi ng konduktora CASH at minura sabi ng bugaw si Juan de la Cruz. sabay higop ng sabaw. Pusturang-pustura Pusturang-pustura kahit walang laman ang bulsa Kahit walang laman ang bulsa nilakad ni Juan de la Cruz naglibot sa Dewey ang buong Avenida si Juan de la Cruz BAWAL PUMARADA PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY sabi ng kalsada SATISFY BAWAL UMIHI DITO sabi ng neon. sabi ng bakod Humikab ang dagat na parang leon kaya napagod masarap sanang tumalon pero si Juan de la Cruz. BAWAL MAGTAPON NG BASURA sabi ng alon. Nang abutan ng gutom si Juan de la Cruz Nagbalik sa Quiapo tumapat sa Ma Mon Luk si Juan de la Cruz inamoy ang mami siopao lumpia pansit at medyo kinakabahan hanggang sa mabusog. pumasok sa simbahan Nagdaan sa Sine Dalisay IN GOD WE TRUST Tinitigan ang retrato ni Chichay sabi ng Obispo PASSES NOT HONORED TODAY ALL OTHERS PAY CASH. sabi ng takilyera tawa nang tawa. Nang wala nang malunok si Juan de la Cruz Dumalaw sa Konggreso dala-dala'y gulok si Juan de la Cruz gula-gulanit na ang damit MAG-INGAT SA ASO wala pa ring laman ang bulsa sabi ng diputado umakyat Nagtuloy sa Malakanyang sa Arayat wala naming dalang kamanyang ang namayat KEEP OFF THE GRASS na si Juan de la Cruz. sabi ng hardinero WANTED DEAD OR ALIVE sabi ng sundalo sabi ng PC kay Juan de la Cruz. at sinisi ang walanghiyang kabataan
  • 6. kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayan na tulad ni Juan de la Cruz BALANGKAS NG PAGSUSURI (Tula) I. Pamagat ng Akda: Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ II. May-Akda: Jose F. Lacaba Kilala din sa pangalang Pete Lacaba, pinanganak siya sa Cagayan de Oro City noong ika-25 ng Nobyembre 1945. Isa siyang makata at manunulat ng iskrip. Sina Jose M Lacaba Sr. at Fe Flores ang kanyang mga magulang. Napangasawa niya si Marra PL. Lanot, isang makata at mananaysay, kung saan nagbunga ng isang lalaking anak.. Hindi niya natapos ang pagaaral ng Ingles sa Ateneo d Manila University upang magtrabaho bilang isang mamamahayag. Noong 1974 naaresto siya kasama ang mandudulang si Bonifacio Ilagan at maunulat na si Dolores Stephens-Feria. Bago siya palayain noong 1976, napatay ng mga hukbong sandatahan ng gobyerno sa Mindanao ang kapatid niya na si Emmanuel. Naging patnugot siya ng mga magasin na Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader, National Midweek at ang pinakahuli ay ang Pilippine Graphic. Noong 1970 ay naging parte ng mga kilusang estudyante-aktibista si Lacaba para sa Philippine Free Press kung saan nabuo ang ilan sa mga pinakamahusay na sanaysay ukol sa tinatawag na First Quarter Storm. Nang lumaon ay nilikom ang mga ito at ipinalimbag bilang Days of Disquiet, Nights of Rage, noong 1982. Ang unang kalipnan ng kanyang mga tula, Mga Kagilagilalas na Pakikipagapalaran ay nalimbag noong 1970 at sinundan ito ng isa pang kalipunan ng mga tula, Sa Panahon ng Ligalig, na nilimbag noong 1991. Noong 1979 sa pakikipagtulangan niya kay Ricardo Lee ay nabuo nila ang iskrip para sa pelikulang Jaguar ni Lino Brocka. Ang ilan pa sa mga kilalang screenplay na ginawa niya na mayroong kinalaman sa mga ordinaryong tao na biktima ng kahirapan at kawalang-hustisya ay ang mga sumusunod: Angela Markado noong 1980, Sister Stella L. noong 1984, Bayan Ko: Kapit sa Patalim noong 1985 at Orapronobis noong 1989. Nabigyan ng unang gantimpala ang tula ni Lacaba na may titulong sa Panahon ng Ligalig sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983. Ang awiting Aling Pag-ibig Pa? ay nanalo sa Best Theme Song category ng Catholic Mass Media Awards noong 1984 ay isinulat din ni Jose Lacaba. III. Mga Tauhan: 1. Juan dela Cruz – pangunahing tauhan sa tula kung saan nilakbay niya ang komplikaadong mundo ng siyudad 2. Konduktora – binawalan niya si Juan na manigarilyo sa loob ng bus at minura niya ito. 3. Hardinero at sundalo 4. Bugaw 5. Obispo
