SlideShare a Scribd company logo
1 of 61
PAGBATI
NANG
KAPAYAPAAN!
TAYUTAY
Ito ang pinakamakapangyarihang
paraan ng pagpapahayag ng isang
kaisipang natatangi para sa isang
makata.
Rubin (1986), ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang pagkakalahad. Di tahas
ang kahulugan kaya’t masasabing lumilikha ito ng larawan o
imahen.
Di karaniwan ang pagkakapahayag, natatangi ang bisa nito,
maharaya, kaakit-akit at matulain. Ang pahayag ay hindi tiyakang
tinutukoy. Sa halip ang pagpapahayag ay dinaraan sa paggamit ng
pahiwatig o figurative expression.
URI NG
TAYUTAY
1. PAGTUTULAD (SIMILE)
 ito ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na
magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga magkakatulad
na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa.
 ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad
ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
HALIMBAWA (PAGTUTULAD/ SIMILE)
1. Gaya ng halamang lumaki sa tubig
2. Ako’y tila isang nakadipang kurus
3. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
4. Ang buhay ay tulad ng isang batis
2. PAGWAWANGIS (METAPHOR)
 ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga
salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng
ibang bagay.
 dito inaalis ang hambingang salita’t papiralang ginamit sa
pagtutulad o simile.
 Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ang A
ay B.
HALIMBAWA (PAGWAWANGIS/METAPHOR)
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanghalan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan.
MBM
PAUNAWA
 Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaring palawakin sa
isang pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na
maaring tipiin naman sa isang pagwawangis.
HALIMBAWA
PAGTUTULAD  Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG
ANAKI’Y BITUIN.
PAGWAWANGIS  Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG
BITUIN.
3. PAHALINTULAD (ANALOGY)
 ito ay isang tayutay na may isang tambalang paghahambing
na nangangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagakkaugnay.
 Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.
HALIMBAWA (PAHALINTULAD/ANALOGY)
“At siya’y namangha at kanyang namalas
Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap.
SAANMAN TUMITIG
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG GUBAT
“MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”
-sa tulang HIMALA”
Dominador B. Silos
4. PAHAMBING (COMPARISON)
 ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o
nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o
kauring kapwa angkin ng mga ito.
 BALANGKAS: Si A ay ............. ni B.
HALIMBAWA (PAHAMBING/COMPARISON)
MABANGONG BULAKLAK! ....... SIMBANGO
ng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga.....
MAPUTING BULAKLAK! ...... SIMPUTI ng PURING alaalaga pa ng
napakahinhi’t mutyang dalagita.
- Sa tulang “SAMPAGITA”
- Pedro Gatmaitan
TANDAAN
Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng
unlaping sing-, magsing-, at magkasing-, at iba pang anyong
maramihan ng mga ito; gayundin ay maaring gamitin ang gaga- o
gangga- bilang unlapi sa hambingang magkatulad.
5. PAGSASATAO (PERSONIFICATION)
 ito ay tayutay na nauukol sa paglilipat ng katangian ng
isang tao sa mga walang buhay.
HALIMBAWA (PAGSASATAO/PERSONIFICATION)
PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN
Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAPAALALANG
Ang tao ay marupok sadyang makasalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang kaluwalhatian.
6. PAURINTAO (TRANSFER EPITHET)
 ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan
ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o
kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.
HALIMBAWA (PAURINTAO)
“Kung minsa’y Buwan kang
Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanag
Sa TULOG KONG PUSO’Y
Kay limit sugpuin ang TUKSONG PANGARAP;
Ang katauhan ko:
Likas mang pihikan sa kaway ng galak
Di mamakailang
Binalisa mo rin kung ilang magdamag
Pagkaumaga na.....
Ang iyong karikta’y siyang hinahanap
Subalit Buwan kang
Kaydaling maglahong luningning at dilag!”
Sa tulang “O, “Babae”
Leonicio S. Gonzales
7. PANAWAGAN (APOSTROPHE)
 ito ay isang tayutay na may kagyat na pagtutol sa naunang
paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng
isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing
bagay.
HALIMBAWA (PANAWAGAN)
