Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
1. i
Filipino
sa Piling Larang
Tech-Voc
Kagamitan ng Mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan,
kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at
ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.
2. ii
Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Limbag 2016
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit
sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga gawain ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon ang
sinumang lalabag dito.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas
Copyright Licensing Authority (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito.
Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd – BLR)
Office Address: Ground Floor Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax: (02) 634 – 1072; 634 – 1054; 631 – 4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Corazon L. Santos Santos, PhD
April J. Perez
Tagasuri ng Sining ng Pagtuturo: Lilibeth Oblena
Tagasuri ng Wika: Jayson Petras
Pabalat: Teresa Bernadette L. Santos
Tagapamahala ng Kagamitan ng Mag-aaral
Bureau of Curriculum Development
Bureau of Learning Resources
3. iii
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA 1: Ang Kawikaan sa Tech-Voc………………….. 1
Introduksiyon ……………………………………………………………………… 2
1. Mga Varayti ng Wika ………………………………………………………… 3
2. Ang Rehistro ng Pagluluto: Panimulang Pagsusuri ng
Varayti ng Filipino sa Ilang Piling Cookbook ………………………………25
3. Pagsusuri sa Rehistro ng Wika ng mga Mananahi ……………………….39
KABANATA 2: Manwal at Liham-Pangnegosyo ……………. 48
Introduksiyon …………………………………………………………..................49
4. Manwal
Manwal ng Anti-Korupsyon para sa mga SMEs ……………………... 50
Saklolo para sa mga Dayuhan sa Oras ng Sakuna at Kalamidad:
Manwal ng mga Katanungan at Kasagutan .................................... 65
Handbook ng Benepisyo ng mga Manggagawa Ayon sa Batas … 70
5. Liham-Pangnegosyo
Liham Kahilingan ……………………………………………………… 149
Liham Pag-uulat ………………………………………………………. 151
Liham Pagkambas ……………………………………………………. 154
KABANATA 3: Flyers/Leaflets, Promo Materials ………….. 156
Introduksiyon …………………………………………………………………… 157
6. Flyers/Leaflets
Tungkol sa mga Modern Methods ng Family Planning ……….... 158
Kalusugan ng Bata …………………………….. …………………… 160
Tamang Kaalaman sa Pag-aalaga ng Hayop ……………………... 162
Pag-aalaga ng Baboy sa Natural na Pamamaraan …………………164
Paano Mag-aapply para sa Supply/Paglilipat o
Transfer at Terminasyon ng Account …………………………………169
7. Promo Materials …………………….....………………………………...... 171
4. iv
KABANATA 4: Deskripsyon ng Produkto at Dokumentasyon
sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto ………….....… 174
Introduksiyon ……………........................................................………… 175
8. Deskripsyon ng Produkto
Isang Espesyal na Durian ………………………………………. 176
Mga Uri ng Binhi para sa Organikong Paggulayan.......................... 178
Makina sa Pag-ani …………………………………………………… 182
9. Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay/Produkto
Pagtanim ng Organikong Talong…………………………………. 187
Pag-install ng SIM Card at Baterya ………………………………… 190
Ang Paggawa ng Parol ………………………………………………. 192
KABANATA 5: Feasibility Study at Naratibong Ulat ……... 195
Introduksiyon ........................................................................................... 196
10. Feasibility Studies
Pagtatasa sa Pisibilidad ng Publiko-Pribadong Pagtutulungan
(Public-Private Partnership)sa Lagay ng Kalusugan sa Pilipinas 197
Panukalang Upper Sepaka Micro-Hydropower Project ………… 202
11. Naratibong Ulat
Ulat Tungkol sa Pangkalahatang Orientation-Workshop
sa Programang Abot-Alam ………………………………………… 210
TESDA Sorsogon ………………………………………………....... 216
Hinggil sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Guro 2013
ng DEPSTEA ……………………………………………………….. 218
KABANATA 6: Paunawa / Babala / Anunsiyo
at Menu ng Pagkain ..................................................... 220
Introduksiyon ………………………………………………............. 221
12. Paunawa/ Babala /Anunsiyo
Babala ng PHILVOLCS ukol sa Bulkang Mayon………………….. 223
Babala Para sa iyong Kaligtasan ………………………………… 225
Anunsyo: Mamasapano, Media, at Wika ng Digmaan …………… 228
Talasalitaan: Isang Paglulunsad at Panayam ……………………. 231
Buwan ng Wika 2014 ……………………………………………….. 233
13. Menu ng Pagkain
Magluto Tayo ..…………………………………………………………. 236
P99 Food Trip Meals …………………………………………………. 239
Bibliograpiya……………………………………………………………………… 240
6. 2
Introduksiyon
Bago pa talakayin ang iba’t ibang uri ng mga sulating panteknikal-
bokasyunal, napakahalagang malaman ng mga mag-aaral ang hinggil sa
kalikasan ng wika at ang mga batayang konseptong may kaugnayan dito.
Hindi maitatangging wika ang magsisilbing sandata ng mga mag-aaral upang
makabuo ng mga sulating may kinalaman sa kanilang piniling larangan at
espesyalisasyon. Makatutulong ang malinaw na pagkaunawa sa wika tungo
sa angkop at wastong pagbuo at pagpapakahulugan sa mga babasahing
ihahain sa mga mag-aaral. Pasulat man o pasalitang paraan, ang wastong
paggamit ng wika ang isa sa pangunahing batayan ng tagumpay at pagiging
epektibo ng mensaheng nais iparating ng isang indibiduwal.
Binubuo ang kabanatang ito ng mga babasahing isinulat ng mga guro
at mag-aaral ng wika.Makatutulong ang pagkatuto ng mga varayti ng wika sa
piniling larangan ng mga mag-aaral gayundin upang maunawaan ang iba’t
ibang jargon nito. Bukod pa rito, may kalakip na babasahing tumatalakay sa
rehistro ng wika sa pagluluto gayundin sa rehistro ng wika sa pananahi.
Kaugnay nito, inaasahang makasulat at makasuri din ang mga mag-aaral sa
hinaharap ng mga katulad na sulatin na may kaugnayan sa kani-kaniyang
larangan.
7. 3
1.
Mga Varayti ng Wika
Nilo S. Ocampo
Sa pagbabasa ng mga aklat na tumatalakay sa isang wika maaaring
magkaroon ng ideya na tila na ang lahat ng mga tagapagsalita ng wikang
iyon ay gumagamit sa wika sa unipormadong paraan.
Ngunit dapat tandaan na ang bawat wika ay magkakaroon ng mahigit
na isang varayti, lalo nasa anyong pasalita. Ang pagkakaiba-iba ay
napakahalaga at kinikilalang bahagi ng pang-araw-araw na paggamit ng wika
ng iba’t ibang komunidad na rehiyonal at panlipunan. Ganito mangyari pa ang
binigyang daan ng mga dalubhasa, halimbawa ni George Yule (2010) sa
kaniyang batayang aklat na The Study of Language. Isinaalang-alang niya
matapos ang mga panimulang pagtalakay sa mga katangian ng wika, na may
dalawang uri ito ng baryasyon. Una ang naimbestigahan sa pamamagitan ng
geographic linguistics, nagdidiin sa mga rehiyonal na varayti, at ang ikalawa,
ang mga sangkot na salik sa panlipunang baryasyon sa gamit ng wika.
Karamihan sa sumusunod na pagtalakay ng paksang ito ay isinalin at/o
hinalaw sa naturang awtor.
Ang Istandard na Wika
Una, tukuyin natin ang partikular na varayti na karaniwang kahulugan
kapag ginagamit ang mga pangkalahatang terminong tulad ng English,
French, German, Chinese, Bahasa, Filipino at iba pa.
Kapag inilalarawan natin ang mga tunog, salita at pangungusap sa
Ingles at iba pang malaganap o pambansang wika, tumutuon tayo sa isang
varayti lamang, karaniwang tinatawag na Standard English o Istandard
Ganito/Ganoon. Ito ang varayting bumubuo sa batayan ng nakalimbag na
Ingles sa mga pahayagan at aklat, sa mass media at ang itinuturo sa mga
eskuwelahan. Ito ang varayting karaniwang itinuturo sa mga gustong matuto
ng Ingles o iba pang wika bilang pangalawang wika. Ito rin ang varayting
itinuturing ng ilang tao bilang tanging uri ng wastong Ingles at kasi nga,
kailangang mapanatiling ‘dalisay’ o ‘puro’. Isang malinaw na bersiyon ng
8. 4
punto de bistang ito ang institusyonalisado sa France kung saan isang
pangkat ng mga iskolar, nakilala bilang French Academy, ang regular na
nagkikita at nagpapasiya kung ang isang partikular na salita, halimbawa, ay
bahagi ng Standard French o hindi. Sa mga pagtatangka nilang mapanatiling
‘puro’ ang French, karaniwang nagpapasiya ang French Academy laban sa
mga salitang nahiram sa ibang wika. Sa kabila ng mga desisyong ito,
nagiging palasak rin ang mga katawagang le whiskey at le weekend sa
naiisip nating Standard French.
Punto (Aksent) at Dayalek
Iniisip mo man o hindi na nagsasalita ka ng Standard English (o
anumang wika), siguradong magsasalita kang may punto o aksent. Hindi
totoong may punto ang ilang nagsasalita samantalang wala ang iba. Litaw o
madaling mapansin ang mga punto ng ilang nagsasalita pero hindi naman sa
iba, gayunman bawat gumagamit ng wika ay may punto. Sa gamit teknikal
nito, ang terminong punto ay nakalimita sa mga aspekto sa pagbigkas na
nagpapakilala sa indibiduwal na tagapagsalita kung saan siya galing,
rehiyonal o panlipunan. Dapat ipagkaiba ito sa terminong dayalek na
naglalarawan ng mga sangkap ng gramar at bokabularyo, gayundin ng
aspekto ng pagbigkas. Halimbawa, tila pareho lang ang pangungusap na You
don’t know what you’re talking about sa punto man na American o Scottish.
Kapuwa gagamit ng anyong Standard English ang dalawang tagapagsalita,
bagama’t magkaiba sa pagbigkas. Gayunman, ang susunod na pangungusap
– Ye dinnae ken whit yer haverin’aboot – ay parehong kahulugan sa nauna,
pero isinulat bilang aproksimasyon ng kung paano magsasalita ang taong
may isang dayalek ng Scottish English. Siyempre, may mga pagkakaiba sa
bigkas (hal. Whit, aboot) pero may mga halimbawa rin ng magkaibang
bokabulayo (ken,haverin) at isang kaibang anyong gramatikal (dinnae).
Samantalang madaling makilala ang mga pagkakaiba sa bokabularyo,
mas hindi naitatala ang mga baryasyong dayalektal sa kahulugan ng mga
kontruksiyong gramatikal. Halimbawa, ang isang palitan ng dalawang ispiker
ng British English (B at C) at isang ispiker mula sa Ireland (A) na naganap sa
Donegal, Ireland:
9. 5
A. How long are you here?
B. Till after Easter.
(Mukhang nalilito si Ispiker A)
C. We came on Dunaday.
D. Ah, you’re here a while then.
Malinaw na ang konstruksiyong “How long are you’re here” sa
dayalek ni ispiker A, ay ginagamit na may kahulugang malapit sa estrukurang
“How long have you been here,” gamit sa ibang dayalek kaysa sa
interpretasyong panghinaharap na ginawa ni ispiker B.
Sa kabila ng paminsan-minsang kalituhang ganito may isang
pangkalahatang impresyon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga ispiker
ng iba’t ibang dayalek, o varayti ng Ingles. Ang importanteng puntong dapat
tandaan ay mula sa punto de bistang lingguwistik, walang varayting ‘mas
mabuti’ kaysa sa isa pa. Simpleng magkaiba lang sila. Mula sa punto de
bistang panlipunan, mangyari pa, ang ilang varayti ay nagiging mas
prestihiyoso. Sa katunayan, ang varayting nadevelop bilang Wikang Istandard
ay karaniwang dayalek na prestihiyoso sa panlipunan, orihinal na konektado
sa isang sentrong politikal o kultural (hal. London para sa British English, at
Paris para sa French). Pero palaging may ibang varayti ng isang wika na
sinasalita sa ibang mga rehiyon.
Mga Dayalek na Rehiyonal
Malawak ang pagkilala sa pagkakaroon ng mga iba’t ibang dayalek na
rehiyonal at madalas na pinanggagalingan ng ilang katatawanan sa mga
naninirahan sa ibang rehiyon. Kaya, sa United States, isang taga-Brooklyn ang
magbibiro tungkol sa depinisyon ng taga-South ng sex na sex is fo’ less than, sa
pinakamagaling na gaya nito sa punto ng South. Ang taga-South naman, bilang
ganti, ay magtataka kung ano ang tree guy sa Brooklyn, yayamang naringgan
nila ang mga ispiker sa Brooklyn ng doze tree guys. Sa Pilipinas makikita ito sa
mga patutsada kung ang tumatawag ba ay si Jiji o si Jeyjey o sa paghaharap ba
ng ebidensya sa impeachment trial ni Pangulong Estrada, exhibit KiKiKi (tripul K)
ang ilalabas. Malinaw na may kakabit na istiryotayp na bigkas ang ilang dayalek
na rehiyonal.
10. 6
Hindi ganoong kainteresado gayunman ang mga sangkot sa
seryosong pagsisiyasat ng mga dayalek na rehiyonal sa mga gayong
istiryotayp, at nag-ukol ng masinsing saliksik sa identipikasyon ng mga
konsitent na katangian ng pananalitang natatagpuan sa isang survey na ito
ng mga dayalekat tumatrabaho sa loob ng napakaispesifik na pamantayan sa
pagtukoy ng mga katanggap-tanggap na mga informant. Kasi nga,
importanteng malaman kungang taong kinukunan mo ng pananalita sa teyp
recording ay tunay na tipikal na kinatawan ng dayalek ng rehiyon. Mas
madalas mangyari tuloy na ang mga nakukuhang informant ng survey ng
dayalek ay karaniwang nakahimpil, matatanda, rural, at lalaki. Napili ang mga
ganitong ispiker dahil pinaniniwalaang mas kaunti ang mga impluwensiya sa
kanila na galing sa labas. Isang di-kanais-nais na resulta ng paggamit sa
ganitong kraytirya ay ang pagkalarawan ng dayalek na mas totoo sa isang
panahong bago pa ang imbestigasyon, dati pa at hindi ang pangkasalukuyan
o sa oras ng pagsisiyasat. Gayunman, sa mga ganitong paraan nakuha ang
detalyadong impormasyon na nabuo bilang Lingguwistik na Atlas ng bansa –
(hal. England) o mga rehiyon (hal. Ang lugar na New England ng U.S).
