2. Kinikilala sa ekonomiks ang pamilihan bilang
ideyal na sistemang pang-ekonomiya. Ito ay
binubuo ng mga kalahok na nagtataguyod ng
kanilang mga sariling kapakanan. Ang mga
kalahok ay gumagawa ng plano upang mapabuti
ang kanilang kapakanan. Magkakaiba ang mga
planong nabubuo. Ang mamimili ay
nagsasagawa ng planong pagkonsumo. Ang
bahay-kalakal ay nagsasagawa ng plano ng
produksyon. Sa katunayan, mababatid sa mga
plano ang mga pagpapahalaga at tungkulin ng
bawat aktor.
3. Hindi Ganap na Kompetisyon
Ang pagkakaroon ng monopoly at iba pang anyo ng hinde ganap na
kompetisyon ay itinuturing na isang uri ng pagkabigo ng pamilihan. Sa ganitong
kalagayan, ang sisitema ng pamilihan ay hinde nagreresulta sa efficient na
pagbabahagi ng mga pinag kukunang-yaman.
Externality
Isa pang anyo ng pagkabigo ng pamilihan ang ang mga hinde sinasadyang
naibunga ng gawain ng mga kalahok sa pamilihan. Ang mga externality ay
namamalagi lamang sa paligid, ngunit walang pamilihan para dito.
Krisis sa Ekonomiya
Noong dekada 1930, nakaranas ang US nd deppresion sa ekonomiya. Ang
deppresion ay ang mahabang panahon ng negatibong paglago ng ekonomiya.
Nagkaroon ng mataas na kasalatan sa demand. Maraming nalilikhang produkto na
walang demand. Wala ring gustong mamuhunan.
4. ANTAS NG PANGHIHIMASOK NG PAMAHALAAN SA
EKONOMIYA
May dalawang antas ang panghihimasok ng pamahalaan
sa ekonomiya. Maari itong maging maliit at mahina, o
maging malaki at aktibong pamahallan.
5. Unang naipakilala ang gampanin ng pamhalaan sa isang pamilihan noong
ika- 18 siglo. May mga ekonomistang naniniwala sa prinsipyo ng maliit at
hindi aktibistang pamahalaan(small and soft state). Maliit ang
pamahalaan dahil limitado ang panghihimasok nito sa ekonomiya.
Mahina ang pamahalaan dahil hindi tahasan ang panghihimasok nito sa
ekonomiya. Umiinog ang gampanin nito sa pagpaptatag ng sistema ng
pamilihan.
6. Para sa ibang ekonomista, kinakailangang maging malaki ang
isang pamahalaan (big state). Ibig sabihin, kinakailangang malakii ang
panghihimasok nito sa ekonomiya. Ang pamahalaan ay nararapat maging
aktibo. Sisikapin nitong mapunan ang pagkukulang ng pamilihan. Kikilos
ang pamahalaan upang maiwasan ang negative externality at mahikayat
naman ang positive externality.
Hindi lamang ito nakatuon sa pagpapatatag ng sistema ng
pamilihan.Tungkulin nitong magtakda ng presyo sa pagkabigo ng
pamilihan. Ito ang allocative role ng pamahalaan.Tungkulin din nitong
paliitin ang hindi pagkakapantay-pantay (inequality) ng mga kalahok. Ito
naman ang distributive role ng pamahalaan.
7. Maraming pamamaraan upang maging malaki at aktibo ang isang
pamahalaan. Una, nagtatakda ng alituntunin sa industriyal na kompetisyon
ang pamahalaan. Maaaring higpitan ng pamahalaan ang pagpasok ng ilang
bahay-kalakal. Pati presyo ng produkto ay isasaayos nito sa isang atas
lamang.Tinatawag itong tight industrial regulatory regime o tight regulation.
TIGHT INDUSTRIAL REGULATORY REGIME
Ipinatupad ng pamahalaan ang tight insutrial regulatory regime sa
paniniwala sa bubuti ang kapakanan ng mamamayan sa mga piling bahay-
kalakal.
Industrial Deregulatory Regime
Kung minsan, nabibigo ang natural monopoly na maitaguyud ang kapakanan
ng mamamayan.
8. Paglahok ng Pamahalaan sa Industriya
Maaaring piliin ng pamahalaan na ito na mismo ang magpatakbo
ng isang industriya. Lilikha ito ng bahay kalakal na nakatuon sa paglikha ng
pangunahing pangangailangan.
Pagbubuwis
Maaari ring gawin ang pamahalaan ang pagtatakda ng gamit ng
buwis.
Tax Exemption at Sudsidy
Maaari ring gamitin ang buwis upang maitaguyod ang kapakanan
ng bawat sektor.
Programang Pangkaunlaran
Maraming pinagkukunang-yaman ang bansa. Ngunit ang ibang
pinagkukunang-yaman ay pag-aari ng iilang kalahok lamang sa pamilihan.
Sequestration
May pagkakataon na sapilitang itinigil ng pamahalaan ang negosyo
ng bahay-kalakal. Ito ay sa pamamagitan ng sequestration
9. Price Ceiling at Price Floor
Likas na gawi ng bahay-kalakal na itaas ang presyo ng bilihin. Ang
price ceiling ang pinakamataas na presyo na itinatakda ng pamahalaan para
sa isang produkto.
PUNA SA PANGHIHIMASOK NG PAMAHALAAN
1.Nagiging hindi efficient at hindi epektibo ang paglilingkod ng pamahalan.
2. Pinapasan din ng mga nagbabayad ng buwis ang pagtaas ng gastusin ng
pamahalaan.
3. Nagreresulta kung minsan ang panghihimasok sa paglawak ng
kapangyarihan ng pamahalaan sa politika.
4.Kung minsan, hindi rin nakakamitang efficiency sa produksiyon.
10. Ang pagpapanatili ng katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at hinde
aktibistang pamahalaan. Isasagawa ito sa pagtataguyod ng ganap na
kompetisyon.
Tatlo ang gampanin ng malaki at aktibong pamahalaan una, ang
pagpapanatili ng kompetisyon; ikalawa, ang pagpapalit sa allocative role ng
pamilihan; at ikatlo, ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga
pinagkukunang-yaman.
Ang mga karagdagang pamamaraan ng panghihimasok ng pamahalaan ay
ang pagsasagawa ng mga industriya na alituntunin, pagpapataw ng
buwis, paggawad ng subsidy, at pagkontrol sa mga presyo sa pamilihan.
PAGBUBUOD