SlideShare a Scribd company logo
1 of 114
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Second Quarter
PANIMULANG GAWAIN
Sa oras na ito, maaari nyo bang
ibahagi sa klase ang isang malaking
tanong sa inyong kaisipan na
kailangan ng kasagutan, maaaring
suliraning kinakaharap ng inyong
komunidad…. maaaring pananaw ng
pangkat ng mga tao kaugnay ng isang
isyu…o kahit anong paksain….
PANANALIKSIK
-isang sistematikong paghahanap sa
mga mahahalagang impormasyon hinggil
sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Matapos ang maingat at sitematikong
paghahanap ng mga pertinenteng
impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin at matapos suriin at
lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik
ang mga nakaap na datos ay mahaharap
naman sa isa pang esensyal na gawain ---
ang paghahanda sa ulat pampananaliksik.
Layunin ng Pananaliksik
- preserbasyon at pagpapabuti
ng kalidad ng pamumuhay ng
tao.
The purpose of research is to serve
man and the goal is the good life.
Katangian ng Mabuting Pananaliksik
1. Ang pananaliksik ay sistematik.
2. Ang pananaliksin ay mapanuri.
3. Ang pananaliksik ay obhetibo,
lohikal at walang pagkiling
4. Ang pananaliksik ay gumagamit ng
ng mga kwantiteytib o istatistikal na
metodo.
5. Ang pananaliksik ay isang orihinal na
akda.
6. Ang pananaliksik ay isang akyureyt
na imbestigasyon, obsebasyon at
deskripsyon.
7. Ang pananaliksik ay matiyaga at
hindi minamadali.
8. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan.
9. Ang pananaliksik ay
nangngailangan ng tapang.
10. Ang pananaliksik ay maingat na
pagtatala at pag-uulat.
Pananagutan ng Isang Mananaliksik
KATAPATAN
-kinikilala sa pinagkunan ng mga datos at iba
pang ideya o impormasyon sa kanyang
pananaliksik.
- hindi nagkukubli ng mga datos para lamang
palakasin o pagtubayin ang isang argument
o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa
isang partikular na pananaw.
Plagyarismo
- pangongopya ng mga datos, mga ideya,
mga pangungusap, buod o balangkas ng
isang akda, programa , himig at iba pa, na
hindi kinikilala ang pinagmulan o
kinopyahan.
- isang uri g pagnanakaw at
pagsisinungaling na may karampatang
kaparusahan.
Etika ng Pananaliksik
- napakalaking kasalanan ng plagyarismo.
Intellectual Property Rights Law
Walang nagtitwala sa isang magnanakaw at
sinungaling. Kung matuklasan na ang isang
mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa
kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura
ang lahat ng iba pa niyang pinagpaguran. Hindi
na kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi
mapagkakatiwalaan pa ang kanyang gawain.
Parang sinisira na ri niya ang kanyang pangalan at
kinabukasan.
Alalahaning kung madali para sa sinumang
estudyante ang mangopya, magiging madali rin
para sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung
siya ay nagtatrabaho na (Atienza, et. al., 1996).
PAMANAHONG PAPEL
- isang uri ng papel-pampananaliksik
na karaniwang ipinagagwa sa mga
estudyante sa mataas na paaralan at
kolehiyo bilang isa sa mga
pangangailangang akademiko.
- nagsisilbing kulminasyon ng mga
pasulat na Gawain kaugnay ng pag-
aaral ng isang paksa sa isang kurso
o subject sa loob ng isang panahon o
term
Ang sukatan ng kabutihan ng isang
pamanahong papel ay ang
presentasyon at pagkakaayos ng mga
bahagi at nilalaman nito.
Bahagi ng Pamanahong Papel
A. Mga Pahinang Preliminari
B. Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito
C. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral
at Literatura
D. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
E.Kabanata V: Presentasyon at
Interpretasyon ng mga Datos
F. Kabanata VI: Lagom, Kongklusyon at
Rekomendasyon
G. Mga Panghuling Pahina
A. Mga Pahinang Preliminari
1. Fly Leaf 1
2. Pamagating Pahina
3. Dahon ng Pagpapatibay
4.Pasasalamat o Pagkilala
5. Pag-aalay o Dedikasyon
(opsyonal na bahagi)
6. Talaan ng Nilalaman
7. Talaan ng mga Talahanayan at Grap
8. Fly Leaf 2
Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito
1. Panimula o Introduksyon
2. Layunin ng Pag-aaral
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng
Pananaliksik
1. Disenyo ng Pananaliksik
2. Respondente
3. Instrumento ng Pananaliksik
4. Tritment ng mga Datos
Mga Panghuling Pahina
1. Listahan ng mga Sanggunian
2. Apendiks o Dahong Dagdag
Hanguan ng Paksa ng Pananaliksik
1. Sarili
2. Dyaryo at Magasin
3. Radyo, TV, Cable TV
4. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro
5. Internet
6. Aklatan
PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa
•Kasapatan ng Datos
•Limitasyon ng Panahon
•Kakayahang Pinansyal
•Kabuluhan ng Paksa
•Interes ng Mananaliksik
Paglilimita ng Paksa
1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perspektibo
5. Lugar
6. Grupong kinabibilangan
7. Partikular na Halimbawa o Kaso
Pamagat – Pamapananaliksik
•Malinaw (hindi matalinhaga)
•Tuwiran (hindi maligoy)
•Tiyak (hindi masaklaw)
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos
1. Hanguang primarya
2. Hanguang sekundarya
3. Hanguang elektroniko
Pangangalap ng Impormasyon at Datos
Mga Hanguang Primarya
1.Mga indibidwal o awtoridad
2.Mga grupo ng organisasyon tulad ng
pamilya, asosasyon, unyon,
fraternity, katutubo o mga minorya at
iba pa
3.Mga pampublikong kasulatan o
dokumento tulad ng Konstitusyon,
batas-kautusan, treaty o kontrata,
katitikan sa korte, talaarawan o
dayari.
Mga Hanguang Sekundarya
1. Mga aklat tulad ng diksyunaryo,
ensayklopedya, yearbook, almanac,
atlas at iba pa.
2. Mga nalathalang artihkulo sa journal,
magasin, pahayagan at newsletter
3. Mga tisis, disertasyon, pamanahong
papel, nalathala man o hindi
4. Mga monograp, manwal, polyeto,
manuskrito at iba pa.
Mga Bagay na Dapat isaalang-alang sa
paggamit ng hanguang elektroniko
1. Anong uri ng website ang iyong
tinitingnan?
2. Sino ang may-akda?
3. Ano ang layunin?
4. Makatotohanan ba ang teksto?
5. Napapanahon ba ang impormasyong
nakalahad?
Tatlong Yugto ng pananaliksik sa
Silid-aklatan
1. Panimulang Paghahahap
kard katalog, sangguniang aklat,
bibliograpi, index, hanguang
elektroniko o internet
2. Pagsusuri
(browsing, skimming at scanning
3. Pagbabasa at Pagtatala
Tatlong Uri ng Kard
1. Kard ng Paksa (Subject Card)
PHILIPPINE POETRY (FILIPINO)
F Rubin, Ligaya Tiamson
PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at
6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle
P11 University Prss, Inc. c.2000
2000 179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine petry (Filipino) I. Title
2. Kard ng Awtor (Author Card)
RUBIN L.T.
F Rubin, Ligaya Tiamson
PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at
6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle
P11 University Prss, Inc. c.2000
2000 179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine petry (Filipino) I. Title
3. Kard ng Pamagat (Title Card)
Paano Tumula ang Isang Ina: Tula ng Buhay
F Rubin, Ligaya Tiamson
PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at
6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle
P11 University Prss, Inc. c.2000
2000 179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
1. Philippine petry (Filipino) I. Title
Pagtatala ng mga Impormasyon o Datos
5 X 8 notecards
1.Pamagat ng impormasyon o datos
2.Impormasyon o datos na nais ibilang sa
pananaliksik at bibigyang paliwanag
3.May-akda o mga may-akda
4.Pamagat ng aklat, magasin o kung saan
kinuha ang impormasyon kasama ang
pahina kung saan nakuha ito.
Dalawang Paraan ng Pagtatala
ng mga Impormasyon o Datos
1. Tuwirang sipi
“Ang ulat sa maikling kathang Tagalog
ay hindi magiging ganap kung di
mababanggit ang isang institusyon sa
ganang sarili --- si Lola Basyang………”
- Ponciano B. P. Pineda, G. K. del Rosario-
Pineda, Tomas C. Ongoco; Ang Panitikang
Pilipino sa Kanluraning Bansa; Caloocan,
National Bookstore,pp. 308-309; 1979
2. Pabuod
Isang institusyon sa maikling
