2. Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng
mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,
parirala, o sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap.
Halimbawa:
• Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay
puspusang isinasagawa ng mga bisig ng batas.
• Ang pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim
ng mga gulay ay mabisa para sa kalusugan.
4. Pangatnig na Nag-uugnay ng mga
Sugnay na Magkatimbang
1. (o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) -
pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay
Halimbawa:
• Ang wastong dami at wastong uri ng pagkain
ay nagdudulot ng kalusugan.
• Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan
lamang?
• Nakatulog ako’t nakapagpahinga.
5. 2. (ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) -
pangatnig na panalungat; sinasalungat ng
ikalawang kaisipan ang ipinahahayag ng
nauuna.
Halimbawa:
• Matalino si Villar subalit maraming isyung
naglalabasan kaugnay sa kanya.
• Mabait siya pero istrikto.
6. Pangatnig na Nag-uugnay ng mga
Sugnay na Hindi Magkatimbang
1. (kung, kapag, pag)
Halimbawa:
• Walang kasalanang di mapatatawad ang Diyos
kung ang nagkasala ay nagsisisi.
• Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo
na kasintalino niya.
7. 2. (dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala
ng sanhi o dahilan
Halimbawa:
• Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa
ilang pulitiko, palibhasa malapit na naman
ang eleksyon.
• Hindi natuloy ang Lakbay-aral ng mga
studyante dahil sa malakas na ulan.
8. 3. (kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na
panlinaw
Halimbawa:
• Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa
rin siya sa media.
• Sinasabi mong hindi ikaw ang nagnakaw kung
gayon patunayan mo.