“Nakapugal ako sa kasunong saklap
Na sa aking dibdib ay halos gumahak
Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping nalagmak...
O ibon, maamong sa iyong paglipad,
Isakay mo ako sa angkin mong pakpak.
Tutulungan mo nganing sa dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling magdamag!
Sa tulang “O Ibon”
Batumbalani
8. PADAMDAM (EXCLAMATION)
 ito ay isang tayutay na nagmumula sa bulalas ng isang
masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin o
isang talata na may gayong pananalita.
HALIMBAWA (PADAMDAM)
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilaang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong.... NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!!
Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita”
Jose Corazon de Jesus
9. PATALINGHAGA (ALLEGORY)
 ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang
ipinapahiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga
talinghaga.
1. HALIMBAWA (PATALINGHAGA)
“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, dumadamba kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.”
Sa tulang “Erotique”
Federico Licsi Espino Jr.
2. HALIMBAWA (PATALINGHAGA)
“Ang magdamag niya
Ay nakipaglamay sa gabing naidlip
Na may simulaing
May bigkis na giting na hindi mapatid,
Taglay ang pag-asa
At init, adhikaing hindi rin manlamig
Sa huling hantungang
Hihimlayan niyang sariling daigdig
Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena
na walang pamagat.
10. PANGITAIN (VISION)
 Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalarawan ng
isip ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.
2. HALIMBAWA (PANGITAIN)
Tayo na pangarap at ating galain
Ang di nakikitang pook-salamisim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DALAWIN
Tayo ay magpakpak
Ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
Sa may panginorin.
Sa tulang “Isang Patunguhan”
A.G. Angeles
11. BALINTUNA (IRONY)
 ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang
kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng
tangkang sabihin, dahil sa isang bagay na sinabi ay may ibang
pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.
HALIMBAWA (BALINTUNA)
“Ang tao kung minsa’y batang nagagalak,
Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas!
Ipako si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pakawala’y itong si Barrabas.......!
Sa tulang “Ang Sasabihin ng Tao”
Jose Corazon de Jesus
12. PAUROY O MAPANG-UYAM (SARCASM)
 ito ay isang tayutay, na ipinapahiwatig sa paraan o tono
ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay
at pangyayari.
HALIMBAWA (PAUROY)
1. Iginagalang. Dinarakila sa gawaing niyang banal.
Niyuyukuran. Pinupuri ng balana; siya ay
Minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan,
Siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay
isang halimaw.
HALIMBAWA (PAUROY)
2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na
gumigiray at kayrami pa ng ipis.
3. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang
layunin, bilugin ang kanyang ulo.
TANDAAN
Sa pauroy, ang taong tinutudyo ay tahasang inilalagay sa anyong
katawa-tawa, iyan ang kaibhan nito sa balintuna, gayunpaman, ang
tunguhin ang balintuna ay ang hayaang ganapin ang tungkulin ng
pauroy.
13. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
 ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal
na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag. Maari ito’y
pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag pansin o
kaya’y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangian ng
malayo sa tunay na katotohanan.
HALIMBAWA (PAGMAMALABIS)
Dadanak ang dugo sa lupaing ito,
Kapag di nangyari itong aking gusto,
Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!
14. PARADOHA (PARADOX)
 ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na
sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusuing lilimiin o
ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.
HALIMBAWA (PARADOHA)
“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”
Kung ito’y totoo, siya ay bulaan.
Lirio G. Mendoza
TANDAAN
Ang paradoha ay maaring higit pa sa paglalaro sa salita. Kung
sasabihin ng makata na ang itim ay puti, o ang pag-ibig ay
pagkamuhi, ang ginagawa niya ay paglulubid na rin ng salita.
Gumagamit siya ng paradoha para galitin ang mambabasa at upang
