1. KATUTURAN NG MAIKLING KUWENTO
Mga manunulat
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento
- Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –
isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
- Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi at
mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. May kapayakan at
kakauntian ng mga tauhan.
- Ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao.
Noong 1935-1940 ayon kay Teodoro Agoncillo
- Ang maikling kwento ay gumagamit ng unang panauhan.
- Tungkol sa buhay sa lunsod
- Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng damdamin
- Dahop sa malinis na pananagalog.
Internet
Ang maikling kwento ay:
-Isanganyongpanitikannanaglalayongmagsalaysayngisangmahalagaatnangigibabawnapangyayari
sabuhayngpangunahingtauhanatnag-iiwanngisangkakintalansaisipngmgamambabasa.
-kathananagsasalaysayattumatalakaysamadulangbahagingbuhay.Hindiitopinaiklingnobelaobuod
ngisangnobela.
-Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa
isangbuo,mahigpitatmakapangyarihangbalangkasnainilalahadsaisangparaangmabilisanggalaw.
Diksiyonaryong FILIPINO-FILIPINO
Ang maikling kwento ay:
-Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
mga mambabasa.
2. - Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
- Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad
ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
- Anumang uri ng salaysay, nakasulat man o hindi na likhang-isip lamang at itinutulad sa
karaniwang mga pangyayari o mangyayari
Aklat
Ang maikling kwento ay:
- isang akdang naglalathala at nagsasalaysay ng mga makatutuhanang pangyayari sa pang
araw-araw na buhay.
- ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na sahig sa buhay na
aktuwal na naganap o maaaring maganap.
Ano ang hindi maikling kwento?
Ang Hindi Maikling Kwento
Ang maikling kwento ay hindi isang karakter sketch, talambuhay, reporto record ng mga
pangyayari, sanaysay, o karaniwang salaysay. Ito’y may katangiang pampanitikan na sarili niya
at ikinaiiba sa karaniwang pagsasalaysay. Sa bahagya kayang pagbabagong saloobin at layunin
ng manunulat, anumang salaysay ay maaaring maglipat- kuwento?
Karakter Sketch
karakter sketch -naglalahad ng maraming detalye tungkol sa pagkataong karakter. Nagbibigay
din ito sa maraming karanasang ibanabalita sa magkakatulad na antas ng impormasyon.
kwento -naglalahad ng isa lamang importanteng pangyayari at ibinababa ang ibang pangyayari
sa pangalawang posisyon.
- isang pagsusuri na tiyak na madarama at wari’y makikitang bumabasa ang tauhan.
- sa aksyon at reaksyon ng tauhan, at ang mga ito ang naglalahad ng pagbabago.
3. Talambuhay
Ang manunulat ng talambuhay - gumagamit ng record ng mga pangyayari tungkol sa kanyang
bida o ng mga balitang ibang tao tungkol sa kanyang bida. Batay sa mga ebidensyang ito,
napalulutang ang katauhan ng bida. Ang interpretasyong ito inilalahad ng manunulat ay hindi
humihiwalay sa tunay na mga pangyayari. Ang manunulat ng kuwento ay gumagamit din ng mga
pangyayari. Sa katunayan, maraming manunulat ng kuwento ay gumagamit ng mga pangyayari
sa tunay na buhay at ito’y nagpapasigla ng kanyang imahinasyon. Kung ang manunulat naman
ng talambuhay ay interesado, hindi lamang sa pagtitipon ng mga pangyayari, kundi sa
interpretasyon ng mga ito; ang manunulat naman ng kuwento ay hindi lamang umaasa sa mga
pangyayari; siya ay higit na nag-iingat sa gagawing interpretasyon. Ang manunulat ng
talambuhay ay nababahala sa pagtuklas ng isang modelo na ipinahihiwatig ng mga
pangyayari; ang manunulat naman ng kuwento ay pumipili o lumilikha ng mga pangyayaring
nagbabagay sa kilos ng modelo ng ibig niyang itampok. Hindi naman ito nangangahulugan na
ang manunulat ng kuwento ay hindi napasasakop sa mga pamamaraan o teknik ng kanyang
mediyum. Kailangang papaniwalain niya ang bumabasa ng kanayang katha na may mga
simulating nasusunod tulad ng pagkakaisang impresyon, upang maging tunay na tunay ang
ikinukuwento.
Report o Rekord
Ang pagkukuwento ng isang aksidente: paano ito nangyari, sino ang na aksidente, ilang
tao ang nasaktan o namatay, ano ang sabi ng ibang tao, , at iba pa- ito’y isang report o record ng
mga pangyayari, at hindi isang kuwento. Ang report ay may pansamantalang paningin lamang sa
mga tao. Kahit na ang report ay nagbibigay ng larawan ng mga tauhan, ang problemang unity o
pagkakaisa ay lilitaw. Ang kuwento, bilang isang tanging sulatin, ay may pangunahing tauhan, o,
kung may higit sa isa, ang mga tauhan ay may kaugnayan sa isa’t isa, gayundin sa ideya o tema.