Isogloss at Dayalek na Hanggahan
Tingnan natin ang ilang halimbawa ng rehiyonal na baryasyon sa isang
survey, yaong nagresulta sa Linguistic Atlas of the Upper Midwest of the
United States. Isa sa mga layunin ng ganoong survey ay tumukoy sa mga
makabuluhang pagkakaiba sa pananalita ng mga naninirahanan sa iba’t
ibang lugar at gawan ng tsart kung saan ang mga hangganan, sa puntong
dayalek, sa pagitan ng mga lugar nito. Kung natuklasan halimbawa, ang
karamihan ng mga informant sa isang lugar ay nag-uuwi ng kanilang
halimbawa, ang karamihan ng mga informant sa isang lugar ay nag-uuwi ng
kanilang groseri sa isang paper bag, karaniwang gumuhit ng isang linya sa
mapa na maghihiwalay sa dalawang lugar, gaya ng naipapakita sa kalakip na
ilustrasyon. Tawag dito sa linyang ito ay isogloss at kumakatawan sa pagitan
ng mga lugar tungkol sa isang partikular na lingguwistik na aytem, gaya ng
preferens ng pail sa hilaga ay bucket naman sa timog,isa pang isogloss na
pwedeng mag-overlap ang maiguguhit. Kapag natipon na ganito ang ilang
bilang ng isogloss, makakadrowing nang mas makapal.
11. 7
Gamit itong impormasyon ng dayalek na hanggahan, makikita nating
may isang lugar ng dayalek na panghilaga na kasama ang Minnesota, North
Dakota, kalakhan ng South Dakota at Northern Iowa. Ang natitira sa Iowa at
Nebraska ay nagpapakita ng mga katangian ng dayalek na Midland. Ilang
mga kapansin-pansing pagkakaiba sa bigkas at bokabularyo ang nakalista
dito.
(taught) (roof) (creek) (grave)
Northern: [C] [U] [I] [s]
Midland: [a] [u] [i] [z]
Northern: paper bag pail kerosene slippery get sick
Midland: paper sack bucketcoal oil slick take sick
Kaya, kung binibigkas ng isang ispiker ng American English ang
salitang greasy bilang [grizi] at nag-uuwi ng groseri sa isang paper sack, hindi
siya maituturing na lumaki at naninirahan nang matagal sa Minnesota. Dapat
pansinin na ang mga anyong karakteristik na nakalista dito ay hindi ginagamit
ng lahat ng nakatira sa rehiyon. Ginagamit ang mga ito ng mga malaking
porsiyento ng mga taong nakapanayam para sa survey ng dayalek.
North Dakota Minnesota
South Dakota
Nebraska
Iowa
- - - - = isoglass = use of paper bag + = use of paper sack
12. 8
Ang Katuluyang Kontinuun na Dayalektal
Isa pang pag-iingat ang kailangan. Matulungin ang pagdodrowing ng
mga isogloss at dayalek na hanggahan sa pagtukoy ng malawakang
pananaw ng mga dayalek na rehiyonal, pero napagtatakpan nito ang
katunayang naghahalo-halo rin ang iba’t ibang varayti sa mga lugar
dayalektal. Habang naiisip ito, puwede nating tanawin ang isang rehiyonal na
baryasyon na nakalugar sa isang katuluyan o kontinuum, at hindi iyong may
kapansin-pansing patlang sa magkakatabing wikang magkakaugnay sa mga
politikal. Sa paglalakbay mula sa Holland tungong Germany, makakakita ka
muna ng mga konsentrasyon ng mga ispiker ng Dutch, pagkatapos ay mga
lugar kung saan naghahalo ang mga dayalek ng Dutch at German, hanggang
sa mapunta sa mga lugar na mas maraming ispiker ng German.
Isang kaparehong sitwasyon ang naidokumento sa tinatawag na
kontinuum ng dayalek sa Scandinavian, na humahanga sa mga itinuturing na
magkakaibang wika, kaugnay ng iba’t ibang bansa. Sa pananaw na ito,
maituturing ang mga ispiker na Norwegian at Swedish na gumagamit ng
ibang rehiyonal na dayalek ng iisang wika. Isang kampante sa pagsasalita sa
kapuwa Swedish at Norwegian ay puwedeng tawaging
bidialectical(‘nagsasalita ng dalawang dayalek’). Gayunman, dahil nag-uusap
tayo tungkol sa karaniwang itinuturing na dalawang wika, ang ispiker na iyon
ay mas tatawaging bilinggual (‘nagsasalita ng dalawang wika’).
Bilingguwalismo
Sa maraming bansa, hindi lang simpleng dalawang dayalek ang
rehiyonal na baryasyon, subalit isang bagay ng dalawang magkakaiba at
magkalayong wika ang Canada, Halimbawa, ay bansang opisyal na
bilingguwal, opisyal na wika kapuwa ang French at English. Hindi nagkaroon
ng pagkilala sa istatus panlingguwistik ng mga tagapagsalita ng French,
kalakhan sa Quebec, nang walang malaking sigalot pampolitika. Sa kalakhan
ng kasaysayan nito, sa esensiya, nagsasalita sa Ingles ang Canada, na may
maynoriting nagsasalita ng French. Sa gayong sitwasyon sa puntong
indibiduwal, mas nagiging katangian ng maynoriti ang bilingguwalismo. Sa
anyong ito ng bilingguwalismo, lumalaki ang isang miyembro ng maynoriti sa
isang komunidad na lingguwistik, pangunahing pagsasalita sa isang wika
tulad ng Gaelic (gaya sa kaso sa maraming taon sa Scotland) pero natuto ng
13. 9
isa pang wikang tulad ng Ingles, para makabahagi sa mas malaki, mas
dominanteng komunidad na lingguwistik.
Ang indibiwal na bilingguwalismo, gayunman, ay simpleng resulta lang
ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkakaiba ang wika. Kung
sabay na nakukuha ng isang bata ang French na wika ng kaniyang ina at ang
Ingles na sinasalita ng kaniyang ama, baka hindi man mapansin ang
distinksiyon sa pagitan ng dalawang wika. Mayroon lang na dalawang paraan
ng pagsasalita iyon sa taong kinakausap. Gayunman, dito rin sa tipong ito ng
bilingguwalismo, lumilitaw ang isang wika bilang mas dominant, ang isa
naman, napangingibabawan.
Pagpaplanong Pangwika
Siguro, dahil karaniwang natatagpuan ang bilingguwalismo sa Europe
at North America sa mga pangkat ng maynoriti, inaakala ang isang bansang
tulad ng United States of America na isang magkakaparehong komunidad ng
pananalita kung saan nagsasalita ng Ingles ang lahat gamit ang lahat ng
estasyon sa radio at TV at pahayagan ang Standard English. Maling
pananaw ito. Hindi nito isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng malalaking
komunidad na hindi Ingles ang pangunahing wika. Halimbawa, ang majority
sa populasyon ng San Antonio, Texas ay mas makikinig sa brodkast sa radio
sa Espanyol kaysa Ingles. Malaki ang implikasyon ng katunayang ito sa punto
ng organisasyon ng mga kinatawang lokal sa pamahalaan at sa sistemang
pang-edukasyon. Dapat ba sa Espanyol o Ingles ang pagtuturo sa
elementarya?
Ikonsider ang kaparehong tanong sa konteksto ng Guatemala na,
bukod sa Espanyol mayroong 26 na wikang Mayan na sinasalita. Kung sa
ganitong sitwasyon, pinili ang Espanyol bilang wika ng edukasyon, hindi ba
agrabyado sa pangunang edukasyon sa lipunan ang mga ispiker ng Mayan.
Kailangang sagutin ang mga katanungang ganito batay sa ilang uri ng
pagpaplanong pangwika. Kailangang aktibo ang pamahalaan, ang mga
pangkat panlegal at pang-edukasyon sa pagpapaplano kung anong varayti ng
mga wikang sinasalita sa bansa ang gagamitin sa latangang opisyal. Sa
Israel, sa kabila ng katunayang hindi Hebrew ang pinakagamit na wika sa
populasyon, ito ang pinili bilang opisyal na wikang pampamahalaan. Sa India,
pinili ang Hindi, pero sa maraming rehiyong hindi nagsasalita ng Hindi, may
mga kaguluhan laban sa desisyong iyon.
14. 10
Mas malinaw na makikita ang proseso ng pagpaplanong pangwika
kapag yugto-yugto itong naipatutupad sa lakad ng mga taon. Isang
magandang halimbawa ang dulot ng pagpili ng Swahili bilang pambansang
wika ng Tanzania sa East Africa. Marami ang mga wikang tribu at naroroon
pa ang kolonyal na impluwensiya sa wikang Ingles, pero dahan-dahan nang
naipasok ang Swahili bilang opisyal na wika sa larangang pang-edukasyon,
legal at pamahalaan. Ang proseso ng ‘pagpili’ (pagtukoy ng opisyal na wika)
ay sinundan ng ‘kodipikasyon’ kung saan ginagamit ang batayang gramar,
diksiyonaryo at mga modelong sulatin para itanghal ang varayting Istandard.
Sunod ang proseso ng ‘elaborasyon’, ang varayting Istandard na nililinang
para gamitin sa lahat ng aspekto ng buhay panlipunan, kasama na sa
pagpapalitaw ng katipunan ng mga akdang pampanitikang nakasulat sa
Istandard. Ang proseso ng ‘implementasyon’ ay katungkulan dapat ng
pamahalaan sa pagtutulak nito sa paggamit ng Istandard, at ‘pagkatanggap’
ang huling yugto kung saan ang mayorya ng populasyon ay gumagamit ng
Istandard at iniisip ito bilang pambansang wikang gumaganap ng bahagi hindi
lang sa panlipunan, kundi sa pagkakakilanlang pambansa.
Mga Pidgin at Creole
Sa ilang lugar, ang napiling Istandard ay puwedeng orihinal na walang
mga katutubong ispiker. Halimbawa, sa New Guinea, karamihan sa ugnayang
opisyal ay ginagawa sa Tok Pisin, isang wikang inilalarawan minsan na
Pidgin Melanesian. Ang Pidgin ay isang varayti ng isang wika(hal. English) na
napaunlad sa mga kadahilanang praktikal, tulad ng pangangalakal, sa mga
pangkat ang mga taong hindi alam ang wika ng iba pa. Dahil dito, wala itong
katutubong ispiker. Sinasabing nanggaling ang salitang Pidgin sa isang
bersiyon ng Pidgin Chinese ng salitang Ingles na ‘business’. Mayroon pang
ilang Pidgin English na ginagamit hanggang ngayon. Natatangi sila sa isang
kawalan ng anumang komplikadong morpolohiyang gramatika; at limitadong
bokabularyo. Mas madalas palitan ng mga functional morphemes ang lugar
ng mga inflectional morphemes na natatagpuan sa pinanggalingang wika.
Halimbawa sa halip na palitan ang anyong you sa your, tulad sa pariralang
Ingles na yourbook ginagamit ng mga Pidgin na batay sa Ingles ang anyong
tulad ng bilong, at pinapalitan ang pagkakasunod ng mga salita para
makalikha ng mga pariralang tulad ng buk bilong yu.
Puwedeng mga parirala mula sa ibang wika ang pinanggalingan ng
maraming salita sa pidgin, tulad ng isang salitang gamit para sa ‘ruin, destroy’
15. 11
na bagarimap (hango sa pariralang Ingles na bugger him up), o para sa ‘lift’
na baisimap (mula sa ‘hoist him up’) o para sa ‘us’ na yumi (mula sa ‘you’
dagdag ang ‘me’). Ginagamit na malikhain ang mga panghihiram para
maging iba ang kahulugan tulad ng salitang ars na ginagamit para sa ‘cause’
o ‘source, gayundin na ‘bottom’, at nanggaling sa salitang Ingles na arse.
Puwedeng ibang-iba ang sintaks ng Pidgin sa mga wikang hiniraman at
hinanguan nito, tulad ng sumusunod na halimbawa ng Tok Pisin:
Bimeby hed bilongyu i-arrait gain
(by and by) (head) (belong, you) (be, alright) (again)
‘Your head will soon get well again’
Tinatantiyang may mga 6 hanggang 12 milyong katao pa ng nagsasalita ng
mga wikang Pidgin, at mula 10 hanggang 17 milyon ang gumagamit ng mga
nanggaling sa Pidgin na Creole. Kapag nadevelop ang Pidgin lagpas sa tungkulin
nito bilang wika ng pangangalakal at naging unang wika ng isang pamayanang
panlipunan, inilalarawan ito bilang Creole. Mas tama nang sabihin ngayon
halimbawa, na isa nang Creole ang Tok Pisin. Hindi tulad ng Pidgin, maraming
katutubong ispiker ang mga wikang Creole. Madalas silang nalinang at naitatag na
sa mga dating alipin na populasyon sa mga dating estadong kolonyal. Kaya, may
mga Creole na French na sinasalita sa Haiti at Lousiana, at Creole na Ingles sa
Jamaica at Sierra Leone.
Wika, Lipunan, at Kultura
Natukoy sa itaas na sa pamamaraan ng iyong pananalita, may napapansing
bakas kung saan ka namalagi sa iyong mga unang taon sa buhay, kung
isasaalang-alang ang puntong rehiyonal o dayalektal. Gayunman, puwedeng may
iba pang katangian ang iyong pananalita na hindi kaugnay sa baryasyong
rehiyonal. Ang dalawang taong lumalaki sa parehong lugar na heograpiko sa
parehong panahon ay puwedeng magkaibang magsalita bunga ng ilang
panlipunang salik. Mahalagang hindi maisantabi ang panlipunang aspekto ng wika
dahil, sa maraming paraan, ang pananalita ay isang uri ng panlipunang identidad
at ginagamit, malay ohindi malay, para tukuyin ang pagkabilang sa iba’t ibang
panlipunan pangkat o iba’t ibang komunidad ng pananalita.