ipabatid na sadyang masalimuot at mahiwaga ang daigdig.
15. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
 ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang
bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan. Maaring ang kabuuan
naman ay katapat ng isang bahagi.
HALIMBAWA (PAGPAPALIT-SAKLAW)
1. “Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong bayan na tayo’y may pagkakaisa
16. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY)
 ito ay isang tayutay na ginagamit ang pagpapalit ng
pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y
pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkaugnay.
Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan.
HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG)
“Siya’y laking iskwater,” – basagulero o palaaway
“Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sa
sariling sikap at mga karanasan.
HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG)
“Ang pananalig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”
Pananalig - sandata
17. PATAMBIS (ANTITHESIS)
 ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay o ibang bahagi
ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon.
HALIMBAWA (PATAMBIS)
“Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,
Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo!
Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”
Sa tulang “Pawis Hindi Dugo”
Teo S. Baylen
18. PATIWAS (EPIGRAM)
 ito ay isang mahayap o patambis na kasabihang tungo at
nagwawakas sa isang malundo o matalinong pihit ng kaisipan.
HALIMBAWA (PATIWAS)
At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
Ating ugali nang ang sawi ng saging,
Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!
Mana-manang yaman sa habang panahon,
Walang anu-ano ang bata’y naulol!
At ang mga tao ay nakapagtanong:
“Kayamanang tao, bakit nagkaganon?”
At ang pangyayari ang sumagot naman:
“iyang ama nya’y baliw nang namatay
Naman ang pilak, ano’t pagtatakhang
Manahin sa ama’t pati kabaliwan.
Sa tulang “Ang Maginoo”
Jose Corazon de Jesus
19. PABUGTONG (RIDDLE)
 Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mata o
pampalitong sinasalita upang maging pahulaan
HALIMBAWA (PABUGTONG)
Kung babayan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsang pinatay
Ang buhay kong ingat lalong magtatangal.
Sa tulang “KANDILA”
20. PASALIWA (ANASTROPHE)
 Ito ay isang pagsasadiwa ng kinagawian o katutubong ayos
ng mga salita.
HALIMBAWA (PASALIWA)
“Ang hilaw na hinog sa pilit ay hilaw pa rin ,
Namnamin man ay mapait.”
Kasabihan
“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.”
Simon A. Mercado
21. PAHIDWA (OXYMORON)
 Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng
isang bias sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
HALIMBAWA (PAHIDWA)
Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY SUMAYA
Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina
No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
22. PAG-UULIT (GERMINATION)
 Ito ay isang paraan ng kagyat ng pag-uulit ng isang salita
saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.
HALIMBAWA (PAG-UULIT)
“Taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas
Ay di naman taghoy;
Tinghoy na ang ningas ay nagluluningning
Kaya’t hindi tinghoy;
Luoy na talutot na ang angking bango’y
Bangong di naluoy:
Lamuymoy ng sintang maging hinaing
Ay gintong lamuymoy.”
Sa tulang “Ang Tula”
Fernando B. Monleon
23. PASINTUNOG (ONOMATOPOEIA)
 Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o
tunog ay siyang kahulugan.
HALIMBAWA (PASINTUNOG)
“Magbuhat na noo’y pinagkakatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan;
Saka ang isa pang sa baya’y gumimbal
ANG KAMPANANG BASAG BA BAHAW NA BAHAW
KUNG ANO’T TUMUTUNOG SA MADALING ARAW
AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR.
Sa tulang “Ang Lumang Simbahan”
Florentino Collantes
24. PAGTANGGI (LITOTES)
 Ang salitang HINDI ang pangunahing hudyat ng ganitong
uri ng tayutay na sa biglang tingin ay pasalungat, pagtutol o di
pagsang-ayon. Ang ganito ay pangkukunwari lamang o sadyang
kabaligtaran ng tunay na kahulugan.
HALIMBAWA (PAGTANGGI)
Hindi, sapagkat ang tao ay marupok!
Madaling mapaso’t medaling matupol;
Hindi nga’t sapagkat sya’y nga ay alabok!
Madaling magmaliw medaling mapagod!
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!
Inihanda ni
G. Fampulme, Melecio Jr. y, Ferraro
Filipino

