Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda

231,346 views

Published on

MGA DAKILANG MANUNULAT AT ANG PAMAGAT NG KANILANG AKDA

Published in: Education
  • Login to see the comments

Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda

  1. 1. MGA DAKILANG MANUNULAT AT ANG PAMAGAT NG KANILANG AKDA KASTILA  Cecilio Apostol - Isinilang siya noong taong 1877. Siya’y abogado at naging piskal sa Maynila. Ginawa siyang kaanib sa Academia Espanyol” dahil sa kanyang di- karaniwang kagalingan sa wikang Kastila. May mga tulang handog siya kina Dr. Jose Rizal, Emilio Jacinto at Apolinario Mabini. May isang tula rin siyang handog sa lahat ng mga bayaning Pilipino ngunit ang tulang handog niya kay Dr.Jose Rizal ang ipinalalagay na pinakamainam na tulang papuri na isinulat niya.  Fernando Maria Guerrero - Kumita siya ng Unang Liwanag sa Ermita, Maynila noong Mayo 30, 1873. Mula pa sa pagkabata ay mahilig siya sa pagguhit. Umani siya ng maraming papuri at nagkamit ng maraming gantimpala noong nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Natanyag siya sa pagkamakata bilang mahigpit na kaagaw sa karangalan ni Cecilio Apostol. Katulad ng ibang kilalang makata noong panahong iyon ay sumalok din siya ng inspirasyon sa pagtula sa bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang sumusunod ay salin ng kanyang tulang “A Rizal”.  Jesus Balmori - Isinilang siya sa Maynila noong Enero 10, 1886. Sinulat niya ang unang tula sa gulang na sumpung taon. Sa kanyang panahon ay ipinalagay siyang “poeto laureado” ng mga Pilipinong nagsasalita sa Kastila. Noong 1939 ay pinarangalan siya sa Madrid, Espanya at tinanghal na isang makatang pandaigdig sa Kastila. Nakalaban niya sa Balagtasan si Manuel Bernabe sa paksang “El Recuerdo y El Olvido”.  Manuel Bernabe - Siya’y isinilang sa Paranaque,Rizal noong Pebrero 1890.Karapat-dapat siyang kahalili ni Jesus Balmori. Siya’y isang makatang liriko. Noong 1929, ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Cantos del Tropico” (Mga Awit ng Tropiko).  Claro M. Recto - Siya’y naging pangulo ng Lupon ng Saligang Batas. Naging kgawad siya ng Kataas-taasang Hukuman, manananggol, matalinong mambabatas, makata at
  2. 2. maraming aklat na sinulat tungkol sa batas at awaing pampulitiko. Isinilang si Recto sa Tiaong, Tayabas na ngayon ay lalawigang Quezon. - Naglingkod siya bilang isang batasang tagapayo ng kapulungan noong 1916 hanggang 1919. Noong 1919 ay nahalal siyang kinatawan ng pangatlong distrito ng Batangas at naging pangulo siya sa mababang kapulungan ng minorya. Muli at muli siyang nahalal noog taong 1922 at 1925. Nagpunta siya sa Amerika noong taong 1924 biang kagawad ng pangkalayaang misyon. Tinanggap siyang kasapi sa Pambansang Manananggol ng Estados Unidos sa pamamagitan ng katas-taasang hukuman ng Estados Unidos. - Nahalal siya sa Senado noong 1931 at naglingkd bilang puno ng minorya sa loob ng tatlong taon. Muli siyang nanungkulan bilang senador nang mahalal na muli noong 1941 at muling nahalal noong 1949. - Naging inatawan siya ng Pilipinas sa Pandaigdig na Hukuman sa Hague, Netherland. Binawian siya ng buhay noong Oktubre 2, 1960.  Zoilo Hilario - Isinilang siya sa San Juan, San Fernando, Pampanga noong Hunyo 27, 1891. Isa siyang bantog na manunulat, makata, mananaysay at hukom. Marami siyang naisulat na mga akda sa Kapampangan at Kastia. Kabilang siya sa mga tagapagtatag ng Katipunan Mipanampun. - Bago magkadigma(1930-1934), siya’y naging kinatawan ng Pampanga sa Pambansang Asemblea.Mula noong 1954 hanggang sa kanyang pamamahinga sa paglilingkod sa pamahalaan noong Hunyo 27, 1961, siya ang hukom ng Unang Dulugan sa Tarlac. Isa siya sa hinirang ng Pangulong Quezon na kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa bilang knatawan ng wikang Kapampangan. - Kasapi siya sa Lupong Pangkasaysayan ng Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong Hunyo 1963. TAGALOG  Lope K. Santos - Siya ay Ama ng Balarila, nobelista, makata, kuwentista, guro at pulitiko. Naging kagawad siya ng itinatag na Surian ng Wikang Pambansa at humalili kay Jaime C. de Veyra bilang patnugot ng Surian. Sa larangan ng pagtuturo naging propesor siya ng Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagiging pulitiko naman ay naging senador siya ng ikalabindalawang purok senadoryal ng Pilipinas at naging gobernador ng lalawigan ng Rizal.