16. 12
Mga Panlipunang Dayalek
Sa mga makabagong pag-aaral ng baryasyon ng wika nagbubusisi
nang husto sa pagdodokumento, karaniwan sa pamamagitan ng
palatanungan o questionnaires, sa ilang mga detalye ng panlipunang
katangian ng mga ispiker. Dahil sa ganitong pagpansin sa mga detalye,
nakakagawa tayo ng pag-aaral sa mga panlipunang dayalek, ng mga varayti
ng wikang ginagamit ng mga pangkat na tinutukoy ayon sa uri, edukasyon,
trabaho, edad, kasarian, at iba pang panlipunang sukatan.
Edukasyon, Okupasyon, at Uring Panlipunan
Importanteng malaman, halimbawa, kung magkakapareho ang
kasanayang edukasyonal ng isang pangkat ng mga ispiker. Sa ilang survey
ang dayalek, natuklasan na doon sa mga umaalis sa sistemang pang-
edukasyon sa murang edad, mas may pagkiling ang mga puti na gumamit ng
mga anyong hindi ganoong gamitin sa pananalita ng mga tumutuloy sa
kolehiyo. Mas komon halimbawa ang pananalitang Them boys throwed
somethin’ sa unang pangkat kaysa doon sa huli. Ang taong mas matagal na
nag-aaral papuntang kolehiyo o unibersidad ay mukhang may bigkas na
pananalitang mas nakuha sa matagal na pakikipag-ugnayan sa wikang
nakasulat. Makikita ang matingkad na anyo ng ganitong impluwensiya sa
angal na “parang librong magsalita (talks like a book)” ang ilang propesor.
Kaugnay sa edukasyon ang mga pagkakaiba sa okupasyon at
panlipunang uri na may ilang epekto sa pananalita ng mga indibiduwal. Bawat
okupasyon ay may sangkap na jargon na hindi basta maiintindihan noong
mga hindi ganoon ang okupasyon. Isang matingkad na halimbawa ng
pananalitang naitatakda ng okupasyon ang tawag ng weyter na “Bucket of
mud, draw one, hold the cow” sa isang karinderya – isang baryasyon ng order
ng kostumer na “a chocolate ice cream and coffee without cream”.
Isang tanyag na pag-aaral ang nag-ugnay ng mga elemento ng lugar ng
okupasyon at istatus na sosyo-ekonomiko sa pagtingin sa mga pagkakaiba
ng bigkas ng mga salespeople sa tatlong department store sa New York City,
Saks (mataas na istatus), Macy’s (panggitna) at Klein (mababa). Talagang
may nakikitang pagkakaibang masusukat. Sa British English, kung saan mas
litaw ang pagkakaibang panlipunang uri ng mga pananalita kaysa United
States, ang gamit ng [n] taliwas sa [k] para sa tunog--ing sa hulihan ng mga
salitang tulad ng walking at going ay nakitang mas komon sa mga ispiker na
17. 13
manggagawa sa iba’t ibang varayting rehiyonal, kaysa sa mga ispiker ng
panggitnang uri.
Edad at Kasarian
Maski na sa loob mismo ng mga pangkat ng parehong uring
panlipunan, may mga pagkakaiba pang natatagpuan na nauugnay sa mga
salik tulad ng edad o kasarian ng mga ispiker. Maraming mas batang ispiker
na naninirahan sa isang partikular na rehiyon ang madalas tumitingin sa
resulta ng isang survey ng dayalek ng kanilang lugar (sa mga matatandang
informant karamihan) at nagsasabing ginagamit nga ng kanilang mga lolo’t
lola ang mga salitang iyon, pero sila hindi. Pinakapansin-pansin ang
baryasyon ayon sa edad ng mga lolo/lola/apo. Samantalang gamit pa ng lolo
ang icebox o wireless, malilito naman siya sa pananalita ng kanilang apong
tinedyer na gustong mag-pig-out sa kung anuman ang nasa fridge habang
nakikinig sa kaniyang boombox.
Maraming saliksik ang paksain ng ganitong pagkakaiba ayon sa
kasarian ng mga tagapagsalita. Isang pangkalahatang konklusyon mula sa
mga survey ng dayalek na mas gumagamit ang mga babaeng tagapagsalita
ng mga mas prestihiyoso na anyo kaysa sa mga lalaking tagapagsalita na
pareho ang katayuang panlipunan. Ibig sabihin, mas matatagpuan ang mga
anyong tulad ng “I don’t it” at “he ain’t” sa mga pananalita ng mga lalaki, at “I
did it” at “he isn’t” naman para sa mga babae. Sa ilang mga kultura, mas
markado ang pagkakaiba sa pananalitang lalaki at babae. Iba’t ibang bigkas
ng ilang mga salita ng lalaki, at babae ang naidokumento sa ilang wika ng
naengkuwentro ng mga Europeo ang iba’t ibang bokabularyo ng pananalitang
lalaki at babae sa mga Carib, nag-ulat sila na magkaiba ang pananalita ng
lalaki sa babae. Sa katunayan, ang natuklasan nila ay isang malalang
bersiyon ng baryasyon sa kasarian ng ispiker.
Etnikong Kaligiran
Puwede namang magkaroon ng mga pagkakaiba ng pananalita sa
loob ng isang lipunan dahil sa magkaibang etnikong kaligiran. May kapansin-
pansing katangian, halimbawa, ang pananalita ng mga bagong migrante at ng
kanilang mga anak. Sa ilang lugar, kung saan may malakas na katapatan sa
wika ng orihinal na wika ng pangkat. Ilang malalaking bahagi ang nadadala
18. 14
sa bagong wika. Puwedeng banggitin ng wika ng mga itim na Amerikano,
tinawag na Black English. Kapag medyo napahiwalay ang isang grupo sa
loob ng isang lipunan, gaya ng historikal na diskriminasyon sa mga
Amerikanong itim, nagiging mas markado ang mga pagkakaiba sa
panlipunang dayalek. Nagiging problema dahil dito, mula sa punto de bistang
panlipunan, na ang resultang varayti ay nagkakaroon ng istigma na
“masamang salita/‘bad speech’”. Isang halimbawa ang madalas na
pagkawala ng copula (mga anyo ng verb ‘to be’) sa Black English, gaya ng
pahayag na they mine o you crazy. Sa Standard English, dapat ginagamit
ang verb form na are sa mga ganitong ekspresiyon. Gayunman, hindi
gumagamit ng copula sa mga gayong estruktura ang maraming dayalek ng
English at malaking bilang ng mga wika (hal. Arabik, Russian) ang may
parehong estruktura na walang copula. Sa puntong ito samakatwid, hindi
puwedeng “masama” ang Black English, dahil “masama” din kung gayon ang
Russian o Arabik. Bilang isang dayalek, simpleng may katangian ito na
konsistent na iba sa Standard.
Isa pang aspekto ng Black English na pinuna, minsan ng mga
edukador, ang gamit ng konstruksiyong double negative tulad ng “he don’t
know nothing” o “ain’t afraid of no ghost”. Ilohikal daw ang mga ganoong
estruktura. Kung ganoon nga, ilohikal din ang French dahil karaniwang
gumagamit ito ng dalawang-bahaging anyong negative, tulad ng il NE sait
RIEN (he doesn’t know anything) at ang Old English na may double negative
din sa Id NAHT singan NE cuoe (‘I didn’t know how to sing’). Sa katunayan,
malayo sa pagiging ilohikal, mahusay na paraan sa pagdidiin ng diwang
negative ng mensahe ng estrukturang ito. Sa kabuuan, isa itong katangian ng
dayalek, natatagpuan sa isang dayalek na panlipunan ng Ingles, minsan
natatagpuan rin sa iba pang dayalek, pero hindi sa Wikang Istandard.
Idyolek
Siyempre, magkakasama ang lahat ng mga aspekto ng pagkakaiba sa
dayalek na rehiyonal at panlipunan sa mga anyo nito sa pananalita ng bawat
indibiduwal. Ginagamit ang term na idyolek para sa dayalek na personal ng
bawat ispiker na indibiduwal ng isang wika. May iba pang salik, tulad ng
kuwaliti ng boses at katayuang pisikal, na nakapag-aambag sa mga
katangiang nagpapakilala sa pananalita ng isang indibiduwal, pero marami sa
mga panlipunang salik na nailarawan na ang nagdedetermina ng idyolek ng
19. 15
bawat tao. Mula sa pananaw ng panlipunang pag-aaral ng wika, tunay ngang
kung ano ang salita mo, iyon ikaw.
Register
Lahat ng mga panlipunang salik na isinaalang-alang natin hanggang
dito ay kaugnay sa baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang
pinanggalingan ng baryasyon ng pananalita ng indibiduwal ay depende sa
mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung sino tayo kundi kung
anong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Tradisyonal na nilalapitan
ang tipong ito ng baryasyon sa konsepto ng register, natutukoy din na estilo o
stylistic variation. Batayang nosyon na sa anumang pagkakataon,di-
maiiwasang kakabit ang wika sa konteksto ng sitwasyon at ang iba’t ibang
sitwasyon ay nangangailangan ng iba’t ibang pagharap. Napakasensitibo ng
wika sa konteksto ng sitwasyon nito kaya nakahahalaw tayo mula sa mga
napakasimpleng halimbawa. Sa sumusunod, siguradong maraming
mambabasa ang makakakilala ng bawat sitwasyon:
1. I’m going to give you a prescription for the pain.
2. Cream together butter, sugar and beaten yolks until.
3. New Tubifast. The tubukar dressing retention bandage. No sticking.
No typing. No pinning.
4. Beauty of Velvet at truly Budget Prices. In 16 colors. Send now for
full details and actual fabric samples.
Mahihinuhang doktor-sa-pasyente ang usapan sa (1); mula naman sa
resipi ang (2); at galing sa magazine advertising ang (3) at (4). Ibig sabihin,
kaya natin nakikilala ang mga pahayag at nailalagay sa konteksto ay may
partikular na gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon, nakikita sa aktuwal na
bokabularyo(“prescription” na gamit ng doktor o maiikli at maulit na
pangungusap sa kaso ng advertising).
Tenor
May mga antas ng estilo ng pananalita, mula sa napakapormal
hanggang sa napakaimpormal. Patungo sa interbyu para sa trabaho,
sasabihin ng Amerikano marahil sa isang sekretarya ang Excuse me, is the
20. 16
manager in his office? I have an appointment. Kataliwas naman, kung
kaibigan ang kausap tungkol sa isa pang kaibigan, puwedeng hindi ganito
kapormal ang mensaheng lalabas: Hey, is that lazy dog still in bed? I gotta
see him about something.
Mas pormal na nakatala ang ganitong tipo ng baryasyon sa ilang mga
wika. Sa Japanese halimbawa, may iba’t ibang tawag na ginagamit sa taong
kinakausap, depende sa kung gaanong paggalang o pagyuko ang nais
gawin. May dalawang pronouns ang French (tu at vous), katumbas ng Ingles
na you, ang una reserbado sa mga malalapit na kaibigan at pamilya. May
similarna pagtukoy na nakikita sa mga anyong you sa German (du atsie) at
sa Spanish (tu at usted).
Bagama’t wala nang ganoong distinksiyon sa pronoun ang English,
mayroon pang mga tiyak na pagpipilian depende sa angkop na katayuan ng
taong kinakausap.
May iba’t ibang pangalan o ‘titulo’ na ginagamit ng iba’t ibang tao, sa
iba’t ibang panahon, para makuha ang ating atensyon. Para maipaliwanag
ang aspekto na itong tinatawag minsan na lipat-estilo(style-shifting), depende
sa katungkulan, isipin ang sarili sa bawat isa sa mga panlipunang
‘katungkulang’ naipapakita sa listahan sa ibabang kaliwa, at isaalang-alang
kung anong anyo (o mga anyo) ng pagkausap ang pinakagamitin mo sa
taong ang iba’t ibang ‘pangalan’ ay nakalista sa kanan (dating pangulo ng US
na si Ronald Reagan – puwedeng subukin sa iba pang sikat na tao):
1.
sastreng tumatawag para sabihing
tapos na ang kaniyang amerikana
Ron
2. mabuting kaibigan ng ilang taon Mr Reagan
3. kaniyang batang apo Ronald
4. kaniyang drill sergeant sa army Gramps
5.
kaniyang dating gusto sa
elementarya
Reagan
6.
detektib sa tindahan na inakalang
shoplifter siya
Ronnie,baby
7. dati niyang Hollywood agent Hey, you
Pansinin din ang kung paano kausapin ng isang tao (si A) ang isa pa
(si B) tungkol sa pagbukas sa pintuan.
1. Maaari kayang buksan mo ang pintuan?
2. Puwede kayang buksan ninyo ang pinto?
21. 17
3. Maaaring buksan ninyo ang pinto, di ba?
4. Puwedeng buksan mo ang pinto, di ba?
5. Pakibuksan nga po ang pinto.
6. Pakibuksan nga ang pinto.
7. Buksan mo ang pinto.
8. Ang pinto!
9. Ba’t di mo buksan ang pinto?
10. Di mo ba bubuksan ang pinto?
Iisa lang ang gustong matupad ni A kay B pero malinaw na iba’t ibang
pamamaraan. Kaugnay ang mga ito sa mga panlipunang relasyon nina A at
B. Mas magalang ang ibang halimbawa samantalang halata naman ang ilan
kung sino ang mga makapangyarihan o sino ang inaasahang obligadong
sumusunod. Inilalarawan ng ilang iskolar ito bilang tenor o tono at kasama
nito ang pagkamagalang, antas ng pormalidad at relatibong katayuang
panlipunan ng mga kalahok.
Nadadala sa wikang nakasulat ang pagkakaiba sa estilo, magandang
halimbawa ang mga sulat sa mga kompanya (hal. I am writing to inform
you…) versus sa mga sulat sa kaibigan (Just wanted to let you know…)
pangkalahatang patern, gayunman, na mas magiging pormal sa estilo ang
nakasulat na anyo ng mensahe kaysa sa katumbas na pabigkas. Kung
nakakita ka sa MRT na kumakain, umiinom at may radyo, puwede mong
sabihing bawal ang mga ito at maghihintay siyang bumaba sa sasakyan. O
kaya naman, puwede mong ituro sa kaniya ang mas pormal na wika ng
nakalimbag na paalala na ganito ang laman:
The city recently passed an ordinance that expressly
prohibits the following while aboard public conveyances:
Eating or Drinking orthe Playing of Eletronic Devices.