kathang Tagalog si Severino Reyes,
nakilala sa sagisag na Lola Basyang sa
mga salaysay ……..
- Ponciano B. P. Pineda, G. K. del Rosario-
Pineda, Tomas C. Ongoco; Ang Panitikang
Pilipino sa Kanluraning Bansa; Caloocan,
National Bookstore,pp. 308-309; 1979
Dokumentasyon
- manipestasyon ng katapatan ng
isang mananaliksik
- nagbibigay ng kredibilidad sa mga
datos o impormasyon na ginamt ng
mananaliksik.
M.L.A. (Modern Language Association)
A. P. A (American Psychological Asociation)
talang-parentetikal (parenthetical citation)
(Bernales, p. 25)
(Bernales, 2015)
A.P.A. (American Psychological Association)
A. Kung babanggitin ang pangalan ng
awtor sa loob ng teksto
1. isang awtor
Ayon kay Nunan (1977),
mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral
ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-
aaral ng katutubong wika …….
2. dalawang awtor
Inamin nina Seiler at Beall
(2002) na ang isang tipikal na
mag-aaral sa kolehiyo ay
pinakukuha ng mga kurso sa
pagbasa, pagsulat at pagsasalita,
ngunit iilan lamang ang
nagkakaroon ng ………
3. tatlo o higit pang awtor
Ipinahayag nina Bernales, et.
al. (2001) na sa pananaw na
komunikatibo, ang apat na
kasanayang pangwika ay hindi
pinaghihiwalay kundi nililinang sa
integratibong paraan.
4. dalawang awtor na pareho ang apelyido
Sinabi nina E. Trece at J.W.
Trece (1977) na ang pananaliksik ay
pangangalap ng mga datos sa
masinop at kontroladong sitwasyo n
para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon.
B.Kung hindi babanggitin ang
pangalan ng awtor sa loob
ng teksto
1. isang awtor
Mahalaga ang pakikinig sa
pag-aaral ng dayuhang wika.
Ngunit sa pag-aaral ng katutubong
wika, binibigyan ng higit na pansin
sa mga paaralan ang apaglinang sa
kakayahan sa pagbasa at pagsulat
(Nunan, 1977).
2. dalawang awtor
Ang isang tipikal na mag-
aaral sa kolehiyo ay pinakukuha
ng mga kurso sa pagbasa,
pagsulat at pagsasalita, ngunit
iilan lamang ang nagkakaroon ng
pagkakataong kumuha ng
kursong pakikinig (Seiler at Beall,
2002).
3. tatlo o higit pang awtor
Sa pananaw na komunikatibo,
ang apat na kasanayang pangwika
ay hindi pinaghihiwalay kundi
nililinang sa integratibong paraan
(Bernales, et. al., 2001).
4. dalawang awtor na pareho ang apelyido
Ang pananaliksik ay
pangangalap ng mga datos sa
masinop at kontroladong sitwasyo n
para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece,
1977).
C. Kung pamagat lamang ang abeylabol
na impormasyon
Ang mga mag-aaral ay may
karapatang maglathala at mamahala
ng regular na publikasyon na
sumasalamin sa responsableng
pamamahayag ng misyon-bisyon
ng Kolehiyo (UB Student
Handbook, 1996).
D. Kung ang babanggitin ay bahagi ng
isang akdang may higit sa isang
bolyum
Nang sakupin ng Amerika ang
Pilipinas, muling ipinahayag ni
Mabini ang kanyang
panghihimagsi. Isinulat niya ang El
Liberal na isang panunuligsa sa
mga bagong mananakop (Bernales
4: 2002).
E. Kung babanggitin ang dalawa o higit
pang akda ng iisang awtor na
pinagkunan ng ideya
Sa mga aklat ni Bernales
(Sining ng Pakikipagtalastasan at
Mabisang Komunkasyon), tinukoy
ang mga pangunahin at unibersal
na katangian ng wika.
F. Kung ang datos mula sa isang awtor
ay nakuha mula sa akda ng ibang
awtor
Tinukoy ni Halliday (1961; sa
Bernales, et. al, 2000) ang pitong
tungkulin ng wika.
G. Kung ang mga datos o impormasyon
ay hango sa internet
1. Kung batid ang awtor
May walong tinukoy na
hakbang sa pagsasagawa ng
pananaliksik (Blankenship,
www.humankinetics.com)
Sa www.humannetics.com, walo
ang tinukoy ni Blankenship sa
pagsasagawa ng pananaliksik.
Ayon sa campus.muraystate.edu,
pangunahin sa mga hakbang sa
pananaliksik ang pagtukoy sa suliranin.
Pangunahin sa mga hakbang sa
pananaliksik ang pagtukoy sa
suliranin (campus.muraystate.edu).
Disenyo ng Pananaliksik
1. Deskriptibong Pananliksik
2. Disenyong Action Research
3.Historikal na Pananaliksik
4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
5. Komparatibong Pananaliksik
6. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
(Normative Studies)
7. Etnograpikong Pag-aaral
8. Disenyong Eksploratori
1. Deskriptibong Pananaliksik
- Palarawang pananaliksik
-pinag-aaralan ang pangkasalukuyang
ginagawa, pamantayan at kalagayan
- Naglalarawan ng tiyak at
kasalukuyang kondisyon ng mga
pangyayari
Halimbawa:
Persepsyon ng mga Propesor sa
University of Batangas Kaugnay ng
Pagpapatupad ng Two-Child Policy sa
Pilipinas
Antas ng Pagamit ng Tatlong Core
Values ng mga Mag-aaral sa
University of Batangas sa Kanilang
Pag-aaral
2. Disenyong Action Research
- Inilalarawan at tinatasa ang isang tiyak na
kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya,
at iba pang layuning palitan ng mas
epektibong pamamaraan.
-Habang isinasagawa ito ay bumubuo rin
ng mga plano at estratehiya kung paanong
makapagbibigay ng makabuluhang
rekomendasyon
Halimbawa:
Pagtataya sa Kahusayan ng Outcome-
Based Education (OBE) sa Pagkatuto
ng mga Mag-aaral sa Larangan ng
Arkitektura
Epektibong Estratehiya sa Pagkatuto
ng mga Mag-aaral na may Suliranin sa
Pandinig
3.Historikal na Pananaliksik
- Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan
ng pangangalap ng datos upang
makabuo ng kongklusyon hinggil sa
nakaraan.
- Batay sa mga datos at ebidensya,
pinalalalim ang pag-unawasa nakaraan,
kung paano at bakit nangyari ang mga
bagay-bagay at ang pinagdaanang
proseso kung paanong ang nakaraan ay
naging kasalukuyan
4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study)
- naglalayon na malalimang unawain ang
isang partikular na kaso kaysa magbigay
ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t
ibang paksa ng pag-aaral.
- Ginagamit upang paliitin, maging mas
ispesipiko kaya’y pumili lamang ng isang
tiyak na halimbawa mula sa isang
napakalawak na paksa.
Halimbawa:
Kahirapan sa Pagkatuto ng Wikang
Filipino: Kaso ng Ilang Foreign
Students sa University of Batangas
Kaso ng Isang Doktor na Piniling Maging
caregiver sa Estados Unidos
5. Komparatibong Pananaliksik
- Naglalayong maghambing ng anumang
konsepto, kultura, bagay, pangyayari.
Halimbawa:
Komparatibong Pagsusuri ng mga
Panitikang Pambata ng mga tagalog at
Bisaya
Komparatibong Pagsusuri ng mga
editorial cartoon ng Philippine Star at
Philippine Daily Iquirer sa pagbisita ni
Pope Frances sa Pilipinas
6. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan
(Normative Studies)
- Madalas itong inihahanay sa
deskriptibong pananaliksik dahil
naglalayong maglarawan ng ano mang
paksa.
- Pagkakaiba, hindi lamang agbibigay ng
simpleng deskripsyon kundi nagbibigay-
diin sa pagpaabutii o pagpapaunlad ng
populasyong pinag-aaralan batay sa
tanggap na modelo at pamantayan.
Halimbawa:
Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika
ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High
School Batay sa Itinatakdang
Kompetensi ng DepEd
7. Etnograpikong Pag-aaral
- Uri ng pananaliksik sa agham na nag-
iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t
ibang gawi ng isang komunidad
sapamamagitan ng pakikisalamuha rito.
- Nakabatay sa pagtuklas ng isang
panlipunang konteksto at ng mga taong
naninirahan dito sapamamagitan ng kanilang
pagpapahalaga, pangangailangan, wika,
kultura at iba pa.
Hal. Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga
Milinaryong Kilusan sa Banahaw
8. Disenyong Eksploratori
- Isinasagawa kung wala pang gaanong
pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang
paksa o suliranin.
- Layuning makapaglatag ng bagong ideya
o makabuo ng tentatibong teorya o
haypotesis tungo sa mas malalim na
pagkaunawa sa paksa.
Hal. Panimulang Pag-aaral sa Masaker sa
Mamasapano Kaugnay ng Usaping
Pangkapayapaan sa Mindanao
Interbyu
- pasalitang diskurso ng dalawang
tao o ng isang pangkat ng tao at
isang indibidwal ---- ang una’y ang
interbyuwer at ang ikalawa’y ang
interbyuwi.
- Layuning makakuha ng mga
mapanghahawakang mahahalagang