Sanaysay
May katangian sa tono at sa pamamaraan ng paglalahad ng mga pangyayari nanaiiba sa
sanaysay, pormal man o di-pormal. Halimbawa ay may isang susulat tungkol sa reunion ng mga
dating magkakaeskuwela. Kung ito’y isang sanaysay, maghahanda siyang isang balangkas
,susundi nito , at isusulat batay sa na tipong material. Ang layuninng manunulat ay ang
paglalahad sa mga mambabasa ng mga tunay na pangyayaring nagtataglay ng mga sarili niyang
palagay.
Ang pamamaraan ng manunulat ng kuwento ay iba. Sinisikap niyang ang pangunahing
tauhan, halimbawa, ay makihalubilo sa mga dating mga kaiskuwela sar reunyon, makikiisa sa
kanila, piloting ihanap ng kalutasan ang suliraning bumabagabag sa kanya, hanggang sa
magtagumpay siya o mabigo.
4. Hindi pumapasok sa kuwento ang sariling palagay ng manunulat, hindi katulad sa
sanaysay.
Salaysay
Hindi rin isang karaniwang salaysay ang kuwento. Iba’t iba ang mga uri ng salaysay:
pabula, parabola, alegorya, abentura, pambihirang karanasan, katawa-tawang insidente, alamat,
anekdota, at istoryang historical. Ang aksiyon sasalaysay ay may pagkakaisa: naglalahad ng
problema at ng solusyon dahil ito’y may simula, gitna, at katapusan. Ngunit ang kahihinatnan
nito ay hinditumutugonsa kung ano ang damdamin ng tauhan, tulad ng sa kuwento. Ang aksyon
sasalaysay ay panlabas lamang; hindi ito pumapasok sa isipan ng tauhan. Ang salaysay ay
walang pakialam kung ano ang nangyayari sa mga tauhan; at walang simpatya o pagka-inis sa
damdamin ng mga tauhan, di katulad ng matatagpuan sa kuwento.
Nobela
Ang maikling kuwento ay naiiba rin sa nobela, lalo nasa haba. Ngunit, ito’y hindi lamang
dahil sa kaiklian. Hindi lahat ng mga kuwento ay maikli. Halimbawa, ang mga aklat nina Esther
at Ruth sa Bibliya ay ang tinatawag na mga novelettes. Ang dahilan sa pagkakaiba nito: ang
maikling kuwento ay binabalangkas ayon sa tiyak na masining na prinsipyo ng nagbibigay ng
unity na hindi kinakailangan sa novelette o nobela.
Ang layunin ng nobela ay ang ipakilala ang tauhan o mga tauhan sa higit na mahabang
panahon. Sinusuyod nito ang kabuuang paningin sa buhay. Ang maikling kuwento, sa kabilang
dako, ay tumatalakay sa isang bahagi lamang ng buhay. Dahild ito, ang manunulat ng maikling
kuwento ay hindi nangangailangan ng kakayahang magpalawig pa sagalaw at isipan ng
maraming tauhan. Sa ganoon, bagamat higit na masining kaysa sa nobelaang kuwento ay
pinangangahasan ng mga batang manunulat na kulang pa sa mga karanasan sa buhay. Dahil
kailangang mabilisang pagtungo sa kasukdulan, ang istorya ay maaaring hindi makapaglahad ng
mga bagay na maaaring ilahad sa nobela: tulad napagtatakdang problema na maaaring hindi
malutas, magbigay ng mga pangakong di kailangang ipaliwanag, dagdagan ang mga detalye, at
hindi linawin ang simbolo.
Mapanlikhang talino
Kailangan ng maikling kuwentoang mapanlikhang talino. Dapat na marunong pumili ang
manunulat ng mga tauhan at mga pangyayaring kailangang-kailangan lamang sa pagbubuong
iisang kakintalan o impresyon. Ang tagpuan ay binibigyan diin lamang kung ito’y may mahigpit
na kinalaman sa balangkas at tauhan. Sa kuwento ay hindi maipapakita ang malawak na
karanasan sa buhay, di gayang sa isang nobela. Ngunit ang maikling kuwento ay isang pagsubok
ng mapanlikhang talino; ang nobela ay may malawak nakaranasan at kakayahan sa mga detalye.
5. Layunin ng Maikling Kwento
Ayon kay Panganiban
Ang layunin ng maikling kwento na bigyan ng kawilihan at libangan ang mga mambabasa. Kaya
mahalaga ang pagkakaroon nito ng kaisahan ng paksa at may bisang ikintal sa isip at damdamin
ang mga ideyang nais ipaabot.
Layunin rin nitong magbigay-bunga sa isang epektibong pagsasalaysay na ginagamitan ng
napakamatipid na pamamaraan na naayon sa binibigyan ng diin o empasis.
Layunin ng Maikling Kwento Ayon sa Uri nito
magpatawa
manakot
magsadula ng pangyayari
magbigay ng isang pangkatauhan
kababalaghan
magsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng tauhan
magpahayag ng pag-ibig
magpadama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao
6. Ang pinakamahalagang pang-akit sa mambabasa ay ang mga tao. Kung ang bias ng mga
karakter ay buhay na buhay para sa mga mambabasa, madali nang mapaniwalaan ang mga
ginagawa nila.