Ang mga salitang expressly prohibit at electronic devices, hindi basta
nagagamit ito sa wikang sinasalita dahil may pagkapormal.
Larang/Field
Pinag-aaralan din ang register ayon sa larang/field o sa aktibidad at sa
bokabularyong sangkot. May mga espesyalisadong bokabularyong lumilitaw
para sa mga larangan o propesyon, tulad ng software, disk-drive, data-
storage para sa computing o shaft drive, rising rate monoshock rear
22. 18
suspension, air-adjustable front forks tungkol sa mga motorsiklo. Madalas
tinatawag itong teknikal na bokabularyo, pero medyo nakaliligaw ito dahil
naituturing na makabagong agham at teknolohiya lamang halos ang
nangangailangan ng gayong bokabularyo. May register na relihiyoso na
maaasahan nating hindi na maeengkwentro kung saan pa, tulad ng Ya shall
be blessed by Him in time of tribulation. Sa isang pang register,
makakaengkuwetro tayo ng mga pangungusap na The plaintiff is ready to
take the witness stand o Your honor please, I would like to make a
manifestation. Register ito ng propesyon ng batas, na tiyak hindi naman
makikialam sa mga pahayag na The morphology of this dialect contains
inflectional suffixes ng register ng lingguwistiks. Mayroon din ang
panggagantsilyo o sa high fashion/haute couture: boned, strapless bodices,
black crepe dress with latin godet inset, draped decolette backs. Dahil
mukhang esklusibo ang bokabularyo sa bawat larangan, mukhang mas
angkop na tawagin ang mga itong bokabularyong-espesipiko-sa-larang(field-
specific).
Paraan (Mode)
Bukod sa mga konsiderasyon ng katayuang panlipunan at larangan
sensitibo rin ang wika sa mga pamamaraang gamit sa komunikasyon.
Kamangha-mangha kung paano ito sa iba’t ibang kultura at panahong
pangkasaysayan, mula sa mga bloke ng bato at dahon ng papyrus hanggang
sa mga signal na usok o bayo sa tambol. Pangunahing distinksiyon sa
pagitan ng mga daluyan ng komunikasyong ito kung kagyat ang kontak ng
mga kalahok o nagpapahintulot pa ng palugit sa mga ito. Pangunahing
katangian ng distinksiyong ito sa kultura ng Europe (at sa atin na rin) ang
pananalita at pagsulat.
Sa kabila ng katunayang kahit ang mga pinakaaral sa atin ay mas
gumugugol ng kanilang oras sa midyum ng pananalita, ang midyum na
nakasulat pa rin ang mukhang nagkokondisyon sa pananaw natin sa wika.
Malaki kasi ang pagkakaiba kung paano nakakamit ang kontrol ng dalawang
paraan. Nalilinang na sa pinakamusmos na edad ang kakayahan nating
magsalita na bahagyang mulat lang sa mga prosesong sangkot at walang
litaw na pagtuturo. Ang pagsusulat, sa kabilang banda, ay bihirang nakakamit
kung hindi sa litaw na pagtuturo at bilang pokus ng matamang atensiyon.
Kaya nga pangunahing komponent ito ng panimulang kurikulum sa eskuwela
at nagkakamit ng papuri o pagtuligsa depende sa relatibong tagumpay o
23. 19
pagkabigo sa paghawak sa paraang ito. Mas madaling husgahan ang
paraang nakasulat dahil sa relatibong pagkapermanente nito kaiba sa
kalikasang transitori ngpananalita. Dahil nariyan lang ang pananalita, saklaw
ang lahat, parang hindi na ito napapansin. Sapagkat parang palaging
nakikipagbuno sa paraang nakasulat ng wika, itinuturing naman itong
kongkreto bagama't isa-isang bahagi lang ng kabuuang kakayahang
lingguwistik.
Katangian ng mga Pananalitang Espontanyo
Bihira tayong maging malay sa kung paano tayo magsalita kaya
interesanteng na busisiin ang isang halimbawa ng espontanyong usapan
sapagkat sa ganitong paraan, lumilitaw nang husto at napapatingkad ang
mga katangian. Sa wikang Ingles muna ang ating halimbawa (tingnan din
natin sa ating kultura pagkatapos bilang gawain sa klase):
A. What about erm Stephen do you?
B. He comes to Aikodo with me now (A: o yea) I try er encourage
him to do it (.) I’ve tried the painting a bit on ‘em all (A: yea)
painting I’ve tried you know (A: yea) tried to find there’s anything
there you know anything that’s been passed on (.) Sally’s quite
good(.) for her age like you know (A: mm) (.) erm she seems to
be able to put things in the right place(.) which is something (.)
which is the main thing really. Er(.) I try and get them to do the
things you know but (.) you know they sort of go their own
way(.) you know
Makikita natin ang mga katangian ng tuloy-tuloy, di-pinag-isipang
pananalita sa: (1) mga patlang at/o pampunong bigkas na nailalagay dito
panandang tulad ng (.) o ers/ ems, yea, mm sa pagitan ng mga pangungusap
o sa loob mismo; (2) mga markerng pagkaunawaan o simpatya sa nag-uusap
tulad ng youknow, sort of; (3) mga pag-uulit tulad ng l’ve tried,painting,
anything; at (4) mga pagtatangka sa pagbabago ng pangungusap. Mukhang
lumalabas na pabara-bara ang paraang pananalita, subalit hindi tamang
konklusyon ito sapagkat sinusuri dito ang isinulat na pananalita na lumabas
na parang walang kaayusan. Sa katunayan, hindi napapansin ng mga
kalahok ang mga patlang at pag-aalinlangang ito at nakikitang lohikal na
24. 20
sangkap ng paraang iyon. Nabibigyang-diin lang ang kaibahan ng dalawang
paraan ng kapuwa may saliring sistema at lohikal.
Nagsimula ang mga katangiang ito ng pananalita dahil sa dinamiko at
interaktibong aspekto ng paraang ito. Lalo na sa harapang sitwasyon na
impormal, kapuwa biglaan at mapagtulungang pakikiugnay ito ng mga
kalahok. Kasabay ang proseso ng pagpaplano at pagbubuo ng sasabihin sa
aksiyon mismo ng pagsasalita, at gayundin ang proseso ng interpretasyon,
sapagkat hindi na mababawi ang produkto.
Samantalang relatibo ang transitori at di-permanente ang pananalita,
relatibong nakahimpil at permanente naman ang produkto ng pagsusulat.
Puwede ritong mapaghiwalay ang mga kalahok sa oras at sa lugar.
Puwedeng mahaba ang proseso ng pagbubuo, yugto-yugto at maraming
rebisyon habang lumilitaw ang tapos na produkto. At dahil relatibong nakatigil
ang produkto, puwede ring mahaba, matagal-tagal, mababalam-balam ang
interpretasyon, ilang beses binabasa-basa. Ang nakasulat ay nakasulat na,
kaiba sa pananalita na may dagdag na konteksto o asal-paralingguwistik ang
kahulugan ng isang binigkas.
Magkahalong Paraan
Sa mga dahilang ito natutukoy na magkaibang-magkaiba ang
dalawang paraan kung malapit na pinaghahambing. Magiging mali,
gayunman, kung pagpipilitang may absolutong pagkahati sa lahat ng
nakasulat sa unang banda, at sa lahat ng pananalita sa kabila. Mayroon
namang mga kasong nasa gitna o pagitan tulad ng inihandang lektyur o
madramang dayalog, naisulat nabago pero babasahing malakas; o sa kabila
naman, ng panayam o talakayang inirekord na itatranskrayb para ilimbag. Sa
katunayan, unti-unti nang pinalalabo ng elektronik midya ang kaibhan sa
pagitan ng dalawa. Inilulugar ng mga telephone-answering machine,
halimbawa, ang ispiker sa kakatwang posisyon na bumubuo ng produktong
bigkas para sa ipinagpalibang kontak sa isang makikinig na wala pa kung
kaya ipagsasaalang-alang ang mga kahingian ng paraang karaniwang
naeengkuwentro doon sa isa pa.
Kung gayon, ang pag-unlad at pagpapalawak ng mga alternatibong
paraan ng komunikasyon sa loob ng isang komunidad ng pananalita ay
magkakaroon ng alingawngaw sa anumang paraang ginagamit na at
25. 21
mangyari pa, sa kabuuan ng kultura mismo (re: kasakuluyang text
messaging). Puwersang malakas ang paglitaw at malawakang paggamit ng
isang paraan ng nakasulat para sa mga anyong lingguwistik sa paraang
pananalita. Sa kasaysayan ng Ingles, halimbawa, ang pagkuha sa dayalek ng
Timog-Silangang Midlands bilang norm para sa mga nakasulat na dokumento
ay nakatulong nang malaki para maadap ito bilang istandard na dayalek ng
‘edukadong’ pananalita. Nagkakaroon lalo ng prestihiyo ito habang nakikita
sa paraang nakasulat at nagtatamasa ng mga pakinabang. Samakatwid, sa
loob ng isang komunidad ng pananalita, hindi naman ganap na magkahiwalay
ang isa sa isa.
Bilang suma, nagkakaroon ng pagkakaiba sa gamit ng wika depende
sa sitwasyon kung saan may kaakibat na tenor, larangan at paraan, lahat ng
ito bumubuo sa nosyon ng register.
Diglossia
Sa pagtalakay sa mga naunang bahagi, mawawari nating mukhang
napakahirap na panlipunang pagkilos ang pagsasabi ng tamang bagay sa
tamang tao sa tamang panahon. Sa ilang bagay, mukha nga. Isa itong
kasanayang dapat kamtin ng mga gumagamit ng wika lagpas sa iba pang
kasanayang lingguwistik na bigkas at gramar. Sa ilang lipunan, gayunman,
mas naging hayag na ang gagamiting angkop na anyong lingguwistik dahil sa
diglossia. Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang sitwasyong may
dalawang napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang komunidad ng
pagsasalita, bawat isa may malinaw na katungkulang panlipunan. Normal na
mayroong varayting ‘Mataas’ para sa mga bagay na seryoso at pormal, at
varayting ‘Mababa’ para sa usap-usap o gamit impormal.
Isang anyo ng diglossia ang umiiral sa karamihan sa mga bansang
nagsasalita ng Arabik kung saan may mataas, o klasikal sa varayting gamit
sa mga lektyur, talumpating relihiyoso at pormal na talumpating politikal,
samantalang ang mababang varayti ay ang lokal na dayalek na kolokyal na
Arabik. Sa Griyego, mayroon ding varayting mataas na varayti. Sa mahabang
panahon ng kasaysayan ng Kanlurang Europa, isang sitwasyong diglossia
ang umiiral kung saan Latin ang mataas na varayti samantalang mabababa
ang mga lokal na wika tulad ng French at Ingles. Sa Paraguay, Espanyol ang
mataas samantalang Guarani (isang wikang katutubo) ang mababa.
26. 22
Wika at Kultura
Marami sa mga salik na nagpapalitaw sa mga baryasyong lingguwistik
ay minsan natatalakay base sa mga pagkakaibang kultural. Hindi kakatwang
makatuklas na tinutukoy ang mga katangiang lingguwistik bilang aspekto ng
‘kultura ng uring manggagawa’ o ‘Black culture’, halimbawa. Sa maraming
bagay, naimpluwensiyahan ang pananaw na ito ng mga trabaho ng mga
antropologo na medyo tinatrato ang wika bilang isang elemento sa hanay ng
tulad ng maniniwala na kaalamang nakamit sa lipunan.’ Dahil sa proseso at
paglilipat ng kultura kung saan nakakuha ang wika, mukhang matino nga
namang bigyang-diin na kakabit ang baryasyong lingguwistik sa pag-iral ng
iba’t ibang kultura. Sa pag-aaral ng mga kultura ng daigdig, kitang-kita naman
na hindi lang iba-iba ang wika ng iba’t ibang sabihin, hindi lamang walang
katumbas sa kutura ng mga Aztec ng katulad ni Santa Claus, wala rin silang
salita para dito. Sa puntong sinasalamin ng wika ang kultura,
napakaimportanteng obserbasyon ito at hindi dapat balewalain ang pag-iral
ng ibang pananaw sa mundo kung pinag-aaralan ang ibang wika o varayti.
Isang maimpluwensiyang teorya sa koneksiyon ng wika at pananaw sa
mundo ang mas nagtatakda sa bagay na ito.
Determismong Lingguwistik
Kung talagang mukhang magkakaibang-magkaiba ang dalawang wika
sa paglalarawan kung ano ang daigdig, siguro, habang natutuhan mo ang isa
sa mga wikang iyon, maitatakda ng paraan kung paano naorganisa ang iyong
wika kung paano mo titingnan ang pagkakategorya sa kung ano ang nakikita
mo, at kung gayon, mahihila kang tingnan ang daigdig doon lamang sa mga
kategoryang iyon. Mayroon ka samakatwid na teorya ng wika na tinawag na
Determismong Lingguwistik na nanghahawak sa pinakamasidhing bersiyon
nito na “itinatakda ng wika ang pag-iisip”. Sa madaling sabi, makapag-iisip ka
lamang sa mga kategoryang pinapapahintulutan sa iyo ng iyong wika.
Isang madalas banggitin na halimbawa ng pananaw na ito ang
maraming salitang ginagamit ng mga Eskimo na tinatawag sa Ingles na snow.
Kapag isang ispiker ng Ingles ang titingin sa tanawing winter, makakakita siya
ng iisang entiting tinatawag na snow. Ang Eskimong tumitingin sa parehong
tanawin ay makakakita ng iba’t ibang entity, at ganoon ang ginagawa niya,
sabi na nga, dahil pinapahintulutan ng kaniyang wika na magkategorya sa
nakikita na iba sa ispiker ng Ingles. Babalik tayo sa halimbawang ito.