impormasyon mula sa interbyuwi
hinggil sa isang tiyak na paksa.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
Isang Interbyuwi
1. May malawak na kaalaman
2. relayabol
3. abeylabol
Sarbey-Kwestyoner
- talatanungan
- listahan ng mga planado at pasulat na
tanong kaugnay ng isang tiyak na
paksa, naglalaman ng mga espasyong
pagsasagutan ng mga respondente t
inihanda para sagutan ng maraming
respondente.
Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr
1. Simulan ito sa isang talataang
magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarbey, kahalagahan ng matapat at
akyureyt na sagot ng mga respondente,
takdang-araw na inaasahang maibabalik sa
sa mananaliksik ang nasagutang
kwestyoneyr , garantiya ng anonimiti,
pagpapasalamat at iba pang makatutulong
sa paghikayat sa respondente ng
kooperasyon.
2. Tiyaking malinaw ang lahat ng
panuto o direksyon.
3. Tiyaking tama ang gramamar ng
lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
4. Iwasan ang pagkiling na katanungan.
5. Itala ang lahat ng posibleng sagot
bilang mga pagpipiliian.
6. Tiyaking nauugnay ang lahat ng
tanong sa paksa ng pananaliksik.
7. Iayos ang mga tanong sa lohikal na
pagkakasunud-sunod.
8. Iwasan ang mga tanong na
mangangailangan ng mga
kompidensyal na sagot o mga
nakahihiyag impormasyon.
9. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa
ng mga mahihirap na tanong.
10. Iayos ang mga espasyong
pagsasagutan sa isang hanay
lamang. Iminumungkahing ilagay
iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
11. Panatilihing anonimus ang mga
respondente.
PRESENTASYON NG MGA DATOS
- Proseso ng pag-oorganisa ng mga
datos sa mga lohikal, sikwensyal at
makahulugang kategorya at
klasipikasyon ayon sa isinasagawang
pag-aaral.
Tatlong Paraan ng Presentasyon
ng mga Datos
1.Tekstwal na Presentasyon
2. Tabular na Presentasyon
3. Grapikal na Presentasyon
1.Tekstwal na Presentasyon
- Gumagamit ng patalatang pahayag
upang ilarawan ang mga datos.
- layuning maipokus ang atensyon sa
ilang mahahalagang datos at upang
magsilbing suplement ng
presentasyong tabular at grapikal.
Pangangailangan ng Isang
Tekstwal na Presentasyon
1. Kaisahan – pagkakaroon ng isang
ideya sa loob ng talata.
2. Kohirens – pagkakaugnay-ugnay ng
mga bahagi sa loob ng isang talataan.
3. Empasis – pagbibigay ng angkop at
sapat na diin sa datos na
nangangailangan niyon.
Halimbawa:
Noong taong 2000, tumaas ng
dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng
mga turistang naitala ng Departamento ng
Turismo noong 1996. Dalawampung
bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng
mga turista noong 2004. Gayon din ang itinaas
noong 2008.
Samakatwid, lumilitaw na tumataas ang
dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng
mga turistang dumarayo sa Pilipinas tuwing
ikaapat na taon mula 1996 hanggang 2008.
2. Tabular na Presentasyon
- Gumagamit ng estadistikal na
talahanayan
- Ang magkakaugnay na datos ay
ianaayos nang sistematiko.
- Ang mga numerikal na datos ay
itinatala sa ilalim ng isang kolum at
katapat ng isang hanay upang ikaita
ang ugnayan ng mga iyon sa isang
tiyak, kompak at nauunawaang anyo.
Talahanayan ng Ispesipikasyon sa Filipino, Baitang 7
Paksang
Aralin
Layunin ng Pag-aaral
Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Kabuuan6
1 10 22% 10 22%
2 6 13% 3 7% 1 2% 10 22%
3
4
5
Kabuuan
3. Grapikal na Presentasyon
-presentasyon na kumakatawan sa
kwantiteytib na baryasyon o pagbabago
ng mga baryabol sa anyong pakarawan o
diagmatik.
Layn grap
Bar grap
Bilog na grap
piktograp
Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom
1. Simulan sa isang maikling pahayag
tungkol sa pangunahing layunin ng pag-
aaral, respondete, saklaw , limitasyon, at
panahon ng pag-aaral, pamamaraan at
instrumentog ginamit sa pangangalap ng
mga datos at impormasyon at ang disenyo
ng pananaliksik. Hindi a kailangan ang
anumang eksplanasyon.
2. Ilahad sa paraang tekstwal at
numrikal sapamamagitan ng
pagbubuod ng mga importanteng
datos.
3. Hwag gumawa ng interpretasyon
dahil mauulit lamang sa kongklusyon
4. Banggitin ang mga importanteng
tuklas o haylayt lalong-lalo na yong
mga pinagbatayan ng kongklusyon.
5. Hwag nang ipaliwanag nag mga
datos.
6. Gawing maikli at tuwiran ang mga
pahayag.
7.Hwag magdaragda ng bagong datos o
impormasyon.
Kongklusyon
1. Lahat ng kongklusyon ay nararapat
ibatay sa lohika ng mga datos at
impormasyong nakalap.
2. Dapat masagot ang tumapak at
maayos ang mga katanungang tinukoy
sa Layunin ng Pag-aaral.
3. Hindi dapat repitasyon lamang ng
mga pahayag sa ibang bahagi ng
pamanahong papel.
Rekomendasyon
1, Nararapat maglayong lutasin ang mga
suliraning natuklasan sa imbestigasyon.
2. Kung may mga mabubuting bagay na
natuklasan, irekomenda ang pagpapanatili,
pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon.
3. Maaaring irekomenda sa ibang
mananaliksik ang pagpapatuloy o
pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o
paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokasyon
upang ma-verify ang mga natuklasan sa pag-
aaral.
Listahan ng mga Sanggunian
Mga impormasyong dapat makita sa
Listahan ng mga Sanggunian
1. Awtor o mga awtor
2. Taon ng publikasyon
3. Pamagat
4.Lugar ng publikasyon
5. Tagalimbag
1. aklat na may isang awtor
Paalala: hindi ito tunay na mga
sanggunian, gawa-gawa lamang
para sa layuning maipakita ang
proseso ng pagtatatala ng mga
sanggunian….
Panopio, Donalyn M. 2000. Wika at
kultura. Manila: Rex Bookstore.
2. dalawang awtor
Palanas, Eleanor C. & Inandan, Maryann
P. 2003.. Wikang Filipino sa
panahon ng globalisasyon.
Valenzuela: Mutya Publishing
House.
3. Tatlo o higit pang awtor
Aquino, Virgie S,, Dilay, Alice M. &
Mendoza, Dianne T. 2004. Wikang
Filipino at kulturang Pinoy. Manila:
National Bookstore.
4. Inedit na aklat
Macatigbac, Jerry S. (Ed.) 1996.
Panitikan at wika. Manila: Rex
Bookstore.
5. Di-nalathalang disertasyon, tisis o
pamanahong papel
Sanchez, Grace D. 2002. Isang
pagsusuri sa kulturang Pilipino na
masasalamin sa mga kwentong
Batangueno. Di-nalathalang tisis,
University of Batangas.
6. Mga artikulo mula sa journal, magasin,
dyaryo at newsletter
Ramirez, Kathleen C. 2005, Agosto 19.
Mga salitang Batangueno. Balita,
13-14.
7. hanguang elektroniko
Dimaandal, Novie S. 1999. Mga
panitikang batangueno.
http://batangasliterature.com
http://batangasliterature.com
Mga panitikang batangueno.
http://batangasliterature.com
________________(Pamagat)____________________
________(nakasulat sa malalaking titik)________
___________________________
Isang Pamanahong Papel
Na Inihanda Para kay
Dr. Amelita J. Driz
University of Batangas
Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan ng mga Pangangailangan
sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
nina
(Pangalan, Middle Initial, Apelyedo)
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________
Hunyo, 2016
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,
ang pamanahong papel na ito na pinamagatang _______(nakasulat
nang pahilis ang pamagat, malaking titik ang simula ng bawat
salita)_____ ay inihanda ng mga mananaliksik mula sa FIL 1 na
binubuo nina :
_________________ _________________
_________________ _________________
___________________________________________________
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, University of
Batangas, bilang isa sa mga pangangailangan ng asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,.
DR. AMELITA J. DRIZ
Propesor
PASASALAMAT
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng
mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal
dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon tungo sa
matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na
ito:
Kay _______________________, sa kanyang
________________
__________________________________ .
Sa mga __________________, sa kanilang