  3. 3.  Akda  Banaag at Sikat- ipinapalagay na kanyang Obra Maestra  Jose Corazon de Jesus - Siya’y may sagisag na “Huseng Batute”, “Hari ng Balagtasan” at tinaguriang “Makata ng Pag-ibig”.  Akda  Isang Punongkahoy – ito ay isang tula  Amado V. Hernandez - Tinagurian siyang “Makata ng mga Manggagawa”. Siya’y isang mahusay na makata, kuwentista, nobelista, mandudula, mamamahayag, pulitiko at lider ng manggagawa.  Mga Akda  Isang Dipang Langit  Ayang Malaya  Mga Ibong Mandaragit  Luha ng Buwaya  Muntinglupa  Inang Wika  Kalayaan  Panday  Julian Cruz Balmaceda - Nabibilang siya sa pangkat ng mga makata at pangkat ng mga mandudula. Sa balagtasan sa paksang “Kahapon, Ngayon at Bukas” ay ipinanalo niya ng panig ng “Bukas” laban kina Inigo Ed Regalado at Benigno Ramos.  Mga Akda  Kahapon, Ngayon at Bukas  Bunganga ng Pating  Florentino Collantes - Kilala siya sa sagisag na “Kuntil Butil”. Bukod sa Tagalog, marunong din siyang magsalita ng Kapampangan, Ilokano at Bisaya. Naglabas siya ng mga tulang mapanudyo na may pamagat na “Buhay Lansangan”. Kinilala siyang isang pangunahing duplero sakanyang panahon. Katulad ni Jose Corazon de Jesus ay napatungan din siyang “Hari ng Balagtasan”.
  4. 4.  Akda  “Lumang Simbahan  Ildefonso Santos - Kauna-unahan siyang guro sa Pilipino sa National Teacher’s College. Ang kanyang katanyagan ay hindi sa pagsulat ng tula kundi pati sa pagsasalin sa tagalog ng ibang mga akdang nasusulat sa wika. Lubos na hinangaan ng marami ang pagkakasalin niya ng Pambansang Awit.  Mga Akda  Gabi  Ang Guryon  Tatlong Inakay  Sa Hukuman ng Pag-ibig  Ang Ulap  Sa Tabi ng Dagat at Simoun  Teodoro Gener - Naging pangulo siya ng “ Kapisanang Ilaw at Panitik” at naging kalihim ng “Sanggunian ng mga Pantas ng Akademya ng Wikang Tagalog”. Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Sinuring Kodigo Penal.  Mga Akda  Don quijote de la Mancha Tula: Ang Guro, Ang Masamang Damo, Ang Buhat at Pag-ibig  Valeriano Hernandez Peña - Gumamit siya ng sagisag na “Kinting Kulirat” sa pitak niyang “Buhay Maynila” sa pahayagang “Muling Pagsilang”. Kilala siya sa tawag na Tandng Anong. Ipinanalagay na ang nobelang “Nena at Neneng” ang kanyang obra maestro.  Mga Akda  Nene at Neneng  Mag-inang Mahirap  Hatol ng Panahon  Ang Pahimakas ng isang Ina  Pagluha ng Matuwid
  5. 5.  Dangal ng Magulang  Bungan g Pag-iimbot  Kasawian ng Unang Pag-ibig  Iñigo Ed Regalado - Siya’y isang manunulat na sumunod sa mga yapak ng kanyang amang nagtamo ng katanyagan noong panahon ng mga Kastila, na gumamit ng sagisag na “Odalager”. Siya’y naging patnugot ng “Ang Mithi”, “Pagkakaisa”, “Watawat” at “Kapangyarihan ng Bayan”. Naging punong tagapagganap siya ng lingguhang Ilang-Ilang at punong patnugot ng Liwayway. Ang kanyang aklat na pinamagatang “Damdamin” na katipunan ng kanyang mga tula ay nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Komonwelt noong 1941. Siya ay batikang kuwentista, nobelista, makata, mandudula at peryodista. Matagal siyang naging editor at kolumnista ng “Taliba”. Siya’y naging isa sa mga unang kasangguni sa “Surian ng Wika Pambansa”.  Mga Akda  Madaling Araw  Sampaguitang Walang bango  Ang Dalaginding  May Pagsinta’y Walang Puso  Ang may Lasong Ngiti  Huling Pagluha  Faustino Aguilar - Ang “Pinaglahuan” ang kauna-unahang nobelang naipalimbag niya noong 1907. Naging hantungan ito ng madlang papuri at ito’y napatampok. Dahil sa nobelang ito, si Aguilar ay tinawag ni Regalado na”Alejandro Dumas ng Panitikang Tagalog” at tinawag ni Amado V. Hernandez ng “Bagong Propagandista”. Binuhay niya sa nobela ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggawa at ang walang habas na panunuwag ng mga kapitalistang Amerikano sa mga manggawang Pilipino. Sagana rin ang nobela sa paglalarawan ng kapangyarihan ng salapi at kayamanan.  Mga Akda  Lihim ng isang Pulo  Mga Busabos ng Palad  Sa Ngalan ng Diyos  Nangalunod sa Katihan