27. 23
Ang Haypotesis na Sapir-Whorf
Ang pangkalahatang ideyang isinasaalang-alang natin ay bahagi ng
nakilala nang haypotesis na Sapir-Whorf. Argumento nina Edward Sapir at
Benjamin Whorf noong mga 1930, na sa mga wika ng mga katutubong
Amerikano, naiba ang pagtingin nila sa daigdig kaysa doon sa mga
katutubong Amerikano, naiba ang pagtingin nila sa daigdig kaysa doon sa
mga nagsasalita ng mga wikang Europeo. Tingnan natin ang isang
halimbawa ng pangangatwirang ito. Inihayag ni Whorf na iba ang pagtingin ng
mga katutubong Hopi ng Arizona kaysa sa mga ibang tribu,(hal. Tribung
nagsasalita ng Ingles) dahil pinapangunahan sila ng kanilang wika. Sa
gramar ng Hopi, may distinksiyon sa pagitan ng ‘gumagalaw/animate’ at;di-
gumagalaw/ inanimate’, at kasama sa set ng mga bagay na ‘gumagalaw’ ang
mga ulap at bato. Konklusyon ni Whorf na naniniwala ang mga Hopi na ang
bagay na gumagalaw ay ang mga ulap at bato at ang wika nila ang
nagsasabing ganoon na nga. Wala sa Ingles ng ganitong pagmamarka sa
gramar nito sa mga ulap at bato, kaya hindi nakikita ng mga ispiker ng Ingles
napareho ang daigdig tulad ng mga Hopi. Sa salita ni Whorf, “(b)inubusbos
natin ang kalikasan sa mga pamantayang inihatag ng ating mga katutubong
wika”.
Maraming mga argumentong iniharap laban sa pananaw na ito. Narito
ang isang galing kay Sampson (1980). Wariin ang isang tribung may
pagmamarkang gramatiko sa kanilang wika sa pagkakaiba ng kasarian kaya
may espesyal na marka sa mga terminong gamit para sa babae. Ngayon,
matatagpuan ding ginagamit ang mga ‘espesyal na markang’ ito para sa bato
at pinto. Magagawa nating konklusyon kung gayon na naniniwala ang tribung
ito na pambabae ang mga bato at pinto tulad ng kadalagahan at kababaihan.
Tila hindi naman kaiba sa iyo ang tribung ito. Ginagamit nila ang mga
terminong la femme (women), la poerre(stone) at laporte (door). Tribu itong
naninirahan sa France. Sa palagay ba ninyo, naniniwala ang mga French na
kaparehong ‘pambabae’ rin ang mga bato at pinto tulad ng women?
Problema sa mga konklusyong ito, may kalituhan sa pagitan ng mga
kategoryang lingguwistik (‘gumagalaw’, ‘pambabae’) at kategoryang
biyolohiko (‘buhay’, ‘babae’). Siyempre, madalas may tumbasan sa mga wika
sa pagitan ng mga kategoryang ito, pero puwede namang wala. At saka, hindi
ka naman pinupuwersa ng mga kategoryang lingguwistik na balewalain ang
kategoryang biyolohiko. Mayroon ngang partikular na kategoryang
28. 24
lingguwistik ang mga Hopi para sa ‘bato’, hindi naman ibig sabihin nito na
iniisip na ng mga Hopi na nakapatay sila ng isang buhay na nilalang kapag
nasagasaan nila ito ng kanilang sasakyan.
Balik tayo sa mga Eskimo at snow, natatanto natin na wala ngang
maraming iisang salita ang Ingles para sa iba’t ibang uri ng snow. Gayunman,
nalilikha ang ispiker ng Ingles ng mga katawagan, sa pagmamanipula ng
kanilang wika, para tumukoy ng wet snow, powder snow, springsnow at iba.
Kaibang-kaiba nga marahil ang pagtingin sa snow ng karaniwang ispiker ng
Ingles kaysa sa karaniwang ispiker ng Eskimo. Repleksiyon iyon ng kanilang
natutuhang wika ang magkaibang kaligirang kultural. Maaaring bahagyang
totoo na itinatakda ng wika ang pinag-iisip, sa isang `paraang napakalimitado,
pero hindi nito maipaliwanag ang katunayang hindi nagmamana ang mga
gumagamit ng wika ng isang naririyan ng patern na magagamit. Minamana
nila ang kakayahang magmanipula at kamukha sa isang wika, para
maipaliwanag ang kanilang mga persepsiyon.
Kung ganap ngang naitatakda ng wika ang pag-iisip at persepsiyon,
imposible kung gayon ang konsepto ng pagbabagong pangwika. Kung
walang salita ang mga Hopi sa bagay na tinatawag nating bus, mabibigo ba
siyang makita ang bagay na iyon? Hindi ba niya kayang maisip iyon? Ang
gagawin ng Hopi kapag nakatagpo siya ng isang bagong bagay ay palitan
ang kaniyang wika para maiangkop ang pangangailangan tukuyin ang
bagong bagay. Mani-manipula ng tao ang wika, hindi kabaligtaran.
Sanggunian
Fergusson, Charles. 1959. Diglossia Word. 15:325-340.
Fishman, Joshua, et al., eds 1986. The Fergussonian Impact. Berlin: Mouton de
Gruyter.
Gregory, Michael and S. Carroll. 1978. Language and Situation: Language Varities
and Their Social Context. London: Routledge and Kegan Paul.
Sapir, Edward. 1921. Language: An Introduction to the Study of Speech. New York:
Harcourt, Brace ang Co.
Wardhaugh, Ronald. 1986. An Introduction to Sociolinguistics. Oxford: Basil
Blackwell.
Yule, George.2010. The Study of Language. 4th ed. Cambridge: Cambridge
University Press.
29. 25
2.
Ang Rehistro ng Pagluluto:
Panimulang Pagsusuri ng Varayti
ng Filipino sa Ilang Piling Cookbook
Odessa N. Joson
Ang pagkain sa hapag kainang Pinoy ngayon ay isang
gastronomikong pagsasalaysay ng kasaysayan ng bansa… Ano
kung gayon ang pagkaing Pilipino? Paano ito naging Pilipino?
Ito’y pagkaing ipinakilala at iniangkop ng kasaysayan at lipunan:
inilapat sa panlasa ng mga tao at pinatuloy sa kanilang mga
tahanan at restawran. Larawan ng pinagkaisang kultura ang
kontemporaryong pagkaing Pinoy.
Doreen Fernandez
Introduksiyon sa The Food of the Philippines Authentic Recipes
from the Pearl of the Orient (akin ang salin).
Sekreto sa Kusina bilang Pamanang Kultural
Mahaba ang tradisyon ng pagluluto sa Pilipinas. Lahat ng rehiyon sa
bansa ay may kani-kaniyang kultura at kalinangan pagdating sa hapag-
kainan. Nakasandal ang putaheng ihahain sa kapaligirang pagmumulan ng
mga sangkap. Sa loob ng mga isla ng Pilipinas, laganap ang mga pagkaing
pinayaman ng mga bundok, kapatagan, karagatan, at mga ilog.
Sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng ugnayan ang mga Pilipino sa
mga mangangalakal mula sa ibang bansa. Ang pakikipagkalakalan ng
Pilipinas sa mga Tsino, Indian, Briton, lalo na ang pananakop ng Espanya at
Estados Unidos ay naghatid sa Pilipinas ng iba’t ibang paraan ng pagluluto,
sangkap, at mga putahe na lalong nagpalinamnam sa pagkaing Pinoy. Sa
katunayan, ang masasayang pagtitipon at mga pista ay panahon ng mga
pagkaing tulad ng relyeno, morkon, paella, callos, embutido, caldereta, at iba
pa. Ramdam din ang impluwensyang Tsino sa mga paboritong pansit na
bihon, miki, sotanghon, mami, lomi, at miswa. Bagaman nagmula sa ibang
30. 26
bansa itong mga pagkain, tinanggap na ang mga ito sa mesa at panlasa ng
mga Pilipino.
Ang mga putahe ay nagiging tatak din ng isang probinsiya at lugar na
maaaring ipagyabang at ipagmalaki. Halimbawa, sa Bulacan at Laguna ay
kilala sa mga matamis at panghimagas. Tatak ng pagkaing Bikolano ang
pagiging maanghang at paggawa ng gata. Ang lechon de Cebu ay pamoso
hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa labas ng bansa. Gayundin,
mayamang balon ng mga sangkap ang kaligirang pinagmulan ng isang
putahe. Ang paghahalo ng mga panlasa ay maghahatid sa pagkilala sa mga
katangian ng bawat sulok ng bansa. Halimbawa, ang Pansit Malabon ay
nilalagyan ng talaba at pusit dahil ang Malabon ay kilalang sentro ng
kalakalan ng isda at lamang-dagat. Samantalang ang Pansit Marilao ay
nilalagyan ng pinipig dahil bigas ang pangunahing produkto ng Bulacan.
Ang mga lutuin sa bawat bahay at pamilya ay nagiging larawan ng
tahanan: isang bagay na binabalik-balikan. Ang lutong-bahay ay hinahanap-
hanap, ipinapabaon at minamana sa loob ng pamilya. Ang mga resipi
aymaingat na ipinapasa sa iba’t ibang henerasyon. Sa kasalukuyan, ang mga
resiping ito ay nailathala sa anyong cookbook. Ipinagyayabang na minana pa
at naging “sekreto” ng kani-kanilang pamilya sa pagluluto.
Sabihin pa ang kusina ay nagiging sityo ng artikulasyon ng iba’t ibang
kultural na danas na hindi lamang nakakabusog ng tiyan kundi nagpapalusog
sa kulturang pinagmulan nito.
Kaalinsabay ng tradisyon ng pagluluto ang mayamang baul ng mga
salitang kaugnay ng proseso, sangkap, at kagamitan sa pagluluto nakakabuo
ng sariling varayti ng wika ang pagluluto sa Pilipinas. Pinakamatingkad dito
ang rehiyonal na varayti o diyalekto kung saan bawat lugar sa Pilipinas ay
nakakabuo ng sari-sariling varayti. Halimbawa nito’y ang pagluluto ng adobo.
Ang bawat rehiyon ay may kani-kaniyang bersiyon ng adobo. At kaakibat ng
putahe ang iba’t ibang rehiyonal na terminolohiya sa sangkap at proseso ng
pagluluto nito. Isa pang anyo ng varayti ng Filipino sa pagluluto ay ang sosyal
na varayti, kung saan nakakalikha ng rehistro o jargon ang pagluluto na lalo
pang nagiging makulay dahil sa rehiyonal na identidad at katangian ng
tagapagsalita/tagaluto. Sa gayon, ang rehistro na nabubuo ay hindi lamang
payak na listahan ng mga salita sa kusina kundi isang putahe ng iba’t ibang
sangkap mula sa tagapagsalita.
31. 27
Sa kalahatan, layunin ng pag-aaral na ito ang pagtukoy ng rehistro ng
pagluluto sa Filipino gamit ang limang cookbook na nailathala mula taong
2000 hanggang 2006. Pokus ng pag-aaral ang pagsusuri sa paraan ng
pagbuo at paggamit ng wika rehistro sa cookbook. Sa partikular, diin ng pag-
aaral ang lingguwistikong aspekto ng pagluluto biglang proseso. Susuriin ng
pag-aaral na ito ang mga katangian ng rehistrong nakapaloob sa mga
cookbook. Kasabay ng glosari sa mga cookbook, sisinupin din ng pag-aaral
ang paglilista sa pamamagitan ng mga talasalitaan ng mga salitang
matutukoy bilang varayti ng pagluluto. Sa huli, inaasahang makapag-aambag
ang papel na ito sa pag-aaral ng varayti ng wikang Filipino.
Wika ng Pagluluto: Baryasyon at Rehistro
Kaugnay ng sosyolingguwistikong teorya ang ideya na ang wika ay
heterogenous. Bunga ito ng magkakaibang lugar na tinitirhan, interes,
gawain, pinag-aralan ng mga indibiduwal at grupong gumagamit nito.
Pinaniniwalaan na ang wika ay hindi lamang simpleng instrumento ng
komunikasyon na ginagamit ng indibiduwal kundi isang puwersang kultural
(Constantino 2002).
Ayon kay Fishman (1972), mahahati sa dalawang dimensyon ang
pagkakaroon ng baryabilidad ng wika. Una, heograpikal na tinatawag ding
diyalekto. Ikalawa, sosyal na tinatawag naming sosyolek. Ang dalawang ito
ay nagkakasama-sama sa iisang komunidad ng mga gumagamit ng wika.
Halimbawa, ang dimensyon heograpikal ay makikita sa iba’t ibang diyalekto
ng mga bayan sa Katagalugan. Samantalang ang dimensyong sosyal ay
mababakas din sa mga bayang ito na mayroong rehistro/jargon o sosyal na
varayti ng wika, halimbawa nito ang wika ng bakla, rehistro ng rehiyon, at iba
pa.
Ang rehistro ay nagmumula sa baryasyon ng pananalita ng indibiduwal
na nakasandal sa mga sitwasyon ng paggamit nito. Batay ito sa nosyon na sa
anumang pagkakataon, hindi maiiwasang nakakabit ang wika sa konteksto ng
sitwasyong hinaharap nito. Ang iba’t ibang sitwasyon ay nangangailangan ng
iba’t ibang pagharap (Ocampo 2002). Ang kontekstong tinutukoy rito ay hindi
lamang limitado sa sitwasyon kundi maging sa konteksto ng kultura. Kapuwa
nakakaimpluwensiya ang mga ito sa mga salita at estruktura na ginagamit ng
tagapagsalita.
32. 28
Ang pagluluto ay isang sitwasyong pangwika na nagdudulot ng
baryasyon sa wikang Filipino. Sa pag-aaral ng rehistro ng pagluluto, ilang
obserbasyon ang mabubuo sa varayti ng wikang Filipino sa mga cookbook.
1. Pagkabit ng Afiks
Nagkakaroon ng pagdaragdag sa salita sa pamamagitan ng afikasyon.
Ang pangngalan ay nagiging pandiwa o pang-uri. Madaling maintindihan ito
dahil sa ang pagluluto, bilang isang kultural na praktis ay nakalubog sa
proseso. Sa gayon, nagiging matingkad at nananaig ang paggamit ng mga
pandiwa o pang-uri.
Halimbawa:
nanganganinag timplahin kaliskisan
haluhaluin mantikaan ikutsara/ kutsarahin
ipalaman patuluin papulahin
ginataan ihalabos pagmantikain
palaputin sapinan palaparin
dampian magsarsa magyelo/pinagyelo
2. Panghihiram
Ang mga salitang napabilang sa cookbook ay gumamit ng mga
salitang nagmula sa mga diyalekto sa Pilipinas at wika sa labas ng bansa. At
ayon kay Halliday (1978), mas madalas na pinagsasabay ng isang
tagapagsalita ang kasanayan niya sa diyalekto sa rehistro isang symbiotic
relationship and nabubuo kung saan ang varayti ng rehistro ay pinapayaman
ng diyalekto at vice versa.