__________________
__________________________________ .
-Mga Mananaliksik-
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagating Pahina
Dahon ng Pagpapatibay
Pasasalamat
Paghahandog
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon ………………………………………………… 1
Layunin ng Pag-aaral ………………………………………
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kaugnay na Literatura
Kaugnay na Pag-aaral
Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Mga Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
Bibliyograpi
Apendiks
•Liham Para sa Mga Respondente
•Sarbey-Kwestyoneyr
•Pormularyo Para sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel
•Tala Tungkol sa mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
Talahanayan 1:Distribusyon ng mga Respondente …………… 25
Talahanayan 2:
Talahanayan 3:
Grap 1 :
Grap 2
Grap 3
Grap 4
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
Introduksyon
________(pagtalakay sa global o pandaigdigang kaligiran ng
paksa)_________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_____________________________________.
_________(pagtalakay sa nasyonal o pambansang kaligiran ng
paksa)_________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________.
________(pagtalakay sa lokal na kaligiran ng
paksa)___________________________________________________
________________________________________________________
________ .
_____________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
__________________.
Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-
aaral kaugnay ng (isulat ang paksa ng pag-aaral, hindi malalaking
titik).
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa (isulat
ang paksa ng pag-aaral, hindi malalaking titik),
at naglalayong masagot ang mga sumusunod na
mga katanungan:
1.Ano ang propayl ng mga respondente batay sa:
1.1. kasarian
1.2. edad
1.3.
2.
3.
4.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aral na
ito ay napakahalaga sa mga sumusunod:
Sa mga _____________, ang pag-aaral na ito ay
magsisilbing _________________________________.
Sa mga _______________, ito
ay______________________________ .
Sa mga _________, ang kalalabasan ng pag-aaral na
ito ay ___________________.
Sa mga ____________, ang pa-aaral na ito ay
_________________________________.
Gayundin, sa mga susunod pang mga mananaliksik,
ang pag-aaral na ito ay magsisilbing sanggunian sa
kanilang mga gagawing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaal
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa (isulat ang
paksa ng pag-aaral, hindi malalaking titik).
Kasama sa pag-aaral na ito ang mga (narration ng
mga katanungan 2-4).
Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga
(deskripsyon ng mga respondente).
Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga
_______________ sapagkat _______________.
Hindi isinama sa pag-aaral na ito ang
_____________ sapagkat _______________ .
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Para sa lubusang pagkaunawa ng mga mambabasa,
sinikap ng mga mananaliksik na bigyang kahulugang
operasyonal ang mga sumusunod na terminolohiya.
Termino. Ito ay
_____________________________________________
_____________________________.
Termino. Ito ay
_____________________________________________
_______________________.
(ang mga termino ay nakahanay ayon sa paalpabetong
pagkakasunud-sunod…. 10 o higit pang termino)
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na
literature at pag-aaral kung saan ang mga nakuha at naitalang
mga datos ay lubos na nakatulong upang higit na maging
malinaw at mabisa ang isinasagawang pag-aaral.
Kaugnay na Literatura
(10 o higit pang sanggunian, maaaring lokal o foreign, aklat,
dyornal, magasin, hanguang elektroniko, ensayklopidya at iba
pa na tumatalakay sa paksang may kaugnayan sa paksang
pinag-aaralan)
Kaugnay na Pag-aaral
(5 o higit pang sanggunian,maaaring lokal o foreign, tesis,
disertasyon o pamanahong papel na tumatalakay sa paksang
may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan)
KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang
ginamit sa pananaliksik, ang mga respondente, ang mga
instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at ang
mga pamamaraang [ang-istadistika na ginamit sa
pagpapahalaga sa mga nakalap na datos.
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa
pamamaraang _______________________ na pananaliksik.
Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang
(narration ng paksa ng pag-aaral).
Mga Respondente
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito
ay mga
_____________________________________.
Sa kasalukuyan, may _____________.
Pinii ang mga respondente sapamamagitan ng
(sampling procedure na ginamit).
Sa kabuuan, may _________________
(_____) respondente ang pag-aaral na ito.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa
pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik
ay naghanda ng sarbey-kwestyuneyr na naglalayong
makapangalap ng mga datos upang masuri ang
(narration ng paksa).
Ang sarbey-kwestyuneyr na ginamit sa pag-aaral
na ito ay binubuo ng dalawang bahagi: ang unang
bahagi ay tungko sa propayl ng mga respondent
samantalang ang iklawang bahagi ay tungkol sa
(narration ng paksa)
Tritment ng mga Datos
Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang
panimulang pag-aaral lamang at hindi isang
pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng
tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka
upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito
sapamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal
na pamamaraan.
Ginamit ang mga sumusunod na pormula:
(ilahad dito ang mga istatistik pormula na gagamitin)
Lagom
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito
ay ______________________. Ang pamamaraang
ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay
ang pamamaraang deskriptib-analitik na
pananaliksik. Bumuo ang mga mananaliksik ng
sarbey-kwestyuneyr na ipinamahagi sa _____ mga
respondenteng mga ________________________.
Batay sa mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik, ang mga sumusunod ang siyang
natuklasan.
1.
2
3.
4.
Konklusyon
Pagkatapos ng maingat na pag-aaral at
pagsusuri ay inilahad ang mga sumusunod
na konklusyon:
1.Batay sa naitalang kasarian, edad, _____
at _____ ng mga respondente, masasabing
ang mga tumugon sa pag-aaral na ito ay
_______________ .
2.
3.
Rekomendasyon
Batay sa mga kinalabasan ng pag-
aaral at sa mga konklusyong naitala,
ang mga sumusunod ay itinatagubilin
ng mga mananaliksik:
1.
2.
3.
4.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
Aquino, Virgie S,, Dilay, Alice M. &
Mendoza, Dianne T. 2004. Wikang
Filipino at kulturang Pinoy. Manila:
National Bookstore.
Dimaandal, Novie S. 1999. Mga
panitikang batangueno.
http://batangasliterature.com
Paalala: hindi ito tunay na mga
sanggunian, gawa-gawa lamang para sa
layuning maipakita ang proseso ng
pagtatatala ng mga sanggunian….
Macatigbac, Jerry S. (Ed.) 1996.
Panitikan at wika. Manila: Rex
Bookstore.
Mga panitikang batangueno.
http://batangasliterature.com
Palanas, Eleanor C. & Inandan, Maryann P.
2003.. Wikang Filipino sa panahon ng
globalisasyon. Valenzuela: Mutya
Publishing House.
Sanchez, Grace D. 2002. Isang pagsusuri
sa kulturang Pilipino na
masasalamin sa mga kwentong
Batangueno. Di-nalathalang tisis,
University of Batangas.
Panopio, Donalyn M. 2000. Wika at kultura.
Manila: Rex Bookstore.
Ramirez, Kathleen C. 2005, Agosto 19. Mga
salitang Batangueno. Balita, 13-14.
http://batangasliterature.com
SANGGUNIAN
Bernales, Rolando A. Babasa, Edward E., Dimayuga,
Simeona Gina C., Driz, Amelita J. Martinez,
Maria C., Ramos, Teodosia D.G., Matilla,
Marilou S., Cruz, Erliza T., Loyola, Irma F.,
Bulatao, Valentina G, Baltazar, Rosanna E., &
Leste, Edison C. 2016. Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya
Publishing House.