Dalawa ang tungkulin sa pagpili ng karakter sa isang kuwento:
1. Upang mapalapit ang mga karakter ng istorya sa mga mambabasa, lakip ang
kaalaman at pag-unawa na kapwa matalik at personal;
2. Upang malinawan at maipaliwanag ang aksyon o kilos ng istorya.
Maliwanag na ang karakterisasyon, bilang isang bahagi ng istorya, ay hindi maaaring
maihiwalay sa hagdan-hagdang pagbabalangkas na nagsimula sa unang sitwasyon. Ito’y
mahalagang bahagi sa kabuuan ng disenyo.Ang karakterisasyon ay kailangan upang
maunawaan ang aksyon o kilos.
Sa tunay na buhay, pinagpapasyaha natin ang isang tao sa maraming paraan. Gayundin,
ang mga manunulat ay gumagamit ng mga paraan upang mailantad kung sino ang kanyang mga
tauhan sa istorya.
Mga Paraan
Narito ang mga paraan na magagamit ng manunulat upang maipakilala ang tauhan sa
istorya:
1. Larawan ng karakter: hitsura, ayos, pananamit, at iba pa.
2. Personalidad bunga ng pananalita at aksyon o kilos.
3. Saloobing emosyonal o pandamdamin sa pamamagitan ng pananaw ng ibang tao, sa
ilang bagay-bagay, at sa mga kilusang panlipunan.
4. Paninindigan sa buhay.
5. Di-tuwirang bias.
Mga Halimbawa ng Karakterisasyon
Larawan
Ang larawan ng panlabas na karakter-ang hitsura, ang pagdadala ng sarili, kilos, tindig,
lakad, pananamit, pagkumpas,asal.
7. Kung minsan ay walang paglalarawan ng panloob na karakter. Kung baga, pahapyaw
lamang ang pagtingin. Sa makatotohanang direksyon, sa kabilang dako, may mga tiyak na
detalye ang karakter.
Ang mga sumusunod na sipi mula sa ilang kuwento ay mga halimbawa ng larawan ng
karakter.
(Kapangitan maliban sa mata)
Si Juanita ay pangit. Hindi lamang sa mukha, sa anyo rin. Ni walang tumutubos na
kaanyuan: ni isang maamong guhit; ni isang maalindog na panghalina sa kanyang mukha.
Marahil ay maaring masabi na ang kanyang mga mata ay nakaaawas sa kanyang
kapangitan. Ang mga yaon ay malalaki at mabibilog: may liwanag na salat sa pagbabalat-
kayo; maniningning, at may lalong nananabik na ningning ng kamusmusan. Ngunit mula
nang makilala ko siya, ang liwanag na yaon ay nalalambungan ng isang kalabuang
animo’y nagmumula sa isang dusang di ko malirip.
- Bakas ng Dahon sa Putik
(Pagkabigo ng sarili)
Pagkaraan, nalaala ko kung paano siya ngumuti, kung paano tumaas ang mga labi sa
dalawang sulok, kung paano sumampa ang ngiti sa sulok ng kanyang mga mata at
naglaro ang mga kulubot doon, at kung paano naging ibang-iba ang ningning ng
kanyang mga mata. Hindi tila bangkay: may liwanag doon, ngunit may mga anino-
walang kabuhay-buhay na nangungubli, nangungulimlim, nagmamasid-masid-at ubos-
isipin mo man, di mo maiintindihan ang pagdilim niyon. Hindi, ang mga aninong yaon
ay di dahilan ng pagdurusa, kundi dahilan ng katakutan sa pagdurusa, ang
pagpapakumbaba ng isang kaluluwang nangangamba sa isang bagay na di niya
mapangasahang unawain.
- Mahiwagang Tugutugin
Personalidad( bunga ng pananalita at aksyon o kilos)
Sa totoong buhay, ang sinasabi at ang ginagawa ng isang tao, lalo sa oras ng kagipitan,
ay isang isang salamin ng kanyang personalidad. Ganoon din sa manunulat ng istorya. Nagaganit
niya ang pananalita at ang aksyon upang ilarawan ang personalidad ng karakter.
Ang sumusunod na diyalogo ay nagpapahayag ng personalidad:
(Mayabang)
8. “Halika,” ang wika ni Ban-wang, “ikaw ay akin. Higit akong makapangyarihan kaysa
sa walang-saysay na Mandirigmang ito. Tingnan mo, isang saksak lamang at namatay na
siya. Halika, ikaw ay akin.”
- Panawagan sa Pakikibaka
( Sakim)
“. . .ang babaing ito ay akin. Ako si Ban-wang, Anak ng aking mga ninuno, na may
dugong matapang na nananalaylay sa aking matapang na pangangatawan, ay nanalo sa
pakikipagdigma. At ang gantimpala ko ay Babaing ito. Kaya, siya ay akin, akin.”