More Related Content

What's hot

Panandang kohesyong gramatikal
Panandang kohesyong gramatikalPanandang kohesyong gramatikal
Panandang kohesyong gramatikalByng Sumague
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoPRINTDESK by Dan
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba paart bermoy
 
Mga uri ng tayutay
Mga uri ng tayutayMga uri ng tayutay
Mga uri ng tayutayFhoyzon Ivie
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaDepEd
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikanoisabel guape
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysayiaintcarlo
 
Morpoponemiko
MorpoponemikoMorpoponemiko
Morpoponemikorosemelyn
 
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpatiMga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpatimj_llanto
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikancieeeee
 

What's hot (20)

Panandang kohesyong gramatikal
Panandang kohesyong gramatikalPanandang kohesyong gramatikal
Panandang kohesyong gramatikal
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
 
Mga uri ng tayutay
Mga uri ng tayutayMga uri ng tayutay
Mga uri ng tayutay
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Antas ng salita
Antas ng salitaAntas ng salita
Antas ng salita
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
 
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng AmerikanoPanulaang filipino: Panahon ng Amerikano
Panulaang filipino: Panahon ng Amerikano
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
Morpoponemiko
MorpoponemikoMorpoponemiko
Morpoponemiko
 
Pang-Ugnay
Pang-UgnayPang-Ugnay
Pang-Ugnay
 
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpatiMga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
Mga dapat tandaan sa epektibong pagsasalita at mahusay na pagtatalumpati
 
Maikling kuwento ppt
Maikling kuwento pptMaikling kuwento ppt
Maikling kuwento ppt
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Matalinghagang salita
Matalinghagang salitaMatalinghagang salita
Matalinghagang salita
 
Anyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng PanitikanAnyo at Uri ng Panitikan
Anyo at Uri ng Panitikan
 

Viewers also liked

Viewers also liked (8)

Mga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng TayutayMga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng Tayutay
 
Filipino tula-compatible
Filipino tula-compatibleFilipino tula-compatible
Filipino tula-compatible
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Philosophy of Education: Existentialism
Philosophy of Education: ExistentialismPhilosophy of Education: Existentialism
Philosophy of Education: Existentialism
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Komiks istrip
Komiks istripKomiks istrip
Komiks istrip
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 

Similar to Iba't ibang uri ng mga Tayutay

Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaAllan Ortiz
 
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfMGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfJhanaUrdaneta
 
Alternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxAlternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxrhea bejasa
 
Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated HandoutAllan Ortiz
 
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang IstiloPagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilojanus rubiales
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilojanus rubiales
 
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO - SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptx
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO -  SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptxFILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO -  SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptx
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO - SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptxLlemorSoledSeyer1
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwaalmeron
 
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptx
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptxFIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptx
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptxRioOrpiano1
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxLeahMaePanahon1
 
mga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikanmga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikantimbangangelo
 
Tayutay.pptx
Tayutay.pptxTayutay.pptx
Tayutay.pptxRioGDavid
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaRenalyn Arias
 
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisip
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisipYunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisip
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisipAngelica Dechosa
 

Similar to Iba't ibang uri ng mga Tayutay (20)

Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tula
 
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdfMGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
MGA-URI-NG-TAYUTAY.pdf
 
Alternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptxAlternatibong solusyon.pptx
Alternatibong solusyon.pptx
 
Tula updated Handout
Tula updated HandoutTula updated Handout
Tula updated Handout
 
Tula Handout
Tula HandoutTula Handout
Tula Handout
 
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang IstiloPagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinghagang Istilo
 
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istiloPagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
Pagpapahayag ng ideya sa matalinhagang istilo
 
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO - SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptx
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO -  SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptxFILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO -  SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptx
FILI[PINO 9 MAIKLING KWENTO - SI KELOGLAN AT ANG MAKAPANGYARIHANG SELYO.pptx
 
pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwa
 
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptx
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptxFIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptx
FIL 9 - 3RD PARABULA, ELEHIYA ELEHIYA.pptx
 
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptxAralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
Aralin_1_Karunungang_Bayan.pptx
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
FIL-9-Q1-Tula.pptx
FIL-9-Q1-Tula.pptxFIL-9-Q1-Tula.pptx
FIL-9-Q1-Tula.pptx
 
FIL-9-Q1-Tula.pdf
FIL-9-Q1-Tula.pdfFIL-9-Q1-Tula.pdf
FIL-9-Q1-Tula.pdf
 
TULA.pptx
TULA.pptxTULA.pptx
TULA.pptx
 
mga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikanmga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikan
 
Tayutay.pptx
Tayutay.pptxTayutay.pptx
Tayutay.pptx
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisip
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisipYunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisip
Yunit 3 Aralin 7 Pagpasok sa Pintuan ng Sariling Pag-iisip
 

Recently uploaded

Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxTalisayNhs1
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptxJoelleG1
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................LovelyPerladoRodrinR
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 

Recently uploaded (20)

Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
420506006-Mga-Pangulo-Ng-Pilipinas-at-Ang-Kanilang-Mga-Programa-Copy.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
ap_20240410_090105_0000.pdf.....................................................
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 