More Related Content

Similar to K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .

FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa PananaliksikFILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa PananaliksikAprilLumagbas
 
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datos
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datosAng paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datos
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datosAsia School of Arts and Sciences
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesR Borres
 
Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Angel Avecilla
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikJohn Lester
 
Filipino sa piling larang week 1.pptx
Filipino sa piling larang week 1.pptxFilipino sa piling larang week 1.pptx
Filipino sa piling larang week 1.pptxferdinandsanbuenaven
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...ApHUB2013
 
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxQ2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxCRISTYMAEDETALO
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikJohn Lester
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...ApHUB2013
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiMARIA KATRINA MACAPAZ
 
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptxKarinaDelaCruz36
 

Similar to K-12-Fil-Pananaliksik.ppt . (20)

Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Pananaliksik2
Pananaliksik2Pananaliksik2
Pananaliksik2
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa PananaliksikFILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
FILDIS-YunitII-Batayang Kaalaman sa Pananaliksik
 
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datos
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datosAng paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datos
Ang paksa at ang pamagat pampananaliksik pangangalap ng mga datos
 
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the PhilippinesCompilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
Compilation of Learning Modules for Grade 7 Education System of the Philippines
 
Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7Compilation of Learning Modules GRADE 7
Compilation of Learning Modules GRADE 7
 
Kahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng PnanaliksikKahalagahan ng Pnanaliksik
Kahalagahan ng Pnanaliksik
 
Filipino sa piling larang week 1.pptx
Filipino sa piling larang week 1.pptxFilipino sa piling larang week 1.pptx
Filipino sa piling larang week 1.pptx
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
 
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptxQ2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx
 
Disenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng PananaliksikDisenyo ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
Modyul 1 gawain 1 sanggunian (division of paranaque and san juan) - grade 7 l...
 
Paksang pampananaliksik
Paksang  pampananaliksikPaksang  pampananaliksik
Paksang pampananaliksik
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Pananaliksik 112
Pananaliksik 112Pananaliksik 112
Pananaliksik 112
 
Learning plan
Learning planLearning plan
Learning plan
 
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptxFILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
FILIPINO 8-Q1 MOD5.pptx
 
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
631925159-KAHALAGAHAN-at-KABULUHAN-ng-PANANALIKSIK-sa-WIKA-at-pptx.pptx
 

K-12-Fil-Pananaliksik.ppt .