- Panawagan sa Pakikibaka
Saloobing emosyonal o pandamdamin
Dito, ang manunulat ay nagpapakita ng saloobing emosyonal o pandamdamin ng
karakter, sa pamamagitan ng ibang tao, sa bagay-bagay at sa panlipunan. Sa ganoon, ang mga
karakter ay may kapangyarihang pukawin ang simpatya ng mga mambabasa.
Ang ilang siping nagpapakilala ng karakter sa pamamagitan ng emosyonal o intelektwal
na saloobin ay naririto:
( Nasisiyahan sa buhay)
Itinaas ng Lalaki sng ulo at humalakhak. At ang kanyang halakhak ay puno ng
pagmamalaki: Hindi, hindi nga naman makatatakbo ang kanyang asawa bagama’t
pansamantala lamang ito. Kailangang mag-ingat, dobleng ingat ngayong may bagong
buhay na namumuo sa kanyang sinapupunan.
- Ulan sa Buwan ng Hunyo
( Mapagmahal sa lupa)
“ Nagagalak akong si Mario ay bumalik,”ang wika ni Mang Kandong. “Siya’y anak
ng magsasaka, at isang magsasaka rin siya hanggang kamatayan. Kung ikaw ay isinilang
dito, kung ang iyong puso, kung ang iyong pulso ay bumibilis sa paghipo sa
kayumangging tiningkal na lupa, kung nagpapakanta ka sa kagalakan kapag nadarama
mo ang putik na dumidikit sa iyong mga sa iyong mga paa kahit saan ka magpunta,
walang salang babalik ka sa sariling lupa.”
- Kayumangging Lupa
Paninindigan sa Buhay
9. Ang isa pang paraan ng karakterisasyon ay ang pagpapalutang ng paninidigan ng
karakter sa buhay. Ano ang mga pinahahalagahan ng karakter? Ano ang pamantayan niyo sa
ugali- ano ang tama o mali? Sabuhay, ano ang mahalaga o hindi mahalaga? Lahat nito’y mga
pamamaraan ng pagkilala sa mga tauhan. Sa mga pahayag na nagpapahiwatig ng mga ito
makakamit ng manunulat ang larawang ibig niyang paratingin sa mga mambabasa.
Ang mga paninidigan ng karakter sa buhay ay nasa mga sumusunod na sipi mula sa
kuwento:
(May direksyon sa buhay)
. . . Para sa kanya, ang buhay ay may kulay ng kasiyahan, may tunog ng
pagdiriwang. Bawat ngayon ay may bagong pagkakataon na highit na nakapagbibigay-
sigla, higit na makapangyarihan. May dahilan upang mabuhay, may dahilan upang
mamatay.
- Ulan sa Buwan ng Hunyo
( Ang Pasko ay pag-ibig)
. . . ang kahulugan ng pasko ay ang magiliw na kagandahang-loob at
pananampalataya at pag-ibig. . .
- Pasko, Pasko Noo
Di- tuwirang bias
Makikilala rin ang karakter ng katauhan sa pamamagitan ng di-tuwirangbisa.
Naipamamalas ito sa pamamagitan ng isang bagay at ito’y pahapyaw lamang kaya di
napanpansin.
Ang mga sumusunod na sipi ay naglalarawan ng ugali sa pamamagitang paraang ito:
Nanalo si Nestor bilang composer. At ang awit ay inihandog sa asawa.
(Mapagmahal)
. . . Pinamagatan at inihandog ko ang aking tugtugin sa iyo. At Del, mahal ko,
hanggang nangingibabaw ang tula at tugutugin sa puso ng sangkatauhan, ang iyong
pangalan at ang iyong awit ay maaalala ng daigdig kailanman.
- Alay
(Matapang)
Kinuha ni Ban-wang ang kanyang gulok-mahaba at kasintalas ng labaha-na naksabit
dingding. Lumabas siya sa liwanag ng umaga.
10. - Panawagan sa Pakikibaka
Kahalagahan ng Karakterisasyon
Sa nauunang pagpapaliwanag, makikitang ang karakterisasyon ay tiyak na kailangan sa
paglalahad ng kilos at iba pang mga element sa istorya. Kaya hindi maaaring maihiwalay ito.
Hindi maikakaila na ang mga istorya ay nagugunita sa kanilang paglalarawan ng karakter.
Makakalimutan ang balangkas, tema at kapanabikan ngunit matatandaan ang karakter na
bumubuhay sa istorya.
Maraming makabagong kritiko ang hindi sumasang-ayon sa paglalarawang pisikal sa
mga karakter. Ang sabi nila ay makikilala ang mga tauhan hindi sa hugis ng ilong o sa kapal ng
labi kundi sa isang kabuuang impresyon- madalas ay mailalarawan sa isang linya. Ay sa tulong
ng isang impresyon, ang diwa, gawi, at kilos ay higit na makapagpapahayag kaysa isang buong
talaan ng mga larawang pisikal. Ang sabi nila, kahit na gaano kadetalye ang paglalarawang
pisikal, ang mambabasa ay tahasang makabubuo ng sariling larawan ng tauhan. Maiuugnay nito
sa mga tao at mailalantad sa paningin ang mga taong ito bilang mga actor sa kuwento; ang mga
imaheng ito ay maaring iba’t iba sa paningin ng mga mambabasa at maaaring iba rin sa konspto
ng manunulat sa kanyang tauhan.