Iba't ibang uri ng mga Tayutay

  • 2. TAYUTAY Ito ang pinakamakapangyarihang paraan ng pagpapahayag ng isang kaisipang natatangi para sa isang makata.
  • 3. Rubin (1986), ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa ordinaryong paggamit ng salita. Kaiba ang pagkakalahad. Di tahas ang kahulugan kaya’t masasabing lumilikha ito ng larawan o imahen. Di karaniwan ang pagkakapahayag, natatangi ang bisa nito, maharaya, kaakit-akit at matulain. Ang pahayag ay hindi tiyakang tinutukoy. Sa halip ang pagpapahayag ay dinaraan sa paggamit ng pahiwatig o figurative expression.
  • 5. 1. PAGTUTULAD (SIMILE)  ito ay isang simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo ngunit may mga magkakatulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa.  ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
  • 6. HALIMBAWA (PAGTUTULAD/ SIMILE) 1. Gaya ng halamang lumaki sa tubig 2. Ako’y tila isang nakadipang kurus 3. Parang hinahagkan ang paa ng Diyos 4. Ang buhay ay tulad ng isang batis
  • 7. 2. PAGWAWANGIS (METAPHOR)  ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay.  dito inaalis ang hambingang salita’t papiralang ginamit sa pagtutulad o simile.  Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ang A ay B.
  • 8. HALIMBAWA (PAGWAWANGIS/METAPHOR) Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan Ng mga lihim nya’t mga karanasan Ang buhay nyang hiram ay naging tanghalan Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan. MBM
  • 9. PAUNAWA  Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaring palawakin sa isang pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaring tipiin naman sa isang pagwawangis.
  • 10. HALIMBAWA PAGTUTULAD  Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG ANAKI’Y BITUIN. PAGWAWANGIS  Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG BITUIN.
  • 11. 3. PAHALINTULAD (ANALOGY)  ito ay isang tayutay na may isang tambalang paghahambing na nangangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagakkaugnay.  Balangkas: Ang ugnayang AB ay tulad ng ugnayang CD.
  • 12. HALIMBAWA (PAHALINTULAD/ANALOGY) “At siya’y namangha at kanyang namalas Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap. SAANMAN TUMITIG DILAG AY NAGLIGID SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG GUBAT “MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.” -sa tulang HIMALA” Dominador B. Silos
  • 13. 4. PAHAMBING (COMPARISON)  ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o nagpapalagay na ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o kauring kapwa angkin ng mga ito.  BALANGKAS: Si A ay ............. ni B.
  • 14. HALIMBAWA (PAHAMBING/COMPARISON) MABANGONG BULAKLAK! ....... SIMBANGO ng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga..... MAPUTING BULAKLAK! ...... SIMPUTI ng PURING alaalaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita. - Sa tulang “SAMPAGITA” - Pedro Gatmaitan
  • 15. TANDAAN Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng unlaping sing-, magsing-, at magkasing-, at iba pang anyong maramihan ng mga ito; gayundin ay maaring gamitin ang gaga- o gangga- bilang unlapi sa hambingang magkatulad.
  • 16. 5. PAGSASATAO (PERSONIFICATION)  ito ay tayutay na nauukol sa paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga walang buhay.
  • 17. HALIMBAWA (PAGSASATAO/PERSONIFICATION) PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating. ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAPAALALANG Ang tao ay marupok sadyang makasalanan Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan Ang gawang masama’y kanyang kaluwalhatian.
  • 18. 6. PAURINTAO (TRANSFER EPITHET)  ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.
  • 19. HALIMBAWA (PAURINTAO) “Kung minsa’y Buwan kang Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanag Sa TULOG KONG PUSO’Y Kay limit sugpuin ang TUKSONG PANGARAP; Ang katauhan ko: Likas mang pihikan sa kaway ng galak Di mamakailang Binalisa mo rin kung ilang magdamag Pagkaumaga na..... Ang iyong karikta’y siyang hinahanap Subalit Buwan kang Kaydaling maglahong luningning at dilag!” Sa tulang “O, “Babae” Leonicio S. Gonzales
  • 20. 7. PANAWAGAN (APOSTROPHE)  ito ay isang tayutay na may kagyat na pagtutol sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing bagay.