  • 1. PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK Second Quarter
  • 2. PANIMULANG GAWAIN Sa oras na ito, maaari nyo bang ibahagi sa klase ang isang malaking tanong sa inyong kaisipan na kailangan ng kasagutan, maaaring suliraning kinakaharap ng inyong komunidad…. maaaring pananaw ng pangkat ng mga tao kaugnay ng isang isyu…o kahit anong paksain….
  • 3. PANANALIKSIK -isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sitematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakaap na datos ay mahaharap naman sa isa pang esensyal na gawain --- ang paghahanda sa ulat pampananaliksik.
  • 4. Layunin ng Pananaliksik - preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
  • 5. Katangian ng Mabuting Pananaliksik 1. Ang pananaliksik ay sistematik. 2. Ang pananaliksin ay mapanuri. 3. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling 4. Ang pananaliksik ay gumagamit ng ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo.
  • 6. 5. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. 6. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obsebasyon at deskripsyon. 7. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.
  • 7. 8. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan. 9. Ang pananaliksik ay nangngailangan ng tapang. 10. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat.
  • 8. Pananagutan ng Isang Mananaliksik KATAPATAN -kinikilala sa pinagkunan ng mga datos at iba pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik. - hindi nagkukubli ng mga datos para lamang palakasin o pagtubayin ang isang argument o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw.
  • 9. Plagyarismo - pangongopya ng mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod o balangkas ng isang akda, programa , himig at iba pa, na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. - isang uri g pagnanakaw at pagsisinungaling na may karampatang kaparusahan.
  • 10. Etika ng Pananaliksik - napakalaking kasalanan ng plagyarismo. Intellectual Property Rights Law
  • 11. Walang nagtitwala sa isang magnanakaw at sinungaling. Kung matuklasan na ang isang mananaliksik ay nangopya at hindi kumilala sa kanyang pinagkunan, sapat na ito para mabura ang lahat ng iba pa niyang pinagpaguran. Hindi na kapani-paniwala ang kanyang saliksik at hindi mapagkakatiwalaan pa ang kanyang gawain. Parang sinisira na ri niya ang kanyang pangalan at kinabukasan. Alalahaning kung madali para sa sinumang estudyante ang mangopya, magiging madali rin para sa kanya ang gumawa ng korapsyon kung siya ay nagtatrabaho na (Atienza, et. al., 1996).
  • 12. PAMANAHONG PAPEL - isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagwa sa mga estudyante sa mataas na paaralan at kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangang akademiko. - nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na Gawain kaugnay ng pag- aaral ng isang paksa sa isang kurso o subject sa loob ng isang panahon o term
  • 13. Ang sukatan ng kabutihan ng isang pamanahong papel ay ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman nito.
  • 14. Bahagi ng Pamanahong Papel A. Mga Pahinang Preliminari B. Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito C. Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura D. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik E.Kabanata V: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos F. Kabanata VI: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon G. Mga Panghuling Pahina
  • 15. A. Mga Pahinang Preliminari 1. Fly Leaf 1 2. Pamagating Pahina 3. Dahon ng Pagpapatibay 4.Pasasalamat o Pagkilala 5. Pag-aalay o Dedikasyon (opsyonal na bahagi) 6. Talaan ng Nilalaman 7. Talaan ng mga Talahanayan at Grap 8. Fly Leaf 2
  • 16. Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1. Panimula o Introduksyon 2. Layunin ng Pag-aaral 3. Kahalagahan ng Pag-aaral 4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
  • 17. Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 1. Disenyo ng Pananaliksik 2. Respondente 3. Instrumento ng Pananaliksik 4. Tritment ng mga Datos
  • 18. Mga Panghuling Pahina 1. Listahan ng mga Sanggunian 2. Apendiks o Dahong Dagdag
  • 19. Hanguan ng Paksa ng Pananaliksik 1. Sarili 2. Dyaryo at Magasin 3. Radyo, TV, Cable TV 4. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro 5. Internet 6. Aklatan PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK
  • 20. Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa •Kasapatan ng Datos •Limitasyon ng Panahon •Kakayahang Pinansyal •Kabuluhan ng Paksa •Interes ng Mananaliksik
  • 21. Paglilimita ng Paksa 1. Panahon 2. Edad 3. Kasarian 4. Perspektibo 5. Lugar 6. Grupong kinabibilangan 7. Partikular na Halimbawa o Kaso
  • 22. Pamagat – Pamapananaliksik •Malinaw (hindi matalinhaga) •Tuwiran (hindi maligoy) •Tiyak (hindi masaklaw)
  • 23. Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos 1. Hanguang primarya 2. Hanguang sekundarya 3. Hanguang elektroniko Pangangalap ng Impormasyon at Datos
  • 24. Mga Hanguang Primarya 1.Mga indibidwal o awtoridad 2.Mga grupo ng organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga minorya at iba pa 3.Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng Konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata, katitikan sa korte, talaarawan o dayari.
  • 25. Mga Hanguang Sekundarya 1. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, yearbook, almanac, atlas at iba pa. 2. Mga nalathalang artihkulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter 3. Mga tisis, disertasyon, pamanahong papel, nalathala man o hindi 4. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
  • 26. Mga Bagay na Dapat isaalang-alang sa paggamit ng hanguang elektroniko 1. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan? 2. Sino ang may-akda? 3. Ano ang layunin? 4. Makatotohanan ba ang teksto? 5. Napapanahon ba ang impormasyong nakalahad?
  • 27. Tatlong Yugto ng pananaliksik sa Silid-aklatan 1. Panimulang Paghahahap kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, index, hanguang elektroniko o internet 2. Pagsusuri (browsing, skimming at scanning 3. Pagbabasa at Pagtatala
  • 28. Tatlong Uri ng Kard 1. Kard ng Paksa (Subject Card) PHILIPPINE POETRY (FILIPINO) F Rubin, Ligaya Tiamson PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at 6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle P11 University Prss, Inc. c.2000 2000 179p. 23cm ISBN 971-555-335-4 1. Philippine petry (Filipino) I. Title
  • 29. 2. Kard ng Awtor (Author Card) RUBIN L.T. F Rubin, Ligaya Tiamson PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at 6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle P11 University Prss, Inc. c.2000 2000 179p. 23cm ISBN 971-555-335-4 1. Philippine petry (Filipino) I. Title
  • 30. 3. Kard ng Pamagat (Title Card) Paano Tumula ang Isang Ina: Tula ng Buhay F Rubin, Ligaya Tiamson PL Paano tumutula ang isang ina: tula ng buhay at 6165.4 R9 bayan/Ligaya Tiamson-Rubin. Manila: De La Salle P11 University Prss, Inc. c.2000 2000 179p. 23cm ISBN 971-555-335-4 1. Philippine petry (Filipino) I. Title
  • 31. Pagtatala ng mga Impormasyon o Datos 5 X 8 notecards 1.Pamagat ng impormasyon o datos 2.Impormasyon o datos na nais ibilang sa pananaliksik at bibigyang paliwanag 3.May-akda o mga may-akda 4.Pamagat ng aklat, magasin o kung saan kinuha ang impormasyon kasama ang pahina kung saan nakuha ito.
  • 32. Dalawang Paraan ng Pagtatala ng mga Impormasyon o Datos 1. Tuwirang sipi “Ang ulat sa maikling kathang Tagalog ay hindi magiging ganap kung di mababanggit ang isang institusyon sa ganang sarili --- si Lola Basyang………” - Ponciano B. P. Pineda, G. K. del Rosario- Pineda, Tomas C. Ongoco; Ang Panitikang Pilipino sa Kanluraning Bansa; Caloocan, National Bookstore,pp. 308-309; 1979
  • 33. 2. Pabuod Isang institusyon sa maikling kathang Tagalog si Severino Reyes, nakilala sa sagisag na Lola Basyang sa mga salaysay …….. - Ponciano B. P. Pineda, G. K. del Rosario- Pineda, Tomas C. Ongoco; Ang Panitikang Pilipino sa Kanluraning Bansa; Caloocan, National Bookstore,pp. 308-309; 1979
  • 34. Dokumentasyon - manipestasyon ng katapatan ng isang mananaliksik - nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na ginamt ng mananaliksik.
  • 35. M.L.A. (Modern Language Association) A. P. A (American Psychological Asociation) talang-parentetikal (parenthetical citation) (Bernales, p. 25) (Bernales, 2015)
  • 36. A.P.A. (American Psychological Association) A. Kung babanggitin ang pangalan ng awtor sa loob ng teksto 1. isang awtor Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang wika. Ngunit sa pag- aaral ng katutubong wika …….
  • 37. 2. dalawang awtor Inamin nina Seiler at Beall (2002) na ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng ………
  • 38. 3. tatlo o higit pang awtor Ipinahayag nina Bernales, et. al. (2001) na sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan.
  • 39. 4. dalawang awtor na pareho ang apelyido Sinabi nina E. Trece at J.W. Trece (1977) na ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyo n para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon.
  • 40. B.Kung hindi babanggitin ang pangalan ng awtor sa loob ng teksto 1. isang awtor Mahalaga ang pakikinig sa pag-aaral ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang apaglinang sa kakayahan sa pagbasa at pagsulat (Nunan, 1977).
  • 41. 2. dalawang awtor Ang isang tipikal na mag- aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kursong pakikinig (Seiler at Beall, 2002).
  • 42. 3. tatlo o higit pang awtor Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa integratibong paraan (Bernales, et. al., 2001).
  • 43. 4. dalawang awtor na pareho ang apelyido Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyo n para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J.W. Trece, 1977).
  • 44. C. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na publikasyon na sumasalamin sa responsableng pamamahayag ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (UB Student Handbook, 1996).