  6. 6.  Severino Reyes - Kumita siya ng unang liwanag sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1861. Siya’y ikalimang anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andres Rivera. Tinapos niya ang Batsiler sa Pilosopiya at Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nagsimula siya sa pagsulat sa Tagalog noong 1902. Nakilala siya sa tawag na Don Binoyatgumamit ngsagisag na Lola Basyangsa kanyang mga kuwento sa Liwayway. Siya at tinaguriang “ Ama ng Lingguhang Liwayway” at “Ama ng Dulang Pilipino”.  Akda  Walang Sugat – isang sarswela tungkol sa kalupitan ng mga Kastila.Ang hangarin ay pagbabagong sosyal.  Aurelio Tolentino - Siya’y ipinanganak sa Guagua Pampanga noong Oktubre 15, 1868. Nagsimula siya ng pag-aaral sa Malolos, Bulacan at nagpatuloy sa San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas. Natapos niya ang Batsiler ng Pilosopiya sa U.S.T. Ang mga dulang isinulat niya ay makabayan at may diwang mapanghimagsik kaya’t ilang ulit siyang nabilanggo. Siya ang pumulot ng salitang “dula” mula sa Bisaya at pinagkunan naman ng salitang dulaan na kasingkahulugan ng “teatro”.  Mga Akda  Luhang Tagalog  Kahapon, Ngayon at Bukas  Sinukuan  Sumpaan  Bagong Kristo  Manood Kayo  Patricia Mariano - Itinuring naisa sa pinakamahusay na mandudulang Tagalog. Ang mga paksa ng kanyang mga dula ay punong-puno ng simbolismo at marmansa ang kanyang istilo. Nakasulat siya ng may animnapung dula. Siya’y naglingkod sa senado ngunit hindi naging dahilan ito upang talikuran niya ang pagsusulat. Ipinalalagay na ang dulang “Lakangbini” ang kanyang obra maestro.  Mga Akda  Ang Anak ng Dagat (maipapantay sa obra maestro niyang Lakangbini  Ako’y Iyo Rin
  7. 7.  Ang Tulisan  Silanganin  Ang Dalawang Pag-ibig  Luha’t Dugo  Si Mayumi  Ang Unang Binhi  Amado V. Hernandez - Siya ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. Ang mga nobelang pang-sosyopulitika ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang isang gerilya, obrero ng manggagawa at prisonerong pampulitika.  Mga Akda  Mga Ibong Mandaragit!  Luha Ng Buwaya,  Archei Ang batang mabait,  Liwayway A. Arceo - Siya ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng siyamnapung nobela, dalawang libong mahigit na kuwento, isang libong mahigit na sanaysay, tatlumpo’t anim ng iskrip sa radio, pitong aklat ng salin, tatlong iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog at nang ngayon ay tinawag na panitikang popular sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan o values, lunggati o vision at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamiya bilang talinghaga ng Filipinas at sa pamamagitan ng masnop na paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. -
  8. 8.  Mga Akda  Canal de la Reina  Mag-anak na Cruz  Titser INGLES  Jose Garcia Villa - Pinakatanyag siyang Pilipinong manunulat sa Ingles. Maging sa Amerika ay hinahangaan ang kanyang mga sinulat. Nagtamo siya ng mga gantimpala sa iba’t ibang timpalak. Kilala siya sa sagisiag na “Doveglion”.  Marcelo de Gracia Concepcion - Kauna-unahan siyang makatang Pilipinong nakilala sa Amerika. Ang kalipunan ng kanyang mga tula ay inilathala sa dalawang tomo:”Azucena” at “Bamboo Flute”.  Zulueta da Costa - Nagkamit siya ng unang gantimpala sa tula niyang “Like the Molave” noong 1940 sa Commonwealth Literary Contest. Ang kanyang kauna-unahang aklat na kalipunan ng mga tula ay “First Leaves”.  N.V.M Gonzales - Mamamahayag, makata, manunulat at guro, siya’y nagturo sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila. Siya ang may akda ng “Warm Hand”, “My Islands” at “Children of the Ash covered Loam”  Zoilo Galang - Siya ang sumulat ng “A Child of Sorrow”, kauna-unahang nobelang Pilipino sa Ingles.  Natividad Marquez - Kinamalasan siya ng pambihirang kahusayan sa pagsulat ng tulang Ingles. Isa sa mga tula niyang nalathala sa “Philippine Herald” ay ang “Sampaguita”.  Angela Manalang-Gloria
  9. 9. - Natanyag siya bilang makatang babae sa kanyang panahon. Ang kanyang mga tula ay maharaya at lipos ng damdamin. Ang ilan sa kanyang mga tula ay ang mga sumusunod. April Morning, To the Man I Married at Ermita in the Rain.  Estrella Alfon - Itinuturing siyang pinakapangunahing manunulat sa Ingles bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  10. 10. FILSPEC 20 (DULA AT NOBELA)  MGA DAKILANG MANUNULAT AT PAMAGAT NG KANILANG AKDA Ipinasa ni: Carmela F. Memis Ipinasa kay: Gng. Catherine T. Eliaga

×