Isang paraan ng paglalahad ng karakter ay ang pagtutok sa isa, isang-isang katangian
lamang. Halimbawa,
“ Napansin ko kung paano gumalaw ang kanyang masining at hubog-kandilang
kamay na animo’y sa babae. . .”
- Mahiwagang Tugtugin
Gaano ka totoo ang mga karakter sa totoong buhay? May isang paraan sa pagpili at
paglalahad ng mga karakter. May mga karakter na kilalang-kilala ng mga mambabasa kaya sila’y
parang tunay na mga tao kahit na maaaring hinango sa daigdig ng pantasya. Sa gayon, nakikita
ng mga mambabasa ang mga tauhang katulad ng mga tao sa tunay na buhay.
BALANGKAS NG KWENTO
Ang Kwentong Walang Balangkas
Maraming makabagong manunulat ng maikling kwento ang tumatalikod sa kinikilalang
kaugalian na ang istorya ay dapat magkaroon ng maingat na balangkas. Minsan ay may nababasa
tayong mga istorya na ang mga elemento ng balangkas ay halos bawas na bawas na. Sa ganitong
pangyayari, maari nating maitanong sa manunulat ang mga bisa ng kakulangan ng balangkas.
Ang mga taong naniniwala na nag bawat kuwento ay dapat magkaroon ng elemento ng
balangkas, ay pipintasan ang ilang piling nangungunang manunulat ng ating panahon.
11. Ang “maikling kwento” na walang balangkas ay may katangiang hindi uring nagsasalaysay,
kundi may indayog ng tula ang prosa. Sa katunayan, maraming mga “maikling kwento” ang
walang balangkas; talagang hindi ito salaysay kundi tula sa prosa.
Marami sa mga kuwento ang hindi talagang kwento; ang ibig sabihin, walang sadyang naganap
na mga pangyayari. Walang pagbabago sa karakter o sa kanilang relasyon sa ibang mga karakter
o sa kanyang kapaligiran. Ang manunulat ay maaring maghayag ng isang sitwasyon o problema
ngunit hindi maasahang malutas ang problema. O maari naman siyang maglarawan ng isang
pangyayaring may kahalagahan sa karakter. O, ang kanyang layunin ay ipakita ang kaibahan ng
karakter sa kapaligiran.
Sa mga istoryang napili na mahimaymay, ang “Lumisang Anghel” ay isang halimbawa ng
kakulangan ng elemento ng balangkas. Tula sa prosa, ayon sa kritiko at manunulat na si Rogelio
Sikat, ang “Lumisang Anghel,” isang elegy na paghihinagpis ng isang ina nang ang kanyang
sanggol ay sumakabilang buhay.
Ang Kwentong May Balangkas
Ang kwento na may balangkas, sa kabilang dako, ay tradisyonal. Ito ang tipong ang interes ng
mambabasa ay nakatuon sa kalalabasan ng istorya. Bumabasa tayo ng istorya upang malaman
kung ano ang nagyayari sa mga karakter. Ang interes natin mula sa simula ay nakatuon sa
hinaharap. Ang ganitong uri ng istorya ay dahil sa katotohanang sa lahat ng panahon, ang mga
mambabasa- bata man o matanda, inosente o sopistikado- ay laging sabik na malaman ang
kapalaran ng karakter na nasangkot sa isang makapukaw damdaming sitwasyon.
Katuturan
Ang bangkas ay ang batayang simulain at plano ng isang salaysay, na ang mga detalye ay piling-
pili at ayos na ayos upang mapukaw ang kasabikan ng mambabasa tungkol sa kahihinatnan o
upang mapanatili ang kasabikang iyon hanggang wakas.
Tungkol sa relasyon sa mga pangyayari, ang balangkas ay siyang nagtatanong at may ginagamit
na paraan upang masining na masagot ang tanong. Sa pamamgitan ng balangkas, ay nalulutas
ang ipinahihiwatig na suliranin at ang sagot dito ay ginagawan ng paraan na maiayos.
Mga Elemento ng Balangkas
Ang mga ito’y ang
1) problema o suliranin; 2) simula at paglalahad; 3) pagkakasalungatan; 4) kumplikasyon o
kasalimuutan; 5) pagtungo sa solusyon o kalutasan ng problema; 6) kasukdulan; 7) solusyon o
kalutasan ng problema; 8) katapusan; 9) disenyo.
Isa-isahin nating ipaliwanag ang bawat elemento ng balangkas; ang paghihimayhimay at
halimbawa galing sa istoryang “Panawagan sa Pakikibaka.”
12. Problema o Suliranin ng Balangkas
Bawat pangyayari na inilaan nilang paksa sa kwento ay may kasangkot na problema. Sa ibang
salita, bawat pangyayari na nababagay na mailahad sa kwento ay may katanungan sa simula.