  • 45. D. Kung ang babanggitin ay bahagi ng isang akdang may higit sa isang bolyum Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang panghihimagsi. Isinulat niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa mga bagong mananakop (Bernales 4: 2002).
  • 46. E. Kung babanggitin ang dalawa o higit pang akda ng iisang awtor na pinagkunan ng ideya Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at Mabisang Komunkasyon), tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika.
  • 47. F. Kung ang datos mula sa isang awtor ay nakuha mula sa akda ng ibang awtor Tinukoy ni Halliday (1961; sa Bernales, et. al, 2000) ang pitong tungkulin ng wika.
  • 48. G. Kung ang mga datos o impormasyon ay hango sa internet 1. Kung batid ang awtor May walong tinukoy na hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik (Blankenship, www.humankinetics.com)
  • 49. Sa www.humannetics.com, walo ang tinukoy ni Blankenship sa pagsasagawa ng pananaliksik.
  • 50. Ayon sa campus.muraystate.edu, pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa suliranin. Pangunahin sa mga hakbang sa pananaliksik ang pagtukoy sa suliranin (campus.muraystate.edu).
  • 51. Disenyo ng Pananaliksik 1. Deskriptibong Pananliksik 2. Disenyong Action Research 3.Historikal na Pananaliksik 4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) 5. Komparatibong Pananaliksik 6. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies) 7. Etnograpikong Pag-aaral 8. Disenyong Eksploratori
  • 52. 1. Deskriptibong Pananaliksik - Palarawang pananaliksik -pinag-aaralan ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan - Naglalarawan ng tiyak at kasalukuyang kondisyon ng mga pangyayari
  • 53. Halimbawa: Persepsyon ng mga Propesor sa University of Batangas Kaugnay ng Pagpapatupad ng Two-Child Policy sa Pilipinas Antas ng Pagamit ng Tatlong Core Values ng mga Mag-aaral sa University of Batangas sa Kanilang Pag-aaral
  • 54. 2. Disenyong Action Research - Inilalarawan at tinatasa ang isang tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pang layuning palitan ng mas epektibong pamamaraan. -Habang isinasagawa ito ay bumubuo rin ng mga plano at estratehiya kung paanong makapagbibigay ng makabuluhang rekomendasyon
  • 55. Halimbawa: Pagtataya sa Kahusayan ng Outcome- Based Education (OBE) sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Larangan ng Arkitektura Epektibong Estratehiya sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral na may Suliranin sa Pandinig
  • 56. 3.Historikal na Pananaliksik - Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pangangalap ng datos upang makabuo ng kongklusyon hinggil sa nakaraan. - Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawasa nakaraan, kung paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay at ang pinagdaanang proseso kung paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan
  • 57. 4. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) - naglalayon na malalimang unawain ang isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t ibang paksa ng pag-aaral. - Ginagamit upang paliitin, maging mas ispesipiko kaya’y pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.
  • 58. Halimbawa: Kahirapan sa Pagkatuto ng Wikang Filipino: Kaso ng Ilang Foreign Students sa University of Batangas Kaso ng Isang Doktor na Piniling Maging caregiver sa Estados Unidos
  • 59. 5. Komparatibong Pananaliksik - Naglalayong maghambing ng anumang konsepto, kultura, bagay, pangyayari. Halimbawa: Komparatibong Pagsusuri ng mga Panitikang Pambata ng mga tagalog at Bisaya Komparatibong Pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine Star at Philippine Daily Iquirer sa pagbisita ni Pope Frances sa Pilipinas
  • 60. 6. Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies) - Madalas itong inihahanay sa deskriptibong pananaliksik dahil naglalayong maglarawan ng ano mang paksa. - Pagkakaiba, hindi lamang agbibigay ng simpleng deskripsyon kundi nagbibigay- diin sa pagpaabutii o pagpapaunlad ng populasyong pinag-aaralan batay sa tanggap na modelo at pamantayan.
  • 61. Halimbawa: Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng Magsaysay High School Batay sa Itinatakdang Kompetensi ng DepEd
  • 62. 7. Etnograpikong Pag-aaral - Uri ng pananaliksik sa agham na nag- iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunidad sapamamagitan ng pakikisalamuha rito. - Nakabatay sa pagtuklas ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sapamamagitan ng kanilang pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura at iba pa. Hal. Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw
  • 63. 8. Disenyong Eksploratori - Isinasagawa kung wala pang gaanong pag-aaral na naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. - Layuning makapaglatag ng bagong ideya o makabuo ng tentatibong teorya o haypotesis tungo sa mas malalim na pagkaunawa sa paksa. Hal. Panimulang Pag-aaral sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng Usaping Pangkapayapaan sa Mindanao
  • 64. Interbyu - pasalitang diskurso ng dalawang tao o ng isang pangkat ng tao at isang indibidwal ---- ang una’y ang interbyuwer at ang ikalawa’y ang interbyuwi. - Layuning makakuha ng mga mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa.
  • 65. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Interbyuwi 1. May malawak na kaalaman 2. relayabol 3. abeylabol
  • 66. Sarbey-Kwestyoner - talatanungan - listahan ng mga planado at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong pagsasagutan ng mga respondente t inihanda para sagutan ng maraming respondente.
  • 67. Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr 1. Simulan ito sa isang talataang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan ng matapat at akyureyt na sagot ng mga respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr , garantiya ng anonimiti, pagpapasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente ng kooperasyon.
  • 68. 2. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon. 3. Tiyaking tama ang gramamar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr. 4. Iwasan ang pagkiling na katanungan. 5. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipiliian.
  • 69. 6. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik. 7. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunud-sunod. 8. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kompidensyal na sagot o mga nakahihiyag impormasyon.
  • 70. 9. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ng mga mahihirap na tanong. 10. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian. 11. Panatilihing anonimus ang mga respondente.
  • 71. PRESENTASYON NG MGA DATOS - Proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa mga lohikal, sikwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral.
  • 72. Tatlong Paraan ng Presentasyon ng mga Datos 1.Tekstwal na Presentasyon 2. Tabular na Presentasyon 3. Grapikal na Presentasyon
  • 73. 1.Tekstwal na Presentasyon - Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos. - layuning maipokus ang atensyon sa ilang mahahalagang datos at upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal.
  • 74. Pangangailangan ng Isang Tekstwal na Presentasyon 1. Kaisahan – pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata. 2. Kohirens – pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng isang talataan. 3. Empasis – pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon.
  • 75. Halimbawa: Noong taong 2000, tumaas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang naitala ng Departamento ng Turismo noong 1996. Dalawampung bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng mga turista noong 2004. Gayon din ang itinaas noong 2008. Samakatwid, lumilitaw na tumataas ang dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang dumarayo sa Pilipinas tuwing ikaapat na taon mula 1996 hanggang 2008.
  • 76. 2. Tabular na Presentasyon - Gumagamit ng estadistikal na talahanayan - Ang magkakaugnay na datos ay ianaayos nang sistematiko. - Ang mga numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ikaita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak at nauunawaang anyo.
  • 77. Talahanayan ng Ispesipikasyon sa Filipino, Baitang 7 Paksang Aralin Layunin ng Pag-aaral Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Kabuuan6 1 10 22% 10 22% 2 6 13% 3 7% 1 2% 10 22% 3 4 5 Kabuuan
  • 78. 3. Grapikal na Presentasyon -presentasyon na kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol sa anyong pakarawan o diagmatik. Layn grap Bar grap Bilog na grap piktograp
  • 79. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom 1. Simulan sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag- aaral, respondete, saklaw , limitasyon, at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentog ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi a kailangan ang anumang eksplanasyon.
  • 80. 2. Ilahad sa paraang tekstwal at numrikal sapamamagitan ng pagbubuod ng mga importanteng datos. 3. Hwag gumawa ng interpretasyon dahil mauulit lamang sa kongklusyon 4. Banggitin ang mga importanteng tuklas o haylayt lalong-lalo na yong mga pinagbatayan ng kongklusyon.
  • 81. 5. Hwag nang ipaliwanag nag mga datos. 6. Gawing maikli at tuwiran ang mga pahayag. 7.Hwag magdaragda ng bagong datos o impormasyon.
  • 82. Kongklusyon 1. Lahat ng kongklusyon ay nararapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap. 2. Dapat masagot ang tumapak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral. 3. Hindi dapat repitasyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong papel.
  • 83. Rekomendasyon 1, Nararapat maglayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon. 2. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapabuti ng mga iyon. 3. Maaaring irekomenda sa ibang mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng ibang saklaw, panahon, lokasyon upang ma-verify ang mga natuklasan sa pag- aaral.
  • 84. Listahan ng mga Sanggunian Mga impormasyong dapat makita sa Listahan ng mga Sanggunian 1. Awtor o mga awtor 2. Taon ng publikasyon 3. Pamagat 4.Lugar ng publikasyon 5. Tagalimbag
  • 85. 1. aklat na may isang awtor Paalala: hindi ito tunay na mga sanggunian, gawa-gawa lamang para sa layuning maipakita ang proseso ng pagtatatala ng mga sanggunian…. Panopio, Donalyn M. 2000. Wika at kultura. Manila: Rex Bookstore.