  • 21. HALIMBAWA (PANAWAGAN) “Nakapugal ako sa kasunong saklap Na sa aking dibdib ay halos gumahak Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak, Sa piitang sakit, aliping nalagmak... O ibon, maamong sa iyong paglipad, Isakay mo ako sa angkin mong pakpak. Tutulungan mo nganing sa dusa’y umalpas, Ibig kong malimot ang huling magdamag! Sa tulang “O Ibon” Batumbalani
  • 22. 8. PADAMDAM (EXCLAMATION)  ito ay isang tayutay na nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin o isang talata na may gayong pananalita.
  • 23. HALIMBAWA (PADAMDAM) “Ayan, ang kabaong na pasan ng tao. Irog, sumama ka at kakilala mo! May ilaang karamay, korona’t musiko, Ihahatid na raw sa wakas ng mundo! Nang ihuhulog na ang kabaong.... NAKU! Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!! Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita” Jose Corazon de Jesus
  • 24. 9. PATALINGHAGA (ALLEGORY)  ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang ipinapahiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga.
  • 25. 1. HALIMBAWA (PATALINGHAGA) “Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumikad, Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad. Dumadamba, dumadamba kapag renda’y hinahatak O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak.” Sa tulang “Erotique” Federico Licsi Espino Jr.
  • 26. 2. HALIMBAWA (PATALINGHAGA) “Ang magdamag niya Ay nakipaglamay sa gabing naidlip Na may simulaing May bigkis na giting na hindi mapatid, Taglay ang pag-asa At init, adhikaing hindi rin manlamig Sa huling hantungang Hihimlayan niyang sariling daigdig Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na walang pamagat.
  • 27. 10. PANGITAIN (VISION)  Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalarawan ng isip ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.
  • 28. 2. HALIMBAWA (PANGITAIN) Tayo na pangarap at ating galain Ang di nakikitang pook-salamisim ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN AT ANG MGA TALA’Y ATING DALAWIN Tayo ay magpakpak Ng bagwis ng hangin At kita’y lalapag Sa may panginorin. Sa tulang “Isang Patunguhan” A.G. Angeles
  • 29. 11. BALINTUNA (IRONY)  ito ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.
  • 30. HALIMBAWA (BALINTUNA) “Ang tao kung minsa’y batang nagagalak, Utal pa ang dila, kung mangusap, pantas! Ipako si Kristo ang sabi ng lahat At ang pakawala’y itong si Barrabas.......! Sa tulang “Ang Sasabihin ng Tao” Jose Corazon de Jesus
  • 31. 12. PAUROY O MAPANG-UYAM (SARCASM)  ito ay isang tayutay, na ipinapahiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.
  • 32. HALIMBAWA (PAUROY) 1. Iginagalang. Dinarakila sa gawaing niyang banal. Niyuyukuran. Pinupuri ng balana; siya ay Minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, Siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang halimaw.
  • 33. HALIMBAWA (PAUROY) 2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na gumigiray at kayrami pa ng ipis. 3. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.
  • 34. TANDAAN Sa pauroy, ang taong tinutudyo ay tahasang inilalagay sa anyong katawa-tawa, iyan ang kaibhan nito sa balintuna, gayunpaman, ang tunguhin ang balintuna ay ang hayaang ganapin ang tungkulin ng pauroy.
  • 35. 13. PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)  ito ay isang tayutay na ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag. Maari ito’y pagpapakulang sa tunay na kalagayan upang makatawag pansin o kaya’y isang lampas-lampas na pagpapahayag ng katangian ng malayo sa tunay na katotohanan.
  • 36. HALIMBAWA (PAGMAMALABIS) Dadanak ang dugo sa lupaing ito, Kapag di nangyari itong aking gusto, Susumpain ka pa ng dinidiyos mo! Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!
  • 37. 14. PARADOHA (PARADOX)  ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusuing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.
  • 38. HALIMBAWA (PARADOHA) “Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay “Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!” Kung ito’y totoo, siya ay bulaan. Lirio G. Mendoza
  • 39. TANDAAN Ang paradoha ay maaring higit pa sa paglalaro sa salita. Kung sasabihin ng makata na ang itim ay puti, o ang pag-ibig ay pagkamuhi, ang ginagawa niya ay paglulubid na rin ng salita. Gumagamit siya ng paradoha para galitin ang mambabasa at upang ipabatid na sadyang masalimuot at mahiwaga ang daigdig.
  • 40. 15. PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)  ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat at kabuuan. Maaring ang kabuuan naman ay katapat ng isang bahagi.