Samantala, ayon kay Liwanag (1998) ang panghihiram ay isang
paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti tungo sa isa pang varayti.
Karamihan sa mga salitang ginamit sa mga cookbook ay mga salitang Ingles
na walang katumbas sa wikang Filipino. Halimbawa nito ay ang pangalan ng
sangkap at pagkain tulad ng hamburger, pizza, taco, French fries, at mga
33. 29
salitang dala ng pagbabago sa teknolohiya tulad ng blender, microwave oven,
food processor, at iba pa.
Mula sa mga rehiyonal na wika:
1) Ihalayhay (Bik, Hil, Seb, War, Tag) – pagtabi-tabihin, tulad ng
pag-aayos ng mga isdang nasa palayok o kaldero
2) Ligisin (Bik, Kap, Hil, Seb, War) – durugin upang maisama ang
pampaasim sa sinigang
3) Pinitpit (Kap, IIK, Pan, Tag) – diniinan ng sandok o kutsara
4) Ibilot (Pag, Tag) – pinagulong na balat ng lumpia kapag may
laman o palaman na
5) Isangkutsa (Bik, Hil, Seb, War, Tag) – pagluluto hanggang
lumabas ang katas nito nang hindi nagdaragdag ng tubig
Mula sa Espanyol:
Arnibalin – Esp arnibal tinunaw na asukal
Adornohan – Esp adorno palamutian
Banyo maria – Esp banyo maria pagluluto ng pagkain na
may saping mainit na tubig
Igisa – Esp guisar lutuin sa kakaunting mantika
Hurnuhin – Esp horno oven
Tustahin – Esp tosta gawing malutong
Mula sa Ingles
SANGKAP PROSESO
cornstarch mayonnaise i-blend
salad olive oil i-microwave
loaf cauliflower i-food processor
34. 30
3. Code Switching o Palit-Koda
Sa palit-kodigo, ang isang tagapagsalita ay gumagamit ng iba’t ibang
varayti ayon sa sitwasyon o okasyon. Halimbawa nito Taglish na paghahalo
ng mga salita mula sa Ingles at Tagalog sa isang pangungusap na maaaring
sumusunod sa estruktura ng Ingles at Tagalog. Madalas na nagaganap ang
palit-kodigo sa komunikasyong pasalita. Tinatawag ding conversational code
switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code
sa iisang pangungusap. Mayroon ding palit-kodigo na sitwasyonal o ang
pagbabago ng code sa pagbabago ng sitwasyon na kinalalagyan ng
tagapagsalita (Liwanag 1998).
Halimbawa:
1) Ihalayhay sa steamer ang sapsap na tinimplahan ng asin at
kalamansi.
2) Paghaluin ang lahat ng sangkap, ilagay sa isang maliit na bowl
at palamigin sa refrigerator sa loob ng 30 minuto bago ihain sa
mesa.
3) Igisa sa mainit na cooking oil ang bawang at sibuyas.
4) Ihalo ang laman ng isda sa tinadtad ng cucumber at sili
timplahan ng mayonnaise, asin, asukal at pamintang durog
5) Magiging crunchy ang sili.
4. Nasa pasibong tinig ang pandiwa o kasama
ang modal tulad ng maaari, dapat, puwede,
atbp
Halimbawa:
1) Tandaang kapag nailagay na sa lutuin ang berdeng gulay, saglit
lamang ang pagluluto nito,
2) Maaaring isabay na putahe ang laing (dahong gabi na may
gata) at suam.
35. 31
3) Marahil ay maluluto ang isda (kung maliliit) sa loob ng 20
minuto, na hindi aalisin ang takip.
4) Kung nais, samahan ng wansoy at kamatis.
5) Kung nais naman, hayaang lumamig, at kinabukasan isilbi sa
almusal.
6) Mainam ding isilbi ito sa almusal, kasabay ng puro, lalo kung
Simbang Gabi na.
5. Pagpapaikli ng salita
Ang ilan sa mga salita sa mga cookbook ay pinapaikli sa pamamagitan ng
pag-alis ng pantig sa iba’t ibang salita.
Halimbawa: asnan – mula sa asinan
takpan – mula sa takipan
panimpla – mula sa pantimpla
Mga Katangian ng Varayti ng Wikang Filipino
sa Pagluluto
Maaaring kilalanin na komon na rehistro ang salitang luto (magluto,
lutuin, ngunit mapapansing bihira itong gamitin sa cookbook. Sa halip, mas
espesyalisado o partikular na salita ang ginagamit tulad ng ihawin, ligisin,
tunawin, banlian, isigang, ibusa. Kung tutuusin, ang mga salitang nabanggit
ay tumutukoy sa iisang layunin o tunguhin: ang magluto. Ngunit batay sa pag-
aaral ng rehistro ng pagluluto, maaaring sabihin nakabuo ng sariling jargon o
kalipunan ng mga salitang teknikal batay sa magkakaibang sitwasyon sa
larang ng pagluluto.
Ang mga salitang bumubuo sa jargon ng pagluluto ay kinuha sa mga
diyalekto galing sa iba’t ibang wika ng Pilipinas. Halimbawa, sa cookbook na
Kasaysayan ng Kaluto ng Bayan ni Mila Enriquez, maraming salita ang
kabilang sa diyalekto ng Tagalog-Bulacan. Inaasahan ito dahil tubong
Bulacan si Enriquez. Noong tinignan ng mananaliksik ang UP Diksiyonaryong
Filipino, mayroong ilang salita na hindi nakalista sa diksiyonaryo tulad ng
36. 32
bantuan, binulay-bulay, naiga, namintog, patarabisya. Posibleng kaya hindi
pa nalilista ang mga salitang ito dahil varayti (bahagi ng rehistro) ang mga ito
ng Filipino o ibang wika sa Pilipinas?
Kapansin-pansin ding maraming salitang nagmula sa wikang
Espanyol. Madaling ipaliwanag ang katotohanang ito dahil sa matagal na
pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ang daang taong pakikipag-ugnayan
ng Pilipino, lalo na sa pagkain at pagluluto. Kung gaano kaluwag ang
pagtanggap sa mga salitang hango sa Espanyol, limitado naman ang
panghihiram sa Ingles. Sa mga cookbook, maraming salitang patungkol sa
sangkap at kagamitan ang hiniram sa Ingles. Ang mga salitang hiram sa
Ingles na pumapatungkol sa proseso ay kadalasang gumagamit ng afiks na –
I sa salita o salitang Ingles. Namayani rin ang mga salitang Ingles sa code
switching o palit-kodigo.
Samantalang ang transpormasyon ng pangngalan tungo sa pandiwa
ay proseso ng berbalisasyon at nominalisasyon. Bilang isang kultural na
praktis, dapat asahan nakalubog sa proseso ang pagluluto.
Mapapansin ding nasa pasibong tinig ang ilang pandiwang ginagamit
sa cookbook. Maipapaliwanag ito ng katotohanang ang pagluluto ng putahe
mula sa cookbook ay suggestive lamang. Ibig sabihin, maaaring sundin o
balewalain ng mambabasa/magluluto ang sinasabi ng cookbook. Maaari ring
ibahin ang sukat ng sangkap,baguhin ang tagal ng pagluluto o palitan ang
sangkap na gagamitin sa cookbook. Bagamat may ilang iskolar na nagsabing
eksaktong siyensiya ang pagluluto, ang antropolohikal na aspeto na kaugnay
pa rin ng lingguwistikong aspekto ng pagluluto. Dahil ang pagluluto ay isang
prosesong kultural, makikitang magkakawing ang iba’t ibang disiplina sa
pagpapaliwanag nito.
Sa kabuuan, makikitang makulay at iba’t iba ang katangian ng varayti
ng wikang Filipino sa pagluluto. Dahil nakalubog ito sa karanasang malapit sa
damdamin (at bituka) ng mga Filipino, malaki ang maiaambag nito sa
pagpapalawig at pagpapapayaman ng wikang Filipino.
37. 33
SANGGUNIAN
Pangunahing Batis
Enriquez, M. 1993. Kasaysayan ng Kaluto ng Bayan. Manila: Zita Publishing Corp.
Guzman, G. 2003. Mga Lutong-Bahay. Manila: Anvil Publishing Inc.
_________.2004.Mga Lutong-Bahay 2. Manila: Anvil Publishing Inc.
The Maya Kitchen. 1997. Kain Na! Apat na Linggong Gabay sa mga Lutuin
Pambahay. Manila: Anvil Publishing Inc.
The Maya Kitchen. 1998. Kain Na! Apat na Linggong Gabay sa mga Lutuing
Pambahay. Manila: Anvil Publishing Inc.
Sekondaryong Batis:
Almorio, V. editor. 2001. UP Diksiyonaryong Filipino. UP Sentro ng Wika at Anvil
Publishing Inc.
Constantino, P. 2002. Varayti at Varyasyon ng Wika: Historya, Teorya at Praktika.
Nasa Minanga: Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Filipino. Inedit nina
Peregrino, J., Constantino, P., Ocampo, N. Quezon City: Sentro ng Wikang
Filipino, Sistemang Unibersidad ng Pilipinas.
Fernandez, D. Introduksiyon sa The Food of the Philippines: Authentic Recipes from
the Pearl of theOrient. Text and recipes by Reynaldo Alejandro. Kinuha
sahttp://asiarecipe.com/phfoodcuisine.html
Fishman, J.1972. Language in Sociocultural Change: Essays. Stanford California:
Stanford UniversityPress.
Halliday, M. 1978. Language as Social Semiotic: The Social Interpretation of
Language and Meaning.London: Edwards Arnold.
Liwanag, L. 1998. Ang Registerng Filipino na Ginagamit ng mga Estudyante sa
Pamantasang Normal ngPilipinas. Papel na binasa sa Pambansang Seminar
ng Pambansang Samahan ng Wika, UP. 1993at sa Internasyunal na
Kumperensiya sa Filipino.
Ocampo, N. 2002. “Mga Varayti ng Wika.” Nasa Minanga: Mga Babasahin sa Varayti
at Varyasyon ng Filipino. Inedit nina Peregrino, J., Constatino, P., Ocampo.
Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.
38. 34
APENDIKS
Talasalitaan mula sa mga Lutong-Bahay ni Gloria Guzman:
1. Bantuan – buhusan ng kaunting tubig ang niluluto, kapag
naiigisa na
2. Binilot – pinagulong na balat ng lumpia kapag may laman na
3. Binusa – pagluluto sa kaunting langis sa kawali, habang panay
ang paghahalo, halimbawa sa mani
4. Binulay-bulay – pinaghiwa-hiwalay ng mga daliri na laman ng
manok
5. Humulagpos – kumawala, sumabog ang lamang nakabilot
6. Lantahin – alisin ang pagiging malutong ng dahong-saging sa
pagpapapainit nito sa ibabaw ng mahinang apoy.
7. Sangkutsa – paggisa
Talasalitaan mula sa mga Lutong-Bahay 2 ni Gloria Guzman:
1. Ihalayhay – pagtabi-tabihin, tulad ng pag-aayos ng mga isdang
nasa palayok o kaldero
2. Ligisin – durugin upang maisama ang pampaasim sa sinigang
3. Mabiling – pagbaligtad ng isda, manok o karne sa kawali o
kaldero
4. Nanganganinag– nakikita ang lahat ng bahagi, tulad ng sibuyas
5. Patarabisya– paghihiwa ng gulay o sibuyas na ang isang dulo
ng trianggulo ay matulis
6. Pinitpit – diniinan ng sandok o kutsara
7. Tinunaw – dinurog sa sabaw
39. 35
Talasalitaan mula sa Kain Na! ng The Maya Kitchen:
1. Arnibalin – lutuin ang asukal hanggang matunaw
2. Asnan – lagyan ng asin
3. Banlaw – hugasan ng bahagya
4. Banlian – ilubog ang hilaw na pagkain sa kumukulong tubig
nang panandalian para bahagyang maluto
5. Banyo maria – paghurno na kung saan ang lulutuin ay
ipapatong muna sa tray na may tubig bago
ipasok sa oven
– pagluluto ng pagkain na may saping mainit na
tubig
6. Ginayat – hiniwa nang manipis at mahaba
7. Halabos – pagluluto sa kaunting tubig at asin hanggang
matuyuan
8. Haluin – pagsama-samahin ang mga sangkap
9. Himayin – pira-pirasuhin ang isda, karne o manok sa
pamamagitan ng kamay
10. Hiwain – putulin ng maninipis na piraso
11. Hulmahin – ilagay sa hulmahan para mabuo
12. Hurnuhin – lutuin sa oven o salangang mainit
13. Igisa – iluto sa kaunting mantika
14. Ihawin – deretsong iluto
15. Inapat – hinati sa apat na bahagi
16. Isangkutsa – iluto ang pagkain hanggang lumabas ang katas
nito nang hindi nagdadagdag ng tubig
17. Isterilisado – pinakuluan ang bote sa tubig na malakas ang apoy
upang mamatay ang mikrobyo
18. Kuwadradong hiwa – hiwa sa hugis parisukat
40. 36
19. Ligisin – palambutin sa pamamagitan ng pagpirat o pagdurog
20. Mantikaan – pahiran o patuluan ng mantika ang pagkaing
niluluto para hindi matuyuan
21. Masinsing paghalo – paghahalo sa pamamagitan ng pagpirat o
pagdurog
22. Pagbabad – paglagay ng karne, manok o isda sa pinaghalong
sangka na pampalasa para ito lumambot nang bahagya at
matimplahan
23. Pagmasa – paulit-ulit na paglupi at pagbanat sa masa para
mabuo ang gluten o protina
24. Painitin – magpainit ng oven ng 10 minuto
25. Pakuluan – iluto sa tubig na may temperaturang 212° f o
hanggang marami ng bula sa ibabaw
26. Palamigin – ilagay sa repridyerator hanggang lumamig
27. Pasingawan – iluto sa singaw ng kumukulong tubig
28. Patuluin – paghiwalayin ang sabaw sa buong sangkap sa
pamamagitan ng pagsala
29. Salain – gamitan ng salaan para mapino ang mga tuyong
sangkap
30. Salitang paghahalo – pagdagdag ng mga sangkap na tuyo at
likido sa binating mantikilya nang palit-palit habang tuluyang
hinahalo
31. Tadtarin – putulin sa maliliit na piraso
32. Talupan – tanggalan ng balat o talop ang prutas o gulay
41. 37
Talasalitaan mula sa Kalutong Nayon:
1. Adobo – pagluluto ng karne o gulay sa toyo, suka, bawang.
2. Buro – pagpreserba ng isda, talangka, alimasag, bangus, hito,
dalag, at gulay tulad ng mustasa o mga aligi ng talangka sa
bote sa loob ng ilang araw maliban sa talangkana kinakain
matapos maburo ng ilang oras.