  • 86. 2. dalawang awtor Palanas, Eleanor C. & Inandan, Maryann P. 2003.. Wikang Filipino sa panahon ng globalisasyon. Valenzuela: Mutya Publishing House.
  • 87. 3. Tatlo o higit pang awtor Aquino, Virgie S,, Dilay, Alice M. & Mendoza, Dianne T. 2004. Wikang Filipino at kulturang Pinoy. Manila: National Bookstore.
  • 88. 4. Inedit na aklat Macatigbac, Jerry S. (Ed.) 1996. Panitikan at wika. Manila: Rex Bookstore. 5. Di-nalathalang disertasyon, tisis o pamanahong papel Sanchez, Grace D. 2002. Isang pagsusuri sa kulturang Pilipino na masasalamin sa mga kwentong Batangueno. Di-nalathalang tisis, University of Batangas.
  • 89. 6. Mga artikulo mula sa journal, magasin, dyaryo at newsletter Ramirez, Kathleen C. 2005, Agosto 19. Mga salitang Batangueno. Balita, 13-14.
  • 90. 7. hanguang elektroniko Dimaandal, Novie S. 1999. Mga panitikang batangueno. http://batangasliterature.com http://batangasliterature.com Mga panitikang batangueno. http://batangasliterature.com
  • 91. ________________(Pamagat)____________________ ________(nakasulat sa malalaking titik)________ ___________________________ Isang Pamanahong Papel Na Inihanda Para kay Dr. Amelita J. Driz University of Batangas Bilang Bahagi ng Pagsasakatuparan ng mga Pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik nina (Pangalan, Middle Initial, Apelyedo) _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ Hunyo, 2016
  • 92. DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang _______(nakasulat nang pahilis ang pamagat, malaking titik ang simula ng bawat salita)_____ ay inihanda ng mga mananaliksik mula sa FIL 1 na binubuo nina : _________________ _________________ _________________ _________________ ___________________________________________________ Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, University of Batangas, bilang isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik,. DR. AMELITA J. DRIZ Propesor
  • 93. PASASALAMAT Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang mahahalagang kontribusyon tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito: Kay _______________________, sa kanyang ________________ __________________________________ . Sa mga __________________, sa kanilang __________________ __________________________________ . -Mga Mananaliksik-
  • 94. TALAAN NG NILALAMAN Pamagating Pahina Dahon ng Pagpapatibay Pasasalamat Paghahandog Talaan ng Nilalaman Talaan ng mga Talahanayan at Grap Kabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon ………………………………………………… 1 Layunin ng Pag-aaral ……………………………………… Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Depinisyon ng mga Terminolohiya Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura Kaugnay na Literatura Kaugnay na Pag-aaral
  • 95. Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik Mga Respondente Instrumento ng Pananaliksik Tritment ng mga Datos Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom Kongklusyon Rekomendasyon Bibliyograpi Apendiks •Liham Para sa Mga Respondente •Sarbey-Kwestyoneyr •Pormularyo Para sa Pag-eebalweyt ng Pamanahong-Papel •Tala Tungkol sa mga Mananaliksik
  • 96. TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP Talahanayan 1:Distribusyon ng mga Respondente …………… 25 Talahanayan 2: Talahanayan 3: Grap 1 : Grap 2 Grap 3 Grap 4
  • 97. KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO Introduksyon ________(pagtalakay sa global o pandaigdigang kaligiran ng paksa)_________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _____________________________________. _________(pagtalakay sa nasyonal o pambansang kaligiran ng paksa)_________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _________________.
  • 98. ________(pagtalakay sa lokal na kaligiran ng paksa)___________________________________________________ ________________________________________________________ ________ . _____________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ __________________. Dahil dito, minarapat ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag- aaral kaugnay ng (isulat ang paksa ng pag-aaral, hindi malalaking titik).
  • 99. Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa (isulat ang paksa ng pag-aaral, hindi malalaking titik), at naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan: 1.Ano ang propayl ng mga respondente batay sa: 1.1. kasarian 1.2. edad 1.3. 2. 3. 4.
  • 100. Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aral na ito ay napakahalaga sa mga sumusunod: Sa mga _____________, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing _________________________________. Sa mga _______________, ito ay______________________________ . Sa mga _________, ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay ___________________. Sa mga ____________, ang pa-aaral na ito ay _________________________________. Gayundin, sa mga susunod pang mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magsisilbing sanggunian sa kanilang mga gagawing pag-aaral.
  • 101. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaal Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa (isulat ang paksa ng pag-aaral, hindi malalaking titik). Kasama sa pag-aaral na ito ang mga (narration ng mga katanungan 2-4). Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga (deskripsyon ng mga respondente). Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga _______________ sapagkat _______________. Hindi isinama sa pag-aaral na ito ang _____________ sapagkat _______________ .
  • 102. Depinisyon ng mga Terminolohiya Para sa lubusang pagkaunawa ng mga mambabasa, sinikap ng mga mananaliksik na bigyang kahulugang operasyonal ang mga sumusunod na terminolohiya. Termino. Ito ay _____________________________________________ _____________________________. Termino. Ito ay _____________________________________________ _______________________. (ang mga termino ay nakahanay ayon sa paalpabetong pagkakasunud-sunod…. 10 o higit pang termino)
  • 103. KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literature at pag-aaral kung saan ang mga nakuha at naitalang mga datos ay lubos na nakatulong upang higit na maging malinaw at mabisa ang isinasagawang pag-aaral. Kaugnay na Literatura (10 o higit pang sanggunian, maaaring lokal o foreign, aklat, dyornal, magasin, hanguang elektroniko, ensayklopidya at iba pa na tumatalakay sa paksang may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan) Kaugnay na Pag-aaral (5 o higit pang sanggunian,maaaring lokal o foreign, tesis, disertasyon o pamanahong papel na tumatalakay sa paksang may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan)
  • 104. KABANATA III DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pamamaraang ginamit sa pananaliksik, ang mga respondente, ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at ang mga pamamaraang [ang-istadistika na ginamit sa pagpapahalaga sa mga nakalap na datos. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa pamamaraang _______________________ na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang (narration ng paksa ng pag-aaral).
  • 105. Mga Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga _____________________________________. Sa kasalukuyan, may _____________. Pinii ang mga respondente sapamamagitan ng (sampling procedure na ginamit). Sa kabuuan, may _________________ (_____) respondente ang pag-aaral na ito.
  • 106. Instrumento ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang (narration ng paksa). Ang sarbey-kwestyuneyr na ginamit sa pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawang bahagi: ang unang bahagi ay tungko sa propayl ng mga respondent samantalang ang iklawang bahagi ay tungkol sa (narration ng paksa)
  • 107. Tritment ng mga Datos Dahil ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sapamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Ginamit ang mga sumusunod na pormula: (ilahad dito ang mga istatistik pormula na gagamitin)
  • 108. Lagom Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ______________________. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Bumuo ang mga mananaliksik ng sarbey-kwestyuneyr na ipinamahagi sa _____ mga respondenteng mga ________________________. Batay sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod ang siyang natuklasan. 1. 2 3. 4.
  • 109. Konklusyon Pagkatapos ng maingat na pag-aaral at pagsusuri ay inilahad ang mga sumusunod na konklusyon: 1.Batay sa naitalang kasarian, edad, _____ at _____ ng mga respondente, masasabing ang mga tumugon sa pag-aaral na ito ay _______________ . 2. 3.
  • 110. Rekomendasyon Batay sa mga kinalabasan ng pag- aaral at sa mga konklusyong naitala, ang mga sumusunod ay itinatagubilin ng mga mananaliksik: 1. 2. 3. 4.
  • 111. LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN Aquino, Virgie S,, Dilay, Alice M. & Mendoza, Dianne T. 2004. Wikang Filipino at kulturang Pinoy. Manila: National Bookstore. Dimaandal, Novie S. 1999. Mga panitikang batangueno. http://batangasliterature.com Paalala: hindi ito tunay na mga sanggunian, gawa-gawa lamang para sa layuning maipakita ang proseso ng pagtatatala ng mga sanggunian….
  • 112. Macatigbac, Jerry S. (Ed.) 1996. Panitikan at wika. Manila: Rex Bookstore. Mga panitikang batangueno. http://batangasliterature.com Palanas, Eleanor C. & Inandan, Maryann P. 2003.. Wikang Filipino sa panahon ng globalisasyon. Valenzuela: Mutya Publishing House.
  • 113. Sanchez, Grace D. 2002. Isang pagsusuri sa kulturang Pilipino na masasalamin sa mga kwentong Batangueno. Di-nalathalang tisis, University of Batangas. Panopio, Donalyn M. 2000. Wika at kultura. Manila: Rex Bookstore. Ramirez, Kathleen C. 2005, Agosto 19. Mga salitang Batangueno. Balita, 13-14. http://batangasliterature.com
  • 114. SANGGUNIAN Bernales, Rolando A. Babasa, Edward E., Dimayuga, Simeona Gina C., Driz, Amelita J. Martinez, Maria C., Ramos, Teodosia D.G., Matilla, Marilou S., Cruz, Erliza T., Loyola, Irma F., Bulatao, Valentina G, Baltazar, Rosanna E., & Leste, Edison C. 2016. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House.