  • 7. IV. Buod/Lagom ng Katha Si Juan de la Cruz ay isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing binabanggit ang pangalang ito ay naiuuganay agad ito sa mga Pilipino dahil matagal na at madalas nang ginagamit ang pangalang ito sa mga tauhang Pilipino. Sa unang saknong ay makikita na isang probinsyano si Juan na lumuwas patungong siyudad. Tulad ng ibang bagong salta sa Maynila ay pumorma syang mabuti kahit mahirap lamang upang maging katulad ng mga mamamayan sa lungsod. Halata rin na bago sa kanya ang pagpunta sa lugar na ito dahil nabanggit na siya'y kinakabahan. Ang mga ginamit na tagpuan sa tula ay mga kilalang lugar sa Maynilatulad ng Avenida at Quiapo. Maraming pook-pasyalan ang kanyang pinuntahan ngunit mapupuna na hindi niya napasok ang mga ito dahil sa kahirapan. Gustuhin man niyang kumain ay wala naman siyang pambili. Tila maramin ring hadlang sa kanyang paglalakabay. Maraming siyang gusting puntahan ngunit lagi na lamang may pumipigil sa kanya at nagbabawal. Sa bandang huli ng tula nasawi rin si Juan sa kanyang pagtungo sa lungsod. Inilarawan siya bilang isang pulubi at wala man lamang makain. Naipakita sa mga huling saknong na nakasama para sa kanya ang paninirahan sa siyudad. Maaring naging maganda na ang simpleng buhay niya sa probinsya kaya't nagsisi siya na mamuhay sa lungsod. V. Pagsusuri 1. Panahong Kinabibilangan Ang tula ay naisulat noong panahon nang batas militar subalit napapanahon pa rin hanggang ngayon ang mga pangyayari sa tula kaya nabibilang pa rin ito sa modernong panahon 2.Sariling Puna Sa aking palagay, ang tulang ito ay tumutukoy sa isang probinsyanong Pilipino na hinanap ang kapalaran sa siyudad ngunit nabigo. Tipikal na ang ganitong kwento lalo na dati na limitado pa ang komunikasyon mula sa mga lalawigan at lungsod. Inaakala ng mga taga-probinsya na maganda ang Maynila at maraming trabaho ang naghihintay sa kanila ditto. Inakala nila na ang mga matataas na gusali ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang narito. Maaaring nakita nila ito sa kanilang mga sinuwerteng kababayan na matapos magtrabaho sa Maynila ay bigla na lamang yumaman. Kung kaya't ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ay inihantulad nila sa kahirapan. Para sa akin, mas maganda pa rin ang payak na pamumuhay sa probinsya. Doon ay mas tahimik at payapa na mas masarap tirahan kaysa sa siyudad na magulo at komplikado. Ngunit sang-ayon pa rin naman ako sa mga naglalakas-loob na magahanap ng ikabubuhay sa Maynila dahil hangad lamang nilang umunlad. 3. Values/Aral na Nakapaloob sa Katha Maging kuntento kung anong meron sa atin dahil pag kinainggitan natin ang iba, maaaring tayo’y bumagsak a lalong bababa ang ating antas ng buhay na meron tayo. Hindi ang pagpunta sa siyudad ang solusyon para yumaman kundi nasa atin din kung tayo’y magsisikap. 4. Mungkahi Ang tula ay isinulat sa kanyang sariling ekspresyon, ginamitan ng mga salitang Ingles pero napaganda naman niya ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.