Ang pagsibol ng sibilisasyong Minoan at Mycenaean na siyang isa sa mga sandigan ng pagkakaroon ng matatag at mahusay na sinaunang hukbong Greek. Ang lungsod ng Troy bilang pangunahing kakumpetensya ng Mycenaean maging sa kalakalan
7. Paglalahad ng Konsepto
Matututunan ng mga mag-aaral ang…
kabihasnang Klasiko sa Europa (Kabihasnanang Minoan at Mycenean)
Malilinang sa mga mag-aaral ang kasanayan sa…
pagsusuri sa kabihasnang Minoan at Mycenean
8. PANGKATANG GAWAIN
A. Pagbuo ng diagram ukol sa sibilisasyong Minoan at
Mycenaean
• Unang Pangkat – Minoan
• Ikalawang Pangkat – Myceanean
B. Para sa Ikatlong Pangkat, gagawa ng isang
malikhaing pagtatanghal ang bawat miyembro ukol sa
pagsiklab ng digmaan ng Troy.
C. Paglalarawan sa Panahon ng Karimlan sa Greece sa
pamamagitan ng pagmomonologo.
9. Note:
Para sa Una at Ikalawang Pangkat, gamitin ang sumusunod na diagram.
Minoan Mycenaean
10. Kabuuang Puntos: 100
Rubrik bilang pamantayan
Nilalaman: 50%
Anyo/Presentasyon: 20%
Kalinisan: 15%
Wika/Salitang Gamit: 10%
Paggamit ng Salita: 5%
11.
12. Lunduyan ng kabihasnang
sa timog-Silangang
Europa, ang Greek
Peninsula at ang isla ng
Crete
Ngunit, hindi gaya ng sa
ibang sibilisasyon, hindi
ito sumibol sa lambak-
ilog, kundi sa palibot ng
dagat.
13. Heograpiya at Buhay sa
Sinaunang Greece
Napalilibutan ang Greece ng Aegean
Sea, Ionian Sea at Mediterranean
Sea. Dahil sa mabundok na
katangian ng Greece, higit na naging
madali ang paglalakbay sa dagat
kaysa sa lupa.
May sangkapat (1/4) na bahagi
lamang ng Greece ang maaring
tamnan.
14. Minoan
• Hango sa maalamat na hari na si Minos
ang ngalan nito.
• Ang Knossos ang kabisera ng sinaunang
kabihasnan nito.
• Gawa sa makinis na bato ang palasyo
nito na may higit 800 na silid.
• Mayroon din itong pader na
napalalamutian ng fresco.
• Nakipagkalakalan ang mga Minoan sa
ibayong dagat at sumamba sa diyos ng
kalikasan.
• 1400-1230 BC naabot ng Minoan ang
tugatog ng tagumpay ngunit ito ay
bumagsak marahil sa sakuna o pagputok
ng bulkan o pagsalakay ng mga
dayuhan.
Mycenaean
• 1900 BCE nagsimulang maglakbay ang
mga Mycenaean mula gitnang Asya
patungong Europe.
• Nagtungo sila sa Balkan Peninsula
hanggang sa tuluyang manirahan sa
Peloponnesus, isang tangway sa timog
bahagi ng Greece.
• Natural na mandirigma ang mga
Mycenaean kaya’t bilang proteksyon,
nagkamal sila ng teritoryo sa
pamamagitan ng pananalakay at
pananakop.
• Mula sa mga Minoan, natutunan ng
mga Mycenaean ang pakikipagkalakalan
at napanatili ang bahagi ng kulturang
Minoan, tulad ng sistemang pagsulat.
20. Ayon sa salaysay ni Homer, nag-ugat ang
digmaan sa Troy sa pagdukot ni Paris kay
Helen, na asawa ni Haring Menelaus ng
Sparta na kapatid naman ni Haring
Agamemnon ng Mycenae, na syang
nanguna sa paglusob sa Troy.
Paano napasok ang lungsod ng Troy?
21. Upang pasukin ang
lungsod ng Troy,
pinagawa ang malaking
estatwa ng kabayo na
yari sa kahoy, lulan ito
ng mga sundalong
Greek. Pinadala ang
estatwa sa Troy at
pagsapit ng gabi,
madaling nagapi ng
mga Greek ang mga
Trojan na pagod at
lasing maghapon sa
kasiyahan.
22. Noong 1870, isang arkeologong
German ang nakatuklas ng guho ng
isang lungsod na tinatayang
nagmula noong panahon ng troy.
Mula sa tuklas na ito, napatunayang
batay sa totoong pangyayari ang
sanaysay ng Trojan War.
Heinrich Schliemann
23. Ayon naman kay Manfred
Korfmann, ang pagnanais na
makontrol ang Hellespont
mula sa lungsod pangkalakalan
ng Troy ang nagpasimula ng
Trojan War bandang 1250 BCE.
Nagwagi ang mga Mycenaean
sa naturang digmaan.
24.
25. Pagbubuod /Pagkilos:
S – synthesis
Anong tatlong bagay ang natutunan mo sa araw/aralin na ito?
M – meaning
Paano nakatulong ang aralin sap ag-unlad ng iyong kaalaman ?
A – action
Paano mo magagamit ang natutunan mo sa iyong pang-araw – araw na
pamumuhay?
26. Takdang-Aralin #2
Bilang paghahanda para sa susunod na pagkikita, isulat at sagutan ang
mga sumusunod:
1. Ano ang tumutukoy sa “Panahong Hellenic?”
2. Ano ang pagkakaiba ng Sparta at Athens?
3. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
• Hoplite
• Phalanx
• Helot
• Iliad at Odyssey
Sanggunian: Pahina 92-97
Editor's Notes
Linear A – Sistema ng panulat ng mga Minoan Michael Ventris at John Chadwick
Linear B – Mycenaean, nauunawaan na
Alinsunod ito sa pangako ni Aphrodite na ibibigay nya ang pinakamagandang babae kay Menelaus.