  • 41. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-SAKLAW) 1. “Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo 2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko 3. Ipakilala natin sa buong bayan na tayo’y may pagkakaisa
  • 42. 16. PAGPAPALIT-TAWAG (METONOMY)  ito ay isang tayutay na ginagamit ang pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan.
  • 43. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG) “Siya’y laking iskwater,” – basagulero o palaaway “Si Bonifacio ay buhat sa paaralan ng karanasan.” – natuto sa sariling sikap at mga karanasan.
  • 44. HALIMBAWA (PAGPAPALIT-TAWAG) “Ang pananalig ay ating kaligtasan Banal na pag-ibig at katotohanan.” Pananalig - sandata
  • 45. 17. PATAMBIS (ANTITHESIS)  ito ay isang pagpapalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangungusap laban sa isa pa na sinasalungatan niyon.
  • 46. HALIMBAWA (PATAMBIS) “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno, Sa akin ay pawis ang dapat ibugso; Sudsod hindi sundang! Punla hindi punlo! Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!” Sa tulang “Pawis Hindi Dugo” Teo S. Baylen
  • 47. 18. PATIWAS (EPIGRAM)  ito ay isang mahayap o patambis na kasabihang tungo at nagwawakas sa isang malundo o matalinong pihit ng kaisipan.
  • 48. HALIMBAWA (PATIWAS) At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin Ang tawag ng bayan ay maginoo rin! Ating ugali nang ang sawi ng saging, Gadangkal pa lamang saging nang tawagin! Mana-manang yaman sa habang panahon, Walang anu-ano ang bata’y naulol! At ang mga tao ay nakapagtanong: “Kayamanang tao, bakit nagkaganon?” At ang pangyayari ang sumagot naman: “iyang ama nya’y baliw nang namatay Naman ang pilak, ano’t pagtatakhang Manahin sa ama’t pati kabaliwan. Sa tulang “Ang Maginoo” Jose Corazon de Jesus
  • 49. 19. PABUGTONG (RIDDLE)  Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mata o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan
  • 50. HALIMBAWA (PABUGTONG) Kung babayan mong ako ay mabuhay Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan; Datapwat pag ako’y minsang pinatay Ang buhay kong ingat lalong magtatangal. Sa tulang “KANDILA”
  • 51. 20. PASALIWA (ANASTROPHE)  Ito ay isang pagsasadiwa ng kinagawian o katutubong ayos ng mga salita.
  • 52. HALIMBAWA (PASALIWA) “Ang hilaw na hinog sa pilit ay hilaw pa rin , Namnamin man ay mapait.” Kasabihan “Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.” Simon A. Mercado
  • 53. 21. PAHIDWA (OXYMORON)  Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng isang bias sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
  • 54. HALIMBAWA (PAHIDWA) Noon ko nakitang ANG MALUNGKOT AY SUMAYA Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA Pagkat sa LUMBAY N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
  • 55. 22. PAG-UULIT (GERMINATION)  Ito ay isang paraan ng kagyat ng pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.
  • 56. HALIMBAWA (PAG-UULIT) “Taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas Ay di naman taghoy; Tinghoy na ang ningas ay nagluluningning Kaya’t hindi tinghoy; Luoy na talutot na ang angking bango’y Bangong di naluoy: Lamuymoy ng sintang maging hinaing Ay gintong lamuymoy.” Sa tulang “Ang Tula” Fernando B. Monleon
  • 57. 23. PASINTUNOG (ONOMATOPOEIA)  Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.
  • 58. HALIMBAWA (PASINTUNOG) “Magbuhat na noo’y pinagkakatakutan, Ayaw nang pasukin ang Lumang Simbahan; Saka ang isa pang sa baya’y gumimbal ANG KAMPANANG BASAG BA BAHAW NA BAHAW KUNG ANO’T TUMUTUNOG SA MADALING ARAW AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY; Saka nang dumating ang kinabukasan May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR. Sa tulang “Ang Lumang Simbahan” Florentino Collantes
  • 59. 24. PAGTANGGI (LITOTES)  Ang salitang HINDI ang pangunahing hudyat ng ganitong uri ng tayutay na sa biglang tingin ay pasalungat, pagtutol o di pagsang-ayon. Ang ganito ay pangkukunwari lamang o sadyang kabaligtaran ng tunay na kahulugan.
  • 60. HALIMBAWA (PAGTANGGI) Hindi, sapagkat ang tao ay marupok! Madaling mapaso’t medaling matupol; Hindi nga’t sapagkat sya’y nga ay alabok! Madaling magmaliw medaling mapagod!
  • 61. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG! Inihanda ni G. Fampulme, Melecio Jr. y, Ferraro Filipino