3. Daing – pagluluto ng isda, hiniwa sa likod at inaanyong tila
paruparo na maaaring ihawin o iprito.
4. Ginataan – pagluluto ng isda, alimango, alimasag, manok o
gulay na nilalagyan ng gata ng niyog.
5. Ginisa – paglulutong ginagamitan ng kaunting mantika, bawang,
at sibuyas, kung minsan nilalagyan ng kamatis.
6. Halabos – pagluluto ng isda, hipon o alimasag sa kaunting
asing pampalasa. Tubig lamang ng nilulutong isda, hipon o
alimasag ang pinakapatubig.
7. Inasnan – ang pagpepreserba ng isda, gulay o karne sa
pamamagitan ng paglalagay ng maraming asin. Maaari itong
patuyuin o ihawin matapos hugasan upang maalis naman ang
labis na asin o mabawasan ang alat kung iihawin.
8. Inihaw – pagluluto ng isda, manok karne o lamang-dagat sa
baga.
9. Kilawin – pagbababad ng pagkain sa suka, bawang o sibuyas at
paminta at kinakain nang hilaw.
10. Nilaga – pagpapakulo ng isda, manok, baboy o baka sa
karampatang tubig upang magkaroon ng sabaw. Nilalagyan ng
repolyo, petsay, patatas, kamote.
11. Paksiw – ang paglalagay ng suka at tubig kasama na ang
bawang, luya, at karampatang asing pampalasa sa isdang
pakukuluan. Maaaring lagyan ng ampalya at talong ang
pinaksiw. Kung baboy naman ang ipapaksiw sa halip na luya at
ampalaya o talong, ang inalalagay ay tinuyong bulaklak ng
saging, paminta, at laurel.
42. 38
12. Pangat – pagluluto ng isda sa kaunting tubig na maaaring
lagyan o hindi ng pampaasim na katulad ng sampalok, kamatis
o kalamansi.
13. Pesa – pagpapakulo ng isda sa luya. Nilalagyan ito ng petsay,
upo, buong paminta at kaunting patis.
14. Pinais – pagluluto ng pagkaing nakabalot sa dahon (saging o
alagaw) at pinapasingawan.
15. Pinasingawan – pagpapasingaw ng isda, karne, manok, talaba
o tulya.
16. Pinausukan – pagpapausok ng isda, karne, manok sa baga
bago kainin.
17. Sinigang – pagpapakulo ng isda, manok, baboy, o baka sa tubig
na may pampaasim tulad ng sampalok, kamias, santol,
manggang hilaw, kalamansi, hilaw na balimbing, usbong ng
sampalok, hilaw na kamatis, bayabas o maasim na pinya.
Nilalagyan ito ng dahon ng kangkong o usbong ng kamote.
Kung minsan nilalagyan din ng labanos at gabi kung sinigang
na baboy.Kung minsan dinadagdagan din ng sitaw, okra, at sili.
18. Sinuam – pagpapakulo ng isda o tuluyang ginisa sa luya at
dahon ng sili at nilalagyan ng kaunting patis.
19. Tinalbog – pagluluto ng tira-tirang inihaw na isda na nilagyan ng
sabaw at gulay.
20. Tinapa – pagpreserba ng isda o karne at pinaaasuhan
hanggang maging kulay tsokolate ito.
43. 39
3.
Pagsusuri sa Rehistro ng Wika
ng mga Mananahi
Maritess de Lara, Chem Pantorilla, at Melba Ijan
Isang bansang arkipelago ang Pilipinas. Ang pagkakawatak-watak ng
mga pulo nito ang isa sa itinuturing na dahilan kung bakit tinagurian itong
multilingguwal na bansa. Resulta ng ganitong kalagayan ang pagkakaroon ng
varayti ng mga wika. Nakabatay ang pagkakaroon ng varyti at baryasyon ng
wika sa paniniwala ng mga linguist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-
iba ng wika (Saussure, 1959) at “hindi kailanman pagkakatulad o unipormidad
ng anumang wika,” ayon kay Bloomfield (1933). Dala ito ng nagkakaibang
pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain at
tungkuling ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika
na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Rousseau, 1950).
Nangangahulugan ito, na higit na nakilala ang isang tao kung saan at ano
ang kinabibilangang grupo, interes, pinag-aralan, lahi, relihiyon, at
kinalakhang pook sa wikang kaniyang ginagamit.
Pekulyar ang wika ng bawat grupo dahil sa pagiging kaiba nito sa wika
ng ibang grupo. Katulad ng mga register ng mananahi, ito ay nagtataglay ng
katangian ng kabuuang wika ngunit mayroong espesipikong kahulugan at
katangiang namumukod sa bokabularyog at gramar. Ayon kay Pinchuck
(1977), ang mga wika ng mga nananahi ay nabibilang sa teknikal na mga
wika. Dagdag pa ni Pichuck, espesyal ang wikang ito dahil nabubuo ng grupo
ng mga taong may iba’t ibang oryentasyong panlipunan na pinagkaisa ng
kinabibilangang gawain, katayuan sa buhay, trabaho, at edukasyon.
Batay sa oryentasyong panlipunang ito nakabubuo at nagkaroon ng
varayti at baryasyon ang isang wika. Sang-ayon kay Catford (1965) may
dalawang uri ng varayti ang wika. Una ay permanente para sa mga
tagapagsalita/tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago
kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga varayting
permanente ay diyalekto at idyolek (http:www.scribd.com).
44. 40
Ang diyalekto ay varayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na
grupo ng tao sa isang lugar o speech community, panahon, at katayuan sa
buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o
grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: espasyo, panahon, at
katayuang sosyal. Subordineyt ito ng isang katulad ding wika na pekulyar sa
isang tiyak na rehiyon. Samantala ang idyolek naman ay isang varayti na
kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng
partikular na indibidwal. Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko
tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. Tinatawag
itong tatak ng pagkaindibidwal. Ayon pa rin kay Catford, permanente nang
matatawag ang idiyolek ng isang taong may sapat na gulang.
Sa pangalawang uri naman makikita ang pansamantalang varayti ng
wika na kaugnay sa sitwasyon ang pagamit ng wika. Kasama rito ang
register, mode, at estilo. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipinang
papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Halimbawa nito ay: siyentipiko at teknikal na register, panrelihiyong register,
pang-akademiyang register, at iba pa. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay
ngrelasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal,
kolokyal, at intimeyt o personal. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa
midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pagsalita o pagsulat. Sa
isang speech community makikita ang baryasyon ng wika sa pamamagitan
ng mga taong bumubuo rito; pakikipagkomunika ng tao; interaksiyon ng mga
tao at iba pang mga elementong nakaimpluwensiya sa paggamit ng wika.
Pinagbatayang Teorya
Nakaangkla ang papel na ito sa teorya ni Labov – ang social theory.
Dinadalumat ng teoryang ito na may malaking kinalaman ang lipunan sa
pagkabuo/pagbabago ng wika. Isang kongkretong halimbawa nito ang mga
terminong ginagamit ng mga nananahi na bunga ng pag-usbong ng mga
bagong teknolohiya dulot ng pag-unlad ng lipunan. Ayon naman sa konsepto
ni Lachica (1993), ang tao sa tulong ng wika ay gumagawa ng kaparaanan
upang iakma sa kaniyang kaligiran sa pamamagitan ng imbensiyon. Sa
tulong ng wika,nakabubuo sila ng mga dapat sunduin at paniwalaan na
nagiging alituntunin sa kanilang pagkilos, asal, at pagtingin sa gawain.
45. 41
Ang mga Register ng mga Mananahi sa Bulacan
Ang sumusunod na talahanayan ay nagpapakita ng mga register ng
mga mananahi sa Bulacan.
Uri ng Tela Proseso Gamit sa
Pananahi
Mga Uri ng
Putol at
Yari
Ugpungan
Basite Paghihilbana Aleta Baston Modista
Bird’s eye Pagtututos Automatiko Ambel Sastre
Brocade Paglilip Kurdon Bugy Uhales
Calico
Overcasting
Stich
Piye
Square
pants
Uhites
Crepe Pagsusulsi Koreya Rugged Ohetas
Muslin o
Katya
Pasada Kusek Pencil cut Alsado
Organdy Tistis/Tastas Pata Straight cut Retaso
Percale Bayas Bobina Princess cut Hilatsa
Satin Istretso Medida Shering Sports collar
Kuldoroy Pagtatabas Kuser
Coat
sleeves
Executive
collar
Tetaron Cross stitch Velcro Sabrina
Jorjet Stiches Komi Venus
Chorded
Lace
Bareta
Pin Cushion
Kanilya
Dixon/Tailor
Chalk
L-Square
Hibla
46. 42
Ang mga nakolektang register ng mga mananahi ay inihahanay ayon
sa sumusunod: uri ng tela, proseso, gamit sa pananahi, mga uri ng putol at
yari, at iba pa. Nakatala sa mga uri ng tela ang mga register ng mga telang
madalas na ginagamit ng mga mananahi sa kanilang pagtahi. Tunghayan ang
deskripsiyon, at kung saan ginagamit ang mga telang ito.
Basiste - malambot, matibay, magaan, at makinis. Ginagawang
panyo, pantulog, bestido at makintab
Bird’s eye – ginagamit na lampin, tuwalya, at pamunas ng
kamay at takip sa mesa.
Brocade – may nakaumbok na disenyo. Magandang gawing
damit na panggabi, kurtina, at takip ng muwebles.
Calico – makintab at matingkad ang kulay. Yari ito sa koton.
Maaaring gawin itong damit, kamisendro o apron.
Crepe – makintab at malambot. Maaaring gawing blusa at damit
panloob.
Muslin o Katya – yari sa koton. Ginagawa itong lining ng damit,
punda ng unan, pamunas ng kamay, o damit panloob
Organdy – pino ngunit may katigasan. Yari sa koton at rayon.
Ginagawang kurtina at kuwelyo.
Percale – makinis at matigas. Maaaring gawing kurtina, apron,
takip ng kama, at punda ng unan.
Satin – makintab at makinis na ginagamit na lining. Takip sa
kama, kurtina, at punda ng unan.
Kuldoroy – guhit-guhit at matigas na tela. Karaniwang ginagamit
na tela para sa shorts at pantalong panlalaki.
Tetaron – malambot na tela, karaniwang ginagamit sa uniporme
ng mga estudyante.
Jorjet – ang orihinal na pabric gawa sa sutla, pero minsan gawa
ito sa synthetic fibers tulad ng polyester, lukot-lukot na magaan,
medyo magaspang ang tekstura ng tela. Ginagawang damit
pangpormal, pangkasal, at pangkaraniwang damit.
Chorded Lace – telang karaniwan lang ginagamit sa kurtina
47. 43
Inilalarawan naman sa ikalawang hanay ang proseso na ginagawa sa
pananahi. Ito ay ang mga sumusunod:
Paghihilbana – ito’y pansamantalang tahi at inaalis pagkatapos
maliip ang tupi. Hinihilba ang mga lupi upang ito ay manatili
sa lugar.
Pagtututos – ito’y isang paraan ng pananahi na ginagamit sa
pagsusulsi ng iba’t ibang uri ng punit.
Paglilip – ang tinuping laylayan o dulo ng tela na tinatahi. Ito ay
tahi sa kamay
Overcasting stitch – ito’y isang uring tahi na nagmumula sa
dalawa at maikling tahi na pahilig.
Pagsusulsi – pagtatahi sa butas o punit na bahagi ng damit sa
pamamagitan ng pagtatapal o pagdaragdag ng tela rito.
Pasada – isang hilera o deretsong pagtatahi
Tistis/Tastas – pagtatanggal ng tahi o ng pagkakatahi
Bayas – palihis na putol ng tela
Istretso – Deretsong pagtatahi
Pagtatabas – pagpuputol o paggupit ng tela
Cross stitch – pakros na tahi, ginagamit sa laylayan ng pantalon
Stitches – ito ay tahing nagsisilbing dekorasyon
Ang sumusunod naman ang mga gamit sa pananahi:
Aleta – zipper
Automatiko – tawag sa magic button o butones na madikit
Kurdon – makapal na sinulid na ginagamit pang-alsa sa tahi.
Piye – pedal ng makina
Koreya – makapal na tali/tela na umiikot sa makina. Ito ay
nakalagay sa bilog na parang gabay sa bisikleta
48. 44
Kusek – piyesang may ngipin na inilalagay sa makina
Pata – hugis daliri na tinatapatan ng karayom ng makina
Bobina – kinakabitan ng pang-ilalim na sinulid ng makina
Medida – gamit na panukat sa tatahiin at tatahian
Kuser – gamit o piyesa ng makina na may ngipin
Velcro – Ginagamit sa bag o wallet na pandikit. Ito rin ay
inilalagay sa bulsa ng panalon. Karaniwang ito’y synthetic.
Komi – tawag sa malaking sinulid na karaniwan lang ginagamit
sa pananahi sa makina
Bareta – kinakabitang ng karayom sa makina
Pin Cushion – tusukan ng mga karayom
Kanilya – nakalagay sa loob ng bobina
Dixon/tailor Chalk – tisa ng mga mananahi
Hibla – ito ang tawag sa sinulid na ginagamit pantahi
L-Square – ginagamit na pangguhit ng mga mananahi upang
maging diretso ito
Ito naman ang mga register sa pananahi na may kaugnayan sa mga
uri ng mga putol at yari. Nahahati ito sa dalawang kategorya, pang-ibaba, at
pang-itaas.