Ang anumang uri ng suliranin ay kailangang pumukaw ng interes ng mambabasa upang
masundan ang paglutas ng problema- tama man o mali. Ito ay maaring tungkol sa daigdig ng
kapaligiran, ng mga tao at ng mga pangyayari, o tungkol sa lihim na daigdig ng damdamin,
emeosyon, diwa , o ang malalim na pag-iisip.
Madaling matuklasan at mapanukala ang problema sa simula pa ng kwento. Sa “Panawagan sa
Pakikibaka,” ito ay kung paano haharapin ni Ban-wang ang panawagan ng pakikibaka sa kaaway
na mandirigma.
Simula at Paglalahad ng Balangkas
Ang paglalahad ay ang bahagi ng balangkas ng kwento na nagbibigay ng kaalaman upang
maunawaan ang sitwasyon at dito hinuhugot ang problema. Ang kinakailangang impormasyon o
kaalaman ay binubuo ng mga pangyayari; panahon at pook ng istorya, ang karakter, at ang
kanilang mga kaugnayan o relasyon sa isa’t isa, o sa kanilang kapaligiran, gayundin, ang
elementong masuliranin sa kanilang relasyon. Sa paglalahad din maliliwanagan ang pananaw
kung saan ikinukwento ang istorya. Ang makahulugang elemento sa paglalahad ay ang pagbibiay
ng tanong, ang pagbubuo ng problema, hangang sa pagkukwento sa iba pang bahagi.
Kung gaano karami ang paglalahad ng mga pangyayari nakasalalay sa pangangailan ng tinutukoy
na kaso.
Ang “Pananawagan sa Pakikibaka,” kahit maikli, ay nagtataglay ng lahat ng mga elementong
kailangan ng balangkas. Ang kwento ay sa pananw ni Ban-wang dahil siya ang tuluy-tuluy na
sinusundan ng istorya.
Simula at Paglalahad ng “Pakikibaka”
Sa limang talata, mabilis na nailarawan ang simula at paglalahad ng istoyya. Narinig ni Ban-
wang ang panawagan sa pakikibaka ng kanyang mga ninuno. Kinuha ni Ban-wang ang gulok.
Naglakad nang malayo. Narating ang lupain ng kaaway ng kanyang mga ninuno. Nakita roon
ang isang mandirigma. Ano ang gagawin ni Ban-wang sa kalaban?
Pagkakasalungatan sa Balangkas
Madals nating marinig na ang kahulugan ng isang istorya ay nakikita sa pagkakasalungatan.
Madalas nating isipin na ang istorya ay suliranin at kalutasan, tensyon at resolusyon,
kapakanabikan at kasiyahan, tanong at sagot at hiwaga at pagbubunyag. Ang istorya ay galaw,
kilos, sa pamamagitan ng mga suliraning magusot hangggang malutas, at ng pagkalito hanggang
lumaya sakaguluhan.
Maraming uri ang pagkakasalungatan, tulad ng:
13. Tunggalian ng tao at ng relasyon sa kalikasan- sa ginaw, init, hangin, araw , dagat, o
bundok, panganib mula sa gutom o uhaw o sa mga hayop.
Labanan ng tao at tao- Ang tao at ang ibang miyembro ng kanyang pamilya o ibang tao; sa
babae; trabaho, salapi,o karangalan; sa katutubong kaugalian, o sa mga batas ng lipunan; o
sa lumalaban siya tumgkol sa isang ideya.
Pagsagupa s kalagayang pang-ekonomiya;
Pagsagupa na pansarili, laban sa sariling kalooban: ng “mabuti” at “masama,” ng “mataas”
at ng “mababang” likas na katangian; ng pagnanasa at budhi o konsensya.
Halimbawa ng Pagkakasalungatan:
Sa “Pakikibaka...”ang panlabas na pagkakasalungatan ay nakasalalay kay Ban-wang na may
pulang dugo ng kanyang mg ninuno at ng mandirigma na ank ng kaaway ng mga ninuno ni Ban-
wang. Kaya ito’y labanan ng tao at tao.
Komplikasyon o kasalimuotan ng Balangkas
ang sunod-sunod na kawing ng mga sandaling matensyon ay tinaguriang kumplikasyon o
kasalimuuan ng balangkas. Ang kumplikasyon ay may taglay na ilang pangyayari, at ang mga
pangyayaring ito ang naghuhudyat ng solusyon o kalutasan ng problema- naayon o di-naayon sa
pangunahing karakter o sa iba pang karakter. Ang pangyayaring nagtuturo sa kalutasang di-
naaayon sa karakter ang kumplikasyon sa problema. Ang bisa ng mga naturan ay dapat
magpatindi sa ating interes sa sitwasyon ng balangkas, magpapalawig ng ating pang-unawa sa
karakter, at pumupukaw sa ating damdamin sa mga pangyayari.
Tulad nang nasabi na, ang mga sandali ng kumplikasyon o kasalimuotan ay nagiging higit na
matindi habang ang balangkas ay sumusulong sa sandaling magpasya ang karakter. Sa
“Pananawagan sa Pakikibaka,” si Ban-wang, na ngayon ay nasa lupain ng mga kaaway, ay:
Inulos ng saksak ang Mandirigma at ito’y namatay. At iyan ang naghugas ng dumi ng kanyang
mga kasalanan: ang dugo ng Anak ng mga kaaway ng kanyang mga Ninuno.
Nakita ni Ban-wang ang patay na kaaway at ang isang magandan babae. Pagnanasa: ito ang
naramdaman ni Ban-wang sa babae. At inangkib ni Ban-wang ang babae at ito’y iniuwi.
Nagsama ang dalawa ng ilang taon. Wlang kibuan. Ang matatanda sa lupang tinubuan ay nagulat
kay Ban-wang. Hambog daw si Ban-wang.
Tungo sa Kalutasan ng Suliranin
Ito’y ang pangyayaring patungo sa kalutasan ng suliranin. Ito ang nagbibigay-pansin sa lahat ng
mga nagyari at nagpapaliwanag sa mga ito. Ito rin ang susi at buod ng buong istorya; taglay nito
ang kahulugan ng istorya. Ang bahagi ng balangkas na tungo sa kalutasan ng suliranin ay
maaring sa pamamagitan ng salita, ng kumpas, isang di-karaniwang karanasan.
14. Sa “Panawagan sa Pakikibaka,” ang balangkas tungo sa kalutasan ng suliranin ay nang may
sinabi si Ban-wang sa babaeng nakatira sa kanyang bahay:
“Bukas, babalik ako sa lupain ng iyong mga ninuno. Dito ka hanggang ako’y makabalik.”
At nang gabing iyon, ang babae ay muwi sa bayang inilangan. Nagising si Ban-wang ngunit
hindi nagalit a babae.
Kasukdulan
Ang balangkas tungo sa kalutasan ng suliranin at ang kasukdulan ay madalas na nangyayaring
halos magkasabay. Ang katuturan kasi ng sukdulan, ay ang pinakamataas n anatas ng kawilihan
sa isang serye ng sunod-sunod na mga pangyayari; at ang antas na ito ay nagbubunsod upang ang
pagkakasalungatan ay humangga sa inaasam na kalutasan.
Sa “Panawagan sa Pakikibaka” ang kasukdulan ay nagyari noong nagmamadaling bumalik si
ban-wang sa lupain ngmga kaaway. Ito ay sagisag na ibig na niyang makipag-ayos, pagkaraan ng
ilang taon, sa kaaway ng kanyang mga ninuno.
Kalutasan ng Suliranin
Ito ang bahaging patapos na ang balangkas na nagpapaliwanag at gingawang payak ang
masalimuot na kalutasan- naayon man o di- naaayon sa katanungan inihayag ng balangkas.
Sa “Panawagan sa Pakikibaka” ang kalutasan ng suliranin ng panwagan sa pakikibaka ng mga
ninuno ni Ban-wang laban sa kaaway, ay hindi ang pumatay tulad nang una niyang
makipagkasundo sa kaaway:
Sapagkat malaiki ang paghanga ni Ban-wang sa buong daigdig. Tumigil siya upang malasap ang
bagong kahulugan ng buhay.
Ang kalutasan ng suliraning ito’y isang malalim na damdamin. Ang maayos na pagpapahayg ng
awtor sa relasyon ng naghahamon at ng lumalaban ay nagpapakita na talagang sa tunay na
buhay, ang anumang suliranin, lalo pa ang galing sa mga ninuno, ay nakukuha hindi sa “santong
paspasan” kundi sa mabuting usapin. Ang damdaming ito’y nanggaling sa pahayag ni ban-wang.
Katapusan ng Balangkas
Ang konklusyon ay ang kalutasan ng mga suliranin; gayundin, ang katapusan ng istorya, at ang
masining na katapusan ng relasyon ng salaysay at ng mambabasa. Dapat sana, dapat san aay
mabigyang- kasiyahan ang makatwirang pagsubaybay ng mambabasa sa katarungan.
Ang katapusan ay isang elemento sa desinyo ng balangkas na maaring “napagpasyahan” o “hindi
napagpasyahan.” Kung ang kalutasan sa balangkaaas ay tiyak at nagkakamali, ang katapusan ay
“napagpasyahan.” Sa kabilang dako, kung ang kalutasan ng suliranin ay may pasyang hindi
15. pangwakas, at sa halip ay nag-iiwan ng alinlangan sa patuloy na buhay ng mga karakter at hindi
tinatapos ang aksyon, ang katapusan ay masasabing hindi “napagpasyahan.”
Ang katapusan ng “Panawagan sa Pakikibaka” ay naghahag na si ban-wang ay nasaksak.
Samantala, batid ni Ban-wang na nauunawaan na siya ng babae.
Si Ban-wang ay bumalik, hindi sa ilalim ng bandila ng puno ng kabalyero na may pulang
bulaklak kundi sa tanim na may mga puting bulaklak. Sapagkat ang pulang bulaklak ay hindi
kasintatag, hindi kasinlakas ng puting bulaklak- mahinhin at magiliw- na tumubo sa ilalim ng
marangyang lilim ng nagliliyab na puno ng kabalyero.
Sa katapusan, inangkin ng mandirigma ang babae sa lupain niya. Dito mapapansin ang masining
na katarungang iniukol sa mga karakter.