Pang-ibaba
Baston – paliit ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang-ibaba
Ambel – paluwang ang tabas sa laylayan ng pantalon/pang-
ibaba
Bugy – maluwang ang tabas at yari sa hita hanggang sa ibaba o
laylayan ng pantalon/pang-ibaba ng lalaki
Square pants – maluwang ang tabas o yari ng pang-ibaba o
pantalong pambabae
49. 45
Rugged – ito ang karaniwang tabas ng maong, tinatawag din
itong doble-pasada
Pencil cut – paliit na yari ng laylayan ng palda
Straight cut – deretsong putol o yari ng pang-ibaba ng palda o
pantalon ng babae
Princess cut – bestidang may anim na putol (cutting)
karaniwang ginagamit o ginawa sa gown
Shering – kinukulubot sa palda
Pang-itaas
Coat sleeves – tahi ng manggas ng Amerikana
Sabrina – tahi na maluwag at bukas ang leeg
Venus – tahi na kabila o isang bahagi lamang ang may balikat
Itong sumusunod naman ang mga terminolohiyang naihahanay sa ibapa:
Modista – babaeng mananahi
Sastre – lalaking mamanahi
Uhales – bahaging nilalagyan ng butones
Uhites – paglikha ng butas sa pananahi
Ohetas – malaking bilog o butas para hindi magnisnis ang
binuburdahan
Alsado – mga sinulid na pinagdudugtong para nakaangat ang
tahi
Sugpungan – ito ang paraan/allowance na inilalaan ng mga
mananahi
Retaso – maliliit na tela at tira mula sa mga pinagtabasan
Hilatsa – tawag sa mismong sinulid o hibla na nakalagay o
natatanggal sa tela
50. 46
Sports collar – kuwelyo ng mga bulsa, blazer, at Amerikana
Executive collar – kuwelyo ng mga barong
Kabilang ang mga register ng mga mananahi sa mga teknikal na wika,
katunayan marami sa mga bokabularyo nito ang hindi natutumbasan sa
Tagalog ng mga mananahi, lalong-lalo na ang mga bokabularyong may
kinalaman sa mga tela at sa mga uri ng putol at yari. Ngunit mapapansing sa
kategorya hinggil sa proseso at gamit ay nasa wika na ito ng mga Bulakenyo.
Marahil ang gawaing ito ay hindi na bago sa lipunang Filipino kaya halos
lahat ng mga may kinalaman sa proseso at gamit ng pananahi ng mga
mananahi ay nasa Filipino na. Tanging ang proseso lamang tungkol sa iba’t
ibang pag-stitch at tabas/yari ng mga maong na pantalon ang nasa Ingles.
Ayon sa Wikipedia.com ang stitching at pantalon ay nagmumula sa bansang
Europa at sa Amerika. Isang uri ng sining ng mga taga-Europa ang stitching
nakamakailan lamang napasok sa ating lipunan.
Konklusyon
Isang panlipunang penomenon ang wika. Sapagkat panlipunan, hindi
maaaring paghiwalayin sa mga ginagawa ng mga tao ang gamit ng isang
wika. Habang nahuhubog ang bawat mamamayan ng institusyon may
direktang kontak sa kaniya ang lipunan, sadya man o hindi, nagiging
instrumento ang mga taong ito sa pagkakabuo ng iba’t ibang varayti ng wika
ng hindi nila namamalayan, gaya ng nangyayari sa mga register ng mga
mananahi na magiging bahagi at magpatatag sa wikang pambansa ang
Filipino.
Ang wikang ginagamit ng mga mananahi ay nagpapakita hindi lang sa
aspekto ng kanilang identidad gaya ng kanilang etnisiti, edad, kasarian, at
sosyal na kinabibilangan, makikita rin dito ang konteksto kung saan nila
ginagamit ang nasabing mga register.
51. 47
SANGGUNIAN
Bloomfield, Leonard. 1933. Language. London: George Allen and Unwin.
Catfor, Ian. 1965. A Linguistic Theory of Translation. London: Oxford University
Press
Downes, William.1998. Language and Society. UK: Cambridge Universtiy Press.
Fishman, Joshua, (ed.) 1968. Reading in the Sociology of Language. The Hague:
Mouton.
Holmes, Janet. 1992. An Introduction to Sociolinguistics. New York: Wesley
Longman Publishing.
Lachica, Venerando. 1993. Komunikasyon at Lingguistika. Manila: Saint Bernadette
Publishing.
Mesthrine, Rajend, et al. 2000. Introducing Sociolinguistics. Great Britain: Edinburg
University Press.
Pañalosa, Fernando. 1981. Introduction to the Sociology of Language. Cambridge,
Massachusetts: Newbury House Publishers.
Pinchuck, Isadore. 1977. Scientific and Technical Translation. London: Andre
Deutsch.
Saussure, F. de. 1959. Course in General Linguistics.(original notes on 1916). New
York: McGraw Hill.
Valentince, Tamara M. 2003. Language and Prejudice. (notes on Roussean). USA:
Pearson Education
http://www.scrib.com/varaytingwika.com.(Nakuha noong September 01, 2011)
53. 49
Introduksiyon
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang
impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o
samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura at iba
pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong
magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o
paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang
manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
Maaari rin namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang
manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga
impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o
indeks ang mga manwal.
Samantala, sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat
isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham
pangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang
mga bahagi gaya ng ulong sulat, petsa, patunguhan, bating pambungad,
katawan ng liham, bating pangwakas at lagda. Nakatuon ang liham
pangnegosyo sa mga transaksyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas
ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat.
Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ring
magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.
54. 50
4.
Manwal ng Anti-Korupsyon
para sa mga Small and Medium-sized
Enterprises (SME’s)
Talaan ng Nilalaman
Kabanata
1. Pambungad
2. Pag-unawa sa Korupsyon
Kahulugan at Porma ng Korupsyon
Korupsyong Pribado-sa-Pribado
Mga Sanhi ng Korupsyon
3. Ang Paglaban sa Korupsyon sa Pagnenegosyo
4. Pagpapatupad ng Mabisang Programang Anti-Korupsyon
5. Indibiduwal na Pamamaraan sa Pag-iwas na
Maharap sa Korupsyon
6. Mga Tagpo ng Korupsyon
7. Kolektibong Pagkilos
Uri
Instrumento
8. Konklusyon
Talahuli
Sanggunian
55. 51
Apendise
Mga Numerong Matatawagan at mga Websayt
Mga Numerong Matatawagan sa Pamahalaan
Mga Piling Websayt Anti-Korupsyon
Iba pang mga Websayt na May Gamit sa SME
Gabay sa Paggawa ng “Kodigo ng Pag-uugali”
at mga Halimbawa
Mga Batas Anti-Korupsyon
Mga Sinipi mula sa Saligang Batas
Anti-Red Tape Act
Anti-Graft and Corrupt Practices Act
Mga Sinipi mula sa Code of Conduct and Ethical Standards
for Public Officials and Employees
Anti-Graft and Corruption Awareness Month
Iba pang Makabuluhang Batas
Mga Sinipi mula sa Government Procurement Reform Act
Barangay Micro Business Enterprise Act
Mga Sinipi mula sa Magna Carta for Small Enterprises
Mga Sinipi mula sa National Building Code
Mga Sinipi mula sa Fire Code
Mga Sinipi mula sa Code on Sanitation
56. 52
1. Pambungad
Bagama’t madalas hindi nabibigyan ng atensyon, mahalaga ang
gampaning papel ng mga small andmedium-sizedenterprises (SMEs) sa
bansa. Ayon sa datos ng Department of Trade and Industry (DTI) noong
2009, binubuo ng SME ang 99.6 porsyento ng lahat ng mga negosyo; nag-
eempleyo sa 63.2 porsyento ng kabuuang lakas-paggawa; at bumubuo sa
35.7 porsyento ng kabuuang kita at halagang nadaragdag sa bansa.1
Pag-uuri ng mga SME
Assets
(hindi kabilang ang
lupain)
Bilang
ng Empleyado
Micro Enterprises P3,000,000 o mas
mababa
1 – 9
Small Enterprises P3,000,001 –
P15,000,000
10 – 99
Medium Enterprises P15,000,001 –
P100,000,000
100 – 199
Pinagmulan: Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) – About MSME,”
Small and Medium Enterprise Development Council, Enero 2003,
http://www.dti.gov.ph
Gayumpaman, hindi pa nawawari ng mga SME ang kanilang
kabuuang potensyal upang mapaunlad ang ekonomiya. Maraming mga salik
ang nakasasama sa klima ng pagnenegosyo ng mga SME, at isa sa mga
pinakamalaking salik ang korupsyon. Ayon pa nga sa isang pag-aaral ng
World Economic Forum, pinakaproblematikong salik sa pagnenegosyo sa
Pilipinas ang korupsyon.
57. 53
Pinakaproblematikong Salik sa
Pangnegosyo sa Pilipinas
Pinagmulan: World Economic Forum – Centre for Clobal Competitiveness and Performance,
Global Competitiveness Report 2010-2011
(Geneva, Switzerland: World Economic Forum, 2010).
Madaling puntiryahin ang mga SME ng mga mababang opisyal ng
pamahalaan na nagnanais na madagdagan ang kanilang mga kita. Madalas
na maririnig mula sa mga may-ari at tagapangasiwa ng mga SME ang
reklamong kailangan nilang magbigay ng suhol o lagay sa bawat opisyal ng
pamahalaan na hihingian ng lagda sa kanilang pag-aaplay ng lisensya o
permit. Para naman sa mga SME na nag-aangkat pa sa labas ng bansa,
nakagawian nang magbigay ng tip sa opisyal ng customs bago nila makuha
ang kanilang mga kargamento.
Hindi na bago ang sobrang pagpapataas ng buwis na kailangang
bayaran ng isang SME mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), na tila
nagmumungkahing mapapababa naman ito sa pamamagitan ng tamang
pagbabahagi ng anumang kita. Isa pang tipikal na karanasan ng mga SME
Mababang Kalidad ng Kalusugang Pampubliko
Implasyon
Polisiya sa Banyagang Salapi
Kakulangan ng Istabilidad sa Polisiya
Kakulangan sa Suplay ng Imprastruktura
Hindi Mabisang Burukrasyang
Pampamahalaan1
Korupsiyon
Krimen at Pagnanakaw
Kawalan o Kahinaan ng Etika sa Paggawa ng
Pambansang Lakas-paggawa
Kawalan ng Oportunidad sa Pagpipinansya
Kawalan ng Istabilidad ng Pamahalaan
Lakas-paggawang Kulang sa Edukasyon
Mapanggipit na Regulasyon sa Paggawa
Mataas na Buwis
Regulasyon sa Pagbubuwis
58. 54
ang pagbisita ng mga inspektor ng Bureau of Fire and Protection, na
magtatakdang dapat magkaroon ng partikular na bilang ng fire extinguisher
ang SME, sabay mungkahi na “narito ang mga inirerekomenda naming
suplayer.” Magastos ang korupsyon, at madalas itong dahilan ng pagkayamot
ng mga SME.
Hindi palaging “biktima” ng korupsyon ang mga SME. Sa maraming
mga SME, nagiging instrumento pa ang pagbibigay ng suhol o lagay upang
mauna sa kompetisyon. Mabilis pa nga ang iba na magbigay ng lagay upang
makakuha ng permit sa pagnenegosyo kahit na kulang ang kanilang
dokumento. Mayroong gumagamit ng lagay upang maiwasan ang red tape.
Nagbibigay ng pera o mamahaling regalo ang iba sa isang opisyal ng BIR
upang makakuha nang mas mababang tax assessment. Gayumpaman, sa
oras na pasukin nila ang paglalagay, mas nahihirapan at mas napapagastos
pa ang mga SME kumpara sa ibang sumunod na lamang sa hinihinging mga
pamamaraan.
Sa dalas ng korupsyon sa bansa, nakabuo na ng sariling “lingo”
o salitaan ang mga Pilipino upang tukuyin ang mga tiwaling
transaksyon. Ang mga karaniwang termino ay ang sumusunod:
1. Areglo – Pagsasaayos ng isang sitwasyon sa
paraang mas madali ngunit hindi katanggap-
tanggap.
2. Ayos – Katulad ng areglo
3. Backer – Maimpluwensyang tao na makasisiguro
sa isang ninanais sa resulta kapalit ang partikular
na presyo
4. Barya-barya– Maliit na paglalagay
5. Kumisyon – Kabayaran sa transakyong iligal
6. Lagay – Maaari ding suhol
7. Lakad – Pagsasaayos sa isang usapan o
transaksyon, partikular sa pagkuha ng permit o
lisensya
8. Lutong-makaw – Katawagan sa pagdedesisyong
mas pinapaboran ang isang panig nang walang
batayan
9. Rebate – Katulad ng kumisyon
10. SOP – Standard Operating Procedure. Ang
59. 55
Pinagmulan: Philippine Province of the Society of Jesus –
Committee on the Evangelization of Culture,Ehem!
A Manual for Deepening Involvement in Combating Corruption
(Lungsod ng Davao: Rsearch and Publication Office,
Unibersidad ng Ateneo de Davao, 2003).
Nangyayari ang korupsiyon hindi lamang sa interaksyon sa pagitan ng
negosyo at pamahalaan. Nangyayari rin ito sa mga transaksyong pribado.
Hindi kakaibapara sa isang salesperson ng isang kumpanya ang magbigay
ng mamahaling regalo sa procurement officer ng isa pang kumpanya upang
makakuha ng produkto o serbisyo. Ang mga kumpanyang nagnanais
humiram sa bangko ay nagbibigay rin ng mamahaling regalo sa bank
manager upang mabilis silang mapagbigyan. Ang mga auditor ay maari ring
sinusuhulan upang hindi na pansinin pa ang mga iregularidad sa transaksyon
ng kumpanya. Bagama’t hindi naisasapubliko, ang pribado-sa-pribadong
korupsyon ay maaaring makasama sa pagnenegosyo tulad ng korupsyon sa
pampublikong sektor.
8. Lutong-makaw – Katawagan sa pagdedesisyong
mas pinapaboran ang isang panig nang walang
batayan
9. Rebate –Katulad ng kumisyon
10. SOP – Standard Operating Procedure. Ang
awtomatikong porsyento o kabayaran na ibinibigay
sa opisyal ng pamahalaan upang maisagawa ang
transaksyon iligal.
11. Suhol – Maaari ding lagay
12. Tongpat o Patong – Halagang idinagdag sa tunay
na halaga ng isang produkto o serbisyo na
magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng
transaksyon
13. Padulas – Perang pambayad upang mas bumilis
ang transaksyon
14. Pang-merienda – Maliit na lagay