Ang maikling kwento
Ang unang yugto ng maikling kwento ay sumibol sa mga pahina ng magasing Amaranth at
Forget-Me-Not sa Inglatera noong mga unang dekada ng ika-19 na daan taon. Nilinang naman
ito nina Edgar Allan Poe, Nathaniel Hawthorne, Bret Harte, Henry James at Herman Melville sa
Amerika at nina Robert Louis Steveson at Rudyard Kipling sa Inglatera.
Ang unang anyo ng maikling kwento ay nakilla lamang sa Pilipinas ng mga unang taon ng ika-20
siglo nang narito na ang mga Amerikano. Ang mga unang anyo ng maikling kwento ay ang (10
dagli, na ang himig ay nangangaral. Ang mga ito’y namumuna atnanunuligsa at (2) pasingaw o
munting kasaysayan na nagpapahayag ng pag-ibig sa mga nililigawan o hinahangaang
paraluman.
Ang pasingaw ay waring siyang umuunlad na dagli. Sa isang pahina ng El Renacimiento.
Kilala bilang Ama ng maikling kwento sa Pilipinas si Deogracias A. Rosario dahil sa kahusayan
niya sa sining ng pagsusulat.
Kinilala bilang Ama ng Maikling kwento sa Amerika si Edgar Allan poe dahil siya ang kauna-
unahang Amerikano na lumikha at nagpakilala ng maikling kuwento sa Amerika.
Pinakaanak- isip ng pagsasamang Pilipino at Amerikano
Anak panahon ng Amerikano sa bunga ng ika-20 siglo.
Ano ang Maikling Kwento
Marahil ang katuturan ng maikling kwento sa paningin ng mga kritiko at mga manunulat. Bawat
isa ay may sariling ideya tungkol sa paksang ito.
Ayon kay Edgar Allan Poe (Beachcroft, 1968; p. 284)
• ito ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at salamisin na salig sa buhay na
aktwal na naganap o maaaring maganap
16. • “short story is an artistic composition controlled to produce a single unified effect, the
short story is, in the broadest sense, a prose narrative that can be told or read on one
single occasion.”
• A short story must be such length as to be read in one setting, must create a single effect
must not contain one word that in meaning or tone fails to that preconceived effect and
must convey the impression of finality, so that the reader desires neither an opening other
than that provided nor a continuation beyond the final sentence.
Ayon kay Jose Villa Panganiban (panitikan ng Pilipinas)
Ang maikling kwento ay naglalahad ng mga pangyayari nang tuloy-tuloy hanggang sa wakas o
humantong sa sukdulan. Ito ay may kaakit-akit na panimula. Ito ay isang kathang pampanitikan
namay sariling kaanyuan at kakanyahan. Hindi basta kwentong maikli dahilan sa mayroon itong
mataas na uri at karaniwang hango sa tunay na buhay”
Ayon kay Dr. Genoveva E. Matute
Ito ay isang sangay ng salaysay na nag-iiwan ng iisang impresyon sa bumabasa sa tulong ng
pinakamatipid na paraan at pinakmatining pagbibigay-iin.
Ayon kay Villafurte
Ito ay isang maikling kathang pampanitikanng nagssalaysay ng pang-araw-araw na buhay na
may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.
Ito ay salaysay na tumatalakay sa madalang bahagi ng buhay
Mga Katangiaa Ayon kay GEM may sarili itong mga katangian
1. Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay
2. Isang pangunahing tauhang may mahahalagang suliranin
3. Isang mahalagang tagpo
4. Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan ng wakas
5. Isang kakintalan
Mga dapat tandaan
1. Ang maikling kwento ay dapat na may kaaki akiit n apanimula
2. Kailangan ding mag –ingat na inihanda ang balngkas nito.
Ang hindi maitututring na maikling kento
• Kararter sketch
• Talambuhay
17. • Report/record
• Sanaysay
• Salaysay
Mga manunulat ng maikling kwento
1. Deogracias A. Rosario
2. Cirio H. Panganiban
-Bunga ng kasalanan
3. Genoveva Edrosa-Matute
Kwento ni mabuti
Parusa
Miss Cruz
Bangkang papel
4. Pedro S. Dandan
Mabangis na kamay… maamong kamay
5. Elpidio K. Kapulong -Planeta, buwan at mga bituin
6. Rogelio Sikat- tata selo,Impeng Negro
7. Liwayway Arceo- uhaw ang tigang na lupa, banyaga
8. Narciso Reyes-Lupang Tinubuan
9. Gemiliano Pineda-Sumisikat pa ang araw
10. N.V.M Gonzales-lunsod, Nayon at dagat-dagatan
11. Serafin guinigundo-may umaga pang daratal
12. Macario Pineda-suyuan sa tubigan
13. Beth M. Blones-kasal… kapirasong papel
14. Juan Antonio Mangataren-Ano? Ulol ka ba? Huwag! Huwagmong batakin ang tirador ni
budoy
15. Ronie M. Halos-Dugo ng Mangyan
16. Buenaventura Medina Jr.-Dayuhan, Punong kahoy